by: Lui
2/12/2009
Hi, PJ! Kakatapos ko lang mag-empake.
Retreat namin. We’re off to Tagaytay tomorrow morning. Promise, di na kita
kakalimutang dalhin pero kelangan kitang itago mahirap na. Wala namang
masyadong bago. Broken-hearted pa rin. Haha!
Ayoko namang manlandi ng iba no! Hindi
ko gusto ang… Iba. Hahahaha! One month na simula nang mag-decide akong i-erase
si Crush sa buong sistema ko. At alam mo ba?!! Nandito pa rin siya. Huhuhuhu.
Ang hirap, PJ! :( Araw-araw ko siyang nakikita. Nakakasama ko pa dahil sa bruha
kong bestfriend. Si Trixie pa rin ang bestfriend ko kasi hindi naman niya alam
na nasasaktan niya ako eh. Haha! Feeling ko nga alam naman niya talaga ang
preference ko, ayaw lang niya magtanong. Ang hindi niya lang siguro alam e yung
kay Crush.
Pero in fairness naman, medyo sanay na
ako. Na lagi siyang iwas sa akin kapag magkasama kami ni Trixie. Napapaisip nga
ako kung may mali ba akong nagawa sa kanya pero wala naman akong maisip. Paano,
e puro puso ang ginagamit ko sa kanya? Imposible namang masaktan siya ng puso
ko kasi lab na lab siya nun. HAHAHAHA!! Hay, nababaliw na yata ako. Malungkot
ako pero tawa ng tawa.
Magiging okay din ako diba? Diba??
2/13/2009
PJ, sabihin mo nga. Imposible ba
talagang kalimutan siya?! Lahat na lang ng actions niya, affected ako eh. Haay.
Kanina, may group activity kami. Buti hindi ko siya ka-group. Pero nung
presentation na, ay shit talaga! Kinailangan kong hawakan ang baba ko kasi kung
hindi malamang nakanganga ako. Nagsayaw siya, PJ! Lalo akong na-amaze kay
Crush!!! Hay, nakakakilig. Pero syempre, hindi ko pinahalata, as usual. Haha!
Naisip ko, nasa retreat nga pala kami.
So, may sharing moments. Nung na-realize ko yun kanina, kinabahan ako bigla.
Sign na ba ‘to from God? Gusto na ba Niyang aminin ko kay Crush ang
lahat-lahat? Wala pa akong lakas ng loob. Hindi ko yata kakayanin. Pero alam mo
yung gusto ko na rin sabihin para matapos na? Kung ano man ang maging reaksyon
na, bahala na. Pero pinangungunahan ako ng takot. Siguro kung tatanungin niya
ako ngayon, sasabihin ko na. Ayoko lang na ako ang mag-open up.
Hay, PJ. Hindi ako makatulog. Siya
lang laman ng isip ko. Pati yung pagsasayaw niya. HAHAHAHA! Wag kang mag-isip
ng iba, yun lang talaga! Haha! Anyway, wala naman kami masyadong interaction ni
Crush ngayon kaya wala rin ako ibang makekwento sa’yo. Good night!!
2/14/2009
Sobrang maga na ng mata ko kakaiyak.
Nag-candlelight kami kanina. Yun yung part ng session namin na haharapin mo
isa-isa yung mga classmates mo. Aayusin niyo yung mga away. O kaya makikipagkaibigan
sa hindi pa ka-close. Kaya candelight kasi malamang kandila lang ang ginamit
naming ilaw para daw intimate.
Edi alam mo na ang nangyari! Pero
siyempre, ikekwento ko pa rin. Ano pa’t may journal ako kung hindi ko isusulat
diba? Hay nako. Ano ba ‘tong isip ko, ang gulo! Haha! Anyway, so ayun na. Hindi
ko na ikekwento sa’yo yung iba dahil alam ko namang si Crush lang ang gusto
mong mabasa. At siya lang rin ang gusto kong ikwento talaga.
PJ! As soon as magharap kaming dalawa.
Hinawakan niya ang kamay ko. PJ, HINAWAKAN NIYA ANG KAMAY KO! Parehas ha. As
in, ang higpit ng hawak niya. Akala ko nga galit pero nakayuko siya. Gusto ko
sanang batukan ang sarili ko kanina. Ang sabi ko ba naman, “May padasal?”
Hahahahaha! Kasi naman, naka-indian sit kami sa floor tapos may isang candle sa
gitna, tapos magkahawak kami ng kamay. Tumatawag yata ng espirito si Crush.
Katakot!
Okay, seryoso na. Kaya pala nakayuko
ang gwapo (ano daw?) e kasi umiiyak siya. :( Grabe, parang sinasaksak ako nung
nakita ko siyang parang bata na inagawan ng laruan. Ang lalim ng mga hinga niya
tapos tulo ng tulo yung mga luha niya. I asked him why a dozen times. Naiyak na
rin ako. Nakakahawa! Gusto ko siyang i-hug kaso baka kung anong isipin niya.
Tsaka may kandila, baka masunog ako. Singhot ako ng singhot kasi sinipon na ako
kakaiyak. Pero ayokong bitawan ang kamay niya, ayoko talaga! Kaya naman todo
effort sa pagsinghot. Hahaha!
Wala siyang ibang sinabi kung hindi
“Sorry.” Naiyak lalo ako nang ma-realize kong alam niya ang ginagawa niyang
pag-snob sa akin. Alam niyang hindi normal ang pinapakita niya. Binitiwan ko
yung kamay niya. Hindi naman ako nagalit, hindi ko lang talaga na kaya
i-contain ang ilong ko. Hahaha! I asked him why. Pero ‘sorry’ pa rin ang
sinasabi niya. Tumayo siya bigla at in-offer niya ang kamay niya sa akin para
tulungan akong tumayo. Wala pang one second na nakatayo ako, niyakap niya ako
ng mahigpit. Nagsimula na naman siyang umiyak. Daig pa ang namatayan! Medyo OA
pero ewan. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya.
I was left hanging sa kung ano ang
rason kung bakit ganon. Pero I don’t wanna push my luck at in-enjoy ko na lang
ang moment na ako ang naging sentro ng kanyang atensyon. Ang sarap sa
pakiramdam, PJ. Lalo na nung before kami pumasok sa room (magkatapat ang room
namin), sabi niya sa akin — Happy Valentine’s Day!
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment