Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (15)

by: Zildjian

Sa sala, habang abala sa pagkalikot ng kanyang laptop ay narinig ni Maki kung papaano mag-panic si Jay nang magising ito. Alam niya kung ano ang dahilan niyon at iyon ay walang iba kung hindi dahil tinanghali ito ng gising.`Di rin nakatakas sa kanyang pandinig ang nagmamadali nitong mga yapak pababa ng hagdan. Lihim siyang napangiti.

“Mabuti naman at bumangon kana rin.” Ang nakatalikod niyang wika habang rinig niya ang paghingal nito mula sa kanyang likuran. Ibinaba niya ang kanyang laptop sa mesa at humarap dito. “Kanina pa naghihintay ang breakfast natin.”


Napakunot-noo ito sa kanya at bakas ang pagtataka sa mga mata nito.

“Let’s go?”

Hindi na niya ito hinintay pang makapag-react. Nagpatiuna na siya at nang marinig niya ang mga yabag nito, nasiguro niyang sumunod ito sa kanya. Muli siyang lihim na napangiti.

Alam niyang naguguluhan ito ngayon sa kanyang pakikitungo rito. At Iyon naman talaga ang balak niya para mapilit itong kausapin siya. Sa ilang araw kasing hindi nila pagpapansinan nito, at sa mga narinig niyang kinikimkim nito, ay batid niyang hindi uubra rito ang tinatawag nilang mahinahong usapan. Lalo itong magmamatigas kapag gano’n.

Wala rin siyang balak na kumprontahin ito patungkol sa mga narinig niya rito habang nagdi-deliryo ito. Hindi iyon magandang ideya dahil baka imbes na makuha niya ang loob nito ay lalo pa itong lumayo sa kanya. Knowing Jay, at kung papaano nito pinaghirapang itago sa kanya ang mga katotohanang kanyang narinig? Batid niyang hindi magiging paborable para sa kanya ang kalalabasan kung gawin niya iyon.

“Gumawa ako ng sopas dahil alam kung hindi ka kumakain ng kanin kapag ganitong may hang-over ka.  Pagkatapos nating mag-almusal, p’wede ka nang maghanda para maka-alis na tayo. Ngayon ang huling araw ng pagha-harvest sa bukid niyo kaya hindi p’wede na hindi tayo pupunta roon..”

Siya na mismo ang nagsandok para dito habang ito naman ay nakasunod lamang ng tingin sa kanya at hindi pa rin mawala-wala ang pagtataka at pagkakunot ng noo nito. Halata na rin sa mukha nito ang sobrang pagpipigil na makapagtanong.

Kaunti pa. Sulsol  ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.

“Maupo ka na. Ano ba ang gusto mong ipares nitong sopas mo? Egg sandwich ba o itong tuna sandwich?”

“Hindi naman siguro ikaw ang nalasing kagabi para mabagok ang ulo mo at umasta ka ngayon ng ganyan.” Ang wika ni Jay. Naroon ang sarkasmo sa boses nito.

Binggo! Mukhang effective ang paaran niya para makapagsimula ng usapan dito.

Humarap siya rito.

“Bakit, ano ba ang mali sa inaasta ko?” Maang-maangan niyang tugon habang pilit pinipigilan ang sarili na mapangiti. Bakit? Dahil napatunayan niya ngayon sa kanyang sarili na ito pa rin ang Jay na kanyang kababata.

“Kung inaakala mong makikipagbati ako sa’yo sa ginagawa mong pagbabait-baitan, nagkakamali ka. Pagkatapos mong makipagtikisan sa akin ng ilang araw at basta na lang akong iwan dito habang nagpapakasaya ka sa labas, magugunaw muna ang mundo bago kita patawarin.”

Padabog itong humila ng upuan at pasalampak na umupo.

“Magpakasaya? Kung tama ang pagkaka-alala ko, hindi ako ang umuwi rito sa bahay na lasing na lasing galing sa isang party na hindi ko naman mga kilala ang ka-umpukan ko.” Mahinahon niyang tugon rito.

“At ano ang gusto mong gawin ko? Mag-isang makipagtitigan sa kisame ng k’warto mo at hintayin kung kailan ako babagsakan niyon?”

“Nabuboryo kana pala, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Hindi na niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha.

“Bakit ko sasabihin sa’yo?” Balik tanong nito sa kanya.

Lalong lumapad ang kanyang ngiti. Isa ito sa mga ugali nito na hindi mawala-wala rito –ang pag supladuhan siya  kapag masama ang loob nito sa kanya.

“Nginingiti-ngiti mo riyan?” Sita nito sa kanya.

Agad niyang binura ang pagkakangiti niya at nagkunyaring hindi niya alam ang pinagsasabi nito na lalo lamang nagpasimangot rito. And for the first time in the history, na cute-an siya sa gesture nito o mas tamang sabihing tinanggap na niya ang katotohanang cute talaga ito kapag lumalabas ang immature side nito.

Inilapag niya rito ang sopas na siya mismo ang nagluto para dito. Sopas na siyang paborito nito noon pa man kaya pinagsikapan niyang aralin.

“Kumain kana para lumamig ang ulo mo, saka tayo mag-usap.”

“Kakain ako pero hindi kita kakausapin!” Nakasimangot nitong tugon. “Tiniis mo ako ng ilang araw kaya mangisay ka riyan!”

“Oh, di sige. Kung ayaw mo akong kausapin, ako na lang ang magsasalita.” Wika niya rito saka siya humila ng upuan paraharap dito.

“Hindi kita pakikinggan. Magsasayang ka lang ng oras at laway.” Bara nito sa kanya.

Kung noon ay naasar na siya kapag ganitong nagpapakipot ito. Ngayon, ay may tuwa siyang nararamdaman. Kung bakit? Iyon ay dahil pina-alala nito sa kanya ang isang bagay na nagustohan niya rito sa kabila ng pagiging pasaway nito. At iyon ay walang iba kung hindi ang immature side nito.

Hindi tuloy niya maiwasang maitanong ngayon sa kanyang sarili kung bakit niya pilit itong binabago. Nakilala niya at nagustohan niya si Jay na gano’n na ang ugali nito. At ang pag-uugali nitong iyon ang siyang naging daan sa kung ano man siya ngayon.

“I’m sorry Jay-Jay.” Ang seryoso niyang wika rito kapagkuwan.

Disbelief is visible in Jay’s eyes when their eyes met. Ang hindi lang niya alam ay kung saan ito hindi makapaniwala. Kung sa paghingi ba niya ng kapatawaran na matagal na niyang hindi ginagawa o sa pagtawag niyang muli rito sa kanilang nakasanayang tawagan noon.

He let go a sigh. Kanina pa niya inihanda ang kanyang sarili para sa pag-uusap nila ngayon. Kaya nga pinakiusapan niya ang kanyang ina na isama ang kanyang kapatid sa pamamalengke para magkaroon sila nito ng pagkakataong makapag-usap na silang dalawa lang.

“Hindi ko na iisa-isahin ang mga atraso ko sa’yo dahil sa sobrang dami niyon, sumasama ang pakiramdam ko.  Pero pangako, babawi ako sa’yo. Ibabalik ko ang dating tayo.”

Nagsalubong ang mga kilay nito at muli niyang nakita ang pagtataka sa mga mata nito.

“Ano ang meron Maki?” Jay asked. “Hindi yata ako sanay na gumaganyan ka.”

Umiling siya rito.

“Gusto ko lang bumawi. Bumawi sa mga pagkukulang at mga kasalanan ko sa’yo.”

Napatutok sa kanya ng husto si Jay na naging sanhi para sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

“May nangyari ba habang lasing ako?” Kapagkuwan ay tanong nito.

“Wala sa lahi namin ang nananamantala ng lasing Jay-Jay.” Nakangiti niyang tugon.

“Mukha mo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin`no!”

Nginisihan niya ito ng nakakaloko.  Alam niya ang tinutukoy nito pero nakapagdesisyon na siyang hindi ito kumprontahin patungkol doon.

“Sige, asarin mo pa ako at talagang hindi na kita papansinin buong buhay ko!” Ang napikon nitong pagbabanta sa kanya. Sa puntong iyon, alam na niyang napalambot na niya ulit ito. Gano’n naman si Jay, madali itong magpatawad at iyon ang isa sa mga ugali nito na hindi niya naisipang baguhin.

“Okey, okey hindi na.” Nakataas ang kamay niyang wika at saka niya iyon pinagsaklop. “Pero bati na tayo Jay-Jay, please?” Ang may pagpapa-awa pa niyang dagdag.

“Pag-iisipan ko pa.”

Hindi maiwasang mapangiti ni Maki habang nakikita niya ang nagkakasayahang mga manggagawa. Natapos rin sa wakas ang pagha-harvest na walang ni isang naging problema. Ayon pa nga kay mang Ben, mas maganda raw ngayon ang naging resulta kumpara noong huli.

Kung may isang bagay man na naging maganda sa nangyaring ginawang hindi nila pagpapansinan ni Jay ay iyon ay pareho nilang natutukan ang nangyaring pag-aani para malibang silang dalawa at maka-iwas sa isa’t isa.

“Hindi na ba talaga kayo papipigil sir Maki?” Untag sa kanya ni mang Ben. “Si sir Jay ay mukhang nag-i-enjoy pa, ah.”

Dahil sa pagkakabanggit ng pangalan nito, awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Jay. Kita niya ang pakikipagtawanan nito sa ilang grupo ng manggagawa na tulad rin ng iba ay abala na sa tagayan.

“Sa susunod na lang ho siguro mang Ben. May kailangan pa ho kasi akong suyuin ngayon.” Ang nakangiti niyang wika rito.

“Suyuin? Wala pa ho ba kayong nobya sa g’wapo niyong iyan? Aba, mukhang nabulag na yata ang kababaihan sa syudad para hindi mapansin ang isang tulad mong hindi lang ubod ng kisig, matalino pa.”

Natawa siya. Masasabi niyang sa edad nito ay napakagaling pa rin nitong mambola kung binobola man siya nito.

“Hindi naman ho lahat nadadaan sa hitsura mang Ben.”  Muli siyang bumaling sa gawi kung saan naroon si Jay. “Lalo na kung ikaw mismo ang nagturo sa kanila para hindi ka nila magustohan.”

Hindi ito nakatugon. Marahil ay hindi nito naintindihan ang kanyang sinabi. Kaya, bago pa ito muling makapagtanong ay minabuti na niyang magpa-alam dito saka niya nilapitan si Jay.

“Ano kailangan mo?” Kunot-noo nitong tanong sa kanya.

“Itatanong ko lang sana kung handa kanang umuwi mahal na hari.” Nakangiti niyang tugon rito.

“Kung sabihin kong hindi pa ako uuwi, ano ang gagawin mo?”

Mukhang kina-career na nga talaga nitong pagsupladuhan siya. Pero ayos na iyon sa kanya. Ang importante ay sa wakas hindi na ito passive. Tsaka, halata na naman niya rito na nagpapakipot lang ito at sadya lamang siya nitong pinapahirapan.

Bibigay ka rin sa akin. Naisatinig niya sa kanyang isipan.

“Wala.” Kibit balikat niyang tugon.

“Wala naman pala, eh. Di maghintay ka hanggang sa gusto ko na umuwi.”

“Para kayong magkasintahan kung magtampuhan  sir, ah.” Ang ngingiti-ngiting pagsali ng isa sa mga ka-umpukan nito.

“Oo nga, eh. Ang problema, hindi ko pa kasintahan  ina-under na ako.” Nakangisi niyang tugon sa mga ito.

Kita niya kung papaano manlaki ang mata ni Jay sa gulat sa ginawa niyang pagsakay sa malokong biro ng isa sa mga tauhan ng pamilya nito. Hindi marahil nito iyon inaasahan.

“Ibang klase ka talaga sir Maki. Ang galing mong sumakay ng biro. Baka maniwala na kami niyan.” Ani naman ng isa.

“Hindi naman ako nagbibiro, balak ko talaga siyang akitin.” Ngingiti-ngiti niyang tugon.

Nagpalitan ng tingin ang mga ito. Bakas ang pinaghalong pagkagulat at matinidng pagtatanong kung dapat bang pinawalaan ng mga ito ang kanyang  ang kanyang sinabi.

“Ano ba `yang pinagsasabi mo, Maki?” Ang tila naman natilihang wika ni Jay ng makita nito ang naging reaksyon ng mga kaumpukan. “Umuwi na nga tayo! Masama yata ang epekto sa’yo ng hangin dito!” Saka siya nito hinila palayo ng walang pasabi.

Sa muling pagkakataon ay mukhang naisahan na naman niya ito. Though hindi naman niya iyon sinasadya. Sinabi lang naman niya ang tunay niyang pakay.

“Saan mo ako dadalhin?” Ang nagpipigil na mapatawa niyang sabi habang hila-hila siya nito. “Akala ko ba ayaw mo pang umuwi?”

“Ang lakas ng trip mong buset ka!” Asik nito sa kanya.

“Oh? Ano na naman ang ginawa ko?” Pagmamaang-maangan naman niya.

“Heh! Manahimik ka!”

He almost burst into laughter nang makita niya ang matinding pamumula ng pisngi nito. Pero sinikap niyang pigilan iyon dahil baka imbes na makipagbati ito sa kanya ay lalo pa itong maasar.

“Tatahimik na po.”

Hanggang sa binabaybay na ulit nila ang daan ay hindi na ito muling umimik pa. Siya man ay piniling manahimik muna dahil pansin niya na nawala na naman ito sa tamang timpla. Pero hindi rin siya nakatiis. Ayaw niyang matapos ang araw na iyon na hindi niya nakukuha ulit ang loob nito.

“Want to have dinner with me? Matagal na rin tayong hindi nakakapag-dinner na tayong dalawa lang. Balita ko, may bagong bukas ngayong restaurant dito. Specialty nila ang paborito mong Kare-kare at letchon kawali.”

 Sa wakas ay bumaling rin ito sa kanya. Iyon nga lang kunot ang mga noo nito.

“Why are you doing this, Maki?” Jay asked with a tone that demands for answer.

“I have already told you my reason. Gusto kong bumawi.”

“At ang bigyan ng kung anu-anong kabulastugan ang mga tauhan namin ang paraan mo? For God sake Maki, hindi ko alam kung ano ang trip mo pero hindi na ako natutuwa. Ano ba ang gusto mong palabasin?”

“Kabulastugan? Alam mong hindi ako mahilig sa mga gano’n. At anong trip ang pinagsasabi mo? Hindi ako nagti-trip Jay, sinasabi ko lang ang totoo.”

“Totoo? Nasaan ang katotohanan sa mga pinagsasabi mo kanina? Ikaw na mismo ang nagsabi Maki, o baka amnesia kana at nakalimutan mo na ang paulit-ulit mong sinasabi sa mga kaibigan natin na  imposible ang magkaroon tayo ng romantikong relasyon.”

Napabuntong hininga siya. Heto na nga ba ang sinasabi niya. Alam niyang aabot sila sa puntong ito na ipapamukha sa kanya ni Jay ang mga pagkakamali niya pero hindi siya susuko.

Minsan na rin niya akong napansin noon kaya magagawa kong maibalik iyon.

“Can we talk about this over a dinner?”  Ang nakiki-usap niyang sabi kapagkuwan. “So, I can explain myself?”

Ilang beses na niyang naririnig hindi lamang sa mga kaibigan kung hindi pati na rin sa ibang tao ang tungkol sa restaurant kung saan sila naroon ngayon ni Jay. The place is cosy at masasabi niyang pinag-isipan ng maganda ang buong interior nito. Ngayon, napatunayan niya na hindi exaggerated ang mga narinig niyang magandang feedback.

“This place is great in terms of Filipino cuisine. Si Lantis ang nag-promote nito sa akin.” Untag niya kay Jay na tulad niya ay namangha rin sa naiibang ayos ng restaurant.

Hindi ito bumaling sa kanya ni tumugon. Muli tuloy siyang napabuntong hininga at nagtawag na lamang ng waiter.

Di na niya inabala pang tanungin si Jay kung ano ang mga gusto nitong kainin. Siya na mismo ang pumili para rito habang abala pa rin ang mga mata nito sa paglilibot sa kabuohan ng lugar.

“Any desserts that you may like to add?” Tanong sa kanya ng waiter pagkatapos niyang maibigay rito lahat ng kanilang order.

“Mango Bravo, Leche flan, fruit salad, chocolate cake, Brownies, at Buko Pandan.” Biglang pagsabat ni Jay.

Hindi lamang siya ang napanganga sa dami ng in-order ni Jay na dessert kung hindi pati na rin ang waiter.

“Mauubos mo bang lahat `yan?” Ang hindi makapaniwala niyang naitanong.

“Bakit? Hindi ba kaya ng budget mo?”

“Of course not! Nag-aalala lang ako na baka sa rest room ka pulutin mamaya.” Depensa naman niya.

“Problema ko na iyon.”

Wala na nga siyang nagawa. Sinabi na lang niya sa waiter na i-serve ang lahat ng sinabi nito bago.

Nang muli na silang maiwang dalawa ay doon na niya ipinasyang simulan ang pakikipag-usap rito. It’s now or never para sa kanya. Masyadong marami na siyang sinayang na panahon.

“Alam kong nagulo ko ang isipan mo noong unang araw natin sa bukid niyo. Nang sabihin ko sa’yo na nagse-selos ako sa Janssen na iyon.” Pagsisimula niya. “Totoo iyon Jay, lahat ng sinabi ko sa’yo no’ng araw na `yon ay totoo.”

“Hindi! Sinabi mo lang iyon para guluhin ang utak ko. Para mapatunayan mo na naman sa sarili mo na tama ka na hindi ako marunong manindigan at hindi ako marunong mag-commit ng sarili ko.”

“Wala akong gustong mapatunayan ngayon, Jay.” Depensa niya sa kanyang sarili. “Hindi kita masisisi kung nahihirapan kang paniwalaan ako. It was my fault after all.”

Sandali itong natahimik at napatitig sa kanya.

“Ano ba talaga ang nalalaman mo, Maki?” Punong-puno ng pagdududang wika ni Jay kapagkuwan. “Kilala kita. Hindi mo pipiliing makipag-usap sa akin ng ganito ng wala kang pinanghahawakan. At alam kung may kinalaman ang nalalaman mo sa biglaang pagbabago mo ngayon.”

“Wala akong nalalaman, Jay.” He casually replied. “Kung may isang dahilan man ang biglaang pagbabago ko, `yon ay dahil alam ko na ngayon ang tunay kong nararamdaman.”

Napataas ang isang kilay nito.

“Nararamdaman mo? Kailan kapa nagkaroon ng damdamin? Kung tama ang pagkaka-alala ko, tinanggalan ka na ng damdamin simula ng mag-highschool tayo.”

“Ouch! Ang sakit mo namang magsalita.” Pabiro man ang pagkakasabi niya ay aamin niyang tinaaman siya sa sinabi nito. Sapagkat alam niyang hindi lamang iyon simpleng pananabla sa kanya. May pinaghugutan iyon.

“Bato ka, Maki. Wala kang pakiramdam kaya umayos ka.”

“Kung bato ako at walang pakiramdam tulad ng sinasabi mo, bakit na-in-love ako sayo?” Nakangisi niyang wika rito.

“Mukha mo! Tigilan mo nga ako, Maki!”

“Ayos lang kung hindi ka ngayon naniniwala.” Kibit balikat niyang wika. “Ang importante, ayos na ulit tayo. Madali ko nang mapapatunayan sa’yo na totoo lahat ng sinasabi ko.” Ngingiti-ngiti pa niyang dagdag.

“At sinong nagsabi sa’yo na bati na tayo?”

Binigyan niya ito ng malokong ngiti.

“Ang mga desserts na in-order mo.”

“Ewan ko sa’yo! Wala kang k’wentang kausap!”

Napabungisngis siya. How he miss having this kind of conversation with Jay. Iyong tipong na-i-enjoy niya ang pagiging immature nito. At kung may hihilingin man siya sa mga oras na iyon, siguro ay ang hihilingin niya ay sana hindi na matapos iyon.

“I miss you Jay-Jay. I miss having this moment with you.”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment