by: Lui
“Symon.” ang mahinahong paggising ni
Gap sa kanya.
Pero himbing pa rin ang pagtulog ni
Symon kaya naman pasimple siyang tinabig ni Gap sa braso para magising.
Marahang nagbukas ang kanyang mga mata at agad na kumunot ang noo nito dahil sa
pang-iistorbo ni Gap sa kanyang pagpapahinga.
“Mr. Gonzales!!!” Napaupo bigla ng
maayos si Symon nang marinig ang malakas na sigaw ng professor. Naramdaman niya
ang tingin ng bawat isa sa loob ng class room. Pupungas-pungas siyang tumingin
sa professor.
“Yes, Ma’am?”
“Kung matutulog ka lang, sana ay hindi
ka na pumasok sa klase ko!”
“I’m so sorry. I had a long night.
Alam niyo naman pong…”
“That is not an excuse! Estudyante ka
pa rin dito. No special treatment or whatsoever!”
“Sorry po.”
“Do me a favor, Mr. Gonzales. Get out
of my class room.”
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si
Symon. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at tumayo. Wala naman kahit isa ang
nagsalita sa loob ng silid na iyon at ang mga mata nila ay nakapako pa rin kay
Symon.
“Later, Gap.” ang paalam niya.
Bago pa man buksan ang pinto sa likod
ng room ay tumingin muna siya sa professor na nakapamewang sa harapan. Kinuha
niya ang shades na nakalagay sa kanyang chest pocket at sinuot ito.
“Thanks, Ma’am!” ang nakangiti niyang
sabi dito.
---
Halos magda-dalawang buwan na ang
lumipas simula nang magsimula ang
ikahuli niyang taon kolehiyo at subsob na agad siya agad sa pagtapos ng
kanyang thesis. Wala siyang pasok ngayon dahil apat na araw lang sa isang
linggo ang kanyang klase. Bumaba na siya mula sa kuwarto nang makaramdam ng
gutom.
“Kumain ka na diyan. Aalis muna ako.”
ang paalam ng kanyang ina.
Ilang buwan na rin siyang tinanggap
muli ng ina sa bahay pero hindi pa rin nanunumbalik ang sigla sa samahan nila.
Marahil ay hindi pa rin matanggap ng huli ang kanyang nakita.
“Saan ka pupunta, Ma?”
“D’yan lang.” ang malamig nitong
sagot.
“Ingat ka.”
Patapos na siya kumain nang may
mag-door bell. Inilagay niya muna sa lababo ang pinagkainan bago mabilis na
lumabas ng bahay upang buksan ang gate. Agad siyang kinabahan nang makita kung
sino ang naghihintay sa kabilang side ng tarangkahan.
“Bryan! Anong ginagawa mo dito?” ang
halos pasigaw niyang tanong dito.
“Nakita kong umalis Mama mo. I miss
you, James.”
“Kanina ka pa nandiyan? Bry, alam mo
naming hindi pa kami okay ni Mama. Kapag nakita ka niya, baka magalit lalo
iyon.”
“Wala naman siya ngayon eh. Ilang araw
na tayong hindi nagkikita. Miss na miss na kita.”
Hindi naman maikaila ni James na
nami-miss niya na rin si Bryan. Hinablot niya ang kamay nito papasok sa loob ng
kanilang bahay. Nang maisara ang pinto sa sala ay agad siyang siniil ni Bryan
ng mapusok na halik sa labi. Mabilis na iniyakap ni James ang dalawang kamay sa
batok nito.
“Sandali, doon na tayo sa kwarto.” ang
sabi ni James.
---
Beautiful People – Chris Brown
Everywhere, everywhere
Everywhere I go
Everywhere that I’ve been
The only thing I see is
Is beautiful people
Don’t you know, don’t you know
You’re beautiful, don’t you know
Don’t you know, don’t you know
Beautiful, don’t you know
“Hoy!” ang sigaw ni Gap matapos
hilahin ang headset na nasa tainga ni Symon.
“Hey. Nandiyan ka na pala.” Mula sa
pagkaka-slouch sa isang upuan sa park ay umayos ng upo si Symon nang makita si
Gap. Tinanggal din niya ang suot na shades. Medyo magulo na ang buhok niya
dahil sa lakas ng hangin doon. May mangilan-ngilang estudyante ang dumaraan at
tumitingin sa gawi nila pero hindi nila ito pinapansin.
“Wala pa, Sy. Nasa class room pa ako.”
“Funny.”
“Gigil na gigil sa’yo si Mrs. Anonas
paglabas mo.”
“Talaga? Hayaan mo siya.”
“Sy. Umayos ka nga. Ikaw naman may
kasalanan eh.”
Natigilan naman si Symon sa mahinahong
pakikipag-usap sa kanya ni Gap. Yumuko siya at humingi ng sorry sa ginawa.
“Oo na. Kakausapin ko siya tomorrow.”
“Bakit bukas pa?”
“Eh malapit na akong sunduin.”
“Aalis ka na agad?”
“Oo. Sinabi ko na sa’yo diba?”
“Oo nga. Pero mami-miss na naman
kita.”
“Papasok naman ako bukas eh.”
“Kaya mo ba? Hindi ba malayo ang Lucena?”
“Sa biyahe na lang ako matutulog.
Tsaka Friday naman bukas, maaga tapos ng klase natin. Labas na lang tayo.”
“Tayong dalawa lang o kasama sina
Lex?”
“Tayong dalawa lang. Miss na rin
kita.”
Akmang hahalikan na siya ni Gap nang
bigla siyang umiwas. Bumalik naman sa maayos na pagkakaupo si Gap. Isang
malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.
“Sorry. Alam mo namang…”
“I know. It’s okay. Sorry din.”
Ilang minuto lang ang lumipas ay
nag-ring na ang phone ni Symon na nakalagay sa table na nasa pagitan nila ni
Gap. Agad niya itong sinagot. Matapos ang mabilis na pakikipag-usap ay tumayo
na si Symon at kinuha ang kaniyang bag.
“Papasok na daw sila ng MSCA.” ang
paalam ni Symon.
“Already? Ang bilis naman. Akala ko
matagal pa sila.” ang biglang nalungkot na sabi ni Gap.
“I’ll call you agad when I can.
Alright? Wag ka na malungkot.” ang pasimpleng paglalambing ni Symon.
Naglakad na sila palabas ng park para
hintayin ang sasakyan sa main street sa loob ng MSCA. May isang puting van ang
tumigil sa harapan ng park. Nakita agad ito ni Symon at itinuro ito kay Gap.
“Wait!” ang pagpigil ni Gap kay Symon.
Napatigil naman bigla si Symon sa
paglalakad at humarap muli kay Gap. Nakita niyang abala ito sa pagbubukas ng
kanyang bag. Isang regalo ang lumabas mula rito. Nakangiting inabot ni Gap ito
sa kanya kahit na bakas sa mga mata nito ang lungkot.
“Happy 4th month.” ang sabi ni Gap.
---
“I missed you.” ang sabi ni James
habang nakayakap siya kay Bryan.
“Hayaan mo na kasi akong kausapin Mama
mo.” ang pagbabalik ni Bryan sa madalas nilang pagtalunan.
“It won’t help.”
“Paano ka nakakasiguro?”
“Natatakot ako.”
“Bakit? Kasama mo naman ako.”
Matagal na nag-isip si James sa
madalas na ipilit ni Bryan na gawin. Hindi niya alam kung ano ang magiging
desisyon. Pinanghihinaan siya ng loob dahil hindi pa rin naman ganoon kabuo ang
tiwala niya kay Bryan simula noong nangyari sa Megamall.
“Please? Let me do this. For us.”
“Bahala ka na, Bry. Kung kaya mong
harapin si Mama, ikaw na mag-decide.”
Isang mahigpit na yakap ang sinagot ni
Bryan sa sinabi ni James. Hinalikan siya muli nito na para bang gusto pang
ulitin ang kanilang pinagsaluhan pero tumanggi na siya.
“Magbihis ka na. Baka dumating na si
Mama.
“Akala ko bahala na ako?”
“Oo nga. Pero huwag naman ngayon.
Tsaka huwag naman na makita ka niya na galing pa dito sa kwarto ko.”
“Okay, okay.” Mabilis na nagbihis ang
dalawa bago ihatid ni James si Bryan sa gate.Muli niyang inabala ang sarili sa
pagsusulat ng thesis. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng buong summer ay
naging maayos ang samahan nila ni Bryan. Hindi na siya nakakita ng kung ano
mang kilos mula rito na nagpapahiwatig na may ginagawa na naman itong
kababalaghan. Masaya siya. Pero hindi pa kumpleto dahil sa problema sa ina.
---
Pinili ni Symon na sa pinakadulo sa
likod ng van maupo habang nasa biyahe papuntang Lucena. Paulit-ulit niyang
pinapagalitan ang sarili dahil sa katangahang nagawa.
“How could you forget this special
day??! Napakatanga mo, Sy! Sobra!!!” ang sabi niya sa sarili.
“Uy, okay ka lang?” ang tanong ni
Shaun sa kanya na nakaupo sa tabi niya.
“Huh? Yeah.”
“You don’t look okay.”
“Pagod lang siguro sa class.”
“Here.” Inabot ni Shaun sa kanya ang
unan para makanakaw ito sandali ng tulog pero hindi naman siya dalawin ng
antok. Nagi-guilty siya sa paglimot sa isang mahalagang araw sa kanila ni Gap.
Kinuha niya ang regalo ni Gap sa kanya
at binasa ang card na nakadikit dito. Minabuti niyang basahin na lang muna ito
at sa bahay na lang buksan ang regalo.
“Sy,
Happy 4th month! I love you.
Gap
“Thank you, Gap. I love you.” ang
bulong niya.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment