Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (31-35)

by: Fugi

..............at nang mapaling ang tingin ko kay anthony ay napansin kong parang malalim ang iniisip nito

Agad ko itong sinuntok ng mahina sa kanyang deltoid area (mga pips alam nyo na yan kung saan, naitrivia ko na yan sa last last chapter may pics-tures pa nga kaya ang magtatanong pa niyan ay... ay isusumbong ko sa pansampong boss ng Vonggola (tama ba spelling?? Hehe).. hahahaha yes naisingit ko ito, paano kasi mga pips ibinalik na ulit sa Hero TV ang Hitman Reborn kaya naisama ko sya dito.. hehe)


Ako: hoy! (pagkuha ko dito ng atensyon humarap lang ito sa akin sabay biglang patong ng kamay nito ulo ko sabay gulo ng buhok ko kasabay noon ay pagpapakawala nito ng ngiti), buhok ko (parang batang saway ko dito)

Anthony: kahit anong ayos naman niyan ay cute ka pa din ih! (nakangiti pa rin ito sa akin sabay alis ng kamay niya), pero kung ako iyon, gwapo pa din ako (natatawa na nitong sabi sa akin)

Ako: buti hindi ka nabibigatan (kunyaring seryoso kong tugon sa kanya)

Anthony: saan naman? (kasama ng natataka nitong reaksyon)

Ako: lagi ka na lang kasing nagbubuhay ng sarilimong bangko (natatawa ko namang bira dito)

Anthony: ah ganoon! (sabay lagay ulit nito ng kamay sa ulo ko sabay mabilisang ginulo ang buhok ko, tawa naman kami ng tawa sa puntong iyon)

Ako: tama na , hoy! (pagsaway ko na dito), drive ka na kasi late na tayo ih! (naidagdag ko at tumigil na nga si anthony pagkatapos ay iginaya na ang atensyon sa manubela at maya maya lang pinaan-andar na ito)

Nang mapatama naman ang tingin ko sa salamin ng kotse ay nagtama ang tingin namin ni ian at sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng hiya at at at ewan may kung ano sa tingin niya na parang may nais ipabatid kaso.. kaso hindi ko naman maintindihan o baka OA lang talaga ako (hehehe)

Ako na rin ang unang bumitaw sa tinginan na iyon sabay paling sa bintana. Katahimikan ang sunod na namayani sa aming tatlo, parang parang nagpapakiramdaman kung sinong unang magbubukas pag-uusapan at babasag sa nanaig na katahimikan

Kaso walang nangahas, namalayan na lang namin na malapit na kami sa campus at nang makapasok at maiparada na ni anthony ang sasakyan niya, agad naman kaming bumaba, pagkababa ay biglang umimik si ian....

Ian: tol salamat! (sabi nito kay anthony pagkatapos ay sabay tingin nito sa akin at ngumiti, nagulat nalang ako ng ... ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at at akala ko kung anong gagawin niya, yun pala ay..... ay iniayos pala nito nung mga tayo-tayo pang mga buhok na dahil sa paggugulo ni anthony nito kanina.........mga pipzzz nagulat na naman ako.. kasi nga,, alam nyo na naman ang dahilan “hindi ako nainform”.. hahaha), yan ayos na (nakangiting dagdag nito, na tinugunan ko na lang ng ngiti din... speechless eh!... hahaha)

Sa kabilang dako ay hindi na namin napansin na mataman na palang nakamasid si anthony sa amin

Pagkatapos noon ay agad na akong inakbayan ni ian at agad akong minaniobra para madala ako sa paglalakad niya

Ian: tara na sa gym baka andoon na prof natin (sabi nito)

Agad akong lumingon sa likod dahil si anthony

Ako: tara na sa gym! (nakangiti kong aya dito na tinugunan naman nito ng isang magandang ngiti)

Agad na akong nadala sa paglalakad ni ian dahil nakaakbay ito sa akin at ramdam ko na naman ang pagsunod na ni anthony sa likuran namin

Pagkadating namin sa gymnasium (kung saan sya ang designated room para sa P.E. subject namin at nang iba pang sections) ay nandoon na ang mga kaklase namin pati na rin si janine at sinalubong naman kami ng mga ngiti ng mga ito lalo na yung mga kaklase ko na nagtatama ang mga paningin namin

Janine: dito na kayo umupo, pinagsaved ko kayo ng pwesto ha! (sabay turo nito sa espasyo sa tabi niya)

Ako: salamat (nakangiti kong sabi dito)

Janine: ay upo na kayo (pag-anyaya nito sa amin, humarap naman ako kay ian)

Ako: kamay mo po (tukoy ko sa kamay nitong nakaakbay sa akin), upo na tayo (dagdag ko)
Ian: maya na tayo umupo (nakangiting tugon nito sa akin)

Ako: hala ginagawa mo lang akong tuunan ih! (parang bata kong sabi dito na ikinatawa nya lang)

Ian: sige na nga, nagmamaktol na ang bata (natatawang sabi nito sabay pisil sa pisngi ko at alis na ng pagkakaakbay nito)

Agad na akong tumabi ng upo kay janine, nang makaupo na ako, naramdaman kong may tumabi na rin sa akin at nanglingunin ko ito ay tumambad sa akin ang nakangiting si anthony, nginitian ko din sya

 At nang mapadpad ang tingin ko sa nakatayo pa rin palang si ian ay nakatingin lang din pala ito sa akin o... o sa ... sa amin (basta nakatingin sya.. hahahaha)

Ako: upo na! ikaw na lang standing ovation (biro ko sa kanya at ngumiti lang din ito sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang bag niya na tinanggap ko naman, akala ko ay sa tabi siya ni anthony pipwesto pero nakiusap sya sa isa naming kaklase na nasa likod ko at doon sya mismo umupo)

Maya maya pa ay biglang pumasok sa gym ang isang grupo ng pinaghalong babae at lalaki, may bata pa ang itsura meron namang medyo may edad na, naghiwahiwalay sila at nagpunta sa umpukan ng ibat-ibang mga estudyante na magkakaseksyon

Ang lumapit sa amin na galing sa grupo nila ay isang lalaki na parang nasa mid 30’s na at tinanong ang section namin, umimik yung iba naming kaklasmates at sinagot ang tinatanong niya at nang malaman niya ang section namin ay agad itong nagpakilala na sya daw ang magiging P.E. instructor namin. Katulad nang mga nauna ay pinaghanda niya kami ng 1/8 index card kung saan nilalaman nito ay impormasyon tungkol sa amin, maya maya ay kinuha na niya ito alphabetically at pagkatapos ay tinawag kami isa isa para pirmahan ang registration form namin

Pagkatapos noon ay nagdiscuss sya ng mga rules nya tapos noon ay ibinigay nya iyong summary ng activities na gagawain namin sa buong semester na iyon tapos yung grading system para sa subject niya at nang matapos ay agad nya na rin kaming dinismiss pagkabigay niya ng assignments.

Pagkaalis ng prof ay napag-usapan namin si janine yung about sa report namin sa nat-sci at since sobrang haba pa ng oras bago ang klase namin sa CWTS ay napagkasunduan naming simulan na iyon

Agad kong sinabi kena ian at anthony iyon at parehas naman silang nagsabi na sasama na lang sa amin sa pagreresearch sa library

Nang makarating na kami sa Library ng school na kung tawagin ay IMC o Instructional Media Center, ang maganda pa may baggage counter section ang library namin sa labas nito (hahaha), nang makuha na namin ang mga valuable things (wow!) namin pati na rin ang imc cards (na essential para makapasok kami doon, makahiram at makagamit ng kakailanganin namin sa pagreresearch) ay agad na naming iniwan ang mga bags namin pagkatapos ay nagtuloy na kami sa pagpasok sa loob noon. Inukopa namin yung table na pang-apatan, magkatabi kami ni janine tas nasa harap namin si ian at anthony

Agad kaming nagpaalam ni janine sa dalawa para hanapin ang mga librong mapagkukuhanan namin ng kelangan naming impormasyon sa gagawain naming report. Medyo nagtagal kami ni janine sa paghahanap at nang mapadako ako sa kinaroroonan nina anthony at ian at nakatingin pala ang dalawa sa akin at parang may pinag-uusapan, ipinagkibit balikat ko na lang at agad itinoon ang atensyon ko sa ginagawa ko

Nakakita kami ng apat na reference books agad namin itong dinala sa table, pagkaupo ko ay tahimik lang ang dalawa na nakatingin sa akin, parang may something.. ewan pero meron talaga ih! Pero agad namang kinuha ni janine ang atensyon ko at pagkatapos ay brinaws na namin yung mga dala naming aklat , binasa yung topic ng about sa report namin at pinagdiskusyonan namin iyon kung ilalagay namin  o hindi sa report namin, matapos ang mahabang palitan namin ng ideya ay napagkasunduan na namin ang mga isasama sa report namin. Ako na ang nagprisintang magpapaphoto copy ng mga libro at hintayin nalang nila ako doon para hindi na kami pabalik balik pa

Akmang bubuhatin ko na ang mga libro nang biglang kuhanin at agawin ito sa akin palayo ng itaas ko ang aking mukha ay ang si anthony ang sumalubong sa akin
Anthony: samahan na kita (magiliw nitong pagkakasabi, hindi na ako nakatangi, hawak nya na ih!.. hehe)

Agad na kaming lumarga, buti na lang at hindi na kami lalayo pa dahil sa katabi ng baggage counter section ay meron “XEROX COPIER” (pasensya na sa term ay hindi ko alam ang tawag duon sa magsi-xerox ih!, pero walang halong biro po mero na talagang xerox machine at magsi-xerox sa labas ng IMC namin katabi nung baggage counter)

Noong mga panahon na iyon ay kami lang ang pagpapa-xerox kaya naman naging mabilis ang proseso, agad kaming nakabalik at napagpasyahang pumunta ng cafeteria para magmeryenda

Agad na kaming lumabas ng IMC at tinungo na ang daan patungong cafeteria. Kami pa rin ni janine ang magkausap para sa gagawin naming report, nariyan kung anong style ng reporting, anong materials ang gagamitin at ang hatian sa irereport

Pagkadating sa cafeteria ay kakaunti na ang mga people there (maka-english lang talaga.. hahaha) kaya dumaretso na kami sa counter lahat para umorder. Nang kukuha na ako ng tray ay hinarang ako ni anthony

Anthony: dito mo na sakin isama order mo, magsasayang ka pa ng tray ay madami pang gagamit (mahabang naitugon nito)

Ako: ang dami mo agad na sabi ah! (natatawa kong tugon dito), oo na po (at sumunod na ako sa kanya)

Nang makaupo na kami ay hinintay muna namin si ian , sya kasi ang huli, nang naglalakad na ito papunta sa kinatatayuan namin ay napansin kung may iba sa ikinikilos nito pati sa tingin at kanina ko pa ring napapansing tahimik ito (o di ba hindi nyo pa siya naririnig ulit magsalita?? Di ba?? Di ba??)

“May problema kaya ang mokong” nasabi ko na lang sa sarili ko

Kwentuhan, tawanan at kung ano ano pang kalokohan ang naganap sa oras na nakaupo at nagmemeryenda kami sa cafeteria pero pansing pansin kong may kakaiba talaga kay ian
Maya maya ay nagpaalam si ian na magsi-CR daw siya, agad akong nagpaalam din at sumunod sa kanya nang medyo malayo na kami kela anthony at janine

Ako: may problema ka ba? Parang kanina ka pang tahimik?

Ian: tahimik naman ako talaga

Ako: pero kilala na kita kaya wag ka na nga magdahilan (mahinahon kong tugon dito)

Ian: may iniisip lang ako, pero ok lang ako (pagsisiguro nito sa akin sabay pakawala ng ngiti)

Ako: sure ka ha? (nag-aalangan kong tanong at tungo at ngiti ang tinugon nito)

Nang makabalik kami ni ian mula CR sa kung nasaan si na anthony ay nagkayayaan na pumunta na sa room assignment para sa next subject namin ang CWTS. Napagkasunduan na hindi na kami magpapalit ng damit kasi first meeting naman at baka katulad nang sa mga nauna naming subjects ay idismiss din naman agad kami

Nang makarating kami sa room ay halos lahat ay nakapang P.E. uniform pa din, naupo kami sa favorite spot namin sa likuran katabi ko ian sa kaliwa at si anthony naman sa kanan tapos sa kanan naman ni ian si janine

Maya-maya ay dumating na ang prof namin, nasa early 40’s na si sir, mukhang mabait na naman kaso parang adik (peace sir! Hehe) paanosa mata nya ay yung mga line ng vessels ay mapula, pero siguro hindi lang nakatulog kagabe kaya ganoon (hahaha)

At katulad nga nang naunang mga subjects namin ay ganoon din ang pinagawa nito ang pinagkaibahan lang ay diniscuss ni sir yung about sa uniform namin. Ang tamang sout dapat namin sa subject nya ay yung t-shirt ng CWTS tapos ay maong pants at rubber shoes kaso dahil ang sinusundan naming subjects ay P.E., pumayag siya na ok lang daw yung jogging pants pero dapat t-shirt ng CWTS ang suot namin pero may exception din, pag comunity kami ay dapat nakamaong kami, sasabihin naman daw nya kung community kami, wala rin kaso sa kanya ang seating arrangement ang mahalaga ay pasukan namin ang subject nya. Pagkatapos noon ay ang inaasahan naming early dismissal (hehe)

Nang nag-aayos na ako ng gamit ay bigla namang umimik sa tabi ko si anthony

Anthony: ano ready ka na ba? (ang masaya nitong sabi)

Ako: saan? (maang kong sagot na tanong sa tanong niya)

Anthony: tara na! manloloko ka na naman ha! (sabay hila nito ng gamit ko, tinawanan ko na lang ito sa inasta niya)

Humarap naman ako kela janine at ian..

Ako: sama kayo, punta kaming sm ni anthony (pag-aya ko)

Janine: nako! May gagawin kasi ako (agad na tugon nito)

Ako: lagi ka na lang busy ah! (pagbibiro ko dito)

Janine: ganoon talaga (natatawa naman na balik nito)

Ako: ikaw ian (paling ko naman dito)

Anthony: baka may pupuntahan o gagawin din ian (pagsingit naman nito)

Ian: oo nga fugi may pupuntahan pala ako (nakangiti nitong tugon sa akin), galing mo tol ah! Nahulaan mo (dagdag nito na na kay anthony na ang tingin nito)

Ako: ganoon ba? (may himig lungkot kong tugon dito)

Ian: bawi ako next time (nakangiting sabi nito sa akin sabay tapik sa balikat ko)

Anthony: so tara na fugi (sabay akbay na nito sa akin), una na kami tol (nakangiti nitong paalam ay ian), sayo din janine (dagdag nito)

Nang papalabas na kami ni anthony ay pumaling ako sa kung nasaan si ian at nakita kong nakatingin pala ito sa akin ngumiti at itinaas ko ang isang kamay ko senyales nang pamamaalam, tinugunan din naman niya iyon ng kaparehas ng ginawa ko

Pero parang iba.... parang pilit (nasabi ko ito dahil kilala ko na siya pero hindi ko rin masiguro)

At tuluyan na nga kaming nakalabas ng room naming iyon.....

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Halos si anthony na ang nagdadala sa akin sa paglalakad naming iyon patungo sa parking lot kung saan niya pinarada ang kotse nya, at dahil iyon sa pagkakaakbay niya
Ako: ah.. eh anthony, ang.. ang bi.. bigay (naiilang kong naisatinig sabay nguso sa nakaakbay niyang kamay)

“Masasanay ka rin” pabulong na nitong nasabi kaya hindi ko masyado naintindihan

Ako: ano iyon? (sabay tingin sa kanya)

Anthony: ang bagal mo kasi (sabay lalo niyang pagdiin niya sa akin mapunta sa kanya na naging dahilan para lalong magdikit kami sa isat-isan), tara na bilisan natin (nakangiti nitong dagdag)

At nang makalapit na kami sa sasakyan niya ay agad akong tumigil na ikinatigil din naman niya

Anthony: o bakit? (nagtataka nitong naibulalas)

Ako: sige na bukasan muna (nakangiti kong sabi dito)

Anthony: dinadaan-daan mo ako sa maganda mong ngiti ah! Pasalamat ka at.. (hindi na nito naituloy)

Ako: ano?? (panghahamon ko dito), paano baka lukuhin mo na naman ako, wais na ito (naka-surf kaya kami,, hahahaha kornik!:]), dali (natatawa kong dagdag at tinawanan lang ako nito)

At binuksan binuksan na nga nito ang pintuan sa passenger area at pagkabukas ay humarap ito sa akin...

Anthony: bukas na po MAHAL KONG hari (parang diin nito sabi sa mga huli nitong sinabi, hindi ko sure, habang nakangiti itong nakaharap sa akin at kasabay din noon ay ang pag-ikot ng kanang kamay nito ng mga tatlong ikot sabay turo sa pukas na pintuan), pasok na po (dagdag pa nito, ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya sabay lakad then pasok na loob ng kotse niya)

Nagulat naman ako mga pips (kasi kasi, katulad uli ng mga nauna kong rason “hindi ako na-inform”.. hahahahaha, masanay na kayo:]), sa kadahilanang bila niyang ipinasok ang half body niya, kaya ang naging siste ang magkalapit na kaming magkaharapan

Ako: u...uy! ba...bakit? (nauutal kong tanong.. kasi kasi)

Anthony: wala naman (sabay pakawala nito ng maganda niyang ngiti, na nagpatulala sa akin sa kanya, pinagpala talaga siya ng maykapal, nagising nalang ang ulirat ko ng bigla ulit itong nagsalita), lulubos-lubusin ko na ang pagsisilbi sayo mahal..... (tas parang nagpause sya, yun lang ay na-noticed ko, pasensya nurse ih! Behasa nga kami sa assessment.. hahahaha),.. na hari (dugtong nito sabay lapit ng kamay niya sa... sa.. sa.. mukha ko?????)

Ako: a...anong ba... ba.. bang ga..ga..win mo (ang mga naiilang kong naisatinig sa pagitan ng maraming kong inhale-exhale.. hehehe, kasi kasi naman eh!)

Anthony: bakit ka na-uutal dyan? (ang pagpuna nito sa akin habang andoon pa din maganda niya ngiti, hindi na ako nakatugon pa kasi nanghihina na ako sa puntong iyon, kasi naman talaga! Pero salamat at nakisama ang aking STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE at nai-rotate ko sa gilid paiwas sa kanya ang mukha ko), yung seat belt (sabay hugot nito at pulupot sa katawan ko), para safe (nakangiting dagdag nito, kasi naman ako OA lang.. hehehe.. yung seat belt pala yung kukuhanin.. :])

Pagkatapos ng nakakapanghinang tagpong iyon ay agad na din lumayo sa akin si anthony, kasabay noon ay ang paglabas na nang half body nito kasunod ay ang pagsara nito sa pintuan sa side ko, at nang nalalakad na ito sa harap ng kotse niya ay nakangiti itong pagkalaki laki at parang pasipol sipol pa (ewan parang ganoon yung itsura, pasensya na nasa loob na kasi ako ng kotse nya kaya hindi ko maidetalye.. hehe)

++++++++++++++
Ok stop muna at magbigay daan muna tayo sa mahiwagang TRIVIA (takas maka-TV effect no mga pipz? Yung pag may on air na show tas biglang puputulin dahil may mga breaking news.. hehehe)

----->ang TRIVIA
                        Alam kong ni-nosebleed kayo sa nabanggit kong STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE (hehe). Ang muscle na ito ay matatagpuan sa aking leeg o neck. Sabi sa libro ng Anatomy & Physiology by Seeley Stephens Tate, it is the prime mover of the lateral (o gilid) muscle group, is easily seen on the anterior (harap ng leeg) and lateral sides (sa gilid) of the neck. Alam nyo ba na ang pagcontract nang isang bahagi ng muscles na ito ay nagdudulot para maigalaw natin ang neck natin side by side at kung parehas naman na nagcontract sa both sides ang sternocleidomastoid muscles natin, ito naman ang nagiging dahilan kaya nakakatungo at nakakatingala tayo (gets nyo ba??)

Alam nyo bang pwede ninyo yang gamitin sa larong “ILONG-ILONG”, eto yung larong pambata na kung saan magkaharap kayo ng kalaro nyo tapos may isang magsasabi ng ILONG ILONG at ang hituturo ninyo ay tumatalon talon sa ilong tas pag may sinabi nang bahagi nang katawan ang tagapagsalita, kelangan ay makasunod ang kalaro, tapos ay salitan naman sila, halimbawa: Ako at si Master_lee#027 (siya ang napili ko sa lahat ng mga nagkokomento sa istoryang ito kasi sya yung nanalo sa ginawa kong palaro doon sa nagdaang chapter, kaya wag nang magtampo yung iba ha... mahal ko naman kayong lahat.. hehehe)

Ako: ilong-ilong........ mata (at nakasunod si Master_lee#027, turn naman nya)

Master_lee#027: ilong-ilong........ tenga (syempre nakasunod ako, ako ang bida ih! Hehe )

Ako na ulit: ilong-ilong................................... STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE (at nawindang si Master_lee#027... hahaha PANALO AKO! peace po Master_lee#027!)

---)at dito na po nagtatapos ang OA na talaga sa habang trivia na ito, hiling ko na sana ay maiapply nyo ito sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay... hahaha
++++++++++++++

(balik na ulit sa kwento)
Pagkapasok at pagkaupo ni anthony sa driver seat at nandoon pa din ang kakaiba nitong ngiti, hindi ko na ito pinansin pa at baka mang-asar lang ulit ang mokong na ito

Pinagana na niya ang makina at makalipas ang ilang sandali ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Naging tahimik ako sa byahe dahil bumabawi pa ako ng lakas sa idinulot niyang panghihina sa akin kanina sa posisyon naming iyon (kasi naman), buti at nakisama naman ang mokong at hindi na binulabog ang pag rerecharge ko (hahaha)

Naging mabilis naman ang byahe namin at nilang sandali lang ay pinapark na niya ang sasakyan niya. Nang maiayos na niya ang tayo ng kotse niya ay agad itong humarap sa akin.............

Anthony: kain muna tayo, gutom na gutom na ako (sabay himas sa walang kataba taba nitong tiyan, natawa na lang ako sa inasta nito at tumugo bilang sagot)

Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas at ng mailock na niya ang kotse nya ay sabay na kaming naglakad papasok ng SM batangas. Napansin ko naman na parang aakbay ito sa akin ng bigla ko itong sitahin....

Ako: hep hep.. tutuunan mo na naman ako ha! (pagbibiro ko dito)

Anthony: eto naman, aakbay lang eh! Promise, hindi ko pabibigatin ang braso ko (parang bata nitong naituran na ikinatawa ko naman, at sa punto iyon ay namalayan ko na lang na nakaakbay na ito sa akin, wala na akong nagawa)

Nang makapasok na kami ay agad naman niya akong tinanong kung saan ko daw gusto kumain

Anthony: Saan mo gustong kumain? (nakangiting sabi nito sa akin, ito ang tanong na mahirap bigyang kasagutan, aminin nyo mga pips, kaya naman ang isinagot ko ay ang gasgas na balik tanong na.....)

Ako: Ikaw saan mo ba gusto?? (see... hahahahahaha)

Anthony: doon nalang tayo sa dati, ano? (sabay ang pagtaas ng dalawang kilay nito)

Ako: anong sa dati? (nagtataka ko namang balik dito)

Anthony: sa chowking, diba doon tayo una nagdate, nakalimutan mo na agad?? (natatawa naman nitong pagrerefresh sa memory ko..... hindi ko naman alam ko biro ba iyong ibang nasabi nya, siguro naman biro lang iyon kaya naman nakitawa na lang ako)

Ako: lakas mo rin magbiro, sige doon na lang (pag-payag ko naman at humahagikgik naman ang mokong sa gilid ko... adik talaga ito), ako naman ang taya ha, ikaw na nung last (dagdag ko naman)

Anthony: Ok! Nga madami akong oorderen ha! Gutom na gutom kasi ako (nakangisi nitong pagbabanta sa akin

Ako: o..ok lang (nag-aalangan kong naitugon, paano kasi napasubo ata ako, makakasapat naman yung dala kong pera kaso sa pagbabanta niyang iyon ay magkukulang na, hindi ko pa naman nadala yung extra kong pera, kasi nga ay iniipon ko iyon dahil sa ipangbibili ko iyon kay piyoy (yung piano yon), pero hindi ko nalang pinahalata kay anthony, nasabi ko na kasi panindigan na.. huhuhu)

Nagtungo na nga kami sa napili namang kakainan, sinabi ko kay anthony na maghanap na ng table at hiningi ko na rin ang order nito, kaso nagpumilit itong sya na daw ang pagsasabi ng order niya. Pumili na nga kami at maya maya pa ay nasa counter na kami

“Good afternoon sir, whats your order?” nakangiting panimula ng babae na cashier slash taga kuha ng order (ano bang tawag sa ganoon?)

.....at si anthony kasama ang magandang ngiti nito, ewan ko kung para saan ang nagsalita para sa order nya habang ako naman ay nadako ang tingin sa babae na parang parang kinikilig sa lagay na iyon....

Anthony: miss, ahm chicken lauriat, tapos ay palitan yung kasama noon na plain rice ng garlic rice tas  dalawang extra garlic rice tapos siomai at... (napatingin naman ako sa kanya at nasabi sa aking sarili na “ganoon ba talaga siya kagutom?” at maya-maya ay dumako ang tingin niya sa akin at bumakas ang ngiti sa kanya at biglang nagsalita ulit..), at siopao bola-bola yung malaki (sabay tingin ulit nito sa babae), large pineapple juice at... aat halo-halo yung pinakamalaki (sa pagtatapos nito ay nagpakawala ulit sya dito ng maganda niyang ngiti bago humarap sa akin at nagsalita habang ako ay nasa kanya pa rin ang mga mata dahil sa hindi makapaniwala sa mga inoorder niya), fugi anong sayo? (nakangiting sabi nito sa akin)
Ngali ngali kong sabihin na.. “hindi pa ba ako kasali sa inorder nya?”

Ako: ah.. eh.... pork chowpan at tubig lang sa akin miss (ang nasabi ko sabay harap na sa babae, hindi ko na nalaman ang itsura ng mukha ng mga oras na iyon)

Narinig ko na lang na humahagikgik sa tabi ko ang moko

Anthony: miss pa-cancel naman ng iba sa order ko at patira lang ng........ tapos padagdag na lang...... (paglalahad ni anthony habang nakaplaster ang maganda nitong ngiti), pasensya na ha! (pagwawakas niya at ang babaeng cashier slash taga kuha ng order ay hindi man lang nagalit at nakuha sa ngiti ng ugok na ito)

Namalayan ko nalang na sya na rin ang nagbayad at pagkatapos ay inakbayan na niya ako paalis sa counter at naghanap na kami ng table

Ako: loko mo ah! (panimula ko na, sabay siko ko sa kanya, tumawa lang ito), pasalamat ka hindi nagalit yong babae at di ba ako taya ngayon? (dagdag ko)

Anthony: gwapo kasi (sabay pogi sign nito), wag ka na kasi umangal, ako na kasi ang bahala sa date nating ito (sabay pakawala ng nakakaloko nitong tawa)

Ako: adik ka (yun nalang nasambit ko sabay siko ko ulit sa kanya.. kasi kasi naman, joke ba iyon?? Hehe at humagikgik lang ito)

Nang makaupo na kami ay naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na order namin, at nagulat ako ng ng ang inorder nya sa akin ay iyon inorder ko nung magksama rin kaming kumain sa isang branch nitong kainan na ito

Ako: wow saulo ah! (pagkamangha kong naibulalas)

Anthony: syempre! Magaling makatanda utak ko, at in shock ka kasi kanina (sabay tawa nito), kaya yan na lang ulit inorder ko

Ako: ikaw kasi ih! (parang bata kong sabi sabay bilot ng tissue at bato dito na lalo lang niyang ikinatawa), kain na tayo, bawal ng tumawa ha! (may awtoridad kong dagdag na ikinahagik lang ulit niya)

Naging tahimik naman nang magsimula na kaming kumain at pagnagtatama ang tingin namin ay nandoon pa rin ang malokong ngiti ng hinayupak.. hehehe

Nang matapos kami sa pagkain ay nangpahinga muna kami at sa puntong iyon ay sinabi ni anthony na manood daw kaming sine at pumayag na din ako kaso dapat ako naman ang magbabayad at tumungo na lang siya at ngumiti na parang ewan bilang sagot

Nang kaya na naming maglakad ay umakyat na kaming second floor at nang marating na namin ang sinehan ay tiningnan namin kung ano magandang panoodin

Isa sa mga pagpipilian ay ang romantic comedy na pelikula nina toni at sam yung You are the one (napapanood ko ang teasers hanggang sa ilabas ang full trailer nito bago mag-asap.. hahaha, kaya alam kong maganda ito), kaso ay hinayaan kong si anthony ang pumili, pinagmasdan ko na lang siya habang parang isa isa niyang sinusuri ang bawat letra at titik sa mga title ng mga pelikulang now showing... hahaha

Maya maya ay humarap ito sa akin at.......

“You are the one” sabay ngiti nitong pagkakaganda sa akin

Ako naman at naaligaga sa pagkakasabi nito niyon kaya naman ay nasabi ko na lang ay...

Ako: ha!? (parang tanga lang, kasi naman)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

“You are the one” sabay ngiti nitong pagkakaganda sa akin

Ako naman at naaligaga sa pagkakasabi nito niyon kaya naman ay nasabi ko na lang ay...

Ako: ha!? (parang tanga lang, kasi naman)


Anthony: yung You are the one na lang panoodin natin, ok lang ba sayo? (nandoon pa rin ang ngiting iyon)

Ako: o..ok lang, bi..bili na akong ticket (para lang ulit tanga kong naisagot, kasi kasi naman)

Nang akmang tatalikod na ako ay bigla naman niyang hinablot ang kamay ko at ihinarap niya ako sa kanya (hindi man ganoon kalapit pero hawak pa rin niya ang kamay ko sa oras na iyon, na... na talaga namang naging dahilan para para umandar sa hindi pangkaraniwan niyang pagtibok ang nasailalim ng dibdib ko.. kasi kasi kasi................ nagising nalang ako nang umimik ulit ito)

Anthony: ako na bibili ng ticket (nakangiti pa rin ito)

Ako: a...ako na (naiilang kong nasabi)

Anthony: ako na (sabay lahad nito ng palad niya na parang humihingi sa akin ng pera, wala na nga akong nagawa at iniabot ko sa kanya ang pera)

Napabuga naman ako ng hangin ng makalayo na ito sa akin at pinagmasdan ko na lang ito habang nakapila na ito sa ticket booth at maya maya ay sa bilihan ng pop corn tapos ay bumalik na ito sa kinatatayuan ko

Anthony: o sukli (sabay lahad nito nang nakatikom nitong kamay sa akin)
Inilapit ko naman ang akin kamay para kuhanin iyon at nang lumapag na sa kamay ko yung sinasabi niyang sukli ay agad ko siyang tiningnan ng masama at agad naman itong nagtungo papasok ng sinehan habang nakangiting nakakaloko)

Sinundan ko na lang ang malokong mokong na nag-aantay sa akin sa katabi ng lalaking kumukuha ng ticket at nang makalapit na ako ay inabot naman ni anthony yung tickets namin at tuluyan na kaming nakapasok

Hindi pa naman nagsisimula ang pelikula ng makapasok kami. Agad kaming pumanhik sa itaas na bahagi. Medyo may karamihan ang nanonood pero madami dami pa rin ang mga bankanteng upuan

Si anthony ang naghanap ng mauupuan namin at ang napili niya ang sa medyo itaas na gilid sa bandang kanan na kung saan ay kami lang ang umuukupa ng hilerang iyon, at nang makaupo nga ay agad kong kinompronta ang mokong

Ako: ang daya mo naman ih! Hindi mo ginamit ang binigay kong pera sayo (kunyari ay nagagalit kong turan sa kanya, paano kasi yung ibinigay ko na pambili ng ticket ay iyon din yung ibinigay niyang sukli, hindi nya ginalaw)

Anthony: ah.... eh... wala daw panukli (pagdadahilan nitong nangingiti habang napapakamot na sa buhok nito)

Ako: walang panukli ka dyan, ikaw ha mga dahilan mo ay hindi manlang pumasok sa standard (at hindi ko na nga napigilan ang mapatawa.. kasi naman sa dami ng reasons na pwede nyang ibigay ay wala daw mga pips panukli ang sinehan, kelan pa???.. hehehe at natawa na lang din ang hinayupak sa kalokohan niya)

“Yan simula! Wag muna ako pagalitan mommy” humahagikgik naman nitong nasabi habang ang mata ay nasa big screen na

“mommy ka dyan” sabay siko ko sa tagiliran nito at humarap na nga ako sa screen at nakita ko na ang star na mabilis na umaandar papuntang gitna tas biglang sumabog at at at lumabas ang logo ng star cinema....... hahahahahaha

Naging tahimik na kami sa pagsisimula ng pelikulang iyon, naging focus ako sa panonood dahil simula palang ay nakuha na ng pelikulang iyon ang panlasa ko..... maganda talaga sya

Ang kwento ay si sam (nakalimutan ko na ang character name) nagwowork sa US embassy at pupunta naman si toni (nakalimutan ko rin yung name nya sa pelikulang iyon) doon para mag-apply ng visa dahil pinapupunta siya ng kapatid niya sa bansa kung asaan yung mama, papa at yung kapatid niya dahil may sakit ang mama niya, bale si toni nalang ang natira dito sa pinas. Sakto naman na ang napatapat na console sa kanya ay si sam na kung saan di-ne-nied yung applications nya. Pero magaling ang tadhana at pinagtagpo ulit sila at at sa NSO kung saan naman nagtratrabaho si toni, dahil si sam pala ay ampon lang ay inutusan sya ng kanya kinikilalang magulang na hanapin ang tunay niyang magulang, at dahil nauso ang salitang PAGBAWI ay kinuha naman ni toni ang pagkakataon para mapagbayad niya si sam na sa pahanong iyon ay hindi pala siya natatandan............... at doon na nagsimula ang istorya ng pag-iibigan nila

Habang nanonood kami ay ay nakaramdam naman ako ng palamig na ng palamig sa loob ng sinehan kaya ang ginawa ko ikinipit ko ang mga kamay ko sa kili-kili na parang sinisiksik ko ang sarili ko

Nasa ganoon akong tayo ng bilang naramdaman ko ang paglapat ng braso sa aking mga balikat at ng harapin ko yung taong naglahad noon ay ang nakangiting si anthony ang tumambad sa akin....

“nilalamig kana no?” sabay hila nya sa akin pasiksik sa kanya “wala kasi akong dalang jacket, kaya ako na lang ang gawin mong improvise, ok ba iyon” dagdag niya sa akin habang kalakip noon ay ang magiliw niyang ngiti

“sa....salamat” at matipid na ngiti ang sinukli ko sa kanya

Sa puntong iyon ay nabawasan ang panlalamig na nararamdaman ko, may hatid na init ang mga bisig niya na bumabalot sa akin

At nagpatuloy na nga ako sa panonood, sabay kaming natatawa ni anthony sa mga hirit ni tony at eugene sa pelikulang iyon, pero kinikilig din naman ako pag moments na ni sam at toni at ang pinakagusto kung eksena talaga na tumatak sa akin ay yung sagutan nila toni at sam sa may labas ng condo ni sam, yung sagutan nila gitna ng daan at yung ginawa ni sam sa last part para ma-win back nya ulit si toni na kung saan sinabi ni sam kay toni na “You complete me” (ang sarap pakinggan.................)

Agad na akong umalpas sa pagkakaakbay na iyon ni anthony ng.... tapos na ang pelikula at yung mga bloopers na yung mga pinakikita, tawa naman ako ng tawa sa puntong iyon at hindi ko namalayan na ako na pala ang pinapanood ni anthony

“Fugi!” pagtawag bigla ng atensyon ko ni anthony habang patuloy ko parin pinapanood ang mga nakakatawang bloopers

“Bakit?” nakangiti kong harap sa kanya at nakita ko naman na parang seryoso itong nakatingin sa akin na... na ikinakaba ko naman kasi.. kasi parang merong kung ano sa tingin niyan iyon na na.. kakaiba,,,,, kaya ang ginawa ko nalang ay dahan dahan kong ibinalik ang mga mata ko sa patuloy paring pinalalabas ng mga bloopers

“Paano kung may magsabi sa na na na mahal kita” ang pahina ng pahina na nitong sabi na hindi ko naman masyado napakinggan sa kadahilang malakas volume ng pinapanood namin na may background music pa ng kantang............ You are the one

“A..ano iyon?” sabay harap ko na ulit dito para linawin ang sinabi niya

“ah..... eh wa....wala, tinatanong ko lang kung uulitin pa ba natin ang panonood, mukhang tuwang tuwa ka ah!” ang ginawang paglilinaw nito

“Hindi gagabihin tayo pag-inulit pa natin” nakangiti kong balik dito

“Sige ikaw ang bahala” nakangiti naman nitong sagot sa akin

Nang bumukas na ang mga ilaw sa sinehan na iyon ay yon na din ang naging hudyat ng aming patayo at pag-alis na, nang malapit na kaming makalabas ay nagpaalam sa akin si anthony at magsi-CR lang daw siya


*************
---------> ANTHONY

“Sigurado na ako sa Fugi pero hindi kita mamadaliin, dahan dahan lang anthony, slowly but surely” ang nakangiti kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng CR ng sinehan na iyon

Agad na akong lumabas at bumungad ang nakangiting si fugi sa akin

Fugi: sa bahay kana magdinner ha! Para makabawi naman ako sayo, kasi ka naman ih! (ang parang bata nitong sabi sakin)

Ako: oo ba gusto ko ang ideya na yan para makilala ko na din ang family mo (pagsang-ayon ko sabay pakawala ng hindi ko mapigilang pagkatuwa na namansin naman nito)

Fugi: hala ang reaksyon kala mo ay nanalo sa lotto ah! (pagbibiro nito)

“Mas higit pa nga” naibulong ko sa sarili ko at napangiti na lang ako sa naisip kong iyon

Ako: tara na! ano bang pwedeng ipasalubong?? Ayon sa kwento mo ikaw, tas mama mo, yung bunso mong kapatid at yung paborito mong pamankin ang nasa bahay nyo sa ngayon, ano bang gusto nila?? (nakangiting tanong ko sa kanya)

Fugi: wag ka na mag-abala, ok! (nakangiti nitong balik sa akin sabay lakad na nito at sinundan ko nalang)

At naglakad na nga kami palabas, nang makalabas na kami ay halos magdidilim na at tinungo na nga namin ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko

Nang makapasok na kami ay napansin kong naging mas listo si fugi at kaagad na niyang sinuot yung seat belt niya (siguro ay dahil naisip niya yung kaninang ginawa ko, hindi ko naman kasi napigilan ang sarili ko, sobrang lakas na kasi ng epekto nya sa akin), na sa maraming pagkakataon ay nauunahan ko siya at sa mga panahong iyon ay nasisilayan ko ang sobrang amo niyang mukha ng malapitan, na kung saan gustung-gusto ko nang angkinin ang maganda niyang labi, buti na lang at sa mga pagkakataong iyon ay napipigilan ko pa ang sarili ko

“Darating din tayo dyan anthony” nasabi ko na lang sa sarili ko

Agad kong ipinaandar na ang sasakyan at nang makataring na namin ang bayan ay agad kong itinigil ang sasakyan sa harap ng red ribbon para may maipasalubong naman kami

Nang akmang lalabas na ako ay pinigilan naman ako ni fugi

Fugi: wag na anthony (nasabi lang nito)

Ako: ok lang! intayin mo na lang ako dito ok! (sabay pakawala ko ng magiliw na ngiti pagkatapos noon ay nagtuloy tuloy na ako patabas ng sasakyan at pasok sa store na iyon

Naging mabilis lang naman ako doon at agad na ding nakabalik sa sasakyan sabay abot kay fugi ng binili ko at ngiti na rin sa kanya, tinugunan naman niya at pagkatapos at pinaandar ko na ulit ang sasakyan

Naging mabilis naman ang byahe at ng mapatapat na kami sa kanto nila ay si fugi na ang nagbigay ng dereksyon patungo sa bahay nila

Makalipas ang ilang minuto ay naituro na ni fugi yung bahay nila at sa tapat noon ay may nakaparadang gray na kotse at nang tingnan ko naman si fugi at may pagtataka sa mukha nito

*****************
-------> ako na ulit, si FUGI ang magna-narrate

Nang makalapit na nga kami ni anthony ay napansin kong may nakaparadang kotse sa harapan naman at pamilyar iyon

“parang...........parang kay ian iyon”

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Nang maiparada na ni anthony ang sasakyan niya sa gilid malapit sa tapat namin ay agad na kaming lumabas ng kotseng iyon at nang makalapit ako sa isa pang kotse na nakaparada sa mismong tapat namin ay.... ay nakompirma kong kay.. kay.. kay ian nga ang kotseng iyon

“Bakit naman kaya napadpad ang taong iyon sa bahay namin?” ang naitanong ko sa aking sarili, clueless talaga ako mga pipzz (wow! Gusto ko yung clueless ko na iyon.. hehe)

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nagsalita si anthony na nasa tabi ko lang

Anthony: may bisita ata sa inyo fugi, next time na lang kaya, una na lang ako (nag-aalangan nitong nasabi)

Ako: kay ian itong kotse (nasabi ko na lang habang tinitingnan ko pa din ang sasakyan), tara na sa loob (nakatingin ko nang sabi sa kanya habang nakangiti, napansin ko naman na parang naging seryoso siyang nakatingin sa sasakyan na, tas biglang naman agad nagbago ng magtama ang aming mga mata, ngumiti at tumango na lang ito bilang pagtanggap sa paanyaya ko

Ako na nga ang nauna kay anthony sa pagpasok sa loob ng bahay at ang huli ay nakasunod naman sa akin. At .... at nag buksan ko ang.... ang screen na pinto ay..... ay (mga kabaro sabay sabay tayo “May liwanag na lumabas na nagpasilaw sa aking mga mata”...... hahaha biro lang;]) napatigil ako sa aking kinatatayuan sapagkat.....tumambad sa akin paningin si ian na nakaupo sa sofa sa may sala habang kalong-kalong nito si angel at nasa tabi naman nito si john habang parang masayang-masayang nanonood ng telebisyon, napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan dahil sa nakita ko:]

Hindi naman ako napansin ng mga ito, kung hindi pa bigla akong tinawag ni mama na galing pala sa kusina

“Fugi, anak nandyan ka na pala, bakit hindi ka pa pumapasok?” bigla naman napaling ang tingin ko kay mama at ngumiti dito pagkatapos ay narinig ko naman ang boses ni angel na nagpaharap sa akin sa kinanggagalingan ng boses niya

Angel: to nong! To nong (“tito ninong! Tito ninong!” yun po ang sabi nya sabay alpas at baba nito sa kandungan ni ian at nagtatakbo sa kinaroroonan ko)

Sa puntong iyon ay mas naagaw ng paningin ni ian ang mga mata ko ay sa puntong iyon ay nagkatitigan kami

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito na talaga namang napaka-contagious dahil dahil dahil kasi nahawa ako at at napangiti na lang din ako:]

Naputol na lang ang tinginan na iyon nang bigla nang yumapos si angel sa may hita ko

Angel: to nong, bu-bong, bu-bong ko (“tito ninong pasalubong, pasalubong ko” ay ang sabi po niya, ganya po talaga yan kasi inispoiled kasi namin, kasi kasi kami.. hehehe)

Ako: pa...salubong ba gey-gey?? (sabay buhay ko na kay angel), naku! Nakali............. (hindi ko pa natatapos ng bilgang sumingit si........)

Anthony: baby, e-to pa-sa-lu-bong ng ti-to sa i-yo (ang dahan dahan nitong sabi, napatingin naman sa kanya si angel at napaharap din ako sa kanya, nakangiti ito habang inilahad ang box ng cake na binili nito)

Angel: ake, ake yan to nong? (“cake, cake ba iyan tito ninong” yan po ang interpretasyon ng sinabi nya.. hehehe, sabay hawak nito sa aking pisngi dahilan para mapaharap naman ako sa kanya, at at tumango na lang ako bilang sagot)

Narinig ko na lang ulit na nagsalita si mama

“anak may kasama ka pala, bakit hindi mo naman pinapapasok?” pagpuna nito

Nahiya naman ako sa sinabing iyon ni mama kaya agad kong hinarap ulit si anthony.....

Ako: anthony, tara pasok na tayo (may naiilang kong nasabi sa kanya)

Nang makapasok kami ay......

Angel: to nong (sabay kabig na naman ng dalawa niyang kamay sa pisngi ko paharap sa kanya), no po ya? (“tito ninong, sino po siya?” yon po ang sabi nya, sabay turo nya kay anthony)

Ako: gey-gey ka-i-bi-gan, sa eng-lish fri—end at kak-la-se ko si-ya sa schooool, si ku-ya an-tho-ny (ang dahan dahan kong sabi sa kanya para maintindihan niya)

Tumingin lang uli sa gawi ni anthony si angel miya mo ay parang kinikilatis. Agad naman akong humarap kay mama

Ako: mama, si anthony po, kaklase at kaibigan po namin ni ian

Anthony: good evening po ma’am (sabay lapit nito kay mama at abot sa kamay ni mama at nagmano)

“magandang gabi naman iho, tita na lang” nakangiting  balik ni mama dito

Anthony: o..opo tita (ang nahihiya nitong nasabi sabay pakawala ng ngiti ), nga pala po, ito (sabay lahad nito ng box ng cake kay mama), pasalubong po (dagdag nito)

“Naku iho nag-abala ka pa, salamat!” nakangiting sabi ni mama at nginitian na lang din siya ni anthony

Ako: ma, makikikain nga pala yan dito, yang cake ang panuhol niyan para payagan mo (biro kong sabi kay mama patungkol kay anthony)

Anthony: ti..ta wa...wag po kayo ma...maniwala (namumulang naibulalas nito at natawa na lang ako sa itsura niyang iyon at kahit si mama ay napahagikgik)

“anthony iho, pasensya ka na maloko talaga iyang batang iyan” nakangiting pagtatanggol ni mama kay anthony laban sa akin

“Siya dyan muna kayo mga iho, luto na ata iyong niluluto ko, feel at home anthony ha!” sunod-sunod na nasabi ni mama at agad na nagtungo na ito sa kusina

Sa kabilang banda pala ay kanina pa nakamasaid si ian sa amin

Ako: tara upo ka muna doon sa (sabay turo ko sa sofa at sa puntong iyon ay ay nakatingin lang sa aking ang seryosong ian, ngumiti lang ako dito at at tumango lang ito sa akin na ikinataka ko naman)

Dumaretso si anthony sa single seated sofa at ako naman pinakiusapan si john na lumipat nang pwesto at para makatabi ko si ian dahil  tatanungin ko sana ito kung ano ang nagpa-padpad sa kanya dito sa aming munting tahanan:]

Pero bago iyon ay pinakilala ko muna sila anthony at ang kapatid kong si john sa isat-isa

Ako: anthony si john bunso kong kapatid, john si anthony kaibigan at kaklase ko

Anthony: kuya anthony na lang (nakangiti ito sabi sa kapatid ko sabay lahad ng kamay nito)

John: sige po kuya anthony (sabay kuha nito ng kamay ni anthony)

Pagkatapos ay iniabot ko kay john ang buhat buhat kong si angel at nang makuha na nito ay pahero siyang sumalapmak sa sahig at itinuon ang atensyon sa pinapanood na cartoon
 Pagkaupong pagkaupo ni anthony ay......

Anthony: o tol nandito ka din pala, kamusta? (naibulalas nito na nagpaharap sa aming dalawa ni ian sa dako nito, at nakatingin ito kay ian at at at napansin kong may kung ano  sa ngiti nito.. parang basta)

Ian: kanina pa tol, hindi mo ba ako napansin (napatingin naman ako kay ian nong sinabi niya ito at sa pagharap kong iyon ay nakangiting kung ano din ito kay anthony at ng biglang tumama ang mata niya sa akin ay bila din itong nagsalita ng...) joke lang tol! (sabay tingin ulit nito kay anthony at nanduon pa din ang ngiting iyon, parang sa ngiti nilang iyon ay parang may asarang nagaganap, what is the meaning of this......... hehehe ang oa ko lang ata.. kung ano ano lang ata ang napapansin ko), malakad kasi kami ngayon ni fugi (pabahol nasagot ni ian sa tanong ni anthony sa kanya)

Kahit ako ay nagulat sa sinabing iyon ni ian kaya naman ay agad akong humarap sa kanya na may naguguluhang ekspresyon, pumaling ng tingin sa akin si ian at at at pinilit pinalaki ang singkit niyang mata

Ian: di-ba may-usa-pan ta-yo nga-yon (dahan-dahan nitong sabi sa akin habang parang nakamulaga ito sa akin, hindi naman napansin ni anthony ang naging itsura ng mukha ni ian sa puntong iyon dahil nakaharang ang ulo ko)

At ang nasabi ko na lang dahil sa kaba ay...........

“ah....... nga...ngayon pala i..yon” sabay palakpak at tawang pilit (haha,,,, parang tanga lang ulit............. kasi kasi... nangbibigla.. hehe)

“Buti naman ay naalala muna” pagbalik na sa normal ng pagsasalita nito pati narin ng mata nito at may kalakip pang ngiti, ngumiti na lang akong nagugulahan pa rin dito bilang tugon
Bigla namang nagsalita sa likuran ko si anthony

Anthony: hindi ba masyado nang gabi ang lakad na iyan? (medyo seryoso nitong boses na napaharap sa aming dalawa ni ian sa kanya

Ian: wag kang mag-alala tol, dala ko naman kotse ko at naipagpaalam ko na rin si fugi (naging sagot nito kay anthony)

Ako naman ay nanahimik nalang dahil naguguluhan pa din pero ngumiti na lang ako kay anthony para hindi na sya mabahala at mag-alala pa

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo hanggang sa ako na rin ang ang ang bumasag doon
Ako: ah..... eh.. bi..bihis lang ako (sabay tingin ko sa kanilang dalawa at tinunguhan lang ako ng mga ito at pagkatapos ay tumayo na ako at tumungo na sa hagdanan paakyat sa aking silid)

Naiwan naman si ian at anthony pati na rin ang kapatid ko at si angel sa salas naming iyon..........

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

-------> IAN (take it over:])

Kanina pang naglalaro sa isip ko ang napag-usap namin ni anthony sa library kanina nung naiwan kaming dalawa dahil naghahanap na ng mga references si fugi at janine para sa gagawin nilang report, hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakabwelo, parang napaghandaan nya ako ng taong ito

Anthony: tol! (pagtawag nito ng pansin sa akin habang ang tingin ko ay nasa dako ni fugi)
Ako: o bakit pare? (pagharap ko na dito)

Anthony: lagi na naman kayong magkasama ni fugi, sabay pa nga sa pagpasok di ba? (simula nito, nararamdaman ko na may gustong puntuhin ang mokong na ito pero hinayaan ko lang na magpatuloy ito), may usapan kasi kaming lumabas mamaya pagkatapos ng klase, kaya sana ay masolo ko naman siya tol para makapagbonding din naman kami katulad nyo, salamat tol (nakangiti itong parang nang-aasar sabay tapik nito sa balikat ko, na parang nangangahulugang wala na akong magagawa)

At ganoon nga ang nangyari wala akong nagawa at nung mga oras na ng kanilang pag-alis ay  pinanood ko nalang ang pagtangay ng epal na anthony na iyon kay fugi palayo sa akin

Pinaghalong inis, galit at at at at selos?? (kahit ako ay nagtataka na sa pagbibigay ng pangalan sa huli kong nararamdam ng aking utak)

Selos?? Ang nasabi ko sa sarili ko

Napabuntong hininga na nga lang ako

Nakauwi na ako sa bahay pero malayo pa rin ang tinatakbo ng utak ko, kahit na nakahiga na ako sa kama ko ay hindi pagtulog ang naiisip ko kung hindi si si si si fugi

Aaaargghhhhhhhhh.. sigaw ng utak ko at dahil dun at nagpabaling baling na lang ako sa kama ko

Maya maya ay nasabi ko na lang sa sarili ko na.............. “Babawi ako”

At may naisip nga ako magandang ideya, pilit ko munang magpahinga at ipagmamaya na muna ang naisip ko dahil alam ko naman na baka pa makauwi mula sa lakad nilang iyon si fugi

Lumipas ang oras at nagising ako ng mag-aalasingko na, agad akong naghanda, naligo, nagpalit ng suot, maong short, plain v-neck black shirt at pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam na ako kay mama na nasa garden at pagkatapos ay binuksan na ang gate pagkatapos ay inilabas ko na ang kotse ko, nakita kong si manang na ang nagsara ng gate kaya nagtuloy tuloy na ako sa pag-alis

Nang mapatapat na ako sa bahay nila fugi ay tinamaan naman ako ng hiya kung itutuloy ko pa ba ang plano ko pero...

“nandito na ako, lakasan na lang ng loob” nasabi ko sa sarili ko

Agad akong lumabas ng aking sasakyan at pagkatapos ay tinungo na ang gate nila fugi at nagdoorbell. Maya maya ay tumabas ang mama ni fugi at pagkakita nito sa akin ay bigla na lang sumilay ang mga ngiti nito sa kanyang mukha

Nang makalapit si tita ay agad naman ako nitong pinagbuksan ng gate, agad ko namang kinuha ang kanang kamay nito at nagmano

Ako: ti...ta magandang hapon po (nahihiya kung bati sa kanya)

“o! iho, magandang hapon di naman” nakangiti nitong nasambit sa akin, “si fugi ba ang sadya mo?” dagdag na tanong nito

Ako: opo sana tita, nan....dyan na po ba? (nag-aalangan kong itanong)

“Pasok ka muna iho” anyaya ni tita at tumuloy naman na ako

“Ian, iho hindi pa siya dumadating, may pinuntahan ata ang batang iyon, akala ko nga ay ikaw ang kasama” ang mga nasabi ni tita

Ako: paano kasi tita dapat ay kasama ako sa lakad nila ng kaklse din namin ay may importante po kasi akong kailangang gawin kanina kaya po hindi ako nakasama sa kanila (pagsisinungaling ko na lang), kaya po ako nagpunta dito ay para bumawi sa kanya (dagdag kong sabi)

“ganoon ba iho? Sige intayin mo nalang sya dito at dito ka na din maghapon, ok! Bawal tumanggi” nakangiting paanyaya ulit nito sa akin

Ako: ah... eh si..sige po tita (nahihiya kong naitugon), nga pa..pala po tita ipagpapaalam ko din po sana si fugi na.................................................

Hindi naman ako nagdalawang sabi kay tita at agad niyang pinayagang sumama sa akin si fugi basta’t mag-ingat lang daw kami, at inassure ko na may siya sa bagay na iyon

Nang makapasok na kami ni tita sa loob ng bahay nila ay sinalubong naman ako nina angel at john kaya naman napangiti nalang ako sa puntong iyon

Angel: ya nan! (alam kong puros mga dulo ng mga salita palang ang kaya nitong pantigin ayon na rin sa sinabi ni fugi pero madali ko naman naintindihan ang sinasabi nito dahil sa naging mga pag-uusap nila ng ninong fugi niya ng maparito ako kamakailan), ya nan! (tawag ulit nito sabay lapit sa akin at biglang yapos sa mga binti ko)

Agad ko naman itong kinuha at binuhat, tuwang tuwa naman si angel sa puntong iyon na nagpangiti ng lubos sa akin

Ako: ka-mus-ta na an-gel? (ang dahan dahan kong sabi dito habang nakangiti at dahil sobrang gigil ko sa batang iyon ay pinisil pisil ko ng madahan ang pisngi nito.. sobra nya kasing cute.. mana sa tito.. at napahagikgik na lang ako sa naisip kong iyon)

John: kuya ian! (pagtawag naman ng atensyon ng kapatid na bunso ni fugi at nang pagharap ko at nakataas na ang kanang kamay nito na nakamwetrang aapir)

Ako: uy parekoy kamusta? (sabay apir dito pagkatapos ay lagay ng kamay ko sa buhok niya sabay gulo noon...... madaling napalapit sa aking ang mga ito dahil sobra basta parang nagclick agad kami at sa kanila ko napatunayan na kiddie friendly pala ako... hehehe, at dahil siguro sa gusto ko rin ng may kapatid na mas bunso sa akin at tatawagin akong kuya)

John: kuya naman buhok ko! Sayang ang gel ih! (sabay abot nito sa kamay ko para tangkang pigilan pero agad ko iniiwas)

Ako: abat pumuporma ka na ata ih! May nililigawan ka na ba? (habang patuloy ko parin ginugulo ang buhok nito)

“Bata ka anak ha! Wag munang manliligaw” singit naman ni tita at nagkatawanan na lang kami

John: hindi naman ma ih! Style yan (ang medyo namumula na nasabi nito)

Ako: at may pa-style-style ka mang nalalaman ha parekoy (natatawa kong biro dito sabay alis na nang kamay ko sa buhok niya.... bigla namang nagsatinig ang hawak hawak kong si angel)

Angel: ya nan ace sabay lahad ng kamay nito (hindi ko agad nakuha ang gustong sabihin ni agel nang biglang sumingit si tita.......)

“Ye-hoy ang ba-ta ay hin-di na na-hi-ya na-hi-ngi ng je-lly ace ih” ang pagbaby talk ni tita at natawa naman ako (hehe yun pala hinihingi nya)

John: hin-di na na-hi-hi-ya ang ba-tang iyan (panggagatong naman nito sa pag-aasar kuno ni tita sabay pisil sa mga pisngi ni angel, agad namang yumapos sa akin si angel na ikinatawa ko lang)

Ako: tita pwede ko bang isama muna ang dalawang ito bibilhan ko lang po ng jelly ace ito baka magtampo pa at hindi na sumama sa akin (ang natatawa kong nasabi kay tita at napatawa na lang din sa akin si tita)

“Sige iho” nakangiti nang pagpayag nito

Nang makalabas na kami ay si john na ang nagturo kung saan kami makakabi.. dinala nya naman kami ni angel sa isang maliit na convenient store na medyo malapit sa kanila

Tuwang tuwa naman si angel nang maiabot ko sa kanya ang isang balot na jelly ace at bigla na lang itong humalik sa magkabila kong pisngi, sa noo sa ilong sa baba at sa aking labi na may mga tunog pa talaga.... tawa na lang ako ng tawa sa ginawa niyang iyon

Ako: ikaw parekoy ano gusto mo? (alok ko kay john)

John: talaga kuya? Ka....hit ano pwe...pwede? (nauutal pa nitong pagtatanong pero kitang kita ang pagkatuwa sa mukha nito, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon)

Agad nitong hinanap ang gusto niya at maya maya ay may dala itong cornetto at malaking cheese ring

John: ku..ya e..to po (sabay taas nito sa mga bitbit niya agad ko namang binayaran ang mga nabili namin at niyaya na silang bumalik na)

Habang naglalakad ay biglang nagsalita si john

John: kuya ian, the best ka talaga! Hindi katulad ni kuya fugi, kuripot sa amin (ang may himig pagsusumbong nito, agad naman napukaw ang interes ko sa sinasabi niya... parang gusto kung malaman ang lahat lahat tungkol tungkol sa kanya.. kay fugi, kaya naman..............)

Ako: bakit ano ba si kuya fugi bilang kuya (pagsingit ko)

John: bukod sa minsang pagkakuripot nya kuya, ahm ano pa bang masamang ugali nun (ang tila pag-iisip nito at napatawa na lang ako sa mga nasabi nya at hinayaang magpatuloy sa mga gusto nya pang sabihin), sobrang bait po, lagi nga akong may pasalubong sa kanya pagkakadating nya sa school nya, kaso ngayon hindi at si angel naman ngayon ang pinasasalubungan nya, malaki na daw po ako, tapos lagi nya akong tinutulungan sa paggawa ng assaignment ko at sobrang sarap din po niyang magluto, pero si mama pa rin ang the best (mahabang nailahad nito)

Hindi ko namamalayan na napapangiti na lang ako sa naririnig ko

Ako: kaya dapat lagi kang susunod sa kuya mo ha parekoy at pag may mang-away sa kanya tayo ang reresbak, ok ba iyon? (sabay lahad ulit ng kamay ko para makipag-apir)

John: opo kuya! (sabay apir nito)

Agad na kaming nakabalik sa bahay nila, walang inip akong naramdaman sa paghihintay kay fugi dahil magaang kasama ang pamilya niya, si tita na bait at nakikisali pa sa lukuhan namin ni john at angel habang nanonood ng TV

Hindi ko na namalayan ang oras at napukaw na lang ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni tita na tinawag ang pangalan ng taong kanina ko pa gustong makita

Agad akong napaharap dito at nakatingin din pala ito sa akin kaya naman nagpakawala na ng isang magiliw na ngiti dito na tinugunan din naman niya

Nabura naman iyon ng mapansin ko ang kasama nito

“hanggang dito ay sumunod pa ang epal na ito, napagbigyan na ngang lumabas sila, abat” nasabi ko na lang sa sarili ko

PAGKAPIKON, yan ang nararamdaman ko sa oras na ito kasama ang anthony na ito habang hinihintay si fugi na nagpaalam na magbibihis lang daw muna

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa  ng mga oras na iyon, nagpapakiramdaman

Maya maya ay hindi na siguro nakatiis ang mokong at....

Anthony: tol! Saan nyo naman balak pumunta ni fugi ay gabi na naman, meron na bang mga midnight shopping malls dito sa atin? (may himig pang-aasar nito)

Ako: hindi naman kami magmo-malling pare, sa bahay kasi sya tutulog ngayon (kasabay plaster ng ngiting mapang-asar dito at napansin kong pang nagulat ito.....)

Napuna kong iimik pa sana ito ng bigla namang nagsalita si fugi sa likuran namin............

Fugi: ano pinag-uusapan nyo? (at napaharap na lang kami sa kanya)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com




No comments:

Post a Comment