Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (08): Book 2

by: Lui

“Gap…” Hinawakan ni Symon si Gap sa kanang braso pero agad na umiwas ang huli. Nagkatinginan sila at napansin ni Symon ang namumuong luha sa mga mata ni Gap. Napailing si Symon dahil sa naisip ni Gap na pagtataksil niya.

“Just… Tell me the truth.” ang nanginginig na sabi ni Gap.

“Gap. I’m not cheating on you.”

“Bakit siya nasa campus noong isang araw? Bakit siya nagtetext sa’yo, nagso-sorry at namimilit na kausapin ka? Sy, ayokong magselos pero hindi ko maiwasang maramdaman ‘to.”


“Gap, walang something sa amin ni Shaun. Hindi ko alam kung paano niya tayo nahanap sa campus noon. At kaya siya nagtext ng sorry at gustong makipag-usap kasi hindi ko siya pinansin. He knows Gap. He knows about our relationship. I don’t know how pero alam niya. I gave him the silent treatment kasi hindi ko alam kung paano i-explain. Ayokong aminin dahil baka kumalat ang balita.”

“Totoo?” ang biglang pagtigil ni Gap sa pag-iyak.

Umupo ang dalawa sa harapan ng gate nina Symon at ikinwento nito ang lahat ng nangyari simula sa umpisa. Nahimasmasan naman si Gap at agad na humingi ng dispensa sa panghuhusga niya sa mga kilos ni Symon.

“It’s okay. Alam ko mahirap ang sitwasyon natin dahil hindi lang sa pamilya natin dapat itago ang namamagitan sa atin. Pati sa lahat ng tao.”

“Sy, hindi mo naman ako iiwan diba?”

“Gap, ano ka ba? Hindi mangyayari ‘yun.”

“So, at some point, ipapaalam din natin sa kanila?” Hindi naman agad nakasagot si Symon sa tanong na ito ni Gap. Parehas silang hindi ‘out’ sa kani-kanilang mga pamilya.

“We’ll get there, Gap. Pero, for now, just hang in there. Ang importante naman, magkasama tayo diba? At masaya tayo?”

“Lagi ka ngang wala.” ang malungkot na sabi ni Gap.

“Alam ko. Gap, umpisa pa lang ‘to. Pero kung talagang mahal mo ako, maiintindihan mo. Sa part ko naman, gagawa naman ako ng paraan para makasama ka.” Naalala naman ni Gap ang ginawa ni Symon na surprise sa kanya noong nakaraang Biyernes kaya naman nangiti siya. Pasimple niyang binangga ito dahil gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa dahil baka may makakita.

“Alam mong mahal kita. Nandito lang ako lagi.”

“Ang cheesy naman ng Gap ko.”

“Wow. Possessive?”

“Ayaw mo? Akin ka lang naman talaga.”

“Basta ikaw din.”

“Oo naman. Hanggang tingin lang silang lahat.” Masayang umuwi si Gap dahil nalinawan na siya. Ngayon alam niyang kahit madalas na busy si Symon ay intact pa rin ang kanilang relationship.

---
Lumipas ang dalawang linggo na naging maayos naman ang relasyon nina Symon at Gap. Irregular nang nakakapasok ang una sa MSCA kaya naman minabuti nitong mag-drop ng ilang minor subjects para mabawasan ang load sa school.

“Hoy, Symon Gonzales!” ang maarteng pagtawag ni Coleen sa kanya.

Nasa loob ng cafeteria ang kanyang mga kaibigan at masayang kumakain ng lunch. Bumeso siya kina Coleen, Lexie at Shane bago umupo sa tabi ni Gap. Agad na inayos ng huli ang kanyang kakainin. Binuksan nito ang lalagyan ng pasta at inabutan siya nito ng tinidor.

“Aww. Sweet!!” ang sabi ni Shane.

“Nagpaparinig ka?” ang banat naman ni Lexie.

Natawa naman ang lahat sa maikling sagutan na iyon. Dalawang araw na nawala si Symon at ngayon lang niya ulit nakita ang mga kaibigan kaya naman walang patid ang mga kwento.

“Oh, come closer.” ang utos niya sa lima.

Inilabas niya ang kanyang iPod at ipinatong ito sa gitna ng table. Inilapit naman ng lima ang kanilang mga tainga rito para marinig ang kanta. Hindi naman nakapagpigil si Coleen sa pagtili at parang kinikilig na tumayo at niyakap ang kaibigan. Napatingin naman ang ibang mga estudyante sa kanila.

“Oh, my!!! I’m so proud of you, Sy!! This is it na talaga!” ang sabi ni Coleen habang mahigpit na nakayakap kay Symon.

Agad niyang itinigil ang tugtog dahil hindi pa polished ang recording ng kanyang unang kanta. Raw pa lang ang ipinarinig niya sa mga ito.

“One more thing… Free ba kayong lahat this Sunday afternoon?”

“Family day.” ang sagot nina Shane at Lexie pero sina Jeric, Coleen at Gap ay oo.

“Kasi, I’d like to invite you…”

“Oh, don’t tell me you’re in…” Hanggang tainga ang ngiti ni Symon sa mabilis na pagka-gets ni Lexie sa kanyang sasabihin.

“Yes, Lex, yes!”

“Wow!!!”

“Wait, hindi ko gets.” ang pagsabat ni Jeric at Gap.

“Kasama na ako sa afternoon concert sa Channel 3.” ang anunsyo ni Symon.

---
Magkahawak ang kamay nina Dana at Darrel na nagso-stroll sa mall nang araw na iyon matapos mananghalian sa isang Chinese restaurant. Wala silang pasok sa MSCA dahil mas konti na ang araw ng mga seniors.

“I missed this. You and me. Holding hands. Walang ibang iniisip.” ang bulong ni Darrel.

“Aww. Sweet, hun.”

“Dami nga lang tumitingin. Nare-recognize ka na nila.”

“Hayaan mo sila. Ikaw lang ang kasama. Sa’yo lang umiikot ang mundo ko.”

“I wanna kiss you right now.”

“No one’s stopping you.” ang pagpayag ni Dana.

Nang mapagod sa paglilibot sa mall ay dinala ni Darrel si Dana sa isang café para maipahinga ang mga paa. Sa isang malambot na couch sila umupo at nagpalipas ng ilang minuto bago lumapit sa counter at um-order.

“Hun.” ang pagtawag ni Darrel kay Dana mula sa counter na hindi naman kalayuan sa couch na inuupuan.

“Yes?” ang mabilis na paglapit ni Dana.

“Pa-autograph daw.” Malaki ang ngiti sa mga labi ni Darren at ng barista.

“Last week lang po, si Symon ‘yung nandito. Idi-display po namin ‘yan doon katabi ng mug na pinirmahan niya.” ang sabi ng barista habang sinusulatan ni Dana ang mug.

“Talaga? Nagpunta na rin dito si Symon?” sabi ni Darrel.

“Opo. Ang cute nga po niya. At ang bait.” ang kinikilig na sabi ng barista.

Masayang nagpalipas ng oras ang dalawa sa café na iyon. Parami ng parami ang mga tao dahil halos labasan na ng mga empleyado sa trabaho. Kaya naman napagdesisyunan ng dalawa na umuwi na para makaiwas sa traffic. Palabas na sila ng café nang may magbukas ng pinto para makapasok ang isang lalaking nakasuot ng t-shirt na kaparehas ng suot ng barista.

“Darrel?” ang tanong nito.

“Matt!” ang pagkilala ni Darrel sa lalaking nakasalubong sa entrance ng café.

“Kamusta?”

“Ok naman. Eto, nag-chill lang. Wala ka na pala sa PJ’s.”

“Oo, mga ilang buwan na rin.” ang sagot nito bago siya pormal na ipinakilala ni Darrel kay Dana.

“Kamusta ka na?” ang tanong ni Darrel referring to what happened with him and Symon.

“Oh. Okay naman. Okay na, at last.”

“Hun, bili lang ako ng pastry sandali.” ang paalam ni Dana.

“Nandito lang siya last week. Nagulat nga ako eh. Ganon pa rin siya. Pero parang lalong gumwapo.” sabi ni Matt nang makaalis si Dana.

“Are you perfectly fine?”

“Honestly, hindi ko alam. Simula nung nakita ko ulit si Sy at nginitian niya ako, parang tumalon na naman ‘tong puso ko. Pero alam kong masaya na siya with Gap, tsaka hindi na ma-reach yun. Artista na siya.”

“Matt, your happiness depends on the choices you make. Either you stay in love with Sy and be miserable. Or let go and be happy eventually.”

“Daling sabihin, Darrel. Pero ang hirap gawin. I thought I’m okay until that day. Pero hindi na naman ako umaasa.”

Bumalik na si Dana dala ang isang paper bag. Umankla ito sa braso ni Darren. Nagpaalam na sila kay Matt para makauwi na.

“See you around, Matt!” sabi ni Darren.

---
Linggo. Tatlumpung minuto bago magsimula ang live TV show ay nakaharap na si Symon sa vanity mirror. May kasama siyang isang pasikat na artista sa dressing room na isa sa mga hosts ng show. Nakipagkilala na ito sa kanya kaya naman nagkekwentuhan na sila habang naghihintay ng oras at habang inaayusan ng mga make-up artists. Gwapo ito para kay Symon pero hindi niya tipo.

“I watched the show. Sa simula pa lang, I was rooting for you or Shaun.”

“Shaun.” Naalala niya muli ito. Makakasama niya ito sa isang production number. Buti na lang ay hindi niya ito kasama sa dressing room dahil ayaw pa rin niya itong kausapin.

“Thanks.”

“Gotta go.” ang paalam nito matapos ang ilan pang palitan ng kwento.

Habang naghihintay si Symon sa dressing room ay nag-practice na lang ito ng kanyang kakantahin. Matapos kasi ang group performance kasama ang mga nakalaban ay kakantahin niya ang kanyang winning song. Lumabas si Page kasama ang make-up artist para mabigyan ng privacy si Symon. Natigilan siya sa pag-eensayo dahil sa isang katok at sa marahang pagbukas ng pinto.

“Shaun.”
---
Nasa pangalawang row ang magkakaibigan para panoorin ang live performance ni Symon sa afternoon show na iyon. As usual, walang tigil ang asaran ng magbabarkada habang hinihintay ang pagsisimula ng programa.

“Hey, guys. Mind if I sit here?” ang bati sa kanila ni Darrel.

Buong ngiti naman ang lahat kay Darrel. Umupo ito sa tabi ni Gap. Napansin niya ang panic sa mga mata ni Gap kaya naman agad niyang tinanong kung anong problema.

“Baka maging uncomfortable ka, Kuya.”

“Why?”

“Oh, here they come.” ang sabi ni Gap nang makita niya sina James at Bryan na palapit sa kanilang kinauupuan.

Sinundan ni Darrel ang direksyon ng tingin ni Gap. Nagtama ang mga mata nila ni James at nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito. Kahit siya ay nagulat lalo na nang makitang may kasama itong makisig na lalaki.

“Hey.” ang bati ni Darrel nang makalapit sina James at Bryan sa kanila.

“Hi.” Kahit na naging maayos naman ang huli nilang pag-uusap, ilang pa rin si James dahil kasama niya si Bryan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tiningnan niya si Gap para humingi ng saklolo pero wala rin naman itong nagawa.

“Hi, James. Kamusta?”

“Okay naman, Darrel. Nga pala, si Bryan.” ang pagpapakilala ni James sa kasama.

“Hey.” Inilahad ni Darrel ang kanyang kamay upang pormal na makipagkilala pero tanging tango lang at isang pilit na ngiti ang isinagot sa kanya ni Bryan.

“Kuya Darrel, dito ka na lang sa tabi namin ni Shane!” ang yaya ni Lexie.

“Sure.” ang mabilis na pagpayag nito.

---
Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa matapos maglitanya ni Shaun. Napako si Symon sa kanyang kinauupuan. Matiim niyang tinitingnan ang kanyang repleksyon sa salaaming nakaharap sa kanya.

“Standby, guys. We’re live in 5 minutes.” Halos napatalon naman sa gulat si Symon nang biglang magbukas ang pinto at may isang ulong sumilip mula rito upang paalalahanan sila sa dahilan kung bakit sila naroon.

“Sure. Thanks.” ang sagot ni Symon bago tumayo.

Akma na siyang lalabas nang pigilan siya ni Shaun. Hinawakan siya nito sa braso. Humarap siya rito at napansin niya ang nangungusap na mga mata nito.

“Sy, say something. You don’t have to hide from me.”

“I’m not.”

“Bakit ayaw mong sabihin ang totoo?”

“Why are you so obsessed with it?”

“I’m your friend. At least, for me I think I am.”

“Let’s go.” ang singit ng PA na muling nagbukas ng pinto para dalhin na sila sa gilid ng stage.

---
Malakas ang hiyawan sa loob ng studio. Pasimpleng sumilip si Symon mula sa backstage at nakita niya ang dami ng tao. May malalaking banner din kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. May ibang may pangalan nina Shaun, Dana at Jamille.

“Good luck sa atin!” ang nakangiti pero kinakabahang sabi ni Jamille.

Patay ang lahat ng ilaw sa stage nang isa-isa silang pinapwesto para sa kanilang number. Tumugtog ang anthem ng Ultimate Sing-Off at unang tinapatan ng spotlight si Vince. Malakas na tilian. Pero tanging ang kabog sa dibdib ni Symon ang kanyang naririnig.

“Sy.” ang bulong ni Shaun sa kanyang tabi.

Isang re-enactment ang production number na kanilang ginagawa. Isa-isa muling tinatanggal ang mga contestants at may tatlumpung segundo sila para kantahin ang kanilang mga memorable performances sa show.

“This year’s Ultimate Crooner…” ang sigaw ni Vince.

“Hmmmmmm.” ang adlib ni Symon na sinundan ng mga tili.

“Symon!!!” Nag-exit na sa stage si Vince. Tanging si Symon na lang ang natira. Unti-unti siyang lumapit sa mga audience at buong ngiting sinimulan ang kanyang kanta.

Do I Make You Proud – Taylor Hicks
Now I can see
And I believe
It’s only just beginning

This is what we dream about
But the only question with me now
Is do I make you proud
Stronger than I ever been now
Never been afraid of standing out
Do I make you proud

Matapos ang kanyang solo ay muling nagbalik ang lahat sa stage para sa kanilang group performance. Sunud-sunod silang naglakad sa isang ramp palapit sa mga audience habang kumakanta.

Don’t Stop Believin’ – Glee Cast
Strangers waiting
Up and down the boulevard
Their shadows searching in the nights
Streetlights, people
Living just to find emotion
Hiding somewhere in the nights

Working hard to get my fill,
Everybody wants a thrill

Sa kalagitnaan ng solo part ni Shaun ay bigla siyang natigilan at natulala. Agad na napalingon sa kanya si Symon. Nagtaka siya sa biglang pagtigil nito kaya naman sinundan niya kung saan ito nakatingin.

Payin' anything to roll the dice
Just one more time

Itinuloy ni Symon ang part ni Shaun. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkabagabag. Nagkakatinginan silang dalawa. Bakas sa mga mata ni Symon ang mga tanong.

“What the hell, Shaun?” ang tanong ni Symon habang instrumental.

Some will win, some will lose
Some are born to sing the blues
And now the movie never ends
It goes on and on and on and on

Don't stop believin
Hold on to that feelin'
Streetlight, people


---
Matapos ang kanilang performance ay nagpahinga muna si Symon sa dressing room. Kinuha niya ang kanyang phone at nagbasa ng mga text messages. Nagpaalam sa kanya sina Jeric at Coleen na mauuna na dahil may lakad pa ang mga ito. Ganon din sina Lexie at Shane.

Lumabas si Symon at nagpunta sa may audience habang commercial break para lapitan si Gap. Nahirapan siyang makalapit rito dahil sa dami ng gustong magpa-picture. Ilan sa mga kasamang artista ay masayang nakikipagkwentuhan din sa mga fans. Nakita niyang palapit sa kanya si Gap.

“Hey. Nauna na sina Lex.”

“Yeah? Paano ‘yan, wala kang kasama?” ang sabi ni Symon nang makalayo sila sa mga tao.

“Kasama ko si Kuya Darrel. Awkward nga lang kasi nandoon din sina James.” Pasimpleng sinulyapan ni Symon si Darrel na nakaupo malayo sa kanya. Katabi nito si Dana. Napatingin din ito sa kanya kaya naman isang malapad na ngiti ang ipinamalas nito.

“Oh. Wow. Hintayin mo pa ako?”

“Oo naman.”

“Sige, tawagan na lang kita. Alam ko kasi pwede na naman akong umalis eh.”

“Okay. Sabay tayo kina James ha?”

---
Tinulungan siya ni Page na mag-ayos ng kanyang mga gamit. In less than fifteen minutes ay tapos na siya. Agad niyang tinawagan si Gap para makuha na nila ang sasakyan na dala ni James. Dahil alam niyang matatagalan nang bahagya sina Gap, hinanap niya muna si Shaun sa katabing dressing room para tanungin kung ano ang naging problema nito noong nagpe-perform sila. Pero hindi niya ito nahagilap.

“Hi, palabas na kami ng parking.” ang sabi ni Gap nang tumawag ito kay Symon.

“Okay. Pababa na ako. See you.” Agad na kinuha ni Symon ang kanyang bag at naglakad papunta sa elevator. Pagbukas ng door ay si Shaun ang tumambad sa kanya.

“Shaun! Kanina pa kita hinahanap.”

“Pauwi ka na?” ang tanong nito sa kanya.

“Oo. Ikaw ba? Saan ka galing?”

Hindi sumagot si Shaun sa kanya. Tiningnan niya ito at nakita niyang nakatingala ito at tinutunghayan ang mga numerong umiilaw. Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito na animo’y bagong iyak lang.

“What’s wrong?”

“Thanks for saving my ass up there.”

“Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nawala?”

“Wala. Nawala lang ako sa focus. Nalimutan ko ‘yung line.”

“You seek truth from me. Yet you’re lying to my face.”

Nagbukas na ang elevator door.  Naunang lumabas si Shaun na agad namang sinundan ni Symon. Inunahan niya ito para mapigilan ito sa paglalakad. Nakita naman niyang wala pa ang sasakyan sa driveway.

“You’re my friend. Pero hindi ko maalis sa akin na competition din kita. Kapag inamin ko sa’yo kung ano ‘yung pinipilit mong sabihin ko, baka baligtarin mo ako. Pero naisip ko naman, nagiging unfair ako sa’yo. I’m your friend…”

“I never saw you as competition.”

“…that’s what I just realized. Sorry, Shaun. And for the record, you’re right.” ang pag-amin niya sa relasyon nila ni Gap.

“I knew it.”

“Ayan ah. Alam mo na. I hope I won’t regret this.”

“You won’t.” Muling nagbukas ang elevator door at iniluwa nito si Bryan. Nagngitian agad sila ni Symon. Naging kaibigan na rin niya ito dahil kay James na kaibigan ni Gap. Nagtaka naman si Shaun kung bakit ito ngumiti kaya naman bumaling siya sa kanyang likod at nakita niya si Bryan.

“Bakit hindi mo kasama si James?”

“Kinuha niya ‘yung sasakyan kasama si Gap. Nag-CR lang ako sa taas kaya nauna na sila.”

“Ah.” Ipapakilala na sana ni Symon si Shaun kay Bryan nang biglang nagsalita muli si Bryan. Para namang namumutla si Shaun sa kanyang tabi na akma na sanang magpapaalam para makaalis.

“Hi, Shaun! Parang hindi mo ako kilala ah.”

“Magka… You know each other?” ang laking taka ni Symon.

“Yeah. We’re together for… like more than a year din.” ang sagot ni Bryan.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment