by: Zildjian
“Hindi ka ba mag-aalmusal anak?
Nagluto ako ng paborito mong agahan.” Ang bungad sa kanya ng kanyang ina nang
pagbuksan niya ito ng pintuan.
“Hindi pa po ako nagugutom. Bababa na
lang ako mamaya.” Walang gana naman niyang tugon rito.
Mataman siya nitong pinagmasdan, bakas
ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang ina para sa kanya.
“I’m
fine ma, huwag kayong masyadong mag-alala sa akin.” Kahit siya ay hindi
kumbinsido sa kanyang sinabi. How can he be okey after what happened?
“I know you’re not fine anak, I’m your
mom, alam ko kung kailan ka okey at kung kailan hindi. Care to tell me what
happened?” Bakas ang pag-aalala nito para sa kanya.
“I’m okey ma. Bababa rin ako
mamaya.” Ang tila tinatamad niyang
tugon.
Sa pangalawang pagkakataon sa buhay
niya ay muli siyang nakaramdam ng matinding lungkot at disappointment. Pero
ngayon, mas matindi pa sa una ang
nararamdaman niya, kasi umasa siya. Umasa siyang magiging okey na ang lahat sa
kanila ng taong pinili ng puso niyang ibigin.
Ilang araw na ang nagdaan simula ng
umalis si Lantis na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Sa ilang araw na iyon
ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang hanapin ito. Bumalik pa siya sa
probinsiya ng yaya nito nagbabakasakaling naroon ulit ito ngunit nabigo lamang
siya.
Maski sa bahay nito na nasa tapat
lamang nila ay hindi niya pinalampas, nagbabakasakaling baka umuwi ito roon.
But again, nabigo lamang ulit siya. Ayon sa katulong na nakausap niya, ilang
buwan na raw na hindi umuuwi si Lantis doon at ang mga magulang naman nito ay
lumuwas ng Manila.
Hindi niya maiwasang hindi makaramdam
ng matinding pagtatampo para rito. Oo, nagtatampo siya kay Lantis ngunit hindi
lamang iyon simpleng pagtatampo sapagkat pakiramdam niya ay pinaasa lamang siya
nito.
“Nicollo ––.”
“I said I’m fine right? Please, huwag
niyo na lang muna akong isturbohin. Bababa ako kapag nagutom ako.”
Nakita niya kung papaano gumuhit ang
sakit sa mata nito dahilan para makadama siya ng konsensiya. Hindi tamang
idamay niya ang kanyang mga magulang sa pagkabigong nararamdaman.
“I’m sorry.” Mahina niyang tugon dala
ng magkahalong hiya at pagsisisi. His mom only wanted to help him, to comfort
him sa kung anumang dinadala niya ngayon pero hayon at pati ito ay
pinagsungitan pa niya.
“Ano’ng nangyayari sa ’yo anak? Bakit
biglaan ulit ang pagbalik mo sa dati? Bakit, inilalayo mo na naman ang sarili
mo sa amin?” Ang sunod-sunod nitong tanong.
Lalo lamang siyang nakadama ng
matinging kirot sa kanyang puso sa nakitang sakit sa mga mata ng kanyang ina.
Hindi niya sinasadyang saktan ito. Siya man, hindi niya gusto ang nararamdaman
niya sa mga oras na iyon sapagkat muli na naman siyang kinakain ng kanyang
damdamin.
“Hayaan niyo na lang po muna ako.
Maayos ko rin ulit ito.” Tugon niya at agad itong pinagsarhan ng pinto sapagkat
ayaw na niyang makita pa itong nasasaktan.
Sa loob ng kanyang silid hindi niya
mapigilan ang magpakawala ng isang malakas na mura dala ng matinding
paghihinagpis kasabay ng pagpakawala ng kanyang mga luha.
“Bakit ka umalis ng walang paalam?
Tingnan mo ang nangyayari sa akin ngayon. Ito ba ang gusto mo? Ito ba ang
parusa mo sa akin sa mga nagawa kong pagkakamali noon sa ’yo?” Ang hindi niya
maiwasang maisatinig.
Nagising si Nicollo nang marinig niya
ang pag-iingay ng pusang isa sa mga dahilan ng pagkatuklas niya sa kanyang
tunay na damdamin sa dati niyang kaaway.
Sa sobrang pagmumukmok ay hindi na
niya napansin na nakatulog na pala ulit siya. Ilang araw na ba siyang hindi
nakakatulog ng tama? Ilang araw na ba na halos wala siyang ibang ginawa kung
hindi hanapin ang taong iniwan siya ng walang paalam? At ilang araw na ba
niyang napabayaan ang kanyang negosyo?
Inabot niya ang kanyang alarm clock na
nasa side table malapit sa kanyang higaan. Pasado alas-dose na pala ng tanghali.Nagpasya
siyang bumangon kahit mabigat ang kanyang katawan. Pinulot niya ang pusang
walang patid pa rin sa pag-iingay.
“Nagugutom ka na siguro, noh?”
Pagkakausap niya rito. “Pasensiya ka na pati ikaw na walang kasalanan ay
nadamay pa.”
Muli na naman niyang naramdaman ang
kakaibang kirot sa kanyang puso when memories of him and Lantis flooded in his
mind habang nakatingin sa pusang laging sanhi ng kanilang pagbabangayan noon.
“Kung alam ko lang Karupin na ang
kapalit pala ng pagbabalik niya sa ’yo sa akin ay ang pagkawala niya, sana pala
hindi na lang kita tinanggap. Baka sakaling hindi siya umalis kung iyon ang
ginawa ko.”
Oo, ngayon naiintindihan na niya kung
ano ang ibig sabihin ng mga pinakitang kabaitan sa kanya ni Lantis no’ng huli
silang magkita. Iyon ang paraan nito para magpaalam sa kanya na lalo lamang
nagpapasama ng kanyang loob.
“That monster.” Wala sa sariling wika
niya. “Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong pigilan siya.
Napaka-unfair niyang gumanti.”
Nagpasya na siyang bumaba para
pakainin ang nagugutom na pusa. Hindi niya ito p’wedeng pabayaan dahil ang
pusang ito ang nagpapaalala sa kanya sa taong halos mabaliw siya sa sobrang
pangungulila.
“Nico, p’wede ba tayong mag-usap,
anak?” Biglang wika ng kanyang ama na kapapasok lang sa kusina. “As your
father?”
Hindi na siya nakaiwas pa nang lumapit ito sa
kanya.
“Nasabi na sa akin ng mama mo ang
tungkol sa inyo ni Lantis at tanggap ko iyon. Wala sa akin kung sino ang pinili
mong mamahalin, ang importante masaya ka. Dahil tulad ng mama mo, hangad ko
lamang na makitang nakangiti ang anak ko.”
Kung tutuusin ay dapat makadama siyang
tuwa sa narinig mula rito pero sa halip, nag-iwas siya ng tingin sapagkat
nakaramdam siya ng hiya sa ipinakita niyang muling pangbabalewala sa mga ito sa
mga nagdaang araw. His parents truly love him. They already proved that to him
ngunit dala ng kanyang nararamdaman sa biglaang pagkawala ni Lantis ay hindi
niya sinasadyang masaktan ang mga ito.
“Alam kong may kinalaman si Lantis sa
nangyayari sa ’yo ngayon. But son, narito na kami. Hindi ka na nag-iisa tulad
noon. We’re your parents Nicollo, hindi man namin naipadama sa ’yo ang pagiging
magulang namin noon, handa naman kaming bumawi ngayon. Huwag mo sana kaming
itaboy ulit anak.”
Dama niya ang pagmamahal ng isang
magulang sa bawat salitang binitawan nito. At tama ito, hindi niya dapat
sinasarili ang problema niya dahil hindi na tulad noon ang buhay niya. Hindi na
siya ang Nicollo na nag-iisa. He now have his parents who are willing to comfort
him tuwing masama ang loob niya sa isang bagay.
“Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin
ko Pa.” He said helplessly. “I thought we’re fine. I thought nagkakaintindihan
na kami. Pero iniwan niya ako bigla.”
Yes, he knew he had to share his burden.
Kailangan niyang may mapagkuwentuhan para kahit papaano mailabas niya ang
hinanakit na meron sa kanyang puso.
“Ikuwento mo sa akin ang lahat anak,
baka sakaling makatulong ako.” Puno ng pang-uunawa namang turan ng kanyang ama.
Ikinuwento niya nga rito ang lahat ng
nangyari sa kanila ni Lantis. Mula sa pagbabangayan nila hanggang sa matuklasan
niya ang damdamin niya para rito. Wala siyang itinira, wala siyang itinago
dahil gusto niyang mailabas lahat. Gusto niyang mabawasan ang bigat na
nararamdaman niya at ang kanyang ama ang naging outlet niya.
“He loves you.” Kapagkuwan ay wika
nito nang matapos niyang maisalaysay ang lahat.
“Then why did he leave me hanging like
this?” Punong-puno ng pait niyang naitanong.
“He left for some reason anak, and I’m
sure that he will be back. Di ba siya pa ang nagsabi sa ’yong babalik siya para
kunin sa ’yo si Karupin? You just have to wait for him, para masagot niya lahat
ng katanungan mo ngayon.”
“Hanggang kailan ako maghihintay Pa?
Ang hindi niya maiwasang maitanong sa sobrang pangungulila.
“Hanggang balikan ka niya.” Nakangiti
nitong tugon.
Malaki ang naitulong sa kanya sa
nangyaring pagsisiwalat niya ng kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang ama.
Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang nararamdaman sa biglaang pagkawala ni
Lantis.
He decided to continue his life while
waiting for Lantis to return. Naisip niya, kung ito nga ay nagawang maghintay
ng ilang taon para mapansin niya, siya pa kaya? Lalo pa’t sa mga ilang araw na
pagkawala nito doon niya nasiguro sa kanyang sarili that he’s really madly in
love with the person who he once used to hate.
“Welcome back.” Ang bati sa kanya ng isa sa mga kaibigan
niya, si Alex at s’yempre nakabuntot na naman dito ang dakila nitong
kasintahan.
“Yeah, pasensiya ka na kung napabayaan
ko pansamantala itong negosyo natin.” Hinging paumanhin naman niyang tugon
rito.
“Wala iyon, naiintindihan ko naman ang
pinagdaanan mo. So, kamusta? Nagsawa ka na bang halughugin ang buong mundo
kakahanap kay Lantis?”
“Ang hirap maghanap ng nawawala, noh?
Ganyan din ang sinapit ko noon dito kay Maldita.” Nakangisi naman wika ni Dave.
“Kasalanan mo iyon kung bakit ka
nahirapan kaya huwag kang rerekla-reklamo diyan.”
“Sabi ko nga, kasalanan ko.”
Natawa na lamang siya sa kulitan ng
dalawa. Pinagpapasalamat niya ang pag-intinding ipinakita sa kanya ng kanyang
mga kaibigan ng pansamantala siyang mapariwara. He was very lucky indeed to
have them as his friends.
“Hindi mo ba hahanapin ngayon si
Lantis?” Pagbabalik ni Alex sa usapan.
Nginitian niya ito.
“I’ve decided to just wait for him. If
he needs some space, then I’m willing to give that space to him. Dito lang ako,
hihintayin ko siya.” Seryoso niyang sabi.
Kita niya ang pagpapalitan ng
makahulugang tingin ng magkasintahan bago muling bumaling sa kanya si Alex.
“You really did change a lot Nicollo.”
Ang napapatango nitong wika habang nakaguhit ang ngiti sa mukha nito.
“Yeah, because I have to. Para sa mga
taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin.”
“Kasama ba kami diyan?” Ang biglang
singit naman ng kapapasok lang na si Jay kasama si Maki. “Mahal ka rin kaya
namin.”
“Sang-ayon ako riyan.” Dagdag naman ni
Maki. “Teka, ano pala ang topic?”
Natawa na lang siya. Hindi na talaga
yata magbabago ang pagiging abnormal ng mga kaibigan niyang ito at iyon ang isa
sa mga rason kung bakit pinili niyang mapabilang sa mga ito. Because when he’s
with them, nababawasan kahit papaano ang mga dinadala niya sa buhay at ang matinding
pangungulila niya kay Lantis.
Bandang alas-singko ng hapon nang
isa-isang magpaalam ang kanyang mga kaibigan dahil may importante pa raw na
gagawin ang mga ito. Siya at ang kanyang mga tauhan ang naiwan sa coffee shop.
Pasado alas-syete-y-media nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina at
sinabing hihintayin siya ng mga ito para sabay-sabay silang maghapunan.
Habang binabagtas ang daan ay may kung
ano siyang kakaibang naramdaman. Excitement? Hindi siya sigurado pero kakaiba
ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating
siya sa harapan ng bahay nila at hindi nakatakas sa kanya ang mga sasakyan ng
kanyang mga kaibigan na nakapark sa labas ng bahay nila.
Bakit sila narito? Ang hindi niya
maiwasang maitanong sa kanyang sarili dala ng pagtataka.
Rinig niya ang malalakas na tawanan ng
kanyang mga kaibigan mula sa loob ng kanilang bahay nang makababa siya ng
kanyang sasakyan. Napakaiskandaloso talaga ng mga ito. Ang ipinagtataka pa niya
ay wala naman siyang maalalang okasyon sa araw na iyon.
Para masagot ang mga katanungan niya
ay minabuti na lamang niyang pumasok at napakunot na lang ang kanyang noo nang
makita ang mga kaibigan niya na masayang nagkukuwentuhan sa kanilang sala.
“What the hell are you all doing here?
Akala ko ba may mga importante kayong lakad?” Bungad niya sa mga ito.
“Mabuti naman at dumating ka na.”
Nakangising wika ni Maki. “Akala namin malilipasan na lang kami ng gutom ‘di ka
pa darating.”
Napataas ang kanyang kilay. Bakit
parang pakiramdam niya ay napagkaisahan na naman siya?
“Narito ka na pala.” Ang pagsabat ng
kanyang ina. “Mabuti naman at parating na rin ang iba pa nating bisita.”
“Bisita?” Hindi niya maiwasang
maitanong dala ng pagtataka. “Anong okasyon?”
Nakita niyang napabungisngis ang
kanyang magagaling na kaibigan kaya binalingan niya ang mga ito.
“At kayo, bakit hindi niyo sinabi sa
akin kanina, na dito pala ang IMPORTANTENG lakad ninyo? Iniwan pa ninyo akong
mag-isa roon sa shop.” Pagbibigay diin niya sa salitang importante.
“Hindi ba namin sinabi?” Maang-mangan
namang wika ni Dave saka binalingan ang iba pa niyang kaibigan. “Hindi ba natin
nasabi sa kanya?”
“Hindi.” Ang nagkakaisang tugon naman
ng mga ito.
“Naku, pasensiya ka na. Mukhang sobra
‘ata kaming na-excite kaya hindi na namin naalalang sabihin sa ’yo na dito kami
papunta.” Ngingisi-ngising wika ni Dave.
Napapalatak siya sa tinuran nito na
maski ang kanyang ina ay hindi napigilang matawa. Walang kupas talaga itong mga
kaibigan niya pagdating sa kalokohan at nasisiguro niyang sinadya ng mga itong
hindi siya sabihan.
Biglang may kumatok sa kanilang
pintuan at dahil hindi pa siya gaanong nakakalayo rito ay siya na ang nagbukas.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang
magiging reaksyon nang mapagbuksan niya ang mga magulang ni Lantis at ang dati
nitong yaya kasama si Popoy. Ngunit ang talagang kumuha ng pansin at naging
dahilan ng pagrigudon ng kanyang puso ay ang taong nasa likod ng mga ito na
nakangiti sa kanya.
“Kamusta bastard?” Ang wika nito sa
kanya. “At kamusta si Karupin ko?”
“L-Lantis!” Halos nauutal niyang sabi.
“Mabuti naman at dumating na kayo.”
Wika ng kanyang ina mula sa kanyang likuran na sa sobrang pagkagulat niya ay
hindi niya napansin na nakalapit na pala sa kanya. “Nakahanda na ang hapag,
tuloy kayo.”
Hindi pa rin siya natinag sa
pagkakatayo sa harap ng pintuan dala ng sobrang pagkabigla na ang taong ilang
araw niyang pinaghirapang hanapin ay ngayon nasa harapan na niya.
“Nico, anak, hindi mo ba sila
padadaanin?” Ang wika ng kanyang ina. Doon lamang siya biglang natauhan.
“P-Pasensiya na po. P-Pasok ho kayo.”
At dali-dali siyang nagpasingtabi.
Sa unang pagkakataon ay napuno ang
upuan ng mahaba nilang mesa dahil sa isang sorpresa na hindi niya alam kung
sino ang may pakana. Hanggang sa hapag ay hindi pa rin niya maiwasan ang
maguluhan sa mga nangyayari.
Mataman lamang niyang sinusundan ang
bawat galaw ni Lantis. Mula kanina sa pagpasok nito sa loob ng kanilang bahay
hanggang sa makaupo ito sa hapag-kainan.
“Mabuti na lang at naihanda ko ang mga
pagkain sa oras. Salamat sa inyo mga, iho.” Ang nakangiting wika ng kanyang ina
na ang tinutukoy ay ang kanyang mga kaibigan.
“Wala ho iyon Tita.” Ang magkakasabay
namang wika ng mga ito.
Napakunot-noo siya dala ng pagtataka.
Hindi niya maintindihan o mas tamang sabihin na hindi niya masakyan ang mga
nangyayari.
“Gusto kong magpasalamat sa inyo.” Ang
biglang sabat naman ng papa ni Lantis. “Lalo na sa ’yo Nicollo. Kami ng asawa
ko ay lubos na nagpapasalamat sa iyo.”
“H-Hindi ko po kayo maintindihan.” Ang
pagsasabi niya ng totoo dahil talaga namang naguguluhan siya sa mga nangyayari.
“Ako na ho ang bahalang magpaliwanag
sa kanya.” Ang nakangiting sabat naman ni Lantis saka ito tumayo at lumapit sa
kinauupuan niya. “Mauna na ho muna kayong kumain at mag-uusap lang kami ni
Nico.”
Sa duyang gawa sa kahoy sa labas ng
bahay nila siya dinala ni Lantis.
“What is happening?” Hindi niya
maiwasang maitanong rito. “Ano ang ibig sabihin ng papa mo? Saan ka galing?
Bakit mo ako biglang iniwan na hindi ka nagpapaalam? At bakit pati sina Aling
Melissa at Popoy narito?”
“Ang dami namang tanong.” Nakangiti
nitong sabi na ikinataas ng kanyang kilay.
“Isa-isahin natin para klaro. Maupo ka
rito sa tabi ko.” At hinila siya nito paupo sa duyan.
“Galing ako ng Manila, pinuntahan ko
ang totoo kong ama doon kasama sina Mommy at Daddy. Nang matanggap ko sa sarili
ko ang mga pagbabagong nangyari sa’yo, inisip ko na siguro ako rin dapat ko na
ring simulang ayusin ang buhay ko. Kaya tinawagan ko si mama no’ng mismong
gabing maihatid mo ako matapos nating magdinner.”
“Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?”
Ang nagtatampo niyang wika.
Nabigla siya ng i-gap nito ang kanyang
kamay.
“Dahil alam kong magpupumilit kang
sumama. Kilala kita, eh. Kailangan kong ayusin ang mga problemang ako mismo ang
gumawa noon ng mag-isa dahil sabi ko sa sarili ko, kapag hindi ko iyon nagawa,
hindi ako karapat-dapat na mahalin mo.”
Nagtatanong na tingin ang ibinigay
niya rito sa mga narinig.
“Yep, mahal ko pa rin ang taong akala
kong kinamumuhian ko na nang husto. No’ng una, akala ko nakalimutan ko na ang
damdamin ko sa ’yo. Ikaw ba naman ang maghintay na mapansin ng taong gusto mo
simula 1st year high school pa lang kung hindi ka mapagod.” Nakangiti nitong
dagdag.
“Simula 1st year high school?” Ang
hindi niya maiwasang maitanong dahil mas matagal pa pala iyon kesa sa inaakala
niya.
“Yeah, since first year crush na kita
pero mailap ka, eh. At sinimangutan mo pa ako ng unang araw pa lang natin sa
school.”
Naalala niya iyon. That was the time
nang muli silang mag-krus ng landas. Ang batang tinanggihan siyang maging
kaibigan at mas pinili pang pakainin ang aso niya kesa sa kanya.
“Kung crush mo ako since high school
years natin, bakit mo ako laging inaaway?”
Sinimangutan siya nito.
“Dahil iyon lang ang paraan para
pansinin mo ako. Kung hindi kita sinusugod at inaaway, may mangyayari bang
usapan sa atin? ‘Di ba wala?”
Napangiti siya sa isiniwalat nito.
Kung gano’n kaya pala siya nito inaaway noon at inaakusahan ng kung anu-ano ay
para makuha nito ang pansin niya at hindi niya maikakailang nakaramdam siya ng
kiliti sa mga narinig.
“Kung gano’n pati ang pakikipag-agawan
mo sa akin kay Karupin ay paraan mo rin para makuha ang pansin ko?” Nakangiti
niyang tanong.
“Oo, at dahil nagseselos ako sa kanya.
Dahil mabuti pa siya pinapakitaan mo ng maganda samantalang kapag ako ang
kaharap mo ni batiin ako ay hindi mo magawa.”
Unti-unti na niyang naiintindihan
ngayon ang lahat.
“So, kaya mo dinala rito ang Daddy at
Mommy mo kasama sina Aling Melissa at Popoy para ipakita sa akin na handa ka
nang tanggapin ang pagmamahal ko?” Nakangiti niyang tugon.
“’Wag kang praning Nico, kaya ko sila
dinala rito kasi gusto nilang pasalamatan ka.”
“Eh, bakit parang gano’n ang dating sa
akin ngayon ng lahat?” Ngingisi-ngisi niyang sabi lalo pa’t nakikita niya ang
pamumula ng pisngi nito. Kahit kailan talaga ang hirap nitong paaminin.
“Pakiramdam mo lang iyon!” Ang
nagsusungit na naman nitong tugon, saka binitiwan ang kanyang kamay na hawak
nito.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi
nito at nang magtama ang kanilang mga mata ay kinantilan niya ito ng halik sa
labi.
“Minsan, hindi ko na alam ang gagawin
ko sa ‘yo. Masyado kang masungit, palagi kang aburido. Pero gayon pa man ikaw
pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko.”
“Did you just kiss me?” Ang tila wala
sa sarili nitong wika.
“Yep.
Bakit, gusto mo pa?” Nakangisi niyang tanong.
“First kiss ko ‘yon.”
“Ako rin. Ang sarap pala, noh?”
“Di ko alam, ang bilis eh.” Nakangisi
nitong tugon.
“Kung gano’n patagalin natin.” Tugon
naman niya at saka muli niyang inangkin ang mga labi nito.
Sa bawat galaw at pagtugon nito sa mga
halik niya ay dama niya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. His father
was right, mahal siya nito at napatunayan na nito iyon sa ginawa nitong
pagsasaayos sa buhay nito para lamang maging karapat-dapat ito sa kanya.
Hindi niya pinagsisihan ang ilang araw
na nagulo ang mundo niya at lalong hindi niya pinagsisihan ang mahalin ito
sapagkat sa mga oras na iyon dama niya sa kanyang sarili ang kasiyahan na
tanging ito lamang ang may kakayahang magbigay sa kanya.
“I love you.” Ang wika niya nang
maghiwalay ang kanilang mga labi. “Kahit ikaw pa ang pinakamasungit at
pinakaaburidong tao sa mundo hindi pa rin magbabago iyon.”
“I love you too. Kahit ilang araw,
buwan at taon mo pa akong pinaghintay hindi magbabago iyon dahil ikaw lang ang
kaisa-isang taong nagbigay sa akin ng bulaklak na tirik na tirik pa ang araw.”
At sabay silang nagkatawanan.
Sa gabing tuluyan ng nagkasundo ang
kanilang mga puso ay magkahawak-kamay silang humarap sa mga taong malaki ang
naitulong sa kanilang dalawa. Lahat ng mga ito ay masayang tinanggap ang
kanilang bagong relasyon kasama na roon ang kanilang mga kaibigan na siya
palang naging kasabwat ng kanyang magaling na kasintahan.
Magkasama rin nilang kinausap si Popoy
upang pareho nilang pasalamatan ito sa malaking tulong na ibinigay nito sa
kanilang dalawa. Nalaman din niya na isang dahilan kung bakit ito naroon ay
dahil sa naghahanap ito ng trabaho, na kanya naman agad inalok ng walang
pag-aalinlangan.
“Hmmm. Ano ‘yang niluluto mo?” Ang
wika niya habang nakayakap mula sa likuran ng kanyang kasintahan.
Kinabukasan, pagkatapos nilang
magkaintindihan ay agad niyang ipinagpaalam ito sa mga magulang nito para
dalhin sa kanilang beach resort upang mabigyan sila ng panahong dalawa na
makapagsolo. Hindi naman tumutol ang mga ito, sa halip ang mama pa nito ang
naghanda ng mga babaunin nila sa ilang araw na pananatili roon.
“Beef steak, sabi ni Tita ito daw ang
paborito mong ulam, eh.”
Lalo lamang niyang hinigpitan ang
pagkakayakap dito. Walang pagsidlan ang kanyang saya na ngayon, malaya na
nilang naipapakita sa isa’t isa ang mga damdaming dati nilang ikinukubli.
“Pagkatapos nating mananghalian pasok
tayo sa kuwarto, may ipapakita ako sa ’yo.” Ang naglalambing niyang wika habang
binibigyan ito ng mga halik sa batok.
Humarap ito sa kanya na nakataas ang
kilay.
“May binabalak ka bang karumaldumal
Nico?”
“Wala, ah!” He said defensively.
“Unang araw pa lang natin dito
Nicollo, umayos ka.” Nagbabanta nitong sabi.
“Wala naman talaga akong masamang
iniisip, ah. Baka ikaw ang meron.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.
Lalo lamang tumaas ang kilay nito
dahilan para muli niyang angkinin ang labi nito na mukhang nakaadikan na yata
niya dala ng sensasyong hatid ng mga labi nito sa labi niya at sa kanyang buong
sistema.
“Huwag mo akong aawayin, first day
natin bilang magkasintahan ngayon.” Nakangiti niyang wika nang maghiwalay ang
kanilang mga labi.
Natawa na lamang ito at ito naman ang
kumabig sa kanyang batok para bigyan siya ng halik na hindi naman niya
napigilang tugunin. Una ay banayad at puno ng pagmamahal ang mga halik nito sa
kanya. Ramdam ng mga labi niya ang malambot na labi nito.
Their kisses go deeper and deeper.
Habang tumatagal ang pagkakahinang nga mga labi nila ay lalo namang umiinit ang
pakiramdam niya hanggang sa unti-unting magkabuhay ang bagay na nasa pagitan ng
kanyang mga hita.
Unang humiwalay si Lantis.
“Ano iyan?” Takang-tanong nito na ang
tinutukoy ang nakatayo na niyang kaselanan sa loob ng kanyang suot na board
short.
“Ikaw kasi ,eh.” Paninisi niya naman
dito.
“Oh, bakit ako ang sinisisi mo at
bakit parang ang laki naman ‘ata niyan?”
“Ang sarap mo kasing humalik.”
Pag-amin niya. “Pero hindi malaki iyan.”
“Malaki kaya.”
“Hindi nga sabi, eh.”
Napaigtad siya nang dumapo ang kamay
nito doon.
“A-Anong ginagawa mo?”
“Sinusukat ko. Wag kang gumalaw!”
“Wag mo nang sukatin ‘yan maliit lang
‘yan.”
“Anong maliit? Eh ang laki nga nito
tingnan mo, ‘di ko nga mahawakan ng mabuti.”
“Eh paano mo mahahawakan ng mabuti
yan, eh nasa loob siya ng short ko.”
Napasinghap siya at hindi napigilan
makaramdam ng kiliti nang ipasok nito ng walang pag-aalinlangan ang kamay nito sa
loob ng kanyang board short at lalo pa siyang napaigtad ng hawakan nito ang
kanyang kaselanan.
“Oh see, ang laki nga. Sabi sa ‘yo,
eh.”
“Maliit nga ‘yan.” Napapangisi na siya
dahil sa sobrang pride nito, hindi nito alam na naiisahan na niya ito.
“Bakit ba ang kulit mo? Sinabi na
ngang malaki, eh.”
“Ikaw ang makulit, sinasabi na nga
sa’yong maliit lang yan, eh.”
Muli nitong pinisil-pisil ang
hinahawakan pa rin nitong kaselanan niya na para talagang sinusukat nito.
“Ang kulit mo talaga! Bakit ba mas marunong
ka pa sa humahawak?”
Nang mahuli nito ang pagkakangisi niya
ay napakunot ang noo ito.
“Bakit ka nakangisi diyan?”
Pero imbes na sagutin ito ay muli na
lamang niyang inangkin ang mga labi nito na wala naman nitong pag-aalinlangang
tinugon. Hindi na talaga siya nakapagpigil dala ng sobrang pangigigil sa hindi
patatalo niyang kasintahan.
Nang magtatangka na itong bitiwan ang
pagkakahawak sa kanyang kaselanan ay maagap niya itong pinigilan.
“Diyan lang iyan.” Wika niya.
“Nico, ano ang iniisip mo? Nasa kusina
tayo utang-na-loob.”
“Shhh.. Mas magandang dito tayo
magsimula para unforgettable.”
Hindi na niya ito hinayaan pang
makapagsalita. Muli niyang inangkin ang mga labi nito hanggang sa pareho na
silang tupukin ng kani-kanilang mga damdamin para sa isa’t isa. Lihim siyang
nagbunyi nang maramdaman niya na nagsisimula nang igalaw nito ang kamay na
nakahawak sa kanyang pagkatao.
Ang sumunod na nangyari ay isa-isang
naglaglagan sa sahig ang kanilang mga damit at ang mga impit na ungol na lamang
ang maririnig dala ng bawat pagdampi ng kanilang mga labi sa iba’t ibang parte
ng kanilang katawan.
Alam niyang pareho silang baguhan nito
pagdating sa gano’ng bagay pero nang makita niya ang effort na ginagawa nito
mapaligaya lamang siya, lalo lamang niyang minahal ang taong hindi niya lubos
akalain na pipiliin niyang ibigin.
Nasa kasagsagan na sila ng
pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa’t isa nang bigla siyang may maramdaman sa
kanyang paanan.
“Hala, si Karupin pinanunuod tayo.”
Ang naiwika niya nang makita ang pusa na ngayon ay pareho na nilang pag-aari.
“Takpan mo ang mata niya dali! Ikaw
kasi, sabi na sa ’yo na ‘wag tayo rito, eh. Ayan tuloy madudumihan ang isip ni
Karupin.”
Pinulot niya ang walang
kamuwang-muwang na pusa.
“Karupin, doon ka muna sa kuwarto ng
mga Daddy mo, ah. May ginagawa pa kasi kami, mabibitin ako.” Pagkakausap niya
rito saka ito muling inilapag sa sahig.
Pareho silang napatawa ng malakas ng
parang nakaintindi ito sa ginawang pakiusap niya dahil umalis ito ng kusina at
hinayaan silang dalawa.
“Paano ba iyan. Mukhang naintindihan
ako ng anak-anakan natin. Game!” At sa muling pagkakataon, ipinaramdam nila sa
isa’t isa ang kanilang damdamin.
Talagang malaki ang nagagawa ng
pag-ibig para mapagbago ang isang tao. Tulad niya at ni Lantis, ang pag-ibig
nilang dalawa para sa isa’t isa ang nagbigay daan para tuluyan nilang harapin
ang mga problemang dati nilang tinatakbuhan. Dahil para sa kanila, para sa
kanya, hindi mo maibibigay ng buo ang sarili mo sa isang tao hangga’t hindi mo
nagagawang pakawalan ang mga gumugulo sa puso’t isipan mo.
People can change. Nasa tao lamang
iyon kung gusto niyang magbago o mananatili siya sa mga anino ng masasama o
mapapait niyang nakaraan. Iyon ang natutunan niya nang simulan niyang mahalin
si Lantis at naniniwala siyang marami pa siyang p’wedeng magawa para sa ikasasaya
ng taong minamhaal niya.
Ito ang simula ng magkasama nilang
paghahabi ng magagandang alalang babaunin nila sa pagtahak sa hinaharap. Mga
alaalang patuloy na magbibigkis at magpapatibay sa kanilang dalawa sa anumang
unos na darating sa kinabukasan, kasama ng kanilang pamilya at mga malalapit na
kaibigan.
-----Wakas------
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment