Tuesday, December 25, 2012

Make Me Believe (08)

by: Zildjian

“From nakatulala to nakakunot?” Ani nito sa akin. “Umeskapo lang ako sa kanila para makalanghap rin ng sariwang hangin.” Dagdag wika pa nito habang nakaplastar ang magandang ngiti sa mukha nito.

May pagaalangan akong ngumiti sa kanya para kasing nahihiya ako na ewan. I must admit that his smile is one of the most attractive smiles I have ever seen.  Pero hindi lang iyon, may kakaiba sa ngiti nito na hindi ko maipaliwanag.


“Mind if I join you?” Tanong pa nito sa akin kasabay ng paghilot nito sa kanyang magkabilang sintido.

“Pasensiya kana sa kadaldalan ng dalawang ka-trabaho ko, mukhang napasakit pa ata nila ang ulo mo.”

Ngumiti ito ulit sa akin at muli ko na namang nakita ang magandang ngiti nito.

“Nah, okey naman sila maliban kay Jay na nagsisimula na namang dumaldal na parang wala nang bukas. Kenneth right?”

“Ken nalang.”

Tumango-tango naman ito sabay ipinamulsa ang kanyang dalawang kamay.

“Mukhang pinapauwi kana nang syota mo ah.”

Syota? Kanina pa ba ito nakikinig sa usapan namin ni Martin?

Napayuko ako dahil sa sinabi nito. Ayaw kong makita nito ang pamumula nang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Masarap sa pandinig ang sinabi niyang iyon ang kaso, alam ko sa sarili ko na hindi kami ni Martin at kailan man ay hindi magiging kami.

“Bestfriend ko yon.” Ang mahina kung wika ewan ko ba pero parang nakaramdam ako na kailangan kong itama ang sinabi nito.

“Oh?” May nahimigan ako sa kanya na parang di siya naniniwala kaya naman napaangat ako nang tingin tama lang para makita kong sa akin rin pala ito nakatingin. The way he stared at me is as if he is trying to read what is on my mind. Nakakailang na nakakakaba ang uri nang mga pagkakatitig nito sa akin. “I see.” Dagdag pa nitong sabi sabay ng pagpabawi nang tingin nito sa akin.

Wala na akong maisip na sasabihin sa kanya kaya nanahimik nalang ako. Gusto ko mang umuwi na ay parang kabastusan naman na iwan ko siyang nagiisa. Mukhang wala rin naman kasi ito sa mood makipagusap sa akin na hindi na kataka-taka dahil sa ekspresyon palang nang mukha nito ay masasabi ko nang may pagkasuplado siya.

“Mahirap mahalin ang isang kaibigan.” Ang biglang sabi nito para basagin ang katahimikang namagitan sa aming dalawa.

Napakunot noo ako sa sinabi nito. Hindi ko kasi alam kung ako ba ang tinutukoy niya o kinakausap niya lang ang sarili niya. The statement was not clear whom he was referring to.

“Hindi mo alam kung pagkakaibigan lang ang lahat ng pinapakita niya sayo o mas higit pa doon. Sabi nga nang mommy ko, we always have a choice. But how can you choose if the option is to risk knowing you may lose the person whom you treasured much or to let go, saving your friendship while living your whole life with regrets kasi hindi mo nasabi sa kanya ang tunay na nararamdaman mo.” Ang mahaba nitong sabi.

What he said hits me ten times. Tama siya, papaano ka makakapili kong iyong dalawang iyon ang pagpipilian mo?  Alam ko kung gaano ka komplikado ang pinili kong buhay pero hindi ko alam na sobra palang komplikado na mahalin mo ang bestfriend mo.

“Let’s go? Sumabay na kayo sa akin, uuwi na rin ako.” At agad na nga itong naglakad pabalik habang ako ay naiwang nakatayo’t pilit iniintindi ang mga sinabi niya.

Sa di malamang dahilan nakaramdam ako nang ibayong lungkot. Siguro dahil masyado kong pinaniwalaan ang kalokohan ko –ang ilusyon ko na may pag-asang maging kami ni Martin. Lalong nawalan ako nang pag-asa para sa aming dalawa.



“Maraming salamat Nico, Lantis.” Ang pagpapaalam ko sa mga ito.

Sumabay kami nang mga ka-trabaho ko kay Nico. Ayaw pa nga sana kaming payagan ni Jay dahil gusto nitong doon nalang daw kami sa kanila matulog. Mabuti nalang at nag-insist si Niccolo. Sumama na rin sa amin si Lantis nang magpaalam na rin sina Dave at Alex. Ang naiwan nalang ay si Maki.

Ngumiti naman ang mga ito sa akin.

“It was nice meeting you.” Ang magkasabay nilang sabi.

“Wag ka ngang gaya-gaya nang sasabihin.” Ani ni Lantis.

“Normal lang sa tao ang minsang magkasabay magsalita bakit, nakapangalan na ba sayo ang ‘Nice meeting you’ para pagbawalan mo akong gamitin?” Tugon naman nito sa kaibigan.

“Ang sabihin mo wala ka talagang originality.”

“Wag ka ngang maingay natutulog si Kerochan.”

“Wala ka na ngang originality nangangagaw kapa nang pusa nang may pusa. Karupin ang pangalan niya at pusa ko siya.”

“At kelan pa naging pusa mo si Kerochan ko? Wag kang mapang angkin hindi maganda sa katawan yan.”

Nakakatuwa silang pagmasdan na parang mga batang nagbabatuhan ng salita. Sa mga magkakaibigan na nakilala ko silang dalawa na ata ang pinaka-weird para sa akin. Pero gayon pa man ramdam kong inaasar lang nila ang isa’t isa para makapagsimula nang usapan.

“Hoy Niccollo…..”

“Paano, papasok na ako sa loob ingat nalang kayo sa daan.” Ang ngingiti-ngiti kong pag-butt-in sa kakaibang uri ng paguusap nila.

Para namang muli nilang naalalang naroon ako.

“Sige Ken, alis na kami.” Wika ni Nico at pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan. Hinihintay ko muna itong mawala sa aking paningin bago ko tinungo ang pintuan ng apartment namin ni Martin.

Hanggang ngayon ay paulit-ulit paring umiikot sa aking utak ang mga salitang binitiwan kanina ni Niccollo. Wala akong maalalang may ibang taong nakakaalam sa tunay kong pagkatao maliban kay mama pero, kanina hindi ko mapigilang hindi isipin na para sa akin ba ang mga salitang sinabi niya. Tinamaan kasi ako, at bawat salita ay tumagos sa kaluluwa ko.

Patay na lahat ng ilaw sa bahay maliban sa parang kulay asul na liwanag na sa tingin ko ay nagmumula sa TV namin. Nakamuwestra na ako para kumatok sa pintuan ng bumukas ito at bumulaga sa akin ang walang pangitaas na si Martin.

Napaatras ako sa pagkagulat at dahil medyo may tama na rin ay hindi ko ay nawalan ako nang balance at ang sumunod na nangyari ay makadikit na ang katawan namin ni Martin. Ginamit nito ang kanyang dalawang kamay para hindi ako tuluyang bumagsak sa semento.

Hindi ko na alam kung para saan ang malakas na pagkabog ng aking puso. Kung ito ba ay dahil sa kaba at takot o dahil sa sobrang lapit nang mukha namin ni Martin.

“Sinabi nang huwag masyadong iinum.” Ani nito sa seryosong tono.

Alam nang diyos kung papaano ko pinigilan ang sarili ko na hindi mapapikit nang dumampi sa mukha ko ang mainit at mabango nitong hininga. Kung pwedi nga lang sanang mag kunwaring nahimatay ako ay gagawin ko dahil hindi ko alam kung papaano ko maipapaliwanag sa kanya kung mapansin nito ang panginginig ng tuhod ko.

Inilalayan ako nitong muling tuwid na makatayo na hindi tinatanggal ang pagkakatitig nito sa akin. Awkward? Sobra! Sobrang awkward ng feeling na seryoso itong nakatigtig sa akin.

“Ah.. Eh…” Hindi ako makahanap nang salitang sasabihin sa kanya at muling napaatras. “B-Binigla mo naman kasi ako.”

“At ako pa talaga ang sinisi mo?” Nakapamewang nitong sabi. “Sino ang naghatid sayo at bakit ang tagal niyo naman atang nagpaalaman?

Here he go again nagsimula na naman ito sa kanyang naunsyaming ambisyon –ang pagiging NBI. Pero bakit imbes na mainis ay ikinatutuwa ko pa ang pagiging mausisa nito? Am I really that longing for attention… for his attention and affection?

“Mga kaibigan ni Jay.” Ang nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi ko alam pero sadya nga atang masokista ako at trip ko na talaga atang paasahin ang sarili ko kahit alam kung sa huli ako ang talo.

“Tara na sa loob masyado nang mahamog dito.” Wika nito sabay hila nito sa akin. Muli kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng hawakan ako ni Martin. Ramdam ko ang pagiingat nito sa akin sa uri nang pagkakawak nito sa kamay ko kahit paman may kahigpitan iyon.



Sinadya kong umuwi nang maaga sa araw na ito para makapaghanda. Especial para sa aming dalawa ni Martin ang araw na ito dahil ito ang araw na nagsimula kaming dalawa na tuparin ang mga pangarap namin sa buhay. Ito ang araw na una kaming lumuwas sa lungsod para magtrabaho.

Parang hangin lang na nagdaan, mabilis na lumipas ang mga araw at heto na nga’t limang buwan na ang nakalipas. Limang buwan na hindi man ganun kadali ay hindi rin naman mahirap. Natuto na kaming mag-adjust ni Martin at marami na rin kaming natutunan simula nang bumukod kami sa aming mga pamilya.

“Anong masamang elemento ang sumapi sayo para magluto ko nang ganito karaming ulam? Di pa naman ngayon ang birthday mo di ba?” Wika nito nang makita ang mga nakahandang pagkain sa ibabaw nang mesa.

“Kung totoo mang may sumasapi talaga sa tao malamang simula nang ipinanganak ka nasapian kana.” Nangaasar ko namang tugon sa kanya.

“Hindi kaya nang engkanto ang maibigay ang ganito ka gwapong mukha. Tanging ang may kapal lamang ang may kakayahan nito kaya malabo iyang sinasabi mo.”

“Huwag kang masyadong iinum ng mountain dew lumalakas ang hangin mo baka tangayin ang buong bahay.” Pagaasar ko pang lalo sa kanya.

“Inggit kalang.” Ani nito sabay magkasunod na isinubo ang dalawang puto. Inabutan ko naman ito nang softdrink ng makitang nahihirapan nitong lunukin ang mga iyon sa sobrang katakawan.

“Tsalamats!” At muli itong kumuha nang puto pero ngayon isa nalang. Natakot siguro ang gago na matuluyan. “Anong meron?”

“Bibitayin ka na.”

“Kapag hindi ka sumagot ng matino ikaw ang bibitayin ko. Ano nga?”

“Wala, naisipan ko lang na ipaghanda ang 5th Monthsary ng independency natin.” Kaswal kong sagot sa kanya. “Kumain na tayo may binili rin akong isang case ng Red Horse.”

“Wow! Isang case? Hindi rin malakas ang loob mo noh?” Ganito talaga ito, kapag nakakakita nang pagkakataong makaganti sa pangaasar ay sinusungaban agad nito.

“Shadap! Nasa mood akong uminum ngayon kaya ikaw ang tataob!”

“Mood? Kailan ka pa nakaroon ng mood swing sa paginum? Ang alam ko kahit nasa kondisyon ka, zero over 100 parin ang score natin.” Sabay bigay nito nang nangaasar na tawa.

Ngali-ngaling batuhin ko ito nang hawak kong puto sa pagkapikon. Ipinaalala na naman kasi nito sa akin kung paano niya ako laging nilalampaso sa inuman. Ewan ko nga ba kung bakit ang dali kong malasing kahit naman sanay na rin ako sa lintik na RH na yon. Mukhang ayaw talaga nitong makipag-close sa akin.

“Ikaw ang maghuhugas dahil ako ang nagluto.” Sa halip ay sabi ko sa kanya. Alam ko namang hindi na ako makakabawi sa kanya. Lumalakas na kasi ang loob nito kapag alam niyang nakapuntos na siya at kapag ganun wala na akong chance manalo.



Kasalukuyan kaming nagiinuman ni Martin sa sala. Pangalawang bote na namin na walang masyadong namumuong usapan sa pagitan naming dalawa. Napagtripan naming panuorin ang hiniram ko kay Rex na movie.

Noon paman ay pareho na kaming nahilig ni Martin sa mga palabas tungkol sa mga ancient Greek at ngayon ay pareho kaming nakatutok sa TV. at pinapanuod ang Immortals.

“Kamusta naman ang new found friends mo?” Maya-maya ay wika nito na ang mata ay nakatutok parin sa aming pinapanood.

“Ayos naman walang pagbabago magugulo parin sila.”

Nang makilala namin ang mga kaibigan ni Jay no’ng nagdaang kaarawan nito ay naging sunod-sunod na ang pagkikita namin dahil sa kakulitan narin nina Chelsa at Rachalet. Lagi na kaming tumatambay sa coffee shop na pagmamayari nina Nico at Alex at dahil doon medyo napalapit na kami sa mga ito maliban kay Lantis na minsan lang madalaw doon.

Tumango lamang ito at hindi na muling nagsalita pa. Ako man ay medyo nag-focus na rin sa pinapanood naming dalawa.

Minsang palihim akong tumitingin kay Martin, sinisipat ang maamo nitong mukha. Tulad ng nasa college palang kami ay walang nagbago rito maliban sa nag-improve nitong katawan gawa siguro nang linguhan naming paglilinis sa buong bahay. Ito kasi ang nagbubuhat ng mabibigat na bagay dahil sa aming dalawa siya naman ang mas malaki at mas mataas.

“Bakit?” kapag kuan ay tanong nito.

“Anong bakit?”

“Kanina pa panay ang tingin mo sa akin.” Kaswal nitong sabi.

Nakaramdam ako nang hiya alam pala nitong palihim ko siyang pinagmamasdan. Hindi ako sumagot at nagkunwari nalang na hindi narinig ang sinabi nito.

“Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo nalang ng deretso Kenotz. Wag mong masyadong pahirapan ang saliri mo.” Ang nakangiti nitong sabi na ang tingin ay nasa akin.

His incomparable smile made my heart beat so fast. Hindi ko maikakailang ang ngiti niya ay nabibigay kuryente sa aking buong katawan. Isa sa maraming magandang katangian nito ang kanyang ngiti. Iyon ang ngiting hindi mo magagawang matangihan.

“Natulala ka na naman.” Basag nito sa akin.

Agad akong nagbawi nang tingin sa kanya. Kahit anong pigil ko sa aking damdamin para kay Martin ay lagi parin akong bigo. Nakakatakot, oo natatakot ako dahil nararamdaman ko na hindi ko na kaya pang kontrolin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Palagi kong ipinapasok sa kokote ko na bestfriend ko siya at kahit kailan ay hindi matutugunan ni Martin ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi umaasa sa tuwing magpapakita ito nang pagpapahalaga sa akin.

“Dahan-dahan lang.” Ani nito at kinuha sa akin ang hawak kong baso.

Sa sobrang pagiisip patungkol sa nararamdaman ko ay hindi ko na napansin na sunod-sunod na pala ang paginum ko.

Pinatay  nito ang pinapanood namin kahit hindi pa man ito tapos saka siya humarap sa akin. Seryoso itong bumaling sa akin. Bakas sa mga mata nito ang pagaalala at pagkalito.

“May problema ka ba na hindi mo sanasabi sa akin Kenotz?” May himig ng pagaalala nitong sabi.

“Wa–”

“Huwag mong sabihin sa akin na wala. Alam kong may bumabagabag sayo, gustuhin ko mang tanungin ka patungkol sa bagay na iyon ay hindi ko magawa dahil hindi ako makakuha nang pagkakataon. Masyado kang mailap sa mga nagdaang araw sa akin Kenotz, at mas pinipili mo pa’ng lumabas kasama ang mga bago mong kaibigan. May problema ka ba? May problema ba tayo?” Mahaba’t seryoso nitong sabi.

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko kasi akalain na mapapansin nito ang ginagawa kong simpleng pagiwas sa kanya. Isang rason kong bakit napagdesisyonan kong mag-celebrate ngayon ay dahil gusto kong bumawi sa kanya. Dumistansya ako sa takot na baka hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko pero huli na ako. Ako rin ang hindi nakatiis na lumayo.

“Siguro naman may karapatan akong malaman kung anu man iyang bumabagabag sa iyo di ba? Mag-bestfriends tayo at nakatira tayo sa iisang bahay. Nangako tayo sa isa’t isa na walang lihiman di ba? Na magtutulugan tayong ayusin ang anu mang problemang meron ang bawat isa.” Wika pa nito.

Tama siya, iyon ang pangako namin sa isa’t isa unang araw palang namin sa ipunupahan naming apartment. Pero paano ko sasabihin na siya mismo ang problema ko? Paano ko sasabihin sa bestfriend ko ang tunay na nararamdaman ko sa kanya? Kaya ko ba ang isugal ang pagkakaibigan namin?

“Ken?” Wika nito nang hindi ako tumugon sa kanya.

“H-Hindi ko alam kung paano ko sasabihin Matt.” Nakayuko at mahina kong sabi. Iyon naman talaga ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.

Nabigla nalang ako nang yakapin niya ako. Hindi agad ako nakagalaw, para akong na estatwa sa ginawa niyang iyon.

“Wag kang matakot na sabihin sa akin. Nandito lang ako Kenotz, katulad ng lagi mong ginagawa sa akin.” Madamdamin nitong wika.

Namuo ang mga luha sa aking mga mata sa narinig mula sa kanya. I guess this is my limit. Hindi ko na kaya pang i-contain sa sarili ko ang nararamdaman ko sa bestfriend ko.

Nagpakawala ako nang mahinang buntong hininga para ihanda ang sarili ko.

“M-Mahal kita Matt. S-Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kung mali pero hindi ko pala kaya. Maniwala ka, hindi ko ginusto itong nararamdaman ko Matt.” Mahina kong sabi kasabay ng tuluyang pag-agos ng masaganang luha sa aking pisngi. Nakatulong din siguro sa aking pagamin ang epekto nang iniinum namin.

Katahimikan. Ang mga hikbi ko lamang ang tanging maririnig sa loob ng apartment na iyon. Lalo akong napaiyak dahil wala akong narinig na pagtugon mula kay Martin at marahil ay ito na rin ang katapusan ng pagkakaibigan namin.

Malungkot oo, pero tama na siguro ito para matigil na ang nararamdaman ko. Ilang taon ko ring kinimkim ang nararamdaman kong ito.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap ni Martin sa akin marahil sa pagkabigla. Akmang kakalas na sana ako sa pagkakayakap niyang iyon nang muling higpitan nito ang pagkakayakap niya sa akin.

“Wag.” Ang mahina nitong sabi.

Anong ibig niyang sabihin? Anong ibigsabihin nito? Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment