Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (10): Book 2

by: Lui

Nakahiga si Symon sa dibdib ni Gap habang nakabalot ang braso ng huli sa katawan niya. Rinig niya ang bawat tibok ng puso nito. Ang isang kamay ni Gap ay hinahaplos ang kanyang buhok. Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin sa kawalan.

“You wanna tell me kung anong iniisip mo?”

“Gap. Promise me na hindi mo ipagsasabi.”

“Sure. Cross my heart, Sy.”
“Kanina, naabutan mo ako with Shaun and Bry diba?”


“Yeah. What’s up?”

“They have a past.” Hindi naman agad nakapag-react si Gap. Nakatingin lang siya sa mga mata ni Symon habang pilit na dina-digest ang sinabi nito.

“I’m sorry, ano ulit?”

“They were together for more than year. According to Bryan.”

“Pero kanina sa sasakyan, ang saya niya pang nagkukwento kay James.”

“He’s pretending.”

“Is that why you…”

“Yes. Ang awkward ng feeling eh. I don’t wanna see James and Bry when I know something. Friends ko na rin sila.”

“I think wala namang problema. Shaun is Bry’s past. I don’t think something’s coming up.”

“Pero tingin ko, Bry’s angry. Ayoko nang mangialam at alamin kung bakit.”

“Humabol si Shaun sa kanila kanina.” ang pag-alala ni Gap sa nakita.

“Huh?”

“I saw Shaun. Hinabol niya si Bry at James. Tapos nauna si James sa sasakyan. Bry’s hiding something.”

---
Lumipas ang ilang linggo. Naging tahimik si Symon sa kung ano ang alam niya kahit madalas na magkasama sila ni Shaun sa mga guestings at gigs. Madalang din naman kasi ang mga pagkakataon kung saan naiiwan silang dalawa. Maraming mga tao ang nakapaligid sa kanila kaya naman hindi sila makapag-usap tungkol sa isang personal na bagay.

“We all saw how Symon rescued you on your first performance few Sundays ago. What happened, Shaun?” ang tanong sa kanya sa isang Sunday afternoon talk show.

“Ah. I was not myself. Feeling a bit under the weather. Kaya, thanks to Sy.”

“It’s nice. I mean, kung paano mo sinalo si Shaun, Symon, knowing na kayo ang naiwan para sa one-on-one battle sa competition.”

“True, true. Pero sa tagal po ng competition, naging friends na rin kami ni Shaun.”

“So, Symon. You already finished recording your debut album?”

“Yes, yes! Sobrang excited na po ako para doon. We’ll release the first single tomorrow.”

“Ikaw naman, Shaun?”

“It came as a surprise, honestly. I’m working on mine, too.”

“Cool! So, mukhang magiging competition na naman kayo.”

“Hindi naman po siguro. We’re taking on different genres.”

“Wow. Nakaka-excite naman. Now, both of your careers are in full bloom. We can’t wait to hear your original songs. Pwede na bang makarinig ng sample? Shaun?”

Dalawang lines mula sa kanyang magiging single ang kinanta ni Shaun. Sumunod naman si Symon na mas naging generous dahil apat na linya ang kanyang kinanta. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa sobrang excitement.

“Makaka-witness ba ulit kami ng showdown mula sa inyong dalawa?”

Nagkatinginan naman ang dalawa bago sabay na tumawa. Natawa rin ang audience dahil sa pinakitang kakulitan ng dalawa on-cam.

“Hopefully, soon.” ang sagot ni Symon.

“Kamusta ang lovelife?”

“Single!” ang mabilis na sagot ni Shaun na ikinatili ng mga fans.

“Ready to mingle!” ang gatong naman ni Symon na lalong nagpalakas sa tilian.

Nakita ni Symon ang pagyuko ni Gap mula sa audience na ikinadurog ng kanyang puso. Agad na pinag-promote si Symon ng kanyang album at ng mga concert guestings niya bago nag-commercial break.

“Thank you po.” ang sabi ng dalawa sa batikang host.

“Good luck on your career, both of you.”

Dumiretso na papuntang dressing room ang dalawa. Wala masyadong tao sa alley kaya naman naglakas-loob na si Symon na lumapit kay Shaun at kamustahin ito.

“Shaun, what happened last time, hindi ko alam na…”

“It’s okay, Sy. That’s why I kept on bugging you. Noong hinatid ka dati sa mall, nakita ko siya. Naisip ko na kailangan kong makalapit sa kanya through you.”

“What can I do to help?”

“Thanks but nothing. Ayaw na niya akong makausap. Kasalanan ko rin naman. Iniwan ko lang siya nang walang pasabi.”

Tinapik ni Symon si Shaun sa balikat bilang pagpapakita ng simpatiya. Nag-trigger naman ito para sa mga mata ni Shaun na maglabas ng luha. Naramdaman niya ang bigat ng dinadala ni Shaun nang maalala niya ang kanyang estado noong baliw na baliw pa siya kay Darrel.

“Gusto kong mag-explain. Gusto… gusto kong ipaintindi sa kanya lahat nang nangyari. Pero ayaw… ayaw niya. Ayaw na niya akong pakinggan. Galit na… galit siya sa akin.”

“Shhh.” Parang instinct naman kay Symon ang yakapin si Shaun para damayan ito. Isang way na rin ito para kahit papaano ay magaanan si Shaun sa bigat ng dinadala nito.

“It’s gonna be okay. He’ll come around. Shh. Stop crying.”

---
Kinabukasan ay pumasok si Symon sa MSCA. Habang nasa klase ay biglang tumunog ang speaker bilang hudyat na may announcement. Pero kakaiba ang kanilang narinig. Parang isang radio DJ ang nagsasalita. Natawa naman ang lahat dahil may nagbiro na ganon ka-hippy ang kanilang matandang dean.

“And now, for the first time, let’s hear the Ultimate Crooner’s first single ever!”

Para namang nahulog ang puso ni Symon sa narinig. Kakaiba ang sound ng mga kanta ni Symon sa kanyang album. May pagka-RnB/Soul ito dahil na rin sa kanyang boses. Very contemporary ang dating ng kanyang single. Hindi ito typical na love song kaya naman ang ilan sa kanyang klase ay nakita niyang umiindak.

“Wow. This sounds amazing! Can’t believe it’s you, Sy!” ang komento ni Coleen.

Mahina niyang sinasabayan ang kanta hanggang sa matapos ito. Masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanya ng buong klase. Pagkatapos ng klase na iyon at nang lumabas siya ng silid-aralan, kaliwa’t kanan ang bumabati sa kanya dahil sa ganda ng kanyang kanta.

“Love the sound, Sy!”

“Thanks!!”

Dahil sa kanya nakatuon ang atensyon ng halos lahat ng estudyante sa araw na iyon, nahirapan si Symon na kausapin si Gap. During class lang niya ito nakakausap ng masinsinan.

“Uy, tahimik ka.”

“Nasa class tayo.”

“Sorry kahapon. Nakita ko ang reaction. It’s an act, you know that.”

“Yeah. Alam ko naman. Pero ayoko lang na naririnig.”

“Sorry.”

Kinagabihan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa recording company at sinabing mabilis ang nagiging pag-akyat ng kanyang album sa sales chart. Ikinatuwa naman ni Symon ang mainit na pagtanggap ng masa sa kanyang pinaghirapan.

“Tomorrow, we’ll shoot your video. Ok? It should be out by the end of this week.”

“Alright, sir. Thanks po! Have a good night.”

Agad niyang tinawagan si Gap para sabihin ang magandang balita. Natuwa naman ito sa sinabi ni Symon pero hindi nito maikaila na naririnig niya ang kalungkutan sa boses nito.

“Gusto mong sumama bukas?”

“Huwag na. Trabaho ‘yan eh.”

---
Nasa garden sina Bryan at James nang gabing iyon at masayang nagkekwentuhan. Pero naging mushy at malambing na naman si Bryan na ikinataka na ni James.

“Bry, may problema ba?”

“Wala naman. Bakit?”

“You’re unusually malambing these days. Nagwo-worry na ako.”

“Don’t. I’m just filled with gratitude, James. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kaganda ang timing ng pagdating mo sa buhay ko.”

“What do you mean?”

“I was in a dark place until you came.”

“Why were you there, anyways?”

“Same reason kung bakit ka rin nandoon.”

“Someone broke your heart?”

“Crushed, to be exact.”

“How come we don’t talk about these things before?”

“You’re busy patching me up.”

“Sinong nanakit sa’yo?”

Katahimikan ang isinagot ni Bryan sa kanya. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang sabihin na si Shaun iyon. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo.

“Sorry.”

“He just left.” ang sabi ni Bryan bago i-snap ang kanyang dalawang daliri.

“Bakit?”

“I never knew why. Basta, bigla na lang niya akong iniwan. Bigla na lang siyang nawala.”

“Hindi mo na tinanong kung bakit?”

“I tried. Pero diba bigla nga lang siyang nawala? Mahirap hanapin ang isang taong ayaw magpahanap.”

“Sabagay.”

“Pero it’s all okay. Nandito ka na naman. You saved me.”

“I did?”

“Yes. I know masyado ka nang nasaktan sa akin. You know, given my past. Ilang beses din akong nadala ng temptation kahit tayo na. Pero hindi ka nawala. Thank you. Hinding-hindi na mauulit yun. You’re simply more than what I prayed for.”

“Promise?”

“Promise.”

---
Biyernes ng linggong iyon nang ipatawag sina Symon sa office para sa isang meeting. Bago magsimula ang klase niya sa MSCA ay nagpunta na sila sa network kasama ang manager at si Page.

“Good morning. We’re here to present the first week sales of Symon’s debut album.” ang sabi ng isang naka-corporate attire na babae nang makumpleto na ang mga taong kailangan sa meeting.

Inabot lang ng tatlumpung minuto ito. Na-discuss na rin kung anong marketing strategies ang gagamitin para maging mainstream ang mga kantang iri-release ni Symon. Tahimik lang si Symon pero nagdidiwang siya dahil sa magandang kinalabasan ng kanyang pinagtrabahuhan.

“Also, we’ll be viewing Symon’s first MV.”

“What? It’s done already?”

“Yes, dear.” sagot ng kanyang manager.

“We need to release it ASAP. Play it.” ang komento ng isa sa mga big bosses ng network.

Parang nahihiya si Symon na natatawa habang pinapanood ang kanyang kauna-unahang music video. Hindi niya inasahan ang mga nakita kahit na naroon siya nang ginagawa ito. Parang ibang tao ang kanyang nakikita at hindi siya makapaniwala.

“So, what can you say?” tanong ng isa sa mga kasama niya sa meeting.

“Is that me?” Nagtawanan naman ang lahat sa kanyang mga sinabi. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita para ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ngunit natigilan naman ang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng conference room at galit na galit na pumasok ang isang matandang lalaki.

“Explain this to me!!!” Ibinato nito ang tatlong tabloids sa malaking mesa habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Symon. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ni Symon lalo na nang kanyang makita ang ikinagagalit ng lalaking iyon na may mataas ding posisyon sa network.

“Symon?” ang pagtawag sa kanya ng kanyang manager.

Isang litrato ang nasa front page ng mga tabloids kung saan naroon si Symon kayakap si Shaun. Binasa niya ang mga headlines na iisa lang ang tinutumbok. Napailing naman si Symon nang paulit-ulit.

“No, no. This is not true.”

“You tell me that there’s nothing going on between you and Shaun!”

“First of all, stop yelling at me, sir. And second, wala kaming relasyon. I was just comforting him because of a personal problem. Hindi ko alam kung paano kumalat ito pero this is all wrong.”

“Clean this mess.” ang utos ng lalaking iyon sa kanyang manager at sa ilan pang tao sa room bago ito lumabas muli.

---
Dumiretso agad si Symon sa MSCA para um-attend sa kanyang klase. Hindi siya nagsalita ng kahit ano tungkol sa nangyari sa meeting dahil ayaw niya nang palakihin ang gulo. Naglalakad siya kasama sina Gap at ang mga kaibigan papuntang cafeteria nang mapansin niya ang kakaibang tingin sa kanya ng ilang estudyante. Sanay na siya sa attention pero ang mga tinging kanyang natatanggap ngayon ay matatalim. May ilan pang nagbubulungan.

“Kelan kaya sila masasanay sa presence mo?” ang tanong ni Shane.

“Hayaan mo na lang.” ang maikling sagot ni Symon.

“I’m craving for pasta. Tara?” ang yaya ni Coleen para maiwas si Symon sa mga mapanuring mata.

“Sure.” ang sagot ni Gap.

Lumabas na sila ng campus pero laking gulat ng anim nang sumugod ang ilang mga reporters palapit sa kanila. Sabay-sabay ang mga tanong nila kay Symon tungkol sa issue.

“Symon, anong reaksyon mo sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa’yo ngayon?”

“Totoo bang kayo ni Shaun?!”

“Bakla ka ba?!”

“Hey!!!” ang pag-awat ni Jeric sa mga reporters at mga cameramen.

Lumabas rin ang guard para i-guide si Symon papasok muli ng campus kasama ang kanyang mga kaibigan. Mistulang natulala si Symon sa nangyari at hindi makakilos sa kanyang kinatatayuan. Agad namang lumapit sa kanya si Coleen.

“Hey. It’s okay.”

“What’s that all about?” ang iritang tanong ni Gap.

“Here.” Inabot ni Shane ang isang tabloid kay Gap na nakuha niya mula sa isang reporter na abala sa pagtatanong kay Symon. Bumaling si Symon kay Gap at nakita nitong kumunot ang noo nito at nagsalubong ang mga kilay dahil sa nakitang litrato.

“Great!” ang sabi ni Gap bago mag-walk out.

“Gap…” ang attempt ni Symon na pigilan ito pero hindi siya nito pinansin.

“Hayaan mo muna siya. Sy, what’s this? Totoo ba ‘to?” ang tanong ni Lexie.

“No, Lex. Of course not. He’s having a rough day! I’m just being a friend. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ikalat ang ganyang picture.” May sasabihin pa sana si Symon nang biglang nag-ring ang kanyang phone. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at nauna na ang mga ito pabalik sa cafeteria.

“Hello?”

“Sy, nakita mo na ba ‘yung mga nasa tabloids?”

“Shaun, oo. Na-harass pa ako ng mga reporters ditto sa school.”

“Sorry. I didn’t mean to put you in this situation.”

“It’s ok. Wala naman tayong ginagawang masama eh. Besides, those are just rumors. Diba?”

“Yeah. May advise na ba sa’yo ang manager mo?”

“Wala pa. But I think I need to keep my line open. She might call anytime.”

“Alright. Talk to you later?”

“Sure. Bye.” Hindi nga nagkamali si Symon dahil wala pang dalawang minuto ang nakakalipas nang tumawag na sa kanya ang kanyang manager. Mabilis niya itong sinagot at pinakinggan ang plano nito para maiwasan ang lalong pagkalat ng balita.

“Alright. Thanks. Meet you here in 2 hours. Bye.”

---
Nagpipigil si Gap nang iyak habang madiin niyang hawak ang tabloid sa kanyang kamay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta, kailangan niyang mapag-isa kung saan niya mailalabas ang lahat ng itinatagong emosyon.

“Gap. Gap!!!” ang pagtawag sa kanya ni Darrel na kalalabas lang sa SC office.

“Kuya Darrel.” Iyon lang ang tangi niyang nasabi. Nagsimula na ang kanyang pag-iyak. Kahit gulat, nagawa naman ni Darrel na alalayan si Gap papasok sa SC office. Mabuti na lang at may sarili siyang cubicle dahil siya ang president.

“What’s wrong?” ang tanong nito sa kaibigan.

Iniabot lang ni Gap kay Darrel ang piraso ng papel na hawak. Agad itong binasa ni Darren at umiling dahil hindi makapaniwala sa kanyang nabasa at nakita.

“I don’t believe this.”

“Niloko niya ako, Kuya Darren. Sinabi niya sa akin dati na walang namamagitan sa kanila ni Shaun. Pero ano ‘yan? Hindi ba ebidensya na ‘yan na may relasyon sila?! Sana inamin na lang niya. Hindi ‘yung  nauna pa ang public na malaman kaysa sa akin.”

“Gap, kinausap mo na ba si Sy?”

“What for? This picture speaks for itself!”

“No, Gap. Hindi maganda ‘yang ganyan. Dapat kinakausap mo siya. Alam mo namang sumisikat na si Symon. Marami ang gustong humila sa kanya pababa. Kaya ang mga simpleng pictures na ganito, nabibigyan ng ibang kulay.”

“Pero bakit nasasaktan ako ‘pag nakikita ko silang magkasama?”

“Gap…”

“Mas marami ang oras na magkasama na sila kaysa sa aming dalawa ni Sy.”

“Wait nga lang. Dito ka lang. Hahanapin ko si Sy.”

---
Hindi na sumunod pa si Symon sa mga kaibigan sa cafeteria. Nagtungo na lang siya sa park kung saan madalas sila tumatambay ni Gap. Inaasahan niyang makikita niya iyon doon pero bakante ang upuang madalas nitong inookupa.

“Haaay.” ang malungkot na sabi ni Symon.

Umupo siya at tumingala. Sandali niyang tiningnan ang mga dahon sa punong sumasangga sa init ng araw. Pumikit siya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ramdam niya ang sinag ng araw na sumisilip mula sa mga pagitan ng mga dahon na tumatama sa kanyang mukha.

“There you are.”

“Kuya Darrel!”

“Kanina pa kita hinahanap. Tara sa SC office. Nandun si Gap. You two need to talk.”

“So you’ve heard?”

“Yes.”

“Hindi mo ako tatanungin kung totoo ba ‘yun o hindi?”

“No. Kasi alam ko namang hindi totoo ‘yun. Hindi ganon ang kilala kong Symon. Tama?”

“Yep. Thanks, Kuya Darrel. Ikaw lang ang tanging hindi nagtanong sa akin.”

“Sy, you should be always aware of your actions. In that world, they can destroy you in a snap of a finger.”

“Oo nga. Thanks, Kuya.”

“Anytime, bunso. Tara na, kawawa naman si Gap doon sa office, kanina pa umiiyak.”

“Umiiyak?” Nagsimula na silang maglakad papunta sa building upang puntahan si Gap para makapag-usap na sila ni Symon. Lalong dumami ang mga matang nakatingin sa kanya habang naglalakad.

“Oo.”

“They’re all judging me. The look in their eyes, oh!” Hindi naman nagsalita pa si Darrel. Lumipat siya sa kabilang side ni Symon para maitago ito sa mga nakakasalubong na estudyante. Ang ibang mapilit na makita si Symon ay tinitigan ni Darrel. Agad namang natatakot ang mga ito dahil kilala ang huli na strikto.

“He’s inside.” ang sabi ni Darrel bago iwan si Symon sa SC office para makapag-usap sila ni Gap.

Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at nakita niya si Gap na nakaupo sa isang couch. Nang magtama ang kanilang mga mata ay patakbong lumapit si Symon kay Gap at umupo ito sa sahig. Hinawakan niya ang kamay ni Gap.

“Gap, I’m so sorry.”

“Sy, it’s true, isn’t it? You lied to me?”

“No. Walang namamagitan sa amin ni Shaun. Remember, ‘yung problem niya with Bryan? He confided in me. I just acted like a friend. Gap, wala kaming relasyon. Ikaw ang mahal ko. I’m committed to you.”

“Pero, why do I feel this way? Why do I feel like I’m losing you?”

“You’re not. I’m still here. Ako pa rin ‘tong masungit na Symon na minahal mo. We’re stronger than this, Gap.”

“You love me?”

“Yes. I love you.”

Laking pasalamat naman ng dalawa kay Darrel dahil sa effort nito na makapag-usap silang dalawa. Natutuwa naman si Darrel na makitang okay na sila pero hindi nito nagawang makaiwas sa isang tanong na ayaw niya sanang sagutin.

“Kamusta na kayo ni Ate Dana?” tanong ni Gap.

“Dana and I… broke up.”

Natigilan naman si Symon sa kanyang narinig at mabilis na napabaling kay Darrel. Hindi niya kinakitaan ito ng kahit na anong signs na hiwalay na sila ni Dana. Hindi naman na niya nakita si Dana simula nang matapos na ang mall tours nila.

---
Tulad ng napag-usapan nila ng kanyang manager ay sinundo siya nito sa MSCA pabalik sa network upang doon ay magpa-interview at linawin ang lumabas na issue. Sa sasakyan ay ipinaliwanag na sa kanya ang mga mangyayari.

“Pagbaba natin, may sasalubong na agad sa’yong reporters. Stay calm and answer as professional as possible. 3 minutes, tops! The lesser you say, the better. Just give them something firm.”

“Got it.”

Nakakasilaw ang ilaw mula sa ilang cameras ang bumungad kay Symon pagbaba niya ng van. Isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa mga taong sumalubong sa kanya. Pare-parehas lang ang tanong ng mga ito kaya isang beses lang siyang nagsalita.

“Wala pong namamagitan sa amin ni Shaun. I just did what any other friend would do when someone’s in trouble. Stop making bad publicity. We all know how karma works.”

Panay ang puri sa kanya ng kanyang manager habang nasa elevator sila paakyat sa conference room. May imi-meet lang daw silang ilang mga tao bago siya makauwi.

“Bakit parang ang lungkot mo?” ang tanong niya rito.

Hindi na ito sumagot kasabay ng pagbukas ng door. Nauna na ito at agad na sumunod naman si Symon sa kanya. Pamilyar na mukha ang kanyang nakita pagkabukas sa pinto ng conference room.

“Sir Tony?”

“Hi, Symon.” ang bati ng may-ari ng PJ’s sa kanya.

“What are you doing here?” Iginala ni Symon ang kanyang mga mata sa loob ng silid at nakita si Vince David na nakaupo sa gilid ni Tony. Nagngitian sila pero agad na ibinalik ni Symon ang attention kay Tony.

“I’m your new manager. You and Vince are my first talents.” ang anunsyo niya.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment