by:
Zildjian
“Alright
guys last call then you can now log-out from your system.” Saktong pagkasabing
iyon ng TL namin ay natapos naman ang call ko. Minsan lang sa isang buwan
nangyayari ito kasi ‘yong iba kapag minamalas ka kung kelan last call siya
namang billing ang problema na halos abutin pa ng isang oras para matapos.
Isa-isa
nang nagsitayuan ang iba kong officemates para maghanda sa pag-uwi. Lahat ay
excited na makapagpahinga dahil sa pina-overtime kami ng dalawang oras sa dami
nang pending calls na di pa nasasagot. Ok lang naman, bayad naman iyon kaya
walang kaso.
Makikita
mo ang puyat at pagod sa mga mukha ng mga taong palabas ng naturang gusaling
iyon. Normal na ‘yan sa aming mga call center agents, fresh na papasok at
drained na lalabas. Sino ba naman ang hindi madi-drained ang utak sa halos
walang call avail sa account na hinahawakan namin.
“Ken,
sumama ka sa amin, magkape muna tayo para makapagyosi and at the same time para
sosyal.” Paanyaya sa akin ni Chelsa. Naging ugali na naming lima na sabay-sabay
umuwi pagkatapos ng trabaho since na pare-pareho naman ang routa ng sinasakyan
naming jeep.
“Gusto
ko ‘yang ideya mo girl. Balita ko may bagong bukas daw na coffee shop malapit
lang.” Sigunda naman ni Rachalet na hindi talaga pahuhuli sa mga kasosyalang
bagay.
Para
sa akin pagsasayang lamang ng pera ang magkape lalo pa’t marami pa kaming
kailangang bilhin ni Martin sa apartment namin hindi lang yon, nagpapadala rin
ako ng pera kay mama para naman makatulong sa pang-araw-araw nilang gastusin ng
bunso kong kapatid.
Napatingin
ako sa aking wrist watch.
“Kayo
na lang muna. Alam kong aabutin pa kayo doon ng hapon, kailangan ko pang
magpahinga para may energy ako mamaya.”
Totoo
naman ang dahilan ko sa kanila. Well, half-truth nga lang kasi may isa pang
rason kung bakit nagmamadali akong umuwi at iyon ay ang abangan ang pagdating
ni Martin mula sa opisina. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala ang ngiti
sa mukha ko sa text nito kanina na kung hindi ako nagkakamali may himig ng
pag-aalala para sa akin and honestly, I find it sweet.
“Ang
KJ mo talaga. Oh siya sige, palalampasin namin ito ngayon dahil sa pumayag kang
sumama sa birthday ni Jay sa sabado.” Nagsimula na akong maglakad papunta sa
sakayan ng jeep at alam ko na ang susunod nitong linya. “Huwag na huwag
kang mag-iisip ng kabulastugan o anumang klaseng dahilan para lang makalusot ka
dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yo hinding-hindi ka namin papayagan…
Hoy! Nagsasalita pa ako ‘wag kang bastos!”
Nakangisi
akong lumingon sa nagra-raping na si Rachalet sabay wave ko dito para lalo
itong asarin. Talo pa nito kasi ang pinakamadaldal naming ka-batch na sina
Leslie at Mitch sobra ito kung makapag-exercise ng kanyang bibig. Iyan ang
tawag namin tuwing dumadakdak na ito.
Saktong
mag-aalas-onse na ng umaga ng makarating ako sa apartment namin. Matapos
makapagpalit ng damit at ay agad kong tinungo ang kusina para magsaing. Pareho
kami ni Martin hindi kumakain ng breakfast kaya ang kanin sa tanghalian ay
diretso na sa hapunan kaya naman nakakapagtipid kami sa bigas. Napagkasunduan
kasi naming dalawa na iiwasan naming pareho ang gumastos na kumain sa labas
para may maipon kami.
Habang
hinihintay na kumulo ang sinaing ko ay sinimulan ko namang ihanda ang mga
labahan ko para ready na ito bukas. Tuwing araw ng Miyerkules dumarating ang
labandera ng may-ari ng apartment at sa kanya na lang kami nagbabayad ni Martin
para labhan ang mga maruruming damit namin. Pareho kasi kaming hindi pinalad na
matutunan ang paglalaba, minsan na naming nasubukan iyon at masasabi kong epic
fail at pagsasayang ng damit lamang ang ginawa namin.
Maghahanda
na ako ng pagkain nang marinig ko ang tumutunog kong cellphone. Napangiti ako
nang makita ko sa main screen ang pangalan ng taong tumatawag sa akin.
“Dito
na ako sa bahay at naihanda ko na ang mga maruruming damit natin para bukas.”
Bungad ko sa kanya.
“Pweding
hello muna ang sabihin mo?” Nang-aasar naman nitong balik sa akin.
“Heeello!
Oh ayan, masaya ka na?” Balik ko namang pang-aasar dito na tinawanan lang niya
sa kabilang linya.
“Kahit
kailan talaga Kenotz puro ka kagaguhan. Kumain ka na ba? Lunch break na namin
dito kumain ka na nang madagdagan naman ‘yang timbang mo.”
“Yabang!
Hindi porke’t kasing-laki na ng katawan ni Johny Bravo iyang katawan mo pwede
mo na akong lait-laitin.”
Muli,
narinig ko na naman ang malakas nitong tawa na laging nagpapangiti sa akin
tuwing naririnig ko. Napi-picture ko kasi ang mukha nito sa aking isipan and
knowing na napapatawa ko siya sa mga simpleng kalokohan ko ay nakakagaan ng
kalooban.
“Oh
siya, kakain na kami dito ng mga kasama ko. Kumain ka na rin diyan, see you
later after work Kenotzkie.”
Kahit
may katagalan na nitong naibaba ang linya niya ay para pa rin akong tanga.
Nakadikit pa rin sa tenga ko ang aking cellphone habang tulalang nakangiti na
animo’y wala sa sarili. Hindi ko talaga minsan mapigilang hilingin na sana may
pagtingin rin sa akin si Martin.
Hindi!
Hindi pweding mahalin ako ng best friend ko. Una, magkaibigan lang kami at kaya
siya ganun sa akin dahil gusto lang niyang ipakita ang kanyang pasasalamat sa
suportang ibinigay ko sa kanya. This is how Martin’s way of saying his
gratitude. Hindi ko p’wedeng bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita nito sa
akin.
Ang
pagkontra ko agad sa nararamdaman ko. Hindi ko pweding hayaan ang sarili kong
tuluyang masakop ng nararamdaman ko para kay Martin. Magkabigan kami, hanggang
ngayon ay hindi nagbabago iyon. Oo, naging kami, pero naging kami lang dahil sa
isang pagpapanggap. Hindi ko p’wedeng tuluyang paniwalaan ang
pagpapanggap naming iyon.
Nagising
na lang ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin ni Martin. Ang nakangiti nitong
mukha ang agad na sumalubong sa akin.
“Bakit
dito ka sa sofa natulog Kenotz? Bangon ka na, may dala akong pancit bihon.” Ang
wika nito.
Napangiti
na rin ako sa kanya.
“Nanunuod
kasi ako kanina ng TV, di ko alam na nakatulog na pala ako. Saan galing iyang
dala mo?” Tugon ko sa kanya na sinamahan ko pa nang paghikab at pag-inat.
“Nagutom
kasi kami ng mga officemate ko kaya nagkayayaan sa isang pancitan, hindi na rin
ako nakatanggi kaya sumama na ako. Nagustuhan ko ang pancit nila kaya heto may
pasalubong ako para sa iyo.”
“Ahh.”
Ang tatango-tango ko namang sabi. Wala sa pancit na dala nito ang aking
atensyon kung hindi sa kanyang mukha na laman ng panaginip kong na-unsyami
dahil sa paggising nito sa akin.
Kahit
sa panaginip hindi mo na ako tinantanan. Sabi
ko sa aking sarili.
“Nakatulala
ka na naman diyan Kenotz. Malapit nang mag-alas-syete-y-medya kain ka na,
sasaluhan na lang kita busog na ako eh.” Pagbasag nito sa pagkatulala ko na
naman. Ewan ko ba habang tumatagal lalo atang lumalala ang tama ko kay Martin
hindi naman kasi ganito dati, na makita lang siya natutulala na ako. Sabay,
magkasama na kami ngayon sa iisang bahay at habang lumilipas ang mga araw at
nakikilala ko ito lalo kasabay naman ng paglago ng nararamdaman ko para sa
kanya.
Sumunod
na lang ako sa kanya sa kusina at isinantabi na lang muna ang panggulo kong
puso. Wala rin naman akong mapapala, kahit anong gawin ko sadyang masyado na
‘atang nahulog ang damdamin ko para kay Martin. Iignorahin ko na lamang ito
tulad ng ginawa ko noon.
“Bukas,
huwag mong kalimutang idaan ang mga labahan natin sa katabing-bahay bago ka
pumasok.” Pagbubukas ko ng usapan. Nakakailang kasi ang paraan ng pagtitig nito
sa akin habang sinasaluhan niya akong lantakan ang dala niyang pancit na
kasing-sarap niya.
Ano
daw? Kasing-sarap niya? Lintik naman! Kung anu-ano nang kamunduhan ang
nasasagap ko sa mga ka-opisina kong praning!
“Yes
boss!” Ang nakasalute pa nitong tugon, praning talaga itong si Martin minsan.
“Siyanga
pala Mat, uhmmm.. nagkayayaan kasi ang mga ka-opisina ko, birthday ng isa sa
amin at niyaya nila akong sumama.”
“Sabi
na nga ba’t may di magandang mangyayari tuwing tatawagin mo akong Mat eh.” Wika
nito. “Kelan naman ang birthday na ‘yan?”
Kilala
na rin talaga ako nito. Alam nitong kapag tinawag ko siya sa pangalang Mat
dalawa lang ang ibig sabihin nun. Kung hindi ako uutang sa kanya na lagi kong
ginagawa no’ng college pa kami, no’ng mga panahong wala akong pang-photocopy,
ay hihingi ako ng pabor tulad ng magpapahatid ako sa bahay.
Napakamot
ako sa aking ulo.
“Sa
Saturday?”
“Bakit
ako ang tinatanong mo? Anong oras ka naman uuwi n’yon?” Parang tatay lang
nitong tanong. Well, di ko naman ito masisisi the moment that we both started
to live independently from our parents hindi pa ako nagpaalam na gumimik sa
kanya. Siya man ay hindi pa rin nagagawang gumimik kahit pa man lagi ko siyang
ini-encourage na sumama sa mga officemates niyang party people. Alam ko kasing
noon pa man ay mahilig na si Martin sa mga ganun.
“Mukhang
uumagahin na kami.”
Kita
ko ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga.
“Saan
naman gagawin ang party na iyan?”
NBI
ikaw ba yan? Ang gusto ko sanang ibulalas kaso
baka mapikon na naman ito sa akin. Seryoso pa naman ang mukha nito at kapag
ganun hindi ito tumatanggap ng mga biro.
“Sa
bahay nila mismo.” Sa halip ay sumagot na lang ako nang tama.
“Saan
ang bahay nila?”
Aba’t
talagang kina-career ang pagiging NBI?
“Yung
unang baryo sa labas ng s’yudad na ito.” Ngingisi-ngisi kong tugon dahil sa
totoo lang gusto ko nang humagalpak ng tawa sa uri ng pagtatanong nito na
animo’y tatay na ini-interrogate ang kanyang 15 yr. old na unica hija na
first time na a-attend ng isang birthday party.
“Huwag
mo nga akong ngisihan ng ganyan. Siguraduhin mong uuwi ka ng Sunday before 6am
at i-text mo ako.”
“Ano
ba masama sa ngisi ko?” Pang-aasar ko pang lalo sa kanya. Nagsisimula na kasing
mangunot ang noo nito, kaunti na lang at paniguradong mapipikon na naman ito sa
akin. “Dapat talaga may time limit at dapat kailangan kitang i-text?”
“Dapat!”
Wika nito sabay tayo. “Para malaman ko kung safe ka sa pinuntahan niyo. Subukan
mo lang makalimutang i-text ako at di talaga kita pagbubuksan ng pintuan
pagkauwi mo.” Dagdag pa nitong sabi at ayon na nga nangyari na ang inaasahan
kong pag-wawalk-out nito.
Ngingisi-ngisi
akong nagligpit ng pinagkainan ko. Ibayong kilig o kung may mas tataas pa diyan
ay iyon na siguro ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pangiti-ngiti
ako na sinamahan ko pa ng pagsipol-sipol habang hinuhugasan ko ang pinagkainan
ko.
Pakiramdam
ko ay para kaming tunay na magkasintahan ni Martin lalo na sa mga pinakita nito
sa akin. Alam kong hindi tama itong pagpapaasa ko sa sarili ko pero hindi ko
mapigilan.
Ngayon
lang. Tama, ngayon lang hahayaan ko ang sarili kong mag-ilusyon na kami ni
Martin. Hindi naman siguro makakasama sa akin iyon.
Simula
nang mag-walk-out si Martin at pumasok sa kanyang kwarto kanina ay hindi na ito
lumabas pa. Nakapaghanda na lang ako’t lahat para sa pagpasok ko sa trabaho ay
hindi na ulit kami nag-usap pa. Inisip kong nakatulog na ito sa kanyang kwarto.
Palabas
na sana ako ng bahay nang marinig ko itong magsalita.
“Siguraduhin
mong naka-lock ‘yong pinto.”
Napangiti
ako. Mukha nga yatang napikon na naman ito sa akin kaya naman imbes na lumabas
na ng bahay ay natagpuan ko na lang ang sarili kong kinakatok ang pintuan ng
kwarto nito.
Hindi
naman ako nabigo dahil sa narinig ko ang pag-ingay ng kama nito hudyat na
tumayo ito para pagbuksan ako.
“Aalis
na ako Mat.” Ang nakangiti kong bungad sa kanya.
Magkasalubong
ang kilay nitong tinugon ako ng isang tango. Talagang napikon nga ang mama sa
akin.
“Galit
ka?” Ang tanong ko sa kanya.
“Hindi.”
“Ows?
Kung hindi ka galit bakit halos tatlong oras kang hindi lumabas diyan sa lungga
mo?”
“Hindi
ako galit. Umalis ka na at baka ma-late ka pa.”
“Galit
ka eh.” Pag-iinsist ko.
Napasabunot
naman ito sa kanyang buhok.
“Ang
kulit mo rin noh? Sinabi nang hindi ako galit.”
“Okey.”
Nakangiti kong wika. “Text kita pagkadating ko sa office?” Dagdag ko pang sabi
na sinamahan ko pa ng himig pagpapaalam.
Bingo!
Ang naiwika ko sa aking isip nang
mawala ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Isa lang ang ibig sabihin nun, epektib
ang charm ko sa kanya.
“Siguraduhin
mong hindi ko na naman hihintayin hanggang alas-tres ng madaling araw iyang
text mo. Mag-iingat ka sa daan.”
Hinintay?
Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya? Hinintay niya ang text ko
hanggang alas-tres?
Tango
na lang ang naisagot ko sa kanya at nagmamadali nang lumabas ng bahay sa takot
na marinig nito ang malakas na tibok ng aking puso. Hinintay niya ang text ko
kaninang madaling araw? Ginawa ni Martin iyon. Ayos!
“Hindi
naman siguro tayo nawawala noh?” Ang tanong ko sa mga kasama ko habang
nakasakay kami ng tricycle.
“Manong,
sigurado ba kayong alam niyo ang bahay ng mga Saavedra?” May bahid ng pagkainis
na wika ni Rachalet.
“Jay
Saavedra di ba? Malapit na po tayo ma’am.” Ang tugon naman ng matandang
tricycle driver.
“Liblib
na itong baryong to ah. Akala ko ba malapit lang ang bahay nina Jay?” Ani naman
ni Rex.
Kasalukuyan
kaming nakikibaka at nakikipagmatigasan sa malubak na daan papunta sa bahay ng
birthday celebrant na si Jay. Kinakabahan na ako dahil medyo madilim na ang
kalsadang tinatahak namin dahil sa malalayong gap ng mga street light.
“Sirang-sira
na ang pose ko.” Reklamo naman ni Chelsa na halatang badtrip na rin sa mga oras
na iyon.
“Ayan
na po ang bahay ng mga Saavedra.”
Pare-pareho
kaming napanganga nang makita ang bahay na tinutukoy ng mamang tricycle driver.
Masasabi mong hindi pangkaraniwan ang bahay na iyon at hindi iyon nababagay sa
lugar. Mataas ang pader nito pero makikita mo pa rin ang bahay na nakatayo sa
loob nito. Masasabi kong may kaya ang pamilyang nakatira ro’n. Halos kasing
laki ito ng bahay nina Martin.
“Sigurado
ho ba kayo manong na bahay yan ng officemate namin?” Ang hindi makapaniwalang
tanong ni Rachalet.
“Siguradong-sigurado
po.”
Nakababa
na kami ng tricycle na sinakyan namin pero para kaming dinaga o mas tamang
sabihin na nahiya na dumirestso sa loob. Hindi pa rin kasi kami makapaniwala na
ang bahay na nakatayo sa harapan namin ngayon ay ang bahay ng kasamahan namin
sa call center na si Jay.
Ang
alam ko kasi, kapag may ganitong kagandang bahay kayo hindi mo pipiliing
magtrabaho sa isang call center lang. Paniguradong may malaking family business
ang mga taong nakatira sa magandang bahay na nakikita namin ngayon.
“Ito
ba talaga yon? Baka ginu-good time lang tayo ni manong driver.” Ang wika ni
Chelsa na manghang-mangha pa rin tulad ko.
“Siguro
ito na nga ‘yon ang daming tao at sasakyan eh. Hindi naman siguro tayo
pagti-tripan ni pareng driver.” Ani naman ni Chelsa.
Nasa
ganu’n kaming pag-uusap nang may lumapit sa aming dalawang lalaki.
“Bisita
ba kayo ni Jay?” Ang nakangiting tanong sa amin ng isa.
Nagpalitan
pa kami ng tingin ng mga kasama ko na animo’y nagtuturuan kung sino ang dapat
sumagot sa lalaking iyon. Nang siguro ay mahalata ni Rachalet na walang may
gustong sumagot sa amin ay ito na ang sumagot dito.
“Yes,
actually we’re his officemates.” May bahid ng hiya niyang sabi na first time
kay Rachalet. Ito kasi ang klase ng taong hindi biniyayaan ng hiya ng Diyos.
Ngumisi
ito sa kanyang kasamang lalaki at laking gulat namin nang akbayan ito ng kasama
niyang lalaki.
“Si
Jay talaga, kahit kailan hindi marunong magdala ng bisita. Tara sa loob,
samahan na namin kayo sa officemate niyong walang k’wenta.” Ani nito. “By the
way, I’m Alexis and this is my partner Renzell Dave. Kaibigan ko ang officemate
niyo.” Sabay bigay nito sa amin ng isang napakagandang ngiti.
Itutuloy. . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment