Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (29 & 30)

by: Fugi

It’s all about Anthony

John: kuya may tumawag nga pala dito hinahanap ka

Ako: sino daw?

John: ano nga bang pangalan noon (habang iniisip kung sino iyon), ah! (lakas maka-light bulb.. hehehe)... an... anthony.. oo nga anthony


Nang marinig ko iyon ay agad akong napaharap kay ian at sa puntong iyon ay nakatingin pala ito sa akin
------------------------
Wala namang pumasok sa utak ko na pwede sabihin sa kanya sa puntong iyon, nablanko ang utak ko ewan ko ba kung bakit, siguro dahil sa pagtatama ng mata namin ni ian

Nasa ganoon kaming eksena ng biglang magring ang telepono

“Saved by the phone” nabulalas ko na lang sa sarili at agd kong tinungo iyon para sagutin

Ako: hello! Good evening, who’s in the line (naks maka-English lang, sakit talaga sa ilong... nose bleed ih!)

“Fugi!” masiglang tugon ng nasa kabilang linya

“A...Anthony” nauutal ko namang nasambit sabay paling ng tingin kela ian at sa akin nga nakatingin ang huli kaya ganoon nalang ang pagkakasabi ko sa pangalan niya

Ako: na..napatawag ka? (dagdag ko sabay iwas ng tingin kay ian)

Anthony: wala lang, tsinek ko lang kung nakauwi ka na, tumawag kasi ako kanina at sabi nung kapatid mo ay wala ka pa daw (paglalahad nito)

Ako: ganoon ba? So nakauwi na po ako, lagyan mo na ng check attendance ko (mahina kong pagbibiro dito na sapat na para mapakinggan niya)

Anthony: Yes boss! Done na! (pagsakay nito sabay hagikgik at napangiti na rin), nga pala.................(kasabay ang mahabang pause kaya naman ako na ang nagtuloy)

Ako: nga pala.... ANO? (ang pagdugtong ko ng tanong)

Anthony: ah eh! Ma.....gandang gabi pala (ang nasabi na lang nito na ikinatawa ko ng mahina)

Ako: sira, dami mo talagang pasakalye (banat ko dito habang natatawa), ano ba iyon? (dagdag na tanong ko)

Anthony: ano kasi... yung, wag kang makukulitan ha! (paunang sabi nito), yung lakad natin bukas ha! Tapos ako susundo sayo kaya wag mo nang dadalahin motor mo (pagpapaalala nito)

Ako: opo boss! (naitugon ko dito), nga pala anthony, si ian ay sasabay din bukas pagpasok, madadaanan naman natin yung sa kanila (paglalahad ko)

Anthony: hindi ba pwedeng magdyip na lang sya (may kung ano sa tono niya pero hindi ko na napansin iyon ng bigla niya sinaba na...) JOKE... oo naman (dagdag nito)

Ako: salamat! May sasabihin ka pa ba mr. anthony?

Anthony: ah eh.. tatawag ako ulit bukas kung aalis na ako dito sa bahay para alam mo, ok! Kita na lang tayo bukas, Goodnight, sleep tight, sweet dreams (mahabang nasabi nito)

Ako: sige sige (natatawa kong naisagot), Goodnight!

Anthony: see you in my dream (pabulong na sabi nito dahilan para hindi ko maintindihan ng maayos)

Ako: ano iyon???

Anthony: wala, tulog ka na, baba mo na

Ako: ikaw din, baba mo na rin

Anthony: ikaw muna (sabay hagikgik nito)

Ako: hala nakipagkulitan pa ang bata (naisatinig ko habang natatawa) sabay nalang (dagdag ko)

Anthony: o sige magbibilang ako ha! (natatawang pagpapaalam nito)

Ako: sige sige (pagsakay ko dito na ikinatawa naman naming dalawa)

Anthony: isa................dalawa.......... baba (pagkadinig ko noon sabay baba ng telepono, parang adik lang.. hehehe, at nangiti na lang ako sapagkatapos)

Agad kong inayos at sarili ko at bumalik sa tayo ko kanina, nang uupo na ako ay agad nagsalita si ian..............

Ian: tagal ng usapan nyo ah! (pagpuna nito na parang may kung ano sa tono nito na hindi ko alam, pero baka mali lang ako)

Ako: may sinabi lang at tinanong (matipid kong sagot sa kanya)

Ian: ganoon ba? Nanalis na ako fugi, gumagabi na rin,pero papaalam muna ako kay tita (sunod-sunod na nasabi nito, tumango na lang ako bilang tugon pagkatapos ay sinamahan ko na siya sa kwarto kung nasaan sila mama)

Kumatok ako pero walang sumasagot at nang-i-check ko kung nakalock ang pinto, sakto naman na hindi kaya agad ko naman nang pinihit ang knob sabay tulak sa pinto at ng mabuksan... may...... may liwanag uli na sumulo sa aking paningin (hahahaha JOOOOOKE, joke ulit! Haha)

Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa amin ang nahihimbing sa pagtulog na si mama at angel kaya naman hindi na pinagising sa akin ni ian si mama at nagtuloy na kami palabas, nagpaalam muna si ian kay john at ganoon di naman ito kay ian

Nang maihatid ko si ian sa papunta sa kotse nito at biglang humarap sa akin ito

Ian: bukas ha! (sabay turo ng hintuturo pa-slant sa akin)

Ako: ha! (maang kong kunyaring sagot dito)

Ian: yon nakalimutan agad (tampu-tampuhan nitong sabi), may nakausap lang ih, nakalimutan agad (pabulong naman nitong dagdag na hindi ko nadinig)

Ako: hala ang bata batuta (natatawa kong panimula kasi kasi ang cute nya sa itsura niya iyon.. hehe), niloloko lang (sabay pisil sa pisngi nito na puputok na dahil sa pagsimangot nito... hehehe), hindi ko na po kakalimutan si mr. ian, dahil ayaw kong makalimutan nya din ako... tahot ko lang sa kanya (dahan-dahan kong sabi habang nakangiti at sa pagtatapos ko sabay din bitaw sa pisngi nito at sa puntong iyon ay nasilayan ko na ang maganda nitong ngiti)

Ian: dapat lang (mayabang kuno nitong sabi)

Ako: opo na po boss, sakay ka na, ingat sa pagmamaneho

Ian: yes boss! (at pumasok na nga ito sa kanyang kotse at sa pagsara niya ng pinto ay siya namang bukas ng binta noon at lumabas ang nakangiting si ian sabay sabing..) Good night!

Ako: good night! (sabay ganti sa ngiting pinakawalan niya)

Pagkatapos noon ay sabay paandar niya ng sasakyan. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pa ulit ang kapatid kong si john na nanonood ng TV

Ako: gabi na ah! Hindi ka pa ba tutulog (pagpuna ko)

John: kuya, sabado naman bukas, walang pasok (pagdadahilan nito)

Ako: sige pero pagkang masyado magpapagabe at bago ka pumanhik sa silid mo siguraduhin mong naalis mo sa saksak yang mga yan (paalaala ko sa kanya sabay turo sa mga nakabukas na appliances), tulog na ako, may pasok pa ako bukas (dagdag ko pagkatapos ay umakyat na ako patungo sa silid ko)

Agad naman akong naglinis ng sarili ko pagkatapos ay agad na isinalampak ang sarili ko sa aking kama at konting oras lang at nakatulog na ako... nakatulog na may ngiti sa aking labi:] (NYT! Pipzzzzzzzzz)

After kulang kulang 8 hours of sleep (buti pa noon nakakatulog ako ng 8 hours ngayon ay hagya na kasi namang si pareng INSOMNIA walang pakisama... kainis.. naglabas ng hinahakit..........hehehe)

 Nagising ako ng 5:00am dahil sa tunog ng aking alarm clock, pero dahil sa 5 minutes rule (yung dahil parang feeling mo kulang pa ang naitulog mo sasabihin mo sa sarili mo “5 minutes pa” tas pag makalipas na iyon tatawad ka ulit ng 5 more minutes hanggang sa malate na akong..... hahahaha), at napilit ko namang bumangon ng... time check: 5:20am (ganoon kaaga kasi 7:00am start ng klase ko sa araw na iyon at ang pinakamadaling subject sa buong college life ko ang Physical Fitness & Gymnastics o PE, bakit ko nasabing pinakamadali?? Kasi naka-UNO ako dyan, walang halong biro o pagyayabang.. hehehe)
Agad kong tinungo ang banyo para maligo na, pagkatapos maligo, magpatuyo, maglagay ng deodorant, pagpatuyo ulit (hehe) ay isinuot ko na ay designated PE uniform na gray jogging pants at white shirt na ang kweyuha at ang dulo ng end kung saan inilulusot ang mga kamay ay may shade ng maroon tas may logo ng lyceum (o ha! Pati ito dinitalye ko pa.. hahaha)

Pagkatapos ay agad kong inihanda ang aking dadalahin sa araw na iyon, bukod sa mga pangkaraniwan na gamit na dinadala ko, idinagdag ko ang t-shirt para sa subject kong sunod na NSTP o yung National Service Training Program na kung saan sa awa ng panginoon ay CWTS o ang Civic Welfare Training Service na ang papasukan namin, mas madali kesa sa dating mandatoring ROTC na kung saan ito ay ang pinahirap na form ng C.A.T. noong high school

Nang matapos ako sa lahat ng iyon ay agad na din akong bumaba at naabutan ko lang ay si mama na nasa kusina naghahanda ata ng agahan namin

Time check: 6:00am

Agad ko siyang pinuntahan sa kusina

Ako: ma, goodmorning (sabay halik sa pisngi nito)

Mama: good morning anak (nakangiti nitong tugon sa akin), kumain kana dyan (dagdag nito at pagkatapos noon ay agad kung tinungo ang lamesa at umupo)

Habang sinisimulan ko na ang pagbe-breakfast ay biglang nagsalita ang aking ina....

Mama: anak saan ka ba nagpunta at anong oras ka nakauwi kagabe? hindi ko na namalayan at nakatulog na rin ako noong pinatulog ko si angel

Ako: ah kena ian po, dahil inimbitahan po ako ng mama niya na doon magdinner ay nakalimutan ko po magsabi dahil kahapon ko lang din po nalaman pagkalabas (mahaba kong salaysay)

Mama: ah ganoon ba! (ang nasabi na lang nito at bigla naman nagring ang telepono na pumutol sa usapan namin ni mama)

Agad kong tinungo iyon at pagkatapos ng makailang ring ay saka ko ito sinagot

Ako: hello! (ang naging panimula ko na lang, ang sakit talaga sa ilong paghinabaan ko pa ang speaki-ning dollar.. hahaha)

“Good morning fugi” sabi sa kabilang linya

Ako: anthony! Good morning! Ba-kit ka na-pa-ta-wag? (ang mabagay kong pagtatanong sa kanya), check mo ba ulit kung asa bahay ako (pagibiro ko dito)

Anthony: pwede! (sabi nito habang natatawa), di ba sabi ko kagabe tatawag ako para ipaalam kung aalis na ako dito sa bahay para naman hindi ka maghintay sa kanto nyo, alam ko naman masyado kang excited na.... (dagdag nito na hindi natapos)

Ako: na ano?

Anthony: na makita ako (natatawang sabi nito)

Ako: hala! Ang aga ng mga banat mo ha! Patay ka ku-mo-ta ka na agad para sa araw na ito... last mo na tuloy iyan (natatawa ko na ring banat sa kanya)

Antony: ikaw naman hindi na mabiro (hagikgik nito sa kabilang linya), paalis na nga pala ako in less than 10 minutes nandyan na ako (pagbibigay impormasyon nito)

Ako: bilis ah! Ang pagmamaneho mo ha! (pagpapaalala nito)

Anthony: aw! Sarap namang pakinggan ang pagiging concern mo (sabi nito habang humahagikgik sa kabilang linya), sige na nga I’ll be there in 15 minutes (dagdag nito)

Ako: bangag ka ata ngayon (panimula kong banat sa mga sinabi nya), lakas mo maka-english ah! (natatawa kong puna dito), sige na adik, paalis na din ako (pagpapaalam ko na)

Anthony: sige, see in a few minutes! (rinig ko pa din ang hagikgik nito sa kabilang linya  bago ko naibaba ang telepono at pagkababa ko ay nangiti na lang ako sa, kasi naman.. hehe)

Pumunta na nga ako sa hapag at itinuloy ko nang mabilis ang pagkain

Mama: sino tumawag? (naitanong nito habang kumakain na ako)

Ako: ah! Kaklase ko po si anthony, may sinabi lang po! (nasabi ko sa pagitan ng aking pagkain)

Mama: ah! (naitugon na lang nito)

Pagkatapos kong kumain at agad ko nang inimis ang akin pinagkainan tapos ay kinuha ang akin toothbrush bagos naghiso, mumog tapos tapos na (haha)

Agad na akong nagpaalam kay mama na papasok na pagkatapos at tinungo ko na ang papuntang kanto

Nang makarating na ako ay agad kong nakita ang mokong (sino ba naman kasing hindi agad siya mapapansin eh nakasandal siya sa kanyang magarang sasakyan tapos malaking factor pa ang itsura nya), nasa kabila syang lane nakaparada kung saan ang way pabatangas

Nang magtama ang aming paningin ay agad sumilay sa mukha niya ang isang napakagandang ngiti na tinugunan ko naman din ng ngiti

Agad itong tumawid patungo sa akin at nang makalapit ito sa akin ay nakaplaster pa din ang ngitin iyon

Ako: ka...... Kanina ka pa ba? (naiilang kong naitanong dito kasi kasi naman)

Anthony: hindi kadadating ko lang din (nakangiti pa rin ito), tara na! (aya nito sabay akbay sa akin at pagkatapos ay agad na kaming tumawid

Nang nasa tapat na kami ng kotse nya ay nagtaka naman ako dahil hindi pa din nito inaalis ang akbay niya para pumunta sa driver seat at ako naman ay sa passenger area, bagkus ay patungo din ito kung saan ako tatayo sa kotse niyang iyon

Ako.... saan ka pupunta? (naitanong ko) ako ba pagda-drive-hin mo? (sunod kong naitanong dahil sa nagtataka nga ako bakit sumabay sya sa akin)

Anthony: bubuksan ko yan (sabay turo nito sa pinto ng passenger seat)

Ako: marunong naman ako, ikaw naman para na mang bagong baba ako ah! (baba ng bundok po iyon,, hehehe) (natatawang biro ko sa kanya sabay tangkang buksan ang pinto sa kasamang palad ay hindi ko mabuksan)

Anthony: o buksan mo na (sabi nito nagpinipilit kong buksan ang pinto), hindi mo mabuksan ano? Sabing ako na (natatawang sabi nito)

Ako: ay hindi mo pa ata tinatanggal ang pagkakalock nitong kotse mo kaya hindi ko mabuksan ih! (parang bata kong naituran dito na lalong nagpatawa sa kanya)

Anthony: sabing ako na kasi (natatawa pa rin ito at nang mahawakan na nito yung pinaka pukasan ay may inilabas ito sa kanyang bulsa sabay may pinindot ito na nagpabukas ng pinto noon)

Ako: sabi na ih! (ang parang bata ko pa ring naituran dito na ikinatawa niya habang papasok sa may driver seat)

Nang makapasok ay kami parehas ay nandoon pa din ang tawa nito kaya naman pinilit kong bumawi sa kanya

Ako: tara na nga mr. driver (pang-aasar ko dito)

Anthony: ang gwapo ko naman para maging driver lang (paling nito sa akin sabay lapit nito sa akin na nagpatulala sa akin, kasi na man lagi nalang itong ganto basta basta nilalapit ang sarili sa akin ng hindi nagbibigay ng prior notice.. hehehe)

“Seat Belt mo” marahang sabi nito habang ang tingin ay nasa akin tapos ang kamay naman niya ay isinusuot na yung belt sa akin

“sa....salamat” nauutal ko naisatig sabay ang iwas sa tingin nito (kasi kasi)

Pagkatapos niyang mailock yung seat belt ko at umayos na ito ng tayo sabay pagana ng makina tapos ay pinaandar na niya

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa, kasi nailang ako sa kaganapan kanina (kasi kasi naman, hindi ako nainform.. hahaha)

Nang mapansin kong palabas na kami ng San Pascual ay naalala ko si ian (yan ha doon sa mga nagreact nung last na bakit ko daw nakalimutan si ian.. yan ha! Bumawi ako.. hahahahaha)

Ako: anthony, nga pala si ian ha! Dadaanan pa natin (nasabi ko pagkatapos ng medyo mahabang katahimikan)

Anthony: sige sabihin mo nalang kung saan (sagot nito habang nasa kalsada ang focus nito)

Kaunti pang andar ay malapit na kami sa kanto nila ian, at agad ko namang napansin na may nakauniform na pang nursing ang nakatayong naghihintay sa kantong iyon

Agad akong humarap kay anthony at nakita kong pang seryoso ito o sadya lang atang focus sa pamamaneho kaya naman ay hinila ko ang laylayan ng ibabang bahagi ng kamay ng damit niya at humarap naman ito sa akin na may nakaplaster na ngiti

Ako: anthony, ayon ata si ian (sabay turo sa nakauniform na sa kanto nila ian pumaling naman ito sa itinuro ko)

Hindi na ito tumugon bagkus ay agad niyang binilisan ang takbo tapos biglang tigil nung mapatapat na kami kay ian

Agad kong ibinaba ang bintana sabay tingin kay ian at pakawala ng ngiti na tinugunan naman niya

Ako: sakay na! (aya ko dito, parang sasakyan ko lang kung makaaya.. hehehe)

At nang naglakad na ito papasok sa likod ng kotse ay sinundan ko ng tingi si ian at ng makapasok ito at magtama ang aming mga mata ay nagkangitian lang kami

Ako: kanina ka pa ba naghihintay?

Ian: hindi kalalabas ko lang, buti hindi mo nakalimutan (pagbibiro nito)

Ako: takot ko lang sayo (natatawa kong turan dito)

Ako na rin ang unang nag-alis sa tinginan namin na iyon at nang mapaling ang tingin ko kay anthony ay napansin kong parang malalim ang iniisip nito

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment