by: Zildjian
“Kuya Maki, may phone call ka.” Ang
narinig niyang wika ng kanyang kapatid mula sa likod ng pintuan ng kanyang
k’warto.
“Sabihin mong tulog pa at hindi na
babangon kailanman.” Tugon naman niya sa inaantok pang tinig. Ang totoo, kanina
pa siya gising dala ng matinding hang-over. Medyo naparami kasi siya ng inom
dala ng sobra niyang pagkaaliw nang masira niya ang mga binabalak ng kanyang
magaling na kababata.
“Pang sampong tawag na ito ni kuya
Jay. At sabi niya, kapag hindi mo pa raw siya kinausap, ay susugurin ka niya
rito at siya mismo ang magbubuhos ng malamig na tubig sa mukha mo.” Hindi
nagsusumbong o nag-aalala ang tono ng boses nito kung hindi nanunudyo.
Inaasahan na niya ang gagawing
pangdidisturbo sa kanya ng kababata sa araw na iyon. Kagabi, nang makabalik ito
sa umpukan nila ay halatang hindi na maganda ang timpla nito. Ni hindi na nga
siya nito pinansin pa hanggang sa matapos silang mag-inuman.
Hindi siya nabahala o nagpa-apekto man
lang sa hayagang pang-iignora nito sa kanya. Kilala niya ito at alam niyang ito
pa mismo ang gagawa ng paraan para makipagtuos sa kanya. Gano’n ka-predictable
ang kanyang kababata.
Napilitan siyang bumangon kahit
kumikirot pa ang kanyang sintido. Kung hindi niya ito kakausapin ngayon ay
nasisiguro niyang tototohanin nito ang mga bantang binitiwan nito.
Ngingisi-ngisi pa ang kanyang kapatid nang lumabas siya ng k’warto.
“Ano’ng nginingisi-ngisi mo riyan?
Ipagtimpla mo nga ako ng kape nang magkasilbi ka naman sa akin kahit papaano.”
Sita niya rito.
“Waking up on the wrong side of bed?”
Nang-aasar nitong tugon bago tumalilis sa kusina.
Napapailing na lamang niyang tinungo
ang phone stand at bago niya iyon tuluyang idinikit sa kanyang tenga ay
nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga.
“Hello?”
“Mabuti naman at gising ka na.
Kailangan nating mag-usap.” Ang seryoso at halatang hindi pa rin nakakarecover
sa pagka-badtrip na wika ni Jay sa kabilang linya.
“Kung tungkol iyan sa napag-usapan
natin kagabi, hindi na magbabago ang desisyon ko. Sabihin mo kay Janssen ang
totoo at malaya mong magagawa ang mga gusto mo.”
“Bakit mo ba ito ginagawa Maki? Alam
mo bang katakot-takot na paliwanag ang ibinagay ko kay Janssen kagabi nang
sabihin ko sa kanya na hindi ko siya p’wedeng masamahan sa pagtuloy doon sa
bahay? You’re not helping me tulad ng sinasabi mo. Instead, you’re making
things worse.” Mahaba nitong litanya.
“No. You’re the one who complicates
your life. Kung isinama mo sana sa katakot-takot mong pagpapaliwanag kagabi ang
pagsasabi ng totoo, baka sakaling nagsisimula nang maging madali sa ’yo ang
buhay mo ngayon.”
“Akala mo ba madaling gawin iyon?
C’mon Maki, pareho nating hindi alam ang p’wedeng magiging resulta kapag nalaman
ni Janssen na ang lahat ng pinaggagagawa ko ay paraan ko lamang para makuha ko
ang pansin niya.”
Napalingon siya nang may kumalabit sa
kanya.
“Heto na po ang kape mo Master Maki.”
Nakangising wika ng kanyang kapatid nang malingunan niya ito. Inignora na
lamang niya ang pang-aasar nito at kinuha rito ang mainit na tasa ng kape at
inilapag ito sa tabi ng telepono saka niya muling ibinalik ang atensyon sa
kausap na nasa kabilang linya.
“If he really loves you, tulad ng
ipinakita niya sa amin kagabi. Maiintindihan niya ang lahat. Besides, kaya mo
naman nagawa ang mga iyon ay dahil sa sobra mong pagkahumaling sa kanya hindi
ba?” Muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang damdaming hanggang sa mga
oras na iyon ay hindi pa rin niya mabigyan ng pangalan.
“Hindi gano’n kadali iyon!” Alma nito.
“Paano kung hindi niya ako maintindihan? Mababaliwala lamang lahat ng ginawa
ko.”
“Hindi ko na problema iyon.” Gusto na
niyang tapusin agad ang pag-uusap nila. Pakiramdam kasi niya ay habang humahaba
ang diskusyon nila patungkol sa relasyon nito ay lalo lamang sumasama ang
kanyang pakiramdam.
“Maki-Maki naman, eh!” Parang bata
nitong pagre-reklamo.
“Hindi na magbabago ang desisyon ko,
Jay.” Ang napapahawak niya sa sintindong sabi. Literal talagang sakit sa ulo sa
kanya itong kababata niya.
“Hindi mo ba talaga ako kayang
mapagbigyan?” Ang biglang pagpapalit ng tonong wika nito. Wala ng mababakasang
pagkainis doon kung hindi pagpapakumbaba o mas tamang sabihing pagpapa-awa.
Mabuti na lamang at hindi niya ito kausap ngayon ng personal dahil paniguradong
bibigay siya kapag ganitong tono na ng boses ang ginagamit nito.
Noon pa man ay mahigpit na
pagdidisiplina na talaga ang ginagawa niya rito ngunit may mga pagkakataon pa
rin na napagbibigyan niya ang mga gusto nito lalo na kapag nakikita niya itong
malungkot. Ewan ba niya, kahit anong hatid na sakit ng ulo ang ibinibigay nito
sa kanya, hindi pa rin niya ito matiiis.
“Jay ––”
“Wala naman kaming gagawing masama.
Gusto ko lang talagang sulitin ang pagkakataon na makasama siya. I have waited
years for this to happen, Maki. Siya lang ang tanging taong pinangarap ko ng
ganito at ngayong nasa mga kamay ko na siya, gusto kong masulit ang
pagkakataon. Please Maki, pagbigyan mo na ako.” Paputol nito sa kanya. Bakas sa
boses nito ang pinaghalong pagmamaka-awa at lungkot.
Bakit gano’n? Para saan ang biglaang
pamimigat ng kanyang damdamin na animo’y may isang bagay na dumagan sa kanya.
At bakit siya nakaramdam ng kirot sa mga narinig mula kay Jay? Nagseselos na
nga ba siya? Pero hindi nga ba’t ang mga taong nagseselos ay ang mga taong may
kakaibang pagtingin para sa isang tao?
Hindi! Imposible `yon! Naibulalas niya
sa kanyang sarili.
Isang napakasarap na hapunan ang
inihanda sa kanila ng kanyang ina sa gabing iyon. Iba talaga itong mag-alaga.
No wonder na mahal na mahal ito ng kanilang papa. Naparami tuloy ang kanyang
kain at ngayon, ay tinatamad na siyang igalaw ang katawan.
Sinubukan niyang tawagan si Nico gamit
ang kanyang cellphone subalit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Isinunod
naman niya si Lantis pero tulad ng nauna ay hindi rin niya ito makontak. Balak
sana niyang magpasundo sa mga ito dahil tinatamad na siyang ilabas pa mula sa
garahe ang kanilang sasakyan.
“Pambihira! Ano na naman kaya ang
ginagawa ng dalawang magsing-irog na iyon?” Naibulalas niya.
“Iinom na naman ba kayo ngayon?”
Pagpansin ng kanyang ina sa kanya.
“Hindi ka pa ba sanay diyan kay kuya,
ma? Alam mo namang kapag nakakatakas `yan sa kanyang trabaho ay puro inuman ang
ginagawa niyan. Tingnan mo nga’t mukha na siyang tansa ng Redhorse.” Singit
naman ng kanyang magaling na kapatid saka ito humagikhik.
Pinukol niya ito ng masamang tingin
bago siya bumaling sa kanyang ina.
“Darating kasi ngayon si Dave, ma.
Napagkasunduan naming magkakaibigan na lumabas.”
“Bakit hindi na lang kayo rito sa
bahay mag-inuman. Mas mainam iyon para maipagluto ko kayo ng pulutan. Tsaka,
mag-iisang buwan ko ng hindi sila nakikita. Noon, hindi lilipas ang isang
Linggo na hindi dumadalaw ang mga iyon dito.”
Dala ng ilang taong pinagsamahan ay
pare-pareho na silang napamahal ng kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang mga
pamilya.
“Oo nga kuya, dito na lang kayo
mag-inuman nang magkaroon naman ng buhay itong bahay natin.”
Okey sana sa kanya ang ideyang iyon
subalit hindi niya maiwasang magdalawang-isip dahil una, natatakot siya na baka
kung anu-ano na naman ang masagap ng kanyang kapatid mula sa kanyang mga kaibigan na lalong naging
malala ang mga panunukso sa kanya. Pangalawa, ay ang tungkol kay Janssen
Velasco at ang ugnayan nito sa kanyang kababata. Pagdating pa naman kay Jay,
nagiging mausisa ang kanyang ina at kapatid.
“Huwag na ma, hindi kayo
makakapagpahinga ng mabuti kung dito kami mag-iingay. Alam niyo namang walang
sinasanto ang kadaldalan ni Jay.”
“Ayos lang iyon `di ba ma? Mas maganda
kung paminsan-minsan ay nagkakaroon naman ng ingay dito sa bahay. Simula ng
ma-assign si papa sa ibang lugar ay palagi na lang tayong tahimik dito.”
Pagpupumilit pa rin ng kanyang kapatid.
“Oo nga naman anak, sige na dito na
lang kayo mag-inuman ngayon. Gusto ko ring makumusta ang mga magigiliw mong
kaibigan.”
Napabuntong-hininga siya. Ito ang isa
sa mga paraan ng kanyang ina kung ayaw nitong umalis siya ng bahay – ang
papuntahin na lang sa kanila ang mga kaibigan niya dahil ang mga ito lang naman
ang palagi niyang nakakasama sa mga lakaran.
Siguro naman ay hindi niya
ikapapahamak kung doon na lamang sila mag-inuman. Tsaka, bakit nga ba siya
masyadong nag-aalala, eh, sanay na naman
ang kanyang pamilya sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan. Besides, hindi naman
sumasali sa umpukan nila ang kanyang mama.
“Okey, sige ma, sasabihan ko
sila.” Pagsang-ayon niya.
Kita niya kung papaano magliwanag ang
mukha nito at ng kanyang kapatid. Minsan tuloy hindi niya maiwasang ma-guilty
sa tuwing nagpapakasaya siya sa labas at naiiwan ang mga ito sa tahimik nilang
bahay.
Tulad nga ng sabi ng kanyang ina,
matapos niyang sang-ayunan ang plano nito ay agad itong tinungo ang kusina para
simulang maghanda ng kanilang mga magiging pulutan. Siya naman ay itinext na
ang kanyang mga kaibigan patungkol sa naging suhestiyon ng kanyang ina. Alam
niyang hindi tatanggi ang mga ito lalo pa’t alam nilang lahat na kapag ang
kanyang ina ang naghahanda ng pulutan, lahat ng iyon ay pasok sa kanilang mga
panlasa.
Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.
Matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay nakapag-reply na ang mga ito at
wala ni isa man ang kumontra maliban na lamang kay Jay na siyang tanging hindi
man lang nag-reply.
“Kuya, ipinapatanong ni mama kung tama
na raw ba sa inyo ang calamares at sisig?” Ang nakasilip sa pintuang wika ng
kanyang kapatid.
“Sabihin mong dagdagan niya ang sisig.
Hindi p’wede si Jay sa calamares.”
Gumuhit na naman dito ang nakakalokong
ngisi na agad naman niyang sinita.
“Oh, ano na namang kabalbalan ang
tumatakbo riyan sa utak mo?”
“Wala naman kuya. Nakakatuwa lang
iyang pagiging maalalahanin mo kay kuya Jay. Para talaga kayong mag-boyfriend.”
“Tigilan mo ako Ely, ha. Natural lang
na mag-alala ako dahil ako pa rin naman ang mapi-perwisyo kapag inatake ng
allergy ang isang `yon.”
“Sabagay. Pero hindi ka naman
inu-obliga ni kuya Jay na mag-alala ‘di ba? Ikaw lang naman itong masyadong
praning kapag may mga masasamang nangyayari sa kanya. Honestly kuya, you’re
more like lovers than best of friends.” Nakangisi nitong wika.
“Wala akong panahon sa mga kabaliwan
mo Ely.” Pagtataboy niya rito. “Saka huwag mong bigyan ng malisya ang
pagkakaibigan namin ni Jay.”
“Bakit naman hindi? You’re into a
group that is very open to same sex relationship. Paano mo maiiwas sa akin na
hindi bigyan ng malisya ang sa inyo ni kuya Jay, to think na kayong dalawa na
lang ang single sa grupo niyo.”
Sabagay, may punto ito. Sino nga ba
naman ang hindi magdududa na tulad rin siya ng mga kaibigan niya na may mga
kakaibang relasyon. Pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang
mga kaibigan niya ay ang mga kaibigan na hindi dapat ikinahihiya. He has a
unique set of friends and they’re one of a kind. Masuwerte pa nga siya at
nakilala niya ang mga ito.
Bigla siyang napa-isip. Tulad din kaya
ng kanyang kapatid ang iniisip ng kanyang mga magulang? May pagdududa na kaya
ang mga ito sa kanya? Come to think of it, ni minsan ay hindi siya kinulit ng
kanyang mama at papa na magdala ng girlfriend sa bahay nila.
“Kitams!” Untag sa kanya ng kanyang
kapatid. “Pati ikaw ay bigla ring napa-isip. Sige kuya, doon muna ako sa baba
at tutulungan ko si mama na maghanda. Ituloy mo lang iyang pag-aarok mo sa
katototohanan at baka may bigla kang ma-realize.” Ngingisi-ngisi nitong sabi
saka siya iniwanan.
Sa mga nagdaang buwan at araw, hindi
niya masyadong binigyan ng pansin ang magiging epekto sa kanya ng pagkakaroon
ng kakaibang relasyon ng kanyang mga kaibigan. Para kasing isang normal na
bagay na lamang iyon. Maybe because maaga nilang natanggap ang seksuwalidad ng
bawat isa at dahil doon, naging normal na lang para sa kanya ang lahat.
Ngunit ano nga ba ngayon ang tumatakbo
sa mga isipan ng kanyang mga magulang? Pinagdududahan na rin ba ng mga ito ang
pagkakaibigan nila ng kanyang kakabata? Pero bakit hindi pa siya kinu-kumpronta
ng mga ito?
Napahawak siya sa kanyang sintido sa
dami ng katanungang hindi niya mahanapan ng sagot. Bakit ba ngayon pa siya
masyadong naging apektado? Ano na ba itong nangyayari sa kanya?
Makalipas ang ilang minuto ay
isa-isang nagsidatingan ang kanyang mga kaibigan. Unang dumating ang
magkasintahang Alex at Dave na magiliw na sinalubong ng kanyang kapatid na sa
tingin niya ay may pagnanasa sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Hindi naman
niya ito masisisi. Renzell Dave Nievara was one of the most promising bachelor
sa henerasyon nila at bukod pa roon ay may angkin itong charm na pati ang
pinakamailap na tao sa mundo ay nagawa nitong paamuhin at gawing kasintahan.
Sumunod naman sa mga ito ang magkasintahang Nico at Lantis. As usual, bitbit na
naman ng mga ito ang pusang kung ituring ng mga ito ay isang dyamante.
“Hindi naman siguro mapipilayan iyang
si Lantis sa pag-upo lang Nico.” Nakangising sita niya sa ginawang maingat na
pag-aalalay ng kaibigan sa kasintahan nito.
“Wala kang pake!” Tugon naman nito
bago umupo.
Napahagikhik siya. Kahit kailan ay
madali talagang umusok ang ilong nito kapag masyadong pinapansin ang mga kilos
nito.
“Alex, naibigay na ba ni Popoy sa ’yo
ang monthly report ng coffee shop?” Baling nito sa ngingiti-ngiti rin nilang
kaibigan. “Ano ang masasabi mo?”
“Yeah, nakuha ko na. Well, malaki ang improvement ng income natin
kumpara sa nakaraang buwan. Ibig sabihin ay parami na ng parami ang
nakakakilala sa coffee shop natin.”
“Do you think handa na tayong
magbranch-out?”
“Magandang ideya iyan para ma-maximize
natin ang profit at matugunan ang current demands. Pero I don’t think may sapat
tayong pera para diyan.”
Minsan ay hindi niya maiwasang
mapabilib kapag nagiging seryoso na sa negosyo ang kanyang mga kaibigan.
Lumalabas kasi ang mga angking talino ng mga ito.
“P’wede akong humiram ng pera sa
parents ko.” Ani ni Nico.
“Or p’wede ring sa akin na lang kayo
humiram.” Sabat naman ng kasintahan nitong si Dave.
“Galing na sa ’yo ang kapital na
ginamit ko Renzell Dave. Hindi magandang sa ’yo ulit ako aasa.”
“Pera mo rin naman ang pera ko. Anong
masama roon?” Pagpupumilit pa rin nito.
Inilapat ni Alex ang hintuturo sa labi
ng kasintahan bilang pagsasabi na huwag na itong magpumilit pa. Parang
masunuring tuta namang tumango si Dave na siyang ikinangisi niya. Hanggang
ngayon pala ay ang hawak pa rin sa leeg ng kaibigan niya ang kasintahan nito.
“So, where were we?”
“Sa pagba-branch out.” Ngingiti-ngiti
ring wika ni Lantis.
“May ideya ako. How about kung sumali
na lang kami? I mean, instead na manghiram ka pa Nicollo sa parents mo ng
gagamiting kapital, bakit hindi niyo na lang kami isali sa partnership niyo?
You can use our money and at the same time kikita pa kami.” Suhestiyon naman
niya.
Sa totoo lang ay matagal na niyang
gustong kausapin ang mga ito patungkol doon. Nakikita naman kasi niya ang
magandang improvement ng negosyo ng mga ito at sa tingin niya ay hindi
pagsasayang ng pera kung i-invest niya ang perang naipon.
“Gusto ko iyang ideya na `yan.”
Nakangiting wika ni Alex. “Parang katulad lang ng mga dati kong mga boss sa
seventh bar. What do you think Nico?”
“Papayag iyan.” Nakangiting wika ni
Lantis. “He was actually hoping na mag-suggest ng gayan sina Maki at Jay.”
“Bakit kami lang? Ikaw ba hindi
intersado?” Takang-tanong naman niya rito. “’Tsaka asan na nga pala ang
hunghang na Jay na iyon? Bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?”
“Nauna na ako sa inyo. Pero kulang pa
rin dahil ayaw ni Nico na gamitin ko lahat ng pera ko.” Ani nito. “Tungkol
naman kay Jay, ayon sa text niya magiging abala raw siya ngayon.”
Napakunot ang kanyang noo sa tinuran
nito.
“Magiging abala? Saan?”
“Ask yourself. Ano ang sinabi mo sa
kanya kanina para maging dahilan ng pagiging abala niya ngayon?” May bahid ng
panunubok nitong sabi.
“Malay ko.”
“Huwag ka nang magmaang-maangan Maki.
Kanina pa nakarating sa amin ni Lantis ang balitang binawi mo na ang pagtutol
mo sa pagtira ni Jay sa bahay-tambayan natin kasama ang boyfriend niya. Kaya
hayon, abala sa paglilipat ngayon ang isang `yon.” Ani ni Nico.
Napabaling sa kanya ang magkasintahang
Alex at Dave. Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay ng mga ito sa kanya.
“Maka tingin naman kayo parang isang
himala ang ginawa ko.” Alma niya sa dalawa.
“Hindi nga ba?” Nang-aasar na wika sa
kanya ni Dave.
“Nauntog ka ba kagabi nang malasing
ka?” Ani naman ni Alex.
“Pambihira!” Ang napapalatak niyang
naibulalas. Mukhang isa ngang milagro ang tingin ng mga ito sa ginawa niya.
Sabagay, bihira naman kasi niyang bawiin ang mga nasabi na niya.
“So?” Nagkakaisang wika ng mga ito.
Hindi pinansin ang kanyang naging alma.
“Anong so?”
“Hindi mo ba sasabihin sa amin ang
dahilan kung bakit biglang nagbago ang desisyon mo?” Si Alex.
“Wala. Masyado lang akong nakulitan
kay Jay kanina kaya hinayaan ko na siyang gawin ang mga gusto niya.”
Pagsisinungaling niya dahil ang totoong rason kung bakit biglaang nagbago ang kanyang
desisyon ay hindi niya p’wedeng sabihin sa kanyang mga kaibigan.
“Napaka-lousy mo talagang
magsinungaling.” Wika ni Nico. “Pero don’t worry hindi ka namin pipiliting
magsalita dahil alam naman naming wala kaming makukuhang matinong sagot sa ’yo.
Pero may isang tao kaming p’wedeng mapagtanungan. `Di ba, Dave?”
“Yep!” Ngingisi-ngisi nitong tugon.
Hindi niya alam kung bakit nakaramdam
siya bigla ng kaba. Ang pagkakaalam niya ay siya lamang ang tanging taong may
alam sa tunay na dahilan kung bakit biglang nagbago ang kanyang desisyon.
“S-Sino?” Nautal niyang naitanong.
Nakangising tumayo si Dave mula sa
pagkaka-upo.
“Saglit lang, ha. Susunduin ko lang
ang taong siyang nakakaalam ng lahat.” Wika nito saka tinungo ang pintuan ng
kanilang bahay.
Napakunot-noo siya sa pagtataka pero
agad din siyang natilihan nang ma-absorb ng kanyang utak kung sino ang taong
tinutukoy nito.
Shit! Piping naibulalas niya.
Tatayo na sana siya para sundan si
Dave nang may pumigil sa kanya. Nang bumaling siya para tingnan kung sino iyon
ay nakita niyang si Nico pala ang humawak sa kanyang braso.
“Huwag niyong isali ang kapatid ko sa
mga kalokohan ninyo, Nicollo.” May diin at bakas ang pagbabanta niyang sabi. “Fine, sasabihin ko
na ang totoo! Nagbago ang desisyon ko dahil may mga nangyayari na sa akin na
hindi ko maintindihan! Masaya na kayo?.”
Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment