by: Lui
Roughly a month ago…
Nang matapos ang kanta ni Symon,
malakas ang palakpakan ng lahat as usual. Pero hindi siya kampante sa kanyang
ginawa. At nakita niyang pilit ang palakpak ng dalawa sa tatlong judges. Hindi
angkop sa kanyang boses ang theme para sa linggong iyon pero wala naman siyang
magagawa. Tatlo na lang silang natitira at mukhang doon na matatapos ang lahat
para sa kanya.
“Symon.” ang medyo alangang sabi ng
isang judge.
“I know.” Alangang ngumiti si Symon
dahil alam niyang hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. Hinanda na niya
ang kanyang sarili pero hindi niya tinanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Hindi ko nagustuhan. I don’t know the
song. I think nag-struggle ka talaga sa pagkanta this week.”
“It’s okay.” ang sabi ni Symon sa
audience na nag-react sa sinabi ng hurado.
“I beg to disagree. It just shows how
versatile he is! You saw him struggling? He’s taking his performance to the
next level! Well done, Sy!” ang komento ng mang-aawit na singer.
“This isn’t your best. Parang
nakarinig ako ng pagod. May part sa pagkanta mo kanina na naramdaman kong
napapagod ka na.”
Hindi maganda ang pakiramdam ni Symon
dahil sa mga negative comments na nakuha. Pinakiusapan niya si Gap na matulog
muna sa kanila dahil kailangan niya ng comfort. Alas-dos na ng madaling araw
pero gising pa rin ang dalawa.
“Ako na siguro ang matatanggal
mamaya.” ang malungkot niyang sabi.
“Hindi ‘yan. Ang dami ko nang naubos
na prepaid card!”
“Nafi-feel ko. Ako na talaga. Ang
galing ni Jamille. Si Shaun din. Nag-standing ovation pa ‘yung tatlo sa kanya.
Pero okay lang na matanggal na ako. Ang layo na rin ng narating ko. Top 3. Sa
dami ng nag-audition, umabot ako sa Top 3.”
“Sy, wag ka agad sumuko. Wala ka pa
nga doon eh. I mean, hindi pa naman naa-announce eh. May pag-asa pa. Tsaka
maraming boboto sa’yo.”
“Hindi tayo nakakasiguro diyan.”
“Huwag ka na ngang masyadong negative
mag-isip d’yan. Hahalikan kita.”
“Matatanggal na ako mamaya.”
“Isa. Pangarap ko pang magkaroon ng
boyfriend na sikat at tinitilian ng iba. Pero alam kong akin lang siya.”
“I’ll stop singing kapag natanggal
ako.”
“Dalawa. Huwag mong sayangin ang mga
ni-load ko pamboto sa’yo!”
“Haaaay. I’m a failure.”
Hinawakan agad ni Gap ang magkabilang
pisngi ni Symon at siniil ito ng halik. Natatawa naman si Symon habang
magkadikit ang kanilang mga labi. Yumakap siya ng mahigpit kay Gap bago ito
humiga sa kanyang ibabaw.
“Okay, stop. Stop.” ang pagpigil ni
Symon nang umiinit na ang tagpo.
“Ikaw eh! Ayaw pa kasing tumigil sa
pag-ooverthink. Hindi ka matatanggal. At kung matanggal ka naman, sisikat ka pa
rin. Pero nararamdaman kong hindi ka matatanggal.”
“Ang gulo mo.”
Oras na ng tanggalan. Puyat man si
Symon, natago naman ng makapal na concealer ang kanyang eyebags. Rinig na rinig
niya ang bawat tibok ng kanyang puso habang ramdam naman sa buong kapaligiran
ang tensyon sa magaganap na tanggalan. Nakatingin siya kay Gap kasama ang
kanyang ina at mga kapatid. Pati na ang ilan sa mga kaibigan.
“The moment of truth.” Tatlong
spotlight ang tumama sa kanya, kay Jamille at kay Shaun. Humigpit ang hawak ni
Jamille sa kanya. Nagpalitan sila ng ngiti bago muling humarap sa audience. Ang
daming sinasabi ni Vince pero wala nang maintindihan si Symon na kahit ano sa
mga ito. Parang nawawala na siya sa kanyang sarili hanggang sa marinig na lang
niya ang pagtawag ni Vince sa pangalan ng isa sa kanilang tatlo na pasok sa
grand finals.
“Shaun!!!” Nagtatalon si Shaun sa
stage habang ang mga fans naman niya ay hindi magkamayaw sa saya. Imposibleng
hindi makapasok si Shaun dahil sa galing nito all throughout the competition.
Nagyakap silang tatlo bago naglakad si Shaun papunta sa kabilang side ng stage.
“…after the break!” Mabilis ang
pagpatak ng mga luha ni Jamille nang mag-commercial break ang show. Agad namang
niyakap ni Symon ito para magpakita ng simpatiya. Tanggap na niya sa sarili
niya kung si Jamille ang makakalaban ni Shaun.
“It’s okay. You deserve the spot.” ang
sabi ni Symon.
“No. It’s you. Of course, you’ll win!”
“Shut up, Jam! Whoever wins, or kung
sino man ang makalaban ni Shaun sa ating dalawa, mas mangingibabaw pa rin ang
pagkakaibigan natin. Alright?”
“Of course. Thanks, Sy. And good
luck.”
Bumalik na ang programa sa mga
telebisyon kaya naman mabilis na nag-retouch si Jamille at Symon. Isa-isa
munang tinanong ni Vince ang mga judges kung sino sa kanila ni Jamille ang
dapat makapasok. Pero hati ang desisyon ng tatlo na lalong nagpakaba ng
sitwasyon.
“You are in the grand finals…” Isang
ngiti ng pagsuko ang ibinigay ni Symon sa lahat bago banggitin ang pangalan ng
nakapasok sa Final Two. Si Jamille naman ay yumuko bilang pagtanggap din sa
kanyang pagkatalo.
“Symon!!!” Ang mapait na ngiti ay agad
na napalitan ng ibang emosyon. Napanganga si Symon at mabilis na lumingon kay
Jamille na agad namang yumakap sa kanya. Hindi siya agad maka-respond dahil
hindi niya maipaliwanag ang nangyayari.
“Pasok ako?”
“It’s a battle for the first Ultimate
Crooner! Shaun vs Symon! Abangan, next week dito lang sa Ultimate Sing-Off!”
Dumaan ang isang linggong puspusan ng
ensayo at paghahanda para sa pinakamalaking event ng network nang panahong
iyon. Tatlong kanta ang inihahanda ni Symon at ni Shaun para magpatagisan ng
galing at isang duet.
“Would it be better kung itataas ni
Symon ‘yung last line ng bridge then magse-second voice ako?” ang tanong ni
Shaun sa vocal coach habang nag-eensayo.
“Let’s try it.”
Matapos muling kantahin ang parting
iyon ng kanta ay natuwa naman si Symon sa kanyang narinig. Siya rin ay nagbigay
ng suggestion na magsho-showcase rin sa boses ni Shaun sa kanilang duet. Ayaw
niyang manapaw.
“Perfect! Nice.” ang tuwang-tuwang
sabi ng coach.
Gabi na ng pagtatanghal. Bongga ang
lahat. Mula sa stage design hanggang sa kanilang mga susuotin. Magkahiwalay pa
ang van na nagdala sa kanila mula sa hotel papunta sa venue. Halos hindi
maramdaman ni Symon ang oras dahil sa bilis ng mga pangyayari. Narinig na lang
niya ang kanyang pangalan na tawagin para kumanta matapos ni Shaun.
Say That You Love Me
My morning starts to shine with
teardrops in my eyes
And here I am alone
Starting to realize
That my days would be brighter
If I could learn to hide
The feelings that I have for you
Keep hurting me inside
But will you say that you love me
And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
And if you go and leave me
This I swear is true
My love will always be with you
Matapos iyon ay si Shaun naman ulit
ang umako ng stage. Mula sa back stage ay napapanood niya gamit ang isang TV
ang performance ni Shaun. Napakadikit ng laban dahil walang kahit sino sa
kanila ang nagpapatalo.
Permanent – David Cook
Is this the moment where I look you in
the eye?
Forgive my broken promise that you’ll
never see me cry
And everything it will surely change
Even if I tell you I won’t go away
today
Will you think that you’re all alone
When no one’s there to hold your hand?
And all you know seems so far away and
Everything is temporary, rest your
head
I’m permanent
Kahit si Symon ay kinilabutan sa
sobrang ganda ng pagkakanta ni Shaun sa kantang iyon. Nang patapos na siya ay
mabilis siyang dinala ng isa sa mga PA sa holding area para doon maghanda sa
kanyang pangalawang performance. Walang ibang narinig sa loob ng studio at sa
mga bahay ng mga sumusubaybay kung hindi ang boses ni Symon.
Flying Without Wings - Westlife
Everybody's looking for that something
One thing that makes it all complete
You'll find it in the strangest places
Places you never knew it could be
Some find it in the face of their
children
Some find it in their lover's eyes
Who can deny the joy it brings
When you've found that special thing
You're flying without wings
“Napaka-risky ng ginawa mo, Symon.
Sobra! Konting flat o sharp lang, madaling mapansin dahil wala kaming ibang
naririnig kung hindi ang boses mo. Pero nagulat ako ng lumabas ang choir sa
bandang huli kasabay ang buong band! Akala ko nanalo ka na!! I feel so lucky to
be in the front seat as I witness you singing that song.” ang halos
maluha-luhang komento ng hurado.
Matapos ang dalawang rounds, oras na
para sa showdown nila ng kani-kaniyang winning song. Pinapili sila mula sa mga
sikat na kanta na ginamit sa ibang foreign na singing contest. Una muling
sumalang si Shaun.
Angels Brought Me Here – Guy Sebastian
It's been a long and winding journey
But i'm finally here tonight
Picking up the pieces
And walking back into the light
Into the sunset of your glory
Where my heart and future lies
There's nothing like that feeling
When i look into your eyes...
My dreams came true
When i found you
I found you
My miracle...
If you could see, what i see
That you're the answer to my prayers
And if you could feel
The tenderness i feel
You would know
It would be clear
That angels brought me here
Standing ovation ang halos lahat ng
nasa stadium na iyon matapos ni Shaun kumanta. Paulit-ulit naman ang sinasabi
ng mga judges na hindi nila ma-predict ang patutunguhan ng kompetisyon. Sa
sobrang galing ng dalawa, hindi nila malaman kung sino ang karapat-dapat na
manalo dahil parehas silang deserving.
“Pwede bang tie na lang??!” ang
bulalas ng mang-aawit na hurado.
Do I Make You Proud – Taylor Hicks
Now I can see
And I believe
It’s only just beginning
This is what we dream about
But the only question with me now
Is do I make you proud
Stronger than I ever been now
Never been afraid of standing out
Do I make you proud
Muli na namang tumayo ang mga judges
at ang audience sa kanilang mga kinauupuan matapos kantahin ni Symon ang
kanyang winning song. Naging emosyonal siya sa bandang huli nang makita niya si
ang kanyang pamilya, si Gap at mga kaibigan na hindi nawala sa kanyang tabi
para suportahan siya.
“Thank you!” ang naiiyak na sabi ni
Symon bago pakinggan ang mga comments ng mga judges.
Pagod na pagod ang dalawa matapos ang
performance night. Diretso agad sila sa hotel matapos magpaalam sa pamilya at
mga kaibigan. Agad na nag-shower si Symon pagpasok sa kanyang room. Hindi na
mahalaga sa kanya kung sino ang mananalo. Basta, naibigay na niya ang
lahat-lahat. Bahala na ang taumbayan.
Matapos makapagbihis ay may kumatok sa
kanyang pinto. Agad niya itong pinagbuksan habang nagpapatuyo ng buhok gamit
ang isang tuwalya.
“Shaun?”
“Kamusta? Hindi tayo masyadong
nakapag-usap ngayon.”
“Oo nga eh. Halos hindi na tayo
magkita sa backstage. Pero napanood kita. Ikaw na talaga!!!”
“Napanood din kita! Anong ako? Ikaw
kaya.”
“Tara, pasok ka muna. Gusto mo
kumain?”
“Sige. Pa-room service tayo. Sagot
naman nila ‘to eh.” ang natatawang sabi ni Shaun.
Parang nawala naman ang pagod ng
dalawa dahil sa masayang pagkekwentuhan. Sa veranda sila ng hotel room ni Symon
tumambay habang kumakain ng mga pagkaing in-order. Kinuha rin ni Shaun ang
kanyang camera para kumpletuhin ang mga input sa gagawing collage.
“This is one remarkable experience.
Syempre, gusto ko may remembrance.”
“Oo naman.”
“Tara, picture tayo.”
Kahit dalawa lang silang naroon ay
akala mo isang barkada ang nagkakatuwaan dahil sa mga pictures nilang wacky na
labis nilang pinagtawanan. Mag-aalas tres na yata ng magpaalam na si Shaun na
matutulog dahil antok na ito.
“Basta, Sy. Kahit sinong manalo sa
ating dalawa…”
“It doesn’t matter. For me, at least.”
“Sa akin din naman. Nanalo na ako sa
experience.”
“Ako rin.”
Dahil mukhang dinikta na rin ng
pagkakataon, nagyakap ng mabilis ang dalawa bago lumabas si Shaun at magpunta
sa kanyang sariling silid. Agad namang nakatulog si Symon sa sobrang saya at
pagod.
---
Present day…
Naging suki na yata si Symon ng
conference room na iyon sa loob ng isang linggo dahil pangatlong punta na niya
rito. Ngayong araw naman ay para sa unang meeting niya kasama ang bagong
manager na si Tony.
“No! That’s unfair! I won’t do it.”
“Why? I don’t care about the truth,
Sy. We need to establish an image here. You are the company’s most important
investment today!”
“Pero hindi naman yata magandang idea
‘yun, Sir Tony. I mean, it’ll die a natural death, I know it.”
“Pero we can’t wait for it to die a
natural death. Hindi natin alam kung gaano tatagal ang issue. Might as well end
it ourselves. Remember, Symon. This is business. Hindi ito basta-basta laro
lang.”
“Anong sabi niya about it?”
“Okay naman. She’s fine with it.
Actually, she likes the idea.”
“What?? How come?”
“It’s a win-win situation. We can
clean your mess. Sisikat siya. Ganoon kadali.”
Natigil ang kanilang pag-uusap nang
magbukas ang pinto ng conference room matapos ang tatlong katok. Aminado si
Symon na namangha siya sa kagandahan nito pero hanggang doon na lang iyon. Alam
niya kung ano siya. Sa ngayon, kung kailangang itanggi at itago ito, gagawin
niya. Pero alam niya sa sarili niya na hindi ito pang-habang buhay.
“Hi, Jam!” ang bati ni Tony.
“Hi, Tony. Hi, Sy.”
‘Hey.” ang ilang niyang bati rito.
“So, what’s the plan? Kailan magiging
‘official’ na kami ni Sy?” ang tanong ni Jamille.
---
Unang sinabihan ni Symon tungkol sa
planong ito si Gap. Kinakabahan siya dahil alam niyang sobrang dami na ng
pinagdaanan nito simula nang sumikat siya. Pero laking tuwa naman niya sa
maluwag na pagtanggap nito sa kanyang inihayag.
“Okay. I think that’s better than
anything else. I mean, hindi ka naman siguro magkakagusto kay Jam diba?”
“Are you trying to make me laugh?”
“See. Kaya it’s fine with me. I’ll be
your ‘best bud’ na lang.”
“I like it.”
“Ano nga pala sabi ni Tita Grace sa
lahat ng ‘to?”
“She never asked me about it. I mean,
she never tried to confirm kung totoo ba or hindi.”
“Pero okay naman kayo?”
“Yup. Wala namang nagbago. In-expect
na daw niya iyon.”
“E si Daddy mo?”
“Still not talking to him.”
“Sy.”
“What??”
“Mahigit isang buwan na.”
“I don’t care. Dapat man lang umuwi
siya.”
“You should try to understand him.”
“He promised me. Pero hindi niya
tinupad.” ang lalong paglungkot ni Symon.
“Halika nga dito. Hug na lang kita.”
“Thank you.” ang bulong ni Symon.
---
Mabilis naman ang pagkilos ni Tony
para mapatay ang issue kay Symon at Shaun. Nag-press release agad ito at
nagpakalat ng mga litrato nina Symon at Jamille. Hindi naman nahirapan ang
dalawa dahil talaga namang malapit sila sa isa’t isa. Pero iwas sila na
mapag-usapan ang issue kahit alam ni Symon na may mga oras na gusto nang
magtanong ni Jamille.
“Hold my hand.”
“Huh?” ang lutang na baling ni Symon
kay Jamille habang naglalakad sila sa mall para i-meet si Shaun at ang iba pang
kasama sa contest para sa mag-lunch na libre ni Tony.
Kinuha ni Jamille ang kamay ni Symon
at hinawakan ito ng mahigpit. Hindi maikaila ng huli sa kanyang sarili na
naiilang siya habang naglalakad palapit sa grupo. Napansin niya ang pagtingin ni
Shaun sa magkadaop nilang mga kamay pero wala itong ipinakitang reaksyon.
“Let’s.” Masaya ang lahat sa treat ni
Tony. Kahit papaano ay nalimutan rin ni Symon ang mga issue sa kanya. Pero
matapos ang mahigit isang oras ay lumabas na sila sa restaurant. Magkahawak pa
rin ang kamay nila ni Jamille. Marami ang nakaka-recognize sa kanila. Pero
hindi pa rin nawala ang mga bulungan na malinaw nilang naririnig.
“Symon.” ang pagtawag ni Jamille sa
kanya.
Humarap si Symon sa kanya para lang
magulat dahil biglang lumapat ang mga labi ni Jamille sa kanyang mga labi.
Natigilan siya dahil sa ginawang iyon ni Jamille.
“What the hell?” ang medyo galit na
bulong ni Symon sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment