Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (06): Book 2

by: Lui

Final 3 Performance Night

Sabay-sabay na namatay ang lahat ng lights sa studio matapos i-introduce ni Vince si Symon. Naalala niya noong Dress-Up Musical nila kung saan tanging ang spotlight lang na nakatutok sa kanya ang may sindi. Mariing nakapikit ang kanyang mga mata nang magsimulang tumugtog ang orchestra sa gilid. Natatakpan ng itim na telon ang buong stage. Puti ang kanyang suot na polo, coat at pants. Marahan niyang binuksan ang mga mata upang simulan ang pagkanta.


I Believe I Can Fly – R. Kelly
I used to think that I cannot go on
That life was nothing but an aweful song
But now I know the meaning of true love
I’m leaning on the everlasting arms

Hey, ‘cause I believe in me
Oh, if I can see it, then I can do it
If I just believe it, there’s nothing to it

I believe I can fly
I believe I can touch the sky
I think about it every night and day
Spread my wings and fly away
I believe I can soar
I see me running through that open door
I believe I can fly

Bago simulan ni Symon kantahin ang huling chorus ay unti-unting nawala ang lahat ng tunog maliban sa boses ni Symon. Kasabay ng muling pagbabalik ng mas malakas na musika ay ang pagbubukas ng itim na telon. Nasa gitna si Symon ng dalawang malalapad na LED TV kung saan naka-project ang pakpak sa bawat screen. Animo’y mula ito sa likod ni Symon na pumagaspas. Sa gilid ng mga screen na ito ay may mga members ng chorale na lalong nagpaigting sa kagandahan ng performance na iyon.

Tinapos ni Symon ang kanta na nakaangat ang dalawang kamay sa gilid. Muling namatay ang lahat ng mga ilaw maliban sa spotlight na nakatutok sa nakatingalang si Symon at sa dalawang LED TV. Nakakabingi ang ingay sa loob ng studio at nang muling buksan ang mga ilaw ay nakita ni Symon na ang lahat ay nakatayo. Hindi na niya napigilan ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

“Thank you.” ang sabi ni Symon.

“Symon!! You moved me. You moved us! Iba ka. Kapag hindi ka umabot sa finale, ewan ko na lang. You are my winner!” ang masayang-masayang sabi ng composer na judge kahit na halos hindi pa rin siya marinig dahil sa ingay ng mga tao.

Tumayo naman ang kilalang singer at lumapit sa kinatatayuan ni Symon at ng dalawang host. Binigyan siya nito ng isang mahigpit na yakap habang walang patid ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata.

“Thank you. Thank you very much.” ang tanging nasabi nito.

“Wala nang makakapigil sa paglipad mo!” ang komento naman ng huling judge.

---
“I never grow tired watching this.” sabi ni Gap nang matapos panoorin ang final 3 performance ni Symon.

“Aww. Thanks. They say, that’s when I claimed the prize. Best ko raw ‘yan.”

“Totoo naman kasi.”

“I saw you tearing up that night.”

“I was. Anyway, I have to go na. Maaga pa klase bukas.” ang paalam ni Gap.

“Sige. See you tomorrow. Ingat ka pauwi ha?” ang sabi ni Symon bago tumayo at ihatid si Gap sa gate ng kanilang bahay.

“Tawagan na lang kita.”

Pagkaalis ni Gap ay bumalik si Symon sa kanyang kwarto para magpahinga. Nahihinulugan na siya nang mag-ring ang kanyang phone. Kinuha niya ito at isang unregistered number ang nakita niyang tumatawag.

“Hello?”

“Hi, Sy.”

“Who’s this?”

“Matt.”

“Hey! What’s up?”

“So, hindi na naka-save ang number ko sa’yo.”

“Yeah, sorry. Nagpalit ako ng phone. Besides, hindi ka na rin naman nagparamdam after the last time we talked. By the way, sorry about earlier. I had to go, dumadami na kasi ‘yung tao sa coffee shop na nagpapa-autograph. E baka mag-cause pa ng commotion.”

“Grabe, sikat ka na talaga.”

“Swerte lang.”

“No. Magaling ka talaga. I voted for you week after week.”

“Really? That’s so nice to hear.”

“Catch up soon?”

“Why not?”

“That’s not a yes.”

“Sure. Yes, will catch up with you soon.”

“Bye.
---
Pagkapasok kinabukasan ni Symon ay nakasabay niya sa gate si Shane. Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang naglalakad sa loob ng campus. Tinatahak nila ang daan papunta sa cafeteria dahil naroon si Lexie naghihintay.

“Sikat ka na talaga, Sy. Pinagtitinginan ka ng mga tao.”

“Tigilan mo ako, Shane. Oo nga pala, I’ve something to tell you.”

“You’re in love with me?”

“Shut up. I lied to Shaun. Sabi ko, girlfriend kita.” sabi ni Symon nang makalapit sila kay Lexie sa loob ng cafeteria.

“Ano ‘yan?” ang tanong bigla ni Lexie na narinig ang huling dalawang salitang binanggit ni Symon.

“Hi, Lex!” ang sabi ni Symon bago bumeso rito.

“Excuse me, Mr. Crooner. Anong sabi mo?” ang tanong ni Lexie.

“Kinukulit kasi ako nitong si Shaun kung sino raw ba ang karelasyon ko. E alangan namang sabihin kong si Gap diba? Kaya sabi ko na lang ikaw. Safe naman eh. Diba?”

“Hey.” ang biglang pagsulpot ni Gap sa likod ni Symon na ikinagulat ng huli.

“Bakit, kasi lesbo ako?”

“Yeah. Hi, Gap.” sagot ni Symon kay Shane bago bumaling kay Gap.

Hindi siya pinansin ni Gap. Nag-make face naman si Lexie kay Symon dahil sa biglang pagtatampo ni Gap. Inilapit ni Symon ang upuan niya kay Gap para lambingin ito.

“What seems to be the problem?”

“Lagot ka.” ang sabi ni Shane.

“Nothing.” ang mahinang sagot ni Gap.

“Gap.”

“What?”

“The last we talked, okay tayo ah. May nagawa ba akong mali?”

“I heard, okay? You’re not proud of me. I get it.” Napuno na si Gap. Tumayo na ito at padabog na kinuha ang bag para makalabas ng cafeteria.

“What did we miss?” ang energetic pero biglang tumamlay na bati ni Coleen nang makita ang nakasimangot na Gap na tumayo.

“Anong nangyari?” ang tanong ni Jeric.

“Excuse me.” Hinabol ni Symon si Gap. Naiwan naman ang apat na magkakaibigan sa cafeteria. Ikinwento ni Shane at Lexie ang nangyari.

“Wow. Sisikat ka rin niyan Shane. Pag may paparazzi.” ang sabi ni Jeric.

“May paparazzi ba dito?” ang tanong ni Coleen.

“I don’t know. Wait! Hindi naman ‘yan ‘yung issue.” ang sabi ni Lexie.

“Hindi nga ba, Lex?” ang sabi ni Jeric.

“What are you saying, Je?”

“Nothing.” ang sabi ni Jeric bago ngitian ng mapang-asar si Lexie.

“Hindi ako nagseselos no!” ang sabi ni Lexie.

“Poor Gap. Syempre, Sy can’t come out yet. Nakita niyo naman ‘yung tilian ng girls whenever he’s around. It would hurt his career, diba?”

---
Ilang dipa na ang layo sa kanya ni Gap. Panay ang pagtawag niya sa pangalan nito pero hindi ito natigil sa paglalakad. Lalong binilisan ni Symon ang lakad. Malapit na siya sa administrator’s office. Wala namang ibang estudyante ang naglalakad masyado sa gawing iyon ng MSCA kaya laking gulat niya nang may nabangga siyang isang estudyante.

“Sorry.” ang sabi ni Symon na hindi na nagawang tumigil pa at tingnan ang mukha ng nakabanggaan.

“Sy?” Napalingon si Symon dahil sa pamilyar na boses. Dalawang linggo mahigit ang nakakalipas simula nang huli niyang makita ito. Noong nasa competition pa siya, sa malayuan niya lang ito nakikita at hindi nakakausap.

“Kuya Darrel!” ang gulat na pagtawag ni Symon dito.

Hindi maikakaila ni Symon na muli na naman siyang nabighani nang makita ang unang taong kanyang minahal. Mas gumwapo ito para sa kanya. Lalong gumanda ang mga singkit nitong mata dahil sa kislap mula sa mga ito. Marahil dahil kay Dana. Ibang-iba ang aura ni Darrel ngayon para kay Symon.

“Kamusta? Congrats ah. Ngayon lang ulit tayo nagkita.”

“Salamat, Kuya. Nakikita naman kita noon pag nanonood ka kay Ate Dana. Pero walang chance na makapag-usap tayo. Tsaka nahihiya na rin ako, alam mo na.”

“Ano ka ba, hindi lang naman si Dana ang pinanood ko noon. Syempre, ikaw din. Parehas ko kayong binoboto noon. Sana nga pwedeng dalawa na lang kayong nanalo.”

Hindi maintindihan ni Symon ang biglang naramdaman. Naging mabilis na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Agad niyang pinagalitan ang sarili dahil dito.

“Wow. Thanks, Kuya.”

“Uy, sa Friday ah.”

“Sure. May request ka bang kanta?”

“Wala naman. Ikaw na bahala. I’m excited.” ang sabi ni Darrel.

Nagpaalam na rin agad si Symon nang muli niyang maalala si Gap. Binanggit na rin niya ito kay Darrel kaya naman may instant advice pang binigay si Darrel sa kanya.

“Iingatan mo ‘yan ah. Maganda na ang samahan niyo.”

“Opo.”

Nang tumalikod na si Symon ay hindi na niya makita si Gap. Mabagal na siyang naglakad sa paghahanap dito. Pero hindi niya matanggal sa isip ang maikling pag-uusap nila ni Darrel.

“Sana nga pwedeng dalawa na lang kayong nanalo.”

“Ano na naman ba itong iniisip ko?”
---
Gutom na gutom si James matapos ang isang mahabang exam kaya naman agad niyang nilantakan ang binili niyang carbonara sa canteen sa loob ng SPU. Kabaligtaran naman niya si Bryan na parang pinaglalaruan lang ang kanyang pagkain.

“Kahapon ka pa ganyan. Ano bang problema?”

“Wala. Wala lang ako ganang kumain.”

“Sigurado ka ba? Tell me what’s bugging you.”

“Wala nga. Sige na, kumain ka lang d’yan.” Bumalik sa malalim na pag-iisip si Bryan habang pasimple niyang tinitingnan si James. Alam niya sa sarili niya na seryoso na siya rito at nararamdaman na niyang mahal niya ito. Kaya naiinis siya kung bakit kailangan pang may gumulo na naman sa kanyang nararamdaman?

Alam ni Bryan na hindi naging maganda ang kanyang nakaraan at masyado siyang na-hook sa mga online affairs hanggang sa dumating si James sa buhay niya. Nang maramdaman niyang secured na siya rito ay unti-unti na niyang kinalimutan ang nakaraan para ma-enjoy niya na ang kasalukuyan at ang hinaharap kasama ang taong mahal.

“Putang ina, ano na naman ‘to? We just rose up from a challenge with James’s mom, then may bago na naman.”

“Bry.” ang pagtawag ni James sa kanya.

“Yeah?”

“Kanina ka pa tulala dyan. Tara na. Baka ma-late ka na sa afternoon class mo.” Hinatid ni James si Bryan sa kanilang building. Magkasabay na naglakad ang dalawa pero tahimik lang si Bryan. Wala namang maisip na sasabihin si James kaya in-enjoy na lang nila ang katahimikan.

“Hintayin mo ako later ha?” ang paalam ni James.

Naglakad na palayo si James nang matigilan ito sa pagtawag ni Bryan sa kanyang pangalan. Hindi na siya naglakad pabalik dahil nakita niyang naglakad na palapit sa kanya ito.

“James, masaya ka ba?”

“Ano bang tanong ‘yan, Bry? Syempre naman.”

“Mahal mo ako?”

“Oo naman. Mahal na mahal.”

“Mahal kita, James. Mahal na kita.”

“Matagal mo nang sinabi ‘yan sa’kin. Ano bang problema? Nagwo-worry na ako ha.” Isang mahigpit na yakap ang isinagot ni Bryan sa kanya bago walang sabi-sabing tumalikod ito at pumasok sa building. Naiwan namang kinikilig si James at hindi napigilan ang sarili na mangiti sa nangyari.

---
“Gap, kausapin mo naman ako. Please?”

Nakita ni Symon si Gap sa usual tambayan nila sa park sa tabi ng kanilang building. Hindi siya kinausap buong araw sa klase. Takipsilim na at isa-isa nang binubuksan ang mga ilaw sa park.

“I’m sorry kung hindi ko kayang sabihin sa kanila na ikaw ang karelasyon. We talked about this already, diba? You agreed on this. Alam mong makakaapekto ‘yun sa akin, sa career ko.”

“Yeah. And I’m sorry for acting like that. Nahihirapan lang siguro ako mag-adjust. Lagi na lang tayong patago.”

“Ever since naman, patago na tayo. Sino lang ba ang nakakaalam sa relasyon natin?”

“That’s not what I meant. At least before we get to hang out like friends, like brothers. Your guard was down. E ngayon, kahit tayong dalawa na lang, guarded ka na lagi. Natatakot ka na may makakita. Mas marami na kasing mga mata ang nakatingin sa’yo.”

“I’m so sorry.” Lumapit si Symon kay Gap para yakapin ito. Mas mahigpit na yakap naman ang itinugon ni Gap dito. Nakapikit ang dalawa.

“Aww.” ang boses ng isang lalaki na biglang nagpahiwalay sa kanilang dalawa.

“Shaun! What are you doing here?”


Parang biglang lumamig ang paligid sa pakiramdam ni Symon nang makita si Shaun. Mabilis siyang kumalas mula sa yakap ni Gap at kabadong hinarap si Shaun. Makikita rin sa mukha ni Gap ang pagkagulat. Marahan namang lumapit si Shaun sa dalawa at naglahad ng kamay kay Gap bilang pagpapakilala.

“Hi. I’m Shaun. Sorry for interrupting your sweet time. Uhm… Shane, right? I didn’t know you look so, hmm, masculine.”

Nakipagkamay naman si Gap sa kanya at mariing pinisil ang kamay nito. Napansin ng dalawa na medyo nasaktan si Shaun dahil sa reaksyon ng kanyang mukha.

“Gap. I’m not Shane. Shane’s her girlfriend.” ang labag sa loob na sabi ni Gap.

“Is that so? Alright.” ang sarcastic na sagot ni Shaun.

“Shaun, anong ginagawa mo rito? How’d you find me?”

“I have my ways. I was just visiting a friend. Nakita kita from afar. Alam mo namang kahit nakatalikod ka, alam kong ikaw ‘yan.” ang mapang-asar pa ring sabi ni Shaun bago kurutin si Symon sa baba.

“Sy, una na ako. May kailangan pa akong tapusin.” ang pagwo-walk out ni Gap dahil sa nakita.

Hindi na nagawa pang sundan ni Symon si Gap dahil sa takot na lalong maghinala si Shaun sa kanya. Nag-iisip na si Symon ng magandang alibi para makaalis dahil hindi siya komportable sa presence ni Shaun. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong naging curious sa kanyang love life.

“I need to go, too.”

“Wait.”

“What?”

“Quit lying, Sy.”

“What are you talking about?”

“I know. Okay? Walang Shane sa buhay mo. Wala kang girlfriend. Pero mayroon kang Gap.”

“What??! You’re crazy.” Naglakad na palayo si Symon para takasan ang katotohanang nalaman ni Shaun. Hindi alam ni Symon kung paano niya ito nalaman. Kabado siya dahil baka gumawa ng issue si Shaun at maapektuhan nito ang paangat pa lang niyang singing career. Malaki ang posibilidad na magawa ito ni Shaun dahil minsan na niya itong natalo.

“Stop pretending, Symon!”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment