Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (01-05)

by: Fugi
Ang dami kong  gustong mangyari sa buhay ko, ang dami kong mga pangarap pero sa lahat ng mga yun ang MAGMAHAL at MAHALIN ng TAONG PANGARAP ko ang gusto kong MAKAMIT.

Kelan kaya yun MANGYAYARI? ,,,,,,,, MAGAGANAP?          at           MAGKAKATOTOO?
Kelan kaya maiisulat ang LOVE STORY KO? (tanong na parang walang sagot kasi walang choices na A,B,C,D, hindi rin natin alam kung kelan mangyayari o magaganap ang bagay na ito, tanging ang nasa itaas lang ang nakakaalam, kasi PAGPINILIT hindi natin makakamit ang PURO, TOTOO at BUSILAK na PAGMAMAHAL....... agree ba kayo?? Hehe)
Yan.. yan na yan ang lagi kong iniisip sa araw araw sa loob ng labing anim na taong pamumuhay ko sa mundong ibabaw (OA pala yon, hindi pa nga pala ako nakakapag-isip noong BATA pa ako (hahaha) siguro nagsimula ang pag-iisip ko tungkol sa LOVE noong nakakapanood na ako ng mga movies tungkol sa pag-ibig)


Hoy anak nakatulala ka na naman dyan, ano ba iniisip mo? Tanong ng aking ina habang nasa veranda ako
Ah.. ma kayo pla, wala po iniisip ko lng po mangyayari bukas, kung ano mangyayari at sana maging maganda ang maging unang araw ko sa kolehiyo. Palusot na sabi ko sa aking ina
Ganoon ba? Wag ka kabahan anak, magiging maayos ang lahat, OK! Pahinga ka na. sabi ng aking ina
Sige po mama, teka! ma napatulog mo na po ba si angel? (ang pinaka cute ko na pamangkin, anak ng kuya ko, na samin nakatira ngayon dahil nagtatrabaho sila ng asawa nya abroad) tanong ko
Oo, napagod  siguro kanina kaya mabilis na nakatulog. Sagot ni mama
Ah! Sige po mama pahinga na din po ako at kayo din po. Sabi ko sa akin ina (at tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko para magpahinga na)

-Brief descriptions’ sa pamilya ko at sa buhay namin -
                We are six in the family (originally), si Emmanuel Chio (ang aking ama) at si Mary Rose Chio (ang akin naman ina), biniyayaan sila ng apat na anak na sina Miguel (panganay, 25), Justin (pangalawa, 22), AKO (pangatlo, mamaya ang self introduction ko. Hehe) at ang bunso si John (12y/o). Nadagdag naman si ate Isabel (asawa ni kuya Miguel) at ang pinakauna kung pamangkin na si Angel. Hindi kami ganoong kayaman, kung baga nasa gitna, salamat sa aking ama na nagtatrabaho bilang engineer abroad (mabuhay ang mga bagong bayani! Hehe) kaya natustusan ang amingpangangailangan at dahil din dun ay napagpatapos sila kuya Miguel as engineer din at kuya Justin sa kursong business management (pareho na sila nagwork abroad ngayon). Si Mama, Ako, si John at si angel, kami lang ang naiwan sa aming tahanan.

Tok.. tok... anak gising na malelate ka na, first day pa naman ngayon ng pag pasok mo. Tok..... tok.....
Agad naman ako nagising at tumingin sa orasan, Naku! 6:00am na, patay! Late na naman (habit ko na to! Ang pagiging LATE.. hehe siguro dahil sa kasabing “Huli man daw at magaling HULI pa din” hahaha lakas lang maka connect hehehe), gising na po ako ma. Sigaw ko kay mama
Agad naman akong nagtungo ng c.r. para maligo ng mabilis (no choice baka lalo pa malate pag hindi ako nagmadali), dahil wala pa ako uniform sa kadahilanang nalate ako magpagawa, naka civilian ako, OK naman daw yun kasi hindi pa regular ang klase (nakawhite v-neck shirt ako, semi fit na black faded jeans na medyo bitin ng konti, ung alah John Lloyd style at na white vanz shoes). Pagkatapos magbihis bumaba na ako para magbreakfast ng sobra bilis (hindi kami pinapayagan ni mama pumasok ng hindi kumakain, hindi ko alam kung bakit pero isa yun sa mga rules nya)
Sige ma, alis na po ako, late na ako, hanapin ko pa room ko. pagpapaalam ko kay mama sabay halik
Sige anak ingat ka, wag masyado mabilis ang pagpapaandar kay DREY (motor ko na niregalo ni papa sa akin noong naggraduate ako ng high school, yun kasi hiniling ko. Hehe, (ASTIGIN KASI) nung una ayaw nila dahil prone sa accident pero napilit ko din ang mga magulang ko at pinangako na magiging maingat ako sa pagdadala nun) paalaala ng aking ina.
Mabilis naman ako nakarating sa university (salamat kay DREY. Hehe) at nang maipark ng maayos si drey sa SAFE na lugar, agad kung kinuha ang registration form ko para makita schedules/subjects/time/building/section at nang makita ko ito..... COLLEGE ALGEBRA pala first subject ko (kala ko naman ligtas na ako sa math, ano kaya relasyon nito sa course ko? Tsk tsk..), 7:00am-8:30am, TBA BLDG (san kaya to??) BSN I-4 pla ako.

-Introduction of myself-
                Ako si Chio, Fuji, 16 years of age nasa 5’8’’ ang height, maputi (yung puti na hindi gawa ng whitening soap.. hahaha) hindi payat hindi rin mataba, sakto lang (hindi naman kasi ako naggi-gym pero seksi yung katawan ko, para daw pang athlete sabi ng coach ko sa valleyball), naka eye glass na bumagay naman sa medyo singkit ko na mga mata, hindi ako gwapo pero alam ko sa sarili ko na Cute ako (hehe), sobrang babaw ko na tao in a sense na natatawa ako sa kahit ano makita na kakaiba o kahit simpleng jokes, madaling pakisamahan at gusto ko light lang lagi ang paligid, ayaw ko ng gulo/away. (tama na muna to, to follow na lang ung iba, isisingit ko na lang pagkelan ng explain ang sa sarili ko .. hehe) BS Nursing nga pla ang napili kung kunin tas sa LPU-Batangas ko napili mag-aral (Taking the lead eh! Hehehe, wow free advertisment ah!hahaha)

Ayun buti nakakita ako ng guard na mapagtatanungan;
Ako: Sir tatanong ko lang sa ung TBA bldg.?
Guard: (Natatawa habang nag sasalita) ano ba course mo?
Ako: Nursing po
Guard: ah! Punta ka na lang sa bldg na yun (sabay turo) nandoon ang Nursing office, nga pla iho walangTBA bldg. TBA stands for “To be announce” (kasabay ng pasasabi niya ay ang pagpigil ng tawa)
Ako: pasensya na po! Hindi ko po alam (sabay ngiti at lumakad ng mabilis papunta ng bldg kung nasan ang Nursing office, para makaiwas na sa guard, nahihiya at natatawa ako sa sarili ko.. hahhaha... kasi naman hindi naglalagay ng LEGEND. hahhahaha)

Sa Nursing office;
Ako: Good morning ma’am, tanong ko lang po san yung bldg. para sa subject na ito (sabay pakita ng reg form at turo ng unang subject ko)
Secretary: Good morning as well! Ahm.. it says that your BSN I-4, wait I’ll check the master list, can I scrounge your registration form? (sabay bigay ko naman), Ilang minuto lang at nagsalita na uli yung secretary: Mabini Bldg., Room 204 (sabay abot sakin ng reg form ko)
Ako: salamat ma’am. (Time check: 7:20am na, dandyararan LATE=)
Lumabas ako kasama ang secretary at itinuro kung san ang daan papunta sa Mabini bldg. Agad ko naman tinungo iyun at nagtakbong-lakad para mabilis makarating sa room ng first subject ko. Nang mahanap ko na ang Room 204, tumingin ako sa pinto (sa may bandang itna ng pinto ay may maliit na square na opening na itinakpan ng glass kaya makikita mo mula dun ang loob ng class room), pagsilip ko nandun na ang prof ko (patay!), agad ako kumatok at pumasok;
Pagkapasok ko, nagtinginan sakin lahat nag nandoon kasama ang prof ko at napansin ko na ako lang ang naka-civilian, lahat sila naka-uniform (agaw atensyon tuloy.. tsk tsk)
Ako: (tumingin sa prof ko at humingi ng paumanhin), Sorry ma’am, naligaw po kasi ako.
Prof: it’s ok but on our second meeting formal class resume be here early ok! Take a seat, prepare 1/8 index card follow the pattern on the board then bring it to me when you finish then after that get in front and give information about yourself.
(agad naman ako pumunta sa bakanteng upuan sa likod at ginawa lahat ng pinapagawa ng prof namin, hindi naman ako makatingin sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako at ako lang ang hindi naka-uniform (outcast tuloy.. hehe).
Pagkatapos ko ay agad ko inabot sa prof ko yung index card at pumunta sa harap para magpakilala;
Hi! I’am Fugi Chio, 16, I hope that in the coming days we all be friends (sabay ngiti), thats all (ang iksi ba?? Nosebleed na ih! Ubos na vocabulary, hahaha), sabay upo na sa inukupa ko na upuan sa likod.
Tahimik lang ako nakikinig (tahimik kasi wala ako katabi. hahaha) sa dinidiscuss ng aming prof about sa kanyang rules and regulations sa klase nya, ganoon din ung grading system at kung ano ano pa.
Pagkatapos ang halos 30mins nang kakadakdak ni prof, dinismiss na kami, na next meeting na daw sya magstart para hindi naman daw kami matrauma (buti nauunawaan nya ang aming mga pamsariling mga daing, hahahaha)
Dali dali naglabasan ang mga kaklase ko, hindi naman ako nakikipag-unahan kaya naupo nalang muna ako at pinagmasdan ang kanilang karerahan papuntang finish line (ang PINTUAN, hahaha).
Sa aking pagmamasid sa kung paano mag-unahang lumabas ang aki ng mga kaklase may pumukaw ng aking paningin, isang Lalaki nakatalikod sa akin kasi nasa may gitna syang parte, sa bandang dulo malapit sa bintana, na katulad ko ay nakaupo at hinihintay muna makalabas ang lahat saka nalang aalis.
Sa HINDI maipaliwanag na dahilan parang gusto ko humarap sya sa akin para makita ko ang kabuuan nya. Napako na ang tingin ko sa kanya, hinihintay na humarap sya. Hindi ko na namalayan na tinatawag nya na pla ako, na sya naman nag pabalik sa akin sa realidad.

Tsong, hindi ka pa ba aalis? pagtawag nang pansin sa akin nung lalaki

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Hindi ko maiksplika ang nararamdaman ko ngayong nakita ko ang kanyang mukha, parang bumilis ang pintig ng puso ko na parang hindi ako makahinga na parang wala akong marinig sa paligid ko na parang tumigil ang oras na parang sya lang ang nakikita ko (eto siguro ang tinatawag na LOVE at FIRST SIGHT!)

Hoy! Tsong (medyo napalakas na pagtawag nung misteryosong LALAKI)

Uy! (ang bigla kung nasambit sa pagkabigla)

Hindi ka pa ba aalis ? (pag-uulit nya sa tanong nya kanina)

Oo, hinihintay ko lang na makalabas mga kaklase natin (pagsagot ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa kanya)

Wala na sila kanina pa lumabas, tara na sabay na tayo, sabi nung lalaki
Ah.. eh.. sige, ako nga pala si Fugi, Fugi Chio, pagpapakilala ko
Ian tsong, Ian Seth Sandoval, pagpapakilala nya
Sabay kami ni ian lumabas ng room, na ako ay wala parin sa sarili sa kadahilanang hindi parin humuhupa ang aking KAKAIBANG nararamdaman.

Hindi ko maintindihan ang ganitong pakiramdam, BAKIT ganito? BAKIT sa kanya? Imposibleng sya ang mamahalin ko dahil alam ko na lalaki ako at ganoon din sya. Ah! Ang gulo nito.. Sa aking pagmuni muning ito ay biglang nagsalita si ian...

Saan ang punta mo ngayon? Halos isang oras ang break natin (9:00am pa kasi sunod na subject namin na Remedial English, parang tutorial lang.. haha), pagtatanong ni Ian
Hindi ko alam, wala sa sarili kong sagot sa kanya
Gusto mo ba sumama sa akin sa Cafeteria?? wala kasi akong makakasama, wala parin kasi akong kakilala sa mga kaklase natin bukod sayo, paglalahad ni ian
O sige, tara, pagpayag ko.
Mabilis naman kami nakarating sa cafeteria dahil malapit lamang ito sa bldg kung san kami galing. Naghanap muna kami ng table para maibaba ang aming mga gamit at sabay na pumunta sa mga stalls ng mga pagkain matatagpuan sa loob ng cafeteria.
Ian: ano bibilhin mo??
Ako: ahm.... buko shake at pizza nalang (sabay turo sa stalls na bibilihan ko), ikaw ano sayo??
Ian: hindi kasi ako nagbreakfast, magheavy meal ako

Naghiwalay kami para sa kanya kanya naming bibilihin. Nauna ako makabalik sa kanya sa table namin at pagkaupo ko hinanap ko kung nasaan naroon ang kinaroroonan ni ian. Nakita ko nalang na naglalakad na siya papunta sa aming table, sa puntong ito may napansin ko ang kabuuan ng hitsura nya na sya namang nakapagpatulala sa akin.


-Short Overture of Ian Seth Sandoval-
            Siya nasiguro ang definition ng tatlo salitang ito “Gwapong HINDI Nakakasawa” o GHN (makaimbento lang ng abbreviation.. hahha). Matangkad sa taas na 5’10, maputi na makinis ang balat (thats what you call radiant skin, PONDS. Hahaha, makaconnect lang ng mga endorsment.. hahah biro lang self produced po ang kwentong ito.  Hahahaha) wet look/clean cut na hair style na parang lagi siyang fresh, matangos na ilong, katamtamang labi na pamula mula, na sa tingin ko ay malambot. (eto alang napunako kasi yung iba nakatago pa. hahahahhahaha to follow na lang din pagnakita ko na.. hahaha, PAALAALA: hindi ako pilyo, nagsasabi lang ng totoo. hahaha
Nakatulala ka na naman, pambasag ni ian sa paglalakbay ng aking imahinasyon
A..ah! ma.. may naisip lang ako, nauutal utal kung sabi. Tara kain na tayo pag-iiba ko ng usapan

Naupo na si Ian sa kabilang silya katapat ko, kaya naman magkahalapan kami na sya naman nagbigay sa akin nag pagkakataon na masuri ang kanyang mukha ng palihim.
(continuation nung description ni Ian: ang ganda ng mukha nya, na kulay brown pla ang kulay ng mata nya, pero ang napansin ko nung tingnan yun ng maigi, na parang ang LUNGKOT nang pares ng mga mata nya, na siya naman naging salamin para makita ko na parang may dalahing probrema si Ian, na kaya pala kanina ko pa syang hindi nakikitang ngumiti (na syang dahilan kaya hindi ko makita ang mga ngipin nya, sabi sa inyo ih! Nakatago ung ibang parte kaya hindi ko ma-narrate yung ibang magagandang katangian nya. Hahaha)

Nahihiya naman ako tanungin sya dahil hindi pa kami ganoon magkakilala. Kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng tahimik habang pinagmamasdan sya nakumakain sa harapan ko.

Sa pagkakataong yun  hindi ko namalayan na etong mga salitang ito ang nabubuo sa isipan ko “GAGAWIN KO ANG LAHAT MAPASAYA KA LANG!” (paulit ulit na hanggang sa namalayan ko na lang na bat ganun ng naiisip ko..? ang gulo talaga, FIRST TIME ko makaramdan ng ganito, Bakit ang lakas ng halak niya sa akin? na parang kusang nag-iisip ang UTAK ko sa KANYA at ang otomatikong pagtibok ng PUSO ko na may kakaibang RITMO para lang sa kanya, na parang lumalabas na naiiwan ang SARILI ko dahil sa hindi maipaliwanag na paggalaw ng mga internal organs na ito. Nakakadrain ng lakas ang mag-isip, kaya pinabayaan ko na lang ang nararamdaman ko (baka nanibago lang, na ngaun lang nakakita ng “Gwapong HINDI Nakakasawa” o GHN (totoo namang maraming gwapo, gwapo sa MALAYO, sa MALAPIT, gwapo pag naka-SIDE, meron din naman pag NAKATALIKOD na tipong wag nalang HAHARAP.. hahaha PEACE mga repapipz,,, PERO si IAN iba sya, SIYA LANG ang may KARISMANG ganon)

Pagkatapos kumain ay nag-aya na ako na pumunta sa susunod naming subject sa kadahilanang baka hindi ko na makaya ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya.
Agad kung kinuha ang reg form ko para malaman kung saan ang bldg at room ng next subject namin (SHL Bldg, room 104)
Ako: alam mo ba kung san to?? (sabay turo nung  nasa reg form)
Ian: alam ko ito na yung bldg na to, sa taas tara! Akyat na tayo
Umakyat na nga kami para pumunta sa sa assigned room for na next subject. Napansin ko na tahimik pala na may pagka-mysteriuos yung aura nya, siguro kaya nya lang ako kinausap dahil baka no choice na sya o kaya para may makasama sya.
Nakita na rin namin ang room namin at agad kami pumasok, nanduon na halos lahat ng kaklase namin at ukupado na ang mga upuan sa harapan kaya napagpasyahan na lang namin sa bandang likod, malapit sa binta umupo.

Ian: dun tayo fugi sa may likod malapit sa bintana
ako: sige mukhang maganda pwesto dun
Pagkaupo, namayani na naman ang katahimikan, kahit gusto ko syang kausapin at alamin ang lahat lahat tungkol sa kanya (dahil yun ang gusto ng puso ko at naiisip ng utak ko), pero ayaw ko manghimasok dahil hindi pa kami ganoon katagal magkakilala (siguro mamaya nalang pagkalipas ng 30mins, para masabing matagal na kami nagsasama simula kanina.. hahaha).
Sa puntong iyon ay wala pa kaming prof kaya hindi ko na napigilan na ang sarili ko na magtanong sa kanya
Ah... eh ian kwento ka naman tungkol sayo, wala sa sarili kong tanong sa kanya habang si ian naman ay nakaharap sa may bintana, pinagmamasdan ang paligid.
Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko, pagsagot ni ian na sa may bintana parin nakatingin.
(hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na parang sobrang LUNGKOT nya na parang may kulang sa kanya kaya naging ganon na lang ang naging sagot nya sa akin)

Alam ko may problema ka at nakikita ko yun sa mata mo (hindi ko na talaga napigilan na isatinig ang napuna ko sa pamamagitan ng kung ano ang nakita ko sa mga mata nya).
Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngiti nahalang hindi tunay, ngiting pilit na para lang may maitugon sa nasabi ko. At naging tahimik uli kami, hanggang dumating na ang prof namin.
Katulad kanina pinaggawa uli kami sa 1/8 index card na naglalaman ng personal info about samin. Pagkatapos namin tinawag nya isa isa by alphabetical (A......Z) tas pagkatapos inayos nya kami alphabetically (nalungkot ako dahil alam ko na hindi kami magiging magkatabi), sa may bandang harapan ako samantalang si ian at sa likuran. Same as kanina, discussions lang ng grading system at rules ang regulations. Pagkatapos noon ay dinismiss na uli kami.

Katulad kanina hindi uli ako tumayo agad at inantay na makaalis iba bago ako umalis at nang tumingin ako sa bandang likuran nakita ko si ian na nakatingin na naman sa may bintana (parang lagi syang may inaantay, na parang may gusto syang makita)

Ian! Pagtawag ko sa kanya
(Lumingon si ian sa akin)
Tara na! nakalabas na sila, pag-aya ko sa kanya
(tumayo na sya at sabay na kami lumabas)
Habang papalabas na kami,

Ako: sorry (mahina kong sambit nung nasa likuran ako ni ian), sorry kung nakikialam ako (habang nakayuko)

Ian: bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?

Ako: pero.. (hindi ko natapos dahil sumabat sya)
Ian: tara na, san naman kaya tayo tatambay?? Haba ng oras natin, maya pa ang susunod na klase.
Ako: may nakita ako tahimik at magandang tambayan, tara!
Naglakad na uli kami papunta sa sinasabi kong lugar. Napansin ko yun kanina nung naghahanap ako ng room. Mga kubo sa harap ng mabini bldg at side ng malvar bldg tas alam ko na mahangin dun kasi na papalibuan sya ng mga puno at maganda din ang tanawing makikita dun.

Pagkadating namin sa mga kubo. Naupo sya sa harap ng mgandang tanawin at mataman na pinagmamasda ang magandang view.
Tinitigan ko sya at lalo ata syang gumagwapo, na parang nalilito na ako sa naiisip ko.. Kainis talaga, nakakainis kasi nagugustuhan ko at sumasang-ayon na ako sa kung ano man ang naiisip ko (haha, baliw na!)

Ahm... Fugi, pwede magtanong? (pambasag ni ian sa katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan naming dalawa)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Ahm... Fugi, pwede magtanong? (pambasag ni ian sa katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan naming dalawa)
......

A..ah sssige ooo..Ok lang, ang nauutal kong nasabi
Ba-se sa mga naobserbahan mo simula kanina, ano impression mo sa akin? Tanong nya habang nakatingala sa langit.
(Alam ba nya at nararamdaman nya ba na kanina ko pa sya tinitingnan at inobserbahan? Alam ko naman na itinago ko ang SHAKRA (yes! lakas maka-naruto. hehe) at ganon din ang REN, SETSU at ang bumubuo dito ang NEN (wow! Parang hunter lang.. haha)
(TRIVIA: mahilig mo ako sa anime, end of trivia.. hahha)

Ah.. eh hindi naman sa nakikialam(nag-aalangan kong panimula, huminga ng malalim), napansin ko lang base sa nakikita ko, ginagawa mo at sa mga sagot mo kanina parang... parang hindi ka ok. (Pahina ng pahina kung sabi habang yumuyuko ang ulo ko,, kinakabahan kasi ako baka magalit sya sa mga sinasabi ko)

Ano ba ang nakikita, ginagawa ko na kakaiba at may mali ba sa mga sinasabi ko??
Nakikita ko kasi sa mga mata mo ang lungkot mo......... lungkot na hindi mo masabi........ lungkot na hanggang ngayon bumabalot sa buong katauhan mo na dahil doon hindi mo magawang ngumuti, ngiti na totoo at walang bahid na pagpapanggap. Tungkol sa ginagawa mo naman, lagi kang nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay ka, na may gusto kang makita, na parang ayaw mo malingat sandali at baka hindi mo sya makita. At ang huli ay base na sagot mo na “Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko” na nagpaphiwatig na parang may parti sa buhay mo ang nawala, na syang nagbibigay ng kulay sa buhay mo na pinatotohan ng sagot mong ito nung magsorry ako sayo kanina “bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?”, naparang ang lumalabas ay...ay NAIWAN KA at ang NANG-IWAN sayo ay ang TAONG mahal na mahal.... ang BUHAY mo. (wala sa sarili kong nasabi habang nakatingin sa kawalan, ito ang nais ko isatinig kanina pa siguro ngayon ako nagkalas nang loob)
Hindi ko namalayan na nakatingin pla sa akin si ian habang sinasabi ko yun, at pagkatapos ko magsalita bigla syang tumingala at nagwika ng....

Keen observant ka pala, nasapol mo lahat base lang sa nakita mo, nangingiti niyang sabi (alam ko na ang ngiti na yon ang totoo na kaya naman nasambit ko nalang...)

YES! (sabay flex ko ng mga kamay ko at at alam nyo ba nung itsura ng kamay nila san goku pag nag susuper saiyans, un ganoon, hehehe)
Tumingin naman si ian sa akin at..
Bakit? Tanong nya na nangingiti ulit
Wala paano nakita na kita ngumiti, ngiti na hindi pilit, sabay tingi sa kanya at ngumiti din.

Galing mo kasi! Salamat, sabi nya

(Hindi ko alam pero parang sobrang saya ko nung nakita ko sya ngumiti at nung sinabi nyang SALAMAT, para tuloy gusto ko na lagi sa tabi nya para pangitiin sya at pasayahin.)

Wala pa naman ako ginagawa ah kaya hindi ko tatanggapin ang SALAMAT mo (pakipot kunyari.. hehehe), kaya na man kelangan mo sumama sa akin mamaya may pupuntahan tayo, sabi ko sa kanya
Sige sige, pagpayag ni ian
Ok. Tara na sa next subject natin, aya ko sa kanya

Pumunta na nga kami sa room kung saan idadaos (yes parang pagdiriwang lang.. hehe) ang pangalawa sa next subject namin ang  General and Inorganic Chemistry-Lecture (na more on theory tas iba pa sya sa Laboratory na more on experiment, bukas pa ang chem-lab subjct ko). Same as kanina lang din ang ginawa dahil nga hindi pa regular ang klase. Tas early dismissal din kaya man nagpunta nalang kami ni Ian sa Library (sobrang lamig dito sarap matulog at nakatulog naman ako.. hahaha)

Time check: 2:50pm, ginising na ako ni Ian para pasukan ang Last namin subject ang General Psychology (minor subject sya pero sa lahat ng subjects na iti-take-up ko ngayong sem na ito parang sya ang pinaka major kasama ang NAT SCI 2A o Biological Science with Human Biology, sila kasi ang pinaka related sa course ko)

Dali dali kami lumabas ng library at pumunta sa room, buti same bldg (sa SHL208, eto ung pinakabagong Bldg, elegante at sobrang lamig ng bawat rooms dito, wow naman over na exposure ng aking Alma mater ah! Kaya dapat may big discount ang kapatid ka kasi dyan din sya papasok.. hahhahaha)

Katulad lang kanina ang ginawa kaya naman wala pang 4 dismiss na kami.
Ako: ano ready ka na?
Ian: saan ba kasi tayo pupunta?
Ako: basta ako ang boss ngayon, sumunod ka na lang (sabay ngiti sa kanya)
Ian: sige ikaw na an bahala

Agad naman kaming bumaba at pumunta sa parking lot kung san ko ipinarada si DREY (motor ko)

Ako: ian si drey nga pala, drey si ian
Ian: ba may pangalan talaga
Ako: syempre itinuturing ko kasi syang kaibigan hehe, oh ano pa hinihintay mo, makipagkamay ka na sa kanya
Ian: nice meeting you drey! At nakipagshakehand nga sya kay drey gamit yung manubela (hehe), ingatan mo byahe namin ha! Wala ako tiwala sa amo mo. (natatawa na nya sabi kay drey), tapos bigla syang tumingin sa akin, bakit ganyan itsura mo (paano nakatitig ako sa kanya na para may na discover na naman ako sa kanya na kakaiba na totoo naman)
Ako: paano nag level-up ka na naman (nagigiti kung sabi sa kanya)
Ian: parang pokemon lang ah! Hahahahaha Bakit??
Ako: Yes! Nakakatawa ka at humihirit ka na, natatawa ko na din sabi sa kanya
Ian: dahil kasi sayo, pinagagaan mo pakiramdam ko, sabay ngiti nya sa akin

Ngumiti na lang ako bilang tugon, pero sa isip ko patuloy ang pag-andar paikot ng mga sinabi niya na “dahil kasi sayo, pinagagaan mo pakiramdam ko” na dahil dito hindi ko alam na palihim ako napapangiti na parang kinikilig (hala patay na! hehe)

Sumakay na ako kay Drey at ininstart na ang makina,

Ako: Sakay na! (Parang super ferry taglines lang.. hahaha) sabay abot ng spare helmet sa kanya.
Ian: wag na magugulo ang buhok ko
Ako: hindi ka naman mamatay pag nagulo ang buhok mo ah! Suot na (may awtoridad kong sabi)
Ian: opo boss (sabay kuha sa kamay ko nang helmet)
Natawa na lang ako sa kanya itsura habang sinusuot ang helmet. Pagkasuot nya ng helmet agad na syang sumakay kay drey..
Ako: ayos ka na ba, paandarin ko na si drey
Ian: ok na ako kapitan, tara na habang malilim pa.

(Agad ko na pinaandar si drey pero dahan dahan na hindi naman nakalampas na mapansin ni ian)

Ian: wala na ba ibibilis si drey??
Ako: hindi sya ang may gusto ng gantong takbo (patungkol sa andar ni Drey na motor ko), kasi gusto ko S.A.F.E. (pagspell ko sa salitang safe), kasi hindi nalang buhay ko ang nakataya kung may mangyari na wag naman sana, dahil dahil kasama kita, ikaw na mahalaga na sa akin (pabulong kung sabi)
Ian: oh! Palusot ka lang ata baka ngayon ka lang siguro may pinaangkas dito (paaasar nya)

Ako:  paano kung ganoon nga? (pagsakay ko sa kanya)
Ian: ok lang alam ko naman na safe ako aat hindi mo ako papabayaan
Ako: syempre mahalaga ka na sa akin (ang wala sa sarili kong nasabi dahil sinabi nya) at pati ako nagulat na lang sa sinabi ko (ganon ata yun na pang may kung ano kang nararamdam sa isang tao na parang espesyal sya na parang konektado kayo ay parang kusang gumagalaw ang PUSO sa pagpintig sa saliw ng kakaibang ritmo, gumagana ang UTAK na syang nagpoproseso ng gustong ipahiwatig ng puso at ang pag utos ng utak sa ating BIBIG na isatinig ang mga ito {ah ah naman parang pathophysiology lang ng isang sakit. hahaha}, kaya naman kahit anong pagpipigil natin kusa parin tayong ibinubuko ng sarili natin sa taong MAHAL natin.
_________
Trivia ulit: yung term na PATHOPHYSIOLOGY (patho o pathophysio kung tawagin namin mostly mga nursing students) sya yung medical explanation kung paano napoproseso ang isang sakit sa ating katawan. (gets nyo ba? Hehe)
_________


Ako: mahalaga kana sa akin kasi itinuturing na kitang KAIBIGAN (pambawi ko para hindi sya maghinala sa pahayad ko kanina)
Nakita ko nalang siyang ngumiti sa akin sa pamamagitan ng salamin. Namalayan ko na lang na malapit na kami sa gusto kung pagdalhan sa kanya. Ilang minuto pa at nadun na kami.

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Dinala ko sya sa Calumpang River, hindi na ganoon kalinis ang ilog na iyun (nakita ko kasi ang ilog na ito nung nasa SHL bldg kami kanina)

Ian: bakit tayo nandito? Naisipan mo bang mamingwit? (natatawa nyang tanong)

(pero seryoso ako humarap sa ilog at nagtugon ng..)

Ako: dito, dito siguro pwede mo nang itapon ang mga problema mo, para masama nang maanod sa kung san man, para makapagsimula kang bumuo uli ng magagandang alaala,para masabi mo na uli na may kwenta na uli ang buhay mo at nang maging masaya ka na ulit.. (kalmado kung paglalahad sa kanya)

(lumakad si ian palapit sa may ilog at sumigaw.... AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!)
Katahimikan ang sumunod na bumalot sa aming dalawa na tila pinakikiramdaman ang bawat isa. Naupo ako at pinang masdan ang ilog.

Alam mo ba mahal na mahal ko siya, simula nung makita ko siya, sabi ko sa sarili ko “siya na ang babaeng para sa akin”, siya ang komumpleto sa akin. Sa loob ng apat na taon siya lang ang naging kasiyahan ko. Pero umalis siya kasama nang pamilya nya at sa ibang bansa nya na rin pagpapatuloy pag-aaral nya. Alam ko parehas namin hindi gusto yun pero wala.. wala kaming choice. Walang iniwan ang pagkakataon para sa amin na OPTION’s, walang pagpipilian kung hindi ang HAYAAN SIYANG UMALIS at ang IPANGAKO sa KANYA na HIHINTAYIN KO ang PAGBABALIK NYA....... ang kalmate at mapusong paglalahad ni ian

Alam ko na sa puntong yon ay umiiyak si ian pero alam ko hindi nya pinahahalata yon sa akin. Hindi ko maintindihan pero nararamdaman ko na naiinggit ako kung sino man ang babaeng sobrang pinaglaan ni ian ng pagmamahal, hinihiling ko na nasa may magmahal din sa akin ng ganoon, na nasa SIYA ang GUMAWA non.

Pagnakikita natin ang kakaibang side nang isang tao yung soft side nila, yung vulnerability nila parang mas napapaMAHAL tayo sa kanila kasi mas NAKIKILALA natin ang kung sino siya at ang buong pagkatao niya.
At sa puntong yon na nakikita ko si ian sa ganoong disposisyon, alam ko na sa sarili ko na may umuusbong na kung anong damdamin para sa kanya, hindi awa kung hindi pagpapahalaga at ang hindi ko maaming PAGMAMAHAL.


Kung ang pagkakataon, sitwasyon o tadhana man ang naghiwalay sa inyo, panigurado sila rin ang gagawa nang paraan para pagtagpuin ang landas nyo (pambasag ko sa katahimikan na namamayani, na nagpatingin naman kay ian sa aking kinaroroonan), ganoon naman daw yon, sinusubok ang tatag ng pagmamahal ninyo para sa isat isa na pagnalampasan ninyo pareho kusa kayong dalawa babalik sa piling ng isat isa. Sabi nga sa nabasa ko “Konektado ang PUSO ng isang TAO sa kanilang mga PAA, kaya hindi nakakapagtaka kung DALAHIN ka nito sa TAONG nakaTADHANA SAYO.” Kaya kung para kayo sa isat isa dadalahin kayo ng mga puso nyo gamit ang mga paa nyo sa piling ng isat isa. (Mahabang paglalahad ko habang nakatingin sa ilog)
Kaya dapat hanggang hindi pa nangyayari yon (sabay tingin ko sa kanya at sya naman ay nananatili nakatingin sa akin), ayusin mo ang buhay mo ngayon para pagnagkita na kayo sa hinaharap isang bagong IKAW ang haharap sa kanya para ipagpatuloy ang naudlot ninyong LOVESTORY (pagtatapos sa napakahabang kong sinabi sabay ngiti sa kanya) (ang dami ko nasabi no!? epal lang kala mo nakaexperience na ng LOVE.. hehehehe)
Ngumiti ng pagkakatamis sa akin si ian at para bang hindi ako mapakali dahil sa sobrang ganda nang mga ngiti niyang yong, nahuhulog ako sa palalim nang palalim na bahagi sa aking puso na para sa kanya.
 Ako: yan mas bagay sayo ang ngumiti, kaya simula ngayon habit mo na yan ha. Wear it always.. OK! (sabay thumbs up)
Ian: salamat... salamat sa pagpapagaan ng nararamdaman ko, salamat sa pagpaparealize sa akin nang mga bagay bagay. Salamat!

Ako: daming namang salamat non ah! Tira ka para sa iba (biro ko sa kanya na ikinangiti uli nya)
Ian: kulang pa nga yon kaya salamat uli (natawa naman ako dito) kasi IKAW lang nangahas ipaintindi lahat ng mga ito sa akin at SAYO ko lang nailabas ang mga problema ko kasi MAGAAN ang LOOB ko SAYO.. (tumingin uli siya sa akin at ngumiti)

Ngiti na lang din ang isinagot (at ang mga binanggit nyang “kasi MAGAAN ang LOOB ko SAYO” nagpaikot ikot na naman sa utak ko.. hala may favoritism, paggaling kay ian nagtatagal sa utak may pag-ikot pa. hahaha)

Nanatili ka parin ako nakaupo nakaharap sa ilog harang si ian ay nakatayo patalikod sa akin na kapares ko nakatingin sa ilog, parehas na tahimik at dinadama ang hangin na dumadami sa aming mga balat. Hanggang sa nagyaya na si Ian na umalis at mieryenda daw kami.
Umalis na nga kami sa lugar na iyon at nag sa pinakamalapit na mall sa lugar na yon ang SM Batangas. Nang maipark ko na si drey at agad na kaming pumasok sa loob.

Ian: san mo gusto kumain??
Ako: ikaw saan mo ba gusto?
(Pagpili ng kakainan ang isa sa pinakamahirap na gawain.. AGREE BA KA?? Hehehe..... Dami kasi)
Ian: ikaw na. dali kahit saan, my treat dahil pinagaan mo ang loob ko

(hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nya kaya tumalikod ako at kunyari nag-isip at tumigin sa mga bistro sa paligid para hindi niya ako mahalata)
Ako: wow yaman ah! Sige sa max’s restaurant (biro ko sa kanya)
Pero agad naman akong hinawakan ni ian sa wrist at dali daling isinakay sa escalator (nasa second floor kasi yung max)
Ang paghawak na iyon ni ian ay nagdulot sa akin ng kung anong shock waves (hala imbento. Hahaha) o kuryente na unti unting dumaloy sa aking katawan na parang nagpabilis na naman ng pagpintig ng aking puso. Ito ung KURYENTENG ayaw kong IWASAN dahil ang duloy nito ay ang pagbibigay ng KONEKSYON sa aming dalawa.
Hindi ako nagsalita, hindi ko rin inalis ang magkakahawak nya sa akin (dahil parang gusto ko na lagi niya na lang akong hawak, na hindi nya bibitawan dahil para sa ganitong pagkakataon magkabigkis at konektado na kami) nagpadala na lang sa kung saan man niya ako dadalahin, hanggang sa nakarating kami sa entrance ng nasabing restaurant.
Pasok na tayo (ang sabi niyang nagpabalik sa akin sa reyalidad)

Ah.. eh.. I... ian (pautal utal kong naibulalas dahil bumabawi pa sa kuryenteng ipinadama nya sa akin), biro lang yun, dagdag ko

ok lang naman sa akin sabi kahit saan, kaya tara na, sagot nya sa akin

Akmang papasok na siya sa loob nang biglang kabigin ko ang kamay niya at buong lakas hinila siya papalayo sa bistro na yon, at nang makalayo na kami bigla ako humarap sa kanya (takenote: hawak ko pa din pala ang kamay niya na hindi ko na namalayan. Hehehe, paano Adrenaline rush ba! Hahaha palusot! hehe) at nagwikang

ian sabing joke lang yon, ang mahal dun ih! Nakakahiya naman sayo kung libre mo, ang sabi ko sa kanya

Hindi umimik si ian at hindi ko namalayan na nakatingin pala sa pagkakahawak ko sa kamay niya na agad ko namang na pansin at kasing bilis ni flash (anime lover po talaga ako.. hehe) kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

Yumuko ako at mahinang ng sabi ng... Sorry!

Wala yun, o saan na tayo naman tayo kakain nito nagugutom na ako (masiglang pag-iiba ni ian para mapalitan ang atmosphere sa paligid naming dalawa)

Tumalikod na lang ako dahil alam ko na pang namumula ako sa nagawa ako at sinabi sa kanya na sumunod na lang sa akin. Bumaba kami at pumasok ng supermarket (may mga maliliit na kainan kasi dun tabi) naglakad nang naglakad hanggang..
Dito, dito na lang tayo kumain, mura na, masarap pa at paniguradong mabubusog tayo (pagbibida ko sa PAOTSIN, isa kasi din ito sa favorite ko)

Mukhang Okey dito ah! Ano sayo, tanong ni ian

Since libre mo naman lulubus-lubusin ko na biro ko
Sige lang, pagyayabang niya
Yaman talaga ah! (nagkangitian kami parehas)
Ahm isang order ng pork wanton pati sharks pin with rice at large buko pandan juice, parang bata kong sabi kay ian habang nakaflex pa ang mga kamay ko sa harapan at ang mga hintuturo ay nagtuturo
Natatawa naman siya ian sa itsura ko at sinabihan ako na parang bata (hehe)
Umorder na nga siya at pinapunta na niya ako sa medyo mahaba na nag-iisang table para magkapwesto kami (maliit lang kasi yon tas puro hanay pa ng ibat-ibat food stalls na mostly finger foods ang mabibili). Since maliit nga wala na mga silya pa kaya standing ovation kami (hehe)
Hindi naman nagtagal at pumunta na sa pwesto ko si ian dala ang mga order namin. Ang naging siste ay naging magkaharapan kami. Pinarehas niya nalang pla ang order namin. Pagkababa ng niya ng mga order namin nakita ko yung resibo, habang hindi siya nakatingin ay kinuha ko iyon (remembrance ba! FIRST TREAT slash FIRST DATE na din ito para sa akin, para akin lang. hehehe)
Nagstart na nga kami kumain. Napansin ko nahihirapan siya dahil ang gamit lang namin na utensil ay isang KUTSADOR (imbento na naman. Hehehe, paano kasi fusion ng kutsara at tinidor, parang Goku-vegeta o Goten-tranks lang. FUSION HA! HA! hahahahahaha), kaya naman tinulungan ko na sya.
Akina nga ako na maghahati hati nyan, napaghahalatang RICH KID ah! (biro ko dito)
Nguti lang si ian sa akin
Yan buti naman at nagiging habit mo na ang ngumiti, mas bagay sayo, nagigiti kong puna sa kanya

IKAW kasi ang dami mong alam, pag sagot nito
Parang tanga naman ang utak ko na ang tinanggap lang ay yung IKAW na salita (kakaiba lang magbigay ng meaning kahit naman walang lang kay ian yon. Siguro ganoon lang talaga pag may espesyal kang nararamdaman sa isang nilalang na parang lahat ng sabihin niya na may pahaging tungkol sayo, bibigyan mo/natin agad ng meaning.. TAAS ang kamay ng AGREE.... heheheh)

Grabe nabusog ako, sarap pala dito ah! Sambit ni ian pagkatapos namin kumain
Ako nga din parang ang hirap tuloy maglakad
Tumambay nga puna kami doon ng konting minuto para magpahughog ng kinain namin.
Ian: Ano tara na? ok ka na ba
Ako: OO, nga pala ian pwede daan muna natin PIYOY?

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



by: Fugi

Ian: sino naman yon?? Out of this world ang pangalan ah! (natatawang banat nito)

Ako: hala bumabanat ka na ulit ah! Basta papakilala kita sa kanya (nangingiti kong sabi)
Lumabas na nga kami ng supermarket at naglakad ng naglakad hanggang makatapat na kami sa LYRIC (tindahan siya ng mga musical instruments)

Ako: yan nandito na tayo (at tuloy tuoy ako pumasok sa loob)

Ako: kuya Ely, kamusta na? (pagbati ko sa kanya, siya may ari non)
Kuya Ely: uy Fugi! Hulaan ko kung bakit ka nandito.. ahm ung pinareserved mong piano noh!

Ako: syempre naman minomonitor ko lang siya kung nandito pa baka kasi pinagbili mo na ih! (biro ko sa kanya)

Kuya Ely: muntikan na nga dahil may nagkainteres niyang pianong yan kani kanina lang (pagsakay sa biro ko nito)

Ako: weh? Nga pala kuya Ely si Ian kaklase ko at bagong kaibigan, ian siya naman si kuya ely may-ari nito (pagpapakilala ko sa kanilang dalawa)

Kuya Ely: nice to meet you pare (sabay lahad ng kamay niya)
Ian: same here pare (sabay kuha ng kamay ni kuya ely at nagkamayan sila)
Humarap si ian sa akin at nagtanong....
Ian: nasaan yung PIYOY?
Ako: sandali (lumapit ako kay kuya ely at ngsabing...)
Ako: kuya ely patipa naman kung nasa tono pa ba (nangigiti kung sabi sa kanya)
Kuya ely: oo ba basta dating gawi (pinapayagan akong tugtugin si PIYOY, ang piano na pinareserved ko, kasi hindi ko pa afford, nag-iipon pa kasi ako, buti pumayag si kuya ely.. pero kelangan ko kumanta, lagi naman kasi pag may piniplay ako instruments automatic kumakanta ako, kaya narinig niya na boses ko at nadinig niya nga at nagustuhan niya naman.. kaya pag=ipiplay ko si piyoy dapat kakanta din ako.)

(Nga pala mga friends nabiyayaan naman ako ng kagandahan ng boses, acoustic na R&B yung style ko.)
Ako: oo ba
Kinuha na nga ni kuya ely si Piyoy. Pagkakuha ay pinatong nya ito sa piano stand at lumapit ako at umupo. Bago ko tugtugin ay ipinakilala ko nga si piyoy kay Ian
Ako: Ian ito nga pala si Piyoy (hehehe)
Ian: kala ko tao siya (habang natatawa) parang si Drey lang (motor ko) may pangalan din.
Ako: mga kaibigan ko kasi sila kaya may mga pangalan (hehehe)

Humarap ako sa piano at nagpipindot ng kung ano ano, testing ba muna (hehehe). Then nagpause at huminga ng malalim at nagstart kumanta ng acapella muna

And I will try....... to FIX    YOU....
(tas tinipa ko na ang piano at kumanta)
When you try your best but you don't succeed
When you get what you WANT but NOT what you NEED
When you feel so TIRED but you can't sleep
Stuck in reverse

And the tears come streaming down your face
When you LOSE SOMETHING you cant REPLACE
When you LOVE someone but it goes to waste
Could it be worse?

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to FIX YOU
(acapella)
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try...... to FIX YOU.

Itong kantang ito agad ang pumasok sa isipan ko dahi parang ito ay bagay sa pinagdadaanan ni Ian at sa kanta kong ito, nais ko iparating na AAYUSIN ko SIYA sa parang alam ko at kaya ko, na nais ko iparating na sa kanya na lagi lang ako sa tabi niya (ayyyie kilig naman ang puso ko. Hehehe)
Pumalakpak naman si kuya ely at ian pagkatapos ko kumanta
Kuya ely: pagaling ka nang pagaling ah!
Lumingon naman ako sa dako ni kuya ely
Ako: syempre naman kuya nag-eevolve eh! (hahaha parang digimon lang.... patamon changes to angemon.. hahaha), so kuya may discount naba si piyoy, yes! (pambibiro ko kay kuya ely)
Kuya ely: alam ko na pagbinili mo nalang yan libre na ang piano stand.. ok ba yun sayo??
Ako: sabi mo yan kuya ha! Yes! (with super saiyans stunts.. hehehe)
Tatawa tawa naman si kuya ely sa gestures ko para daw bata.
Ako: kuya o heto na si piyoy alagaan mo yan ha! Hanggang hindi ko pa nakukuha sayo. Wag mo ipagbibili yan, sige ka magtatampo ako sayo at hindi na ako paparito (pagbibiro ko sa kanya)
Kuya ely: oo naman, baka ipasunog mo pa to stall ko pag ginawa ko iyon (pagsakay niya sa biro ko)

Ako: asahan ko yan. Sige na kuya, una na kami ni ian, maggagabi na eh! (pagpapaalam ko sa kanya)
Kuya ely: sige ingat ka, sige tol nice to meet you ulit (paalam naman ni kuya ely kay ian)
Ian: sige tol (sagot naman ni ian)
Nang makalabas na kami ni ian sa Lyric, bigla itong pumunta sa likod ko at bumulong sa tenga ko.....

May talent ka pala ha! Galing ah! Para ba sa akin ang kanta na yun?? (papuri niya na may kahalong pagbibiro sa akin)
(may kung anong kiliti naman ang hanging nagmula sa kanya na dumampi sa aking tenga na naidulot sa akin at namula naman ako sa sinabi niya, patay nahalata ata na patama sa kanya ang kinanta ko kaya naman ako ay dalas dalas na naglakad ng mabilis.. hehehe buking!)
Sandali lang bakit ka nagmamadali?? Pagpuna ni ian
Maggagabi na kasi bilisan mo,, walang lingunan kong sambit sa kanya, feeling ko kasi namumula pa ako

Nakarating na nga kami sa pinagpark-kan ko kay Drey, agad ako sumukay at kinuha ang dalawang helmet at ibinigay ang isa sa kanya.
Sumakay na si ian at pinaandar ko na si drey. Habang nasa biyahe biglang kinanta ni ian ang kinanta ko kanina at iniba ang lyrics.
And YOU will try to FIX ME... kanta ni ian habang itinapat niya ang bibig nya sa tenga ko (in all fairness malmig ang boses ni ulupong)

Hindi ko naman alam ang mararamdaman, namumula na nangingiti na kinikilig na nakikiliti (ka adik kasi.. hehehe), pero syempre kelangan hindi magpahalata
Yon naman may boses ah! Kunyaring biro ko sa kanya pero promise maganda din ang boses niya

Para sakin yung kanta mo kanina no?? tanong niya sa akin

HA! Maang maangan kong sabi sa kanya

And YOU will try to FIX ME.. ulit niya na pagkanta (kakaiba talaga ang dulot ng hininga nya na pumapailan lang sa likod ng tenga ko, nakakainis pero may palihim na ngiti.. hehehehe) aasahan ko yon ha.. dagdag nya
Ano?? Nalilito kong tanong sa kanya
Na tutulungan mo ako, na maging maayos at maging buo ulit, may himig kalmado at medyo seryoso niyang pahayag
So kelang ka pa naging song interpreter (hala patay parang nagets nya kaya yun ang kinanta ko kanina, lakas ng pakiramdam nito ah! Alam kon naman na naitago ko sa SHAKRA na may HIMIG na PAGMAMAHAL kanina nung kumakanta ako para hindi niya mahalata (hahahaha me ganon!!! Hehehe), biro ko kuno para mapigilan ko ang sarili kong ibuko ako sa kanya.
Kanina lang noong kinatahan mo ako... natatawa niyang pagsagot sa akin.
Hala! Sabi ko na kunyari ay natatawa din pa hindi halata

Nga pala taga saan ka nga pala para maihatid kita, tanong ko kay ian

Santa Rita ako, sagot nya, Ikaw san ruta mo, dagdag tanong ni ian
Tamang tama madadaan ko naman pala on my way home (maka-english lang ah!.. hehe), sa may San ______ (bawal sabihin, hehe)
Ah! Malapit lang pala, so may ride na ako pagpauwi (biro nito)

Aaayun naman. Natatawa kung banat sa kanya.
Mabilis naman kami nakarating sa Santa Rita, pinahinto niya ako sa isang Kanto, sabi niya ay doon na lang daw siya, malapit na lang daw kasi yung bahay nila doon. At pagkababa at pagkaabot ng helmet sa akin ay nagpaalaman na kami sa isat isa.

Ian: salmat ha! I enjoyed the whole day dami mo kasing alam (kasabay ay isang napakatamis na ngiti) at ingat sa pagpapaandar kay drey
(lalo siyang gumwapo sa ngiting ganon na naging dahil ng pagbilis uli ng beat ng heart ko)
Ako: opo! (sabi kong parang bata), salamat din sa libre..... sige na alis na ako (pagpapaalam ko)
Inintay akong makaalis ni ian (with matching pagkaway pa yon.. ayyiie hehheeh) bago siya naglakad papunta sa bahay nila.

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com



1 comment: