by: Fugi
Anthony vs Ian???
Nabigla naman ako sa binulong niya at
napatulala, nakabawi lang ako ng ulirat ng magsara ang pinto sa likod ko at ng
humarap ako nakita ko si ian na nakakunot noo nakatingin sa amin ni anthony
****************
-----------> ANTHONY’s world
Naging napakasaya ko at sa hindi
inaasahang pagkakataon at nakasama at nakilala ko si fugi, sana ay magtuloy
tuloy na dahil gustong gusto kong mapalapit na sa kanya dahil alam ko na sa
sarili ko na may nararamdaman akong espesyal sa kanya
Gusto ko pa sana ihatid siya sa kanila
para malaman ko na kung saan ito nakatira pero tumanggi ito dahil siguro
nahihiya ito. Magkaganoon man ay alam ko na kung saan ko ang daan papunta sa
kanila
Dahil nga sa wala itong phone (kakaiba
talaga siya. Hehe) nahihiya naman akong tumawag sa landline nila kaya
ipinagpaliban ko na lang muna ang pagtawag sa kanya (marami pang pagkakataon)
Dahil sa excited na akong pumasok
kinabukasan para makita ko na uli ang maamong mukha ni fugi ay maaga akong
natulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga din akong nagising at dali dali
naghanda baka maabutan ko si fugi sa kanto nila.
Quarter to seven ay umalis na ako sa
bahay at mabilis kong pinaandar ang
sasakyan para sana ay abangan ko ito sa kanto nila. Mabilis naman akong
nakataring doon at ipinarada ang aking sasakyan malapit sa kanto nila. Halos
magsasampung minuto na akong naghihintay ay wala pa ring fugi akong natatanaw
Five more minutes pa sabi ko sa sarili
ko
5..................4....................3........................2.......................1................0
minute
Baka maagang pumasok si fugi, sabi ko
ulit sa sarili ko
Kaya agad ko pinaandar na ang aking
sasakyan at tinungo na ang daan papuntang school
Nang malapit na ako sa campus ay hindi
ko naman maitago ang ngiti ko pag naiisip kong magkikita na uli kami ni fugi.
Nang makapasok na na ako sa campus agad na ipinark ko ang aking kotse at
mabilis tinungo ang aming room para sa first subject namin.
Pagkapasok ko, dismayadong walang
fugi’ng mahagilap ang mata ko (kainis ang bilis ko kasing sumuko, kung
naghintay pa siguro anko ng konti sa kanto nila di sana magkasabay kami, sayang
ah! At napabuntong hininga na lang ako)
Umupo nalang ako sa may bandang likod
dahil base noong lunes ay lagi si fugi doon pumipwesto. At lumipas nga ang
labing limang minuto ay nakita kong bumukas ang pinto sa likod at pagtingin ko
doon ay iniluwa nito ang kanina ko pang pinanabikang makita.... si Fugi
Napatulala ako sandali ng makita ko
ito sa aming uniform, bagay na bagay sa kanya para tuloy siyang anghel, anghel
na bumaba sa lupa para pasiyahin ako (hehe)
Nang makabawi sa pagkapatulala ay agad
ko itong sinalubong ng may magandang ngiti sabay bati ng Goodmorning! At
tumugon naman ito at nagpakawala ng napakagandang ngiti na aking ikinatuwa.
Lumapit ako dito at bumulong ng “ang
cute mo sa uniform natin ah! Bagay na bagay sayo” (hindi ko na kasi mapigilan),
nakita ko naman sa mukha ni fugi ang pagkabigla
Nasa ganoon kaming posisyon ng marehas
makuha ang atensyon namin ni fugi ng sumara ang pinto at nakita namin si ian na
nakakunot noo at nakatingin sa amin dalawa ni fugi
*************
**************
-----------> si IAN (daw ulit,
hahaha)
Naging mabilis lang naman ang byahe
namin ni fugi sakay sa motor niya na pinangalanan niya ng drey. Sa tahimik
namin na byahe na yon, sobrang gaan ng nararamdaman ko, kaiba sa mga nakalipas
na mga araw ng simula ng umalis si sarah (girlfriend ko), siguro dahil sa aura
ni fugi na masiyahin at maaliwalas. Nakakatuwa at naipapasa niya ito sa akin na
nagiging dahilan naman para makalimutan ko ang aking kalungkutang nadarama
Pagkarating sa campus ay agad naman
niya naipark ang motor niya sa parking space sa labas ng school provided para
sa mga motor. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para hingiin ang number ni
fugi na nakalimutan kong kunin nung magkasama kami noong nakaraan
Nagulat ako ng sabihin niyang wala
siya cell phone, kakaiba talaga siya, parang basta hindi ko maintindihan. Pero
isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay kayang kaya niya akong mapatawa, tawa na
totoo dahil masaya ako at hindi para lang may maitugon ako sa kanya at isa siya
sa kakaunting tao nakakagawa niyon sa akin
Dahil wala nga siyang phone ay yung
landline nalang nila ang ibinigay niya, ok na rin para ma-contact ko siya
Isa pa ang napansin ko dito ay ang
pagiging isip bata nito (na lalo kong ikinatutuwa sa kanya dahil kumo-cute siya
sa ganitong asta), may pa “Handy Dandy Notebook pa itong nalalaman” (natalaga
namang ikinatawa ko), sa maliit na notebook na yon ipinasulat ni fugi sa akin
ang aking number, isinulat ko naman ang mobile number ko pati landline sa bahay
para sure na makokontak namin ang isat isa
Pagkatapos ng kakaiba ko na naman
nalaman kay fugi, ay dumiretso na kami sa loob ng campus at pumunta na sa unang
klase sa araw na iyon, nang mapatapat kami sa room namin ay pinili namin yung
pangalawang pinto na sa likuran agad ang matutumbok namin para iwas pansin din
Dahil nauna ako sa kanya ay
pinagbukasan ko siya ng pinto ay mabilis naman siyang pumasok. Pagkapasok ni
fugi ay may nakita akong papalapit sa kanya na sa tingin ko ay kaklase namin.
Nakangiti itong papalapit kay fugi at nang makalapit ay parang nag-usap ng
konti at maya maya ay biglang lumapit ito lalo kay fugi at bumulong, hindi ko
alam pero para may kung ako sa akin na ayaw sa ginagawa niya, feeling close ah!
Nasabi ko sa sarili ko, at dahil sa nakita kong iyon ay hindi ko nga naalalayan
ang papasarang pinto na nagdulot ng konting ingay na sapat na para makuha ang
atensyon nilang dalawa at mapaharap sa akin.
*****************
************
-----------> It’s me FUGI again! :]
Nang makita ko ang nakakunot noong si
ian (siguro dahil nagtataka ito kung bakit kami parang close agad ni anthony)
ay agad akong umisod ng konti palayo kay anthony at biglang nagsalita....
Ako: ah eh ian si anthony pala kaklase
ko, anthony si ian, kaklase ko din (ang medyo pabiro kong pagpapakilala sa
dalawa)
Hindi naman napansin nung dalawa ang pagbibiro
ko bagkus ay nagkatinginan naman ang dalawa na parang sinusuri ang isat isa at
nagkamayan ng mabilis at humarap sa akin si ian at nagwika ng....
Ian: so magkakilala pala kayo? (ang
parang maypagkasarkastiko nitong tanong sa akin)
Ako: ah... eh kahapon lang (ang iilang
ko naman sabi dito na lalong ikinakunot nito ng noo, na para lalong naguluhan
sa sinabi ko)
Ako: ah eh umupo na muna tayo baka
maubusan tayo ng mauupuan (ang pagbibiro ko muna para maiba ang mood, hehehe)
Agad nga kaming umupo sa likuran na
mga upuan, pagkaupo ko tumabi si anthony sa kanan ko at si ian sa kaliwa ko. Sa
pagkaupo naming iyon ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang
babae na nasa late twenties na ka-all
white din na uniform na kaiba sa mga uniform ng mga babae naming kaklase na
kulay gray, kaya nasip ko na iyon na ang prof namin, agad naman kaming
natahimik at pinagmasdan siya patungo sa table sa harap at nagsalita
Good morning, I just want to inform
you that I am Rowena Pasia (hindi ko tanda ang first name ni ma’am nakalimutan
ko kaya imbento na lang pero yung last name totoo yon,, hehehe), your adviser
for your freshman year, ang nakangiti nitong pagpapakilala sa amin
Sabay sabay naman kaming nag good
morning sa kanya
I’m also here to tell you that our department
is organizing a welcome party for you, which will be held at freedom hall, here
in this bldg, fourth floor on Friday 8:00am. Since it is your party, I ask
anyone of you who have talents, singing or dancing to do an ice breaker,
anyone?? (pagbibigay impormasyon ni ma’am at pagtatanong na rin kung sino ang
gustong magtalent)
Bigla namang sumabat ang dalawang
ulupong sa sides ko
Ma’am si fugi po, ang sabay na sigaw
nina ian at anthony sabay turo nila sa akin (na iginagulat ko naman at
ikinaharap ng mga kaklase ko sa akin)
Sa pagkakasabi nina ian at anthony
noon ay nagkatinginan sila na parang nabigla at sabay pa sila ng sinabi (jinx
lang. hehehe), naputol ang titigan ng umimik si ma’am Pasia
So we have one now (nangingiting sabi
ni ma’am pasia), ok mr. fugi please be prepared on Friday because any time
during the duration of the program you will be called to perform Ok! Dagdag na
sabi ni ma’am na sinagot naman ni anthony..
Yes ma’am, nagingiting sabi nito sabay
tapik sa balikat ko
Ako naman ay natulala na lang sa
ginawang kapahamakan sa akin ng dalawang mokong na ito
Is there any other volunteer to do an
ice breaker? (tanong pa ulit ni ma’am at wala na nga umimik pa bigla ulit
umimik si ma’am pasia...)
That silence means theres no more
volunteer ah! (nangingiting puna nito), one more thing, had already elected
your officers, tanong uli ni ma’am pasia
Hindi pa po ma’am, sabay sabay uli
naming sagot
Ah! Ok we will do it after the welcome
party on Friday, since you don’t have class on the morning to give way to the
said party, the class will reassume at the afternoon so be at your respective
class is that clear? Paglilinaw ni ma’am at sabay sabay naman kaming umugon ng
pagsang-ayon sa kanya
Ok! Thats all, see you on Friday and
Mr. fugi gudluck (pamamaalam ni ma’am at tuluyan nga itong lumabas ng room
namin)
Pagkalabas ni ma’am Pasia ay agad ko
namang sinapo ang sides ng mukha ko ng mga kamay ko at pinakawalan ang
nanlulumong itsura (oo kumakanta ako pero hindi sa harap ng napakaraming tao),
pagkatapos ay ipinakita ko sa dalawang mokong na nanlaglag sa akin ang itsura
ko pabalik balik sa kanila para malaman nila na hindi ko gusto ang ginawa nila
pero mali dahil tinawanan lang nila akong dalawa
Bigla namang pinisil ni anthony ang
pisngi ko nang humarap ako sa kanya ng ganoong itsura
Ang cute ah!, natatawa paring sabi
nito, hindi ko na naman pinansin pa ang sinabi nito dahil sa nararamdaman ko
nang kaba at ang nagawa ko na lang sa kanya ay sinuntok siya ng mahina sa
kanyang balikat sabay sabing
Ako: galing nyo magturo ah! (ang para
bata kong usal kay anthony sabay nguso ko dito)
Anthony: kasi may tiwala ako sayo at
magaling ka dami kaya pumalakpak sayo kahapon sa mall (kasabay ang pagpisil na
nito sa dalawa ko nang pisngi habang natatawa dahil sa itsura ko), pacute ka
talaga ng pacute kung wala tao mahahalikan na kita (bulong naman ni anthony sa
sarili niya)
Ako: hindi ko naman kasi alam na may
nanonood na sa akin kahapon bukod sa inyo ni kuya, nakapikit po kaya ako (ang
pagtatanggol ko sa sarili ko)
Anthony: di pumikit ka na lang ulit
(birong sabi nito na na ngingiti sa akin), tapos sa pagpikit mo ako ang isipin
mo (dagdag bulong nito sa sarili niya at napangiti uli siya sa naisip niya)
Ako: kasi kasi naman eh! (pagmamaktok
ko pa rin habang nakatingin na sa harapan
Sa kabilang banda pala ay mataimtim
(parang dasal lang ah! Hehehe) na nakikinig ng usapan namin si IAN at
paminsan-minsan na sumusulyap sa amin ni anthony
Ganoon na agad sila kaclose? At
kahapon sa mall? Ibig bang sabihin magkasama sila kahapon? May pagpisil pa ng
pisngi ni fugi at pa cute cute pa nalalaman itong anthony na ito ah! (ang mga
naglalaro sa isip ni ian)
Napansin ko naman si ian na parang
malalim ang iniisip kaya pinitik ko ito ng mahina sa tenga at ng sabi ditong
Ako: ikaw ikaw ha mr. ian seth
sandoval tatahi-tahimik ka dyan ha kala mo makakalusot ka na sa ginawa mong
panlalaglag sa akin,,, uhm! (ang tampu-tampuhan kong wika dito)
Tumingin ito sa akin, ngumiti at
nagwika ng...
Ian: sabi po kasi ni ma’am yung may
talent daw, eh di ba napahanga mo pa nga kami ni kuya ely (ang pambawi nito at
lumapit ito sa tenga ko), kantahin mo ulit yung kinanta mo nung nasa lyric tayo
yung kanta mo sa akin, yung FIX YOU, para maayos na ako (ang bulong nito na may
halong pagbibiro)
Nakaramdam na naman ako ng kiliti sa
ginawa nitong pagbulong at napayuko na lang ako bigla dahil parang nag-init ang
pisngi ko. Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ni ian kaya bumulong uli
ito....
Ian: o bakit ka namumula?
(nangingiting bulong nito)
Inipon ko lahat ng NEN ko katulad ng ginagawa ni Gon at nag-focus para
mawala ang pamumula ko (hahaha dyan dyararan YES! naisingit ko ang paborito
kong hunter X hunter. Hahaha). At nang maramdaman kong kalamado na ako humarap
ako kay ian at nagwika ng....
Ako: pano kung anu-ano sinasabi mo
(sabi kong parang bata sabay siko ng marahan sa balikat nito at sabi ng...)
KUKO ni BAD-JU-LA (tanda nyo ba mga pipz kung saan anime yan??)
Napatawa naman si ian sa ginawa ko at
inilagay ang kamay niya sa ulo ko at gulo ng buhok ko sabay sabi ng “adik ka
talaga”
Ako: walang guluhan ng buhok (ang
parang bata kong saway sa kanya pero sa loob loob ko natutuwa ako sa ginawa
niya)
Tuwa lang uli siya at ako naman ang
lumapit sa kanya at bumulong
Ako:
masaya ako at tumatawa ka na, sana tuloy tuloy na yan (marahan at mahina
kong sabi na sapat na para marinig niya at inilayo ko na ang ulo ko sa tenga
niya at humarap na ako sa white board)
Thru my peripheral vision (hala
makainglish lang. hehehe, mga pipz alam nyo na naman siguro ang peripheral
vision kaya hindi ko na yan ititrivia ha! Hahaha), nakita kong lumapit ang ulo
niya sa aking tenga at bumulong uli.....
Ian: dahil kasi sayo, baliw ka kasi,
kaya salamat (marahan din nitong sabi sabay layo nito sa akin)
Hindi na naman nakaligtas sa utak ko
ang sinabi ni ian na “dahil kasi sayo” at “kaya salamat” at yun nga nagpaikot
ikot na naman ang mga salitang iyon sa utak ko kasama ang ang CEREBROSPINAL
FLUID (kelangan ba ng trivia para sa medical term na ito?? Hahahaha sige na nga),
at sa puntong iyon hindi ko na napigilang mapangiti, ngiting siya lang ang
nakakapagdulot.
~~~~~~~~~~~
Ang Trivia, bow (hehe): ang
Cerebrospinal fluid ay likidong dumadaloy at umiikot sa brain at spinal cord
natin. Ito ay nagsisilbing lubricant para hindi sumayad ang utak natin sa bungo
natin at ito din ang nagsisilbing pananggalang para hindi mapasok ng infection
ang utak natin.
Sana po ay naintindihan ninyo, hehe
~~~~~~~~~~~~
At sa kabila pa uling banda hindi rin
naman nakaligtas ang ginawa naming pagbubulungan ni ian sa mga paningin ni
anthony......
May pabulong bulong pa nalalaman yang
ian na yan ah! Asungot talaga, medyo naiinis na sabi ni anthony sa sarili niya.
Agad naman ako humarap ulit kay
anthony nang maalala ko na may hihingin akong pabor dito
Ako: anthony pwede humingi ng pabor?
Anthony: sure! Ano ba iyon (magiliw
naman nitong pagpayag na may kasama pang ngiti)
Ako: pwede mo ba akong samahan dun sa
bilihan ng sticker yung sa mga sasakyan, para makapasok sa loob ng campus si
drey
Anthony: oo naman, sasamahan kita
(nakangiti uli nitong sagot sa akin), teka nga pala sinong drey? (dagdag na
tanong nito)
Ako: salamat (sabat ngiti ko din sa
kanya), mamaya ipapakilala kita kay drey (dagdag na sabi ko dito)
Ian: pasama na rin bili na rin ako
(biglang sabat sa usapan nito sa usapan namin ni anthony
Anthony: oo ba (nakangiti na ewan ni
anthony kay iyan) asungot talaga (bulong naman nito sa sarili niya)
Maya maya ay dumating na ang prof
namin sa nat sci, dahil nga once in a week ay hindi gaya noong Monday na
dini-dismiss agad kami pagkatapos makapagpasa ng 1/8 index card, nadiscuss ang
grade computations at nasabi ang mga rules and regulations nila, naging iba
ngayon parang start na ang regular class sa subject na ito, paano kasi mabaha
nga naman ang nakalaan na oras sa subject na ito, sayang din. Kaya naman meron
nang seating arrangement
Magkakahiwalay na tuloy kaming tatlo,
sa bandang likuran parin si ian dahil sa S nagstart apelido niya, ako naman ay
sa ikalawang row mula sa una at si anthony at sa likod namin.
Sa puntong iyon ay madali ko namang
nakagaan ng loob ang katabi ko dahil mabait ito dahil nung makaupo na ako ay
bigla ako nitong kinausap
Hi! Ikaw si fugi di ba? Good luck sa
Friday! Ako nga pala si Maria Janine Castillo, pagpapakilala nito sabay lahad
ng kamay nito
Salamat! Oo ako nga, Fugi Chio, nice
to meet you janine, sabay ngiti dito at kuha ng kamay nito
Naging instant magkaibigan kami agad
dahil sobra magaan siya kausap at mabait talaga pero higit sa lahat ay kwela
din ito kaya nagkakatawanan kami nito pero mahina lang, may klase ih hehe
(Ang clue ay siya ang pinakamalapit ko
na kaibigang babae... yan ha may clue na... hahaha)
Pagkalipas ng halos tatlumpong minuto
pabibigay ng background ng prof namin tungkol sa subject na iyon ay pinagbreak
niya kami para ng 30minutes para narin makabili ng book na pinabibili niya [ara
masimulan na ang lecture proper ay bigla akong nilapitan ni anthony at ian
Anthony: ano ngayon na ba tayo pupunta
sa OSA para bumili ng sticker mo o mamaya na lang?
Ako: ay oo nga pala (kaya naman
nakiusap nalang ako kay janine na padamay sa pagbili niya ng libro sa nat sci
at pumayag naman ito)
Ako: Janine si ian at anthony nga pala
kaklase ko, ian at anthony si janine kaklase ko din (biro kung pagpapakilala sa
kanila na ikinatawa na man nila)
Nagpakilala naman sila sa isat isa
Ako: janine pabor naman pwede padamay
sa pagbili mo ng book may aasikasuhin lang ako (sabi ko kay janine na nahihiya
at biglang nagsisabatan sina anthony at ian)
Anthony: ako din padamay
Ian: ako din po (pakiusap ng mga ito
na agad namang tinugunan ni janine)
Janine: oo naman basta kayo taya sa
lunch ko mamaya (biro nito na ikinatawa naming lahat)
Pagkapayag ni janine ay pareparehas
kaming tatlo nagsilabasan ng wallet para kumuha ng pambayad at sa pag labas
naming tatlo ng pera ay tumambad sa amin ay malaking halagang buo na pera,
hindi tuloy alam ni janine kong alin ang kukunin pero mas maagap si anthony
kesa sa amin dalawa ni ian kaya yung sa kanya muna ang iniabot niya na kinuha
naman ni janine
Agad naman kaming nagpasalamat kay
janine at pagkalabas ng room ay naghiwalay na kami ng landas si janine sa
bookstore kami sa OSA (Office of Student Affairs). Agad naman na nakabili kami
ng sticker at pagkatapos ay inaya ko agad ang dalawa na pumunta sa bookstore
para puntahan si janine at tulungan ito. At naabutan nga namin itong nasa
counter na at binabayaran ang nabiling libro. Agad kaminglumapit dito at nang
akmang bibitbitin ko ang mga libro bigla namang lumabas ang tig-isang kamay
nila ian at anthony sa ibabaw ng mga libro
Ian: ako na ang mga bibitbit
Anthony: hindi tol ako na
Bigla naman ako sumingit sa nagbabayad
gitgitan ng dalawa (hehehe joke)
Ako: hala! Mag-aagawan pa kunin nyo na
lang yung mga libro ninyo, kanya kanya bitbit ok! (ang natatawa kong sabi sa
dalawa at sumunod naman ang dalawa)
Pagkatapos magbayad ni janine at
nag-aya ako pumunta sa cafeteria para magmerienda at ako na nga ang nagbitbit
ng book namin ni janine. Pagkahanap namin ng table ay agad kaming tumungo doon.
Pagkaupo....
Ako: janine anong sayo libre ka namin
(nakangiti kung sabi sa kanya habang nakaharap sa kanya na inayunan naman ng
dalawa)
Oo nga janine, sabay na sabi ni ian at
anthony
Janine: biro lang yon (natatwang sabi
naman nito)
Ako: y sya last mo nang joke yun ha
(at natawa naman si janine sa paggatong ko sa sinabi niya), wag ka na mahiya
dahil hindi ka mananalo sa aming tatlo (nangingiting dagdag sabi ko sa kanya at
wala na nga itong nagawa)
Pagkakuha ko ng order ni janine ay
tumayo na nga ako at sumunod si ian na susundan sana ni anthony ng pigilan ni
ian si anthony....
Ian: tol kami na lang ni fugi, kami na
bahala may utang kami sa syo hindi ba (at wala na ngang nagawa si anthony)
Panira talaga ng diskarte ah!, bulong
uli ni anthony sa sarili niya
Pumili na nga kami ni ian sa counter
Ian: ano sayo?
Ako: same na lang din nung kay janine
Ian: ako na lang magbabayad ha pwera
lang yung kay anthony (biro nito)
Ako: sira, yaman talaga ah! (biro ko
dito), teka nga lang hindi nyo ba gusto ang isat-isa ni anthony, mabait naman
siya ah (pahabol kung sabi)
Ian: teka nga lang din hindi mo pa
nakikwento paano kayo naging close agad ng anthony na yan, matagal na ba kayong
magkaibigan (may kakaibang tono ng pagtatanong niya) (ayiie... hehehe.)
Ako: paano kasi..... (hindi ko pa
nasisimulan ang sasabihin ko ng umimik ang nasa counter at kinukuha ang order
namin, kami na pa.. hehehehehe)
Hindi ko na nga naikwento pa kay ian
ang tungkol sa pagkakakilala namin ni anthony. Nang mailagay na sa dalawang
tray namin ang order namin at makabayad, nang akmang kukuhanin ko na ang isang
tray ay pinigilang ako ni ian
Ian: fugi wag mong hahawakan yan tray
(seryosong sabi nito na ikinagulat ko naman at kinakunot ng noo ko)
Humarap si ian kay ate sa counter at
nagwika
Ian: miss pa-assist naman, pakisunod
noong isang tray sa amin, hindi pa kasi pwedeng ibuin masyado at magbuhat ng
medyo may kabigatan itong kasama ko at nasa healing process palang yung injury
niya sa braso (ang seryoso nitong sabi at sumang-ayon naman si ate at tumawag
ng crew)
Nagulat ako sa sinabi ni ian pero nang
i-analyze ko ang mga pangyayari, siguro ayaw niya lang akong pagbuhatin (wow
sweet ah! Ayieee... hahahahaha, galing ko mag-analyze noh! Hehe) at nangiti na
nga lang ako sa naisip ko:]
Nanghumarap sa akin si ian ay tumatawa
ito imbes na makitawa ako ay sinalubong ko kunyari ng nagtatanong na itsura
agad namang tumalikod sa akin si ian dala ang isang tray at sumunod din ako
dito. Nang makalapit ako dito ay bumulong ako...
Ako: may nalalaman ka pang injury ha,
may pa healing healing process pa na bawal magbuhat ng mabibigat, imbento ka
rin ano, lakas mo din mang trip (ang pangbubuyo ko sa kanya na ikinatawa ko)
Ian: ikaw na nga itong tinulungan para
hindi na magbuhat, mukhang weak kasi (natatawang biro naman nito sa akin)
Nagkakatawanan kami ni ian ng
makalapit kami sa table namin na napansin agad ni anthony
Anthony: ang saya nyo ata (sa may
himig na sarcasm na puna nito)
Ako: paano ang galing pala umarte ni
ian, actor ni the making (ang natatawa kong sagot sa kanya)
Janine: bakit ano ba ginawa ni ian?
(interesadong tanong nito na at inilahad ko nga sa kanila ang ginawang
kalokohan ni ian at nag tawanan nga kami pwera lang kay anthony na pilit
ngumiti)
Anthony: pasikat ah! (bulong nito sa
kanyang sarili)
Pagkatapos ay tahimik na kaming kumain
at pagkatapos ay bumalik na sa room.
Nagkaroon na ng formal lecture si
ma’am at nang 30minutes na lang bago matapos ang klase ay ibinigay na ang
irereport naming lahat sa buong sem na iyon (ganoon kasi yon kami ang hahayaan
niyang magdiscuss tas mag-iinject na lang ang prof namin ng ibang notes na
hindi namin nasabi sa report namin tas yun na din ang magsisilbing recitation
namin), by two’s ang ginawa ni ma’am kami na daw ang bahala pumili ng partners
at pagnakapili na daw kami ay pumunta kami ng partner ay lumapit na lang kami
sa prof namin para maibigay ang report namin at pagkatapos noon at pwede na
kaming lumabas
Nang nag-aayos na ako ng gamit ko agad
naman palang lumapit sina ian at anthony sa aking kinatatayuan
Fugi partner tayo, sabay na sabi nung
dalawa at pagkatapos ay nagkatinginan naman silang dalawa (parang lagi na lang
silang nagkakasabay noh! Hehehe)
Nagulat naman ako sa dalawa, gusto
kung makaparner si ian eh ayaw ko namang i reject si anthony, nang tumingin ako
sa kanilang dalawa at nagtititigan ang dalawa kaya mabilis ako nag-isip nang
sasabihin at napansin ko nga si janine na nag-aayos ng sarili niya habang
nakaupo parin sa upuan niya
Ako: si janine na ang partner ko,
nakapag-usap na kami (ang sabi ko sa kanila at humarap agad ang dalawa sa akin
at sunod ay humarap kaming tatlo kay janine, agad ko namang sinenyasan si
janine at nakuha naman agad niya)
Janine: ah.. oo nga nagkasundo na kami
kanina (mabilis na sagot nito at nagkatinginan nga kami ni janine at
nagkangitian)
Bagsak mukha naman ang dalawa
nghumarap ako sa kanila kaya naman agad akong humingi ng tawad (kahit ako naman
gustong gusto kong kapartner si ian diba ipinangako ko sa sarili ko na lagi ako
sa tabi niya ang kaso sabay kasi sila ni anthony na nagsabi ayaw ko rin naman
na humindi sa kanya, kaya para walang tampuhang mangyari si janine na lang ang
pinili ko)
Ako: sorry (mahina kong sabi sa kanila
at tumango na lang sila sa akin), bakit hindi na lang ako ang magpartner?
(dagdag ko)
Janine: oo nga
At nagkatinginan nga ulit sila agad
naman akong pumunta sa gitna nila at umakbay
Ako: oo kayo na nga lang ang
magpartner, promise tutulong ako sa paggawa ninyo ng report, ok ba yun?
Ian: sige ok lang sa akin basta sasama
ka sa amin fugi paggumawa na kami ng reports
Anthony: oo nga (paniniguro nilang
dalawa na tinanguhan ko naman)
Agad na nga kaming lumapit kay ma’am
para kunin ang irereport namin, kami muna ni janine ang kumuha ng report namin
at pang apat kami sa magrereport at next week na agad kami ni janine at sumunod
naman sina ian na lumapit kay ma’am para kumuha ng report.
Lumabas na kami ni janine at doon na
nga namin balak antayin sina ian at anthony
Janine: close ka na agad sa dalawang
iyon ah (puna nito)
Ako: mabait kasi sila katulad mo kaya
kay close na din tayo diba? (nakangiti kong sabi)
Janine: galing sumagot ah! Sige sabi
mo ih! (natatawa nitong sabi)
Makaraan ang wala pang limang minuto
ay lumabas na ang dalawa at good news naman dahil hindi magkasabay ang schedule
namin ng report a week after pa namin silang dalawa kaya matutulungan ko ang
mga ulupong.
Pumunta na uli kami sa cafeteria para
maglunch. Pagkahanap ng pwesto at pagkalapag ng mga gamit namin ay pumila na
nga kami, ang pagkakasunod-sunod namin sa pila ay,,,, si Janine, anthony, ako
at si ian, kukuha na sana ako ng tray ng bigla ako inawat ni anthony
Anthony: wag kana kumuha ng tray fugi
dito mo na lang din sa tray ko ilagay ang bibilhin mo di ba may injury ka at
nasa healing process pa yan kaya bawal ka pa magbuhat ng medyo may kabigatan,
tama ako ian di ba? (ang nangingiti nitong sabi sa akin sabay tingin kay ian
ngiting hindi mo naman maintindihan ang itinugon ni ian)
(Natawa naman ako sa sinabi ni anthony
na iyon)
Ako: ay oo nga pala (hahahaha), sige
salamat anthony masakit pa nga medyo kumikirot kirot pa (pagsakay ko sa biro
nito)
One point, bulong ni anthony sa sarili
niya at ngumiti ito, ngiting parang nagtagumpay
Pagkatapos mailagay nung crew iyong
inorder ko sa tray ni anthony ay sabay na nga kaming umalis at pumunta sa table
namin at naiwan si ian na omu-order
Galing mang-inis ang anthony na ito
ah! Bulong naman ni ian sa sarili niya at pagkatapos ay dala ang lunch nito at
tinungo na nito ang lugar kung san kami nanduduon.
Nang mailapag nni ian ang pag tray
nito ay napansin kong 2pcs pork chop, dalawang rice at mineral water lang (ay
may gulay naman sa menu may ulam naman na may sabaw doon, ang tuyo naman ng
kakainin ito), nang kakain na kami ay inalok ko ito ng binili ko
Ako: o gulay (sabay lagay ko sa gilid
nang kinakainan niya)
Ian: hindi ako medyo kumakain ng gulay
pili lang (pagbibigay impormasyon nito)
Ako: ito hipon gusto mo pati sabaw
medyo tuyo kasi yang kinakain mo (pagpuna ko dito lumapit naman ito sa akin at
bumulong)
Ian: ano kasi.. hindi ako pwede
kumakain niya ngayon (mahinang sabi nito na sapat na para marinig ko)
Ako: bakit? Allergy ka? (bulong na
tanong ko dito)
Ian: parang, pwede naman kaso wala
akong dalang gamot (antihistamine) ngayon
Ako: ah ibigsabihin nakakakain kalang
ng mga iyan pag may ready na gamot para pag inatake ka ng allergic attack mo
(paglilinaw ko na tinanguhan naman niya), Yaman talaga (dagdag biro ko dito na
ikinangiti nito)
Ako: sandali lang (sabi ko kay ian
sabay pigil sa kanya sa paglalagay ng ketsup sa porkchop na ulam niya)
Agad ako nagtungo sa counter at
humingi ng kalamansi sili at maliit na lalagyan para sa sauce at sabaw na din
para mambalance sa kakainin ni ian (masyado bang caring?? Hehehehe paano yon ang pumasok sa isip ko agad ih!
Defensive ba? Hahahaha), at pagkabigay nito sa akin ay agad akong tumulak sa
aming table
Ako: o yan (sabay abot ko ng sabaw na
hiningi)
Ian: baka iyan yan yung sabaw ng hipon
ah (nag-aalang sabi nito)
Ako: hindi, sabaw yan ng tinola kaya
wag kang mag-alala (paninigurado ko dito)
Agad ko namang piniga ang kalamansi sa
maliit na lalagyan at nilagyan ng toyo pagkatapos ay tinatong ko siya kung may
allergy din sya sa sili
Ako: sa sili may allergy ka din ba
Ian: hindi, hindi naman (sa sinabi
niyang iyon ay inilagay ko ang sili sa ginawa kong sauce para sa ulam niya at
hiniwa ito ng isang bese lamang para hindi masyado mahalang)
Ako: o yan sawsawan (sabay abot ko
nito sa kanya na ikinangiti naman nito)
Bigla namang sumingit si janine
Janine: ang sweet ah! (nangingiting
sabi nito patungkol sa ginawa ko)
Ako: hindi paano may allergy siya sa
hipon at hindi daw po si masyado kumakain ng gulay at napansin kong tuyong tuyo
naman ng kakainin ni ian kaya naisip ko iyan (paglilinaw ko sa ginawa
ko........ wala naman akong ginawang kakaiba diba mga pipz??? Hehehe)
Janine: aaaaahhhhhhh! (ang nangingiti
paring sabi nito sa akin at hindi ko na lang ito pinansin)
Tahimik namang nagmamasid si anthony
sa kinauupuan niya
Masyadong paimportante ah! Bulong nito
sa sarili na patama kay ian
Nang magsimula na kaming kumain ay
katahimikan na ang namayani sa pagitan namin, nang makatapos na kaming kumain
lahat ay tatayo sana ako para kumuha ng tubig sa fountain ng mapuna ako ni ian
Ian: oh saan ka pupunta?
Ako: dun (sabay turo sa fountain)
kukuha ng tubig
Ian: ako na lang pambawi sa sauce na
ginawa mo (nangingiting wika ito)
At agad nga itong nagtungo doon,
nangiti naman ako ng palihim sa ginawa nito. Agad din naman itong nakabalik at
pagkainom ko ay nagkayayaan na pumuna na sa susunod naming subject dahil
malapit na rin magtime
Next subject namin ay General &
Inorganic Chemistry – Laboratory from 1pm-5pm, Mabini bldg., room 304
Pagkadating namin sa tapat ng room
namin ay sakto namang dating ng prof namin kasama ang guard na magbubukas ng
room namin na yon (nakalock kasi mga laboratory rooms dahil may mga
mahahalagang gamit ang nanduon). Nang makapasok na at nang makaupo na lahat at
ayos na ay katulad ng dati pinagpasa kami ng 1/8 index card na may personal
information namin tapos non ay inarrange na nakami alphabetically (kaya
magkakahiwalay kami nila anthony at ian), then nagdiscuss si ma’am ng hatian ng
grades ng lecture at laboratory tas rules ang regulations ng paggamit ng lab
room then pinakita niya ang module na gagamitin namin na naglalaman ng mga
experiments na gagawin namin tapos nangolek siya para sa mambili ng mga modules
para sabay sabay na at nang matapos ay nagsama siya ng dalawa naming kaklaseng
lalaki at bumili na. Pagkabalik nila at diretso na agad sa klase.
Nang pumatak ang 3:30pm at pinagbreak
kami ni ma’am for 15minutes (na nagiging 30minutes, filipino time ba! Hehehe),
at biglang lumapit sa akin si anthony at niyaya ako
Anthony: fugi tara meryienda tayo
Ako: sige ba (at tumingin ako sa dako
ni ian na nakatingin pala sa amin, kaya senenyasan ko siya nung nakatikom ang
mga daliri na parang may hawak na kanin, yung pagkumakain pag nagkakamay at
iniibo-ibo ito malapit sa aking bibig habang umiimik ng “kain tayo” pero walang
tunog at tumango naman si ian bilang pagpayag sabay tayo at lakad papunta sa
kinaroroonan namin)
Habang papalapit si ian ay nagsalita
uli si anthony
Anthony: sa labas naman tayo
nakakasawa na sa canteen (pagyayaya nito na nakatingin sa akin at nakangiti)
Ako: sige ba, janine sa labas daw
Janine: hindi na ako sasama kayo na
lang
Ako: may gusto ka ba ipabili
Janine: candy lang siguro
Ako: sige libre ko na yon sayo
(natatawa kong sabi dito)
Janine: wag na nakakahiya naman sayo,
masyado yung mahal (pagbibiro nito)
At nang makalapit na si ian
Ako: ian sa labas daw tayo (tumango na
lang si ian at naglakad na kami papalabas ng room)
Habang naglalakad ay bigla naman akong
inakbayan ni anthony na ikinagulat ko din pero hindi ko na lang pinahalata,
normal lang (mabango si mokong ah, hehehe)
Anthony: yun fishball tayo (masigla
nitong sabi habang nakaakbay ito sa akin sabay turo doon sa cart nung
magpi-fishball)
Ako: sige ba
Sa kabilang banda naman ay ian ay
nakatingin lang sa amin ni anthony, nasa medyo likuran namin siya, ang bilis
kasi maglakad ni anthony na kelangan ko sabayan kaya nauuna kami ni anthony
Nang makalapit na kami sa fishbolan at
bumulong sa akin si anthony habang nakaakbay pa rin na hindi naman nakaligtas
sa paningin ni ian
Anthony: pwede magyosi muna
Ako: nagyoyosi ka? (ang medyo nabigla
ko na tanong kasi hindi halata sa kanya, ang bango niya tas mapupulang mga labi
at mapuputing mga ngipin, kasi talagang malaki ang epekto ng sigarilyo doon sa
tatlo na iyon, na kumakapit ang amoy ng yosi sa katawan lalo na pag sobrang
tagal na, tas nagiiba ang kulay ng labi pati ngipin, di ba diba?? Kaya ganoon
ang naging reaksyon ko nung sabihin niyang nagyoyosi siya)
Anthony: oo (sabay tango at nawala ang
ngiti sa mukha niya)
Ako: ah! Sige antayin ka na lang namin
dito ni ian, hindi kasi ako nakatagal sa amay ng sigarilyo parang aasthma-hin
ako (pagbibigay impormasyon ko sa kanya)
Anthony: sige hindi na lang pala ako
magyoyosi
Ako: hindi ok lang antayin ka namin
dito (sabay alis ko ng medyo may kalakihan niyang braso sa balikat ko)
Anthony: hindi na, tara na magfishball
na tayo (sabay akbay uli nito sa akin)
Inialis na naman ni anthony ang
pagkakaakbay niya sa akin, kumuha na kami ng tig-isang stick ni anthony at
tumusok na din ng lutong fishball at kikiam sabay kain nang mapansin kong
nakaingin lang si ian sa amin
Ako: oh ian kuha na ikaw, stick o
(sabay abot sa kanya)
Bigla naman itong lumapit sa akin at
bumulong ulit
Ian: hindi ako nakain ata niyan, hindi
pa kasi ako nakakakain ng ganyan (ang medyo nahihiya nitong sabi)
Ako: wala ka naman allergy dito?
9bulong na tanong ko dito)
Ian: sa hipon at crab lang pa naman
ang alam ko
Ako: rich kid talaga (birong bulong ko
dito). Tikman mo lang (at tumusok ako ng kikiam sinawsaw sa matamis then sa
mahalang sabay tapat sa bibig niya)
Ako: nganga (parang magulang na
nagpapakain ng anak ang lagay namin sa puntong iyon)
Nakita ko namang nag-aalang si ian
kaya naman
Ako: tikman mo lang para ma-experience
po, dali nganga na (pakukumbinsi ko sa kanya)
Pero hindi nag-aalanga parin siya at
bigla na lang pumasok sa eksena si anthony ay sinunggaban ang kikiam na isusubo
ko dapat kay ian
Anthony: ang sarap! (ang bibo nitong
sabi)
Natawa naman ako sa inastang iyon ni
anthony kaya
Ako: good boy anthony, kitams ian
masarap sabi kaya try mo lang (pagbibiro ko sa dalawa at tumusok ulit ako ng
kikiam at isinawsaw ko uli sa matamis at mahalang tapos hipi ng kaunti dahil
medyo nausok pa halatang maini- init pa iyon sabay sapat sa bibig ni ian at
sabing “nganga”)
Binuksan naman ni ian ang bibig niya
at dahan dahan isinubo sa kikiam sa kanya. Habang nginunguya niya ito at
nakatutuk ako sa mukha niya dahil tinitingnan ko ang magiging itsura, sasabihin
at kung may allergic reaksyon na mangyayari sa kanya
Ian: masarap nga! (ang nakangiti
nitong sabi sa akin pero mataman ko parin siyang tinitingnan)
Ian: bakit ka ganyang makatingin (sabi
nito sa akin sabay lapit at bumulong uli), Gwapo no! (natatawang sabi nito)
Ako: adik, tinitingnan ko lang kung
may mamgyayari sayo, baka may allergy ka din pala dyan (sabay baling ko sa
lutuan ng mga fishball at kikiam dahil parang namula ako sa sinabi niya..
hehehehhe)
Pagkatapos magmeryienda ay bumalik na
kami. Mabilis na lang naman ang naging klase at hindi nain namalayan na uwian
na. Hinintay muna naming makalabas ang mga kaklase namin bago kami lumabas
Ako: saan ka pala umuuwi?
Janine: sa Alangilan
Ako: ah! Malapit lang pala dito
At lumapit na nga ang dalawang mokong
sa amin ni janine
Tara na! aya ni anthony
At naglakad na nga kami palabas,
humiwalay naman sa amin si janine dahil may dadaanan pa ito nang kami na lang
tatlo
Anthony: sabay ka sa akin fugi, ikaw
ian saan ba uwi mo? Sabay ka na rin
Ako: ah! Anthony dala ko kasi si Drey
Anthony: sinong drey (ang medyo nagtataka
nitong tanong)
Ako: ay oo nga pala hindi ko pa
naipapakilala sa iyo, motor ko iyon (natatawa ko sabi sa kanya)
Ian: kay fugi na lang tol ako sasabay,
salamat sa alok (pagsabat ni ian sa usapan)
Anthony: ah! Kaya pala noong
hinihintay kita sa kanto nyo kanina ay hindi kita matyempuhan nakamotor ka pala
Ako: inabangan mo ako sa kanto namin
kanina?
Anthony: oo, nagbaka sakali na
makikita kita para sabay na tayo papasok
Ako: ah! So anthony puntahan na namin
si drey, ba-bye (sabay kaway bigla lumappit at bumulong ulit sa akin si
anthony)
Anthony: ingat sa pagmomotor ha, see
you tomorrow (nakiliti naman ako sa ginawa niya)
Ngumiti na lang ako sa kanya at
tuluyan na nga kaming naghiwalay. Pumunta na kami ni ian kay drey, habang
naglalakad ay bigla naman akong inakbayan ni ian na talaga namang IKINAGULAT,
IKINAKABA, IKINABILIS ng aking PAGHINGA at pagPINTIG ng aking PUSO. Ang INIT sa
loob ng BISIG niya na parang PROTEKTADO ako pag-andoon lang ako na lagi akong
nasa MABUTING LAGAY na WALANG MAKAKAPANAKIT sa akin at higit sa lahat ay ang
FEELING og COMFORT (at sobrang bango
niya promise.. ayiiieeeee), bigla naman itong bumulong sa akin na ikinakiliti
ko din
Ian: masyado naman agad kayong close
ni anthony ha! At magkasama pa pala kayo kahapon sa mall at alam na rin niya
kung saan ka nakatira (at sunod- sunod niyang bulong sa akin na may bahid
pag-iimbestiga) (selos ba yan? SANA! Asumero hahahahaha pero nakakakilig naman
di ba di ba?? Hehe)
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment