Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (08)

by: Zildjian

Naguguluhan pa rin si Maki sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung dala lang ba sa tama ng alak kung bakit siya biglaang nakaramdam ng gano’n o kung talagang tuluyan na ngang pinukaw ni Janssen an g kanyang tunay na nararamdaman para sa kanyang kababata.

Para sa kanya ay napakabilis ng lahat. Kasing bilis ng pagdaloy ng dugo sa kanyang kanang kamao ang mga nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. Naroon pa rin ang pagtanggi sa kanyang isipan pero sa kabila naman niyon, ay naroon din ang munting pagtanggap na ang mga pagbabago at kakaibang nangyayari sa kanya ay dala ng selos. Selos hindi lamang ng isang kaibigang napag-iwanan kung hindi ng isang taong nangangailangan ng pagmamahal at atensyon.


“Papaaano ko gagawin iyon, Nico?” Kapagkuwan ay naitanong niya sa kaibigan na hanggang sa mga oras na iyon ay nakatutok sa kanya. “Paapaano ko kukunin ang pansin niya mula sa taong matagal na niyang pinapangarap?” He choked to the last word he uttered.

Ngayong may bahagi na sa sarili niya ang tumatanggap sa tunay na dahilan sa lahat ng nangyayari sa kanya ay siya namang pag-usbong ng isang masakit na katotohanan na hindi siya ang taong pinapangarap ng kanyang kababata.  At dahil doon, hindi niya maiwasang makadama ng takot at pag-aalinlangan.

Mataman siyang tinitigan ni Nico. Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito dahil kung tama iyon. Masasabi nga niyang tunay na ngang nagbago ang ugali ng kaibigan niyang ito.

“Hawak mo lahat ng baraha, Maki. Nasa sa ’yo iyon kung papaano mo sila lalaruin para maging paborable sa ’yo ang sitwasyon. But let me just remind you one thing.”

“Ano iyon?”  Takang-tanong naman niya.

“Hindi ka p’wedeng magkamali sa laro mong ito. Dahil oras na magkamali ka, hindi lang iyang kamay mo ang masasaktan mo kung hindi pati na rin si Jay.”

Hindi niya agad nakuha ang sinabi nito dahilan para mapaisip siya. Nang sa wakas ay ma-absorb niya ang lahat, lalong tumindi ang pag-aalinlangan niya. Pag-aalinlangan  para sa pagkakaibigang matagal niyang pinangalagaan sa pagitan nila ni Jay. Oo, kahit palaging sakit ng ulo ang hatid nito sa kanya ay hindi naman niya maitatanggi na isa ito sa mga taong naging sobrang malapit hindi lamang sa kanya kung hindi pati na rin sa kanyang pamilya.

“Kung totoo man iyang sinasabi mo na may nararamdaman na nga ako sa kanya. P’wede pa akong umiwas.” Kapagkuwan ay wika niya.

“Linya ko `yan noon, Maki.” May bahid ng pagpapaalala nitong wika.

“I can’t afford to risk him.” Pag-amin niya. “Marami na kaming pinagsamahan ni Jay. Hindi pa man nabubuo ang grupo natin ay kaibigan ko na siya. Hindi ko isusugal ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang damdamin na hanggang ngayon ay hindi pa ako sigurado kung pagmamahal nga.”

“`Nahihirapan kang kilalanin ang damdamin mo `cause you’re still denying the truth to yourself. You don’t have the time in the world, Maki. Alamin mo na ang damdamin mo bago pa mahuli ang lahat sa ’yo. ”

“Bakit niyo ba ipinagpipilitan na maging kami ni Jay, Nico?” Ang hindi niya maiwasang maitanong. Hindi niya kasi makuha kung ano ba talaga ang tunay na mga intensyon ng mga ito.

“Dahil ikaw lang ang may kakahayang magpatino sa kanya.”

“Pero hindi ako ang taong mahal niya.”

Napataas ang dalawang kilay nito.

“Kailan pa naging problema sa ’yo ang bagay na iyan, Maki? You’re capable of making people do what you want.”

“Isang manipulative freak talaga ang tingin niyo sa akin `no?”

“Bakit, hindi ba? Siya, babalik na ako sa kanila. Siguraduhin mong maaaliw mo kami sa gagawin mo, ah. Dahil oras na mabagot ako, wala kang aasahang tulong sa amin.” Wika nito saka humakbang na palayo sa kanya. Subalit hindi pa man ito nakaka-ilang hakbang nang huminto ito at muling humarap sa kanya.

“By the way. Paki hugasan mo iyang kamay mo at ayaw ni Lantis na nakakakita ng dugo. Nag-a-activate ang pagiging halimaw niyon.”

Nabaling ang kanyang tingin sa kanyang kanang kamay. Doon lamang niya naramdaman ang hapdi dala ng tinamong sugat. Napalakas pala ang suntok niya kanina at iyon ay dahil sa pinipigilan niyang emosyong biglaang kumawala.

“Sugat at hapdi ba ang magiging dala sa akin kung tuluyan kong pakakawalan ang nararamdaman ko?” Ang wala sa sariling pabulong niyang naitanong sa kanyang sarili.

Ipiniling niya ang  kanyang ulo para iwaksi ang katanungang iyon. Lalo lamang niyang tinatakot ang kanyang sarili. Hahanapan niya ng kasagutan ang lahat. Siya mismo ang tutuklas kung totoo nga ba o hindi ang sinabi sa kanya ni Nico na may pagtingin siya sa kanyang kababata.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng bahay ay rinig na ni Maki ang malakas na tawanan sa labas kung saan naroon ang kanyang mga kaibigan. Natural nagtaka siya lalo pa’t humahalo sa mga ito ang tawa ng kanyang kapatid.  Dali-dali siyang lumabas.

“Ayan na pala si kuya Maki, oh.” Pagpansin agad sa kanya ni Ely.

“Hindi ba dapat nasa loob ka ng k’warto mo at nagbabasa?” Sita niya  rito. Pasimple niyang ibinulsa ang kamay niyang may sugat.

“Tapos na akong magbasa kuya. tinapos ko agad para maka-join na ako sa inyo. `Di ba kuya Dave?”

Nakangising nag-thumbs up naman dito ang magaling na boyfriend ng kanyang kaibigan.

“Hindi maganda sa isang babae ang makisali sa umpukan ng mga lalake. Pumasok ka na.” Ang seryoso niyang pagtataboy dito.

“Hayaan mo na siya, Maki. Mas masaya kung nandito si Ely.” Ngingiti-ngiting wika naman ni Alex. “Nawawala ang antok ko sa kanya.”

“Pero ––”

“C’mon Maki, huwag kang masyadong KJ. Nagsisimula na kaming mag-enjoy kay Ely.” Ani naman ni Lantis.

“Hindi clown ang kapatid ko Lantis.” Tugon naman niya.

Hindi niya sinasadyang mapatingin kay Jay at sa katabi nitong si Janssen. Magkalapit ng husto ang mga upuan ng mga ito. Animo’y naka-magnet sa isa’t isa.

“Hindi ba kayo naiinitan?” Pasimpleng pagpansin niya sa pagkakadikit ng mga ito.

Biglang lumayo rito si Janssen. Mukhang nakuha nito ang kanyang ibig ipahiwatig habang si Jay naman ay napasimangot sa kanya.

“Ay kuya Jay, congrats nga pala ulit, ha. Ang wafu ng boylet mo. Though medyo disappointed talaga ako na hindi kayo ni kuya Maki ang nagkatuluyan. Sayang, akala ko pa naman magiging legal na talaga kitang kuya. No offense kuya Janssen, ah.”

“Ely!” Ang may diin niyang saway dito.

Kita niya kung papaano humagikhik ang magaling na si Dave sa tinuran ng kanyang kapatid. Maski sina Alex at Lantis ay halatang pinigilan ang sariling tumawa. Si Nico naman ay nanatiling passive at nakatingin sa kanya na animo’y tinatantya ang mga magiging reaksyon niya.

“Huwag mong seryosohin iyang kapatid ko Janssen, nahawa lang iyan kay Jay sa kadaldalan.”

Ngumiti naman ito sa kanya.

“Ayos lang pare. Magiliw nga itong kapatid mo tulad nitong si Jay ko.”

Jay ko? Ano raw? Parang hindi yata maganda sa kanyang pandinig ang huling sinabi nito. Pero pinilit niya ang sariling hindi magbigay ng komento patungkol doon.

“Ang sweet mo naman kuya Janssen. Iyan siguro ang nagustuhan sa ’yo ni kuya Jay.”

Sa muling pagkakataon ay napalingon siya sa kapatid. Bakit parang pakiramdam niya ay pinapatamaan siya nito. Paranoid na ba siya o sadyang tinamaan lang siya sa sinabi nito?

“Sweet talaga itong si Janssen ko.” Pagyayabang naman ni Jay sa boyfriend slash kuno nito. “Kanina nga, siya mismo ang nagluto ng lunch naming dalawa at ako pa talaga ang pinapili niya kung ano ang gusto kong ulam. Sabi ko nga sa kanya, siya ang kauna-unahang tao na nagtanong sa akin kung ano ang gusto kong kakainin. Hindi tulad ng iba diyan na pilit pinapakain sa akin ang mga pagkaing hindi ko naman gusto.”

“Concerned lang ako sa kalusugan mo kaya kita tinuruang kumain ng gulay.”

“Oi, si kuya defensive. Wala namang sinabi si kuya Jay na ikaw ang tinutukoy niya, ah.” Ang nanunuksong wika ng magaling niyang kapatid.

Muli niyang narinig ang paghagikhik ni Dave ngunit ngayon, sinabayan na ito ng kasintahan nito at ni Lantis. Pati si Nico ay hindi na rin naiwasang hindi mapangiti. Bigla tuloy siyang nataranta. Bakit nga ba siya biglaang naging defensive. Dahil ba iyon sa ibinigay na papuri ni Jay kay Janssen?

Naloko na! Nagseselos nga ako!

“Nakakatuwa talaga ang samahan niyo.” Ngingiti-ngiting wika ni Janssen. “Kung noon ko pa sana alam na ganito pala kayo kasayang kasama. Sa inyo na lang sana ako naki-grupo.”

“Bakit, ano ba ang tingin mo sa amin noon? Mga weirdo?” Kunot-noo naman niyang tanong. Nakadama siya ng pagka-insulto sa sinabi nito. Para kasing sinasabi nito na ang tingin nito sa kanila noon ay mga alien.

“Hindi naman sa gano’n. I mean, hindi ko lang inaasahan na may ganito pala kayong side. Ang pagkakakilala kasi sa inyo ng mga schoolmates natin ay mga seryoso.”  Depensa naman nito. Alam niyang natunugan nito ang iristasyon sa boses niya.

“Well, you’ve got it all wrong. Hind lang kami ang tipo ng grupo na nangangailangan ng pansin kaya minabuti naming manahimik.”

“Yeah, pasensiya na, my fault. I didn’t mean to offend you pare.”

“Oh, kuya relax ka lang. Umandar na naman iyang pagiging sensitive mo ng wala sa lugar.” Wika ng kanyang kapatid.

“Huwag kang makisali sa usapan namin, Ely.” May pagbabanta naman niyang wika.

“Tama na iyan at baka mag-away pa kayo.” Pagsabat naman ni Jay. “Maki, walang ibang ibig sabihin si Janssen sa sinabi niya. Even if we admit it or not, ang tingin talaga sa atin ng mga schoolmates natin noon ay mga weirdo. Who wouldn’t? Palaging may giyera sa pagitan nina Nicollo at Lantis na kahit ang covered walk ay hindi nila pinalalampas. Habang ako naman ay walang araw na hindi mo kinakaladkad papasok noon para hindi tayo ma-late sa flag ceremony.  Si Alex lang ang hindi mahilig gumawa ng scene sa ating lima pero wala namang nagtatangkang kumausap sa kanya dahil kung hindi pipi ay bingi ang tingin ng mga ka-klase natin sa kanya.”

“Bingi at pipi ka pala noong high school Maldita?” Takang-tanong naman ni Dave.

“Loko-loko! Mahiyain lang ako masyado kaya hindi ko sila kinakausap!”

“Ah… okey okey relax ka lang. I love you.”

Hindi niya na nabigyan pa ng pansin ang ginawang lambingan ng dalawa dahil mas na-focus ang atensyon niya sa ginawang pagdedepensa ni Jay kay Janssen. Kung noon ay agad nitong sesegundahan ang kanyang mga sinasabi, ngayon ay kinukotra na siya nito. Lalo lang tuloy nag-init ang kanyang ulo.

“I think we better call this a night.” Biglang wika ni Nico. “Inaantok na raw si Lantis at may meeting pa ako bukas sa mga empleyado namin ni Alex. Besides, pag-uusapan pa natin bukas ang tungkol sa gagawin mong pag-invest Maki sa pag-branch out ng Keros CafĂ© kaya dapat lang na makapagpahinga tayo ngayon.”

Batid niyang nahalata ni Nico na hindi na maganda ang timpla niya kaya ito biglaang nagyaya ng uwian. Nahalata niya iyon dahil sa kakaibang tinging ibinigay nito sa kanya.

“Wow! Mag-i-invest si kuya sa coffee shop niyo kuya Nico? Great! Mas lalong dadami ang pera ng kuya ko. Ibig sabihin, mabibili ko na ang mga gusto kong bag at damit nito.” Ang magiliw namang wika ni Ely.

“Teka Dave, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina na tutulungan mo si Janssen na makapag-extend ng leave?” Wika ni jay. Ni hindi nito napansin ang pag-iiba ng kanyang timpla.

“Titingnan ko pa ang magagawa ko, Jay. I’ll give you a call tomorrow.”

“Pangako mo iyan, ha.” Tila nabigyang pag-asa naman nitong sabi kahit pa man wala pa talagang kasiguraduhan ang lahat.

Isa-isa na ngang nagsitayuan ang kanyang mga kaibigan. Tahimik lamang niyang inihatid ang mga ito sa labas ng gate nila. Nakasunod ang kanyang tingin kay Jay at Janssen na hindi na talaga mapaghiwalay habang ang tumatakbo sa isip niya ay ang mga pambabaliwala nito sa presensiya niya.

“You should start to practise how to control your emotion.” Pabulong na wika sa kanya ni Nico. Sila ang magkasabay nito o baka nga sinadya nitong sumabay sa kanya. “Tandaan mo, hindi ka p’wedeng magkamali sa larong ito or else you will lose everything.”

“Convoy ba tayo?” Tanong ni Jay.

“Sige.” Tugon naman ni Alex. “Paano Maki, mauna na kami. Pakisabi kay Tita na salamat sa napakasarap na pulutan.”

“Maki pare, salamat, ah. At pasensiya ka na kanina kung hindi naging maganda ang dating sa ’yo ng sinabi ko.” Ani naman sa kanya ni Janssen.

Ni hindi niya nagawang sumagot dito pero dahil sa ginawang pasimpleng pagsiko sa kanya ni Nico ay tumugon siya ng isang tango. Hindi naman kasi ito ang hinihintay niya na magpaalam kung hindi si Jay. Ngunit mukhang tuluyan na nga siyang nakalimutan ng kababata.

“Ni hindi ka man lang ba magpapaalam sa akin?” Ang hindi niya nakatiis na sita rito.

“Ay, oo nga pala. Sorry naman. Akala ko kasi kasama na kaming lahat sa ginawang pagpapaalam ni Alex. Bye Maki.”

Iyon lang? Goodbye lang? Asan na iyong nakasanayan niyang ‘Tatawagan kita pagdating ko sa bahay’ na mga linya nito? Gano’n na ba talaga dapat iyon? Dahil may ibang tao na itong pinagkakaabalahan ay mababago na ang lahat sa kanila? This is even worse than he expected.

Hindi p’wede ito. Naiwika niya sa kanyang sarili. Then finally, at that very moment he made a decision. A decision that will change everything forever.

Kinabukasan ay sinadya ni Maki na maagang magising. May kailangan siyang puntahang tao. Mataman niyang pinag-isipan ang lahat sa nagdaang gabi. Mula sa mga gumugulo sa kanyang isipan hanggang sa mga ipinakita ni Jay na pagbabago sa kanya simula ng dumating si Janssen Velasco. Isang bagay ang kanyang na-realize at iyon ay ang katotohanang hindi niya kayang matagalan ang mga pagbabagong nagasganap sa samahan nila ng kanyang kababata.

Isang paraan lamang ang nakikita niya para mapigilan ang lahat. Iyon ay ang agawin ang atensyon ni Jay kay Janssen. Tulad ng sabi ng kanyang kaibigang si Nico,nasa kanya ang lahat ng baraha. Ang kailangan lang ay malaro niya iyon ng tama..

“Ang aga mo naman yatang bumangon, anak.” Pagpansin ng kanyang ina sa kanya. “At mukhang may lakad ka.”

“Good morning ma.” Bati niya rito. “Opo, may kailangan akong puntahan ngayon. Hindi rin po ako dito maglu-lunch kaya huwag niyo napo akong hintayin. Didiretso po ako sa coffee shop ni Nico. May business meeting po kami doon.”

“Gano’n ba? Hindi ka man lang ba mag-aalmusal?”

“Hindi na po ma, nagmamadali ako.”

“Oh sige, mag-iingat ka. Siya nga pala Maki, totoo bang boyfriendni Jay ang kasama niya kagabi?”

Sinasabi na nga ba niyang walang nakakalusot na tsismis dito kapag ang kapatid niya ang nakakasagap, eh. Pero bakit parang hindi man lang nito ikinagulat ang pagkakaroon ng relasyon ng kababata niya sa kapwa nito lalake? But what the hell? Kung alam na nito ang tungkol sa kasarian ng kanyang kababata, eh `di mas maganda. Lalo lamang mapapadali para sa kanya ang kanyang mga binabalak.

“Sa ngayon, opo.Boyfriend po niya ang Janssen Velasco na iyon.”Walang pag-aatubili niyang tugon rito.

“Gano’n ba?” May nabakasan siyang panghihinayang sa boses nito. Pang hihinayang ba iyon sa naging kasarian ng kanyang kaibigan o sa ibang bagay? Pero ano naman iyon? Wala naman siyang maisip na iba pang p’wedeng maging dahilan.

“Sige ma, mauna na po ako at baka hindi ko po maabutan ang mga pupuntahan ko.” Pagpapa-alam niya rito. Marami na siyang inisip sa nakaraang gabi at ayaw na niyang mag-isip pa ng husto.

“Sige.Mag-iingat ka at umuwi ka ng maaga.”

Buo na talaga ang loob niya. Isasakatuparan niya ang mga nabuong plano ng walang pag-aalinlangan. At walang kahit sino man ang p’wedeng pumigil sa kanya kahit pa ang kanyang mga kaibigan. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Nico.Ipina-alam niya rito ang lahat ng kanyang napagdesisyunan. Hindi naman ito tumutol, sa halip ay pina-alalahanan siya nito.

Dumating siya sa kanyang destinasyon.  Ang lugar kong saan magsisimula ang kanyang mga hakbang. Alam niyang pagkababa niya ng sasakyan ay hindi na siya p’wede pang umatras. Ngunit nakapag-desisyonna siya. Inisantabi na niya kagabi pa ang kanyang mga pag-aalinlangan at lahat ng iyon ay dahil sa pagtanggap niya sa kanyang nararamdaman.

“Kuya Maki, napasugod ka.” Bati sa kanya ng isang binatilyo pagkababa niya ng sasakyan.

“Kamusta, Wil? Nariyan ba ang may sayad mong bayaw?”

“Alin sa dalawa kuya? Iyong native o iyong tisoy? Pareho naman kasing baliw ang mga bayaw ko. Ewan ko ba sa mga kapatid ko kung bakit nagsipag-pilian ng mga lalaking wala sa mga tamang huwisyo.” Ngingisi-ngisi nitong tugon.

Natawa siya.Kahit papaano ay napagaan ng malokong biro nito ang kanyang pakiramdam.

“Iyong tisoy.”Nangingiti niyang tugon.

“Ah, iyong tisoy ba?Nasa loob kuya. Punatahan mo na lang.” Ani nito.

Nagpasalamat siya rito bago niya tinungo ang gate. Malaki na rin pala ang pinagbago ng bahay ng isa sa kanyang mga kaibigan. Kung noon ay bakod na gawa sa kawayan lamang ang nakapalibot sa bahay ng mga ito, ngayon ay purong bato na iyon.  Pati ang bahay ay nagbago na rin.

“Maki, napadalaw ka.” Ang nakangiting bati sa kanya ng nanay ng kanyang kaibigan nang mapagbuksan siya nito ng pintuan.

“Magandang umaga po aling Marta, nariyan po ba si Dave?”

“Si Dave ba?Nasa taas, sa k’warto nila ni Alex. Sandali at tatawagin ko.Maupo ka muna.” Ani nito at agad na tinungo ang hagdan.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na mabigyan ng pansin ang mga pagbabago sa loob ng bahay na iyon. Nakakapanibago, hindi na pamilyar sa kanya ang bawat kanto sa bahay na iyon na dati na nilang pinagkakatambayan noon. Pati ang mga kagamitan nito ay lahat ay makabago na. Ang dating isang palapag lamang na bahay ay ngayon may pangalawang palapag na.

“Nice one Alex. Natupad mo rin ang matagal mo ng pangarap.”Pabulong niyang naisambit.Ang mga nakikita niya ngayong pagbabago ay batid niyang bungga ng mga pinaghirapan ng kanyang kaibigan.

“Naligaw ka yata ng bahay?”

Napabaling siya sa nagsalita at nakita ang taong siyang sadya niya sa lugar na iyon. Sa likod nito ay ang kanyang kaibigang si Alex at ang ina nito.

“Dave.” Bati niya rito.

“Siya, maiwan ko muna kayo nang maipaghanda ko kayo ng almusal. Maki, hindi ka p’wedeng tumanggi, ha.”

Nang maiwan silang tatlo ay muling nagsalita si Dave.

“Kung hindi ako nagkakamali, ang sadya mo rito ay tungkol sa kahilingan ni Jay sa akin. Hindi ba?”

Hindi lamang pala ito magaling pagdating sa pagpapatakbo ng mga negosyo. May talento rin pala ito pagbabasa ng isipan.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong hindi mo pagbigyan ang kahilingan ni Jay. At gusto ko ring gawan mo ng paraan para mapabalik sa cebu ang Janssen Velasco na iyon sa lalong madaling panahon.”

“Maki?” Naisambit ni Alex. Puno ng pagtataka ang mga mata nito.

“Si Alex lamang ang may karapatang utusan ako, Maki. Pero sige, bigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit ko gagawin ang gusto mo.”

“Because I want Jay for myself.”Walang pag-aatubili niyang sabi. Yes, he knew he’s being selfish pero wala na siyang pakialam. Buo na ang desisyon niya at iyon ay ang makuha si Jay sa taong pinangarap nito. Kung kinakailangan niyang magpakademonyo magawa lamang iyon, ay gagawin niya.

Kita niya kung papaano gumuhit ang pagkabigla sa mga mata ni Alex. Malamang ay hindi nito inaasahan ang gano’ng sagot niya. Habang ang kasintahan naman nitong si Dave ay ngumiti sa kanya ng nakakaloko.

“Magagawa mo ba?”Pagpapatuloy niya.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment