Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (11)

by: Zildjian

Kasalukuyang binabaybay nina Maki ang daan papunta sa bahay-tambayan nila. Habang minamaneho ang sasakyan na pagmamay-ari ng kanyang kababata ay hindi niya maiwasang tapunan ito ng tingin. Napakunot-noo siya sa hitsura nito.

“Ano ba `yang hitsura mo? Tinalo mo pa ang nalugi sa negosyo, ah.” Sita niya rito.


Bumaling naman ito sa kanya na salubong ang mga kilay.

“Huwag mo akong kausapin!Depressed ako ngayon.”

Lihim siyang napangiti.Kung bakit? Iyon ay dahil alam niya kung ano ang pinag-hihimutok nito ngayon. Katatapos lang nilang maihatid sa airport ang kanyang karibal at isang Linggo itong mawawala sa kanyang landas.

Nagpumilit siyang sumama sa paghatid kay Janssen kahit pa man nagmukha siyang driver ng dalawa at sobra siyang na-alibadbaran sa mga paglalandian ng mga ito at walang tigil sa pagpapalitan ng mga kung anu-anong nakakasukang salita. Mahirap na, baka kung ano pa ang maisipang gawin ng kanyang kababata na makakasira sa kanyang mga plano. Batid niya ang pagiging impulsive at ang walang tatalong katigasan ng ulo nito.

“Ni hindi man lamang namin nagawa ang mga plano naming gawin. Kung alam ko lang talaga na ito ang magiging resulta ng paghingi ko ng tulong kay Dave, hindi ko na sana ginawa iyon.” Pagpapatuloy nito sa paghihimutok.

“Isang Linggo lang siyang mawawala, Jay.Huwag kang masyadong OA.”Ang tila tinatamad niyang wika rito.

“Isang Linggo, Maki. Isang Linggo ko siyang hindi makikita. Bilangin mo nga ang isang Linggo kung ilang araw. Pito iyon at ang tagal niyon!”

Heto na naman kami.Ang naiwika niya sa kanyang isipan.

“Alam kong magbilang, Jay. At hindi matagal ang pitong araw na iyon.” Gusto pa sana niyang dagdagan na kulang pa nga iyon para sa mga plano niya pero minabuti na lamang niyang sarilinin.

“ Para sa’yo hindi. Palibhasa hindi kapa na in-love. Once you fall in love, ma-iintindihan mo ang nararamdaman ko ngayon.”

“At sinong nagsabi sa’yong hindi pa ako na-i-in love?”May pagkapikon niyang wika dito.

“Ako. Dahil kung in love kana,napansin ko na sana iyon.”Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.“Wala.Ni katiting na aura ng isang taong in love ay wala ka.”

I-untog kaya niya ang ulo nito sa manibela, mapansin kaya nito ang mga pagbabago sa kanya? Buti pa ang mga kaibigan nila, nahulaan na iba na ang nararamdaman niya. Palibhasa nasa Janssen na iyon ang buong atensyon nito kaya kahit katiting ay hindi siya nito mabigyan ng pansin. Pero ngayong wala na ang sagabal, sisiguraduhin niyang siya naman ngayon ang magiging bida rito.

“Naihanda mo na ba ang mga gamit mo?”Sahalip ay pag-iiba niya ng usapan. Kung papatulan niya ito ngayon ay siya lang din ang maiinis.

“Naihanda?”Takang tanong naman nito.“Bakit, saan ako pupunta?”

“Doon ka tutuloy sa bahay.”Simpleng tugon niya.

“Huh? Bakit, ano ang meron? Ang usapan namin ni Janssen ay doon ko siya hihintayin sa bahay-tambayan natin  hanggang sa maka-uwi siya.”

“Hindi.Sa bahay ka tutuloy.”

“Sino may sabi?” Kunot-noo na nitong tugon.

“Ako. Tutal, iyon din lang naman ang paalam mo kina Tita at Tito na sa bahay ka namin ngayon tumutuloy ay tototohanin  na natin. Kaya habang wala sila, ay sa bahay ka tutuloy. Akala mo siguro hindi ko malalaman na ginamit mo ang pangalan ko para hindi ka nila hanapin `no?”

“Ah.. Eh…  Ayaw ko kasi na magtanong sila ng kung anu-ano. Alam mo naman si mama masyadong matanong. Tsaka, sasabihin ko naman sa kanila talaga ang totoo kung natuloy ang binabalak namin ni Janssen na ipaalam sa kanila ang relasyon namin, eh. Kaso ayon nga, kung kailan pabalik na sila ay siya namang pag-alis ni Janssen.”May pagkadefensive nitong sabi.

Pagdating talaga sa kalokohan ay lumalabas ang talento nito. Mabuti na lamang pala at tinatawagan niya ang mga magulang nito. Doon niya napag-alaman na nasa isang business trip ang mga ito at ang pangalan niya ang ginamit ni Jay para hindi ito hanapin ng mga magulang na kanya namang ipinapapasalamat sapagkat magagamit niya iyon sa kanyang mga binabalak.Na-extend pa ang business trip ng mga magulang nito kaya imbes na sa sabado ay sa lunes pa ang dating ng mga ito kung saan siya namang pagdating ni Janssen.

“Pagdating natin sa bahay-tamabayan, agad mong hakutin ang mga damit mo.”

“Teka Maki, hindi ako p’wedeng umalis doon., Nangako ako kay Janssen na doon ko siya hihintayin.”Protesta nito.

“Susunod ka ba o tatawagan ko si Tita Meralda para sabihin sa kanya ang buong katotohanan na hindi naman talaga ako ang kasama mo sa mga araw na nagpa-alam kang mangingibang bahay muna?”

“Bakit ba ang hilig mo akong i-blackmail? At bakit palagi na lang ikaw ang nasusunod sa ating dalawa?” Ang himutok nito.

“Dahil iyon ang kailangan ko para mapasunod ang isang tulad mong napakatigas ng ulo at dahil ako lang sa ating dalawa ang may matinong pag-iisip. Your suppose to thank mena hindi kita ibinuko sa kalokohan mo, Jay. Alam mong hindi ko ugaling pagtakpan ka at ang mga kalokohan mo.”

“Bakit mo nga ba ako pinagtatakpan?`Di sana sinabi mo na lang sa kanila ang totoo nang hindi na ako magpakahirap pang ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Janssen.”

Napabaling siya rito.

“Iyon ba talaga ang gusto mo? Oh, `di sige.” Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa gamit ang kaliwang kamay. “Sabihin natin ngayon kay tita ang buong katotohanan. Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya sa ginawa mo.”

Bigla itong natilihan at mabilisang inagaw sa kanya ang kanyang cellphone. He was expecting that move. Dahil alam nitong hindi siya nagbibiro. At batid nitong hindi maganda kung isang taong hindi kilala ng mga magulang nito ang nakasama ng kanyang kababata sa ilang araw nitong pagkawala. Maba-bad-shot na nga ito sa mga magulang, masisira pa sa mga ito ang reputasyon ng  Janssen na iyon.

“Oo na!Panalo kana.” Pagsuko nito na siya namang lihim niyang ikinangiti

“Good.” Ang bakas ng tagumpay niyang naiwika sakto sa paghinto niya sa tapat ng bahay-tambayan nila. Kinuha niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Now, go get your things fast dahil ayaw ko ng pinaghihintay ako ng matagal.”

Inismiran muna siya nito saka ito bumaba ng sasakyan at padabog na isinara ang pintuan. Hindi niya pinansin pa iyon.Sa halip ay nagpakawala siya ng isang mala-demonyong ngisi dahil tumutuloy-tuloy na ang magandang takbo ng kanyang mga plano.

Jay

“Maki Delgado.” Pag-butt-in ni Mrs. Serano na naging sanhi para maputol ang kanyang pagkuk`wento. “I never thought that he can be this interesting. According to my detective, he was your childhood friend since elementary.”

“Yes.” Nakangiti naman niyang tugon. “Despite of the differences we have in terms of responsibility and commitments before, we still became the best of friends.”

Tumango-tango ito tanda ng pagsang-ayon. Ngayong binabalikan niya ang nakaraan, saka lamang niya tuluyang na-realize kung gaano talaga siya kaligalig noon. Ngayon, naiintindihan na niya ang pagka-amaze ni Mrs. Serano sa kanyang malaking pagbabago dahil siya man, ay hindi rin maiwasang makaramdam ng tulad sa nararamdaman nito.

“Sinasabi ko na nga ba’t isang kawili-wiling k`wento ang maririnig ko mula sa’yo, Jay.” Nakangiti nitong wika sa kanya. “Hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong pagkansela sa mga appointments ko. Anyway, what do you want for dessert?”

Binigyan niya ito ng isang malokong ngiti. Ngayong naibahagi na niya rito ang k’wento ng kanyang buhay kahit kalahati pa lamang ay nagiging kumportable na siya sa presensiya nito.

“Hindi ba naibigay sa’yo ng hired detective mo ang patungkol sa paborito kong dessert?”

Tumawa ito ngunit naroon pa rin ang pagiging-sophisticated nito.Maikukumapra niya si Mrs. Serano sa mga babaeng palagi niyang nakikita sa mga business meetings na dinadaluhan niya.Unpredictable and very elegant woman.

“I didn’t expect that from you.” Ani nito. “I’m glad na nagsisimula kanang maging at ease sa akin, Jay. Let’s order some of your favourite desserts. Gusto kong matikman ang mga iyon.”

“I thought women at your age are more conscious about sugar level?” Ang nakangiti niyang wika rito.

Muli itong inihit ng tawa. Masasabi niyang nagkakapalagayan na nga sila ng loob. Kung magpapatuloy ito ay nasisiguro niyang magagawa niyang makipag-deal rito.

“C’mon dear. Depriving yourself from delicious dessert is no fun, I tell you. Besides, what’s the use of visiting a doctor every month at ang mga mamahalin nilang mga gamotna pinapa-inom nila sa atin?”

Sinenyasan nito ang waiter para lumapit sa kanila. Ipinalinis nito ang kanilang mesa saka ito nag-order ng mga dessert na paborito niya. Ilang saglit lang ay nasa mesa na nila ang mga iyon.

“Now, can you please continue?” Hiling nito sa kanya kapagkuwan.

Sinipat niya ang kanyang relo. Magdadalawang oras na pala siyang dumadada ng hindi niya namamalayan. Masyado rin siyang nadala sa pagkuk’wento.

“Ayaw mo bang deretsuhin ko na lang para malaman mo na ang ending?”

Umiling ito.

“I know that you’re also enjoying yourself reminiscing your past. Kaya hahayaan kitang balikan iyon sa pamamagitan ng pagkuk’wento sa akin. Seeing your eyes change its expression every scenario made me wanted to hear you till the end. So, please no shortcut.” Nakangiti nitong wika.

Kakaiba talaga ito sa mga nakilala niyang tao sa business world. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita kung ano ba talaga ang dahilan nito kung bakit nito ginustong pakinggan ang k’wento ng buhay niya. At kung bakit iyon ang magiging daan nito para makabuo ng desisyon kung makikipag-merge ba ito sa kumpanya nila.

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga.

“Okey then.”

Continuation

Matapos ang ilang minutong byahe ay narating nila Maki ang kanilang destinasyon na walang kahit na anong pag-uusap na namagitan sa kanila ni Jay. Halatang badtrip pa rin ito sa kanya ngunit dala ng kawalan ng choice ay minabuti nitong manahimik na lamang.

Pagkahinto nila ay agad niya itong binalingan.

“Ako na ang bahala sa mga gamit mo. Dumiretso ka na lang sa loob dahil pinaghanda tayo ni mama ng makakain.”

Wala itong imik na bumaba ng sasakyan. Ni hindi man lang ito inabala ang sarili na tapunan siya ng tingin. Napapa-iling siyang bumama at tinungo ang compartment ng sasakyan para kunin doon ang dalawang bag na puno ng mga damit ng kanyang kababata.

“Anak ng bulate!Ang bigat pala ng mga ito.”Naiwika niya. “Wala na bang balak umuwi sa kanila ang kolokoy na `yon at talagang dinala niya na lahat ng damit niya?”

Bitbit ang mga iyon, tinungo niya ang kanilang pintuan. Hindi pa man siya nakakalapit ng husto ay rinig na niya ang boses ng kanyang ina at kapatid na masayang sinalubong ang kanyang kababata.

“Mabuti naman at nakarating na kayo. Nauna na kami ni Ely mananghalian.” Ang nairinig niyang wika ng kanyang ina.

“Totoo bang dito ka muna sa amin titira kuya Jay?” Ani naman ng kanyang kapatid . Halata sa boses nito ang excitement.

“Ayos lang po `yon tita. Uhmmm…  Iyon nga siguro ang mangyayari, Ely.” Tugon naman ni Jay sa mga ito.

“Talaga? Ayos! Teka, magtatabi ba kayo ni kuya Maki sa k’warto niya?”

“Ah.. Eh.. Hindi ––”

“Oo, doon kami pareho sa k’warto ko, Ely. Kaya hindi mo na kailangang makisingit sa k’warto nila mama kung iyan ang ina-alala mo.” Pagputol niyasa iba pa nitong sasabihin sabay lapag ng mga bibit niyang bag.

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa kanya ni Jay ng mapabaling ito sa kanya. Hindi niya ito masisisi. Noon, sa tuwing makikitulog ito sa kanila ay ito ang gumagamit ng k’warto niya habang siya naman ay sa k’warto ng kanyang kapatid.

Kita niya kung papaano gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mukha ng kanyang kapatid. Mukhang may kung anu-ano na namang tumatakbong kalokohan sa utak nito.

“Pero hindi ba’t hindi ka sanay matulog na may katabi?” Ang pasimpleng pagprotesta ni Jay ng makabawi ito dala marahil ng kabadtripan nito sa kanya.

“Noon iyon.”Ani naman niya.“Siya, iaakyat ko muna itong mga gamit mo. Ely, samahan mo siya sa kusina susunod na lamang ako.”

Sinadya niyang iwan agad ito para hindi na makapagprotesta pa. Wala naman siyang magiging problema sa kanyang mama sa kanyang desisyon dahil kanina pa niya sinabi sa mga ito ang tungkol sa pagtuloy ni Jay sa kanila.

Lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan pala siya ng kanyang ina.

“Hindi mo ako binigyan kanina ng pagkakataon para tanungin ka kung bakit dito sa atin tutuloy si Jay?”

Napalingon siya dito.

“Bakit po ma, may problema po ba?”

Pinakatitigan siya nito. Titig ng isang inang naghihinala.

“May binabalak ka Maki.” Kapagkuwan ay wika nito.

“Hindi ko po alam ang sinasabi mo, ma.” Maang-maangan niya. Kung may mga tao mang dapat maka-alam sa kanyang mga plano ay iyon ay ang kanya lamang mga kaibigan. Hindi kasama doon ang kanyang pamilya dahil paniguradong kapag nagkataong malaman ng mga ito ang lahat, mabubulilyaso ang kanyang plano.

“Tandaan mo ito Maki, huwag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli.” May pagpapa-alala nitong tugon.

“Wala po akong pagsisihan ma. Kung may gagawin man po ako, sinisiguro ko po sa’yong iyon ay para sa ikabubuti ko. Kilala niyo po ako, hindi ang tipo ko ang gumagawa ng hakbang na hindi po muna pinag-iisipan.”

“Iyan ang ikinatatakot ko, Maki.” Tugon nito. “Anak kita. At kung may tao mang tunay na nakakakilala sa’yo ay ako iyon. Alam kong lahat ay pinag-iisipan mo. Pero anak, hindi lahat ng pinag-iisipan ay nakakabuti para sa isang tao.”

Napakunot ang kanyang noo sa pagtataka.

“What’s your point, ma?”

“Huwag mong ipilit ang hindi na p’wede, Maki.”

Nagugulumihan siya sa kanayang ina. Ito ang kauna-unahang pag-uusap nila na ganito ito ka seryoso. At ang pagkabahala sa mga mata nito? Para saan iyon? May nalalaman ba ito patungkol sa kanyang mga binabalak?

“Hindi po kita maintindihan.” Pagsasabi niya ng totoo.

“Huwag mong gamitin ang katalinuhan mo para umayon ang lahat sa mga gusto mo anak. May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan din nating bumaba mula sa taas para makita mo naman kung ano ang nasa baba.”

Kung tama ang kanyang pagkakaintindi parang katulad lang din ng sinabi nito ang sinabi sa kanya ni Popoy. A very typical kind of thinking na kailangan na lamang tanggapin ng isang tao ang kung ano man ang nakatakda sa kanya. Pero hindi siya gano’n, at hindi gano’n ang kanyang paniniwala.

“Bakit pa po ako bababa kung kaya ko namang tumingin mula sa taas? Nasa tao po iyon ma, at kung papaano po niya gagamitin ang kanyang mga mata para hindi na niya po kailangan pang bumaba. That’s why the word initiative exist. Iyon po ang paniniwala ko.”

“Kasing tigas talaga ng bato iyang ulo mo Maki. Pero may tiwala ako sa’yo anak. Ang sa akin lang ay magdahan-dahan ka sa mga gagawin mo dahil ayaw kong makita kang masasakatan.”

“No pain no gain.” Nakangiti niyang sabi. “Kung uupo lang po ako sa isang tabi para maiwasan kong hindi masaktan, wala po akong matutunan. Don’t worry too much of me, ma. I can handle myself very well.”

Kung tutuusin ay napakaswerte niya sa pagkakaroon ng isang ina na bukod sa pagiging ma-alaga, napakamaalalahanin at supportive pa. Isa rin sa mga nagustohan niya sa ugali nito ay hindi nito pinakikialaman ang kanyang mga ginagawa. Binibigyan lamang siya nito ng payo.

“Sana nga anak.” Ang halatang nag-aalala pa rin nitong sabi.“Hala sige, ako na ang magpapasok ng mga gamit ni Jay sa cabinet mo. Bumaba kana roon at samahan mo na siya. Hindi magandang iniiwan mo siya kay Ely. Alam mo naman ang kapatid mong `yon kung anu-anong kalokohan ang nalalaman.”

“Pareho lang po silang maloko, ma. Sa katunayan po, kay Jay nakuha Ely ang ibang kalokohan niya. Pero sige po, tutal nagugutom na rin naman po ako, paki lagay na lang po ang mga damit niya sa ibabang bahagi ng cabinet ko, ma. Inalis ko na po ang mga laman niyon.” Ang nakangiti niyang wika rito.

“Talagang pinaghandaan mo itong pagtuloy niya sa atin `no? Basta Maki, ingat ka sa mga gagawin mo anak. Huwag sana kayong magkasakitan ni Jay sa bandang huli.”

Ngiti na lamang ang itinugon niya rito at isang marahang tango. Naiintindihan niya ang pag-aalala nito para sa samahan nila ng kanyang kababata na napamahal na rin sa mga ito. Siya man, kahit papaano ay nakakaramdam rin nag pag-aatubili paminsan-misan pero dahil buo na ang kanyang loob isinangtabi na lamang niya iyon at mas binigyan ng importansiya ang pagsasakatuparan ng lahat.

Nang makababa siya ay dumeretso agad siya ng kusina. Naabutan niya ang kanyang kapatid at si Jay na nagkakatawanan habang inihahanda ng nauna ang mesa para sa kanila.

“Ehem!” Pagkuha niya ng pansin ng mga ito.

“Oh, narito na pala si kuya Maki.” Puna ng kanyang kapatid sa kanya. “Kuya, ayaw maniwala ni kuya Jay na isa kang napakabait na kapatid.”

“Hindi naman talaga kapani-paniwala.” Nakaismid namang wika ni Jay.

Pambihira! Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ito sa kanya. Pero imbes na patulan ang patutsada nito ay binalingan niya ang kanyang kapatid.

“Ely, iwan mo muna kami ng kuya Jay mo at may pag-uusapan kaming importante.”

“Ay! May heart to heart talk sila. Sige sige. Kuya Jay, mamaya na lang tayo mag-chikahan, ha.”  Nanunudyo nitong wika bago bumaling sa kanya at palihim siyang kinindatan.

Nang maka-alis ang kanyang kapatid ng tuluyan ay saka siya naupo paharap dito.

“Hindi ako makikipag-usap sa’yo. Masama kang tao.” Agad nitong wika hindi pa man siya nagkakaporma.

“Na-extend ang business trip ng parent mo. Sa susunod na lunes pa sila darating at inihabilin nila sa akin na habang wala sila ay samahan muna kita.”

“Hindi na ako bata para bantayan.” Nakasimangot nitong tugon.

“Pinasasamahan ka nila sa akin sa bukid niyo para i-supervise ang pagha-harvest doon na magsisimula bukas. At huwag mong maisipang umalma dahil nakapangako na ako na tayong dalawa na ang bahala sa bagay na iyon. It’s about time na magkaroon ka naman ng silbi sa kanila.”

“Walang signal doon Maki.”

Alam niya iyon. Kaya nga pinakiusapan niya ang mga magulang nito na ipagkatiwala sa kanila ang pag-supervise ng pagha-harvest para hindi magawang ma-contact ni Jay ang karibal niya, eh. It’s all part of his plan para ma-focus sa kanya ang buong atensyon nito.

“So?”

“Hindi ko matatawagan si Janssen kung doon tayo malalagi.”

“Problema mo na iyon.” Wika niya. “Nakapangako na ako kay Tito Arturo. At natawagan na rin niya ang mga tauhan niyo roon and they will be expecting us tomorrow. Pero dito pa rin tayo uuwi sa bahay sa hapon.”

“Bukas na agad?” Alma nito.

“Oo, bukas na tayo pupunta roon kaya kung ako sa’yo, matulog ka ngayon ng maaga. Aalis tayo ng bahay bukas ng alas-singko ng madaling araw.”

“Alas-singko ng madaling araw? Nahihibang kana ba? Masyado naman yatang maaga iyon! Si papa nga, kapag nagha-harvest, umaalis siya sa bahay ng alas-dyes tapos tayo alas-singko pa lang?”

“Iba ang papa mo at iba tayo. Sanay na siya sa kalakaraan doon habang tayo ay baguhan palang. Kaya kailangang nakatutok tayo sa mga tauhan niyo.”

“ May mga tauhan naman si papa na maaasahan doon, ah. Bakit kailangan pa nating magpunta?” Ang halatang hindi pa rin sang-ayon nitong wika.

“Dahil iyon ang gusto ko at wala kang magagawa kung hindi ang sundin iyon. Besides, para naman ito sa ikabubuti mo. Matutunan mo na ngang pamahalaan ang bukid niyo, mapapalapit kapa sa mga tauhan niyo doon.”

“Pero Maki ––.”

“Tapos na ang usapang ito. Kumain na tayo dahil nagugutom na ako.” Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin. Alam niyang masyado na siyang nagiging control freak dito pero ano ang magagawa niya, iyon lamang ang tanging pagkakataon para ma-solo niya ito at mailayo ito sa kanyang karibal.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment