Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (09): Book 2

by: Lui

Nagsimulang makaramdam ng pagkailang si Shaun habang kumakain. Nasa loob sila ng isang mall. Hindi pa ganon karami ang tao dahil maaga pa. Isa pa, week day kaya karamihan ay nasa kani-kanilang mga trabaho pa.

“May dumi ba sa mukha ko?” ang medyo naiirita niyang tanong.

“Wala.”

“E bakit ganyan ka kung makatingin?”


“Hindi lang ako makapaniwala na mahal mo rin ako, na tayo nang dalawa.”

“Gusto mo bang bawiin ko?”

“Huwag naman. Malulungkot ako.”

“Kumain ka na dyan.”

“Busog na ako kakatingin sa’yo.”

“Tigilan mo nga ako, Bryan. Dali na, kumain ka na d’yan.”

Sumunod na si Bryan sa sinabi ni Shaun. Pero maya’t maya pa rin ang sulyap ng una sa huli kaya naman hindi maiwasan ni Shaun ang ngumiti sa kilig tuwing magtatama ang kanilang mga mata.

Magkaiba ng school pero nagkakilala dahil sa isang common high school friend, iyan ang dahilan ng kanilang pagkakakilala. Nang maging friends sa Facebook ay nakita nilang mas marami pa pala silang common friends na katulad nila. Doon nagkaalaman ang dalawa ng kani-kaniyang tinatagong sikreto.

“Ayoko nang pumasok.” sabi ni Bryan habang naglalakad sila sa mall.

“Adik ka ba? Pang-ilang absent mo na kaya ‘yan?”

“Ok lang. Present naman ako sa puso mo.” Unang beses na tumibok ang puso ni Bryan kay Shaun. Hindi naman talaga maikakaila ang artistahing mukha nito. Pero mas higit na nagustuhan ni Bryan ang pagiging maalaga nito sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan pa ang sariling mahulog rito.

“Happy 3rd month nga pala.” Isang mabilis pero punung-puno ng pagmamahal na halik ang iginawad ni Shaun kay Bryan. Naiwan namang tulala ang huli dahil sa gulat. Nasapo ng kanyang mga kamay ang isang maliit na kahon na regalo ni Shaun sa kanya.

“Shaun!”

“What?”

“Bakit mo ginawa ‘yun?”

“You dared me last night, remember?”

“Nakakainis ka!”

“Bakit?”

“Lalo akong napapamahal sa’yo.”

---
Ilang buwan pa ang lumipas pero tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating malambing at maalagang si Shaun ay parati nang wala, parati nang mainit ang ulo. Nang gabing iyon ay magkasama sila sa bahay nina Shaun pero tahimik lang ang dalawa.

“Inaantok na ako.” pahayag ni Shaun.

“Sige, uuwi na lang ako.” Hinatid siya nito hanggang sa gate ng kanilang gate. Tiningnan niya ito sa mga mata pero blangko ang mga ito. Walang sigla.

“Ingat ka.” ang malamig na sabi ni Shaun.

“Walang kiss?”

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shaun na akala mo’y naiinip na ewan. Ilalapit na niya ang mukha kay Bryan nang umilag ang huli.

“Huwag na. Napipilitan ka lang naman.”

“Ang arte mo.”

Hindi na pumatol pa si Bryan. Yumuko na lang ito habang si Shaun ay padabog na sinara ang kanilang gate. Ang bilis ng pamumuo ng mga luha ni Bryan at halos hindi na niya mabigkas ang mga sumunod na sinabi.

“A year ago, we’re so happy. We were so in love. Anong nangyari? Nasasaktan na ako…” Tiningnan ni Bryan ang kanyang relo na mabilis na natuluan ng kanyang mga luha. Agad niyang pinunasan ang mga basang pisngi.

“Ayan, sakto. I should be greeting you “Happy 1st anniversary” now pero hindi naman masaya. Good night na lang.”

---
Matapos ang mabigat na gabi na iyon ay nawala na si Shaun. Wala nang narinig pa si Bryan mula rito. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi na ito sumasagot. Sinubukan niya na lahat ng paraan para makita ito pero wala pa rin.

Sunud-sunod ang mga gabing walang patid ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Halos hirap na siyang huminga dahil wala siyang mapagsabihan ng bigat ng dinadala. Hanggang sa maisip niyang makipag-usap sa mga hindi naman niya kakilala sa Internet.

akosibryan: Hello.

Kung anu-ano ang kanyang mga nabasa. May naghahanap ng ganito. May gusto ng ganyan. Walang pumansin sa kanya kaya naman sinubukan niya ulit.

akosibryan: Sino pwedeng makausap?

sleazyme: hi, akosibryan

akosibryan: Hello, sleazyme.

Isang private chat ang nag-pop up sa kanyang laptop. Si sleazyme iyon. Nagtanong ng basic details about sa kanya. Magaan naman ang pakiramdam ni Bryan sa kanya kaya naman agad siyang sumagot sa mga tanong nito.

sleazyme: Magkalapit lang pala tayo. Top ka ba or bottom?

akosibryan: Ha?

sleazyme: Top or bottom?

Hindi alam ni Bryan ang isasagot kaya naman nanghula na lang siya. 18 years old na siya nang mga panahong iyan pero hindi pa rin siya masyadong maalam sa mga pasikot-sikot ng mga bagay.

akosibryan: Top.

sleazyme: nice. tara.

Akosibryan: Saan?

sleazyme: dito sa bahay

akosibryan: Ngayon na?

Tiningnan niya ang oras at nakita niyang ilang minuto na lang at maghahating-gabi na. Naisip niyang kailangan din niya ng kausap. Tsaka nagkapalitan na rin naman sila ng picture at alam na rin niya kung saan nag-aaral ito kaya naman mukhang hindi mapanganib.

sleazyme: see you in 30 mins.

Agad na naligo si Bryan. Tahimik siyang lumabas ng bahay matapos makapagbihis at pumara ng taxi papunta sa fastfood na napag-usapan nilang pagkikitaan. Pagdating niya roon ay agad siyang um-order. Nagtext na rin siya sa kikitain na nagngangalan palang Emerson.

“Bryan?”

“Emerson?”

“Emer na lang, dude. Tara.”

Sobrang konti lang ng kanilang napag-usapan habang naglalakad dahil na rin siguro sa hiya. Nag-iipon si Bryan ng mga sasabihin dito at nag-iisip siya ng paraan para masimulan ang magandang conversation. Pagdating nila sa bahay nina Emer ay sumenyas ito na huwag maingay. Tahimik silang umakyat sa kwarto nito.

“Nice room.”

“Thanks.” Naramdaman ni Bryan ang sobrang kalamigan sa loob ng kwarto na iyon. Pinaupo siya ni Emer sa kama nito habang iginagala niya ang mga mata sa silid. Naramdaman niya ang paglapat ng harapan ni Emer sa kanyang likod pati na ang mainit nitong mga labi sa kanyang batok.

“What do you think you’re doing?!” ang gulat niyang sabi matapos lumayo dito.

“Shhh!”

Bigla naman siyang nahiya sa malakas na pagsigaw. Agad namang kumalma ang kanyang pakiramdam habang nakatingin sa mga malamlam na mata ni Emer.

“Sabi mo top ka diba?”

“Ha? Ah. Oo.” Unti-unting lumapit si Emer sa kanya. Pasimple nitong pinindot ang switch na nasa gilid ni Bryan. Kasabay ng pagdilim ng buong silid ay ang pagyapos sa kanya ni Emer.

“Then, prove it.” Nanuot sa kalamnan ni Bryan ang bulong na iyon ni Emer sa kanyang tainga. Hindi niya maintindihan pero kakaibang sensasyon ang naging dulot nito sa kanya. Hindi niya man maintindihan ang gustong ipahiwatid ni Emer ay sumunod na lang siya sa gusto nito.

---
Matapos ang gabing iyon, paulit-ulit na tinawagan ni Bryan si Emer. Hindi naman siya nabigo dahil naulit ang kanilang pagniniig. Pero nang naglaon ay biglang hindi na ito nagparamdam. Naging laman na siya ng mga internet sites kung saan ay nakikipag-chat siya upang maghanap ng katulad ni Emer.

iWantitHard: 18, m, Mandaluyong

Agad na napukaw nito ang atensyon ni Bryan kaya naman dali-dali niya itong pinadalhan ng private message. Ilang linggo na rin siyang walang nakakasiping.

akosibryan: I can give it to you.

iWantitHard: ano?

akosibryan: You want it hard, diba?

iWantitHard: ah. wala ako place.

Kinabahan si Bryan sa biglang pumasok sa isip niya. Sa halos dalawang buwan niyang ginagawa ito, wala pa siyang dinala sa kanilang bahay dahil sa takot na mahuli sila. Pero iba ang pangangailangang nararamdaman ng katawan niya ngayon.

akosibryan: Pic?

Agad namang nagpadala ito ng picture. Saktong sakto sa panlasa ni Bryan ang itsura ng kausap. Hindi mukhang malamya. Papasa na akala mo’y kabarkada lang niya.

iWantitHard: Tara, dito sa bahay namin.

Sinabi niya ang village na tinitirhan. Hindi naman ito kalayuan sa lugar ng kausap kaya napagdesisyunan nilang magkita in an hour. Agad na naligo si Bryan matapos mai-save ang number ng kausap. Matapos iyon ay sinilip niya ang kuwarto ng kanyang mga magulang at nakitang himbing na ang mga ito sa pagtulog.

“Whew.” ang kinakabahang sabi ni Bryan habang isinasara ang pinto.

Naghintay siya sa labas ng kanilang bahay hanggang sa maaninag niya ang paglalakad ng isang hindi katangkarang lalaki palapit sa kanya.

“Bryan?”

“Yep. Sorry, ano palang pangalan mo?”

“Levy.”

Tahimik niyang dinala si Levy sa kanyang kwarto. Bumulong pa siya rito bago magsimula na huwag gagawa ng kahit anong ingay dahil nasa katabing kwarto lang ang kanyang mga magulang.

“Okay.”

Animo’y uhaw na uhaw si Bryan sa bilis ng kanyang pagtanggal sa sariling saplot at sa suot ni Levy. Inutusan niya itong lumuhod sa kanyang harapan upang muli niyang maramdaman ang sarap.

“Higa ka na.” ang utos niya rito makalipas ang ilang minuto.

“No, hindi ako nagpapa…”

“Come on. Nandito ka na naman eh.”

“Hindi talaga…” Siniil ni Bryan ng isang mainit na halik si Levy at niyakap ito nang mahigpit. Narinig niya ang mga mahihinang ungol nito kaya tinigilan niya.

“Dahan-dahan lang ah. Tsaka mag-condom ka.” ang pagpayag ni Levy.

Inayos ni Bryan ang pagkakahiga ni Levy sa kanyang kama. Medyo napalakas ang pag-aray nito sa una niyang subok kaya naman tinakpan niya ang bibig nito hanggang sa naramdaman niya ang pagtanggap ni Levy sa kanyang mga kilos.

“Ano nga ulit username mo?” ang hinihingal na tanong ni Bryan habang nasa kalagitnaan ng aksyon.

“iWantitHard.” Lalong uminit ang bakbakan sa kwarto ni Bryan. Kahit na malamig ang hangin na nagmumula sa airconditioner ay tagaktak ang pawis ni Bryan. Nang matapos sila ay lupaypay siyang humiga sa tabi ni Levy.

“Whew!” sabi ni Bryan habang hinahabol ang hininga.

Yumapos si Levy sa kanya. Parang gusto nitong magpasalamat sa sarap na naidulot sa kanya ni Bryan. Pero iba ang lumabas sa kanyang bibig.

“I think I love you already.” Para namang mabilis na bumalik ang katinuan ni Bryan nang marinig ang mga katagang ito. Agad siyang bumalikwas. Isa-isa niyang kinuha ang mga damit ni Levy at ibinato ito sa kanya.

“Magbihis ka na.” ang malamig nitong sabi sa kanya.

---
Ang mga sumunod na mga late-night meet-ups ni Bryan ay naging purong pagpaparaos na lang. May mga pagkakataon pa ngang hindi na niya natatanong pa kahit ang pangalan nito.

“You need to go.” ang sabi niya sa isang random guy na nakasiping niya.

“Hindi ba pwedeng mag-sleep over?”

“Hindi. Anong tingin mo dito, retreat house?”

Dali-daling nagbihis ito at galit na lumabas ng kanyang kwarto. Inihatid niya ito hanggang sa kanilang gate para masiguradong umalis na ito.

“Sorry, ano nga ulit name mo?”

“You’re unbelievable.” ang huling sinabi nito bago naglakad palayo.

“Nice name!” ang pahabol na pang-aasar ni Bryan.

Agad siyang nakatulog pagbalik niya sa kanyang kwarto. Kinabukasan, alas-otso ng gabi nang muli siyang mag-online. Nang gabing iyon niya nakilala ang taong mag-aahon sa kanya sa kadilimang iyon.

iamlost: Hello ulet.

akosibryan: iamlost

iamlost: Yep?

akosibryan: do you wanna be found?

Mabilis na nakagaanan ng loob ni Bryan si James. Pero kahit ganon, sa kanya ay isa lang ito sa mga nakasama niya ng ilang oras sa kanyang kwarto. Lahat ng iyon ay nagbago nang magkita sila sa PJ’s kung saan napag-alaman nilang matagal na pala silang magkaibigan.

Pinili niyang tapusin ang lahat ng kabulastugang ginagawa para kay James. Pinili niyang ibaon ang nakaraan. Pero mukhang hindi siya tatantanan nito.

---
Present day…

“Magka… You know each other?” ang laking taka ni Symon.

“Yeah. We’re together for… like more than a year din.” ang sagot ni Bryan.

“This is awkward.” ang nahihiyang sabi ni Shaun.

“Is it?” ang tanong naman ni Bryan na may galit sa tono.

“Excuse me.” ang boluntaryong pag-alis ni Symon sa eksena.

Pero nagulat si Symon nang tumalikod siya at nakita si James na sobrang lapit na sa kanila. Kasama nito si Gap. Nanlaki ang mga mata ni Symon.

“What’s taking you guys so long?”

“Gap, let’s go. Hindi maganda ang pakiramdam ko.” Nauna na si Symon sa paglalakad at agad namang humabol si Gap sa kanya. Naiwan naman si James kasama si Bryan at Shaun.

“We need to go. It’s nice meeting you.” ang pagpe-pretend ni Bryan.

Inilahad niya ang kanyang kamay kay Shaun na nagdalawang-isip na makipag-shake hands. Paangat pa lang ang kamay nito nang biglang hablutin ito ni Bryan para sa isang sapilitang pakikipagkamay. Tumalikod na sila dito. Inakbayan pa ni Bryan si James habang naglalakad palayo.

“James.”

“Yeah?”

“Nasabi ko na ba sa’yo kung gaano kita kamahal?”

“What’s wrong with you?”

“Nothing. Ang dami kong atraso sa’yo. Gusto ko lang bumawi.”

“You don’t need to. Just stick with me. Alright?”

“Sure. Thank you.”

---
Tahimik si Symon hanggang sa makasakay siya sa sasakyan ni James. Naghintay naman si Gap na maka-settle muna si Symon sa loob ng sasakyan bago magsalita. Alam niya sa mga kilos nito na hindi ito okay.

“Anything wrong?”

“Nothing.”

“Sure?”

“Stop by our place?”

“Okay.” Ihinilig ni Symon ang kanyang ulo sa balikat ni Gap. Tumingin naman sa likod si Gap at nakita niya sina James at Bryan na magkaakbay na naglalakad. Pero nakita rin niya na humahabol si Shaun sa kanila. Nakita niyang nag-usap sandali sina James at Shaun bago nakangiting umalis si James.

“Bakit ‘yun?”

“Ah. Magkakilala na pala ‘yung dalawa dati pa. May itatanong lang daw si Shaun kay Bry.”

“Ah. Okay. Kina Sy muna ako, James ah.”

“Hindi na tayo diretso sa atin?”

“Hindi na muna. Puntahan na lang kita mamaya kapag tutuloy kami sa inyo. Masama pakiramdam ni Sy.”

“Mukha nga eh. Nakatulog na agad.”

---
“Bry!” ang sigaw ni Shaun.

Tumakbo palapit si Shaun sa dalawang magkaakbay na tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya. Malaki ang ngiti ni James kay Shaun na pilit nitong sinuklian.

“James, could you spare us a minute?”

“You guys like friends?”

“Actually we are. May gusto lang akong itanong.”

“Shaun, sorry. Nagmamadali kami.”

“Hindi naman masyado, Bry. It’s okay. We’ll just wait in the car.” Naiwan ang dalawa habang mabilis na naglakad si James palapit sa kanyang sasakyan.

“What do you want?” ang tanong ni Bryan kay Shaun.

“Give me time to explain.”

“Hindi ko na kailangan. I’m so done with you.”

“Please, Bry?”

“Tingin mo ganoon na lang kadali ‘yun? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko nung bigla kang nawala na parang bula. I asked you why. I asked myself why. Pero wala akong mahanap na sagot.”

“Ask me now. I’ll tell you why.”

“No, thanks. You left me. Watch me walk away now.” Dala ang lahat ng control na alam niya, tumalikod si Bryan kay Shaun upang maikubli ang sakit na nararamdaman sa muli nitong pagbalik.

“Ikaw pa rin, Bry. Alam mo ‘yan. It’s always been you.” ang sigaw ni Shaun.

Natigilan naman si Bryan sa paglalakad nang sumigaw ito pero pinigilan niya ang sariling lingunin ito. Oo, gusto niyang tanungin ito ng bakit at kung ano ang nangyari sa kanila. Pero natatakot siya. Alam niyang magugulo na naman ang lahat.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment