Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (27 & 28)

by: Fugi

Nanghumarap ako tumambad sa akin ang isa na namang nabiyayaan ng ating maykapal nang magagandang katangian (may favoritism eh! Hehehe biro lang po:])

Ang galing ah! Nakangiting sabi niya sa akin at ngiting pilit lang ang naitugon ko sa kanya sa kadahilanang naiilang at nahihiya ako sa kanya


Maya maya ay may narinig akong pamilyar na boses kaya naman agad napukaw ang atensyon ko at napatingin sa kanya, si ian...

Ian: fugi! (pagtawag nito at nang makalapit ito ay may kasama ito na nasa mid 30’s na ata pero hindi halata sa kanya dahil sobrang ganda niya pa rin), si mama nga pala, ma siya po si fugi kaibigan ko (pagpapakilala nito)

Ako: ma...magandang hapon po ma’am (kinakabahang pagbati ko sa kanya kasabay ang pagtayo mula sa pagkakaupo ko)

“Magandang hapon din naman iho, tita na lang itawag mo sa akin, ok ba iyon?” nakangiting sabi ng mama ni ian

Ako: o..ooopo ti..ta?? (nag-aalangan kong patanong na nasambit na ikinatawa naman nila)

“Ikaw ba yung tumutugtog ng piano kani-kanina lang?” tanong ng mama ni ian

Ako: ah....eh (kinakabahan kong panimula na hindi na nasundan dahil sumingit si ian)

Ian: hala lagot ka, kasi bakit mo yan inibo? Alam mo ba hindi yan pinaiibo ni mama? (may himig pananakot pa ng ulupong na kumag na ma.... ah BASTA... hahaha)

Ako: imbento ka ah! Eh ikaw nga nagpagamit niya sa akin ih! (nakaharap kong sabi sa kanya) sabi mo pa nga “gusto mo itry” (paggaya ko sa boses niya)

(sa puntong iyon nawala sa isip ko na nasa paligid lang ang mama ni ian at yun lalaki na kahawig ni ian, pati kaba ko ay nawala dahil sa ginawang iyon ni ian)

Narinig ko nalang ang pagtawa ng mama ni ian na nagpaalala sa akin na andoon nga pala sila (kasi kasi naman, nahiya tuloy ako sa inasta ko, minus 100 tuloy sa life point ko, hahaha, saang anime yan? Ang unang makahula may premyo.. hahaha)

Ako: so..sorry po! (agad kong nasambit habang pagharap ako sa mama ni ian)

“wala ka namang kasalanan, niloloko ka lang niyang si ian, nga pala galing mo magpiano” nakangiting sabi nito na tinugunan ko lang din ng pagngiti

Ahem.. ahem (pagkuha ng atensyon nung lalaki kanina na kahawig ni ian) hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo ian? (dagdag nitong tanong)

Ian: ah! Kuya andyan ka pala (pang-aasar nito sa tinawag niyang kuya)

“abat......” hindi natapos nitong sasabihin dahil pinutol na agad ni ian

Ian: fugi si kuya joseph kapatid ko, kuya si fugi kaibigan at kaklase ko naman (pagpapakilala nito sa amin, grabe naman ang pamilya nila nag-uumapaw sa kagandang itsura naman sila, over sa biyaya naman, sobrang ganda pa rin ng mama nila tas si kuya joseph naman ay napakakisig din at GHN din tulad ni ian, hindi ko tuloy maiwasang maitanong sa sarili ko, “kamag-anak ba nila si GOD?” hehehe gandang lahi ih!)

“Joseph nga pala” sabay lahad ng kamay nito sa akin kasabay ang nakaplaster na magandang ngiti sa kanyang labi

Ako: ah eh fugi po (naiilang ko namang naisatinig sabay abot sa kamay niya at nginitian ko lang din siya)

Joseph: wag mo na akong po-po-in ok ba? (nakangiti pa rin nito sabi sa akin habang ang mga kamay namin ay magkahawak pa din)

Ako: sige sige po!
Joseph: may po na naman (pagpuna nito habang nakangiti pa rin)

Ako: ah.... eh.. sori kuya joseph (nahihiyang naibulalas ko, kasi kasi naman.. hahaha)

Sa puntong iyon ay bigla nalang may pumatong na kamay sa magkahugpong pa rin namin na kamay ni kuya joseph nung magkakilanlan kami at nang sundan ang mga kamay na iyon ay kay ian pala ito

Ian: masyado na matagal ang hawakan na yan ah (sabay hila ni ian ng kamay ko habang nakangiting ewan, agad din naman kumalas ang kamay namin ni kuya joseph at ngayon nga ay si ian na ang may hawak noon)

Joseph: ang higpit naman ng stage classmate slash friend mo fugi (pang-aasar nito kay ian kasabay ang ngiting mapang-asar din, ngiting pilit lang ang naitugon ko)

Hindi naman ito pinansin ni ian bagkus ay bumaling ito sa kanyang mama na kanina pa pala kami tinitingnan at nangingiti sa nakikitang asaran sa pagitan namin tatlo

Ian: ma, doon muna kami ni fugi sa kwarto ko ha!

“sige anak, ipapatawag na lang namin kayo paghanda na ang dinner” sabi ng mama nito

Pagkasabing pagkasabi noon ng mama niya ay agad naman akong hinila ni ian

Ian: tara doon muna tayo sa room ko (nakangiti nitong sabi nito kasabay noon ay ang pagkaladkad sa akin ng madahan wala naman akong nagawa kung hindi magpadala sa kanya)

Lumingon muna ako sa mama niya at ngumiti ganoon din sa kuya joseph nila at tinugunan din naman nila iyon

Umakyat na kami ng hagdaan, nasa taas ata ang room niya, pagkaakyat naglakad kami hanggang sa pinakadulong pasilyo at nang matapat kami sa pinakadulong pinto ay bigla siyang tumigil at binuksan ang pinto. (Pagkabukas nang pinto ay may liwag na nagpasilaw ng mata ko, joke! Hahaha lakas lang maka-anime haha)



Pagkabukas niya ng pinto ay agad niya akong hinila papasok sa loob ng silid niya na ata iyon kasunod noon ay isinara kaagad niya ito. Natulala naman ako sa kwarto niya dahil ang ganda ng pagkakaayos, malinis, malawak, may flat screen tv na wall built tas napansin ko din ang hanay ng mga dvd niya, collection niya ata, may sarili din syang space para sa mga libro at nang mapatapat ang tingin ko sa may kama niya, malaki ito kasya ata ang tatlong tao tas ang maganda din kung cover (di ba pati iyon napuna ko, pasensya na magaling lang mag-assess, nurse eh! Haha), pinaghalong black ang white na kung saan ang pinaka base ay white tapos may mga line na kulay itim ang nagbibigay ng design na magkaka-intersection (OA na ba sa descriptions?? Pasensya na naging behasa lang sa mga detailed descriptions dahil sa CASE STUDY.. hahaha)

--------------------
Ok ibinabalik ko na ulit TRIVIA portion (haha)
----)PAALAALA: masyadong mahaba ang trivia na ito kung tinatamad kayo basahin ito ay ok lang pwede naman ninyo itong skip... yun lang naman

Yung pong CASE STUDY na sinabi ko ay isa sa mga requirements naming mga student nurse para magkagrades kami sa pagduty sa hospital. Magkakaroon kami ng sari-sariling pasyente na aalagaan for 8hours na duty tapos yung sakit ng pasyenteng mapapaunta sa amin ang pag-aaralan at gagawan ng documentation. Binubuo ng maraming components ang case study naming ito at ito ay ang mga sumusunod:
-Intruduction (pagbibigay ng maigsi pero detalyadong pagpapakilala sa naasign na sakit sa amin kunwari heart failure)
-Objectives (general at specific objectives, ano yung gusto mong mangyari bago, habang at pagkatapos ng gagawin mo na pag-aaral)
-Patient Profile (personal info about the patients)
-Clinical Appraisal (na binubuo naman ng: Past Health History, Family History, Personal History, Psychological History, Social History at Present History ng pasyente)
-Physical Assessment o yung Head-to-toe Assessment with narrative summary at the end (na natrivia ko na sa nakaraang chapter)
-Diagnostic and Laboratory Result with narrative summary at the end as well (na kung saan ay kami din ang ngbibigay ng analysis kung bakit above normal ang hemoglobin etc)
-Anatomy and Physiology ( anatomy is about the structure of the body, kunwari nga ang case ay Heart failure ang focus ay yung Heart lang tapos ang Physiology naman deals with sa function of that body parts, dito naman ay ididiscuss ang lahat ng functions ng Heart)
-Pathophysiology (naitrivia ko na din ito sa previous chapter)
-Nursing Care Plan (itong area na ito ang sa tingin kung pinaka-importante kasi itong yung pinaka plano na ipu-put into action namin sa pasyente namin, compose ito ng: Assessment (na may Subjective data (ito ay complaint ng patient) at objective data (ito yung mga napupuna naming mga nurses), Nursing Diagnosis (na ginagamitan naman namin ng book na kung tawagin ay NANDA), Scientific Explanation, Planning, Intervention with Rationale at last ang Evaluation (validating kung effective ang ginawang plano)
-Drug Study (dito nakalagay lahat ng gamot na tinitake ng pasyente, malas ka kung madaming iniinom ang napapunta sa iyong pasyente dahil lahat ng iyon ay gagawan mo ng reseach about sa: Name of the Drug (generic at brand name, Classification ng gamot pati action niyon sa katawan, Indication, Contraindication, Adverse Effect, Nursing considerations at Monitoring parameters, ang pinakamadami ko nang napatapat sa akin ay anim, grabe talaga.. hehehe)
-Prognosis (dito na kalagay yung kung ng iimprove ba ang health ng patient o mas lalong lumalala)
-Discharge Planing (METHODS------- Medication, Exercise & Environment, health Teaching, Hygiene, OPD o ung out patient department nandidito yung scheduled time and date ng follow-up, Diet at Spirituality & Sexuality, eto yung last part pero wala nang ganito kung sa last duty namin ay hindi naman nadischarge yung patient)

Ganyan po kaunti yan (haha), ang masakit pa kung solo solo ang paggawa niyan grabeng parusa lalo nat katulad namin one week sa school for lecture tapos one week sa hospital meaning for one week kelangan kong tapusin yan mag-isa, SOBRANG PAHIRAP yan.. tas every other week panibago ulit na case study at panibagong hospital swerte pag yung case na uli na iyon ang napatapat sa iyo kasi copy paste na lang pero minsan lang mangyari iyon, nakakainis pero tapos na naman ako sa ganyan.. hahaha

Oha! Ang haba ng trivia na ito, pasensya naman kasi ito na ang last na trivia ko.. hahahaha JOKE! Balik na tayo sa kwento.... (salamat kung binasa nyo ang TRIVIA na ito hanggang dito:])
--------------------------------------

(nasa kwarto pa rin ako ni ian)
Pagkatapos kong mapuna at maisalarawan ang magandang itsura ng silid ni ian nakuha naman ng atensyon ko ang mga litrato na nakapatong sa medyo mababa na mahaba na parang cabinet na may mga malilit na drawer sa tabi ng kama ni ian

Agad humakbang ang aking mga paa palapit doon at ng nakalapit na ako ay agad akong kumuha ng isang picture frame na ang nakalagay na larawan ay si ian na pilit inaakbayan ang isang lalaki na kahawig na kahawig ni ian at kuya joseph at ang lalaki naman na iyon ay nakaakbay din sa kanya at kitang kita sa itsura nilang dalawa ang saya. Sa puntong iyon biglang umimik si ian mula sa aking likuran

Ian: yan si papa (pagbibigay impormasyon nito, kaya naman pala sobrang gwapo ni ian pati na rin ni kuya joseph ay sobrang gandang genes ang pinagmulan nila, grabeng joined forces ang naganap sa pagitan ng mama at papa nya, hehe)

Ako: kaya pala ganyan ih! (naisatinig ko)

Ian: anong kaya pala ganto ako?

Ako: wala wag mo na lang pansin (pag-iwas ko baka kasi kung ano isipin niya sabay baba nung kinuha kong larawan at tiningnan ko pa ang iba pang nakadisplay doon), sobrang close kayo ng papa mo ah! (pagpuna ko sa masasayang kuha nila ng kanyang ama)

Ian: sobrang idolo ko ang papa ko, kung may isang tao akong ayaw kong i-disappoint (paglalahad nito), bibihis lang ako ha! (naidagdag nito)

Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa mga hanay ng larawan na nandoon ng biglang mapatapat ang tingin ko sa isang larawan na nagpatulala talaga sa akin, si ian habang nakahalik sa pisngi ng isang napakagandang babae (sya talaga yung definition ng salitang maganda, hindi kung pagtinanong ka ng isang tao ng “maganda ba talaga sya?” ang kalimitang sagot ay “maputi o kaya ay seksi naman sya o kaya matangkad” o diba ang layo ng sagot hehe), at base din sa larawan na iyo ay kitang kita ang pagiging simple at magiging elegante nito, mabait at masiyahin din ang aura nito base sa larawan na iyon at ramdam ko din ang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon nalang kalungkot si ian noong magkita kami, naibulalas ko sa aking sarili sabay pakawala ko ng malalim na buntong hininga

Nasa ganoon akong pagkatulala ng biglang maramdaman ko ang  may umakbay sa akin

Ian: siya si sarah yung girlfriend ko (pagbibigay informasyon uli nito, hindi naman ako makatingin sa kanya sa puntong iyon at nanatiling nakapako ang paningin ko sa larawan na iyon)

Sarah pala ang pa ngalan niya, nasabi ko nalang sa sarili ko

 Ian: fugi! (pagpukaw nito sa akin), napatulala ka na dyan? (pagpuna nito)

Ako: ah... eh wala sobra lang akong humahanga sa inyong dalawa, you two are perfect couple, perfect match (ang naisagot ko na lang sa kanya habang ang tingin ko pa rin ay nasa larawan na iyon)

Ian: salamat (sabay tapik nito sa balikat ko na)

Ako: hintayin mo sya ha! (pagsisimula ko  na hindi ko alam kung saan nang galing ang lakas ko para masabi ko ang mga bagay na iyon dahil sa loob-loob ko nanghihina ako), wag kang magsasawa at mapapagod hanggang sa muli niyang pagbalik, mukhang sobrang mahal nyo talaga ang isat isa (pagtatapos ko at hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa larawan nilang iyon dahil sa puntong iyon iba sa sinasabi ng bibig ko at emosyong makikita sa mga mata ko:[...)

Ian: syempre naman, hihintayin ko ang pagbabalik nya, sobrang mahal ko yan (at hindi na nga ako nakasagot pa sa puntong iyon dahil baka ipahamak na rin ako ng dila ko katulad ng ginagawa ng mga mata ko)

Sandaling katahimikan bago ulit ako nakapagsalita.............

Ako: ian pa-CR naman o! (naisatinig ko habang pinipilit na wag mag-iba ang tono ng aking pagsasalita at pilit iniiwas ang tingin ko sa kanya)

Ian: oo naman, ayon ang CR (sabay turo nito at agad kong sinundan ng tingin ang kamay nito at naglakad na papunta roon)

Pagkapasok ay agad kong inilock ang pinto sabay alis ng salamin ko at tungo sa sink para maghilamos, maghilamos ng maghilamos para matakpan o mapalitan ng tubig mula sa gripong iyon ang mumunting butil naman ng tubig na inilalabas ng walng pakisama kong mga mata. Sa pagtunghay ko ay siya namang paglabas ng repleksyon ko sa salamin na nakadigkit sa wall ng CR na iyon

Fugi, OA ang reaksyon ha! Last mo na yan, kaya dapat alam mo na kung saan ka na lulugar, OK ba (sabay thumb up ko!), parang kang tanga ih! (mahinang pagkausap ko sa repleksyon ko sa salamin na iyon at napatawa na lang ako sa ginawa kong iyon)

Bigla na lang ako nakarinig ng kantok kasunod noon ay ang pagsasalita ni ian...

Ian: fugi! Ok ka lang ba dyan (na may kasamang tawa), pinatatawag na tayo sa baba, ready na daw ang dinner (dagdag nito)

Ako: oo lalabas na ako (sabay hilamos uli para walang evidence pagkatapos ay nagpunas at sinuot ko na ang salim ko at lumabas na rin ng banyong iyon)

Sumalubong naman ang nakangiting si ian at nginitian ko na lang din naman ito

Ian: baba na tayo (at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon)

Agad naman kaming bumaba at nang makarating na kami sa dining area ay sinalubong kami ng nakangiting mama at kuya joseph niya kaya naman ginatihan ko din sila ng ngiti

“Upo na kayo” pag-aya ng mama niya

Sabay naman kaming umupo ni ian, magkatabi kami habang kaharap ko naman si kuya joseph at si ian naman ang mama niya. Bigla naman umimik si ian......

Ian: ma, sabi ni fugi ay sya daw ang maglead ng prayer (nakangiting itong nakahaarap sa akin, ako naman ay may pagtatakang ekspresyon ang itinugon sa kanya), sige na chance mo na ito, yan ha hindi ko nakalimutang sabihin (may nakakalokong ngiti nito sa akin)

Wala na akong nagawa pa dahil pagpaling ko ng tingin sa mama at kuya joseph niya ay nakangiting nakatingin ang mga ito kaya naman pinangunahan ko na lang pagdarasal

The name of the father.. the son ... the holy spirit amen................................................................................................amen!

Pagkatapos ay agad kong pinukol masamang tingin si ian na patuloy pa rin sa pagngiti habang iniiwas ang tingin sa akin

Gumaganting ang mokong ah! Nasabi ko sa aking sarili

Nasa ganoon akong ayos ng bigla kong narinig ang pagtawag ni kuya joseph sa akin

Joseph: fugi! (sabay ang pagpaling ko dito at nakita kong inilalapit nito ang lagayan ng ulam sa akin na kukuhanin ko na sana nangbigla naman niya akong ipaglagay sa pinggan ko noon na ikinagulat ko naman), masarap yan, tumulong ako sa paggawa niyan (nakangiting tugon nito sa akin at naiilang na ngiti ang itinugon ko dito)

Bigla namang sumingit si ian...

Ian: kuya, may sariling kamay naman si fugi at kaya naman niyang magsalin sa pinggang nya (pagpuna nito)

Joseph: hala ang higpit naman ng classmate mo sayo (nang-aasar na paling nito kay ian bigla naman sumabat ang mama niya)

“Tama na yang asaran na yan joseph, ian (sabay tingin nito sa dalawa), pasensya na fugi ganyan nalang talaga yang dalawang yan” nakangiti nitong sabi sa akin na tinagunan ko naman ng matipid na ngiti

Nagsimula na nga kaming kumain, habang kumakain ay napuno din ng huntahan sa pagitan namin, sa una ay nahihiya akong makisali sa kanila hanggang sa isiwalat ni ian ang katangahan ko kani-kanina lang ng una kong masilayan ang kanilang magandang tahanan

Ian: ma, may gusto nga palang itanong si fugi (natatwang sabi nito na ikinataka ko na napansin agad naman niya), yung sa pintura (pabulong na sabi nito na agad ko naman nagets)

“Ano iyon?” segundang tanong ng mama niya

Ako: ah...eh wala po iyon (agad kong pagsagot)

Ian: anong wala? hindi ba gusto mong malaman iyon? (natatawa na nitong sabi habang sa akin pa rin nakatutok ang mga mata nito)

Ako: joke lang iyon iyan hindi ba? (habang pinandilatan ko na siya ng aking mga mata na lalo niyang ikinatawa)

“wag ka na mahiya fugi, Ok lang naman! Ano ba iyon anak?” sabi ng mama nito kay ian

Ian: paano kasi ma, gustong malaman ni fugi kung ano daw kulay ng pintura ang ginamit natin dito sa bahay tapos pati tatak at kung saan daw natin binili? (ang sunod sunod na pambubuko nito sa akin na ikinatungo ko na lang)

Narinig kong mahinang napatawa ang mama niya at malalakas na tawa naman ang pinakawalan ng magkapatid na nagpapula sa akin (kasi naman ako ang OA lang kanina.. hahaha)

“Tama na nga kayo sa pagtawa, namumula na si fugi” ang pagsuway ng mama nila

“Gusto mi ba talagang malaman iyon fugi?” ang sunod na sinabi ng mama ni ian

Ako: ah eh... maganda  po kasi talaga (nahihiya kong naisatinig habang pinipilit makipag-eye to eye contact sa kanya), pero binibiro ko lang po itong si ian (dagdag ko sabay siko ko kay ian na ikinatawa lang nila)

Pagkatapos noon ay agad na din nawala ang kaba ko at nakakasali na rin ako sa kanila, may pagkakataon na tinatanong nila ako ng about sa family ko, kinakamusta din ng mama nya kung ano pinaggagagawa ni ian at kung anu-ano pa hanggang sa matapos kami sa pagkain

Nagpahinga ng konti, nagpahulas ng kinain at pagkatapos noon ay.....

Ian: ma, hatid ko na si ian gumagabi na at hindi din sya nakapagpaalam

“Sige anak” mama nito

Joseph: fugi, pwede ko bang makuha number mo? (nakangiti nitong tanong sa akin na sinagot naman ni ian)

Ian: wala syang cellphone (pagsabat nito), akyat lang ako sa taas fugi kunin ko susi ng kotse ko (pagpapaalam nito sa akin at bigla namang sumabat si kuya joseph)

Joseph: seryoso? (nagtataka nitong tanong sa akin na sinagot naman ulit ni ian)

Ian: oo nga, kulit mo din ah! (pero sa akin pa din nakatingin si kuya joseph kaya tumango na lang ako bilang sagot)

Agad naman nang pumanhik sa taas si ian para kuhanin ang susi  ng kotse niya at naiwan ako kasama ang mama niya sa salas at ang kuya naman niya ay nagpaalam sa amin na mag-c-CR lang

Habang naghihintay ay biglang umimilk ang mama ni ian....

“Mukhang magkasundong magkasundo kayo ni ian ah! At nagyon ko nalang ulit siya nakitang ganyan kasaya at alam ko isa ka sa mga dahilan, kaya fugi, sana ay lagi mong aalalayan ang anak ko at sa anumang oras dapat lagi kayong nandyan para sa isat-isa, pwede ba iyon fugi?” pagpuna ng mama ni ian na mayhalong paki-usap

Ako: pangako po iyan (nakangiti kong tugon sa kanya na ginantihan din niya ng ngiti)

“Salamat fugi” mama ni ian at ngiti na lang ang naitugon ko

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay sya namang pagkababa ni ian

Ian: sige ma, una na kami (sabay akbay na sa akin ni ian)

Ako: sige po tita, salamat po (sabay mano sa kanya)

“Salamat din sayo fugi” angnakangiting tugon naman sa akin ng mama ni ian “ingat sa pagmamaneho ha anak” dagdag nito
Ian: opo ma! (sabay talikod na namin ng biglang nagsalita mula sa likuran namin si kuya joseph)

Joseph: sa akin hindi ka magpapaalam fugi? (naikinalingon ko naman)

Ako: kuya joseph, uwi na ako (nasambit ko dito)

Joseph: gusto mo ba ako na lang maghatid sayo (sabay akbay nito sa akin na ikinagulat ko, alam nyo na siguro kung bakit, kasi kasi.. hahaha), wala akong tiwala dyan sa kapatid kong iyan, baka aksidente lang ang patunguhan nyo (mapang-asar nito paling ka ian)
Ian: wag ka ngang epal kuya (sabay hila ni ian sa akin), sige na kuya alis na kami

Ako: sige po tita, kuya joseph (at ngiti na lang ang tinugon nila sa akin)

Pagkatapos noon ay agad na din kaming lumabas ng bahay nilang iyon tas diretso hanggang
sa labas ng gate nila

Ian: intay lang lalabas ko lang yung kotse (pagpapaalam nito sabay pasok ulit sa loob at binuksan ang malaking gate para makalabas yung sasakyan)

Maya maya pa ay nakita ko na ang papalabas na gray na kotse na lulan si ian at para hindi na din sya bumaba pa ay ako na rin ang nagsenyas sa kanya na magsasara ng gate na binuksan niya

Pag kasara ko ay agad ko nang tinungo ang passenger seat at nang makasakay ako agad na rin pinaandar ni ian ang sasakyan

Ako: rich kid, ganda ng kotse mo ah! (pagbibiro ko dito)

 Ian: nag-enjoy ka ba? (pagtatanong naman nito na hindi pinansin ang biro ko)

Ako: oo sobra, salamat (nakangiti kong sabi habang ipinukol ang tingin sa daan), sobrang bait ng pamilya mo (dagdag ko)

Ian: mabuti naman kung ganoon, nag-enjoy din ako na kasama ka namin (na nagpaharap sa akin sa gawi niya at nakita ko ang maganda niyang ngiti kaya nginitian ko na lang din siya)

Naging mabilis naman ang byahe at agad kaming nakadating sa bahay

Ako: tara muna sa loob (aya ko kay ian)

Ian: sige para masabi ko din kay tita kung bakit ka medyo ginabe

At nangmakapasok kami sa loob ng bahay namin ay naabutan namin si john sa salas nanonood ng TV

Ako: si mama? (tanong ko sa bunso kong kapatid ng magtama ang mata namin)

John: sa kwarto pinatutulog na si angel, hi kuya ian (pagbati nito kay ian ng makita niya ito)

Ian: kamusta na john? ok ka ba dyan? (pagbibiro nito na ikinatawa lang ng dalawa)

At tinabihan na nga muna namin ni ian ang kapatid ko habang nanonood ito ng TV. Maya maya bigla tumingin sa akin si john at nagsalita

John: kuya may tumawag nga pala dito hinahanap ka

Ako: sino daw?

John: ano nga bang pangalan noon (habang iniisip kung sino iyon), ah! (lakas maka-light bulb.. hehehe)... an... anthony.. oo nga anthony

Nang marinig ko iyon ay agad akong napaharap kay ian at sa puntong iyon ay nakatingin pala ito sa akin

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment