Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (11)

by: Fugi

D’ ENCOUNTERs

Teng  teng teng teng ........
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock (o di ba kakaiba ang tunog? Hahahaha), sinanay ko muna ang mga mata ko bago ako dahang dahang tumayo (hindi niyo ba napapansin na kapag biglaan kayong tatayo mula sa mahabang pagkakahiga ay nakakaramdam kayo ng hilo, ang tawag sa field namin ay ORTHOSTATIC HYPOTENSION, kinakaya pa ba ng utak ninyo ang mga medical terminoligies na isinisingit ko? Hehehe pasensya na po may trivia naman. Hahahaha)
********


>ang TRIVIA: ang ORTHOSTATIC HYPOTENSION o POSTURAL HYPOTENSION, as the word “POSTURAL” imply, nangyayari ito dahil sa mabilisang pagpapalit natin ng posisyon mula sa mahaba nating oras na pagkakatayo sa pinalitang posisyon katulad na mahabang pagkakahiga tapos biglang uupo o kaya sa magkakaupo tas biglang tatayo na nagiging dahilan ng makaramdamtayo ng hilo na minsan sinasamahan pa ng panlalabo ng ating mga mata (siguro naman at one point in your life mga pipz naranasan niyo na ito, at ngayon siguro alam ninyo na ang tawag dito. Hehehe) Back you Fugi! Hahaha
********
Pagkatayo ko nag-unat unat ako at pagkatingin ko sa relo 6:30am pala. Maaga pa para sa una kong klase na 8:00am. Dalawa lang ang subjects ko ngayon pero mahabang oras naman ang nakalaan dito dahil sa isang beses lamang ito sa loob ng isang linggo pinapasukan.

Bumaba na ako para magbreakfast at pagkababa ko ng hagdan nakita ko si angel na nanonood ng isa sa mga paborito nitong palabas na spongebob square pants (na naging paborito ko na din dahil sa kanya, nagets ko na kasi ang humor ng palabas na yon kaya natatawa ako sa mga kakaibang ginagawa ni spongebob at syempre sa parang tanga lang na si patrick the star.. hahaha). Tinabihan ko si angel sa pagkakaupo at kinalabit ko ito, hindi ako nito pinansin (ganyan yan! Ugali na ni angel ang mangdeadma pag gusto niya ang pinapanood hehehe)

Hindi ko na siya inistorbo baka magalit (hahaha natakot ba naman sa bata.. hahaha) narinig ko na lang ang pagtawag sa akin ni mama

Mama: anak, kain ka na doon nakahain na (sabi niya habang papalapit sa kinatatayuan namin ni angel na may hawak hawak na tsupon, breakfast ni angel, hulaan ko lactum yon dahil 100% nourishment, hahahahahahahaha, grabe namang advertisement ito, hehe)

Ako: sige po ma (at tuluyan na ako pumunta sa hapag at kumain)

Pagkatapos ko kumain ay pumanhik na ako sa aking silid para maligo. Pagkatapos magpatuyo isinuot ko na ang aking sobrang puting uniporme parang nakakatakot madumihan (hehe), humarap ako sa salamin para tingnan ang itsura ko

Aba bagay ah! Ang sabi ko sa sarili ko pagkakita ng itsura ko sa salamin

Habang tinitingnan ko ang sarili ko bigla pumasok sa isip ko sa IAN kaya napawika ako ng

“Sana matiyempuhan ko siya sa kanto nila para sabay kami” at napangiti nga ako sa naisip ko (hehehe)

Pagkaayos ko sa aking sarili at pagkahanda ko ng gamit bumaba na ako at bumungad sa akin sila mama na may ngiti

Mama: wow anak sobrang bagay ang uniform mo sa iyo ah! Gwapong gwapo ah (nagigiting sabi ni mama sa akin)

Ngiti lang din ang isinagot ko sa kanya. Nakita ko naman si angel sa likod ni mama na parang nagtatago (alam ko nang kung bakit, ganyan yan! Takot sa nakaputi dahil minsan siyang madala sa hospital at syempre nai-injection-an siya kaya parang natrauma, lahat naman siguro tayo nung bata tayo. Hehehe)

Ako: gey-gey kit go ka kod lowla, lis na to nong, kiss na kin (sabi ko habang papalapit ako kay angel, ang translation nga pala ng sinabi ko ay “bakit ka nagtatago sa likod ni lola, aalis na tito ninong, ang kiss ko” hehe)

Nakita kong lalo siyang sumiksik sa likod ni mama na ikinatawa naming dalawa

Mama: angel! Ang ninong mo iyan (sabay alis niya kay angel sa likod niya at hinarap sa akin, KJ si mama no hindi ngbi-baby talk.. hahahaha)

Ako: gey-gey ang to nong to, ano usto mo bo bong? (“ang tito ninong ito, ano gusto mo pasalubong” ang sabi ko at agad nga itong lumapit sa akin at yumakap sa tuhod ko, sabi ko na suhol lang ang kailangan hahahaha, kinarga ko agad si angel at hinalikan naman ako nito ng around the face niyang kiss)

Tawa ako ng tawa sa ginawa niya iyon hanggang sa umimik si mama

Mama: o anak akina si angel at umalis kana ba ka malate ka na niyan (sabay kuha ni mama kay angel sa akin)

Ibinigay ko naman ng maingat si angel kay mama at nagpaalam na sabay halik sa kanya at kay angel

Mama: anak ha ingat sa pagmomotor (ang paalaala niya)
Ako: opo ma, hindi rin naman ako papabayaan ni drey ih! (sabay gawad ng ngiti sa kanya)

Lumabas na nga ako ng bahay at binuksan ang gate pagkatapos ay pumunta ako kay drey (sa motor ko) para mailabas na ito. Pagkalabas itinabi ko ito sa gilid at sinarhan ang gate. Pagkasara ng gate isinuot ko na ang helmet, sumakay kay drey, inistart ang makina, hinayaang uminit ang makina saka pinaandar (syempre mabagal ng konti para safe at hindi naman ako nagmamadali)

Sa aking paglalakbay papunta sa school naisip ko na naman ang naisip ko na “Sana matiyempuhan ko siya sa kanto nila para sabay kami”

Habang iniisip ko iyon ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Sana talaga, sabi ko sa aking sarili

Pagkalabas ko ng baranggay namin ay San Pascual na tapos Santa Rita na kaya naman patuloy parin ako sa pag-iisip na sana, sana talaga makita ko siya sa kanto nila. Pagkalabas ko ng San Pascual, medyo binagalan ko ng konti para ma-time-mingan ko siya sa kanto nila, sana na (hehehehe)

Madali lang naman ako niyang mapapansin kung saka sakali dahil ang helmet na ginagamit ko at yung parang sa construction worker na hanggang noo lang kaso mas may art lang yung helmet na gamit ko at mas maliit ng konti (hehe). Kaya ganoon dahil ng eye glass ko

Nang medyo malapit na ang malapit na ako sa kanto nila ian ay may natatanaw ako na parang nakawhite uniform (bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka si ian iyon), hindi ko naman masyado maaninag ang mukha dahil kahit nakasalamin ako hindi parin ganoong kadetalye ang makikita ko hindi katulad sa normal na vision ng isang tao na 20/20.

Pero sa isip ko ay sana siya iyon....



**************
--------------> si IAN (naman! Hehe)

Maghapon lamang akong nasa bahay kahapon kahit gusto ko sanang lumabas at yayain sana si fugi para mas lalo ko pa siyang makilala dahil alam ko magiging isang napakabuti niyang kaibigan sa atin (mga kaibigan, KAIBIGAN lang po ang tingin sa akin ni ian, pero OK na siguro yon basta nasa tabi niya ako at mapasaya ko siya, hehe sige hahayaan ko na nga si ian sa pagnanarate niya kaya naman back to you ian.. hahaha)

Bakit ba naman kasi buong araw ko siyang kasama noong Monday ay hindi ko man lang nakuha number niya, tsk tsk

Kaya naman wala akong ginawa maghapon kung hindi ang tumulog, bumaba ng silid ko para kumain, mag-online games at matulog uli

Kinabukasan, 6:00am ako nagising, hindi naman agad ako nagmadaling gumayak para pumasok dahil 8:00am pa naman ang klase ko sa araw na iyon.

Pagkababa ko nakita ko si mama sa kusina nagluluto ata ng pangbreakfast namin, dumeretso naman ako sa sala para manood ng TV. Pagkalipas ng dalawampong minuto o mahigit ay tinawag na ako ni mama para kumain

Agad naman akong nagtungo sa mesa at sabay kami nagbreakfast ni mama. Kami lang ni mama ang kumain dahil ang kuya ko ay pihado tulog pa dahil wala naman itong klase ngayon at ang aking ama naman wala dahil nagtatrabaho (kapitan siya ng barko kaya minsanan lang kung umuwi)

Pagkatapos kumain, pumanhik na ako sa kwarto ko para gumayak, naligo, nagbihis inayos ang mga gamit na dadalhin para sa araw n iyon at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.

Pagkababa, agad na akong nagpaalam kay mama at umalis ng bahay. Kahit may sariling sasakyan naman ako hindi ko ito dinala, pag kelangan lang pag-umuulan o pagmale-late o kung ano mang emergency ko lang ginagamit. Mas gusto ko kasi maexperience ang ibang mga bagay.

Pagkatingin ko sa relo ko 7:10am pala at sakto lang ito at hindi ako malelate. Pagkadating ko sa kanto ay agad akong nag-abang ng dyip at pagsulyap ko sa kalsada kung saan dadaan ang dyip na sasakyan ko ay may napansin akong naka-all white uniform na katulad sa akin at nasabi ko nalang na..

Parang pamilyar yung motor, sabi ko sa sarili ko

At ng makalapit ng konti ay nakilala ko kung sino ang sakay nito.

Si Fugi, ang may ngiti kong sabi sa isip ko
Bumagay talaga ang uniform namin sa kanya, maputi kasi siya tapos ang amo pa ng mukha niya para tuloy siyang isang ANGHEL (mga pipz nabasa nyo ba yon ANGHEL daw. Hehehe pasensya na hindi ko mapigilang hindi sumingit. Hahaha)

Hindi ko na namalayang nakatitig na pala ako sa kanya at nangingiti, bumalik lang ako sa aking ulirat ng bumusina ito ng makalapit sa akin.

*****************

----------> it’s FUGI’s term (hehehe)

Nang makalapit nga ako ng mas maigi ay si ian nga ang lalaking nakaputing nakita ko. Agad na bumilis ang tibok ng aking puso at paghinga (iba talaga ang hatak niya sa akin)

Tama nga sila na, MAKIKITA mo ang TAONG lagi mong INIISIP at MATUTUPAD ang ating mga HILING basta wag tayong mawawalan LOOB (kitams nagkakatotoo, nakita ko si ian. Hehehe, kaya kung may gusto kang makita isipin mo lang siya at pag hindi mo siya nakikita, kulang pa ang pag-iisip ko kaya ibuhos mo na ang lahat ng iyong shakra para magkatotoo ang gusto mo mangyari. Hehehe)

Nang malapit na ako sa harap niya ay buusina ako at nang mapatapat na  ako sa harap niya ay nakita kong nakatingin ito sa atin at nakangiti (lalo siyang gumwapo sa lagay na iyon.. ayieee naman)

Agad ko namang niyaya siya na sumabay (syempre pagkakataon ko na. hehehehe biro lang)

Ako: sabay na (ang medyo bibo kung aya sa kanya at sabay abot ng isang helmet)

Agad naman nitong kinuha at isinuot ang helmet at sumakay na. bigla nitong inilapit ang mukha iya sa gilid ko at bumulong ng......

Good morning Fugi, bulong ni ian

(medyo nakiliti ako sa ginawa niya, kasi kasi.. hahahaha. Sobrang very good ang morning na ito dahil ikaw ang bumungad sa akin.. ayiiee)

Go..good.... good morning din, ang nauutal utal ko bati sa kanya

Ayos ka na ba? Tanong ko sa kanya

Oo, tara na, magiliw na sabi nito sa akin

Nangingiti naman kung pinaandar si drey.

Mabilis naman kaming nakarating sa campus kasi smooth ang daloy ng mga sasakyan. Hindi ko naman naipasok sa loob ng campus si drey dahil wala pa ako sticker kaya sa labas kung asan may inilaan na parking lot para sa mga motor ko ipinark si drey.

Pagkababa namin bigla nagsalita si ian...

Ian: ahm fugi ano kasi  (ang medyo nahihiya niyang sabi)

Ako: hmmmm?

Ian: kukunin ko sa na number ko, ok lang ba?

(dahil nga wala ako cell phone ay napaisip tuloy ako na gusto ko na ulit magkaroon, dahil siguro sa kanya.. hehhehe)

Ako: ah eh ian (ang medyo mahina kong sambit) wala.. wala kasi ako cell phone

Ian: joke ba yon? (ang medyo may pagkakunot nitong tanong na ikinangiti ko, gwapo parin kasi siya kahit ganoon itsura niya.. hehehe)

Ako: oo nga (ang nangingiti kong pagkumbinsi sa kanya)

Ian: so paano kita makokontak?
(mga pipz narinig nyo ay nabasa pala yung tanong niya??? “paano KITA makokontak?” ayiee naman. Haha)

Ako: sa telepono, yun meron kami sa bahay (ang medyo pabiro ko para hindi mahalata ang kilig, kung kilig man ang nararamdaman ko, siguro nga. Hehe)

Natawa naman si ian sa sinabi ko (grabe lalo siyang gumagwapo, promise.. ayiiee)

Ian: sige kukunin ko tel number nyo (sabi niya habang kinukuha ang phone niya sabay abot sa akin para isave ko dun ang number ko)

Pagkasave ko ng number ko sa phone niya ay agad kong kinuha ang maliit na notebook na pinagsisilidan ko ng mga numero ng kaibigan, kamag-anak at kapamilya ko para incase of emergency kahit nasan man ako matatawagan ko sila, yun lang yung way ko para makontak sila kahit nasan man akong lugar dahil nga wala akong cell phone

Ako: ian (pagtawag ko sa kanya at labas ng notebook), tandaradan may handy dandy notebook (ang pag-iintro ko sa notebookna parang bata, hehehe)

Natawa naman sa akin si ian (ang cute ah, bulong ni ian sa sarili niya sa inasal ko) at nagtanong nang.....
Ian: para saan yan? (ang natatawa niyang tanong sabay turo sa notebook)
Ako: save mo din dito ang number mo, para makontak din KITA (ang sabi kong may halong pagbibiro para hindi niya mapansin ang may diin kung sabi sa salitang “KITA” ayiee)

Tatawa tawa naman si ian na kinuha ang notebook sa akin at sinabayan ko nadin ng pag-abot ng ballpen. Pagkatapos niya ilagay ang number niya ay ibinalik na niya ang notebook at ballpen sa akin ng makita ko ang sinulat niya,, aba maganda ang hand writing ni mokong ah! (ang sabi ko sa aking sarili)

Ang weirdo mo talaga, ang biglang nasabi ni ian sa akin habang tumatawa

Ngiti nalang ang naging tugon ko sa kanya at nagyaya na nga akong pumunta na sa klase namin

Ang first subject namin ay Nat Sci o ang Biological Science with Human Biology, room 210, shl bldg., kaya agad kaming nagtungo doon.

Pagkatapat namin sa pinto na kung saan pagbinuksan ay ang bubungad ay yung likuran agad (ayaw kasi namin yung isang pintuan nakung saan pagpumasok kami kita agad kami ng mga kaklase namin, agaw eksena lang) ay pinagbuksan ako nito (wow gentleman, nangiti nga akong palihim sa ginawa niya), Nang makapasok ako agad may lumapit sa akin at ng makita ko ito si anthony pala at nakangiti ito sa akin

Anthony: good morning fugi (nakangiti pa rin ito)
Ako: good morning Anthony (at gumanti din ako ng ngiti)

Tapos bigla siyang lumapit sa akin at itinapat ang bibig niya sa aking tenga at bumulong

Anthony: ang cute mo sa uniform natin ah! Bagay na bagay sayo

Nabigla naman ako sa binulong niya at napatulala, nakabawi lang ako ng ulirat ng magsara ang pinto sa likod ko at ng humarap ako nakita ko si ian na nakakunot noo nakatingin sa amin ni Anthony.

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment