Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (21): Book 2

by: Lui

Namatay ang lahat ng ilaw. Dumagundong ang mga tilian at palakpakan. Mahigit isang minuto rin iyon hanggang sa bahagya itong humupa. Ngunit nagsimula na naman ang ingay nang lumabas si Symon na simpleng v-neck na white shirt lang ang suot. Kasabay ng mainit na pagtanggap sa kanya ay ang pagkislap ng mga flash sa bawat sulok ng stadium na iyon. Ito na ang moment na pinakahihintay ng lahat. Tumahimik ang lahat nang simulan ni Symon ang show sa isang dasal.


Kakasimula pa lang ulit mag-applause ng audience nang gulatin sila ng mga malalakas na tambol. Malikot ang mga ilaw. Nawala na si Symon sa stage. Ipinakita ang footage ng pagkapanalo ni Symon sa Ultimate Sing-Off. Mula sa mga aisle ay nakapilang naglakad papunta sa stage ang marching band. Animo’y nasa fiesta pero RnB ang beat ng kanta. Nang tumigil ang mga tambol ay siya namang pagsisimula ng pagtugtog sa piano. Kasabay nito ay ang pag-angat ni Symon mula sa ilalim ng stage. Nagpalit na siya ng suot. Naka-itim siyang jacket at nakaangat na ang buhok. Namumula ang mga pisngi niya kaya’t lalong lumitaw ang kaputian. Maganda ang register ng kanyang boses sa mic. May pre-recorded na niyang boses ang kanta kaya naman parang tatlo o apat na Symon ang kumakanta.

Isang malaking puting telon ang tanging background ng stage.  Nakatago ang banda rito pero kita mo ang mga anino nila. Nilibot ni Symon ang stage habang kumakanta at mas nagiging malakas ang side na kanyang pinupuntahan. Masaya siya katulad na rin ng mensahe ng kanyang kanta. Sakto sa pagsisimula ng una niyang malaking concert.

Muling nangibabaw ang kadiliman sa buong stadium matapos ang kanta. Nakakabingi ang sigawan ng mga tao. May isang grupo pa mula sa itaas ang sumigaw ng “We love you, Symon!”. Nang marinig ni Symon ang cue ng musical director kasabay ng isang malakas na bagsak sa drums ay sinimulan niya ang panibagong kanta na mas maraming beses niyang ni-rehearse kaysa sa ibang mga kanta.

“TURN ALL THE LIGHTS ON!”


2 hours before…

Nasa dressing room na si Symon at sinisimulan na siyang ayusan. Sa kanyang likod ay hinihilera na ang mga damit na kanyang isusuot. May isang camera rin ang nakatapat sa kanya para maging saksi sa kanyang mga preparations. Ang ilang mga personalidad na nakilala niya sa industriya ay nagpadala ng iba’t ibang mga regalo para i-congratulate siya sa kanyang success.

“Sy?” ang sabi ni Shaun matapos nitong kumatok.

“Yo?”

“Papalitan daw ‘yung kanta? Bakit ngayon lang?” Tiningnan ni Symon si Shaun sa tulong ng salamin. Nakita niyang hindi ito nakatingin sa kanya. Medyo nakatungo siya. Halata ring kinakabahan ito.

“Yeah. Sorry. I thought mas okay ‘tong bago. Alam mo naman diba?”

“Oo. Pero hindi tayo nakapag-rehearse.”

“Okay lang ‘yan. Kaya natin ‘yan.” Simula nang araw na nakita niyang magkasama sila ni Gap ay hindi siya nagpakita ng kahit na anong senyales na may alam siya. Tahimik lang siya. Kahit kay Gap, pilit niyang walang magbago hanggang sa makasiguro siya sa kanyang nakita. Mukhang effective naman dahil kahit sino sa dalawa ay walang naghinala na may alam siya.

“Gusto mo mag-rehearse ngayon? Kahit dito na lang? Para alam lang natin ‘yung parts natin.”

“O sige.” ang pagpayag ni Symon.

Patuloy lang ang pag-aayos ng stylist ni Symon habang komportable siyang nakaupo sa kanyang couch habang si Shaun naman ay umupo medyo malayo sa kanya. Matapos ang isang run ng kanta ay nagpaalam na ito sa kanya para makabalik na sa dressing room kung saan kasalo niya ang ibang nakalaban sa competition.

Inabala ni Symon ang sarili sa paglalaro sa kanyang cellphone. Pero maya’t maya ang tigil niya dahil sa pagdating ng mga texts para sabihan siya ng good luck. Isa na roon si Darrel na handang-handa na raw sa pagpunta sa stadium. Natawa naman si Symon sa excitement nito kaya tinawagan na niya iyon.

“Hi, Kuya!” ang masaya niyang bati.

“O, bakit ka tumawag? You should save your voice for later.”

“Natatawa kasi ako sa text mo. Parang bata na excited mag-mall.” ang natatawa niyang banggit.

“Nakaka-excite naman kasi talaga. Grabe, you’ve gone a long way. I’m proud of you, bunso. I’m lucky to be your Kuya.”

“Awww. Cheesy much?”

“Seriously. I mean, after everything… You know.”

“Stop it. Okay na ‘yun. Thanks, thanks!! Dapat makita kita mamaya.”

“Of course!!! I’m in the front seat.”

Isang humahangos na Tony ang pumasok sa loob ng dressing ni Symon. Inutusan niya ang PA na buksan ang TV. Nagtaka naman si Symon sa pagmamadali nito pero napatayo siya nang makita ang palabas sa Channel 3. Halos patapos na ang pagbabalita ng reporter.

“Napakahaba na ng pila dito sa labas ng stadium kung saan gaganapin ang first major concert ng ating Ultimate Crooner na si Symon Gonzales. Ayon sa mga organizers, mapapaaga ang pagpapapasok nila sa mga tao para hindi na magkagitgitan pa sa labas. Isang na ang nakaraan nang mamataan nating pumasok si Symon back entrance ng gusali. Hindi na talaga matatawaran pa ang patuloy niyang pagsikat. Ang lahat ay excited na para sa gabing ito…”

Namangha si Symon sa dami ng taong nakapila para makita siyang mag-perform. Bigla siyang kinabahan at pinagpawisan. Nakaramdam din siya ng pressure dahil alam niyang mataas ang expectations ng mga ito sa kanyang palabas. Tuwang-tuwa naman si Tony pero hindi naman ito nakalimot na kamustahin siya.

Lalo tumitindi ang kanyang kaba sa pagpatak ng oras.


Matapos kantahin ang ilan sa kanyang mga sariling kanta ay nagpahinga sandali si Symon at kinausap ang audience. Lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng naroon. Malikot ang kanyang mga mata. Nakita niya ang pamilya sa pang-apat na row. Nasa kabilang side naman ang mga barkada. Hindi kalayuan sa kanila nakaupo si Darrel. Pilit na hinahanap ng kanyang mga mata si Gap pero hindi niya ito makita. Nalungkot siya ng bahagya.

“This next song is one of my favorite songs by one of my favorite artists! I personally can relate to this one.” ang pagtatapos niya bago magsimula ang pamilyar na tugtog na ikinaingay ng mga tao.

Nakandado ang tingin ni Symon kay Darrel sa simula ng kanta dahil siya ang tinutukoy nito sa mga linyang nagsasabing “I let it fall, my heart.” Nang malapit ng umabot sa chorus ay nakita niya si Gap na naglalakad sa middle aisle papunta sa kinauupuan ng mga kaibigan. Hindi niya alam kung late itong dumating o may pinuntahan lang. Sumaya siya ng bahagya dahil dumating ito para panoorin siya.

Even now when we’re already over

I can’t help myself from looking for you

Mapapansin na sa pagkanta niya ng huling chorus ay unti-unting nawala ang mga anino ng banda sa kanyang likod. Pataas rin ng pataas ang kanyang adlib hanggang sa huling linya. Iniba niya ang version ng original at tinapos niya ito ng mataas. Kasabay noon ay ang muling paghahari ng kadiliman at ng pagbagsak ng puting telon para ipakita ang nasa likod nito.

Isang malaking nagbabagang SYMON ang naroon. Literal na umaapoy ang kanyang pangalan na ikinagulat ng mga tao. Napatayo ang karamihan dahil sa labis na pagkabilib sa number na iyon. Tumagal lamang ng sampung segundo ang apoy na iyon para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Tumakbo papunta sa backstage si Symon para paghandaan ang kanyang next act. Ang mga babaeng nakalaban sa Ultimate Sing-off ang nagsilbing intermission number.

“Symon!!!” ang pasigaw na tawag ni Shaun sa kanya.

Nagtaka siya sa galit na ekspresyon ng mukha nito. Pero maraming tao ang nakapaligid sa kanya para tulungan siyang magbihis. Sampung minuto lang ang meron siya.

“Shaun, what’s up? Ilang kanya na lang.” ang sabi niya patungkol sa showdown nila.

“Mandaraya ka!!!” Malakas na itinulak ni Shaun si Symon na muntik ng ikatumba ng huli. Nagulat naman ang lahat at agad siyang pinrotektahan. May ilang pumigil kay Shaun. Laking taka ni Symon sa kung ano ang ibig sabihin niya pero mabilis na siyang nahatak ng mga kasama sa kanyang dressing room.

“What’s his problem??!” ang naiinis na tanong ni Symon.


“Are you okay?” ang tanong ni Shaun kay Gap.

“No.”

Ito ang gabing nag-dinner si Gap kasama ang mga kaibigan at si Symon. Nanghihina si Gap sa kanyang narinig nang may kausap si Symon sa phone. Gusto niyang umiyak pero parang ayaw na ng sistema niya. Nakatulala lang siya sa dinaraanan ng taxi. Hindi na siya nag-abala pa kung saan sila pupunta.

Pero makalipas lang ang halos tatlumpung minuto ay nasa bahay na nila sila. Lutang siyang bumaba ng taxi at naghintay kay Shaun sa may gate. Nakatungo siya nang lumapit ito sa kanya.

“Gap?”

Pero hindi sumagot si Gap. Naroon pa rin ang taxi sa kanilang harapan. Nagpaalam na si Shaun na mauuna na dahil pakiramdam nito ay gusto muna ni Gap mapag-isa.

“Shaun, stay. Please?” ang sabi ni Gap nang mag-angat ito ng tingin.

Pinaalis na ni Shaun ang taxi at binigyan na lang ito ng extra para hindi na magreklamo pa sa paghihintay. Dire-diretso si Gap sa loob ng kanilang bahay at sumunod lang si Shaun sa kanya. Pag-akyat ni Shaun sa kwarto ni Gap ay nakita niya itong nakadapa sa kama. Patakbo siyang lumapit dito at umupo sa kanyang tabi.

“Honestly, I do not know what to say. So I’ll just keep quiet. Pero hindi ako aalis. Okay?”

Hindi nag-react si Gap. Nakatingin si Shaun sa kanya na punung-puno ng pag-aalala. Nakatulala lang si Gap sa kawalan. Walang luha, walang kahit ano. Kahit ang isip niya ay blangko. Tumagal sila sa ganong set-up ng mahigit isang oras. Wala namang reklamo si Shaun.

“He never loved me.” ang bulong ni Gap.

“Ha?”

“Symon never loved me. Si Kuya Darrel pa rin ang mahal niya all along.” ang walang emosyon niyang sabi.

Nagulat si Shaun nang biglang bumangon si Gap mula sa pagkakahiga na animo’y may nalimutang isang mahalagang bagay. Pero nagulat siya nang biglang nalukot ang mukha nito at nagsimulang umiyak na parang bata. Doon lang nag-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari for the past few hours.

“He said I love you to him. He never loved me. It has always been Kuya Darrel!” ang malakas na pag-iyak ni Gap.

“Gap, ssshhh.” Alam ni Shaun na walang maidudulot ang kanyang mga salita kaya naman hinayaan na lang niya itong umiyak ng umiyak. Bumalik sa pagkakahiga si Gap nang tumigil ito sa pagngawa. Tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha na bumabasa sa kanyang unan. Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Nakaupo si Shaun sa gilid ni Gap at pinagmamasdan lang ito.

“Shaun.” ang paos na pagtawag ni Gap sa kanya.

“Yes?”

“Can you make it stop?” ang tahimik na pag-iyak ni Gap.

Naluluha na rin si Shaun dahil ramdam niya ang bigat ng dinadala ni Gap. Pero pinipigilan niya ito dahil kailangan ni Gap ng taong malakas na masasandalan.

“What?”

“Please make it stop. Please. Sobrang sakit na. Please, make it stop.” ang pagmamakaawa ni Gap habang sinusuntok ang dibdib.

Hinawakan ni Shaun ang dalawang kamay ni Gap para pigilan ito sa pananakit sa sariling katawan. Pero mas malakas si Gap sa kanya kaya’t nakawala ito sa kanyang hawak. Hindi in-expect ni Shaun ang sumunod na nangyari. Ikinulong ni Gap ang mukha niya gamit ang malalaking kamay at siniil siya ng isang malalim na halik.

“Gap…” ang pilit niyang paglayo rito.

Pero nadala na rin si Shaun at naramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Gap sa kanyang pisngi habang pinagsasaluhan nila ang isang halik. Pansamantalang nawala ang lahat ng kanilang mga alalahanin at tanging ang isa’t-isa ang naging mahalaga sa kanila.


Muling nagbalik si Symon sa stage para kantahin ang isa sa kanyang mga paboritong local songs. Pahinga muna siya sa mga mabibilis na kanta. Wala na ang puting telon at nagbalik na ang banda sa kanyang likod na napunta sa ilalim ng stage ng lumiyab ang kanyang pangalan.

Ang kanyang mikropono ay nakalagay sa isang mic stand at may isang high chair sa harapan nito. Kinamusta niya sandali ang audience at nagbigay ng background sa susunod na aawitin.

“I miss the old times when nothing matters but us. I miss you.” ang kanyang sabi habang nagsisimula nang tumugtog ang piano.

Naisip ni Symon na marahil nagtataka si Gap sa kanyang mga sinasabi dahil ang alam nito ay okay sila. Pero nang tingnan niya ito ay mukhang naiintindihan niya ang kanyang pinaghuhugutan. Kahit na kasi pilit niyang itago rito na may alam siya, alam niyang ramdam ni Gap ang tensyon sa kanilang dalawa. Ayaw lang nila itong harapin.

Sa pagtatapos ng kanta ay nakita niyang nakahilig na si Gap sa balikat ni Lexie at umiiyak. Hindi na napigilan ni Symon ang sarili at naiyak na rin siya sa stage. Nakita ito ng lahat bago pa man mamatay ang mga ilaw para sa susunod na number. Nawala siya sandali sa sarili at nagulat ng ipakita ang isang video niya na kanyang kinunan gamit ang laptop noong mga panahong nasa tour siya.

Makailang ulit siyang huminga ng malalim at pinigilan ang pag-iyak kahit na imposible. Ang video na ipinapalabas ay iyong dapat na ipapakita niya kay Gap bilang pasasalamat sa pagmamahal nito sa kanya. Nakatalikod siya sa stage para manood na para bang isa siya sa mga audience.

“This song means a lot to us. It all started with this, right?! Bring the beat in!”

Nang dumating na sa part na puro chorus na lang ay muling bumalik si Symon sa stage at itinago niya muna ang lahat ng kalungkutan para bigyang hustisya ang kanta. Nakangiti siyang tumingin kay Gap at kahit na basa pa rin ang mga mata ng huli ay in-acknowledge nito ang kanyang ngiti. Parang rollercoaster ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Gusto na niyang matapos ang lahat para malapitan na niya si Gap at mayakap ito.

Sa pagkanta niya ng awiting tumulong para lalong umusbong ang kanilang relasyon ay na-realize ni Symon kung gaano niya talaga kamahal si Gap, na ito lang ang tanging makakapagpasaya sa kanya. Isang set na lang at tapos na ang concert. Konting tiis na lang at makakapag-usap na sila.


Habang nagpe-perform si Symon ng Set Fire to the Rain ay palakad-lakad si Shaun sa backstage. Hindi ito mapakali. Ilang araw na siyang ganoon simula nang gabing iyon. Nagi-guilty siya. Alam niyang mali iyon pero nagpadala siya. Ngayon hindi niya alam kung paano haharapin si Symon ng maayos.

Sa kanyang maya’t mayang paglabas sa dressing room ay narinig niya mula sa katabing silid si Vince na sumisigaw. Parang may kaaway ito. Mahinahong boses naman ang sumasagot sa mga pagsigaw niya na sa kanyang wari ay si Tony iyon, ang manager ni Symon. Pero malinaw ang mga sumunod na sinabi ni Vince dahil inilapit niya ang tainga sa may pinto.

“I WANT MY MONEY!!! I did everything I could so Symon would win! Tumupad ka sa usapan, Tony!”

“Yeah. Nabigay ko na sa’yo ang 25% diba? Hintay lang ng konti.”

“Hindi 25% ang usapan natin. Give me my money or else, magsasalita ako na rigged ang contest.”

“Okay, okay! Pag nakuha ko ang revenues ng concert. You’ll have your money.”

“Siguraduhin mo lang. Hindi ako nagbibiro, Tony. Magsasalita talaga ako. Sasabihin ko kay Shaun na dapat siya ang nanalo.”

“I understand.”

“Now, get out of my room!”

Sakto namang umentra si Symon sa backstage kaya galit na galit na nilapitan ito ni Shaun at itinulak. Siya ang dapat na nasa posisyon ngayon ni Symon. All of a sudden, nawala ang pagka-guilty niya sa mga nangyari.


Dumating na ang oras ng showdown nina Symon at Shaun. Bago iyon ay may dalawang kanta muna si Shaun na mula sa kanyang sariling album. Mainit naman siyang tinanggap ng mga fans ni Symon. Hindi niya maalis ang galit na nararamdaman dahil sa nalaman. Nakikita niya si Symon sa gilid ng stage na nakaabang na para sa kanilang duet. Ang daming tumatakbo sa kanyang isip pero ginalingan na lang niya lalo para maipakita sa lahat ng tao na mas magaling siya sa “nakatalo” sa kanya.

“Ako ang mananalo. Kahit na ikaw ang dineklara, ako pa rin ang mananalo.” ang naisip ni Shaun.

Nakita niya si Bryan mula sa dami ng tao sa audience. Sakto ang mga unang salita sa kanta nila ni Symon sa kanyang mga gustong sabihin dito. Iniangat nito ang kanyang kamay nang kantahin niya ang chorus na para bang may gusto siyang hawakan na hindi niya maabot.


Pansin ni Symon ang mga sulyap ni Shaun kay Gap habang kumakanta ito ng kanyang mga original songs. Nasa gilid lang siya ng stage at hinihintay ang pangatlong kanta ni Shaun kung saan sila ay magdu-duet. Nagtataka pa rin siya kung bakit siya tinawag nitong mandaraya. Siya pa ba ang nadaya?

Lalong tumitindi ang pagkainis niya rito. Nagkatinginan sila bago magsimula si Shaun sa ikatlong kanta. Napansin ni Symon ang matalim na tingin sa kanya ni Shaun.

“Where’s my mic?”

“Sa second stanza ka pa.” ang sabi ng isa sa mga members ng production.

“Give me my mic!” ang pagsigaw niya.

Pagkaabot na pagkaabot sa kanya ng mic ay sinenyasan niya ang nag-abot nito na sabihan ang sound control na i-on ito. Mabilis naman siyang sumunod. Nang makasiguradong okay na ang sound ay lumabas na siya mula sa gilid para sa kanilang showdown. Nagulat si Shaun dahil hindi pa iyon ang part ni Symon. Nasa pangalawang line pa lang ng chorus. Pero pilit na lang itong ngumiti at hinayaan niya itong kantahin ang buong chorus.

“Now and then I think of all the times you screwed me over.” ang pagsapaw ni Shaun.

Pinagbigyan ni Symon si Shaun pero agad rin siyang sumapaw sa huling linya ng stanza. Alam niyang sakto iyon sa ginawa sa kanya ni Gap at Shaun.

“…and I wouldn’t catch you hang up on somebody that I used to know.” Medyo iniba niya ang lyrics. Kasabay ng mga linyang iyan ay ang pagtulak ni Symon kay Shaun. Nagpalakpakan ang mga tao dahil ang sa tingin nila ay drama lang ito. Ang hindi nila alam ay totoo ito at may pinanghuhugutan. Mas nangibabaw na ang inis niya kay Shaun dahil firm na ang desisyon niyang ayusin ang lahat sa kanila ni Gap whatever it takes.

Naging maganda naman ang resulta ng sapawan nila para sa mga audience. Sumigaw pa ang mga ito ng “More.” matapos ang kanta. Nang muling namatay ang ilaw ay hinawakan ni Shaun ng mahigpit si Symon sa braso at bumulong dito.

“Mandaraya ka. You’re not the real winner of Ultimate Sing-off! I am! You deserve every shit that’s happening to you!”

Naglakad na palayo si Shaun papunta sa backstage. Agad namang nakahabol si Symon sa kanya at kinompronta ito.

“What the hell is your problem??” ang galit niyang tanong dito.

“Ikaw! Inagaw mo ang title sa akin. Ako ang dapat na nanalo, Sy!”

“What??! Where’s this coming from?!”

“Narinig ko ang manager mo at ang naikwento mong naghikayat sa’yong mag-audition! Planado pala ang lahat! Sadyang pinanalo ka nila! Congratulations!!!” ang sigaw niya.

Nagsimulang magkagulo sa backstage dahil sa lakas ng boses ni Shaun. Nangingilid na ang mga luha nito at namumula na ang mukha dahil sa sobrang galit.

“Come on, Sy. Let’s go.” ang sabi ni Tony habang nilalayo si Symon kay Shaun.

“Is it true???!” ang tanong ni Symon.

“We’ll deal with this later. You have a show to finish.”

Pabalik na si Symon sa stage nang tawagin siya ni Shaun na may escort ng mga guard palabas ng stadium. Malakas ang kabog ng dibdib ni Symon at medyo naiiyak na rin siya. Akala niya masaya ang gabing ito dahil finally isho-showcase niya ang kanilang pinaghirapan. Pero mukhang kabaligtaran ang nangyari.

“SYMON!!! By the way, I slept with Gap!” ang sigaw ni Shaun.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment