Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (05): Book 2

by: Lui

Roughly three months ago…

Isang lalaki ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Agad siyang nagpasalamat dito. Mabilis naman ang response nito na “Good luck.”. Nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad siya papunta sa gitna ng kuwartong iyon. Nakakasilaw na mga ilaw ang nakatutok sa kanya. Nararamdaman niya ang init na dulot nito sa kanyang mukha. May isang mahabang table ang kanyang nasa harapan. Sa likod nito ay tatlong kilalang personalidad sa mundo ng musika ang nakaupo at buong ngiting nakaharap sa kanya.


“Hi, I’m Symon Gonzales. 17 years old from Makati.”

“You still studying?” ang tanong ng isang babaeng nasa-40’s na isang sikat na singer sa bansa.

“Yes. Incoming 2nd year college, taking up Communication Arts at MSCA.”

“Nice. What are you singing?” ang tanong naman ng isang batikang composer.

“Alibi by 30 Seconds to Mars.”

Alibi – 30 Seconds to Mars
No warning sign, no alibi
We faded faster than the speed of light
Took our chance, crashed and burned
No, we’ll never ever learn

I fell apart
But got back up again
And then I fell apart
But got back up again, yeah

“Come ‘ere.” ang sabi ng babaeng judge.

Nahihiyang lumapit si Symon sa mesa ng mga judges. Inilapit ng singer ang kanyang braso kay Symon upang makita nito. Halos maluha naman ito dahil sa naging epekto niya sa sikat na personalidad.

“You gave me chills!”

“Wow. Thank you po!”

“Boses mo ba talaga ‘yun? You’ve got very neat features. Papasa bilang matinee idol. Pero kapag kumanta ka, wow. Ibang-iba. You sound so mature!” ang sabi naman ng isang judge na katabi ng composer.

Nakapasa si Symon sa unang audition. Sumunod nito ay ang group performance kung saan niya nakasama si Jamille. Silang dalawa lang ang nakapasok sa grupong kinabilangan. Ang sumunod na level ay ang live sing-off. Gabi-gabi itong pinalabas kung saan dalawang contestant ang maglalaban-laban para makaabot sa finals. Dalawang linggo matapos ang audition process ay dumating na ang panahon para lumaban si Symon sa live sing-off.

“For our last sing-off, Shaun Lau vs. Symon Gonzales!” ang pag-aannounce ng batikang composer na judge.

Nang Biyernes na iyon ay kabado si Symon nang husto dahil unang beses niyang kakanta ng live in national television. Nawawalan na siya ng pag-asa na manalo dahil sobrang galing ni Shaun kumanta. Kasama niya sa dressing room si Gap na wala namang tigil sa pagbu-boost sa kanya.

“You can do it, Sy. Isipin mo na lang, ako lang ang kinakantahan mo. Okay?”

“Okay. E para sa’yo naman talaga ‘yung kakantahin ko.”

Tinawag na si Symon palabas ng backstage para mag-standby na. Si Gap naman ay lumabas na rin papunta sa mga audience para samahan sina Coleen, Jeric, Shane at Lexie. Si Grace ay nandun din kasama sina Hanna at Maxine.

“Good evening! It’s Shaun vs Symon! Sino ang mas aangat? Sino ang mas magaling? Pero bago ang sing-off, ito po muli ang mechanics. Meron tig-dalawang minuto ang bawat contestant para sa kanilang solo performance. Matapos ito ay magdu-duet ang dalawa. Kung sino ang mananalo, base sa desisyon ng ating judges, ay makakasama sa finals kung saan ang taumbayan na ang magde-desisyon kung sino ang karapat-dapat na manalo. Matapos ang dalawang linggo ng madugong live sing-off, ngayon gabi mabubuo na ang ating Final 10!”, sabi ni Vince.

Si Shaun ang unang kumanta. Isang kilalang Filipino ballad ang kinanta nito na sobrang nagustuhan ng mga judges. Hindi rin magkamayaw ang mga fans dahil sa sobrang ganda ng kanyang rendition. Lalo namang kinabahan si Symon nang tawagin na ang kanyang pangalan. Alam niyang kailangan niyang higitan ang ginawa ni Shaun.

It Will Rain – Bruno Mars
If you ever leave me, baby
Leave some morphine at my door
Coz it’ll take a whole lot of medication
To realize what we used to have
We don’t have it anymore

Coz there’ll be no sunlight
If I lose you baby
There’ll be no clear sky
If I lose you baby
Just like a cloud, my eyes will do the same
If you walk away
Everyday it’ll rain

Nang matapos siyang kumanta ay tumayo ang mga judges para bigyan siya ng standing ovation. Kasabay ito ng malakas na hiwayan ng mga audience. Halos maluha naman ulit si Symon dahil sa nararamdaman. Panay ang pasasalamat niya sa lahat ng naroon.

“Wow! As in, wow!!” ang comment ng batikang kompositor.

“Again, Symon, goosebumps. I feel like you’re singing to me, like you’re singing to all the ladies in this hall! And all the guys would wanna be like you.” Malakas na tilian mula sa mga kababaihan ang nangingibabaw. Kinilabutan naman si Symon nang i-chant sa buong studio ang kanyang pangalan.

Matapos ang kanilang sing-off/duet ni Shaun, naghintay pa sila ng labinlimang minuto bago sila muling tawagin sa stage. Panay ang buntong hininga ni Symon bilang pagpapakalma sa sarili. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakikita niya ang mga judges na hindi pa rin nakakapag-decide.

“Habang hinihintay natin ang desisyon ng mga judges, muli ko pong pinapaalalahanan na simula po next week ay tuwing Sabado at Linggo niyo na mapapanood ang Ultimate Sing-Off. Kada linggo ay dalawa ang matatanggal. Pero kapag nasa Final 4 na ay magiging isang aspirant per week ang matatanggal hanggang sa umabot tayo sa finale!” ang anunsyo ng partner ni Vince.

“May decision na ba, judges?” ang tanong ni Vince.

“Yes. Shaun, Symon. Both of you are great! We see a very bright future ahead of you both. Our decision is unanimous. Congratulations…”

Humigpit ang akbay ni Shaun kay Symon habang parang biglang nag-slow motion ang lahat. Tahimik ang buong studio habang hinihintay nila ang pangalang babanggitin ng judge.

“Congratulations, Shaun!” Mabilis na yumakap si Symon kay Shaun bilang pagtanggap sa kanyang pagkatalo. Maingay ang buong hall dahil sa malakas na cheer ng mga fans ni Shaun. Mabilis namang napukaw ng atensyon ni Symon ang malungkot na mukha ni Gap at ng pamilya at mga kaibigan.

“Congrats!” ang sabi ni Symon kay Shaun.

“Shaun, you are moving towards the final round!” ang sabi ni Vince bago lumabas ang Final 9.

“Wait!” ang sigaw muli ng judge na singer para pakalmahin ang mga tao.

“Anything more to say?” ang tanong ni Vince dito.

“Symon.” ang pagtawag nito sa kanyang atensyon.

Lumapit siya ng bahagya sa gitna ng stage. Nakita niyang tumayo si Gap pati na ang mommy niya. Tumabi sa kanya si Vince. Naririnig niya ang ingay ng sampung kabilang sa final round na nasa kanyang likod. Pigil na pigil na ang mga luha ni Symon. Alam niyang naka-focus sa kanya ang buong Pilipinas habang hinihintay niya ang sasabihin ng hurado.

“Our decision is unanimous, remember?”

“Yeah.”

“Welcome to the final round!” Naunang sumigaw si Gap. Mabilis namang sumunod ang lahat sa kanya. Naka-close up ang mukha ni Symons a TV screen at makikita rito ang pagkapako niya sa kinatatayuan at ang pagnganga ng kanyang bibig.

“I’m in?”

“Yes!!!” ang masayang sagot ng judge.

Patakbo siyang nilapitan ng final 10 at doon nabuo ang Final 11 na maglalaban-laban sa susunod na limang linggo. In-announce ni Vince na dahil sa desisyon ng mga judges, tatlo agad ang matatanggal next week. Masaya naman si Symon na kabilang siya sa Final 11. Pero dagdag pressure ito sa kanya dahil hindi siya agad dapat matanggal.

---
Magkatabi sila ni Shaun sa plane pabalik ng Manila. Mabilis lang naman ang biyahe kaya hindi na siya nag-abala pang matulog kahit na puyat siya dahil kausap niya si Gap buong magdamag nang tulog na ang lahat ng kasama sa room.

“So, sino nga?” ang biglang tanong sa kanya ni Shaun nang matapos mag-take off ang plane.

“Shaun, konti na lang talaga, sasaktan na kita. Ang kulit mo!” ang natatawang sabi ni Symon sa katabi.

“Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?”

“Bakit ba kasi gusto mong malaman?”

“Wala. Curious lang. Masama?”

“Hindi naman. Pero, it’s too personal eh.”

“Para naman tayong hindi friends.” Ayaw sabihin ni Symon sa kanya na may boyfriend siya dahil hindi buo ang tiwala niya kay Shaun. Nasabihan na siya noon ni Page na mag-ingat sa mga taong makakasalamuha sa industriyang pinasok dahil kadalasan ay hindi sila totoo. Ayaw naman ni Symon na malagay sa alanganin ang relasyon nila ni Gap kapag nalaman ito ng masa.

“Fine! Mayroon na akong girlfriend. Pero quiet ka lang. Ayaw kasi namin na malaman ng mga tao.”

“Kasi bini-build up pa lang ang love team niyo ni Jam?”

“Yeah.”

“Patingin nga ng picture.”

Naka-flight mode naman ang phone niya kaya inilabas niya ito at ipinakita niya ang picture nila ng kanyang “girlfriend”. Tumango naman si Shaun nang makita ito at nagkomentong maganda raw iyon.

“What’s her name?”

“Shane.”

“Liar.” ang sabi ni Shaun sa kanyang isip.
---
Nagpasabi si Symon na sa isang mall na lang sa Makati siya ibaba dahil naroon si Gap kasama si James. Nagkausap ang dalawa nang makalapag ang eroplano sa Terminal 3. Sa isang coffee shop siya hinihintay nina Gap at sa mismong harap siya nito ibinaba. Agad na sinalubong ni Gap si Symon para na rin tulungan ito sa pagbaba ng kanyang mga gamit. Nakaupo naman sa labas ng shop si James kasama si Bryan na nagyoyosi.

“Bye!” ang paalam ni Symon kay Shaun at Jamille na natira sa loob ng van.

Nagtaka siya dahil hindi siya pinansin ni Shaun at nakatingin sa malayo na akala mo ay may nakitang multo. Kumaway pang muli si Jamille kay Symon bago umandar ang van.

“Dahan-dahan naman sa paghithit, para kang mauubusan ah.” ang narinig ni Symon na sabi ni James kay Bryan.

“Hey.” ang bati ni Symon sa kanila.

Ramdam ni Symon ang mga mata ng ibang customers at mga dumaraan na nakatingin sa kanya. Nagyaya siya na sa loob na lang ng shop mag-stay.

“Good afternoon!” ang bati ng isang baristang babae na mukhang na-starstruck nang makita si Symon.

“Hi!” ang bati ni Symon paglapit niya sa counter matapos makapili ng couch na uupuan.

“Ikaw yung nanalo sa Ultimate Sing-off, diba?” ang kinikilig na sabi ng barista.

“Guilty.” ang magiliw na sagot ni Symon.

Um-order na si Symon ng favorite niyang caramel macchiato. Nakiusap pa ang barista na makipag-picture sa kanya na agad naman niyang pinaunlakan. Pinapirma pa siya sa isang mug at sinabing idi-display daw nila iyon sa kanilang shop.

“Bea, mag-break ka na. Tapos na ako.” ang sabi ng isang lalaki na lumabas galing sa gilid ng counter.

“Sure. Thanks ulit, Symon. I’m a fan!”

Napatingin si Symon sa lalaking kumausap sa baristang magiliw na nag-serve sa kanila.

“Symon Gonzales, the Ultimate Crooner.” ang nakangiting pagkilala nito sa kanya.

“Hey, Matt.” ang nakangiting bati ni Symon sa kanya.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment