by: Zildjian
Maingay, puno ng usok, nagsisisiksikan
ang mga tao. Ganito palagi ang bar kung saan nagtra-trabaho si Andy tuwing araw
ng sabado. At isa siya sa mga dahilan kung bakit gano’n na lang kasikat ang bar
na iyon sa naturang siyudad.
“Wala ka talagang kupas. Sa lahat ng
mga baristang nakilala ko, ikaw ang ang pinaka-cute at pinakamasarap gumawa ng
inumin.” Ani ng isa sa mga babaeng nakaupo sa kanyang teritoryo sa bar na iyon
– ang bar counter.
“I will agree on that. The reason why
we always wanted to hang-out here is because of your notorious drinks and your
notorious look.” Pagsang-ayon naman ng isa na sinang-ayunan naman ng mga kasama nito.
Isang napakatamis na ngiti ang
ibinalik niya sa mga papuri at lantarang pagfli-flirt ng mga ito sa kanya. Di
na bago para kay Andy ang mga ganitong papuri at pagpapa-cute ng mga costumers
sa tuwing matitikman ng mga ito ang mga likha niyang inumin. He was one of the
reason kung bakit biglaang sikat ang bar na iyon. Dahil sa kanyang kakaiba at
hindi matatawarang talento sa paggawa ng mga inuming nakakalasing.
“May girlfriend ka na ba Mr. Barista?”
Ang lalasing-lasing na wika naman ng isa.
Mula sa ginagawang pagpupunas sa mga
shot glass ay nabaling ang tingin niya rito at binigyan ito ng isang alanganing
ngiti.
“Wala pa ma’am.”
“Really?” Ang tila naman na-excite na
wika nito. “I haven’t had a boyfriend who’s good in making drinks, gusto mo
bang i-try maging boyfriend ko?”
“Bongga!” Ang sabay-sabay na wika ng
mga kasama nito at nagbungisngisan pa.
Nginitian na lamang niya ang mga ito
at nagkunyaring walang narinig. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong uri ng
kapraningan sa loob ng bar na iyon. Uso doon ang tinatawag ng ilan na indecent
proposal.
Mukhang napansin naman ng isa sa mga
babae ang ginawa niyang pag-iwas sa proposal ng kasama nito.
“Hindi ka ‘ata type ni Mr. Barista,
Mae.” Turan nito saka siya binalingan. “Baka ako ang type mo, magsabi ka lang
at hindi ako mahirap kausap.”
“Ako rin!” Singit naman ng isa na
sinabayan naman ng mga kasama nito.
Ngumiti na lamang siya sa mga ito
kahit pa man sa loob-loob niya ay gusto na niyang humagalpak ng tawa. Iba na
talaga ang panahon ngayon, tapos na ang Maria Clara age at hindi na uso na ang
mga lalaki ang unang lumalapit sa babae.
“Can I have you tonight?” Biglang
singit ng isang lalaki na dahilan para mapalingon ang mga babaeng
pinagpyepyestahan siya.
It was his friend Jasper. Bagama’t
nabigla sa biglaang pagsulpot ng isa sa kanyang mga kaibigan na may katagalan
na niyang hindi nakikita ay hindi niya iyon ipinahalata sa halip ay nginisihan
pa niya ito.
“Are you referring to me handsome?”
Ang malanding wika ng isa sa mga babae dito.
“Oh, no sorry. I was referring to the
person inside the bar counter.”
Lihim siyang napahagikhik.
Nakataas ang mga kilay ng mga babae
nang muling bumaling ang mga ito sa kanya. Siya naman ay pilit na ibinalik sa
normal ang ekspresyon ng kanyang mukha subalit hindi niya iyon nagawa ng tama
dahil sa kalokohan ng kanyang kaibigan.
“Oh, great!” Bulalas ng isa sa mga ito
na nagngangalang Mae at eksaharada pa nitong iwinagayway ang hawak na baso.
“Now I know why he doesn’t have interest on us, because he’s one of those guys
who also like guys.”
Hindi na niya napigilang tuluyang
magpakawala ng pilyong ngiti. Kahit kailan ay hindi niya ikinahihiya sa iba ang
kanyang seksuwalidad. Para sa kanya, mas mabuti na ang magpakatotoo para na rin
makaiwas sa mga katulad ng mga ito dahil kahit pa man tanggap na niyang hindi
talaga siya full pledge na kalahi ni Adan, hindi parin niya maiwasang hindi
matukso sa mga kalahi ni Eba.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa counter
chair ang isa sa mga babae saka hinarap ang kanyang kaibigang hanggang sa mga
oras na iyon ay nakaplastar pa rin ang nakakagagong ngiti.
“Here, take my seat para naman
makapaglandian kayo nitong si Mr. Barista.”
“Thank you.” Malokong wika nito saka
walang pag-aalinlangan na naupo.
Napailing na lamang siya sa lakas ng
trip ng kaibigan. Sanay na siya rito na basta-basta na lamang sumusulpot na
parang kabute at sa power-trip nito.
“Can I have your order Sir Jasper?”
Nakangiti niyang tanong dito na sinadyang tawagin ito sa tunay na pangalan at
hindi na muling binigyan pa ng pansin ang mga babaeng sa mga oras na iyon ay sa
kanilang dalawa na nakatingin na para bang gustong masaksihan kung papaano sila
maglalandian ng kanyang BOYFRIEND.
“Give me the best mixed drink that you
can make.” Ang tila naman naghahamong tugon nito na nilakipan pa ng isang
kindat.
Narinig niya kung papaano mapasinghap
ang mga babaeng nanunuod sa kanilang dalawa at hindi niya maiwasang lihim na
mapahagikhik.
Sinimulan na niyang paghulo-haluin ang
mga matatapang na inumin sa counter na iyon sa harap mismo ng mga costumer
niya. Sa bawat galaw ng kanyang mga kamay at sa bawat pagpapakita niya ng iba’t
ibang stunt ng paghahalo ay hindi maiwasang mapabilib ang mga tao na nasa loob
ng bar. Kahit ang mga ilan na malayo sa bar counter ay napalapit para lamang
makita ang kanyang napakagandang performance.
“Done!” nakangiti niyang sabi and he
gracefully filled the shot glass with his new created drink.
Napuno ng palakpakan ang buong bar na
iyon na nilakipan pa ng pagsipol ng ilang kalalakihan sa sobrang pagkabilib sa
kanya. Isang rason kung bakit hindi siya mabitaw-bitawan ng may-ari ng bar na
iyon.
“I’m impressed.” Nakangising wika ni
Jasper. “Ano naman ngayon ang tawag mo sa inuming ito?”
“Night wrecker.” Ang nagbibiro niyang
tugon na ikinatawa nang mga nakarinig kasama na doon ang mga babaeng kanina
lang ay nagfli-flirt sa kanya. Mukhang nakalimutan na ng mga ito ang
naramdamang pagkadismaya nang malaman ang tunay niyang seksuwalidad.
Sumimsim ito ng kanyang ginawang
inumin at muli itong napangiti.
“Walang kupas, ikaw pa rin ang pinaka
the best bartista dito, Andy.” Usal nito. “By the way, hindi mo pa sinasagot
ang tanong ko sa’yo kanina.”
“Alam ko na yan .” Ang nagyayayabang
niya namang tugon. “Anong tanong ba iyon?”
“If I can have you tonight.” May
pang-aakit nitong pag-uulit.
Bagama’t hindi niya pinahalata ay
medyo nag-alangan siya kung pauunlakan ba niya ang imbestasyon nito pero gusto
rin niyang muling makausap ito at makamusta.
“Wag ka nang tumangi. Go na!” Singit
ng isa sa mga babae.
“Yeah, go for gold! Best barista like
you deserves to be laid tonight. Di ba girls?” Malokong gatong naman ng isa na
nilakipan pa nito ng pagtaas ng hawak nitong baso at nakipag-cheer sa mga
kasama.
Napahagikhik na lamang silang dalawa
ni Jasper at pasimple niya itong kinindatan tanda ng kanyang pagsang-ayon.
Alas-kuwatro ng madaling araw ng
tahakin nila Andy ang daan papunta sa bahay kung saan ayon pa rito ay mag-isa
lang itong naninirahan doon. Panaka-naka niya itong pinagmamasdan habang
nagmamaneho at hindi niya parin mapigilan ang mapahanga rito.
Ilang taon na ba silang ganito? Nasa
kolehiyo pa lamang siya nang makilala niya ang mga ito at doon nabuo ang
kanilang pagkakaibigan. Subalit, taliwas sa iba pa nilang kaibigan, ang samahan
nila ni Jasper ay kakaiba. Oo, kakaiba ito sa pinaka-kakaiba at hindi niya maiwasang
mapailing sa tuwing mabibigyan niya ng pansin ang kanilang turingan.
“Bakit ka napapailing diyan?”
Kapagkuwan ay tanong nito. “Kamusta ka na Andy? Na-miss mo ba ako?”
Mataman niya itong tinitigan. Wala pa
ring pagbabago sa hitsura nito. Tulad ng dati, guwapo at matikas pa rin ito. At
naroon pa rin ang kakaibang confidence na una na niyang nagustohan dito.
“Papaano mo nalamang nandito ako sa
teretoryo niyo?” Sa halip ay balik pagtatanong niya.
“Kay Miles.” Pagbangit nito sa isa pa
nilang kaibigan. “Siya ang nagsabi sa akin na nandito ka nga raw at
kasalukuyang nagtra-trabaho.
“Pambihira talaga iyon.” Naibulalas
niya.
Iniwan nito ang tingin mula sa
binabaybay na kalsada saka bumaling sa kanya.
“Bakit, ayaw mo bang makita ako? It’s
been a while Andy.” Wika nito na sinamahan pa ng isang pilyong ngiti.
Namula naman siya. Sa mga kaibigan
niya, ito ang pinaka-unang nakaalam sa tunay niyang seksuwalidad at iyon ay
dahil sa isang pangyayari nang magkalasingan sila. At doon nagsimula ang
kakaiba nilang turingan sa isa’t isa.
“Yeah, it has been a while.” Wala sa
sarili niyang turan.
Tumango-tango ito.
“Ibig bang sabihin ng pagsama mo ulit
ngayon sa akin ay hanggang ngayon, wala ka pa ring karelasyon?” Kaswal ang
dating ng pagkakatanong nito sa kanya subalit sa di malamang dahilan,
nakaramdam siya ng kirot na agad naman niyang pinalis.
Binigyan niya ito ng malokong ngisi.
Ngising nagtatago sa tunay niyang nararamdaman na lagi niyang ginagawa. Siya
ang tipo ng taong hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga negatibong damdamin
na sumakop sa kanya.
“Kapag sinabi ko bang oo, ay sasaluhin
mo ako?” Pabiro niyang pagbabalik tanong.
Natawa ito. At sa puntong iyon nakuha
na niya ang sagot.
Same old Jasper.
“Sa susunod ‘wag kang magtatanong ng
mga imposibleng bagay ha.” Wika niya at binato ito ng nilamukos niyang kaha ng
sigarilyo at sabay silang nagkatawanan.
“Wala ka pa ring pagbabago, ikaw pa
rin ang pinakamagulong tao na nakilala ko.” Tatawa-tawa nitong wika.
“That’s what made me special.” Tila
proud naman niyang sabi na sinamahan pa niya ng paghagikhik.
Dumating sila sa bahay nito. Tulad ng
huli niyang punta roon ay walang masyadong nagbago mailman sa matatas na damo
sa garden nito. Kailan ba siya huling napunta niya sa bahay na iyon? That was
three years ago at pare-pareho pa silang
nag-aaral sa panahong iyon.
Memories suddenly flooded in him. Dito
mismo sa bahay na ito nangyari ang hindi dapat nangyayari sa mga magkakaibigan
na ilang ulit pang nasundan. Every corner of the house reminded him of the
past. Noong mga panahon na nagwawala pa siya.
“Senti mode?” Nakangiting basag sa
kanya nito.
Napangiti na rin siya rito.
“Kailan ka pa nakabalik, Toper?”
Napataas ito ng kilay na ipinagtaka
niya.
“Oh, bakit?”
“Hindi mo parin pala nakakalimutan
iyang palayaw kong ‘yan. Last week lang ako nakabalik.”
“Bakit ka bumalik?” Nakangising tanong
niya.
Nagkibit balikat ito.
“For a change. Tara sa kusina may
beers ako sa ref.”
Sa kusina ay hinayaan niyang ito ang
gumalaw habang siya ay mataman lang na pinagmamasdan ito habang binubuksan nito
ang dalawang bote ng beer. Alam niyang may matinding dahilan kung bakit ito
nagbalik. May katagalan na rin nang umalis ang mga ito kasama ang pamilya upang
mag-migrate sa ibang bansa dahil naroon ang trabaho ng mama nito na isang head
nurse sa isa sa mga hospital doon.
Nang maiabot nito sa kanya ang inumin
ay naupo na rin ito paharap sa kanya.
“So, tuluyan mo na pa lang tinakasan
ang pamilya mo. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila tanggap ang napili mong
buhay?”
“Masyado naman yatang brutal ang
napili mong salita. Hindi ako tumatakas at lalong hindi ko kailangan na
tanggapin nila ako. Gusto ko lang na mapag-isa at i-enjoy ang buhay ko.”
“Talaga lang ha.” Wika nito kasabay ng
pagtunga ng alak. “Ano pala itong naririnig ko na may pinagdaraanan ka raw
ngayon?”
“Pinagdaraanan?”
“It seems someone already caught your
attention. Ayon kina Miles, may natitipuhan ka na raw ngayon. Dapat na ba akong
magselos?”
Natawa siya. Ngayon, naniniwala na
talaga siya na mas tsismoso ang mga lalake kumpara sa mga babae.
“Wala talagang kupas pagdating sa
katsismosohan ang mga iyon, noh?”
“Sinabi mo pa.” Nakangisi rin nitong
tugon. “So, who’s this lucky guy?”
Doon lang niya muling naalala ang
lalaking pumukaw ng kanyang interes. Ang lalaking naging hobby na ang bigyan
siya ng mga papuri sa tuwing dadayo ito sa bar nila.
“Wala na iyon.” Wala sa sarili niyang
tugon. “Masaya na siya ngayon sa buhay niya.”
Mataman siya nitong tinitigan na para
bang may kung ano itong inaarok.
“’Wag mo akong titigan ng ganyan Toper
at baka maibato ko sa’yo itong boteng hawak ko.”
Taliwas sa kanyang inaasahan na tatawa
ito at gaganti ng biro ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.
Ang sumunod na nangyari ay naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng mga labi
nito sa kanyang labi.
“Na-miss kita Andy.” Usal nito ng
maghiwalay ang kanilang mga labi. “Na-miss ko lahat sa’yo.” At muli nitong
pinaghinang ang kanilang mga labi.
Dama niya ang bawat paggalaw ng labi
nito na malugod naman niyang tinutugon. Hindi niya maintindihan ang sarili,
hanggang ngayon ay nawawala pa rin siya sa huwisyo sa tuwing maglalapat ang mga
labi nila.
Fubu, fucking buddy. Ilan lang yan sa
mga pang-aasar na tawag ng mga kaibigan nila sa uri ng relasyon meron silang
dalawa. Alam ng lahat sa barkadahan nila ang kakaibang pagkakaibigan na meron
sila nito. Ito ang kanyang una at tanging lalaking pinayagan niyang angkinin
siya ng buo.
Pero syempre hindi lamang libog o
pagnanasa ang meron siya para rito sa tuwing magniniig sila, because the man he
was kissing right now was also the same man he once used to love. Subalit,
hindi magkatulad ang damdamin nila para sa isa’t isa dahil may nagmamay-ari na ng
puso nito at hindi siya iyon.
Sa umpisa pa lang, alam niyang mali
itong ginagawa nila subalit kahit anong pagpipigil niya na hindi magpadala rito
ay palagi lamang siyang nabibigo. Maybe because of the fact na may damdamin
siya para sa taong nangangailangan sa kanya.
Oo, pakiramdam niya ay napakasama
niyang tao sa kadahilanang may nasasaktan siya sa tuwing magtatalik sila nito.
Subalit mali bang pagbigyan niya rin ang sarili niyang pangangailangan tulad ng
pagbibigay niya sa tuwing mangangailangan ito sa kanya?
“Let’s go to my room.” Wika nito na
tinanguan naman niya.
Nang marating nila ang silid nito ay
nagmamadali itong nagtanggal ng damit. Revealing to him Jasper’s well built
body. Hindi niya maiwasang hindi humanga rito nang muli niyang masilayan ang
katawan nito na halos ilang taon na niyang di nakita na naging sanhi ng
pagkatulala niya. Kung hindi pa ito gumalaw upang tanggalin ang kanyang damit
ay hindi pa siya matatauhan.
He can see the need in Jasper’s eyes.
Hindi na ito bago sa kanya dahil noon pa man, ito na lagi ang nakikita niya sa
mga mata nito sa tuwing magtatalik sila. Ngunit may nagbago na ngayon, wala na
ang kirot na nararamdaman niya sa tuwing isang matinding pangangailangan lamang
ang nakikita niya sa mga mata nito. Siguro, tuluyan na nga niyang nakalimutan
ang damdamin para dito at ngayon, masasabi na niyang pareho na sila ng
nararamdaman at iyon ay tawag ng laman.
Unang nagmulat ng mata si Andy. Mataas
na ang sikat ng araw at nang tumingin siya sa kanyang relo ay pasado alas-dose
na ng tanghali. Binalingan niya ang katabing hanggang sa mga oras na iyon ay
mahimbing pa ring natutulog.
Mataman niya itong tinitigan at
ngayong humupa na ang matinding tawag ng kanyang laman ay hindi niya maiwasang
makonsensiya. Alam niya sa kanyang sarili na dapat ay hindi na niya
pinagbibigyan ito. Dahil may masasaktan siyang tao at iyon ay ang kasintahan
nito na nasisiguro niyang siya’ng dahilan sa biglaang pagbabalik bansa nito.
Napabuntong hininga na lamang siya at
maingat na tumayo. Isa-isa niyang pinulot sa sahig ang nagkalat niyang saplot
at isa-isa itong muling sinuot.
Katatapos pa lamang niyang ma-i-zipper
ang kanyang pantalon nang magmulat ng mata si Jasper. Pupungas-pungas itong
napaupo sa kama.
“Aalis ka na naman ba tulad ng dati na
hindi man lang nagpapaalam sa akin Andy?” Seryosong wika nito.
“Ayaw lang kitang maisturbo sa
pagtulog mo.” Nakangiti niyang tugon.
“Stop giving me that fake smile. Alam
mong hindi iyan bebenta sa akin.” Ang tila galit nitong sabi.
Napabuntong hininga siya. Ito nga pala
ang isa sa mga taong nakakakita sa tunay niyang nararamdaman at iyon ang
dahilan kung bakit agad siyang umaalis sa tuwing matatapos silang magtalik
noon. Dahil ayaw niyang makita nito ang sakit at pait sa mga mata niya.
“Hanggang ngayon ba ––”
“Drop it. Matagal ko nang kinalimutan
ang lahat Jasper.”
“Kung gano’n bakit hindi ka makatingin
ng diretso sa akin?”
“Dahil hanggang ngayon, mali pa rin
itong ginagawa natin.” May diin niyang sabi. “May girlfriend kang tao Jasper,
dapat siya ang katabi at kasiping mo sa gabi at hindi ako.”
“Bago yata iyan ngayon Andy. Hindi nga
ba’t noon pa man ginagawa na natin ito? Bago pa lang kami ni Ivy, ginagawa na
natin ito ng madalas dito sa bahay at dito mismo sa kamang ito.”
“Iba noon, iba ngayon.”
“At ano ang pinagkaibihan?” Ang tila
naghahamon nitong sabi.
“Dahil ngayon, nakikita ko na ang mga
bagay na hindi ko nakikita noon nang sobra-sobra kitang minahal.”
“Andy…”
“Magkaibigan tayo Jasper, at dapat
hanggang doon lang ang turingan natin. Tigilan na natin ito, ayaw kong
makasakit ng tao sa bandang huli at higit sa lahat, ayaw na ayaw ko sa
pakiramdam na nasasaktan ako na hindi ko maiiwasan kung patuloy nating gagawin ito.”
Agad niyang tinungo ang pintuan ng
silid nito kahit pa man hindi pa niya naisusuot ang kanyang damit at walang
lingong-likod na umalis.
Imbes na sa apartment niya tumuloy ay
naisip ni Andy na maglakad-lakad na lang muna sa mall para makapag-isip-isip.
Ito ang nakasanayan niyang gawin tuwing may mga bagay na gumugulo sa kanyang
isip.
Inaliw niya ang kanyang sarili para
tuluyang makalimutan ang nangyari sa kanila ng isa sa mga kaibigan niya
sapagkat ayaw niyang magpaapekto at magpadala sa kanyang emosyon. Nadala na
siya noon, no’ng mga panahon na mahina pa siya.
Habang abala sa pagtingin-tingin ng
mga damit ay isang pamilyar na tao ang kanyang napansin. Sinundan pa niya ito
ng tingin para lamang masiguro kong hindi ba siya linilinlang lamang ng kanyang
mga mata ngunit hanggang sa mawala na lang sa paningin niya ay hindi niya
nasiguro kong iyon nga ang taong iniisip niya.
Siya ba ‘yon? Bakit parang ang laki
naman ng ipinagbago niya? Ang hindi niya
maiwasang maitanong sa kanyang sarili.
Itutuloy. . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment