Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (03): Book 2

by: Lui

Roughly three months ago…

“Symon, may naghahanap sa’yo.” ang sabi ni Jane isang gabi matapos ang kanyang performance.

“Sino naman kaya yun?”, ang tanong ni Symon kay Gap.

“Baka fan. Yes, may fan na siya!!” ang pang-aasar ni Gap.

Lumabas na si Symon sa dressing room at sinundan si Jane palapit kay Tony na may kasamang isang lalaki.


“Sir?”, ang pagtawag ni Symon sa atensyon ni Tony.

Humarap ang kausap ni Tony at namukhaan ito ni Symon. Ngumiti ito sa kanya at nakipagkamay. “Hi, Symon. Still remember me?” ang bati sa kanya ni Vince David.

“Of course, Sir Vince!” ang gulat na sagot ni Symon habang nakikipagkamay dito.

“I’ll leave you two muna so you could talk.” ang paalam ni Tony.

Nagtataka man, wala nang nagawa si Symon kung hindi saluhan si Vince sa table. Sa totoo lang, sobrang na-starstruck siya. Ang mala-sutla nitong kutis, ang halos perpektong hugis ng mukha, ang mga mahahabang ngipin at mapupulang labi.

“So, how are you?” ang tanong nito sa kanya.

“Good, good. Buti po nagawi kayo dito, Sir.”

“Vince na lang. Diba sabi ko sa’yo before I’d invite you to sing sa studio?”

“Yeah.” Kinakabahan si Symon sa patutunguhan ng pag-uusap na iyon. Bago pa man muling makapagsalita ito ay hinainan sila ng isang waiter ng mga pagkain galing kay Tony.

“I’d like to invite you for an audition.”

“Audition? Para saan po?”

“May singing competition sa Channel 3. Next month siya ipapalabas. Nasa last two leg na sila ng audition process. I’m one of the hosts and I thought of asking you to join since you have an immense singing talent.”

“Vince…”

“I can prep you up for the audition tomorrow if you’re up for it.”

“Tomorrow na agad? Whew. Ang bilis yata.”

“I know. Pero minsan lang ‘to, Sy. Grab the opportunity while it’s still there.” ang page-encourage sa kanya ni Vince.

“I’ll let you know, if that’s okay. Kailangan ko pang makausap si Mommy.”

“Sure. Pero kung ikaw lang, gusto mo ba?”

“Siyempre naman. Pangarap ko ring maging isang sikat na singer.” ang pagsasabi niya ng totoo.

Agad ring nagpaalam si Vince sa kanya matapos ibigay ang personal number nito. Bumalik naman agad si Symon kay Gap at agad na ibinalita ang napag-usapan nila ni Vince. Nanlaki ang mga mata ni Gap sa narinig.

“That’s really nice, Sy!!! Malay mo, sumikat ka talaga! I’ll be very proud of you.”

“Sana pumayag si Mommy.” ang nakangiting sabi ni Symon.

Palabas na sana sila ng PJ’s nang harangin sila ni Tony at nagpamalas ng isang nakakalokong ngiti. Nagtaka naman ang dalawa sa inakto ni Tony. Natawa sila pareho hanggang sa magsalita ito.

“You said yes?”

“You knew?”

“Of course! Hindi naman aabot sa’yo si Vince kung hindi ako pumayag. Ang tagal na akong kinakantahan niyan na makausap ka.”

“I still need to talk to Mommy about it.”

“Sana makapag-audition ka, Sy. You can win, I know it.” ang sabi ni Tony.

“Thanks, Sir.”

---
“Si Sy!” ang sigaw ni James.

“Yeah.” ang medyo malungkot na sabi ni Gap.

Umupo sila sa sofa at hinintay na matapos ang commercial break. Nang bumalik na ang programa ay may mga flashback videos na pinakita muna bago muling i-introduce si Symon. Focus na focus naman ang tatlo sa panonood.

“Kamusta ang Ultimate Crooner?” ang tanong ng host.

“Okay naman po. Overwhelmed pa rin at hindi pa gaanong nakakapag-adjust.”

“I heard you’re still going to school?”

“Of course! I can’t leave school.”

“Good.” Hindi na inintindi ni Gap ang pinag-uusapan nila on-screen at nag-focus na lang siya sa pagtitig nito sa mukha ni Symon. Ang maputi niyang balat ay bumagay sa suot na puting polo at pulang coat. Ang mga mata niya, nakikita ni Gap ang pagod sa mga ito pero naroon din ang saya.
“Give it up for Symon!” Sinimulan ni Symon ang pagkanta sa isa sa kanyang finale song. Kinilabutan si Gap nang tumingin si Symon sa camera. Pakiramdam niya ay siya ang kinakantahan nito.

May iba pang naging guest ang programang iyon pero bago ito matapos ay kumanta muli si Symon ng kanyang winning song. Binigyan pa siya ng pagkakataon na mag-plug ng mga mall shows niya kasama ang ibang nakalaban sa contest.

“Thank you po sa mga pumunta sa Lucena! See you all on Sunday sa Naga!”

Nang matapos ang show ay nagpaalam na rin si Gap para umuwi. Hindi maalis sa kanya ang lungkot dahil hindi natuloy ang date nila ni Symon. Mabilis siyang nag-shower at nagbihis ng damit-pantulog. Wala naman siyang klase kinabukasan pero wala na siyang gana pang gumawa ng kung ano.

---
Nang sumigaw ang director na off-screen na sila ay agad na nakipagkamay si Symon sa host at nagpasalamat siya rito.

“Sana makabalik ka sa show. You’re a natural!”

“Thanks, sir! I’ll be honored to be back soon.” Nagpa-picture pa ang dalawa at napag-usapan na iti-Twitpic iyon para na rin dagdag sa publicity ni Symon at ng show. Isang beses pa siyang nagpaalam dito bago lumabas ng studio pabalik sa dressing room.

“Page, we need to go ASAP. May kailangan pa akong puntahan.” ang sabi niya sa personal assistant na tinawag ni Gap na bruha.

“Sure. Hindi ka na ba magbibihis?”

“Hindi na.”

“Sige, patawag ko na ‘yung driver. Saan ka ba pupunta? Hindi ka pwedeng masyadong ma-late. Bibiyahe na tayo to Naga tomorrow afternoon.” ang sabi ni Page na preppy lagi ang get-up, sakto lang sa edad niyang nasa mid-20’s na.

Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay nakaliko na van na sinasakyan ni Symon sa isang village. Agad niyang sinabihan ang driver na ibaba siya sa tapat ng bahay nina Gap at doon na siya iwanan. Hindi naman nalimutan ni Symon na magpasalamat sa driver bago ito umalis.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Gap. Nakakailang ring na pero hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang tawag. Nakatingala siya upang tingnan ang kwarto ni Gap pero nakapatay ang ilaw dito. Muli niya itong tinawagan.

“Hello?” ang paos na pagsagot ni Gap sa phone.

“Hi, Gap.”

“O, Sy.”

“Natutulog ka na yata.”

“Oo. Hmm.”

“Bangon ka naman, o.”

“Bakit?”

“Diba may date tayo ngayon?”

“E gabi na tsaka alam kong pagod ka.”

“Dali na, bangon ka na. Paghihintayin mo ba ako dito sa labas ng bahay niyo?” Nakita ni Symon na binuksan ni Gap ang ilaw sa kanyang kwarto at ang mabilis na paghawi niya sa kurtina. Nagngitian naman sila bago ibaba ni Gap ang phone. Naghintay si Symon sa labas habang patakbo namang bumaba si Gap.

Pagkabukas ni Gap ng gate ay walang sabi-sabi niyang niyakap ng mahigpit si Symon at siniil ng isang malalim na halik. Tumugon naman si Symon sa ginawang ito ni Gap pero agad din siyang kumawala sa takot na may makakita sa kanila.

“Akala ko hindi na kita makikita ngayong gabi.”

“Papayag ba naman ako na hindi?”

“Ang guwapo mo sa TV kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala.”

“Talaga?”

“Oo. I constantly say to myself na boyfriend ko ‘yung pinapanood ko. Pero I still haven’t got the hang of it! Nakakatuwa. Ang Ultimate Crooner ay boyfriend ko.” ang parang nananaginip na sabi ni Gap.

“Aww.”

“Tara. Pasok na tayo sa loob.” yaya ni Gap.

“Wait.” Kinuha ni Symon mula sa lapag ang isang malaking plastic. Iniabot niya ito kay Gap na agad naman niyang tinanggap. Tiningnan niya ang laman nito bago buong ngising bumaling kay Symon.

“Happy 4th month, Gap. Sorry, cake and ice cream lang ang nadala ko.”

“Anong sorry? Alam mong favorite ko ‘to at noong isang araw pa ako nagke-crave dito. Tara na. Salamat. Happy 4th.” Nakaakbay si Gap kay Symon nang pumasok sila sa loob para pagsaluhan ang dinalang pagkain ni Symon. Hindi inaasahan ni Gap ang pagpunta ni Symon sa kanila. Nasalba naman nito ang araw. Simple lang ang naging date nila. Ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.

“Thank you.” ang bulong ni Gap kay Symon habang nagpapahinga sila matapos kumain.

“For what?”

“For staying the same.”

“Of course. You’re keeping me grounded. Thank you.”

“I love you.” ang paglapit ni Gap kay Symon.

“I love you, too.” Silang dalawa lang ang nasa kwarto ni Gap kaya naman malaya silang gawin ang kung ano man ang gusto nila. Pero hanggang sa mga panahong iyon ay wala pang nangyayari sa dalawa maliban sa pagpapalitan ng mga matatamis na halik. Ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

Magkahawak-kamay ay pinagsaluhan nila ang isang masuyong halik. Ngunit natigil ito nang mag-ring ng malakas ang phone ni Symon na nakapatong sa bedside table ni Gap. Mabilis namang inilayo ng huli ang kanyang mukha para masagot ni Symon ang tawag. Hindi na siya nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag.

“Hello?” ang medyo iritableng sagot ni Symon.

“Hi, Sy! I hope hindi ako nakakaistorbo sa’yo.”

“Kuya Darrel?”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment