Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (02): Book 2

by: Lui

Kinabukasan ay puyat si Symon na pumasok sa MSCA. May hawak siyang malaking cup ng coffee pagkapasok sa class room. Nginitian niya agad ang mga kaibigan na naroon na’t nagkekwentuhan.

“Hey there!” ang bati ni Coleen.

“Puyat na naman?” tanong ni Shane.

“Yeah. Kamusta?”

“We’re planning on our sem break trip.” sagot ni Jeric.


“I know it’s too maaga for that. Pero knowing you, we should plan ahead.” sabat ni Coleen bago pa makapagsalita si Symon.

“Right. Where to? Anyways, si Gap nasaan?”

“Di pa dumarating eh. Hindi ba kayo nagkausap kagabi?” sagot ni Lex.

“Tinawagan ko siya pero hindi sumagot. Tsaka nakatulog na rin ako agad sa pagod.”

Agad na kinuha ni Symon ang phone at tinext muli si Gap. Umupo na siya sa tabi ni Coleen at humilig sa balikat nito. Wala naman tigil ang kwentuhan ng magkakaibigan pero mas pinili na lang ni Symon na makinig na lang.

“You busy later? Tara, PJ’s!” yaya ni Coleen.

“Actually, we might go out ni Gap.”

“Ooh. Sexy night?” pang-aasar ni Shane.

“Shut up, Shane!” ang natatawang sagot ni Symon.

Dumating na si Gap habang nagkukulitan sina Shane at Symon. Agad na tumabi ito sa kanya at pasimpleng pinisil ang kanyang kamay. Isa-isang tiningnan ni Symon ang mga kaibigan. Masaya siya na kahit na minsan na lang niya makasama ang mga ito ay kumpleto pa rin sila at naging mas matibay na ang kanilang samahan.

“Hindi mo sinasagot mga tawag at texts ko.” ang pagtatampo ni Symon kay Gap.

“Sorry, Sy. Nakatulog ako agad kagabi. Tapos kanina, naubusan ako ng load. How’s last night?”

“Tiring pero masaya. Sayang hindi mo nakita.”

“So, saan mo gusto pumunta later?”

“Ikaw na bahala.”

“Good.” ang nakangising sabi ni Gap.

---
Ilang ulit na niyang pilit pinapakalma ang sarili pero hindi yata ito nakakatulong sa malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nakailang buntong hininga na rin siya habang nakatayo sa harap ng gate. Buong lakas loob niyang pinindot ang door bell at narinig niya ang mahinang pagtunog nito sa loob ng bahay.

Narinig niya ang marahang pagpihit ng lock ng gate. Halos mawalan siya ng hangin sa katawan nang tumambad sa kanya ang taong nais makausap.

“Good afternoon po, Mrs. Macapagal.”

“Yes?”

“Ako po si Bryan.” Inilahad niya ang kanyang kamay sa ina ni James bilang pormal na pagpapakilala. Napansin niyang hindi siya gaanong matandaan nito kaya kahit awkward ay ipinaalala niya dito kung saan siya nito nakita noon.

“Oh. I see. Anong ginagawa mo rito?”

“Gusto ko po sana kayong makausap, kung okay lang po.”

Kahit na hindi siya nginitian nito, lumuwag na kahit papaano ang loob niya nang imbitahin siya nitong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Iniwan siya saglit nito sa garden kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong punasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Pagkabalik nito ay may dala na itong pagkain at inumin.

“Salamat po.” Katahimikan ang nanaig sa pagitan nila. Si Bryan ang gustong makipag-usap kaya’t siya ang dapat na magsimula ng conversation. Naghalo ang takot at kaba nang simulan niyang magsalita.

“Ma’am, gusto ko po sanang humingi ng dispensa sa nakita niyo. Hindi naman po namin sinasadyang sa ganoong paraan niyo malaman ang namamagitan sa amin ni James. Alam ko pong mahirap na tanggapin kung ano ang anak niyo pero…”

“Stop. Stop right there.” Agad namang tumigil si Bryan sa pag-imik at yumuko. Rinig niya ang malalalim na paghinga ni Mrs. Macapagal. Hindi niya alam kung paano tumingin dito.

“I know. I’ve known since the beginning.”

Mabilis naman napaangat ang kanyang ulo sa sinabi nito. Hindi naman alam ni Bryan ang gagawin nang makita niyang namumuo na ang mga luha sa mga mata ni Mrs. Macapagal.

“Ma’am…”

“Alam ko kung ano ang anak ko. I’m his mother. Of course I would know. Ayoko lang tanggapin. Ayoko. Hindi ko kaya.”

Hindi nagsalita si Bryan at hinayaan niyang mamagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Tanging mga hikbi lamang ng kaharap ang maririnig. Iniabot niya dito ang sariling panyo upang punasan ang mga luhang walang patid na tumutulo mula sa kanyang mga mata.

“Salamat.”

“Ma’am, sana po hindi niyo masamain ang paglapit ko sa inyo. Alam ko pong mahirap pero nahihirapan na rin po si James. Sana po ay matanggap niyo po siya, kami. Hindi po nakakatulong sa inyong dalawa ang pag-iwas sa katotohanan.”

“Alam ko, hijo. Mahal ko ang anak ko. Pero kailangan ko lang ng konting panahon para i-adjust ang mga pangarap ko sa kanya tulad ng pagbuo ng isang pamilya balang araw.”

“Hindi naman po dahil hindi babae ang gusto niya ay hindi na siya maaaring magkaroon ng pamilya. The sense of family is there as long as love is the center of the relationship.”

Lumipas ang mga oras at nakagaanan ng loob ni Mrs. Macapagal si Bryan. Marahil nakita nito kung gaano ito ka-sincere sa pagtulong niya sa kanilang mag-ina.

“Huwag mo na akong tawaging Ma’am. Tita Lynette na lang.”

“Sige po, Tita Lynette. Una na po ako.”

“Maraming salamat, Bryan. Mag-iingat ka ah.”

Nang makaalis si Bryan ay masiglang naghanda si Lynette ng dinner para sa kanilang dalawa ni James. Dahil sa pakikipaghuntahan niya kay Bryan ay nagkaroon siya ng bagong perspektibo. Mahal niya ang anak at hindi naman niya matitiis na hindi ito maging masaya.

“Hi, Ma.” ang bati ni James nang makarating ito sa bahay.

“Kumain ka na ba?”

“Hindi pa nga po eh.”

“O, niluto ko ang paborito mo.” Agad na tiningnan ni James ang nakahain na ulam sa mesa. Lumapit sa kanya si Lynette at niyakap siya mula sa likod.

“Pasensya na, anak, kung nahirapan akong tanggapin ka.”

“Ma…”

“Mahal kita kahit ano ka pa. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak. Kung saan ka masaya, syempre doon din ako.”

“Thank you, Ma.” Mahigpit na nagyakap ang dalawa. Pinunasan ni James ang luha ng ina at nagyaya nang kumain dahil gutom na ito.

“Iniwan mo na namang nakabukas ang gate niyo.” ang biglang entra ni Gap sa eksena.

---
Nagmamadaling sumakay si Gap sa elevator ng isang kilalang building. Kasunod niya ang dalawang babae. Ang isa ay bitbit ang isang malaking bag habang ang isa naman ay walang patid ang pakikipag-usap sa kanya. Siya naman ay abala sa pakikinig sa kantang kanyang aawitin sa gabing iyon.

Don’t You Remember – Adele

When will I see you again?
You left with no good bye
Not a single word was said
No final kiss to seal any seam
I had no idea of the state we are in

Don’t you remember
The reason you love me before
Baby please remember me once more

“Naiintindihan mo ba ang lahat ng sinasabi ko sa’yo? Hindi ka pwedeng magkamali rito. All eyes are on you. Okay?”

“Sure.” ang sagot ni Symon nang saktong bumukas ang elevator door.

“Dressing room to the right!” ang sigaw ng isang lalaking sumalubong sa kanila.

“I just don’t get why they are rushing us. The show won’t start until 10PM right? 7.30PM pa lang.” ang rant ni Symon habang naglalakad papunta sa dressing room.

“It’s live TV, Symon. Mas okay na ang maaga kaysa ma-late. Iyan ang lagi mong tatandaan. By the way, I’m so sorry for the very short notice. You’re not up for this guesting until next week.”

“I know. Wala naman akong magagawa.” ang malungkot na sabi ni Symon habang nagse-settle siya sa sariling dressing room.

---
“JR! Aba, mukhang hindi ka pa umuuwi ah.” ang gulat na bati ni James kay Gap nang makita nitong naka-uniform pa ang huli at may dala pang bag.

“E paano, bukas na bukas ang gate niyo. Parang wine-welcome mo pa ang mga magnanakaw.”

“Sumalo ka na sa amin, JR. Sandali at kukuhanan kita ng plato.”

“Wow, kaldereta! O, bakit ka umiiyak, Tita?” ang sabi ni Gap.

“Eto kasing kaibigan mo.”

“Okay na kayo? At last!!!” ang sabi ni Gap bago yumakap kay Lynette.

Matapos kumain ay nagyaya si Gap na mag-basketball kasama si James. Agad namang pumayag ang huli kaya’t dali-daling umuwi si Gap para magbihis. Pagbalik niya kina James ay nasa likod-bahay na ito at nagsisimula nang mag-shooting.

“O, anong problema?” bungad ni James sa kanya.

“E lalabas kami dapat ni Symon ngayong gabi. Hindi natuloy.” ang sagot ni Gap matapos mag-shoot.

“Bakit daw?”

“Tinawagan na naman siya ‘nung bruha.” ang sagot niya na may inis sa tono.

Natawa naman si James sa sinabing iyon ni Gap. Nagsimula ang one-on-one nila habang nag-uusap sila ng seryoso. Wala pang kalahating minuto ay pawisan na agad sila dahil na rin siguro sa maalinsangang gabi.

“You know what you signed up for.” ang sabi ni James nang maagaw niya kay Gap ang bola.

“I didn’t sign up for anything. I’m here first.” ang depensa ni Gap.

Wala nang nasabi si James. Patuloy lang sila sa paglalaro para na rin malibang si Gap. Natigil lang ang dalawa nang tawagin sila ni Lynette. Patakbo silang pumasok sa loob ng bahay.

“Hindi ba nagpupunta ‘yan sa inyo?” ang tanong ni Lynette kay Gap.

---
“And we’re live in… 5… 4… 3… 2… 1…”

“Magandang gabi po sa inyong lahat…” Nasa likod lang ng camera si Symon at naghihintay sa kanyang cue habang sinasabi ng batikang host ang kanyang opening spiel. Kinakabahan siya ng husto dahil, una, hindi siya ganon kahanda para sa guesting na ito at, pangalawa, ang palabas na ito ay ang pinakasikat na programa tuwing Biyernes ng gabi sa pinakamalaking TV network sa bansa.

“And, of course, the hottest sensation in town is here with us tonight!” Malakas na palakpakan ang narinig ni Symon mula sa live audience. Lalo siyang kinabahan at habang palapit ng palapit ang host sa pagpapakilala sa kanya ay parang pahina ng pahina ang kanyang naririnig.

“The first Ultimate Crooner, Symon Gonzales!” May isang babae ang nag-guide sa kanya palapit sa maliit na stage. Isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa host at sa harap ng camera. As usual, magko-commercial break muna bago simulan ang interview.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment