Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (15)

by: Fugi

Ian: masyado naman agad kayong close ni anthony ha! At magkasama pa pala kayo kahapon sa mall at alam na rin niya kung saan ka nakatira (at sunod- sunod niyang bulong sa akin na may bahid pag-iimbestiga) (selos ba yan? SANA! Assumero hahahahaha pero nakakakilig naman di ba di ba?? Hehe)

Hindi agad ako nakatugon sa kanya, parang nawala ako sa realidad sa mga sandali na iyon. Ang nararamdaman ko lang ay nag-iba ang pattern ng shakra sa katawan ko (Yes! naisingit ko na naman ang anime addiction ko. Hehehe), parang lahat nang mga involuntary mascles ko sa katawan ay bumilis kesa normal lalong lalo na ang aking cardiac muscle, na naging dahilan para mabilisan mai-pump lahat ng dugo sa pulmonary at systemic circulations ko (hahaha masyado na bang technical sa terms?? Hehehe hindi naman;]


Hoy! Sabay alog sa akin ian gamit ang braso niyang nakaakbay sa akin na nagpabalik sa aking diwa

Ah!. Eh.. a...ano... ano nga...ng tinatanong mo?? Nauutal kong tanong sa kanya

Bakit masyado na ata kayong malapit sa isat isa ni anthony na iyon? Kelan pa ba kayo magkakilala? Ang pag-uulit ni ian sa kanyang tanong na nasa normal na boses pero may himig pag-uusisa

At kinuwento ko nga sa kanya simula kung paano nakami nagtagpo ni anthony kahapon hanggang sa sinamahan niya ako sa mall, kung paano niya nalaman na meron pala akong hidden talent 9na ayaw ko sana ilabas kasi kasi pumasok sa isip ko si ian,, hehehe) at ang paghatid nito sa kanto papunta sa amin at higit sa lahat ay ang paglilinaw na hindi alam ni anthony ang bahay ko kundi yung kanto lang papunta doon

Ian: kahapon lang pero ganoon na agad kayo kaclose? (may kakaibang himig sa tanong niya pero hindi ko na lang inansin)

Ako: paano mabait naman kasi siya (pagrarason ko at hindi na nga umimik pa si ian)

Nang makapunta na kami kung saan nakapark si drey ay iniabot ko kay ian ang helmet at sumakay na ako at pinaandar ang makina pagkatapos ay sumakay na rin siya. Nang makalayo na kami sa campus

Ian: kain tayo (bulong na aya nito sa akin)

Ako: sige ako naman taya, ok?

Ian: wag na, ako na lang ulit ako naman nagyaya tsaka hindi ba pinag-iiponan mo pambili dun sa piano, ano nga ulit pinangalan mo doon (nakakatawa naman na tanda niya pa yon, hehe)

Ako: Piyoy ang pangalan, sige KKB na lang

Ian: ang kulit sabing ako na lang ang bahala, tsaka bayad ko na din ito sa pagsundo mo sa akin kanina at paghatid sa akin ngayon pati sa pagiging maalaga sa akin

Ako: anong pinagsasabi mo dyan? (kinakabahan kong tanong? Obvious ba masyado?), nagkataon lang yung kanina kaya nagmagandang loob ako na isabay ka at pati ngayon since madadaan ko naman yung sa inyo (dagdag kong pangangatwiran)

Ian: hooh... alam ko na sobrang concern ka sa akin, dahil siguro nung nakapag-open ako sa iyo ng problema ko sa iyo, sobrang pilit mo kasi, pero masaya ako at may isang ikaw na dumating para alalayan ay pagaanin ang nararamdaman ko, (wa parang nawala ako sa sinabi niyang ito “dahil may isang ikaw” at yan lang ang tinanggap ng utak ko.. ayiiee)  salamat at nakatagpo ako ng isang kaibigan sayo, isang mabuting kaibigan (dagdag nasabi ni ian na nagpabalik sa aking pagkawala, sabing KAIBIGAN lang,, hehehe pero OK! Basta lagi lang ako sa tabi mo)

Ako: drama mo pala rich kid ih! (biro ko sa kanya), daan muna tayo Basilica ha! Bago tayo kumain (dagdag ko)

Ian: sige ba (masigla nitong sabi)

Mabilis naman kaming nakarating sa Basilica, pagkapasok at pumunta kami sa medyo harap at umupo, ilang saglit lang at sabay kami ni ian lumuhod at taimtim na nagdasal (ilang minutong katahimikan mga pipz at sabay sabay tayong magdasal)

............................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................ Amen!

Nauna sa akin si ian at umupo na nga ito at inantay akong matapos magdasal, pagkatapos ko ay inaya ko siya sa sindihan ng kandila para sa humiling.

Ako: tara doon (yaya ko dito sabay turo doon) at magwish tayo (dagdag ko)

Pagkatayo namin ay agad namin iyon tinungo, pagkahulog ng bayad sa may parang alkansya na lalagyan ay kumuha ako ng tatlong kandila, nagtaka naman ako kung bakit hindi kumuha ng kandili si ian ibinigay ko sa kanya yung iba kong kandila pero tumanggi ito kaya ako na lang ang nagsindi at humiling. Pagkatapos ay itinanong ako ni ian kung ano daw winish ko.

Ako: para sa unang kandila ang hiniling ko ay para sa family ko na sana lagi sana nasa mabuting kalagayan lalong lalo na ang papa ko, si kuya Miguel at asawa nito na si ate Isabel pati na rin si kuya Justin na malayo sa amin, good health sa bawat isa sa amin, yung pangalawa naman ay para sa pag-aaral natin na sana ay maging maayos at sabay sabay nating matapos ang kursong ito at makapasa sa board exam at pangatlo para sayo

Ian: bakit para sa akin?

Ako: ayaw mo kasi kaya ako na lang ang gumawa para sayo (ang nangingiti kong sabi dito na ginantihan naman niya ng napakatamis na ngiti na talaga naman nakakawala ng ulirat, buti na lang ay nakaiwas agad ako sa kanyang mga tingin at ngiti baka mawalan ako ng control, hehehe)

Ian: ano naman ang hiniling mo para sa akin? (ang usisang pagtatanong nito at patuloy parin sa pagngiti)

Ako: na sana maging masaya ka kahit wala pansamantala yung sinasabi mong kalahati ng buhay mo, ang girlfriend mo, na sana wag mo na uling sasarhan ang sarili mo sa mga taong gusto pumasok sa buhay mo (at medyo seryoso kong sabi dito habang nakatingin sa mga nakasinding kandila) at syempre (sabay harap ko sa kanya) dapat maging habit mo na ang pagngiti ulit dahil bagay iyon sa iyo, tamana muna ang simangot at pa-mysterious effect mo (ang biro ko sa kanya at pareho nga kaming nangiti)
Lumapit naman ito sa akin at bumulong

Salamat, at pagkasabi ni ian nito ay naghulog siya ng barya sa parang alkansya kung saan nakasilid ang mga bayad sa kandila at kumuha ito ng isa at nagsindi pagkatapos ay nakita ko itong pumikit sensyales ata na humihiling din ito at pagkatapos nito ay tinanong ko ito...)

Ako: o ano hiniling mo?

Ian: nagpasalamat lang ako dahil dumating ka sa akin at sa kaunting panahon palang nating magkakilala ang dami mo nang nagawa sa akin at ang dami mo ring ipinaintindi sa akin, SANA LAGI KA LANG SA TABI KO (seryosong sabi nito habang nakatingin sa kandilang sinindihan niya), pwede ba yon fugi? (tanong niya sabay harap sa akin)

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon at ngumiti sa kanya

(LAGI LANG AKO SA TABI MO HANGGA’T HINDI MO SINASABI NA “HINDI NA KITA KAILANGAN”, NA HINDI KITA BIBITAWAN HANGGANG PATULOY ANG PAGHAWAK MO SA AKIN, KAHIT BILANG ISANG KAIBIGAN LANG, bulong ko sa sarili ko)

Tahimik kaming lumabas at tinungo si drey, nang makasakay na kami kay drey..

Ian: saan mo gusto kumain

Ako: doon tayo “kung saan bida ang saya”

Ian: ha?? Nagugulungang tanong nito

Ako: sa JOLLIBEE,,,,,,, sa Jollibee  bida tayo wala nang iba, sa Jollibee bida ang saya (ang parang bata kong pagkanta ng theme song noon at natawa naman si ian sa ginawa ko)

Ian: talagang alam mo ang kanta nila ah (habang patuloy parin sa pagtawa)

Ako: syempre (proud kong sabi at pinaandar ko na si drey)

Pagpasok namin sa Jollibee ay saktong piniplay ang kantang “dito tayo, dito tayo kung san bida ang bata, sa Jollibee bida tayo wala nang iba, sa Jollibee bida ang saya”, nagkatinginan naman kami ni ian at sabay napatawa(hehehe)

Ako: sabi sayo ih! (at tumawa kaming pumila sa counter)

Ian: anong sayo?

Ako: ahm.. Jolly spaghetti, burger with TLC, large fries, sundae, regular coke

Ian: hindi ka halatang gutom ah!

Ako: paano libre mo naman kaya sinusulit ko na (natatawa kong sabi sa kanya)

Ian: ah! Kaya pala, sige na hanap ka nang matatayuan natin

At sinunod ko na na nga siya wala pang limang minuto ay dumating na ito dala ang inorder nito. Habang nilalantakan ko ang jolly spaghetti ko at burger with TLC hindi ko namalayan na mayo at sauce ng spaghetti sa paligid ng mga labi ko

Ian: ano ba yan fugi ang kalat mo kumain

Ako: anong makalat tingnan mo nga ito said (sabay pakita ko ng styro na pinaglalagyan ng spaghetti), kitams simot (dagdag ko)

Ian: eh ito (sabay lapit niya ng hinlalaki niya sa labi ko at ang hintuturo ay umangkla sa baba ko, pagkatapos ay ipinahid niya ang hinlalaki niya simula sa kanang dulo ng labi ko pailalim patungo sa kaliwang dulo, natulala naman ako sa ginawa niya na parang ilang boltaheng kuryenta ang pumasok sa lahat ng sulok ng katawan ko, dahan dahan naman inalis ni ian ang mga kamay niya sa akong baba at labi), yan o nagkalat ang mayo ay sauce sa paligid ng labi mo (sabay pakita nito ng nakolekta niyang amos sa mukha ko dahil sa pagkain ko, pero nasa state pa rin ako ng pagkatulala at nakanganga pa, hanggang sa..)

Ian: hoy! (sabay pitik sa akin ni ian sa may noo na nagpabalik naman sa akin sa aking katinuan)

Ako: aahhrgg! (sabay hawak ko sa aking noo), bakit ka ba namimitik (ang bata kong sabi dito)

Humagalpak naman ito sa inasta ko

Ang amo talaga ng mukha ni ian, at ang lambot pa ng mga labi niya para ang sarap.... teka ano itong naiisip ko??? Bulong ni ian sa sarili niya

Kinain ko na lang ang sundae ko para din hindi na mapag-usapan ang nangyaring pagkatulala ko. Napansin ko naman na tapos na pala si ian at mataman akong inoobserbahan

Ako: o tulungan mo na akong ubusin ito (sabay lapit ko ng sundae sa kanya)

Ian: sige na (at pinuno ko ang spoon ng sundae at mabilisan kong itinapat sa bibig niya at bigla naman niyang nabuksan ang bibig niya kaya dire-diretso ko isinubo ito sa kanya, at dahil doon ay muntikan na siyang mabulunan dahil natamaan ah ang ngala ngala niya)

Napaubo ng mga lima anim na beses ako naman ay hindi mapalagay dahil sa ako ang may sala, kaya agad akong pumunta ng counter para humingi ng tubig. At pagkabalik ko sa table namin dala ang tubig ay agad ko itong iniabot sa kanya at kinuha naman niya ito at ininom

Sorry, mahina at nakayuko kong sabi habang pinagdikit ko ang aking dalawang hintuturo at pinaikot-ikot)
Wala naman siyang naging tugon

Patay! Nagalit ata, bulong ko sa sarili ko habang nakayuko pa rin

Umupo ka na nga at tapusin mo na yang kinakain mo at ng makaalis na tayo, biglang sabi ni ian na halatang may galit ito

Nakayuko naman akong umupo sapwesto ko at kinuha ang sundae sa mesa at hinawakan ko na lang malapit sa dibdib ko at kinain ko ito ng nakayuko dahil nahihiya ako kay ian dahil sa ginawa ko pero sa kabilang banda pala ay pigil natumatawa si ian dahil sa ginagawa ko, at nang maubos ko na ito ay hindi na napigilan ni ian ang tawa niya na siya naman ikinalingon ko sa dako niya

Ian: nakakatawa itsura mo kanina, parang batang takot na takot at dali daling inubos ang ipinapakain sa kanya (natatawang sabi nito)

Ako: sorry doon sa  gi.....

Ian: walang lang yaring masama sa akin, ok na (pagputol nito sa sasabihin ko sabay ngiti at ngumiti na din ako)

Ako: bati na tayo(ang parang bata kong tanong na ikinatawa uli nito)

Ian: opo isip batang fugi (natatawa parin siya) o tara na? (dagdag tanong nito)

Ako: sandali (kinuha ko sa ginamit kong tinidor at itinusok ko sa styro na pinagkainan ko at ginusot ko na parag papel ag baso na ininuman ko at yung pinaglagyan ng sundae nagtaka naman si ian sa ginawa ko)
Ian: ano ginagawa mo?

Ako: sabi kasi ng uncle ko pagkakatapos daw kumain sa mga fastfood sirain daw yang mga yan (tukoy ko sa styro at baso) kasi ginagamit daw ulit nila yan kaya sirain mo na rin yang pinagkainan mo (panghihikayat ko dito)

(PAALAALA: yung mga styro, baso at disposable na mga utensils lang ha baka pati yung mga totoo na pinggan, baso at spoon at fork ang sirain bahala kayo pagbabayarin pa kayo.. hehehe)

Natatawa naman akong sinunod ni ian at nang matapos ay tuluyan na kaming lumabas

Hinatid ko uli si ian doon sa kanto nila at pagkatapos magpaalamanan ay umalis na agad ako

Pagkauwi naman ni ian sa bahay nila ay hindi maitago ang saya nito na agad naman napansin ng mama nito

Mama Gina: anak mukhang bumalik na talaga ang sigla at saya mo ah! (nangingiting puna nito)

Ian: may bago po kasi akong sobrang masayahin at napakabuting Kaibigan, kaya nahahawa lang po ako

Mama Gina: aba! Dapat makilala ko yan ah! (masayang sabi nito sa anak)

Ian: opo mama, ipapakilala ko po sa inyo sa mga susunod na araw

Mama Gina: imbitahan mo dito sa atin mag-dinner one of this days ok ba anak?

Ian: sige po ma!

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment