Tuesday, December 25, 2012

Complicated Cupid (07)

by: Zildjian

Nakadama siya ng pagtatampo sa taong itinuring na niyang kapatid at sa taong halos nagpalaki sa kanya. Alam niyang nais lamang ng mga itong matulungan siyang resolbahin ang kanyang problema na dapat ay matagal na niyang ginawa. Subalit, hindi niya maiwasang makadama ng pagtatampo sa mga ito. Maybe because of the fact na muli nitong ipinaalala sa kanya ang isang bagay na hinding-hindi niya magawa kahit anong gusto niya at naiinis siya na hindi iyon maintindihan ng mga ito. Na hindi nila maintindihan na masyado nang mahirap para sa kanya ang ayusin ang problemang halos ilang taon na niyang tinakasan, at nais nang ibaon sa limot.


Nagpapalit-palit siya ng tingin sa mga ito na ngayon ay pareho ring matamang nakatitig sa kanya.

“Hindi.” Mariin niyang wika.

Bumakas ang pagkagulat sa mga mata ni Aling Melissa, siguro dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na susuwayin niya ang gusto nito.

“Akala niyo ba madali lang gawin ang gusto ninyong mangyari? Sa tingin niyo ba, kapag bumalik ako ngayon doon at humingi ng tawad sa mga pagkakamali ko sa kanya ay maibabalik sa dati ang lahat? Alam kong nasaktan ko siya, at dahil iyon sa kakitiran ng utak ko noon.”

“Pero Lantis ––”

“Kung hindi niyo na ako kayang kupkupin dito nay, aalis ako. Salamat sa ilang araw niyong pagpapatuloy sa akin… sa amin dito.” Pagputol niya sa mga sasabihin pa nito.

Bumakas ang lungkot sa mga nito at hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot sa kanyang puso sapagkat muli, may nasaktan na naman siyang tao na wala namang ibang ninanais kung hindi ang mapabuti lamang siya.

Agad siyang nagbawi ng tingin mula rito at tinungo niya ang maliit na aparador kung saan nakalagay ang kanyang bag na may lamang mga damit saka walang lingon-likod na umalis. Ni hindi niya na nagawang muling sulyapan ang ginang na nagpalaki at nagturo sa kanya ng maraming bagay.

Sa labas ay nakasalubong niya si Nicollo, napayuko ito nang salubungin niya ito ng diretsong tingin. Hindi niya tuloy nasiguro kung tama ba ang nakita niyang lungkot sa mga mata nito.

“Umuwi na tayo.” Walang emosyon niyang sabi saka siya nagpatiuna sa kinaruroonan ng sasakyan nito.

Mabigat, napakabigat para sa kanya ang talikuran ang mga taong natutunan niya nang mahalin. Ang mga taong halos itinuring na rin niyang pamilya subalit iyon lang ang kaya niyang gawin sa ngayon, ang lumayo para maiwasan niyang masaktan niya ng husto ang mga ito. Ayaw niyang idamay ang mga ito sa problemang siya mismo ang lumikha para sa sarili niya.

Habang binabaybay nila ang daan pauwi ay pareho silang tahimik. Alam niyang may gusto itong sabihin dahil kanina pa niya napapansin ang panaka-naka nitong pagsulyap sa kanya subalit mukhang pinili na lamang muna nitong manahimik.

Nang marating nila ang highway ay doon siya nagsalita.

“Doon mo na lang ako ihatid sa apartment.”

“Lantis ––.”

“Kung ang sasabihin mo ay tungkol sa problema ko Nicollo, mas mabuti pang huwag mo na lang ituloy.” Pagputol niya sa iba pang sasabihin nito.

Rinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

“They only wanted to help you, Lantis.” Kapagkuwan ay wika nito.

“I Know.” Halos pabulong niyang tugon.

“Kung gano’n bakit pati sila ay kailangan mong layuan?”

“Kung may tao mang makakaintindi sa ginawa ko ay ikaw iyon. Di ba’t iyon din naman ang ginagawa mo tuwing may taong gusto kang tulungan noon.”

Hindi agad ito nakasagot sa kanya, kaya naman hindi niya napigilan ang sariling sulyapan ito. At sa ‘di malamang dahilan ay nakadama siya ng konsensiya para rito nang makita niya ang magkahalong pait at pagsisisi sa mga mata nito.

“You’re right.” Kapagkuwan ay may bahid ng pait na wika nito. “Iyon ang pagkakamali ko noon na sobra kong pinagsisihan ngayon.”

Siya naman ngayon ang napatahimik at napatulala because he felt the sincerity in Nicollo’s voice.

“Huwag mong tularan ang mga pagkakamali ko noon, Lantis.” Pagpapatuloy nito. “Dahil sinisiguro ko sa’yong lubos mong pagsisisihan ang lahat sa huli.”

Hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan sila parehong lumaki ay wala ng namutawing usapan sa pagitan nilang dalawa. Oo, aaminin niyang nakuha ang pansin niya sa mga huling sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na magmumula ang salitang iyon sa taong walang interes sa iba maliban sa sarili nito.

Nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng apartment na tinutuluyan niya ay at marinig niya ang pag-click ng lock ng sasakyan ay hindi niya napigilan ang sariling sulyapan ito.

What made you change all of a sudden, Nicollo? Ang gusto niya sanang itanong rito ngunit dala ng pride ay hindi niya nagawang maisatinig iyon. Ayaw niyang isipin nito na binabagabag siya ngayon ng nakikitang malaking pagbabago rito.

“S-Salamat.” Sa halip ay wika niya at akmang bababa na sana siya ng sasakyan nang pigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang kamay.

“I’m sorry Lantis.” Usal nito. “I know I was a disappointment to you dahil sa mga katarantaduhan ko at pambabaliwala ko sa inyo… sa ‘yo noon. But I won’t stop now, ngayon pa’t alam kong kailangan mo ako. Hindi ako tatakbo ngayon Lantis, hindi ako iiwas. Sasamahan kitang harapin ang mga problema mo.”

Hindi niya alam kung bakit biglang nagsimulang mag-iba ang tibok ng kanyang puso. At hindi siya p’weding magkamali, iyon ang kaparehong tibok na naramdaman niya noong high school pa lamang sila sa tuwing mabibigyan siya ng pagkakataong masulyapan ito mula sa malayo.

“B-Bakit?” Hindi niya maiwasang maitanong dahil parang may gusto pa siyang marinig dito na hindi niya alam kung ano.

“Dahil ngayon ko lang naintindihan ang rason kung bakit sa kabila ng palagi nating hindi pagkakasundo at pagbabangayan ay dumidikit pa rin ako sa’yo.” Seryoso nitong tugon.

Nicollo

“Am glad na umuwi ka na anak.” Ang masayang wika ng Mama niya habang hindi ito magkandarapang ipaghanda siya ng makakain. “Pero sana naman tinawagan mo ako para naihanda ko sana ang bagong putaheng sinasabi ko sa ’yo.”

Napangiti siya, sadya ngang nabulag siya noon ng pagtatampo niya dahilan para hindi niya mapansin ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang.

“Biglaan po kasi Ma, kaya hindi ko na kayo natawagan pa.”

Matapos niyang maitahid si Lantis kanina sa apartment na tinutuluyan nito ay agad siyang dumiretso sa bahay nila. Ipinagpaliban na lang muna niyang dumaan sa coffee shop sapagkat agad niyang naisip ang kanyang mga magulang at hindi siya nagsisisi na inuna niya ang umuwi.

“Tinawagan ko na ang Papa mo, he’s now on his way home.” Nakangiting wika nito sa kanya.

“Bakit, saan siya nagpunta?”

Noong maka-graduate siya ng college ay napagpasyahan na ng mga magulang niyang pumirmi na sa bahay nila at hayaang ang mga business partners na lang ng mga ito ang magpatakbo ng kanilang negosyo. Ngayon, naiintindihan niya na kung bakit ginawa ng mga ito iyon, gusto ng magulang niyang bigyan ng sapat na panahon na magkasama-sama sila bilang isang pamilya.

“Nagkaproblema ang isang branch natin sa Manila, that’s why he had to be there to personally fix the problem.”

“Gano’n ba? Sana hindi niyo na lang sana siya minadaling umuwi baka hindi pa siya tapos ayusin ang problema roon.”

“Siya ang nagsabing uuwi siya. Gusto na daw niyang makita ang anak niya.”

“Makakapaghintay naman po ako.”

Lumapit ito sa kanya giving him a sweet kiss on his checks na laging ginagawa nito noon tuwing aalis ang mga ito at ilang buwang mawawala.

“Matagal ka na naming pinaghintay anak, gusto naman naming makabawi sa ‘yo.”

The words of her mom reached his heart dahilan para mapayakap siya rito. He was never showy with his true emotions pero ngayon, dala ng sobrang nararamdaman ay hindi niya mapigilang gawin iyon dahil noon pa man, iyon lang naman ang gusto niyang makuha mula sa mga ito, ang atensyon at pagpapahalaga nito sa kanya.

“I love you ma.”

Magkasama nilang pinagsaluhan ang tanghaliang ito mismo ang naghanda. At first, ay puro patungkol sa updates ng negosyo ang pinag-uusapan nila. His parents were aware about the business he and his friend Alexis had established pero hanggang doon lang ang alam ng mga ito sapagkat sa tuwing susubukang mag-open up ng usapan ang mga magulang niya sa kanya noon ay agad niyang tinatapos iyon ng isang maikling sagot.

“I really can’t believe that this is happening right now.” Ang nakangiting wika nito sa kanya.

“Ang alin Ma?”

“Having a conversation with my son.”

“ Para namang hindi tayo nag-uusap noon ma.” Nakangiti niyang tugon.

“Nag-uusap nga tayo noon, but not like this.”

Nakuha niya agad kung ano ang ibig sabihin nito. Noon, tuwing susubukan siya ng mga itong lapitan at mag-extend ng tulong ay agad siyang nakakadama ng inis sa mga ito. Pakiramdam niya ay wala itong tiwala sa kakayahan niya kaya naman talagang ginawa niya ang lahat dahil gusto niyang maipakita sa mga ito na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, nagbabakasaling sa pamamagitan niyon ay makuha niya ang atensyon ng mga ito without realizing that it was not his parents’ fault why he can’t feel them, it was all because he got blinded by his emotions.

“Was it your vacation with Lantis that brought all these changes to you anak?” Kapagkuwan ay wika nito na ipinagtaka niya dahil hindi niya sinabi sa mga ito na may kasama siya sa pupuntahan niya.

“Paano niyo nalaman na si Lantis ang kasama ko?” Takang tanong niya.

“From Maki.” Nakangiting tugon nito. “Tumawag siya sa akin para sabihan kaming huwag masyadong mag-aalala sa’yo. Siya rin ang nagsabi sa amin kung saan ka pupunta at kung sino ang kasama mo.”

Natural na nabigla siya. Wala siyang ibang pinagsabihan tungkol sa issue na meron siya sa mga magulang niya, but it seemed na parang may alam ito. Maki was the peace-maker of their group. Ito ang palaging pumapagitna sa kanila ni Lantis tuwing magbabatuhan sila ng kung anu-anong salita.

“You have a great circle of friends anak.”

Napangiti siya sa sinabi nito. Her mom was right, ang suwerte niya na may mga kaibigan siya na kahit sobrang makukulit ay hindi naman maikakailang hindi siya iniwan sa ere sa kabila ng mga pinakita niya sa mga ito noon, isama mo pa ang damdaming meron siya para sa isa sa mga ito, si Lantis.

Muling bumalik sa kanya ang tagpong kani-kanina lang, nang ihatid niya si Lantis sa apartment nito. Ang tagpong kung saan, kahit hindi diretsahan, ay nasabi niya ang kanyang tunay na nararamdaman para rito. Oo, hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin siyang sabihin dito ang totoong nararamdaman niya kahit pa man sa kabila ng nalaman niyang dati na siyang minamahal nito, dahil batid niyang sa mga nagdaang taon kung hindi man nawala ang pagkagusto sa kanya ni Lantis ay natabunan na iyon ng mga pagkakamali niya, mga pagkakamaling lubos niyang pinagsisisihan ngayon.

Tulad ng inaasahan niya ay dumating ang kanyang ama sa bahay nila. Kitang-kita niya ang kakaibang tuwa sa mga mata nito nang makita siya, lalo na nang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Ito ang hinahanap niya sa mga ito noon pa man.

Sa unang pagkakataon ay nagawa nilang kumain na magkakasabay bilang isang mag-anak at walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan sa mga oras na iyon. Doon lang niya napagtanto kung gaano kaimportante sa isang tao ang pagpapatawad, hindi lamang para sa ibang tao kung hindi pati na rin sa sarili dahil ngayon para sa kanya ang kapatawaran at pagtanggap ng pagkakamali ang susi para tuluyang maging masaya ang isang tao.

“Welcome back!” Ang ekandalosong salubong sa kanya ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Jay pagkababang pagkababa niya mismo mula sa kanyang sasakyan.

Dumiretso siya sa mesa kung saan naroon ito, kasama ang iba pa niyang mga kaibigan, saka niya ito pabirong binatukan na tinugon lang nito ng malokong ngisi.

“Mukhang marami kang ikukuwento sa amin, ah.” Ang nakangiting wika ni Alex. “Nasaan si Lantis?”

“Ano naman ang ikukuwento ko sa inyo?” Nakangiti niyang tugon rito. “Nasa apartment nila, nagpapahinga iyon ngayon.”

Sa totoo lang, ang rason kung bakit siya nasa labas ngayon ay dahil gusto niyang puntahan ito at kamustahin, subalit nang marating naman niya ang apartment na tinutuluyan nito ay biglang nagbago ang isip niya. Ayaw niyang gambalain ang pagpapahinga nito kaya naman hayon at sa coffee shop siya tumuloy.

Napakunot-noo siya nang magpalitan ng makahulugang tingin ang mga ito at biglang gumuhit ang sa mga mukha nito ang mapanuksong ngiti.

“Mukhang tagumpay ka sa ginawa mo Maki, ah.” Ang wika ni Alex.

“Ako pa! Kayo lang, eh. Wala kayong bilib sa akin.” Pagyayabang namang tugon nito saka binalingan ang parang naluging bombay na si Jay. “Paano ba ‘yan, talo ka. Bukas na magsisimula ang napagkasunduan natin.”

Kita niyang napangiwi si Jay sa tinuran nito saka ito bumaling sa kanya.

“Lintik na pustahan ‘yan, hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o malulungkot na tagumpay ang ginawa ni Maki-Maki sa inyo.”

Napapalatak siya.

Pambihira! Sinabi ba ni Maki sa mga ito ang mga ipinagtapat ko sa kanya? Hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili saka pinukol niya ang ngingisi-ngising si Maki ng nag-aakusang tingin.

“Wala akong kasalanan! Pinilit nila akong magsalita. Pramis!”

“Hindi ka namin pinilit, kusang-loob mong ikinuwento sa amin ang tungkol sa sinabi sa ’yo ni Nicollo. Di ba Alex?” Pambubuking naman ni Jay dito.

“No comment baka magalit si Renzell Dave.”

Sa ‘di malamang dahilan ay ‘di siya nakadama ng pagkairita sa pinapakitang kakulitan at mapanuksong tingin ng mga ito. Noon, kapag tinutukso siya ng mga kaibigan niya kay Lantis ay agad siyang napapasimangot pero ngayon, parang natutuwa pa siya.

Dahil totoo namang in love ka na sa monster na ‘yon. With that thought ay muli siyang napangiti na hindi naman nakatakas sa mapanuring mata ni Jay.

“Naks! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Akalain mong marunong ka palang ngumiti.”

“Bakit, masama na bang ngumiti ngayon? Eh sa masaya ako, eh.”

“Bakit?” Ang nagkakaisang tanong ng mga ito.

“Sekretong malufet!” Ang nagbibiro niyang tugon sa mga ito na kauna-unahan niyang ginawa.

“Gumagano’n ka na ngayon? Ibang level ka na, ah.”

“Huwag mo na siyang pakialaman Jay, kung ako sa ’yo isipin mo na ang gagawin mong pagpapaalipin sa akin simula bukas.” Wika naman ni Maki na ikinasimangot nito.

“In your dreams!”

Ganito pala ang feeling ng totoong masaya. Ang hindi niya maiwasang maiwika sa kanyang isipan sa sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.

Binalingan niya ang ngitngiting si Alex na sa kanya rin pala nakatingin.

“Siyanga pala Alex, kamusta ang kita?”

“I thought you would never ask. Ayos naman Nicollo, and I think hindi pagsasayang ng pera ang naging desisyon nating pagtatayo nitong coffee shop. Sa mga nagdaang araw, lalong dumarami ang mga taong nagpupunta rito.”

“Good. Pasensiya ka na pala kung kinailangan mo pang tumao rito.” Hinging paumanhin niya. Yes, he wanted to change at gusto niyang umpisahan iyon sa mga taong malalapit sa kanya tulad ng mga kaibigan niya.

 “Wala iyon, mas masaya kami na nakatulong ang ginawa namin sa ’yo.”

“’Asan pala ang asawa mo? Hindi na ‘ata ako sanay na makita kang hindi nakabantay ang isang iyon.”

Napahagikhik ito na animo’y kinilig. Hangang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang pagbabago sa kaibigang kumibo’t hindi noon.

Ito pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

“Kauuwi lang last week. Pinauwi muna ng kambal niya, may importante daw silang aasikasuhin.”

“Mabuti’t pumayag ‘yon na umuwi na hindi ka niya bitbit.” Nagbibiro niyang wika.

Tumawa ito.

“Pumayag nga, pudpud naman ang battery ng cellphone ko sa kakatawag at bukas narito na ‘yon o baka nga mamayang madaling araw bigla na lang susulpot sa bahay ‘yon, eh. ”

Kilala niya si Renzell Dave, ang nobyo nito at alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang kaibigan na kahit madaling araw o gabi ay kaya nitong sumuong at makipagsapalaran sa daan makita lamang ang kaibigan nila. Hindi rin kasi biro ang pinagdaanan nito sa kamay ni Alex.

“P-Papaano ka linigawan ni Dave?” Ang halos kinakapos sa hangin niyang biglang tanong.

“Ay, hindi pa kayo ni Lantis? Ang bagal mo naman!” Biglang sabat ni Jay.

“Sa halos tatlong linggo niyo roon, hindi mo pa siya napasagot?” Ang hindi naman makapaniwalang wika ni Maki.

Pinukol niya ang dalawang tsismoso niyang kaibigan ng masamang tingin.

“Kung makapagsalita kayo parang ang dali-daling paamuhin ng isang ‘yon.”

Napahagikhik si Alexis.

“I can’t believe this.” Usal nito. “Nagpapaturong manligaw si Nicollo.” Nanunuksong dagdag pa nito.

“Sige, pagtawanan niyo ako.” Nakasimangot niyang sabi. “Makauwi na nga lang.”

Akmang tatayo na siya ng natatawang pigilan siya ni Maki.

“Relax ka lang. Masyado kang hot. Kami ang bahala sa’yo.”

Kinabukasan ay maagang nagising si Nicollo. Agad siyang naligo at nagbihis na animoy kinakapos na sa oras. Ibayong excitement ang nararamdaman niya dahil ngayong araw ay muli niyang makikita ang taong naging sanhi upang halos hindi siya makatulog magdamag.

Sa nagdaang gabi, matapos marinig ang mga ideyang ibinigay ng kanyang magagaling na kaibigan ay agad na siyang umuwi dala ng excitement. Hindi naman siya pinigilan ng mga ito. Linubos-lubos na niya ang tulong ng mga kaibigan niya. Ang mga ito na lang muna ang bahala sa coffee shop niya  para makapag-focus siya sa gagawing panliligaw sa kanyang masungit at palaging aburidong iniirog.

Nangako siya sa kanyang sarili na tulad ni Alex at ng iba pang taong nagmahal at minahal ay pasasayahin niya si Lantis. Nangako siya sa kanyang sarili na siya ang magiging dahilan ng bawat pagguhit ng ngiti sa mga labi nito at ngayon na nga niya sisimulan ang lahat.

Pasasayahin kita. Buburahin ko ang lahat ng masasamang bagay sa puso mo. Ang wika niya dahilan para mapangiti siya.

Pagkababa niya ay agad niyang napansin ang kanyang ina na abalang kinakalikot ang mga alaga nitong orchids. Iyon na ang naging libangan nito simula ng pumirmi ito sa bahay nila. Agad siyang lumapit dito para batiin ito.

“May lakad ka iho?” Nakangiting wika nito.

“May pupuntahan lang po ako, Ma.” Nakangiti naman niyang tugon.

Inayos nito ang kanyang kuwelyo.

“Ang gwapo ng anak ko ah, at ang bango-bango pa. Wala ka pa bang liniligawan anak?”

“Ah.. Eh.. Pupunta nga po ako ngayon sa liligawan ko.” Pag-amin niya rito.

Gumuhit ang mapanuksong ngiti nito.

“Kaya pala halos ipaligo mo na ang pabango mo. Care to tell me the name of the lucky girl?”

Napakagat-labi siya. Doon lang niya naalala ang isa pang problema sa kanyang pakikibaka at iyon ay ang mga magulang niya.  Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kung sabihin niya ang totoo subalit para sa kanya,wala siyang dapat ikahiya sa pinili niyang taong iibigin.

Huminga siya ng malalim para kumuha ng lakas ng loob.

“Ma, i don’t know if you would be happy to know the truth but I guess I need to be honest with you. I’m in love yes, but not with a girl. I’m in love with Lantis at siya ang liligawan ko.” Walang pag-aalinlangan niyang wika.

For him, there’s no point in denying his real preference with his parents. Kung hindi siya matatanggap ng mga ito ay saka na niya pag-iisipan ang gagawin, ang importante ay nasabi niya ang totoo sa mga ito. He doesn’t want them to expect something that will never happen.

Kita niya ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha nito. Sino nga bang normal na magulang ang hindi magugulat kung biglang aamin ang kaisa-isa nilang anak na isa ring lalaki ang pinili nitong mahalin?

“S-Sigurado ka na ba riyan anak? I mean, baka naguguluhan ka lang Nicollo.” Kapagkuwan ay naiwika nito nang makabawi sa pagkabigla.

“Sigurado na po ako Ma. Alam kong mahirap tanggapin na ang kaisa-isa niyong anak ay heto’t lalaki ang piniling mahalin but I love Lantis. Isa siya sa mga dahilan ng mga pagbabagong napansin ninyo sa akin. Hindi ko po hinihingi na maintindihan ninyo ako agad dahil alam kong hindi ganoon kadali iyon but I hope that time will come na maiintindahan niyo rin ako. Im sorry ma, sorry if I disappointed you, kayo ni Papa.”  Sinsero niyang sabi.

Natahimik ito kaya hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung anu ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. He was about to walk away when his mom prevented him by holding his hand.

“Honestly, nabigla ako anak. I didn’t expect this to happen, but that’s life right? It’s full of surprises. Yes, you had chosen to love someone that’s different from what we are used to but that doesn’t change the fact na anak ka namin.”

“Ma..”

“We still love you Nicollo. I still love you no matter who you choose to fall in love with. Not only because you’re my only son but also because I want you to be happy. Gusto kong nakikita ang kaisa-isa kong anak na nakangiti at masaya.”

Hindi niya inaasahan ang agarang pagtanggap nito sa naging desisyon niya sa buhay. Doon niya napagtanto kung gaano siya kamahal nito. Napayakap siya rito at hindi napigilang mapaluha. Mula pagkabata ay iniwasan niyang magpakita ng emosyon kasama na roon ang umiyak but right now, he can’t help it. His heart was overwhelmed with so much emotion.

“Maraming salamat ma.” Ang paulit-ulit niyang wika sa likod ng paghikbi.

“Shhhh.. ‘wag ka nang umiyak, sige papangit ka. Baka ‘di mo pa mapasagot si Lantis.”

Natawa siya at humiwalay sa pagkakayakap dito.

“Ang hirap ngang paamuhin ng isang iyon, Ma.” Ang parang batang nagsusumbong na wika niya.

Dumapo ang mga kamay nito sa kanyang mukha wiping his tears.

“Kaya mo iyan. Nakaya mo ngang magtapat sa akin ng walang pag-aalinlangan, I’m sure makakaya mo ring gawin iyon kay Lantis.”

Ngumiti siya rito.

“Thank you Ma, sana tulad mo matanggap rin ni Papa ang pinili kong mahalin.”

“Hayaan mong ako na ang magsabi sa Papa mo. For now, go and win Lantis’ heart.”

Itutuloy. . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com


No comments:

Post a Comment