Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (13)

by: Zildjian

“Pinaalalahanan na kita noon Maki, that you should take control of your temper.” Ani ng kanyang kaibigang si Nico.

“Ikaw ba, hindi kaba ma-aasar kung malalaman mo na kung anu-ano na pala ang iniisip sa’yo ng isang tao? Inaakala niyang takot akong gapangin niya. Na wala akong tiwala sa kanya. Syempre kailangan kong depensahan ang sarili ko. Alanganan namang hayaan ko na lang siya sa mga iniisip niya sa akin.” Pagpapaliwanag naman niya.

“Pero hindi mo pinag-isipan ang mga sinabi mo.”


Oo aaminin niyang hindi nga niya pinag-isipan ang kanyang mga sinabi. Kusa iyong namutawi sa kanyang bibig. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may ginawa siyang isang bagay na hindi niya pinag-isipan at iyon ay dahil kay Jay.

“Nawalan ako ng kakayahang mag-isip.”

“Well, that’s new. Kailan ka pa nawalan ng kakayang mag-isip? Hindi ba’t ikaw sa ating lima ang tipong hindi basta-basta nagpapadala sa sitwasyon? The great mediator and at the same time manipulator is now out of control.”

“Stop mocking me Nicollo.” May pagbabanta niyang sabi.

Tumawa ito ng nakakaloko at napa-iling.

“Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang pakikibaka mo kay Jay. Ngayon lang kita nakitang na-paranoid ng husto.”

“At ikinatutuwa mo pa talaga ang nangyayari sa akin.” Nakasimangot niyang tugon rito.

Ngumisi ito sa kanya.

“Hindi naman gaano. Anyway, ano ang naging reaksyon ni Jay sa mga sinabi mo?”

Muling nanariwa sa kanyang isipan ang naging reaksyon ng kanyang kababata pagkatapos nitong marinig ang tunay na dahilan ng hindi niya magandang mood kanina. Halatang hindi rin nito inaasahan ang wala sa plano niyang pag-amin dito sa kanyang tunay na saloobin.

“He got shocked.” Ang matamlay niyang naitugon.

“And?”

“Hindi ko alam Nico. Hindi siya nag-react. Pero alam kung nagulat siya. Nakita ko sa mga mata niya iyon kanina. That’s why I’m here. Kailangan ko ang tulong niyo.”

Hindi na talaga niya maitago ang pagkabalisa. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kanyang isipan at lahat ng iyon ay hindi paborable sa kanya. Sinisisi rin niya ang kanyang sarili kung bakit hinayaan niyang magpadala siya sa kanyang nararamdaman.

Napatingin ito sa kanyang ng tuwid.

“Kami ang gagamitin mo para malaman mo kung ano ang naging dating kay Jay ng mga sinabi mo? Hindi iyon kasama sa pinag-usapan natin Maki, baka nakakalimutan mo. Mangengealam lamang kami kapag hindi na sakop ng kakayahan mo ang sitwasyon at sa nakikita ko ngayon, kaya mo pa naman gawin iyon. Bakit hindi mo gawin?”

“Dahil natatakot ako.” Deretsahan niyang pag-amin.

Napapalatak ito.

“Such a proud man you’re Maki. Ayaw mong ikaw mismo ang kumumpronta sa kanya dahil natatakot kang harap-harapan niyang i-reject. Tama ba ako?”

“Wala akong makitang dahilan para sagutin ko iyan. Nandito ako para humingi ng tulong hindi para mangumpisal sa’yo. Ano, matutulungan mo ba ako?” Seryoso niyang sabi.

“Defensive.” Nakangiti nitong sabi. “Asan siya ngayon?”

“Nasa bahay.Nagpaalam lang ako na may isusumete akong proposal sa’yo. Kailangan ko ng tulong niyo, Nico. Hindi na ako mapakali at hindi ko na rin alam kung papaano ako magsisimula ng usapan sa kanya. After what had happened earlier, hindi ko na alam kung papaano ko siya ita-trato.”

Totoo iyon. Matapos ng wala sa planong pag-amin niya kanina, parang may isang hindi makitang pader ang nabuo sa pagitan nila ng kababata. Lalo na nang wala siyang makuhang tugon mula rito. Halo-halo ngayon ang kanyang nararamdaman; pagkabalisa at ibayong takot.

“Go home, Maki. Umuwi ka at harapin mo si Jay.”

“Nico?” Ang nagulat niyang wika. Hindi ba nito narinig ang mga sinabi niya?

“Kahit ano man ang naging pag-intindi ni Jay sa mga sinabi mo ay dapat hinaharap mo iyon. Huwag mong katakutan iyon dahil `yon ang matuturo sa’yo sa kung ano ang susunod mong magiging hakbang.”

“Hindi mo ako naiintindihan Nicollo. Hindi gano’n kadali ang gusto mong mangyari. Paano kung ––”

“Kung gusto mo talagang makuha si Jay, ibaba mo iyang pride mo.” Pagputol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Dahil iyan ang magiging dahilan ng pagkatalo mo, Maki.”

Habang nagmamaneho ay hindi pa rin makapaniwala si Maki na tinanggihan siyang tulungan ng isa sa kanyang matatalik na kaibigan. Hindi rin niya makuha ang punto nito at kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga huling salitang binitiwan nito.

Oo aaminin niyang ma-pride siyang tao at isa sa mga dahilan kung bakit takot siyang harapin si Jay ay dahil doon. Ngunit masisisi ba niya ang sarili niya? Mali bang protektahan niya  ang kanyang damdamin mula sa katotohanang hindi siya ang taong minamahal ng kanyang kababata?

Dammit!

Kung sana ay napigilan niya kanina ang sarili, hindi sana siya namumuroblema ngayon ng husto. Ano na ngayon ang gagawin niya? Uuwi siya sa kanila at haharapin si Jay? Paano kung magtanong ito kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga nasabi niya kanina rito? Si Jay pa naman ang tipo ng tao na hindi titigil hanggat hindi nito nakukuha ang gusto nito.

Habang papalit ng papalit siya sa kanila ay siya namang lalong pagtindi ng kabang kanyang nararamdaman. Ano nga ba ang sasabihin niya kay Jay kung sakaling usisain siya nito? Magagawa kaya niyang ipagtapat dito ang lahat? At kung magawa man niya iyon, matatanggap ba niya ang sasabihin nito? Kanina nga lang, nang makita niya ang pagkabigla sa mukha nito at nang hindi ito muling nagsalita ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ano pa kaya kung maririnig niya mismo rito ang mga salitang ayaw niyang marinig?

Sinira talaga ng mga sinabi niya kanina ang lahat ng plano niya. Ngayon tuloy ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang p’wedi niyang gawin. Kung kaya pa nga ba niyang magawan ng paraan ang lahat.

Dumating siya sa kanilang bahay na abot langit ang kabang nararamdaman. Nagtatalo ang kanyang isipan kung bababa ba siya o tatakbo na lamang. Pero iyon nga ba ang nararapat? Ang takbuhan niya ang kanyang nasimulan? Hindi nga ba’t iyon naman talaga ang plano niya. Ang masabi kay Jay ang kanyang nararamdaman?

Iyon nga ang plano ko pero hindi sa ganitong paraan. Binigla ko siya.  Naisambit niya sa kanyang isipan.

Nabasag lamang ang kanyang pagmumuni-muni nang may kumatok sa bintana ng kanyang kotse. Kunot-noo siyang napabaling.

“Diyan mo ba balak matulog kuya? Gusto mo bang dalhan kita ng kumot at unan?” Ang nakangising wika ng kanyang kapatid nang maibaba niya ang bintana.

“Huwag kang mang-asar Ely ganitong pagod ako.” May pagbabanta naman niyang tugon dito. “Si mama nga pala asan? Nakapaghapunan na ba kayo?”

“High-blood lang?” Ang` di pa rin natitinag nitong pang-iinis sa kanya. “Si mama ba talaga ang hinahanap mo o ang future… hmmmm.. Ano nga ba ang dapat itawag kay kuya Jay? Future wife o husband?”

“Ely!” Pambihira talaga itong kapatid niya. Heto na nga’t hindi na magkamayaw ang kabang nararamdaman niya ay inaasar pa siya nito.

“Chillax kuya!” Ang ngingisi-ngisi nitong wika. “Masyado ka yata ngayong pikunin. Yep, kumain na kami. Nasa loob na ng kani-kanilang k’warto sina mama at kuya Jay. Mukhang  napagod ng husto ang isang iyon. Ni hindi nga masyadong nakakain, eh. Teka, Ano pa ba ang ginagawa mo at hindi kapa bumababa ng sasakyan mo?” Ang nangungulit dagdag.

“Nagtatago sa mga taong tulad mo na walang pakundagan ang bibig.” Sarkastiko naman niyang tugon rito.

“Ouch, ha! Nakakasama ka ng loob!” Nakalabi nitong wika.

Napailing siya. Bakit ba napapaligiran siya ng mga taong puro sakit ng ulo ang hatid sa kanya at matindi ang sira sa pag-iisip? At nasa loob na pala ng k’warto nila si Jay at kung hindi siya nagkakamali, kausap na naman nito ang kanyang karibal.

Buti pa ang Janssen na iyon. Ang kanyang naisatinig sa kanyang isipan.

“Pumasok kana sa loob Ely, gusto ko munang mapag-isa.” Pagtataboy niya rito. Gusto muna niyang pakalmahin ang sarili para makapaghanda siya kung sakaling may mangyayaring kumprontasyon sa kanila ni Jay.

“Suplado ka talaga kaya walang nagkakamaling makipagrelasyon sa’yo.” Nakasimangot nitong tugon.

“Whatever.”

“A piece of an advice kuya, kung gusto talagang makuha ang gusto mo, you better change your attitude fast. Dahil diyan ka dihado.” Ang wika nito bago siya tuluyang iwanan.

Hindi makapaniwalang napasunod siya ng tingin rito. May kahintulad kasi ng mga sinabi nito ang mga huling salitang binitiwan sa kanya ni Nico. Ang ibig sabihin ba niyon ay tama ang kanyang kaibigan? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi siya ang minahal ng kanyang kababata?

“Itinatama ko lang ang mga maling ginagawa niya.” He protested to his thoughts. Iyon naman talaga ang totoo, gusto lang naman niyang mapabuti ito kaya niya ginawa ang lahat ng iyon.

Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo. Mababaliw siya ng tuluyan kung ipagpapatuloy niya ang pakikipagtalo sa kanyang isipan. Walang mali sa pagtrato niya rito noon at hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi niya nakuha ang loob nito.

Bumaba siya ng kanyang sasakyan. Kung kumprontasyon ang magaganap sa muli nilang paghaharap ni Jay ay wala na siyang pakialam. Mas mainam na siguro iyon para magka-alaman na sila. Tutal, nasimulan na rin lang naman niyang umamin rito, lulubus-lubusin na niya. Masyado na siyang pinapahirapan ng sobrang pag-iisip and he had enough.

 Ngunit taliwas sa kanyang mga inaasahan ang kanyang nabungaran pagkapasok niya ng kanyang k’warto . Naroon nga si Jay ngunit imbes na kaulayaw ang cellphone nito ay paharap sa pader na itong nakahiga sa kanilang pinagsasaluhang kama.”

“Paki patay ng ilaw kapag tapos kana.” Hindi niya alam kung dala lang ba sa masyado niyang pag-iisip ang nahimigan niyang lamig sa tono ng boses nito.

“Nagising ba kita?” Pinilit niyang ginawang kaswal ang kanyang boses kahit sa loob loob niya ay nagririgodon na ang kanyang puso sa ibayong kaba.

Naghintay siya ng pagtugon rito subalit mag-iisang minuto na lamang ay hindi pa rin ito nagsasalitan.

“J-Jay?” Ang kinakabahan niyang untag dito.

“Maaga pa tayo bukas, Maki. Mabuti pa ay matulog kana rin.”

Napakunot noo siya sa pagtataka. Bakit gano’n? Bakit ang lamig ng dating ng boses nito sa kanya? Ito na ba ang kanyang kinakatakutan? Magbabago na ba ang pakikitungo nito sa kanya?

“Magpapalit lang ako.” Ang kanyang naisatinig kahit pa man nakaramdam siya ng matinding panlulumo. Inasahan na niya ang gano’ng reaksyon dito kaya nga takot siyang makaharap ito pero ang hindi niya inaasahan ay ang magiging dating niyon sa kanya.

So he was right after all. Ang hindi nito pagtugon sa kanya kanina matapos ang kanyang aksidenteng pagsambulat ng kanyang tunay na nararamdaman dito ay hindi dahil sa pagkabigla nito kung hindi sinadya nitong hindi magbigay ng kahit na ano mang kumento dahil hindi nito iyon nagustohan. At aaminin niya, nasaktan hindi lamang ang pride niya kung hindi pati ang kanyang buong pagkatao.

Pumasok sa kanyang isipan na lumabas sa k’wartong iyon at lumayo muna rito pero ayaw niyang magmukhang kawawa at lalong maramdaman na isa siyang talunan kaya naman minabuti niyang manatili kahit sa kabila ng lahat.

Sabihin ng ma-pride siyang tao pero hindi niya hahayaang makita nito sa kanya na nasaktan siya nito. Tama na ang ginawa niyang pag-amin at pagbubukas ng kanyang tunay na saloobin kanina. Hindi na ulit mangyayari pa iyon.

“Pagpasensiyahan niyo na iyang mga pasalubong ko, ha. Si Renzell Dave kasi, napakatamad pagdating sa pamimili. Gustong palagi lang nakahiga.”

“Hindi naman kasi robot ang isang `yon. Imagine, dalawang kumpanya ang pinamamahalaan niya. He needs rest sometimes.” Ani naman ni Lantis.

“Sabagay. Pero sayang din kasi ang tatlong araw namin doon. Halos naubos lang namin sa hotel. Teka, asan nga pala si Jay? Hindi ba siya pupunta rito ngayon?”

Kasalukuyan siyang naroon sa coffee shop na ngayon ay masasabi niyang parte na rin siya kasama ang kanyang mga kaibigan maliban kay Jay. Nagkatanggap kasi sila ng text galing kay Alex na naroon ito sa lugar nila matapos ang tatlong araw nitong bakasyon sa Hongkong kasama ang kasintahan nito.

“Tanungin mo si Maki, nasa iisang bahay lang naman sila.” Ani ni Nicollo.

Napabaling nga sa kanya si Alex.

“Ah… Eh… Hindi ko naitanong sa kanya kung pupunta ba siya rito ngayon.” Ang nahihirapan niyang tugon.

“Paanong hindi mo alam?” Takang tanong sa kanya ni Alex.

Hindi siya nakasagot. Paano ba niya sasabihin dito ang sitwasyon nila ngayon ng isa nilang kaibigan?

“Nangyari na ang kinakatakutan mo, Alex.” Tugon dito ni Nico. “Mag-aapat na araw ng may namumuong gap sa pagitan nilang dalawa. And it was all thanks to Maki’s pride” May bahid ng sarkasmo pa nitong dagdag.

“Ako na naman ang sinisisi mo.” Alma niya.

“Bakit, mali ba ako? Ang problema sa’yo ay hindi ka marunong tumanggap ng payo Maki. Sinabi ko na sa’yo noon pa na walang patutunguhan kung paiiralin mo iyang pride mo hindi ka pa rin nakinig. At imbes na kausapin mo siya para magkaliwanagan kayo ay heto’t nakikipagmatigasan ka pang lalo sa kanya. Now, look at what is happening. Nasa iisa nga kayong bubong pero daig niyo pa ang hindi magkakilala kung i-trato niyo ang isa’t isa.”

“Ikaw, ano ang gagawin mo kung pagkatapos mong makapagtakat ng wala sa oras ay panlalamig ang makukuha mo sa taong pinagtapanan mo? Ang pride ko na lang ang meron ako ngayon para matagalan `tong nangyayari sa amin tapos gusto mo pang ibaba ko? Bullshit!”

Hayon at tuluyan na ngang sumabog ang kanyang tinitimping galit sa nagdaang araw. Oo, aaminin niyang masyado siyang apektado ngayon sa nangyayari sa kanila ni Jay ngunit hindi niya magawang isatinig o ipadama iyon dito. Ayaw niyang makita nito na apektado siya sa ginagawa nitong cold treatment sa kanya dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon ay lalo siyang lalabas na talunan.

“So, hahayaan mo na lang na  masira ng tuluyan ang samahan niyo ni Jay gano’n?” Ang naghahamon namang sita sa kanya ng kanyang kaibigan. “Napakaduwag mo!”

Napatayo siya sa huling tinuran nito.

“Teka teka.” Ang naguguluhang saway ni Alex sa kanila saka ito bumaling kay Lantis na tahimik lang na naka-upo sa tabi ng kasintahan nito. “P’wedi bang ikaw ang magpaliwanag sa akin sa nangyayari. Bakit nag-aaway ang dalawang `to at anong pinagsasabi nitong si Maki?”

Nagpakawala ito ng buntong hininga bago tumugon.

“Maki lost his temper three days ago and he accidentally confess to Jay.”

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa kanya ni Alex.

“Ginawa mo iyon?”

“Ngayon, iniisip niyang ang panlalamig ni Jay sa kanaya ay dahil hindi nito nagustohan ang ginawa niyang pagtatapat o mas tamang sabihin na iniisip niyang it was Jay’s way of rejecting him.” Pagpapatuloy ni Lantis.

“Bakit, may iba pa bang ibig sabihin ng panlalamig niya sa akin?” Wika naman niya.

“Ikaw, ano ang naramdaman mo nang aksidenti kang nagtapat sa kanya? `Di ba naguluhan at nalito ka kong papaano mo siya itra-trato? Hindi ba pumasok sa isip mo na baka gano’n din ang naramdaman ni Jay after hearing your epic confession kaya hindi ka niya magawang harapin?” Kunot-noong wika sa kanya ni Nico.

Hindi siya nakapagsalita. Hindi pumasok sa kanyang isipan ang gano’ng posibilidad.

“Sige nga Maki, ano sa tingin mo ang rason ni Jay kung bakit hanggang ngayon ay sa inyo pa rin siya tumutuloy kahit sa kabila ng nangyayari sa inyo ngayon?” Pagpapatuloy ni Nico.

“Ano nga ba?”

“Dahil kahit na natatakot siya sa p’wedi niyang malaman ay nangingibabaw pa rin ang pagkagusto niyang masiguro na nangyari nga ang ginawa mong pagtatapat sa nararamdaman mo. Bakit? Dahil may parte kay Jay na umaasang nangyari nga ang lahat kahit tumatanggi ang isang parte ng kanyang puso na pagmamay-ari ni Janssen.” Si Nico.

Totoo ba ang mga pinagsasabi nito? Nagtatalo ang isipan niya kung paniniwalaan niya ang mga iyon. At kung maniniwala siya, magagawa ba niya ulit na sabihin kay Jay ang mga sinabi niya noong araw na mawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili?

“You don’t have all the time in the world, Maki. Hindi makakasira sa’yo kung ibaba mo ang pride mo at tatanggapin sa sarili mo nagkakamali ka rin. Tao kalang, at natural lang sa tao ang magkamali.”

“Hindi ko alam.” Ang wala sa sarili niyang naitugon.

“Anong hindi mo alam?” Kunot-noong tanong naman sa kanya ni Alex. “Huwag mong sabihing ngayon kapa aatras. Tapusin mo ang naumpisan mo, Maki. At tuparin mo ang pangako mo sa amin na hindi mo isasakripisyo ang pagkakaibigan nating lima.”

“Sa tingin niyo ba ay may pag-asa pa ako? Apat na araw na lang ang natitira sa akin at hindi pa kami nagkakasundo ngayon.” He asked helplessly.

Nagkatinginan ang mga ito. Animoy hindi makapaniwala na nanggaling ang sa kanya ang mga salitang kanyang binitawan. Hindi niya masisisi ang mga kaibigan, hindi pa nangyari sa tanang buhay niya ang mawalan ng pag-asa.

“Pwedi pa.” Si Lantis ang sumagot sa kanya. “Kailangan mo lang baguhin ang style mo.”

Nagtatakang tingin ang ibinigay niya rito.

“Be the Maki that Jay used to have. Ang Maki na kababata niya.”

“What do you mean?” Kunot-noo niyang tanong rito.

“Minsan ay napag-usapan ka namin ni Jay noong highschool pa lang tayo, naikuwento niya sa akin ang pagiging maalaga mo sa kanya at kung papaano mo siya itrato na para bang siya daw ang pinaka-importanteng tao sa’yo. He was too proud of it.”

Binalikan niya ang araw na sinasabi nito sa kanyang isipan.

Ipinilit ng kanyang mga magulang na mapag-aral siya sa isang pribadong eskwelahan. Naging tampulan siya ng tukso mula sa kanyang mga ka-klase dahil hindi niya masabayan ang magagarbong bag at baon ng mga ito. Walang sumubok na makipagkaibigan sa kanya sa unang tatlong buwan niya roon.

Isang araw, habang nagkakagulo ang kanyang mga ka-klase at nagpapayabangan ng kanya-kanyang baon ay may ipinakilala sa kanila ang kanilang guro. Isang batang nagtataglay ng napaka-among mukha.

“Ito si Jay, ang bago niyong magiging ka-klase. Nag-transfer siya dito sa school natin dahil mas malapit ito sa bagong bahay nila.” Pagpapakilala ng kanilang guro sa batang nakatayo sa tabi nito.

May sinabi pa dito ang kanilang  guro bago ito nagpalinga-linga para maghanap ng ma-uupuan. Nang makita nito na bakante ang pangdalawahang upuan niya ay humakbang ito sa kanyang dereksyon.

“P’wede bang tumabi” Nakangiting pagpapa-alam nito sa kanya.

“Tutuksuhin ka nila kapagtumabi ka sa akin.”

“Bakit naman?” Takang tanong nito.

“Hindi kasi ako mayaman kaya tampulan ako ng tukso.  Kaya nga umiba ng upuan ang dati kong katabi, eh.”

Nagpalinga-linga ulit ito kaya inakala niyang naghahanap ito ng ibang ma-uupuan subalit nagulat na lamang siya nang walang pasabi itong umupo sa kanyang tabi at ngumisi ng nakakaloko.

“Kapag tinukso nila tayo, pagtulungan na lang natin silang bugbogin. Tutal, mas malaki naman tayo sa kanila, eh.”

“Bawal `yon. Papagalitan tayo ng titser natin.”

“Eh, `di sabihin natin na tinutukso nila tayo kaya natin sila binugbog.” Nakangiti nitong tugon.

Napapantastikuhan siyang napatitig rito.

“Gusto mo ng chocolate? Ang wika nito kapagkuwan saka inilahad sa kanya ang maliit nitong kamay para abutan siya. “Mga paborito ko iyan bili sa akin ng papa ko para lang pumayag akong pumasok sa ngayon.”

Atubili niyang tinanggap iyon.

“Ano pangalan mo?” Tanong nito sa kanya.

“M-Maki.”

“Maki? Ang ikli naman ng pangalan mo.” Malapad ang ngiti nitong sabi.

“Iyong sa’yo rin naman, ah.”

“Kaya nga, eh. Gusto mo pahabain natin ang mga pangalan natin?”

“Paano?” Inosente niyang tanong.

“Ulitin lang natin para humaba. Tulad ng pangalan mo, Maki. Para humaba gawin nating Maki-Maki at iyong sa akin naman dahil  Jay ang pangalan ko, gagawin nating Jay-Jay . Ayos ba?”

Simula ng araw na iyon na nakilala niya ang madaldal na bago nilang ka-klase ay nagbago ang buhay niya sa eskwelahang nila. Nagkaroon siya ng kaibigan sa katauhan nito at ito ang naging kasangga niya sa sa mga mapanukso nilang mga ka-klase. Prinutektahan niya ito at pinatunayan na hindi ito nagkamali ng makipagkaibigan ito sa kanya.

“Papaano ko nagawang makalimutan ang lahat ng iyon?” Kapagkuwan ay wika niya pagkatapos niyang balikan sa kanyang ala-ala ang lahat.

“Mukhang may mga ala-ala kang binalikan, ah.” Ang nakangiting wika sa kanya ni Lantis. “So?”

“Gagawin ko. I will bring back some of our memories.” Ang biglang pagbabalik ng kanyang kumpyansa.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment