Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (04): Book 2

by: Lui

Umupo si Symon sa kama habang nakalapat pa rin sa kanyang tainga ang cellphone. Si Gap naman ay humiga sa tabi nito at mahigpit na yumakap sa kanyang katawan.

“What’s up, Kuya? Congrats nga pala. Presidente ka na. Hindi na kita nakikita sa campus.”

“Thanks, Sy. Ikaw naman lagi kong nakikita kahit saan aside sa campus. Sikat ka na!”

“Hindi naman po. Napatawag ka, Kuya?”

“Gusto sana kita imbitahing kumanta sa General Assembly natin next Friday.”

“Really? Let me check muna, Kuya ha? Medyo busy kasi sa mga mall tours. Magpapaalam ako.”

“That’s what Dana told me. Nasa Naga daw kayo this Sunday?”

“Opo. Hectic masyado. So, kasama rin si Ate Dana?”

“Of course! Kayo ang pride ng MSCA.”

“Aww.”

“Grabe, hindi pa rin ako maka-get over nung kayong dalawa yung nasa bottom 2. ‘Yung kaba ko nun. Whew!”

---
About one month ago…

“We are down to our last four contenders! In just a month from now, malalaman na natin kung sino ang kauna-unahang Ultimate Diva or Ultimate Crooner ng bansa. I am Vince David, and this is The Ultimate Sing-Off Elimination Night!”

Kabado ang apat na aspiring singers sa backstage habang hinihintay nila ang pagtawag ni Vince at ng isa pang host sa kanilang mga pangalan. Unang tinawag ay si Shaun Lau.

“Good luck.” Naging ka-close ito ni Symon simula pa lang ng competition. Chinito si Shaun at matinding kakompetensya ni Symon pagdating sa mga tilian ng mga kababaihan. Mas matangkad ito sa kanya pero halos kaparehas lang niya ng complexion at built ng katawan. Ang ayos ng kanyang buhok ay akala mo laging bagong gising.

“We’ll see you next week!!!” ang sigaw ng babaeng host na partner ni Vince.

Malakas ang mga sigawan sa studio. Nasilip ni Symon ang tatlong judges at nakita nilang masaya ang mga ito sa pagpapatuloy ni Shaun sa kompetisyon. Magaling naman kasi talaga itong kumanta. Nasa ganoong estado siya nang i-lead silang tatlo para lumabas sa stage. Narinig na lang niya ang pagtawag ni Vince sa pangalan nilang tatlo.

“So, judges! We only have two spots left para sa next week’s battle. Sino sa tingin niyo ang hindi karapat-dapat na mapasama doon?” ang tanong ng babaeng host.

Nagkaisa ang tatlong judges na dapat ay si Jamille Ocampo ang dapat na mapauwi sa gabing iyon dahil na rin sa hindi kagandahang-asal na ipinakita nito sa rehearsals. Maganda si Jamille at naili-link ito kay Symon. Kaya naman ganoon na lang ang reaction ng audience sa desisyon ng mga judges. Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi ni Jamille pero agad siyang niyakap ni Symon bilang pagpapakita ng simpatiya.

“Pero hindi namin desisyon iyon. Desisyon iyon ng taumbayan.” ang depensa ng isa sa mga hurado.

“Exactly! Kaya naman, Jamille, samahan mo na si Shaun sa kabilang side ng stage dahil gusto pa ng taumbayan na marinig kang kumanta.” ang biglaang anunsyo ni Vince.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jamille sa narinig at agad na yumakap kay Symon. Naiwan ang huli at si Dana kasama ang dalawang host sa gitna ng stage. Bago matapos ang gabi, isa sa kanila ang matatanggal sa programa.

“And that leave us with the two pride of MSCA!” Malakas na “boo” ang nangibabaw sa studio. Malamang galing ito sa mga estudyante ng MSCA na walang-sawang sumusuporta sa dalawa. Makikita rin sa tatlong judges ang labis na disappointment. Parehas na front-runner ang dalawa kaya naman hindi sila makapaniwala na isa sa kanila ang matatanggal na.

Parang iyon na yata ang pinakamatagal na limang minuto para kay Symon at Dana. Nang muling bumalik sa ere ang programa ay magkahawak ng kamay ang dalawa.

“Good luck sa’tin!” ang kabadong sabi ni Dana.

“Yeah. Ready na naman akong matanggal eh. Malayo-layo na rin ang narating ko. Not bad.”

“Ako rin naman. Pag ikaw ang nanalo, huwag mo akong kakalimutan ah.”

“Mas magaling ka sa akin, Ate. Kaya ako ang huwag mong kalimutan.

Matapos ang usapang iyon ay sinabi na ni Vince na si Dana ang natanggal. Matagal na nagyakap ang dalawa. Nagtayuan ang lahat ng tao sa loob ng studio kabilang na ang mga judges. Muling kumanta si Dana bilang pamamaalam sa programa. Isa pa ang kailangang matanggal bago ang finale night.

Halo – Beyonce
Remember those walls I built
Baby, they’re tumbling down
They didn’t even put up a fight
They didn’t even make a sound

It’s like I’ve been awakened
Every rule I had you breakin’
It’s the risk that I’m takin’
I ain’t never gonna shut you out

Everywhere I’m looking now
I’m surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you’re my saving grace

You’re everything I need and more
It’s written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won’t fade away

---
Kina Gap na natulog si Symon. Pero maaga rin siyang umalis dahil kailangan niya pang umuwi at pupunta pa siya ng Naga para sa isang mall tour kasama sina Dana, Shaun, Jamille at ilan pa sa mga nakalaban sa Ultimate Sing-Off.

“Call me?”

“I will. Love you.” ang paalam ni Symon bago halikan ang kagigising lang na si Gap.

Pagkauwi niya ay nadatnan niya ang ina na nag-aalmusal kasama ang dalawang kapatid na sina Hanna at Maxine. Nakisalo siya sa mga ito at nagkuwento ng mga nangyari sa mall show sa Lucena. Nakaayos na rin ang lahat ng kanyang mga gamit para sa susunod na biyahe.

“Sabi nga pala ni Page, magche-check in na lang daw kayo sa isang hotel dun and tomorrow morning na kayo babiyahe pabalik ng Manila kaya naglagay na ako ng extra clothes.”

“Thanks, Mom.”

“How’s school?”

“Ok naman. Medyo mahirap lang mag-catch up.”

“Magbawas ka kaya ng units, anak. Tapos mag-overload ka na lang kapag tapos na ang mga mall shows niyo.”

“Iniisip ko na nga po, eh.”

“O sige. Sabihan mo agad ako. Okay lang sa akin. Basta pumapasok ka pa rin. Ayoko lang na totally mong iiwan ang pag-aaral.”

Nagkaroon naman ng sapat na oras si Symon para makipag-bonding sa pamilya dahil after lunch pa siya sinundo. Pagdating ng van ay naroon na ang lahat.

“Dito ka na.” ang sabi ni Shaun para tumabi sa kanya si Symon.

Nagpaunlak naman ang huli at umupo sa tabi nito. Si Dana ay nakaupo sa kanyang harapan habang si Jamille naman ay katabi si Shaun sa kabilang side. Agad na nakipagkwentuhan si Symon kay Dana.

“Ate Dana, tumawag si President sa akin.”

“About sa GA?” ang natatawang tanong ni Dana.

“Oo. Gusto ko.”

“Ako nga rin eh.”

“Page, may gagawin na ba ako Friday next week? May GA kasi kami sa school. In-invite kaming dalawa ni Ate Dana.” ang baling ni Symon sa assistant na in-employ ng TV network para sa kanya.

“Friday? Hmm. Wala pa naman. Sabado pa naman ‘yung last leg ng tour niyo. Anong oras ba ‘yan?”

“2PM po.” ang sagot ni Dana.

“Okay. Basta kailangan tapos na kayo around 4-5PM. Ilalagay ko na ‘yan sa schedule mo.” ang sabi ni Page kay Symon.

“Yey. Tawagan ko na si Kuya Darrel.”

Tuwang-tuwa naman si Darrel sa magandang balita ni Symon. Nakipagkwentuhan pa siya sandali rito at iniabot pa ang kanyang phone kay Dana para makapag-usap din sila sandali. Natutuwa naman si Symon dahil talagang naging okay sila ni Darrel kahit na hindi naging ganoon kaganda ang kanilang nakaraan.

“Galing naman. Mukhang going strong kayo, Ate?”

“Yeah. Kayo rin naman ni…”

“Shh.” ang mabilis na pagpigil niya rito.

“Ay, sorry.” ang natatawang sabi ni Dana.

“Sabi mo wala kang girlfriend?” ang biglang sabat ni Shaun.

Bumaling si Symon dito at nakita niyang tulog si Jamille sa tabi nito. Tinawanan naman ni Symon ang sinabi ni Shaun sa kanya at mabilis na nag-isip ng alibi.

“Wala nga. Nang-aasar lang ‘yan si Ate Dana.”

“Di nga?”

“Oo nga. Kulit nito!”

---
Inabala ni Gap ang sarili sa paglalaro ng Xbox habang wala si Symon. Katatapos lang nila mag-usap ni Symon dahil nakaalis na sila sa kanilang bahay at papunta na sa airport. Halos mapatalon naman siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

“Pumunta ka raw sa bahay kanina?”

“James! Bakit kailangang manggulat?”

“Ay, sorry!”

“Oo. May lakad ba kayo ni Bryan ngayon?”

“Wala naman. Bakit?”

“Wala lang. O, kamusta? Buti okay na kayo ni Tita Lynette.”

Tumalon si James pahiga sa malambot na kama ni Gap bago magsimulang magkuwento. Nakinig naman si Gap habang abala sa paglalaro. Nakadapa si James sa kama ni Gap.

“Kinausap siya ni Bry kahapon.”

“Akala ko ayaw mong ipakausap kay Bryan?”

“E ang kulit eh. Sabi ko bahala na siya. Ayun, buti naging okay naman. Hay, ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat. Sana ganito na lang palagi.”

“Good for you. At least, nakakabawi ka na.”

“O, ikaw. Bakit ang emo mo?”

“Hindi ako emo! Nami-miss ko lang si Symon. Simula nung sumali siya dun sa contest, sobrang busy na siya. Pero nakakatuwa naman. He surprised me last night. Dito siya natulog.”

“Wow!!! At least, kahit papaano, bumabawi rin si Sy sa’yo. May nangyari na ba?” ang pangungulit ni James.

“Loko. Wala. Wala pa!”

“Grabe! Pa-tweetums kayo masyado!!!”

“Okay lang. Hindi tulad niyo. Magkatinginan lang, ‘yun na agad.”

“OA ka. Hindi naman.”

“Sabi mo eh.” ang natatawang sabi ni Gap.

---
Kinagabihan, matapos ang mall show sa Naga, ay diretso sila sa isang hotel para magpalipas ng gabi. Magkasama sa room sina Symon at Shaun pati ang dalawa pang contestants na lalaki. Habang hinihintay na matapos mag-shower ang isa sa mga ito ay nag-stay si Symon sa veranda habang kausap si Gap sa phone. Naputol lang ito nang lumabas din si Shaun at samahan siya doon.

“Sige na. Later na lang ulit ha?” ang paalam ni Symon kay Gap bago tapusin ang tawag.

“Sabi mo wala kang girlfriend?”

“Bakit ang kulit mo?” ang natatawang tanong ni Symon.

“Sabi mo wala kang girlfriend?” ang pag-uulit ni Shaun.

“Wala nga.”

“E ano, boyfriend?” ang pang-aasar ni Shaun.

Kinabahan naman bigla si Symons a sinabing iyon ni Shaun. Seryoso siyang napatingin dito at bahagyang lumapit pa sa kanya. Nakita niya ang unti-unti ring pag-seryoso ng mukha ng taong nasa harap niya. Biglang tumawa ng malakas si Symon. Nagulat naman si Shaun dahil dito.

“Lakas ng trip mo ah.”

“Ang kulit mo kasi. Selos ka ba?”

“Oo! Nasasaktan ako.” ang seryosong sabi ni Shaun.

“Seryoso ka ba?” ang tanong ni Symon nang napawi ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tumawa naman ng malakas si Shaun dahil nakaganti siya agad kay Symon. Isang mahinang suntok ang ibinigay ni Symon sa braso ni Shaun bago bumalik sa loob ng kuwarto.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment