Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (21-22)

by: Fugi

Ako: ian, sandali!
Nagulat ako ng pagharap ni ian ay walang kaekspre-ekspresyon ang mukha nito
Ako: so..sorry? (nauutal kong sabi), nakalimu....
Ian: nakalimutan mo ang usapan natin dahil kasama mo lang yang anthony na yan (ang malamig na may himig galit nitong pagtutuloy sa sasabihin ko sabay ang pagtalikod nito sa akin)
Nabigla ako sa sinabi niya, napatulala sa inasta niya at napako nalang sa kinatatayuan habang papalayo na siya sa akin:[
Nasa ganoon akong tayo ng biglang may nagsalita sa likod ko na naging dahilan ng pagkagising ng diwa ko


Anthony: bakit ka biglang umalis? hindi ka man lang nanghintay
Ako: ah.. may, may kinausap lang ako, pabalik na nga ako (palusot ko nalang sabay harap sa kanya at plaster ng pekeng ngiti)
Janine: tara na maglunch (singit naman niya). Nga pala nasaan si ian? Kanina ko pang hindi nararamdaman ang presensya niya (dagdag nito)
Natigilin naman ako sa sinabi niyang iyon, kasi kasi!
Anthony: baka naman may mga agenda si ian ngayon, tara na sa cafeteria, naguguton na ako (sabay akbay uli sa akin nito at tinahak na nga namin ang daan papunta sa school canteen)
Pagkadating namin doon ay nagpalinga-linga ako kung nasa paligid si ian pero kahit hibla ng buhok, kuko o kahit balahibo ay wala:(

Nag-aalala man kay ian at naiinis sa aking sarili ay pilit kong itago iyon para hindi mahalata nina anthony at janine, pinilit pasayahin ang sarili sa kanilang harap kahit sa loob loob ko ay gustong gusto kong makita at makausap ang taong napakahalaga sa buhay ko ngayon at maayos ang gusot sa pagitan naming dalawa

Nasaan kaya ang tampurorot na iyon? Saan kaya kumain iyon? O kumain kaya iyon? Papasok kaya siya mamaya?... SANA! (mga tanong na naglalaro sa aking isipan)

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kaming tatlo sa unang klase namin sa araw na iyon. Habang naglalakad ay bigla na na lang umakbay sa akin si anthony

Anthony: kanina ka pang wala sa sarili at balisa ah! (bulong nito sa akin)

Ako: ah eh.. may iniisip lang ako (sabay ngiting pilit sa kanya)

Nakarating na nga kami sa room at nanatiling nakaakbay sa akin si anthony, agad hinanap ng mga mata ko si ian at nang mahagilap siya ng mga mata ko at nakatingin din pala siya sa akin na blanko pa rin ang emosyong ipinapakita ng mukha nito

Janine: nandito na pala si ian, tara doon na tayo umupo sa tabi niya (aya nito na naging dahilan para alisin ko ang tingin ko kay ian kasabay noon ay naglakad na kami palapit sa kinatatayuan ni ian sa bandang likuran)

Nang makalapit na kami sa pwesto ni ian, tinanggal na rin ni anthony ang pagkakaakbay. Kahit gustong-gusto kung tumabi sa kanya ay wala akong lakas ng loob dahil nahihiya at naiilang ako dahil sa ako naman talaga ang may kasalanan

Nagising na lang ako sa ganoon pagmumuni ng

Janine: fugi upo na! tulala ka na naman, nakadrugs ka ba? (natatawa ito)

Ako: ah... o.. oo at nang makita ko ang bakanteng upuan ay yung sa pagitan nina ian at anthony (bale ang naging pwesto ay si ian sa bandang dulo, ako, si anthony at si janine)

Pagkaupo ko ay siya namang alis ni ian, pinagmasdan ko na lang siya hanggang makalabas siya

Janine: pasan si ian?

Ako: c-cr ata

Habang nag-iintay  sa aming prof ay abala naman ako sa pag-iisip ng paraan para magkabati kami ni ian (kasi kasi naman ako!)

Hoy! Ano o Sino bang iniisip mo? Kanina pa yan ah! Mukhang ako ata yan, hinihingal na kasi ako, bulong ni anthony na nagpagising sa akin mula sa malalim kong pag-iisip

Ha? Nabigla kong bulong dito

Kasi naman kanina mo pa akong pinatatakbo dyan sa kokote mo, wag mo ako masyadong isipin, Ok lang ako! Natatawa nitong banat na pabulong

Lakas mo din ah! Last na banat mo na yan sa araw na ito ha! Natatawa kong bulong dito
Yan! Tumatawa ka na ulit, ano ba kasing iniisip mo? at napakalalim ata! Babawaan mo lang kasi baka mamaya malunod ka eh! Mouth to mouth resuscitation palang kaya kong gawin, natatawang bulong nito

Yan naman ang last joke mo sa araw na ito ha! Kumu-Quota ka na, natatawang balik bulong ko naman

Bigla namang sumabat si janine

Janine: nagkakasayahan na naman kayo dyan ha! Bulong bulungan na naman kayo baka lang naman gusto nyo na akong isali

Anthony: ehhhh! Bawalpa rin  ang mga saling pusa (ang natatawang sabi nito)
Janine: ang daya daya nyo naman, parang na-o-OP tuloy ako (ang tampo tampuhang sabi nito na ikinatawa naman naming dalawa ni anthony)

Biglang lumapit sa akin si anthony at bumulong

Kunyari may sinasabi ako tas tumingin ka kay janine na kunwari pinag-uusapan nati siya OK!, laman ng bulong ni anthony sa akin

At habang bumubulong kuno si anthony sa akin ay nakatingin naman ako kay janine at kunyari natatawa at pagkatapos kuno ng sinabi ni anthony ay ako naman ang bubulong sa kanya na kunyari may sinasabi tungkol kay janine at siya naman ang titingin dito at magpaplaster ng mga ngiting mapang-asar.

Janine: sige pagkaisahan niyo ako, pagbulungan nyo lang ako, pag ako nakahanap ng kakampi, mata nyo lang ang walang latay (ang nakasimangot nitong sabi sa amin na ikinatawa nga namin ni anthony)

Ako: joke lang, niloloko ka lang namin (natatawa ko paring sabi kay janine), kasi naman anthony bulungan mo rin si janine para hindi nagtatampo (dagdag ko)

Anthony: baka mausog si janine pag binulungan ko (natatawang sabi nito)

Ako: hindi yan parang may kontra usog naman si janine, o kung wala man lawayan natin para tanggal agad usog (pagsakay ko sa biro ni anthony at nagtawanan nga kami)

Nasa ganoon kaming biruan at tawanan ni anthony ng hindi ko namalayan na nakabalik na pala si ian at nakaupo na sa tabi ko

Janine: sige pagkaisahan ninyo ako (nakasimangot pa ring sabi nito), ian tulungan mo nga ako pinagtutulungan ako ng dalawang yan (ang parang batang sumbong nito kay ian, natigilan ako noong narinig ko ang pangalan ni ian at dahan dahan ako ng humarap dito, nakita ko siyang nakangiti kay janine bilang tugon sa sinabi nito at nang tumingin ito sa akin ay biglang nablangko ang emosyon nito)

Nagkatitigan kami pero siya rin ang unang bumawi ng tingin, patuloy pa rin ako sa pagtitig sa kanya ng bigla siyang

Ehem... ehem! Pag-alis ng bara ni ian sa lalamunan niya na nagpagising sa akin para alisin ko ang pagkakatitigko sa kanya at nang humarap na ako sa harapan ay nandoon na pala ang prof namin

Naging tahimik na ang pagitan sa aming lahat lalong lalo na sa amin ni ian na parang may kung anong tensyon ang nakapaligid

Habang nagkaklase ay lipad naman ang utak ko at hindi ko na naintindihan ang itinuturo ng prof namin ang nasaisip ko lang ay matapos na ang klase at makikipag-usap na ako at makikipag-ayos na sa kanya

Nakiayon naman ang oras sa akin at mabilis na natapos ang klase (salamat pareng oras, :]), pagkalabas ni ma’am ay agad namang tumayo si ian

Janine: o ian saan ka pupunta?

Ian: ah! May aasikasuhin lang (maitipid nitong sabi at may pilit na ngiti), sige mauna na ako sa inyo, kita na lang mamaya (dagdag nito at tuluyan na nga itong naglakad palabas)

Alam ko nagdadahilan lang siya, agad din naman akong nagpaalam kela anthony at janine

Ako: anthony, janine mauna na din muna ako sa inyo, may kakausapin lang ako (nakangiti kong pagpapaalam sa kanila)

Anthony: sasamahan na kita

Ako: wag na! kaya ko na ito! Malaki na ako (biro ko dito), sige kita na lang tayo mamaya (dali dali naman akong naglakad palabas)

Janine: ingat fugi (sigaw nito, humarap at nginitian ko na lang ang mga ito tapos ay lumabas na)

Pagkalabas ko ay agad hinanap ko kung saan ang tinahak na daan ni ian, agad ko naman siyang nakita. Sinundan ko siya ng palihim. Lakad tapos titigil kung malapit na ang distansya ko sa kanya

Sa may kubo sa likod ng mabini bldg. siya tumigil, naupo siya paharap sa maaliwalas paligid at patalikod sa akin. Nasa ganoon siyang lagay habang ako ay pinagmamasdan at iniisip ang hakbang na gagawin ko at mga salitang sasabihin  ko sa pakikipagusap sa kanya.
Inilabas ko si giyoy (gitara ko) sa lalagyan niya at lumapit ako sa kanya ng makalapit ako aaaay...

Acapella:
It's too late to apologize, it's too late
It's too late to apologize, it's too late

<Tinipa ko na ang stings ng gitara>

I'm holding on your rope,
Got me ten feet off the ground
I'm hearin what you say but I just can't make a sound
You tell me that you need me
Then I go and cut you down, but wait
I tell you that I’m sorry
Didn't think I'd turn around, and say... (dahan dahan kung inalis ang pagtipa sa gitara at umimik)

SORRY IAN.... (ang pahina ng pahina kong sabi)

Napatayo naman si ian pero nanatiling nakatalikod pa rin si ian sa akin pagkatapos kung sabihin iyon, kaya naman wala sa sariling niyakap ko na siya habang nakatalikod pa rin siya sa akin.....

*************
-------> si IAN

Noong sinabi ni fugi na si anthony ang susundo sa kanya ay may kung ano akong kakaibang naramdaman na hindi ko naman mabigyan nang kung anong paliwanag basta wala lang talaga akong tiwala sa anthony na iyon (ewan, basta!), kaya naman sinabi ko kay fugi na sasabay din ako

Kinabukasan ay maaga akong nagising, agad na naghanda ng sarili pati na rin ang mga gamit na dadalahin ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan ng matapos nagsipilyo lang ako at lumalis na ng bahay

Time check: 6:50am

Naglakad na ako papunta sa kanto para abangan sina fugi doon. Pagkadating doon at tumayo ako sa madaling mapapansin para madali nila akong makita

Lumipas ang limang minuto..............

......................

Sampong minuto...........

Time check: 7:10am

On the way na siguro, sabi ko sa sarili ko

Tik...tok...tik...tok

Patuloy sa paglakad ang oras, lima, sampo, labing lima, bente minutos..........

Time check: 7:30am

Sampong minuto pa! baka nagkaaberya lang, pagkumbinsi ko sa sarili ko

Isa....tatlo..apat...anim... pito...siyam........sampong minuto pa ang lumipas

Limang minuto pa, sabi ko sa sarili ko

Natapos ang palugit at napilitan na akong sumakay sa jeep na tumigil sa harap. Pasalamat na lang at hindi trapik nung panahon na iyon kaya mabilis din naman akong nakarating sa campus

Mabilis kong tinungo ang freedom hall dahil late na na ako at nang makapanhik na ako ay nakita ko si fugi na nakaabang sa pintuan ng hall at halatang balisa at sa itsura pa lang ng mukha nito na kakikitaan mo ng pag-aalala

Pag-aalala para sa akin, ang nasabi ko sa aking sarili at napangiti na lang ako sa naisip kong iyon

May tampo ako oo dahil parang nakalimutan niya ang usapan namin pero nung makita ko ito ay nawala kaagad, napapangiti na lang ako sa itsura nito, napaka-inosente at napakaamo. Nanatili muna ako sa pwesto ko at pinagmasdan ito, hindi dahil sa bumabawi ako sa pag-iiwan na ginawa niya, natutuwa lang akong pagmasdan siya

Nanglalapitan ko na sana ito ay bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa nito si anthony, panahinto ako at tiningnan sila, biglang inakbayan ni anthony si fugi at parang may ibinulong dito na naging dahilan para pumasok na sila sa loob ng hall

May inis at kung ano akong naramdaman sa ginawang iyon ni anthony

Ang epal talaga ng anthony na yon, nasabi ko sa aking sarili at naglakad na nga ako papasok sa freedom hall.

Nangmakapasok ay nagsisimula na ang program, nakapatay na rin ang ilaw kaya sa may bandang likod na lang ako umupo. Pagkaupo at mabilis kong iniikot ang aking paningin para hanapin si fugi

Kahit medyo madilim, nakatulong naman ang bukas na mga ilaw sa stage para kahit papaano ay makita ko ang hinahanap ko. Ilang paling sa kaliwa, sa kanan at harap ay nahagilap ko na din ang kinatatayuan ni fugi at katabi nito si anthony

Habang nakatingin ako sa dako nila lagi kong napapansin ang laging pagbulong nito kay fugi at ang lapit na ng labi nito sa tenga ng huli

Parang hahalikan na si fugi ah! Naiinis kong sabi sa sarili ko

Maya maya tinawag na si fugi para mag-intermission at bilang nagbukasan ang ilaw sa buong hall, napansin kong malingalinga ito at bigla na lang itong lumalikod at parang may  hinahanap at nang mapatapat ang tingin nito sa kinatatayuan ko bigla itong ngumiti ng pagkatamis tamis

Kahit may inis at napangiti na rin ako ang ganda kasi ng ngiti niyang iyon

Habang kumakanta si fugi hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya bukod sa sobrang ganda talaga ng pagkakakanta niya ay ang magagandang ngiti nito  habang isinasambit niya ang liriko ng kanta niya (-->si fugi to ha! Papasok lang ako hindi ko na mapigilan ih! Hahahaha para sayo kasi yung kinanta ko ian.. ayieeeeee! Hahaha kasi kasi naman.. hehehe.. back to you na nga ian:])

Pagkatapos ng kanta niya ay malakas na palakpakan ang natamo niya at may mga nagsigawan pa ng “more! More!” at pinagbigyan naman ni fugi ang mga ito, standing ovation naman ang ginawad kay fugi pagkatapos nitong kumanta ng mga tagapanood.

Gustong gusto ko siyang batiin at sabihin na “ang galing ah!” pero laging nakabuntot ang anthony na yon kay fugi na kinaiinis ko naman hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko lang siguro na ganoon sya kay fugi, ewan! Basta!

Pagkatapos nga ng program ay tinipon nga kami ng adviser namin, kinausap tapos nag-elect ng officers at pagkatapos ay dinismis na kami ng adviser namin. Agad naman akong naglakad palabas at nang makalayo na ako sa freedom hall may narinig akong tumawag sa akin
Ako: ian, sandali!
Napatigil ako sa paglalakad
Si fugi, bulong ko sa isip ko pero hindi ko siya hinarap
Ako: so..sorry? (nauutal nitong pabulong na sabi), nakalimu....  (naputol nitong sasabihin ng bigla na lang akong nagsalita)
Ian: nakalimutan mo ang usapan natin dahil kasama mo lang yang anthony na yan (hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi kong ito, kusa na lang siyang ibinulalas ng bibig ko)
Nang maproseso ng utak ko ang mga nasabi ko, kahit ako ay nagulat sa nasabi kong yon kaya agad na lang akong umalis na hindi man lang tinitingnan ang naging reaksyon niya
Ano bang sinabi kong iyon, ahrgggg, naiinis kong sabi sa sarili ko
Kailangan kong magsorry kay fugi, tama magsosorry ako mamaya sa kanya tungkol sa nasabi ko, dagdag na sabi ko sa sarili ko
Matapos maglunch ay agad akong pumunta sa room para abangan si fugi at makausap. Lumipas ang ilang sandali at bumukas ang pinto at iniluwa nito si fugi at napangiti nga ako ng makita ko ito pero agad din namang nawala ang ngiti kong iyon dahil sa sunod kong nakitang pumasok at si anthony na nakaakbay kay fugi at inilalapit pa talaga sa kanya si fugi
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero ayaw ko ang nakikita ko

Nang makalapit na sila sa kinatatayuan ko hindi alam ang magiging reaksyon at nang makaupo na sila ay bigla na lang ako tumayo at lumabas ng room na iyon
Inis, galit at kung anong pakiramdam na hindi ko mabigyang pangalan ang nararamdaman ko
Huminga na lang ako ng malalim at maya maya lang ay bumalik na ako ulit ako sa loob ng room

BOOOOOOOM, nakita kong nagbubulungan sina anthony at fugi at masaya pa ang mga ito
Dapat hindi muna ako pumasok, sisi ko sa sarili ko

At dahan dahan nalang akong nagtungo sa upuan ko at nang makaupo ako bigla akong tinawag ni janine at nagsumbong itong parang bata na pinagtutulungan daw siya nina fugi at anthony, matipid na ngiti lang ang tinugon ko dito

Napansin ko naman na nakatitig si fugi sa akin kaya naman tinapatan ko ito ng tingin, may kung ano naman sa mata nito na hindi ko maipaliwanag pero gustong gusto ko itong tingnan.

Nagkatitigan kami ng ilang sandali at ako na ang unang bumitiw sa tagisan ng tingin na iyon at humarap nalang sa harap pero napansin kong nasa akin parin ang mga mata ni fugi

Nasa harap na si prof namin at pansin kong nasa akin pa din ang tingin ni fugi kaya umubo ako na parang may inaalis na bara sa lalamunan na naging dahilan para alisin na ni fugi ang mga mata niya sa akin

Kahit nagkaklase na ay hindi ako makapagfocus, lipad ang isip ko dahil sa mga nangyari at sa mga hindi maipaliwanag na mga damdaming ngayon ko lang nararamdaman

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na tapos na ang klase, agad akong nag-ayos ng gamit ko at nagpaalam na hindi ako makakasabay sa kanilang magmeryenda

Agad na akong naglakad palabas at hindi tiningnan ang mga ito, naisipan kung pumunta sa tahimik na lugar para makapag-isip-isip at sa gilid ng mabini bldg kung saan may kubo, maganda ang tanawin at napakapresko ng hangin ako dinala ng mga paa ko.

Upumo ako paharam sa magandang tanawin at mataman na pinagmasdan ang mga ito maya maya ay narinig ko nalang ang pamilyar na boses na iyon

It's too late to apologize, it's too late
It's too late to apologize, it's too late

Pagkatapos noon ay sabay tugtog ng gitara at ipinagpatuloy niya ang pag-awit

Nangmatapos ay napatayo ako at narinig kong umimik si fugi nang

SORRY IAN.... (ang pahina ng pahina nitong sabi)

Natutuwa ako sa ginawa nito kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maluwang at dahil doon hindi ko siya maharap harap

Maya maya may naramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko, niyakap ako ni fugi na naghatid... naghatid nang kung anong kuryente sa buong katawan ko, kuryenteng naging dahilan para tumibok ng mabilis ang pintig ng maliit na masel sa loob ng dibdib ko.

Kakaiba, hindi pangkaraniwan at bago sa akin ang pakiramdam na iyon

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang

Ian........marahan natawag ni fugi na nagpabalik sa akin mula sa nakakalunod na kakaibang pakiramdan na iyon

Hindi kaagad ako nakatugon kay fugi dahil hindi pa ako ganoon nakakabawi

Uy! Uy! Sabay yugyog ni fugi sa akin na nagpangiti sa akin

Ba.. bakit ka ba nang yayakap dyan, sabi ko na pinipigilan ang mapatawa at umaarte na parang naiinis kahit ang totoo ay... ay basta

Ah... eh... ano kasi.. ah, ang hindi matuloy tuloy na sabi nito

Ano? Ang medyo seryoso ko kunong tanong sa kanya pero sa loob loob ay natatawa ako dahil sa nahihiya na ito

Ba.. bakit ikaw kagabi basta basta ka na lang din yumakap sa akin? Ang parang batang balik tanong nito sa akin

Hindi ba ang nasabi ko naman ang dahilan kaya ko yun nagawa dahil sa nagpapasalamat ako sayo, ang sagot ko sa kanya

O! bakit ka ngayon nangyayakap basta-basta? Ang balik tanong ko dito na patuloy pa rin sa pagpigil ng aking tawa

Ka..kasi nga.. ano.. di ba sinabi ko na naman kanina pagkatapos ko kumanta, kasi kasi naman hindi nakikinig, ang parang batang pagmamaktol ni fugi habang nakayakap pa din sa akin at medyo nauuga ako

Ano ba kasi yun?? Hindi ko narinig eh! Ang patay malisya kong tanong sa kanya pero hindi ko na maitago ang paghagikgik ko sa inasta nito

Bakit ka tumatawa dyan? Hirap na nga ako dito oh! Kahirap mong suyuin ih!, ang may himig tampo nitong pagpuna sa akin

Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa sa puntong iyon at naramdaman ko na lang na kumalas na ang mga kamay sa aking bewang ni fugi kaya naman ay humarap na ako dito

Niloloko mo lang pala ako, aalis na nga ako, ang tampo tampohang sabi nito sabay talikod sa akin at akmang lalakad na

Teka teka nga fugi ikaw pa talaga ang may ganang magtampo, sino bang nang-iwan? Hindi ang linaw naman ng usapan? Hindi mo ba alam kung ilang oras este minuto ako naghintay dun, malamang hindi kasi sobrang saya mo kasama si anthony na yon kaya nakalimutan mo na agad ako at ang usapan natin, biro lang naman dapat ang mga patutsada kong iyon sa kanya pero nagulat na lang ulit ako sa sarili ko ng maproseso na nang utak ko yung mga huli kong nasabi

Sh!@.. Ano yung mga nasabi ko.. bulong ko sa sarili ko

Humarap na bigla si fugi sa akin at nang makita ko ang ang mukha nito bumakas dito ang lungkot, lungkot na dala siguro nang mga nasabi ko, nasabi ko na hindi ko sinasadyang masambit pero naipahamak na ako ng bibig ko

So..sorry ian.. ang mahina nitong sabi pero tagos sa kaibuturan ko dahil sa kalakip nitong kakaibang emosyon sabay yuko nito

Sobrang naguilty naman ako sa nagawa ko kaya walang anu-ano’y niyakap ko na lang siya

So..sorry fugi sa mga nasabi ko, bulong ko dito

*************
-------> dyandaradan.. ako na ulit si FUGI:]

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni ian, nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya, mas matinding chiduri ang pumasok sa aking katawan, nanalaytay sa bawat arteries at veins (ugat lang po yan sa tagalog.. hehehe) ko ang matinding boltahe ng kuryenteng idinulot ng pagkakayakap niyang iyon. Naramdaman ko ang SAFETY & SECURITY pati na rin ang konting LOVE & BELONGINGNESS na hatid ng yakap na iyon.

--------------
Ang TRIVIA (YES! bumalik na.. haha)
----->kilala nyo ba mga pipz si ABRAHAM MASLOW, o narinig nyo na ba siya o kung hindi man siguro absent kayo nung itinuro siya (hahaha) o kaya naman sa aming mga nursing students lang siya pinakilala, ok! Balik sa main focus ng triviang ito. Si ABRAHAM MASLOW ang gumawa ng HIERARCHY of NEEDS (familiar po?) ito ay yung mga basic at essential na pangangai langan natin sa bawat stages ng buhay natin ito ay nakapyramid style ang presentation na hinati sa lima baitang (yung parang food pyramid sa komersyal ng Lactum, ganoon) na kung saan ang nasa pinakababa ng pyramid ay ang PYSIOLOGIC NEEDS natumutukoy sa mga pagkain, damit, tubig at hangin na una nating pangangailangan, sa sasunod na baitang ay ang SAFETY & SECURITY NEEDS, then ang LOVE & BELONGINESS , tapos ang SELF-ESTEEM at ang pinakatuktuok ay ang SELF-ACTUALIZATION na kung saan ito ang huli nating maaacomplish.
Ang rule po nitong model na ito ay paghindi mo nasatisfy ang sarili mo unang baitang na physiologic needs hindi ka makakaakyat dun sa pangalawa which is safety and security, and that means as well na hindi ka nagmamature (gets?)

Marahil ay nagtataka kayo kung anong konek nito sa kwento, WALA NAMAN! Hahaha nabanggit ko lang kasing yung SAFETY & SECURITY at LOVE & BELONGINGNESS kaya sinabi ko nalang kung saan yun nanggaling ang mga salita kong iyon.. oh di ba parang naglecture lang ako? (hahaha)

Ok back you na fugi.. baka magalit ang mga readers ang dami ko sinasabi.. hahaha)
--------------------

So..sorry fugi sa mga nasabi ko, bulong ni ian na nagdulot sa akin ng kakaibang sensasyon at nagpabalik sa akin sa realidad

Ba...bakit ka nangyayakap? Panggagaya ko kay ian, habang natatawa pero kinikilig sa loob loob ko (ayiiiieeee!)

Bigla namang inalis ni ian ang pagkakayakap sa akin

Ian: bakit mo ginagaya ako? Script ko yan ah! (at nagtawanan nga kami)

Ako: sorry ulit ian (nasambit ko pagkatapos ko tumawa)

Ian: sorry din sa mga nasabi ko (at nagkatinginan na nga kami)

Ako na ang kusang umiwas nakakatunaw na mga pipz ih! :]

So ibig bang sabihin na..... na bati na tayo?? Ang naiilang kong tanong sa kanya habang nakayuko dahil sa pag-iwas sa mga tingin niya

Oo na, may payakap yakap ka pa nga eh! Ang natatawang sabi ni ian sa akin

Napatunghay naman ako sa biro niya

Ako: kala mo naman siya ang hindi, ye-hoy! LA LA LA! (pang-aasar ko rin sa kanya)

Ian: ikaw nga may panghaharana ka pa sa akin, ano? Ha?

Ako: pa.. paano ka.. si. Ah.. eh ikaw kasi (ang pagkapahiya ko sa biro niya

Ian: o! ano? (sabay tawa nito)

Ako: si tampurorot na ito (ang nasabi ko na lang na lalo lang ikinatawa ni ian.. kasi kasi.. talo ako.. hahahahaha)

Sobra naman ang nararamdaman kong saya dahil nagkaayos na kami ni ian sa wakas pero ang hindi namin namalayan ay may nakamasid pala sa amin, na nasundan pala ako ni.... ni..


..ni Anthony

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment