by: Lui
Moves Like Jagger – Maroon 5 feat.
Christina Aguilera
Take me by the tongue
And I’ll know you
Kiss me ‘til you’re drunk
And I’ll show you
All the moves like Jagger
I got the moves like Jagger
I don’t even try to control you
Look into my eyes and I’ll own you
With them moves like Jagger
I got the moves like Jagger
You want to know how to make me smile
Take control, own me just for the
night
And if I share my secret
You gotta have to keep it
Nobody else can see this
So watch and learn
I won’t show you twice
Head to toe, ooh, baby rub me right
But if I share my secret
You gotta have to keep it
Nobody else can see this
And it goes like this
Isang masigabong palakpakan ang
ibinigay ng buong student body kina Dana at Symon. Nakita ng huli na kahit na si
Mrs. Anonas na galit na galit sa kanya last week ay tuwang-tuwa sa natunghayan.
Nagpasalamat si Symon sa suportang ipinakita ng MSCA sa kanilang dalawa ni
Dana. Matapos iyon ay agad ring bumaba ang dalawa sa stage at dumiretso sa SC
office para makapagbihis.
“That was cool, Ate Dana!” sabi ni
Symon habang naglalakad sa hallway.
“Yeah. Though, akala ko pipiyok ako.”
“Let’s do that again!”
“Sure!” Nadatnan nila sa SC office ang
ilan sa mga volunteers. Makikita sa mga mukha ng mga ito ang pagka-starstruck
sa dalawa. Nandoon na rin si Page at inaayos na ang gamit niya dahil
kinabukasan na ang last leg ng tour niya at kailangan na nilang bumiyahe nang
hapong iyon.
“We need to go, Symon.”
“Hey!” ang masayang bati ni Darrel sa
kanya at kay Dana.
“Sunod ako sa van, Page. 5 minutes.”
Unang yumakap si Darrel sa girlfriend na si Dana. Bago lumapit sa kanya at
tapikin siya ng tatlong beses sa balikat. May hawak itong isang tray kung saan
mayroong dalawang coffee drink.
“Ang galing niyo. Iba talaga! Here.”
sabi ni Darrel bago iabot kay Dana ang isang hot beverage.
“Thanks, love!” ang sweet na sabi ni
Dana kay Darrel.
“And, here’s for you, bunso. Your
favorite drink.” Nakabalot sa tissue ang mocha frappucino na iniabot ni Darrel
kay Symon. Nagtama ang kanilang mga daliri nang kinuha ni Symon ang inumin sa
kanya. Agad namang napatingin si Symon sa mga mata ni Darrel. Nginitian siya
nito kaya naman lalong naningkit ang mga ito.
“Thanks, Kuya.”
“Tama naman ako, diba?”
“Hmm. Caramel macchiato na ang
favorite ko ngayon.”
“Oh! Akin na, palitan natin.”
“No, huwag na. I miss this. I mean,
the drink.” ang biglang pagpa-panic ni Symon dahil baka ma-misconstrue ni
Darrel ang sinabi niya.
“Sigurado ka?”
“Oo naman.”
“O, hinay-hinay lang sa pag-inom. Baka
maapektuhan ang boses mo.”
“Thanks sa pag-aalala.”
Nagkwentuhan pa sandali ang tatlo.
Nawala sa isip ni Symon na kailangan na niyang umalis dahil naghihintay na si
Page sa kanya. Naalala lang niya nang sumilip muli ito sa office at
nakasimangot na.
“Oh! Kailangan na pala naming umalis,
Kuya Darrel.” ang gulat na sabi ni Symon.
“Shoot, oo nga! Nawala rin sa isip
ko.” Nagyakap sandal sina Darrel at Dana bilang pamamaalam sa muling pag-alis
ng huli. Si Symon naman ay nakatayo lang at tahimik na umiinom habang
pinapakinggan ang mga sweet nothings ng dalawa. Matapos magyakap ay mabilis na
inayos ni Dana ang mga gamit.
“Ingat kayo sa biyahe, Sy ah.”
“Opo. Thanks, kuya.” Nagulat si Symon
nang bigla siyang yakapin din ni Darrel. Halos mabitawan niya ang hawak na
inumin dahil sa gulat. Tinapik niya nang dalawang beses ito sa likod habang
naaamoy niya ang pabango nito.
“Thanks! Hindi ka pa rin nagbabago.”
ang sabi ni Darrel bago kumalas.
“Let’s go!” ang yaya ni Dana.
---
Naglalakad na sina Jeric, Gap at
Coleen sa loob ng campus matapos ang General Assembly. Halos hindi nila
maramdaman ang hangin sa kanilang mga mukha. Hindi rin gumagalaw ang mga dahon
sa mga punong nakapaligid. Tahimik, kung tutuusin, maliban sa mga ingay ng mga
estudyanteng unti-unting pumupuno sa grounds.
“Gap, dapat kasi kinausap mo na.” ang
sabi ni Jeric.
“Ang labo niya, Je! Una, ayaw niyang
ipaalam. Ginamit niya pa ang pangalan ni Shane para maging ‘girlfriend’ niya.
Tapos ngayon may Shaun pang ume-epal! Hindi ko alam kung anong nasa isip ni
Sy.” ang mahinang sabi ni Gap habang nakayuko at nakahawak sa strap ng kanyang
backpack.
“Akala ko napag-usapan niyo na ‘yung
about sa secret relationship niyo? Sy’s a public figure. We might not like it,
pero people might not like kung malalaman nila that Sy has a boyfriend.” ang
sabat ni Coleen.
“Ano namang problema doon kay Shaun?
May something ba sila?” tanong ni Jeric.
“Bakit ganon siya umasta nung nakita
niya kami? How did he find us in the first place?”
“I thought may binisita siyang
friend?” sabi ni Coleen.
“Come on, Coleen! Alam mo ang tambayan
natin sa park. Hindi mo siya makikita from here. Nandoon siya on purpose.”
sagot ni Gap nang sakto namang matapat sila sa park na may makakapal na puno.
“So, you are suspecting that Sy’s
having an affair? And Shaun is the kabit?” ang pagtatagpi-tagpi ni Coleen sa
mga sinasabi ni Gap.
“Ayokong isipin pero may pakiramdam
akong…”
“Stop it, Gap. You’re being unfair to
Sy. Wala kang proof. Besides, baka naman napa-paranoid ka lang.” ang sabi ni
Jeric.
Isang buntong hininga lang ang
isinagot ni Gap. Humiwalay na ito sa dalawa at halos wala sa loob na naglakad
papunta sa sakayan pauwi sa kanila. Nakatingin sa kawalan si Gap habang sakay
ng isang FX. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nakalagay
sa yakap niyang bag. Nag-register ang pangalan ni Symon nang tingnan niya ito.
---
Magkatabi si Dana at si Jamille sa
loob ng van habang nasa biyahe sila para sunduin si Shaun bago tahakin ang daan
sa huling probinsya ng kanilang mall tour. Si Symon naman ay nakaupo sa likod
ng dalawa at katabi ang isang lalaking contestant na isa sa mga unang
natanggal. Nakasandal ang kanyang ulo sa bintana habang inuubos ang inuming
binigay ni Darrel.
“Sy, how’s the recording?” ang tanong
ni Jamille.
“Great. Done with three songs already.
Minamadali nila e. So, in between tour, school and guestings, nagre-record
ako.”
“Nice! Kelan daw release?” ang tanong
nitong muli.
“Probably mid-next month.”
“Cool! Pa-autograph ah!” ang
pang-aasar nito.
“Adik!” Tumigil ang van sa tapat ng
isang bahay at agad na sumakay si Shaun. Umupo ito sa tabi ng katabi ni Symon.
Nag-hello siya sa lahat pero tanging si Symon lang ang hindi sumagot. Malakas
ang kwentuhan nila pero mas pinili ni Symon na mag-headset na lang ang matulog.
---
Naging successful naman ang huling
mall tour nina Symon. Masaya siya ngayon at tapos na ito. Matapos ang dinner sa
isang restaurant ay bumiyahe na sila pabalik ng Maynila. Sa parehas na spot
umupo si Symon para makapagpahinga.
“Palit tayo.” ang narinig niyang
bulong ni Shaun sa kanyang katabi.
Napatingin siya rito at nakita niyang
walang sabi-sabing nagpalit ang dalawa ng pwesto. Magkatabi na sila ngayon ni
Shaun. Nagkatinginan sila pero agad din niyang ibinaling sa kabilang side ang
tingin.
“Are you seriously not talking to me?”
ang pabulong na tanong ni Shaun.
Tulog sina Jamille at Dana na nakaupo
pa rin sa kanilang harapan. Madilim sa loob ng van at matulin ang takbo nito.
Malamig rin ang buga ng hangin mula sa airconditioning unit na direktang
tumatama sa mukha ni Symon.
“No.” ang maikli niyang sagot.
“Come on, Sy.”
“Seriously, Shaun. Ano bang problema
mo?”
“Wala. I just want to know…”
“Why do you wanna know?”
“Because you lied to me.”
“Anong pinagsasabi mo?” Inilapit ni
Shaun ang bibig sa tainga ni Symon. Hindi naman maintindihan ni Symon ang
kakaibang sensasyon nang maramdaman niya ang hininga ni Shaun nang magsimula
itong magsalita.
“Wala kang girlfriend, Sy. Alam kong
kayo ni Gap.” Nanlaki naman ang mga mata ni Symon at mabilis na lumingon kay
Shaun. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Tanging ang mga street lights
sa expressway ang ilaw na nakatulong para makita niya ang mukha ni Shaun.
Mataman itong nakatitig sa kanya.
“Shaun. What are you…”
“Stop it, Sy. Alam ko.”
“How did you… Are you…” ang mga tanong
na hindi matapos ni Symon dahil sa sobrang kaba.
Napasandal na lang si Symon at
ipinikit ang mga mata kaysa ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Shaun. Hindi
niya alam kung ano ang sasabihin dito. Oo, naging close sila dahil sa
competition pero hindi naman niya itinuturing na matalik na kaibigan ito. Para
sa kanya ay kumpetisyon ito. Ayaw niyang malaman ni Shaun ang isa sa pwedeng
maging ipanlaban sa kanya.
“Sy…”
“Shaun. Just stop. Huwag mo muna akong
kausapin.”
---
Nang gabi ring iyon ay sa bahay nina
Bryan natulog si James. Para maiba naman daw. Lagi na lang si Bryan ang
nagpupunta kina James. Kakalabas pa lang ni James sa CR at nakita niyang
nakatulala sa kisame ang nakahigang si Bryan.
“Bry.” Isinampay ni James ang towel na
ginamit niyang pantuyo sa katawan sa isang upuan bago humiga sa tabi nito.
Tumingin lang si Bryan sa kanya bago umusod ng konti para bigyan siya ng space
sa kama.
“Nagwo-worry na ako talaga. Ilang araw
ka ng ganyan. Hindi kita makausap ng maayos. Ano bang problema?”
“James, wala nga. Makulit ka talaga.
Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo?” ang naiinis niyang baling dito.
“Wala ka ng wala. E halata naman sa
kilos mo. I’m here to help you, kung ano man ‘yan.” ang sabi ni James bago
yumakap kay Bryan.
“Ayokong sabihin sa’yo, James. Kasi
kahit ako hindi ko kayang harapin.” sabi ni Bryan sa sarili.
“Give me a few days, ok? I’ll be
fine.” ang tugon ni Bryan bago halikan sa noo si James.
---
Ginising ni Page si Symon nang
makapasok sa village nila ang van. Naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa
haba ng tulog. Iilan na lang silang nakasakay sa van at wala na roon si Shaun.
“Malapit na tayo sa inyo.” ang sabi ni
Page.
Ilang liko pa ay tumigil na ang
sasakyan sa harapan ng bahay nina Symon. Naunang bumaba si Page, kasunod ni
Symon. Lumabas din ang driver para tulungan silang ibaba ang kanyang mga gamit.
Lumabas naman mula sa loob ng bahay si Grace para salubungin ang anak.
“Good evening, Ms. Grace!” ang bati ni
Page.
“Hi, Page! Long day?” ang masayang
tugon nito.
“Opo. Tulog si Symon buong biyahe.”
“Pasok muna kayo sandali. Ipaghahanda
ko kayo ng makakain.” ang yaya ni Grace.
“Naku, next time na lang po. May
ihahatid pa po kami.”
“Ganon ba? O sige. Ingat kayo ha? Next
time ha.”
Nang makaalis na ang sasakyan, kinuha
ni Symon mula sa ina ang traveling bag na dala. Nakaramdam din siya ng gutom
kaya’t agad na nagtanong kung ano ang pagkaing nakahanda. Isasara na sana ni
Grace ang kanilang gate nang napangiti ito sa nakita. Napabaling naman agad si
Symon nang marinig niyang nagsalita ang ina.
“Gap!!! Kamusta, hijo?”
“Okay naman, Tita. Kayo po?”
“Eto, maganda pa rin.” sabay tawa ng
malakas.
Niyaya ni Grace si Gap na pumasok.
Ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Symon. Tinatawagan siya nito lagi pero
hindi niya sinasagot. Kaya naman kita sa mukha ni Symon ang labis na kaguluhan.
Pero wala pa itong sinasabing kahit ano sa kanya.
“Hi.” ang bati ni Gap nang maiwan sila
ni Symon sa sala dahil si Grace ay nagtungo na sa kusina.
“I called you like a million times.”
ang cold na sagot ni Symon sa bati ni Gap.
“I know. I’m sorry.” ang malungkot na
sabi ni Gap.
Busy si Symon sa pagkalikot ng kanyang
cellphone dahil ilang oras din niyang hindi ito napansin. Marami ang mga
messages na kanyang natanggap kaya’t isa-isa niya itong binasa. Napailing siya
nang mabasa ang isang mensahe.
“Symon. Halika rito sandali!” Agad na
tumayo si Symon at ipinatong sa center table ang cellphone para tumugon sa
tawag ng kanyang ina. Bumaling muna siya kay Gap.
“Excuse me.” ang sabi niya rito.
Naiwan si Gap sa sala. Napatingin siya
sa cellphone na iniwan ni Symon sa mesa at natutukso siyang basahin ang message
na naka-open. Mula sa pagkakaupo ay tinanaw niya ito pero hindi niya mabasa ang
text message kaya umupo siya sa kaninang inuupuan ni Symon para mabasa ito.
Hindi niya alam kung anong naisip niya at nagawa niya iyon. Hindi naman niya
gawain ito noon.
Shaun: Sy, I’m very, very sorry sa
nangyari kanina. Please, kausapin mo naman ako? Please.
---
Mabilis ding nagpaalam si Gap para makaalis.
Halos nagugol lang ang oras niya sa bahay nina Symon sa pakikipagkwentuhan kay
Grace. Habang tumatagal at nakikita niyang abala si Symon sa pagte-text ay
lalong bumibigat ang kanyang loob.
“Tita, thank you po sa dinner. Next
time, paglulutuin ko po si Mama at dadalhan ko kayo rito.”
“Sure! Thanks, Gap. Say hi to Nancy
for me. Or better yet, mag-lunch na lang kayo dito, say, this weekend?”
“I’ll ask her po. Thank you po ulit.”
Inihatid na ni Symon si Gap hanggang
sa kanilang gate. Malamlam na ang kanyang mga mata dahil sa pagod. Malamang,
buong Sabado siyang tulog para makabawi sa pahinga.
“Una na ako.”
“Ingat ka sa biyahe. And thanks sa
pagpunta.” Hindi na sumagot si Gap at naglakad na palayo. Akmang isasara na ni
Symon ang gate nang tumigil si Gap sa paglalakad at halos patakbong bumalik
palapit sa gate.
“Sy!”
“Oh? May nakalimutan ka?”
“Hindi ako mapakali. Sorry. I really
need to ask you this.”
Nanatili namang nakatingin lang sa
kanya si Symon na may pag-aalala sa mukha. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Gap
habang pilit na hinahanap ang mga salitang magtutulay sa kanyang nararamdaman
patungo kay Symon para makahanap ng sagot.
“Are you cheating on me? With Shaun?”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment