Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (Finale & Bonus): Book 2

by: Lui

Magkasamang nanood ng concert ni Symon sina James at Bryan. Madalas ay magkahawak pa sila ng kamay habang pinapanood ang kaibigan na nagpe-perform. Pero nang magsalita na si Symon para ipakilala ang isa sa kanyang mga guest, napasandal si James sa upuan at bumitaw mula sa pagkakahawak ni Bryan sa kanyang kamay.

“What’s wrong?” ang tanong ni Bryan sa kanya.

“You know who I’m talking about. Clap your hands for the one and only, Shaun!” Tilian ang mga tao at inilabas na ng mga fans ang banner ng pangalan ni Shaun habang nakatingin si Bryan sa mga mata ni James. Gumiya ang huli patungkol sa pag-entra ni Shaun sa stage at napangiti naman si Bryan dahil dito.


“Awww. Selos na naman ang James ko. Tama na, ha? Okay na tayo diba?”

“Sorry.” Muling hinablot ni Bryan ang kamay ni James at hinawakan ito ng mahigpit. Hinalikan niya pa ito sa pisngi. Hindi na nila naintindihan ang mga sinabi ni Shaun at napansin na lang nila na nagsisimula na itong kumanta. Kinilatis ni James si Shaun at hindi naman siya nagtataka kung bakit nahulog ang loob ni Bryan dito.

Natapos na ang una niyang kanta. Malakas ang naging palakpakan. Maging si James ay pumalakpak. Nang muling magsimula itong kumanta ay nagtama ang kanilang mga tingin. Napansin ni James na pasimple siya nitong nginitian kaya sinuklian niya rin ito ng isang ngiti. May pagka-slow rock ang kinakanta ni Shaun na  ipinagmalaki niyang sinulat niya.

Sa kalagitnaan ng kanta ay medyo naintindihan na ni James ang pinatutunguhan ng kanta ni Shaun. Patungkol ito sa isang lalaki na nagmahal ng tunay pero ang taong kanyang minahal ay may iba na. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya rito at lalo pa itong tumindi at gusto niyang ipaglaban. Nang muling dumako si Shaun malapit sa kanilang kinauupuan ay tiningnan ni James si Bryan. Nakatingin ito kay Shaun. Nagpapalit-palit ang tingin ni James mula kay Bryan papunta kay Shaun. Parang may kung anong koneksyon ang dalawa na hindi niya maputol nang mga oras na iyon.

Pasimple niyang niluwagan ang higpit ng kanyang pagkakahawak sa mahigpit ring hawak ni Bryan sa kanyang kamay. Tuwing ginagawa niya kasi iyon ay lalong humihigpit ang hawak ng huli. Pero nang mga oras na iyon ay walang naging reaksyon ang mga kamay ni Bryan. Hanggang sa tuluyan na niyang naihiwalay ang kanyang kamay mula rito. Umiiling-iling na lang siya habang pinapanood ang dalawa.


Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ni Symon matapos ang maikling engkwentro kay Shaun sa backstage. Pero isinantabi niya muna ito sa loob ng halos isang oras hanggang sa matapos na ang kanyang concert. Nang magpaalam siya sa audience ay dali-dali siyang tumakbo papunta sa dressing room.

“Get the car.” ang mahinahon niyang utos sa PA.

“Sy, you’re supposed to have an interview for the late night news.”

“No. Get the car. I wanna go home.” Nang puntong iyon ay pumasok si Tony sa dressing room niya na para bang okay lang ang lahat. Napakalapad ng ngiti nito na humarap sa isang nakasimangot na Symon.

“That was great. You are great!!! Ready ka na ba sa interview?”

“No. Do not talk to me. Gusto ko nang umuwi.”

“Pero, Sy…”

“No! You don’t get to say anything anymore! I want to go home! Kung ayaw niyong ilabas ang sasakyan ko, magko-commute na lang ako.” Hindi na sigurado si Symon sa kanyang mga sinasabi pero nababalutan na siya ng galit dahil sa mga nangyayari. Hinubad niya ang suot na damit sinuot ang kanyang jacket. Kinuha niya ang kanyang backpack sa gilid ng vanity mirror habang nagmamadali namang iniutos ni Tony sa PA na ipalabas na ang sasakyan.

“Sy, pakinggan mo muna ako.”

“Wala ka nang dapat ipaliwanag. I’ve heard it all. How are you gonna save yourself?!”

“Sy…” Nasa pinto na siya noon at hawak ang door knob pero natigilan siya at humarap sa kanyang manager. Iniangat niya ang hood ng jacket para matakpan ang kanyang buhok bago nagsalita.

“You are fired.” ang sabi niya bago lumabas.

Nakayukong naglakad si Symon hanggang sa exit ng backstage kung saan naroon naghihintay ang mga reporters. Hindi niya tinanggal ang hood sa kanyang ulo at ginawa ang lahat ng makakaya para ikubli ang totoong nararamdaman ng humarap sa media. Maya’t maya ang tingin niya sa driveway dahil hinihintay niya ang pagdating ng sasakyan.

“Everything’s great! Salamat sa pagsuporta! Hanggang sa susunod ulit.” ang huli niyang sabi nang makitang malapit na ang sasakyan sa kanya.

“Sy, pahabol lang. Totoo ba ang mga bulung-bulungan na nagkagulo kayo ni Shaun sa backstage kanina?! Sino si Gap?!” Natigilan si Symon sa dalawang magkasunod na tanong na ito ng reporter. Alam niyang halata sa kanyang reaksyon na may katotohanan sa mga sinabi nito pero pinili na lang niyang huwag magsalita. Sumakay siya sa sasakyan nang walang binitiwang kahit ano. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo.


Sabay-sabay namang lumabas mula sa stadium ang mga magkakaibigan na sina Lexie, Shane, Coleen at Gap. Masaya ang apat para sa successful na gabi para kay Symon. Halos patalon-talon pa si Gap.

“Hindi ba kayo magkikita ni Sy?” ang tanong ni Shane.

“Actually, I’ll surprise him sa kanila. Doon na ako pupunta.”

“Hindi ba siya sa hotel nagse-stay?” ang tanong naman ni Lexie.

“Sabi niya sa akin kanina, hindi na.”

“Well, pakisabi na lang kay Symon na I enjoyed, I mean, we enjoyed this night! Darrel’s waiting for me.” ang paalam ni Coleen.

Sinimulan naman ni Lexie ang pang-aasar dito sa lalaking naghihintay sa kanya sa hindi kalayuan. Natuwa naman si Gap nang makitang nakangiti na si Coleen. Nagawa pa nitong magbiro patungkol kay Jeric na unang beses nilang lahat marinig mula rito.

“Guys, mumultuhin kayo ni Jeric pag hindi kayo tumigil.”

“Hindi kaya si Kuya Darrel ang multuhin niya?” ang sabi ni Lexie.

“Cut Darrel some slack! He’s just being mabait.”

“Wow, napansin ko lang Coleen. Dati may ‘Kuya’ ka pa pag tinatawag siya. Ngayon wala na.”

“E…”

“Tigilan niyo na nga si Coleen, let her be happy. Wag na muna natin pansinin kung anong namumuo sa kanilang dalawa, baka maudlot.” Lalo namang nagtawanan ang tatlo. Sa totoo lang, masaya si Gap para sa kaibigan. Una, dahil isang manifestation na ito na nakaka-move on na siya sa pagkamatay ni Jeric. At pangalawa, mawawala na ang pangamba niya sa namamagitan kina Darrel at Symon.

“Thanks, Gap! You’re really a friend.” ang sabi ni Coleen bago tuluyang iwan ang mga kaibigan.

“O paano, una na rin ako? Baka matulugan na ako ni Symon e.”

“Sabay ka na kaya sa amin.” ang yaya ni Lexie.

“Huwag na. Mapapalayo pa kayo. Sige, ingat! Good night!”

Nauna nang nakaalis ang dalawa niyang kaibigan. Palakad na sana siya papunta sa sakayan ng taxi nang tinawag ni James ang atensyon niya. Tuwang-tuwa naman siya nang muli itong makita.

“Buhay ka pa pala! Hindi na kita nakikita sa village, parang hindi magkatapat bahay natin ah!”

“Thanks, I’m okay. Well, sort of.” ang sarkastiko niyang sagot.

“Where’s Bry…” Unti-unting nag-iba ang tono niya habang humihina ang boses niya nang mapansin kung sino ang nakatayo sa likod nito.

“Hey.” ang nahihiyang ngiting bati sa kanya ng taong nasa likod ni James.

“Hi.” Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya nang tumingin siya kay James. Nagkibit-balikat lang ang huli. Mula naman sa exit ng stadium ay napansin niya ang isang tulirong Bryan na halatang hinahanap si James.

“What’s happening?” ang tanong ni Gap kay James.

“What do you mean?”

“There you are! Bakit mo ako iniwan?!” ang hinihingal na tanong ni Bryan nang makalapit ito sa kanila.

“Sorry. I saw a friend.” Ipinakilala ni James ang kasama kay Bryan. Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam na ang dalawa kay Gap at sa kaibigan ni James. Hindi mapakali si Gap dahil kailangan na rin niyang umalis pero hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaharap.

“What’s up? Tagal na rin tayong hindi nagkita.”

“Nothing much. How have you been? You look… great!”

“Really? Thanks. Kamusta ka naman?”

“Happy? I’m good. Yeah, good.” ang awkward niyang sagot.

“Cool.”

“Hey, I’d love to catch up with you pero kailangan ko na kasing umalis.” ang sabi ni Gap.

“Sure, it’s fine.” Tumalikod na si Gap at patawid na sana nang muli siyang tinawag nito. Mabilis naman siyang bumaling at nakita niyang naglakad ito palapit sa kanya.

“Hindi ko alam ang number mo.”

“Oh.” Kahit alangan ay ibinigay na lang ni Gap ang kanyang cellphone number sa isang kaibigan mula sa nakaraan. Napansin niya ang napakalaking pagbabago nito pero pinili na lang niyang manahimik.

“There. Just text me, alright?”

“Have you heard?” ang tanong ng kausap habang sine-save nito ang kanyang number.

“About?”

“William. He’ll be here mid-next month.”

“Talaga?”

“Yeah. Dinner? For old time’s sake.” ang yaya niya dito.

“Rain check. Look, I really gotta go. Text mo na lang. By the way, it’s really nice seeing you again.”


Nakaidlip si Symon sa biyahe at nagising na lang siya nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Hindi muna siya lumabas at ginugol niya muna ang limang minutong nakaupo at nakapikit.

“Wait lang.” ang sabi niya sa driver.

Inisip niya ang mga bagay na nangyari — hindi siya talaga ang nanalo sa Ultimate Sing-off — ang lahat ng kanyang tinamasa sa loob ng ilang buwan ay hindi naman talaga kanya. Pangalawa, pinagtaksilan siya ni Gap. Alam niyang medyo naging magulo ang mga lumipas na linggo sa kanila pero hindi naman niya inakalang kaya itong gawin sa kanya ng boyfriend.

Nagpasya siyang lumabas na ng sasakyan at bukas na lang harapin ang lahat ng mga problema. Gustung-gusto na niyang matulog at magkulong lang sa kwarto. Ipinababa na niya sa driver ang lahat ng mga gamit sa sasakyan.

“Thanks, Kuya.” ang sabi niya bago pumasok sa gate ng bahay.

“Hey, concert boy.” ang malambing na sabi ni Gap mula sa likod ng gate.

Nagulat naman si Symon sa biglang pagsasalita ni Gap. Tinanggal na niya ang hood na nagtatakip sa kanyang buhok at hinayaan itong nakalaylay sa kanyang likod. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito dahil halata namang walang alam si Gap sa mga nangyari. Halatang hindi nito alam na alam na niya ang ginawa nito.

“Hey. Anong ginagawa mo rito?”

“I just wanna surprise you. Here.” Isang box ng favorite niyang chocolate ang bitbit ni Gap. Natuwa naman siya sa gesture na ito at tinanggap niya ang regalo.

“Thanks.”

“I know, ilang buwan ka nang nagtitiis na hindi kumain niyan.”

“Yeah.” ang matipid niyang sagot.

“Is everything alright?”

“Pagod lang.”

“I thought you’d be surprised and happy to see me here.” Hindi alam ni Symon ang isasagot sa sinabing iyon ni Gap. Gusto na niya itong tanungin pero pagod na pagod na siya sa dami ng nangyari ng araw na iyon. Gusto na niyang komprontahin ito pero hindi niya magawa.

“Sorry.” Hinawakan ni Gap ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay. Tiningnan siya nito sa mga mata. Ang mga nangungusap na mata ni Gap na madalas magpahina kay Symon. Hindi niya mawari kung paano nito nagagawa iyon sa kabila ng pagtataksil nito sa kanya.

“I love you.” ang bulong ni Gap bago ito lumapit sa kanya para bigyan siya ng isang halik.

Pero inilayo ni Symon ang kanyang mukha. Ibinaba ni Gap ang kanyang kamay. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkalito. Panay lang ang iling ni Symon. Pinipilit niyang huwag umiyak pero mukhang tinatakwil siya ng sariling katawan.

“Sy, what’s wrong?” ang nag-aalalang tanong ni Gap.

“How can you do this to me?” ang pabulong na tanong ni Symon sa kanya.

“Anong ginawa ko? Hey, tell me. Bakit ka umiiyak?”

“Paano mo nagagawang tingnan ako sa mga mata ngayon? Pagkatapos ng ginawa niyo ni Shaun!”

“Sy, let me explain.”

“Please do. Kasi hindi ko na alam, hindi ko na maintindihan.”

“I’m sorry, okay? I got carried away. We kissed. That’s all. I know it’s wrong and I regret it.” ang sabi ni Gap habang pilit na hinahawakan ang mga kamay ni Symon.

“A kiss? Pero ang sabi ni Shaun sa akin, you two slept together.”

“What?! No!! Hindi ko kayang gawin ‘yun.”

“Nagawa mo nga siyang halikan e.”

“Sy… Sa tagal natin, alam mong hindi ako ganoong klaseng tao.”

“I don’t know, Gap. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.”

“Believe me, walang nangyari sa amin.”

Katahimikan. Hindi na makaimik si Symon sa sobrang gulo ng isip niya. Si Gap naman ay nakatingin lang kay Symon na para bang naghihintay sa biglang pag-atake nito. Panay ang buntong-hininga nito.

“I’m tired. Matutulog na ako. Umuwi ka na.” ang sabi ni Symon matapos ang halos tatlong minutong katahimikan.

“No. Ayusin na natin ‘to, Sy. Please?”

“Maawa ka naman, Gap. Pagod na pagod na ako. Hindi lang katawan ko ang napapagod. Pati isip ko, pati puso ko. Please. Isang gabi lang, pagpahingahin mo muna ako.”

“I’m sorry.”

“Umuwi ka na. Mag-ingat ka ha.”

“Sy, sana naman ako ang paniwalaan mo.”


Bumaba na si James mula sa kotse ni Bryan nang tumigil ito sa harapan ng kanilang bahay. Hinintay niya itong makalabas bago magpaalam. Naging tahimik siya sa buong biyahe nila kahit na anong pangungulit ni Bryan sa kanya na magsalita.

“James, ano ba? Kausapin mo naman ako.” ang paglalambing ni Bryan.

“Nag-enjoy ka ba sa concert ni Sy?”

“Oo naman. Ikaw ba?”

“Oo.”

“E anong problema? Bakit hindi mo ako pinapansin?”

“Bry, we’ve been through this before. You gotta stop.”

“Stop what?” ang naguguluhang tanong ni Bryan.

Niyakap ni James ng mahigpit si Bryan. Naramdaman niya ang pagsukli nito sa ginawa. Huminga siya ng malalim at nanuot sa kanyang ilong ang pabango nito. Naramdaman niya ang paghilig ng ulo ni Bryan sa kanyang leeg. Siya na ang unang kumalas at muling inulit ni Bryan ang kanyang tanong.

“You gotta stop fooling yourself.”

“Nagiging matalinghaga ka na naman, James. Come on, go straight to the point.” ang malumanay na sabi ni Bryan.

“It’s still Shaun. It has always been him.”

“James…”

“Bry, stop. Admit it. Bumalik ka sa akin coz I’m the safer choice. Alam mong mahal kita at sigurado ako sa’yo. Pero Bry, sumisigaw na ang mga galaw mo. Siya pa rin ang mahal mo. Please, do the right thing. And do it now.”

“Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Ikaw ang mahal ko.”

“Pinaniniwalaan mo ba ang mga sinasabi mo?”

Hindi nakasagot agad si Bryan. Nakita ni James sa mukha nito ang pagkagulat. Marahil na-realize niya na kung ano ang ibig niyang sabihin. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata nito at nag-unahang tumulo. Inilapit ni James ang kamay sa pisngi ni Bryan at pinunasan ito.

“James, this is not how it’s supposed to end. I know I wanna be with you.”

“Yes, I know that, too. Pero that’s not really what you want to do. You gotta stop feeding your mind of what you think you should do. Let your heart speak.”

“I can’t leave you. Not like this.”

“It’s okay, Bryan. Baka hanggang dito na lang talaga tayo.”

“Paano ka?”

“Huwag mo na akong alalahanin. Stop making others happy, okay? It’s time for you to be happy. With Shaun. He dedicated a song to you.”

Nagyakap sila sa huling pagkakataon. Nakangiti si James habang pinapanood ang sasakyan ni Bryan palayo sa kanya. Alam niyang tama ang kanyang ginawa. Masasaktan lang siya lalo kung ikukulong niya si Bryan.


Alas-singko ng hapon kinabukasan, araw ng Biyernes, nang magising si Symon. Walang tao sa kanilang bahay maliban sa kanya. Nasa trabaho na ang kanyang ina at nasa school naman ang mga kapatid. May nakahanda ng pagkain para sa kanya kaya naman matiyaga na lang niyang hinintay na mainit ito gamit ang microwave oven. Dinala niya ang pagkain sa kanyang kwarto at doon na lang nagpalipas ng maghapon.

“Seriously?” ang kanyang naibulong sa sarili nang buksan ang TV at maabutan ang isang kantang panama sa nangyari kagabi.

Mabilis niyang inilipat ang channel mula sa music station na iyon dahil sa inis. Saktong paglipat niya sa Channel 3 ay ipinapakita ang commercial ng mga ibabalita sa primetime news. Nakuha ng showbiz balita ang lahat ng kanyang atensyon dahil tungkol ito sa kanya. Napanganga siya dahil sa bilis ng paglabas nito sa publiko. Nakasulat sa malalaking letra ang mga salitang — SYMON, NANDAYA NGA BA?

Mabilis niyang hinanap ang kanyang phone at nakita niya ang sandamakmak na missed calls mula sa kung sinu-sino. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Pero kinalma niya ang sarili. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa kama at huminga ng malalim. Magkakasunod na katok ang gumulat sa kanya.

“Hey, Ma.”

“Sy…” Mula sa tingin nito, alam ni Symon na nakaabot na sa ina ang balita. Niyakap niya ang unan sa kanyang tabi bago umupo si Grace sa kabilang side.

“Oh. You heard?”

“Yeah, it’s all over. Listen, I wanna ask you about something.”

“Mom, it’s not true. It’s all part of Vince and Tony’s plan. Hindi ako aware na may ganon.”

“Nakausap ko na si Tony about it and he admitted. He told me everything. Pero that’s not what I wanna ask you about.”

“Really? Idedemanda ba natin sila? Sinira nila ang pangalan ko, ang reputation ko!”

“Calm down. Kinausap ko na yung college friend kong lawyer. Let me handle it, okay?”

“Okay. Thanks, Mom. I really don’t know what to do.”

“It’s gonna be fine, son.” Yumakap siya sa ina na parang isang batang nadapa at umiyak. Hindi naman muna ipinilit ni Grace ang bagay na kanyang gustong itanong at hinayaan muna ang anak na umiyak.

“Ano pala ‘yung itatanong mo?” ang tanong ni Symon nang mahimasmasan ito.

“Hindi lang kasi iyon ang balita tungkol sa’yo. Anak, gusto ko sa’yo mismo manggaling…” pumikit sandali si Grace bago tanungin si Symon.

“Ano pa?” ang kinakabahang tanong ni Symon.

“May namamagitan ba sa inyo ni Gap?” ang naiiyak na tanong ni Grace.


Nang gabi ring iyon ay nagpunta si Bryan sa bahay nina Shaun. Hindi siya nagpasabi rito kaya naman laking gulat nito nang makita si Bryan sa labas ng kanilang gate. Hindi alam ni Shaun kung matutuwa ba siya o hindi.

“Bry, anong ginagawa mo rito?”

Hindi na nagsalita si Bryan. Agad niyang kinulong sa kanyang mga braso si Shaun at siniil ito ng isang malalim na halik. Lalo namang ikinagulat iyon ni Shaun kaya’t hindi siya agad nakagalaw. Bahagya pang naiwang nakanganga ang kanyang labi nang matapos ang halik na iyon.

“What was that?” ang tanong ni Shaun.

“Shaun, sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Ikaw talaga eh. Ikaw lang talaga.”

“Oh, Bry.” ang hindi maipintang mukha ni Shaun.

“Bakit?”

“Is this for real?”

“Yes.”

“E paano na si James?”

“He’s gonna be fine. Thank him for letting me go.”

“Thank you for coming back.” ang bulong ni Shaun nang magyakap sila ng mahigpit.

Pero mabilis lang ang naging pagbabalikan ng dalawa. Sinabi ni Shaun na may mga bagay pa silang kailangang pag-usapan bago muling pasukin ang relasyong naudlot dati sanhi na rin ng kung anu-anong isyu na pumapaligid sa kanila. Wala namang tutol si Bryan dito dahil gusto rin niyang maging maayos ang lahat at maging handa sila bago suungin ang panibagong kabanata.

“Wait, saan ka pupunta?”

“I’ll get what’s rightfully mine.”

“What do you mean?”

“Hindi ka ba nagbabasa ng balita? May interview ako. Ako ang totoong nanalo sa Ultimate Sing-off, hindi si Symon.”


Lumipas ang buong Sabado na nakakulong lang si Symon sa kanilang bahay. Buong araw ding paulit-ulit na ipinapakita ang teaser ng Sunday talk show patungkol sa exclusive interview ni Shaun. Pinatay niya ang TV at pinuntahan ang kanyang ina sa kabilang kwarto. Nadatnan niya itong kasama ang dalawang kapatid.

“Mom, magpapa-interview ako tomorrow. Let’s get this over and done with.”

“Sy, you don’t have to do that.”

“I think I do. Kung gusto nilang ibalik ko lahat ng napanalunan ko, gagawin ko. Ayoko na ng ganitong buhay. Mas gugustuhin ko na lang na maging isang regular estudyante.”

“Aww. Kuya, hayaan mo na sila. Mamatay rin ng kusa ‘yang issue na ‘yan.” ang sabi ng kanyang nakababatang kapatid.

“Anak, kapag ginawa mo ito, alam mong may iba pa silang ibabato sa’yo.”

“Mom, Hanna, Maxine, tanggap niyo ba ako? Tanggap niyo bang sa lalaki ako nagkagusto? Tanggap niyo bang bakla ako?” ang naiiyak niyang mga tanong.

“Sy… Of course, we talked about this already, diba? Mom’s gonna be here for you. Always. Tanggap kita kung ano ka pa, okay?”

“You’re still my Kuya.”

“I love you, Sy.” ang sabi naman ng nakatatandang kapatid.

“See, ito lang ang importante sa akin – ang matanggap niyo ako. Let me do this, Mom. Please?”

“Okay. In one condition.”

“Sure.”

“Quit showbiz.”

Naging mabilis ang desisyon para kay Symon. Pumayag siya sa kagustuhan ng ina dahil alam niyang para rin naman iyon sa kanyang ikakabuti. Isa pa, hindi niya kayang mabuhay na laging subject ng panghuhusga ng iba. Tumawag si Grace sa talk show producer at sinabing handa na si Symon para sa isang live interview.

“Pupunta lang po ako kina Gap.” ang paalam ni Symon matapos makapag-ayos ng sarili.

Nagpahatid siya sa driver na kinuha ng network para sa kanya. Hindi ito sa bahay nila nakabase kaya okay lang kay Grace. Medyo matagal ang biyahe dahil sa traffic. Karamihan yata ng tao ay nasa lansangan dahil weekend. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakababa na si Symon ng sasakyan at pinauwi na niya ang driver. Pinindot niya ang door bell at si Nancy ang nagbukas ng gate para sa kanya.

“Symon.” Hindi magiliw ang tono ni Nancy. Nakaramdam si Symon na umamin na rin si Gap at hindi nito nagustuhan ang lumabas mula sa bibig ng anak.

“Hi, Tita. Nandyan po si Gap?”

“Oo. Come in.” ang malamig nitong pagpapaunlak kay Symon.

“Thanks po.”

Nailang si Symon sa maikling lakad mula sa gate patungo sa pinto ng bahay nina Gap. Bago pa man nakapasok si Symon ay natigilan siya dahil sa muling pagsasalita ni Nancy.

“Alam mo, kakatapos lang namin mag-usap ni Gap. He told me everything.” ang naiiyak nitong sabi.

“Tita… I’m so sorry po kung pati kayo nadamay dito.”

“Hindi mo naman sasaktan ang anak ko diba?” ang patuloy niyang pag-iyak.

“Of course po. Hinding-hindi ko po gagawin ‘yun.”

“Kasi natatakot ako na dahil kilala ka, madamay siya sa kung anu-anong gulo. Dalawa na lang kaming magkasama, Symon. Alam mong mahal na mahal ko ang anak ko. Kahit na mahirap para sa akin tanggapin na… na… na hindi siya sa babae nagkakagusto, gagawin ko ang lahat. Ayokong masira kaming mag-ina. Ayokong nalulungkot siya.”

“Kaya nga po ako nandito, Tita. Gusto ko po sanang magpaalam sa inyo ni Gap kasi bukas po ay magpapa-interview na ako para matapos na ang lahat ng ‘to. Apektado na rin po kasi sina Mommy kahit hindi nila ipakita sa akin.”

Pumasok sila sa loob ng bahay at sa sala naghintay si Symon habang tinatawag ni Nancy ang anak mula sa kwarto. Bumaba si Gap na magulo ang buhok, namumugto ang mga mata at nakasuot ng jersey na mukhang sinuot niya noong nasa high school pa siya. Inilahad ni Symon ang kanyang plano, maging ang kundisyon na hiningi ni Grace sa kanya. Naging maluwag naman ang mag-ina sa pagtanggap dito.

“Sasamahan kita.” ang sabi ni Gap.

“No. I don’t think that’s a good idea, Gap. I’m trying to protect you from their eyes. You won’t like it.”

“Tama si Symon, anak. Hindi naman sa ikinakahiya ko kung anong mayroon kayo pero sa tingin ko, hindi na kailangan ng publiko malaman pa kung sino ka.” ang sabi ni Nancy sa anak.

“I just wanna be there to support you.”

“Nandun naman sina Mommy. I’ll be fine.” Iniwan na silang dalawa ni Nancy para makapag-usap sila ng masinsinan. Mula sa couch na kinauupuan ay lumipat si Gap sa sofa para magkatabi na sila ni Symon. Hinaplos niya ang mukha nito habang ang isang kamay ay sinapo ang mga malalayang kamay ni Symon.

“Kamusta na tayo, Sy?”

“Hindi ko alam, Gap. Ang hirap kumilos.”

“Have you heard from Shaun?”

“Ayoko siyang makausap.”

“I tried calling him pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Gustuhin ko mang puntahan siya pero pinipigilan ko na ang sarili ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.”

“Gap…”

“Kelan ba matatapos ‘to? Sobrang nami-miss ko na ‘yung mga panahong ang saya-saya nating dalawa kasama sina Coleen.”

“Ako rin naman e. Pero sa dami ng nangyari, hindi ko na alam kung paano tayo babalik doon.”

“Basta huwag kang susuko sa akin, sa atin.”

“I’ll try my very best, Gap.”

Biyernes ng gabi…

Itim na tela ang background. Dalawang malalambot na upuan at isang maliit na mesa na may nakapatong na mga inumin. Iyan ang bumungad kay Shaun pagpasok niya sa studio. Ramdam niya ang pagbabago ng mood ng silid pagpasok niya. Ang mga mata ay pasimpleng nakatingin sa kanya. Humihiyaw ang tensyon lalo na noong lumabas na ang host at nakipagkamay sa kanya.

“Ready?” ang tanong nito.

“Sure.”

Konting retouch at pag-aayos ng set at blocking pa ang ginawa. May isang babaeng nagbi-brief kay Shaun patungkol sa mga bagay na maaaring itatanong sa kanya. Panay lang ang tango niya. Nagpunta siya rito para kuhanin kung ano ang nararapat na para sa kanya.

“Whatever it takes.” ang sabi niya sa sarili.

Nagsimula na ang interview sa pagbabato ng host ng mga madadaling tanong. Kahit na recorded interview ito ay walang tigil ang pag-ikot ng camera sa kanila. Naging mabilis naman ang pagsagot ni Shaun sa mga paunang tanong pero napaisip siya nang batuhin na siya patungkol sa  ilang mga kritikal at sensitibong topic.

“Dumako naman tayo sa relasyon ninyo ni Symon. Alam naman nating lahat na kayo ang nag-showdown para sa Ultimate Sing-off finale. May katotohanan ba ang mga lumalabas na balita na nag-away kayo sa backstage ng concert niya?” ang tanong ng host.

“Totoo po iyon.”

“Shaun, anong nangyari?”

“Habang hinihintay ko ‘yung cue ko for my number, I heard two men talking about money. About sa partition ng kinita mula sa pagkakapanalo ni Symon. About how they rigged the competition. My nerves got the best of me kaya nang makita ko si Symon ay agad ko siyang sinugod.”

“You regret doing it?”

“No. He has what’s mine. I should’ve been in that position.”

“Sa totoo lang, halata sa duet niyo na may tensyong namamagitan…”

“Ah, opo. Bigla siyang lumabas sa stage kahit hindi niya pa turn. I mean, yeah, concert niya ‘yun pero sa duet namin, dapat akin ang unang part pero ginulo niya yun.”

“According to our sources, this is rooted by another issue. Something related to Gap. Sino siya?”

“He’s a friend.”

“Sorry, Shaun. Lilinawin ko lang. ‘He’?”

“You heard it right.”

“I assume he’s Symon’s friend, too.”

“Wala po ako sa position para sagutin ‘yan.”

Ilang mga katanungan pa ang ibinato sa kanya. Naging cool naman si Shaun sa pagsagot sa mga ito at sinubukan niyang protektahan ang mga taong dapat na ma-protektahan.

“So anong balak mo ngayon, Shaun?” ang huling tanong ng host.

“I’ll get what’s rightfully mine. Whatever it takes.Yun lang.”


Mula sa dressing room ay pinanood ni Symon ang interview na iyon ni Shaun na live na pinalabas nang mga oras na iyon. Natuwa naman siya kahit papaano dahil may depensa siya sa lahat ng mga sinabi nito at hindi nito hinayaang madamay ng tuluyan si Gap sa issue nila. Nang matapos ang interview ay isang beses niya pang tiningnan ang kanyang repleksyon sa salamin.

“Symon, let’s go. We’re live in 2 minutes.” ang pagsundo sa kanya.

Mula sa backstage ay nakita niya ang host na mag-iinterview sa kanya. Nakipag-beso siya rito at sandaling nakipagkwentuhan bago lumabas sa harap ng isang live audience. Ito rin ang host na nag-interview kay Shaun. Palakpakan ang mga tao nang lumabas siya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang umupo siya sa upuan sa gitna.

“You have the option to not answer, alright?” ang sabi sa kanya ng host habang nagka-countdown na sila to air.

Isang video muna ang ipinalabas – highlights ng concert ni Symon at ng mga interviews niya at ni Shaun. Matapos iyon, seryoso siyang ipinakilala ng host kasunod ng nakakabinging tilian ng mga tao.

“Una sa lahat, congratulations. Very successful ang concert mo. I was there! And it was really spectacular.”

“Ay, thank you po.”

“Kamusta ka, Symon?”

“Honestly, I wasn’t okay until last night when I decided to do this interview. Naisip ko na maganda nang harapin ko ito para hindi na lumakas pa ang mga bulung-bulungan.”

“I’ll go straight to the point ha. Sy, what’s the real story? Ikaw ba ang totoong nanalo sa Ultimate Sing-off o si Shaun?”

“Si Shaun.”

“And you know this how?”

“Nung concert ko lang din nalaman. Kung hindi pa ako sinugod ni Shaun, hindi ko pa nga malalaman eh.”

“So, wala kang clue na planado pala ang lahat?”

“Never got a single hint. Kaya kung galit si Shaun sa nangyari dahil siya ang na-agrabyado. Isipin niyo na lang kung ano pa ang nararamdaman ko na nasira ang pangalan ko nang hindi ko alam.”

“Ano na ang naging mga actions mula sa kampo mo?”

“At first, we thought of sueing pero naisip ko, “What’s the point?” Sayang lang sa pera. Sa ngayon, ibibigay ko ang lahat ng nakuha ko sa Ultimate Sing-off kay Shaun. Siya ang tunay na Ultimate Crooner, hindi ako. And also, I am laying low.”

“Bakit? Iyong iba diyan, malamang makikipagpatayan pa para ma-protektahan ang title nila.”

“Delicadeza. Everything “Symon” the show business knew ay puno po ng panloloko. Ang kapal naman ng mukha ko kung magpatuloy pa ako diba?”

“Pero you got the talent! At may fan base ka na.”

“Nalulungkot din ako sa decision ko pero hindi naman po ako papatulugin ng konsensya ko nito. I’m just laying low. Maybe in the future, when everything pacified, I might go back.”

“I salute you for that, Symon. You really earned my respect. Iilan lang sa atin ang makakagawa ng bagay na ginawa mo. Thank you.”

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng studio. May ilan pang nakita si Symon na umiiyak habang hawak ang banner ng kanyang pangalan. Nalungkot siya dahil iiwanan niya ang mga taong sumuporta sa kanya pero kung iyon ang magtutuwid ng lahat, handa siyang isakripisyo ito.

“Sy, patong-patong ang mga issue sa’yo ngayon. Tanong, sino si Gap?”

“He is Shaun’s friend.” ang pagbibiro ni Symon.

“You got me. Pero seriously, sino siya sa buhay mo?”

“He’s the reason why I wake up in the morning, why I live through the day and sleep soundly at night. He keeps my heart beating.” ang buong tapang na pag-amin ni Symon kasabay ng isang malaking ngiti.

“I didn’t see that coming! So, does this mean na lahat ng mga chismis tungkol sa sekswalidad mo ay totoo?”

“Hindi po lahat dahil walang namagitan sa amin ni Shaun.” ang kanyang isinagot na ikinatawa ng lahat.

Naging mas madali kaysa sa naisip ni Symon ang naging interview. Alam niyang may mga kilay na tumaas dahil sa kanyang mga sinabi pero wala na siyang magagawa pa roon. Iyon na ang huling pagkakataon na lalabas siya sa TV. Tapos na siya sa buhay sa gitna ng spotlight. Oras na para ayusin ang kanyang sariling buhay.

Habang nasa biyahe pauwi ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa mga kaibigan. Iisa lang ang gusto nilang sabihin — proud sila sa naging desisyon niya at kinilig sila sa sinabi niya patungkol kay Gap. Isang pahabol na tawag pa ang sumunod matapos makausap sina Lexie, Coleen at Shane.

“Hi, Kuya.”

“Bunso, napanood kita.”

“What do you have to say?”

“I admire your courage.”

“Yun lang?”

“Oo.” ang natatawang sabi ni Darrel.

“Hay, Kuya Darrel. I’m quite happy now. Everything is falling into their right places.”

“It should be. You’ve endured enough.”

“Thanks ha. You’ve been consistent talaga. Never left my side.”

“That’s what friends are for.”

“Kantahin mo nga.”

“Huwag na. Baka bumagyo pa.”

“See you at school!”


Pagdating ni Symon sa kanila, naroon si Gap sa kanilang sala at naghihintay kasama ang mga kapatid. Pagpasok ni Symon ay mahigpit na nagyakap ang dalawa. Kinilig naman ang dalawa niyang kapatid na babae kaya agad din silang naghiwalay para tigilan na ang panunukso ng mga ito. May dala silang dinner para sa lahat kaya’t masaya silang nagsalu-salo.

Mas naging maluwag na ang paghinga ni Symon nang mga oras na iyon dahil tapos na ang lahat. Kung ano man ang maisulat sa kanya sa mga blog o dyaryo kinabukasan, hindi na niya ito pagtutuunan ng pansin. Tama ang kapatid niya, mamamatay na lang ng kusa ang isyu na iyon.

“Are we expecting somebody?” ang tanong ni Grace nang tumunog ang kanilang doorbell.

Tumayo ito at nawala ng ilang segundo. Pagbalik nito ay medyo iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mas seryoso. Tumingin siya kay Symon at Gap.

“Sy, Gap. Shaun’s outside.”

Nagkatinginan ang dalawa bago tumayo at mag-excuse sa mga kasama sa hapag-kainan. Naunang lumabas si Gap at agad na sumunod sa kanya si Symon sa takot na baka kung anong gawin ng una.

“Anong ginagawa mo rito?” ang galit na tanong ni Gap kay Shaun.

“I came to apologize to you. To the both of you.”

“Shaun, pasok ka muna. We’re having dinner.”

“Sy!” ang pagpigil sa kanya ni Gap.

“Gap, umayos ka nga.” ang pasimpleng sabi ni Symon dito.

“Guys, I know I caused you a lot of trouble. And I exaggerated a bit. I’m sorry. And also, Sy, thanks. I watched your interview. Hindi ko in-expect na gagawin mo iyon.”

“Yeah, I just gave you what’s “rightfully yours”.”

“Yun lang. I don’t expect us to be friends anymore. I just want to clear the air. Best of luck sa inyong dalawa.”

“Thanks, Shaun. It has been nice meeting you.”

“Same to you. And Gap.”

Lumabas na si Shaun kung saan doon naghihintay si Bryan. Pinili niyang huwag nang magpakita sa dalawa para hindi na lalong gumulo pa ang sitwasyon. Maayos na ang lahat. Simula na ulit ng panibagong kabanata.


Maagang nagising si Symon kinabukasan. Ito ang unang araw na balik siya sa pagiging regular na estudyante. Masaya niyang isinuot ang uniform na halos ilang linggo niya nang hindi naisuot. Maaliwalas ang kanyang mukha na dumating sa MSCA. Napansin niya ang ibang pagtrato sa kanya ng mga tao. May ilang nginingitian siya at sinasabihan siyang napanood nila ang interview niya kahapon. Naroon din ang mga mapanghusgang mga mata.

“Hey!” ang panggugulat sa kanya ni Gap.

Kasama nito ang mga kaibigang sina Lexie at Shane. Sa hindi kalayuan, naroon naman sina Coleen at Darrel. Papunta sila sa pila ng kanilang section para sa weekly morning flag ceremony ng MSCA. Naging mas sweet na sila ni Gap in public matapos ang pag-amin ni Symon sa kanilang relasyon on national TV.

“You look different.” ang bulong ni Gap sa kanyang batok habang nasa pila sila.

“Different good? Or different bad?”

“Blooming ka.”

“Siyempre, nandiyan ka.”

“Ay! Kinilig ako.” Nagsimula na ang flag ceremony na tumagal lang ng 10 minutes. Matapos iyon ay dumiretso na sila sa kanilang mga klase. Parang ang bilis ng araw na iyon para kay Symon. Around 4PM ay tapos na ang kanyang klase. Nagyaya sina Coleen na kumain sa isang restaurant sa isang mall sa Makati.

Sakay sa sasakyan nina Lexie, narating nila ang mall in less than an hour. May mga nakakilala kay Symon at malamang maging kay Gap pero hindi na nila ito pinansin. Pagpasok nila sa restaurant ay nagtaka si Symon kung bakit mistulang puno ito.

“Weird, weekday tapos off-peak hour pero puno.”

“Ma’am, ready na po ang table niyo.” ang sabi ng waiter kay Coleen.

Gutom na gutom na si Symon kaya naman agad siyang um-order ng kanyang kakainin. Hindi na napigilan ni Lexie ang sarili at sinabi niyang natutuwa siya dahil mukhang magiging tight na ulit silang lima. Nag-toast pa sila para kay Jeric. Nang kumakain na sila ng dessert ay tumayo si Gap mula sa kinauupuan at iniangat ang kanyang baso na may lamang softdrinks.

“To our friendship… To Jeric.” ang muling pagto-toast nila.

“Sy, sorry for this.” ang sabi ni Gap.

“Why?”

“Uhm. Everyone, excuse me. Paistorbo lang po saglit. Kilala niyo po ba itong lalaki sa tabi ko?” ang tanong ni Gap sa mga kumakain sa restaurant.

“Gap, umupo ka nga. What are you doing?” ang nahihiyang sabi ni Symon.

May isang babae na isinigaw ang pangalan ni Symon. Ngumiti siya rito pero agad ring tumalikod. Humingi siya ng tulong sa mga kaibigan pero parang walang narinig ang mga ito.

“Napanood niyo naman po siguro ang interview niya kahapon? Well, ako po pala si Gap. At mahal na mahal ko po ang taong ‘to. Matutulungan niyo po ba akong makuha ulit ang loob niya? Medyo nagkagulo po kasi the past few weeks eh.”

“Sure!” ang sigaw ng isa pa.

Nagulat si Symon nang pumunta sa bandang gitna si Gap. Isang beses na niya itong nagawa noon nang magpa-flash mob siya sa MSCA. Ngayon naman ay kumanta siya. Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi dahil sa sobrang sintunado nitong kumanta. Pero laking gulat ni Symon nang paunti-unti ay tumatayo ang mga tao galing sa kanilang mga table at sinasabayan si Gap sa pagkanta.

Muli ay ‘yong pagbigyan,
ako’y nagkamali,
Muli ay ‘yong patawarin,
ako’y nagsisisi,
Alam kong ako’y nangakong di na mauulit pa
ako’y nagkamali sa’yo,
muli ay patawarin mo

May isang bahagi pa roon na tumigil ang lahat bago muling kumanta na para bang isang chorale group. Acapella lang ang lahat pero kinilabutan si Symon dahil na rin sa mensahe ng kanta.

Nang matapos na iyon ay nagpalakpakan ang lahat at bumalik na sa kani-kanilang mga upuan na para bang walang nangyari. Ang lapad naman ng ngiti ni Symon dahil sa sobrang kilig.

“Vocal flash mob! You never run out of surprises!” ang sabi ni Symon dito.

“So what do you say? Another chance?”

“Of course. Ayoko namang mapunta sa wala ang kahihiyan mo no.” ang natatawang sabi ni Symon.

“I love you, Sy.”

“I love you, Gap.”

-----Wakas-----

BONUS:

Lumipas ang mga araw at linggo na naging tahimik at masaya na ang lahat. Si James naman ay naging okay din naman kahit na mag-isa lang siya. Lumalabas naman siya kasama sina Gap at naikwento na niya rito ang nangyari sa kanila ni Bryan pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na siya naghanap pa ulit nang maipapalit dito at mas pinili na lang niyang maghintay ng kung sino mang darating pa.

Malapit nang magsimula ang finals week kaya’t naisipan niyang lumabas bitbit ang lahat ng kanyang reading materials. Inaantok siya kapag sa bahay lang nag-aaral kaya naisipan niyang humanap ng isang tahimik na lugar para makapagbasa. Napadpad siya sa coffee shop sa isang mall kung saan sila madalas tumambay noon nina Symon, Gap at Bryan.

“Hi, welcome!” ang bati sa kanya ng barista.

Agad niyang hinanap ang perfect spot para sa kanyang pag-aaral bago tumungo sa bar at um-order ng maiinom at  makakain. Nginitian niya ang baristang nag-aabang sa kanya.

“Hi, one hot vanilla latte please.” ang order niya.

“Alright. Your name for the cup?”

“James.” ang maikli niyang sagot.

“James. Hmm. You’re friends with Sy diba?”

“Yeah, how’d you know?”

“I’m Matt!” ang pakilala niya.

“Oh. Kaya pala familiar ka. Sorry, I didn’t recognize you.” ang natatawang sabi ni James.

“It’s okay. Mag-isa ka yata ngayon.”

“Yeah. Mag-aaral ako, lapit na finals.”

Nakipagkwentuhan sandali si James sa kanya habang hinihintay ang kanyang drink. Sa tagal nilang magkakilala ni Symon, alam niya ang history nito sa kanya. Pero ito ang unang beses na nagkausap sila.

“Thanks, Matt.” ang sabi ni James nang iabot na sa kanya ang inumin.

Pabalik na si James sa kanyang upuan nang matigilan siya dahil sa pagtawag ng isang babae sa kanyang pangalan. Agad naman niyang nakilala kung sino ito. Kaya naman nginitian niya ito.

“Hey, we meet again.” ang sabi ni James.

“Lumiliit yata bigla ang mundo.” ang sagot naman nito.

“What’s up, Trix?”

“Nothing much. Thanks pala last time.”

“Sure, no biggie. Are you staying here?” ang tanong ni James.

“Nope. Just dropped by to get some coffee. Susunduin ko si William sa airport.”

“Will’s back?! Cool! Tagal niya na rin sa States no?”


Nakaupo siya sa isang cafe sa airport habang hinihintay ang kaibigan. Dala ang isang lumang notebook, pinipigilan niyang tumawa sa kanyang mga nababasa. Halos apat na taon na rin simula noong huli siyang nakayapak sa lupa ng Pilipinas. Ngayon ay nagbalik na siya.

“Tumigil rin ako nung naging malambing na ang tono ni Crush. Sorry siya ng sorry. Tapos sabi niya sa akin with his malambing voice, “Punta ka na sa kitchen, dali. Tapos inom ka na water. Iyak ka ng iyak diyan. Hindi pa naman ako mamamatay. Ikaw talaga.” Syempre, pa-virgin ang drama ko, gusto magpapilit. Kunyari ayoko pang bumaba pero sa totoo lang, umiinom na ako ng tubig nun. Tapos sabi niya ulit, “Sige na, inom na. Tototohanin ko ‘to.” Natakot naman ako kaya uminom ulit ako ng isang baso ng tubig. Diba, PJ? Ang saya ng araw na ‘to? Bawing-bawi na siya sa mga araw na hindi kami nag-usap. Pero parang lalong bumigat ang pakiramdam ko sa nalalapit kong pag-alis. Pwede naman pala kaming maging ganito eh. Bakit ngayon lang kung kelan paalis na ako? Pwede ko ba siyang isama?”

“Will?” Nag-angat siya ng mukha na may ngiti sa kanyang mga labi dahil sa huling mga salitang nabasa mula sa kanyang diary noong nasa high school pa lang siya. Nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng isang blue dress at high heels. Maikli ang buhok nito, maputi ang kutis at balingkinitan ang katawan. Kung tatantyahin ay nasa 5’5 ang height niya.

“Trixie, is that you? As in, is that really you???!”

“WILLIAM!!!” Nawala yata ang poise ni Trixie at nagtatalon siya palapit sa kaibigan na ilang taong hindi nakita. Nagyakap sila ng mahigpit at tuwang-tuwa sa kanilang muling pagkikita.

“You look a lot different ha. With the accent and all.” ang pagpansin ni Trixie sa kaibigan.

“Marunong pa naman akong mag-Tagalog no!”

Sumakay na sila papunta sa bahay nina Trixie dahil doon magse-stay si William para sa kanyang bakasyon. Siya lang mag-isa ang bumalik ng Pilipinas. Walang patid ang kwentuhan ng dalawa pero hindi maalis sa isip ni William ang isang tanong na bumabagabag sa kanya.

“Kamusta na siya?” ang biglang pagseryoso niya.

“Sino?”

“Siya. You know.”

“Mukhang okay naman. I’ll arrange a dinner for us.”

“Gusto ko na siyang makita.”

“Excited lang? Wala ka man lang bang jetlag?!”

“Please, Trix?”

“I’ll invite him for dinner tomorrow, okay?”


Kinabukasan, plano nina Gap, Sy at ng mga kaibigan na mag-sleep over kina Coleen para mag-aral. Hinihintay ni Gap si Symon na bumaba mula sa kanyang kwarto para sabay na sila pupunta kina Coleen. Tinawagan niya na lang ang isang high school friend na nagyaya sa kanyang mag-dinner.

“Hey, Trix. Sorry, I really can’t go tonight. Finals na kasi namin tomorrow and I need to study pa. Let’s resched na lang this summer.”

“Sure. Sayang. Will’s excited pa naman to see you.” Napakagat-labi siya nang marinig ang pangalang iyon. Matagal na niyang nalimutang may isang William nga palang naging parte ng kanyang nakaraan.

“Gap, daan tayong grocery ha?”

“Sige, next time na lang. Bye!” ang paalam ni Gap sa kausap.

Nang makaalis ay dumaan sila sa mall para mag-grocery sa katabi nitong supermarket. Kung anu-anong pagkain ang binili ni Symon para sa sleepover nila. Natatawa na lang si Gap dahil sa pagmamatakaw nito.

“Sy, naglilihi ka ba?”

“Shut up.”

“Di nga?” Lumapit si Symon sa kanya at bumulong. Lalo namang natawa at na-challenge si Gap sa sinabi nito.

“Paano ako maglilihi? Wala pa ngang nangyayari.”

“Ah! Gumaganyan ka na ah!” Dahil naka-focus sa isa’t isa ang atensyon, nabangga si Gap sa push cart ng kanyang nasa harapan. Nagulat silang lahat dahil medyo malakas ang pagkakatama.

“Ooops, sorry!” ang sabi ni Gap sa isang lalake na may hawak nun.

“Symon?” ang pagtawag nito sa kasama ni Gap.

“Will, libre mo na ako nitong gummy bears!” ang sabi ni Trixie habang papalapit sa lalaking tumutulak sa push cart na nabangga ni Gap.

“William!” ang sigaw ni Symon.

Napanganga naman si Gap sa nakita. Nagkatinginan sila ni Trixie bago ibaling ni Gap ang atensyon kina William at Symon na para bang matagal ng magkaibigan. Ipinakilala ni William si Symon kay Trixie.

“I know him. Sikat kaya siya rito.”

“You don’t say.” ang sabi ni William.

“William, I’d like you also to meet…” ang sabi naman ni Symon habang hinahatak niya si Gap.

“Hey, DC.” ang nakangiting sabi ni William kay Gap.

“Gap.” ang huminang sabi ni Symon.

“Hey.” ang tanging nasabi ni Gap.

“Wait, magkakilala kayo?”

“Yeah, we were high school… mates” ang alangang sagot ni William.

“Wow! What a small world!”

“How’d you guys meet?” ang tanong ni Gap.

“Sa States. Nung binisita ko si Dad before. We were living in the same block, e syempre Filipinos so ayun. We had a lot of common friends.”

“That was like a very long time ago! But I’m glad I ran into you, guys. Are you like together or something?” ang tuluy-tuloy na sabi ni William.”

“Uhm, no….” ang hindi natapos na sasabihin ni Symon.

“Yup! We’re happily in love.” ang sarkastikong sagot ni Gap.


Nang marinig ni William ang mga huling sinabi ni Gap ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Tumingin siya kay Trixie para humingi ng saklolo. Agad naman nitong binago ang topic at mabilis na ring nagpaalam. Hindi maipinta ang mukha ni William hanggang sa makauwi sila.

“Will, are you okay?” ang tanong ni Trixie nang silipin niya ito sa kanyang kwarto.

“No.”

“Hey, I told you diba? Ang dami ng bago rito.”

“But he’s mine, Trix! You know that. He’s mine.”

“Anong gagawin mo?”

“I’ll get him back.”

NOTE: Para mas maintindihan niyo ang bonus, basahin ang Prelude to a Kiss. Thanks.


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment