Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (07)

by: Zildjian

Hindi niya alam kung bakit biglaan siyang napaamin sa kanyang mga kaibigan. Siguro ay dahil sa sobrang pagkataranta niya sa ginawang pagtawag ni Dave sa kanyang kapatid. Ayaw niyang masali ito sa kalokohan ng mga ito dahil oras na mangyari iyon, paniguradong hindi lang siya uulanin ng tukso nito kung hindi baka magkuwento pa ito sa kanyang ina. Isang napakalaking problema kapag nangyari iyon.

Binitawan ni Nico ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.


“Tawagin mo si Dave, Alex. Sabihin mong bumalik na siya rito.” Agad namang tumalima si Alex para puntahan ang kasintahan nito. Ilang sandali lang ay kasama na nga nito ang kasintahan na ngingisi-ngisi sa kanya.

“Kailangan ka lang pa lang takutin para magsalita.” Ani ni Dave nang makalapit na ang mga ito sa kanila.

Impit siyang napamura. Naisahan siya ng mga ulupong niyang kaibigan.

“Now Maki, ano iyong sinasabi mong mga nangyayari sa’yo na hindi mo na maintindihan?” Pagpapabilik ni Nico sa usapan.

“Hindi niyo talaga ako tatantanan, `no?” Asar niyang tugon dito.

“Sagutin mo na lang ang tanong.” Ani naman ni Lantis.

Pambihira! Mukhang wala talagang balak ang mga itong palusutin siya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nasimulan lang naman din niyang mangumpisal, bakit hindi na lamang niya lubos-lubusin? Baka matulungan pa siya ng mga itong mahanapan ng kasagutan ang mga gumugulo sa kanya.

Nagpakawala siya ng buntong hinginga.

“Hindi ko alam kung selos ba itong nararamdaman ko. At kung selos man ito, hindi ko naman alam kung para saan. Kung nagseselos ba ako sa atensyon na ibinibigay niya sa Janssen na iyon o nagseselos ako na may ibang tao na siyang pinag-aaksayahan ng panahon. Either way, alam kung hindi na normal ito. That’s why I opted to just let him do whatever he wants. Dahil alam kung kapag lalo ko pa siyang itinali sa akin, lalo lamang magiging kumplikado ang lahat.”

“So, are you saying that you’re setting him free `cause of the confusion you’re suffering now?” Kapagkuwan ay wika ni Lantis.

“Hindi ako confused!” Protesta niya. “Ayaw ko lang ng sakit sa ulo kaya ko siya hinayaan na lamang. Besides, kung selos nga itong nararamdaman ko, malamang ay selos ng isang matalik na kaibigan lang ito. Walang romantic feeling na involve.”

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga ito.

“Walang duda, siya na talaga ang hari ng mga denial.” Wika ni Dave kapagkuwan na sinangayunan naman ng magagaling niyang kaibigan sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.

“Hindi ako denial, `no!”

“ Hindi raw.” Nang-uuyam na wika ni Dave. “Eh, hindi mo nga makagawang deretsahang aminin sa amin na nagseselos ka.”

“Anong magagawa ko, eh, hindi ko sigurado sa sarili ko kung nagseselos nga ako.” Alma naman niya.

“Sige ganito.” Pagsali naman ni Alex. “Para malaman natin talaga ngayon kung selos nga ba o hindi iyang nararamdaman mo, isang tanong ang gusto naming sagutin mo.”

“Anong tanong naman iyan?” He asked curiously.

“Ano ang naramdaman mo nang makita mo si Jay na nagpapa-cute kay Janssen?”

“Ano bang klaseng tanong iyan, Alex? Syempre nainis. Ikaw ba hindi na inis sa hayagang paglalandi ni Jay? Nakuha pa nilang mag-holding hands sa harap natin. Tapos may pasubo-subo pa silang nalalaman. Anong tingin nila sa bahay tamabayan natin, luneta park?” Ewan ba niya, basta kapag na-aalala niya ang senaryong iyon, biglang umiinit ang ulo niya.

Sa muling pagkakataon ay nagpalitan ng makahulugang tingin ang kanyang mga kaibigan bago ang mga ito bumaling sa kanya.

“What?” Untag niya sa mga ito.

“You’re jealous, Maki.” Wika ni Alex.

“And?” Alam niya kasing may idurogtong pa ito base sa ekspresyon ng mukha nito.

“And we think hindi lamang basta selos ng isang kaibigan na nangungulila ng atensyon ang nararamdaman mo kung hindi selos ng isang taong nagmamahal. You’re in love with Jay, Maki,” Seryosong pagdurogtong nito.

Natawa siya ng pagak.

“Nagpapatawa ka `di ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kahit kailan ay hindi ma-uuwi sa isang romantikong relasyon ang pagkakaibigan namin ni Jay.” Nalulula na siya sa paulit-ulit na pagsasabi ng mga katagang iyon sa mga ito.

“Sige nga, sabihin mo kung bakit imposible.” Naghahamon namang pagsali ni Nico.

“Dahil hanggang doon lang ang kaya naming maibigay sa isa’t isa.” Deretsahan niyang sagot.

Mataman siyang tinitigan ni Nico bago ito napa-iling.

“No. You’re just speaking for yourself, Maki. Dahil sa pagkaka-alam ko, walang ganyang paniniwala si Jay. Ikaw lang ang nagbigay ng limitasyon sa relasyon niyo.”

“Anong gusto mong palabasin, Nico?”

“That you’re afraid to admit it to yourself that you were in love with Jay for so long. At ngayong may kakumpetensiya kana sa atensyon niya, kusa nang lumalabas ang mga itinatago mong damdamin para sa kanya.”

“Kalokohan!” Protesta niya. Hindi niya magawang tanggapin ang mga sinasabi nito dahil may kung anong takot siyang nararamdaman. Kung para saan iyon, ay hindi niya alam.

“Ikaw lang din ang mahihirapan sa ginagawa mong pagdi-deny, Maki. Sooner or later, kusang lalabas ang katotohanan at kapag nangyari iyon, sana hindi pa huli ang lahat sa’yo.” Ani naman ni Alex.

“Bakit niyo ba pinagsisiksikan sa akin ang bagay na iyan? Kaya siguro ako nakakaramdam ng kung anu-ano ay dahil sa mga kagagawan ninyo. Pilit niyong isinisiksik sa akin na may nararamdaman ako kay Jay na kakaiba. Ginugulo niyo ang isipan ko.”

“Huwag mo kaming paratangan ng ganyan, Maki. Sinasabi lang namin ang kung ano’ng nakikita namin.” Ani naman ni Nico.

“Mukhang seryoso `ata iyang pinag-uusapan niyo, ah.”

Pare-pareho silang napabaling sa nagsalita.

“Tita, kayo po pala.” Bati ng kanyang mga kaibigan sa kanyang ina.

“Hindi ko naman siguro kayo na estorbo.” Nakangiting wika nito sa kanyang kaibigan.

“Naku, hindi po.” Ang nakangiting wika ni Alex. “Siya nga po pala, ang sarap ng sisig at calamares niyo tita. Wala pa rin kayong kupas pagdating sa pagluluto.”

“Mabuti naman at nagustohan niyo. Ang tagal niyong hindi na dalaw rito, ah.”

“Naging busy lang po sa mga nakaraang araw.” Tugon naman dito ni Nico.

“Teka, bakit parang kulang `ata kayo? Nasaan si Jay?” Kung may paborito man ito sa kanyang mga kaibigan, iyon ay si Jay. Likas kasing magaling mang bola ang kababata niyang iyon kaya nakuha talaga nito ang loob ng kanyang mama at papa.

“Darating po iyon. Medyo nahuli lang dahil may iba pang pinagkaka-abalahan.” Ani naman ni Lantis.

“Pati si Jay ay nahawa na rin sa pagiging abala niyo, ah. Hala sige, maiwan ko muna kayo para naman maituloy niyo na ang pinag-uusapan niyo. Mag-enjoy lang kayo, ha.” Wika nito saka bumaling sa kanya. “Maki, kung wala na kayong pulutan, puntahan mo lang ako sa loob.”

“Sige ma.”

Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa muli itong makapasok sa loob ng bahay.

“Mukhang botong-boto ang mama mo kay Jay, ah.” Ngingisi-ngising wika ni Dave kapagkuwan.

Agad niya itong binalingan.

“Tigilan mo ako Dave. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo.”

Lalo lamang lumapad ang ngisi nito.

“Naging pikunin kana yata ngayon, Maki. Ano ang nangyari sa palaging kalmado mong image?”

“Ibinaon ko na sa hukay.” May pagkapikon niyang tugon. “Asan na ba ang Jay na iyon? Hinakot niya ba ang lahat ng laman ng bahay nila at hindi pa siya nakakarating dito? Darating ba siya o hindi?”

“On the way na raw sila.” Si Alex.

Malaki ang pagbabagong naganap kay Maki sa gabing iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili, basta na lamang siyang naging iritado na kahit ang mga simpleng hirit ng kanyang mga kaibigan ay agad siyang naiirita at napipikon. Kanina ay ayos naman ang mood niya pero pagkatapos ng mga isinambulat ng kanyang mga kaibigan, para siyang biglang nabahala na hindi naman niya matukoy kung para saan.

Paulit-ulit na parang sirang plaka sa kanyang isipan ang mga pinagsasabi ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naging konklusyon ng mga ito nang ibahagi niya ang gumugulo sa kanyang isipan. Batid niyang walang katotohanan at isang napakalaking kalokohan ang mga sinabi ng mga ito pero bakit hindi niya magawang ignorahin ang mga iyon? At bakit may kung ano siyang takot na nararamdaman sa kanyang sarili?

Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagka-asar dahil halos mag-iisang oras na simula ng makatanggap si Alex ng text galing kay Jay na papunta na ito ay hindi pa rin ito dumarating. Ngayon lang ito na late sa usapan nila at ngayon lang din sila pinaghintay nito ng gano’n katagal.

“Maki?”

Bahagya pa siyang nagulat sa pagtawag na iyon sa kanya ni Lantis.

“Huh?”

Nangunot ang noo nito sa kanya.

“Lasing kana ba? Pambihira ka, kanina pa kami nagsasalita rito pero mukhang hindi ka naman nakikinig.”

“Malamang si Jay ang dahilan ng pagkatulala niya ngayon.” Halatang nang-aasar na wika naman ni Dave.

Pinukol niya ito ng masamang tingin.

“Isang pang-aasar pa Dave galing sa’yo at lalasunin na kita.” May pagbabanta niyang sabi rito.

“Hindi na yata maganda ang mood mo, ah.” Pagpansin naman sa kanya ni Nico.

“Akala mo lang iyon.” Tugon niya naman dito. “So, ano ang sinabi mo kanina Lantis?”

“Never mind. Tinamad na akong ulitin pa ang mga sinabi ko. Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa gagawin nating pakikipag-partnership kina Alex at Nico. Mukhang hindi kana man makausap ng matino. Sinasayang ko lang ang laway ko.”

“Ngayon na.” He insisted.
                                                                   

“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Maki.” Sabat ni Nico. “Hindi biro ang gagawin niyong pag-invest dahil isusugal natin ang mga pera niyo. Kaya dapat lang na pag-usapan natin ito ng mabuti para maiwasan nating magkagulo. Ayaw kong pera lang ang magiging dahilan ng pagkasira-sira natin.”

“Tama si Nico, Maki. Ipagpabukas na lang natin ang paksang iyan. Sa ngayon, gawin na lang muna nating normal ang gabing ito para sa ating lahat.” Pagsang-ayon naman ni Alex.

Hindi pa man siya nakakatugon ng biglang pumarada sa tapat ng bahay nila ang itim na Ford na pagmamay-ari ni Jay.

“Ayan na pala sila.” Ang wika ni Lantis.

Napakunot-noo siya nang hindi si Jay ang bumaba sa may driver’s door kung hindi si Janssen.  Ang pagkaka-alam niya, ay mahal na mahal ng kanyang kababata ang sasakyan nito na halos hindi nito ipagkatiwala sa iba ang pagmamaneho.

“At mukhang may driver na ang hunghang, ah.” Pagpansin naman ni Dave. “Siya ba ang Janssen Velasco na sinasabi niyo?”

“Yep! Siya nga wala ng iba pa.” Tugon dito ng kasintahan nito.

Bumaling si Dave sa kanya na may nakaguhit na nakakagagong ngisi sa mukha nito.

“Hindi na ako magtataka kung bakit threatened ka sa isang `yan.”

“Ano ang pinagsasabi mo?” Nakakunot-noo naman niyang tugon dito.

“Wala naman.” Ngingisi-ngising naman nitong wika.

Inignora niya si Dave at ang pang-aasar nito. Kahit naman ano ang gawin niyang saway dito ay hindi rin niya ito mapipigilan. Renzell Dave is the craziest person he ever met. Kay Alex lamang ito tumitino.

Muli niyang ibinalik ang kanyang pansin sa mga bagong dating na sa mga oras na iyon ay papasok na sa gate nila. Hindi niya maiwasang pansinin ang ngiting abot tenga na nakaguhit sa mukha ng kanyang kababata habang naka-akbay dito ang kasama nito.

“Marami na ba kaming na-miss na usapan?” Bati sa kanila ni Jay.

“You’re late.” Sita niya rito sa iritadong tinig. Hayon na naman kasi ang kakaibang damdaming nagpupumilit na umapaw sa kanyang buong pagkatao.

Napakamot ito sa batok.

“Hinintay ko pa ––”

“Sorry pare, ako ang may kasalanan kung bakit kami na late.” Ang biglaang pagsabat ni Janssen. “Hindi ko kasi namalayan na nakatulog pala ako matapos naming ayusin ang mga gamit ni Jay.”

“Hindi ko alam na nakakapagod na pala ngayon ang paglalagay ng damit sa cabinet.” Ngingisi-ngisi namang pagsali ni Dave sa usapan. “Baka naman may ginawa pa kayong kapagod-pagod kaya ka nakatulog ka pare.” Dagdag pa nito. Wala talaga itong pinipiling tao kapag tinamaan ito ng pagiging maligalig.

“`Wag mong pansinin ang sinabi nitong kumag na `to Janssen.” Nakangiting wika naman ni Alex. “By the way, this is Renzell Dave Nievera, ang maligalig kong boyfriend. Dave, meet Janssen, ang lover ni Jay.”

Mula sa pagkaka-upo ay tumayo si Dave. Naglahad ito ng kamay kay Janssen.  Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya itong unang nakikipagkamay. Renzell Dave is a proud person. At dahil iyon sa pagiging successful bachelor nito at kabi-kabilang offers ng mga modelling agencies dito.

“Ikaw pala si Janssen Velasco. Nice meeting you pare.” Nakangiti nitong pagbati.

“Hindi naman siguro ikaw ang Renzell Dave Nievera na siyang nagpapalakad ng Nievera’s Land holding company and one of the stock holders ng Alberto’s chains of  hotels.”

“Ako nga iyon wala ng iba. Bakit, hindi ba kapani-paniwala na isang gwapong tulad ko ang boss mo?” Nakangising wika nito.

Nagulat siya sa narinig. Hindi lamang siya kung hindi pati ang kanyang mga kaibigan ay nagulat din. Maski ang kasintahan nitong si Alex ay halatang hindi rin inaasahan ang ang narinig sa kasintahan nito.

“Empleyado mo siya Dave?” Ang hindi makapaniwalang naisatinig ni Jay.

“Nope, hindi ko siya empleyado but I’m one of his bosses. Sa Alberto’s hotel siya sa cebu nagta-trabaho  and he’s under Ace’s father supervision. Tama ba ako?”

“Y-Yes sir.” Ang tila biglang kinabahang tugon dito ni Janssen.

Tumawa ng malakas si Dave. Sinasabi na nga ba niyang may dahilan kung bakit ito unang naglahad ng kamay, eh. Gusto nitong gulatin si Janssen. Ano pa nga ba ang in-expect niya sa maligalig na boyfriend ng kaibigan niya.

“C’mon, drop the formality. You’re not directly under to me kaya p’wedi mo akong hindi tawaging sir. Na-curious lang ako ng mabanggit ka sa akin ni Alex. Your name is familiar to me kaya pinatingnan ko sa records. ” Tatawa-tawa pang wika ni Dave. Halatang nag-enjoy ito sa nakitang pagiging-uneasy ni Janssen.

Pansin pa rin ang pagiging-uneasy nito kahit pa man sa kabila ng mga sinabi ni Dave. Sino nga ba naman ang hindi magiging-uneasy kung isa sa mga boss mo ang biglaan mong makakaharap. Hindi niya alam kung bakit, pero may tuwa siyang naramdaman sa ginawang power-trip dito ni Dave. Ikinatuwa niya ang nakitang pagiging-uneasy nito pero syempre, hindi niya iyon pinahalata.

“Maupo na kayo.” Ang wika naman ni Nico sa mga ito. “Marami na kayong hahabuling tagay.”

Akmang uupo na sana si Jay sa tabi ng kasama nito nang bigla siyang magsalita.

“Jay, puntahan mo muna si mama sa loob at ipaalam mong narito kana. Kanina pa naghahanap iyon sa’yo.”

Napabaling si Jay sa kamasa nito na animoy nagpapa-alam rito. Bigla na namang sumiklob ang kakaibang damdaming pilit na kumakawala sa kanyang sistema.

“Hindi ka aabutin ng sampong taon sa loob ng bahay kaya p’wedi mo munang iwan sa amin si Janssen.” `Di na niya naitago ang inis. Bakit ba kailangan pa nitong magpa-alam sa bawat gagawin nito? Hindi na ba ito makakakilos ng walang pahintulot mula sa syota nito?

“Oo nga Jay, puntahan mo muna si Tita at kanina ka pa niya hinahanap. Kami na lang muna ang bahala kay Janssen.” Si Alex.

“Okey lang ako dito. Sige na, pumasok ka muna sa loob.” Ani naman ni Janssen dito.

“Okey sige. Saglit lang ako.” Tugon naman ni Jay dito na sinamahan pa ng isang napakatamis na ngiti.

Ang landi! Naibulalas niya sa kanyang isipan.

Mula nang makabalik si Jay galing sa loob ng bahay ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o kahit man lang batiin. Lahat ng atensyon nito ay nasa kasama nito at sa pagku-kwento nito sa ginawang paglilipat kani-kanina lang. Pati ang mga paglalambingan ng mga ito ay walang pag-aatubiling ibinahagi sa kanila ng kanyang magaling na kababata na kung tutuusin ay wala naman silang pakialam.

“So, HRM graduate ka pala, Janssen.” Wika ni Lantis matapos isalaysay ni Jay ang kursong tinapos nito. “Paano ka naman nakapasok sa Alberto’s hotel?”

“Yeah, HRM graduate ako. Doon ako nag-OJT kaya nang maka-graduate ako ay agad akong in-absorb ng kumpanya nina sir Dave.” Halata pa rin dito ang pagiging uncomfortable sa presensya ng isa sa mga boss nito. Mukha ngang lalo pa iyong nadagdagan nang walang prenong ikuwento ni Jay ang mga paglalambingang ginawa nito kanina. Ngunit hindi naman nito kinontra ang kanyang kaibigan.

“I told you not to call me sir.” Ani naman ni Dave.

“Ilang taon ka na bang nagta-trabaho doon?” Ani naman ni Nico.

“Kung tama ang bilang ko, almost 4 years na.”

“Nice. Kaya pala nabigyan ka ng mahaba-habang leave.” Si Nico.

“Dave, tungkol sa bagay na iyan.” Biglang wika ni Jay. “Magagawan mo ba ng paraang madagdagan ang leave ni Janssen?”

Kita niya kung papaano ito pasimpleng kinalabit ni Janssen. Marahil ay ito ang nahiya sa pabor na ginawa ng walang kasing tamad niyang kaibigan.

“Huwag mo siyang turuang maging slacker tulad mo, Jay.” Biglang pagsabat niya sa usapan. “He has a reponsability to the company he’s into.”

Doon lang nabaling ang tingin nito sa kanya.

“Gusto ko lang namang ––”

“P’wedi kong gawin iyon.” Ang pagputol ni Dave kay Jay.

Napabaling siya dito na may hindi makapaniwalang tingin. Sa pagkaka-alam niya mula sa kasintahan nito. Si Dave ang tao na kapag ang trabaho ang pinag-uusapan ay mahigpit ito. Kaya nga ito naging isa sa mga successful bachelors sa henerasyon nila ay dahil doon. Hindi nito tinu-tolerate ang mga walang kwentang leave o kung anu pa mang katamaran ng mga empleyado nito.

“Talaga?” Ang halatang natuwang wika ni Jay.

Sinalubong ni Dave ang kanyang tingin at gumuhit dito ang isang nang-aasar na ngiti. Ngayon, alam na niya ang rason nito. Gusto lamang siya nitong asarin. Gusto nitong tuluyan ng maubos ang kanina pa niyang tinitimping inis. At masasabi niyang nagtagumpay ito sapagkat tuluyan na nga siyang na-asar.

“CR lang ako.” Bigla niyang wika nang makatayo siya.

“Oh? Hindi ba’t kagagaling mo lang doon?” Ngingisi-ngising sabi naman ni Dave.

“Wala kang pakialam.” Iyon lang at iniwan na niya ang mga ito.

Naasar siya. Hindi sa ginawang pang-aasar sa kanya ni Dave kung hindi sa kanyang sarili. Bakit ba siya masyadong nagpapa-apekto? Ano naman ngayon kung nasa kay Janssen na ang buong atensyon ni Jay? Ano naman sa kanya kung hindi na siya ang kinukulit at ibinibida nito?

“Tangina!” Ang kanyang naibulalas kasabay ng pagpapakawala niyang ng isang malakas na suntok sa semintadong dingding ng kanilang banyo.

“Sabi ko naman sa’yo hindi ba? Hindi mo kayang maitago habang buhay ang tunay na nararamdaman mo. Admit it Maki, nagising na ni Janssen ang matagal mo nang damdamin kay Jay.”

Nalingunan niya si Nico na nakasandal sa pintuan ng kanilang palikuran. Sinundan pala siya nito.

“Hindi ito p’wedi.” Ang nagmamatigas pa rin niyang sabi. “Hindi ako p’weding mahulog sa kanya.”

“Iyan din ang sinabi ko noong malaman kong mahal ko pala si Lantis. And believe me, habang pinipigilan mo ang katutuhanan sa puso mo, lalo ka lamang mahihirapan, Maki.”

“Ano ang gagawin ko?” He asked helplessly.

“Tanggapin mo sa sarili mo na hindi na bilang isang kababata o isang kaibigan ang nararamdaman mo sa kanya.”

“Paano? Ni hindi nga ako ang taong gusto niya.” Iyon marahil ang takot na nararamdaman niya. Natatakot siyang aminin sa sarili niya ang katotohanan dahil takot siya sa katotohanang hindi siya ang taong kinahuhumalingan nito.

“Then make him, Maki. Hindi nga ba’t iyan ang talent mo? To make anyone do what you wanted them to. Kung nagawa mo sa amin ni Lantis iyon, nasisiguro kong magagawa mo rin iyan sa’yo.”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment