Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (11)

by: Lui

3/17/2009

Hi, PJ. Malungkot ako ngayon. Well, since last month pa after retreat. :( Nadagdagan pa lalo ngayon. Pero ikekwento ko muna kung bakit one month na akong ganito. Ang tamlay ko kaya. Hindi na ako makakain ng maayos. Halos ayoko nang pumasok. Grabe, PJ. Nasasaktan na ako.


Pero bakit? Anong karapatan kong masaktan? Hindi naman niya hiniling na maramdaman ko ‘to sa kanya diba? Simula nung gabing iyon na hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako, wala na akong narinig mula sa kanya. Buti na lang “Happy Valentine’s Day” ang last words niya sa akin kasi, at least, pag ini-imagine ko siya (o, wag mag-isip ng bastos, wholesome ako) napapangiti pa rin ako. Pero kapag nakikita ko siya, alam mo yun, para akong sinaksak. OA? Fine, para na lang akong tinutusok ng karayom. Mga 10x per second. Ganon.

Haaaaaaaaaaaaaaay! Ito pa ang mahirap, PJ. Si Trixie sa akin nag-oopen up tungkol sa kanila. Malamang, best friend niya nga ako diba? Minsan gusto ko na lang sabihin sa kanya na “Pwede ba, wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko tuwing sinasabi mo kung gaano kayo kasaya?” O diba, talo ko pa ang ampalaya sa pagka-bitter? Hay. Affected na affected ako. You know why? Malapit na kasing mag-end ang school year. Hindi ko na siya makikita kasi bakasyon na.

Okay, bakit nadagdagan pa lalo ang lungkot ko ngayon? Related siya sa nalalapit na pagtatapos ng school year. PJ!! Ayoko na, naiiyak na ako habang sinusulat ‘to. Promise!!! Kinausap kasi ako ng parents ko kanina while we’re having dinner. Waaaaaaaaaaah!!! Babalik ulit kami sa States. Ayokoooooooo. :( Kasi dun na nila ako pag-aaralin. Hindi ko alam kung anong hinithit ng mga magulang ko at naisip nila ‘yun. Nag-walk out talaga ako. Ayoko kasi. Isang taon na lang eh. Paano na yung dream kong tumakbo as president next school year? Paano na ‘yung mga friends ko? Paano na si… Crush? Ay, bakit kasama siya?

Sabi nila, pauulitin din naman daw ako ng middle school doon kaya para hindi na masayang pa yung taon, dun na raw ako. Kasi 8th grade ang pasok ko pag nagkataon. So parang 2nd year high school dito. Mas magiging madali rin daw ang pagkuha ko ng scholarship sa mga universities doon. E kamusta naman ang adjustment at discrimination??! Tapos sila nandito? Daig ko pa OFW na mag-isa! Kina lola naman daw ako titira pero, namaaaaaaaaaaaaaaan, ayoko talaga!!! Anong gagawin ko, PJ??!

3/19/2009

Today, napansin ni Trixie ang pagkalungkot ko. Napabait na kaibigan no? More than a month na akong miserable, ngayon pa lang niya napansin. Dinamayan niya ako kasi malungkot din daw siya. Naguguluhan daw siya kasi parang bigla na lang daw naging visible ulit sa kanya si Kuya Pau. Aba, at may balak pang lokohin si Crush, sarap lang sabunutan! Pero ginawa ko nga, hinila ko ang buhok niya sa inis.
Haha! Gulat ang malandi.

Matapos ang isang oras na puro siya ang topic, at last, tinanong niya what’s wrong with me. Gusto ko sanang sabihin —- Inagaw mo ang mahal ko! Tapos ngayon lolokohin mo lang? Tulak kaya kita sa flyover?! Sasaktan muna kita bago mo siya masaktan. Pero dahil best friend ko siya, sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi na ako sa Philippines magtatapos ng pag-aaral. Nagulat din siya kasi biglaan. Halos magwala siya nun. Nakaupo kami sa hagdan nun, tapos na ang klase. Natawa kaming parehas nang muntik na siyang malaglag. Ang ligalig kasi. Pero lumungkot na naman nang nagtanong na siya kung bakit. Explain, explain, explain. Tapos nagpaalam na siya kasi naghihintay na raw si Crush sa may gate. Niyaya niya akong sumabay sa kanila pero tumanggi ako.

Naisip ko, bakit ba ako nagsasayang ng oras at nalulungkot dahil hindi niya ako pinapansin? Crush ko lang naman siya. Pero sabi ng puso ko, hindi daw. Hahahaha! Pero gets mo, PJ? Wala namang patutunguhan eh. Malaman niya man o hindi, aalis na ako at masaya naman siya with Trixie. Pero binabagabag pa rin ako sa pinakita niya nung retreat. Yung sa candlelight yun, wala ng iba! Green-minded ka!!!

Shit, PJ! He’s calling. Tumatawag si Crush, wait!

10 mins and 43 seconds… Call duration ng pag-uusap namin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. PJ, umiiyak na naman ako. Habang fresh pa sa utak ko, ito naging usapan namin:

Me: Hello?

Crush: Is it true?

Me: Hindi ikaw ang ama (sa isip ko lang yan) Ang ano?

Crush: You’re leaving?

Me: Yeah.

Crush: Bakit?

Me: Anong bakit?

Fresh pa naman pero ayoko na isulat. Tinatamad na ako, joke. Naghalo-halo na sila sa utak ko. Basta, malungkot siya. Naramdaman ko yun. Gusto ko na siyang tanungin, PJ. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng sakit na dinulot niya— huh??? Erase, erase. Na-carried away lang. Pero seriously, gusto ko na siyang komprontahin kasi gulung-gulo na ang utak ko. Magkaibigan kami. Nagkakaintindihan kami. Pero bakit ganon? Bakit kailangan niyang maging ganon sa akin?

Pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko kayang mapahiya. Baka malaman ng ibang tao. Hindi porke’t aalis na ako e okay lang na madungisan ang pangalan ko. E paano kung biglang change of plans? Saang putikan ako pupulutin?

Shit na malagkit, PJ. Nakikita mo ba kung anong effect niya sa akin? Dati ang jolly ko, pero ngayon, para na akong makata. Nagtanong pala siya kung kailan kami aalis. Nga pala, 2nd week of April daw. So, parang isang buwan na lang.

Hapdi na ng mata ko, PJ. Sa susunod na lang ulit. Good night. PJ, ayoko talagang umalis. Ayokong umalis na hindi niya alam ang nararamdaman ko. :( Pero paano? Bigyan mo naman ako ng lakas ng loob. Kahit 1% lang.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment