by: Lui
“Tampo na naman.” ang bati ni Symon sa
nakasimangot na si Gap.
Ilang buwan na ang nakakalipas simula
nang mag-press release si Tony na nasa ‘dating stage’ na sina Symon at Jamille.
Mabilis naman itong kinagat ng mga supporters kaya naman naging tuluy-tuloy ang
pagsikat ni Symon.
“Haaaay.”
“Uy, nagpapalambing.”
“Hindi no.” ang inis na sabi ni Gap.
Huling araw na ng final exams nila
bukas kaya abala ang dalawa sa pagre-review. Nasa kusina sila ng bahay nina
Gap. Maraming pagkain ang nakahain at mahina silang nagpapatugtog para hindi
antukin.
“Weh? Gusto mo…”
“Ano?”
“I-kiss kita?” ang bulong ni Symon.
“Ayoko nga. Busy ako.”
Tumayo si Symon at lumapit kay Gap.
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat nito. Pilit niyang inalis iyon
pero muling binalik ni Symon ang mga kamay doon.
“Ganyan din ba ang ginagawa mo kay
Jamille?”
“Gap, hindi na nakakatuwa yan ah.
Ilang buwan na, ganyan ka pa rin.”
“Sorry ha. Insecure eh.”
“Ano bang sinasabi mo dyan? Gap, alam
mo naming pakitang tao lang iyon diba?”
“Pakitang tao nga lang ba?”
“Oo!”
“E kasi naman, kahit wala ng camera,
panay pa rin ang usap niyong dalawa.”
“Come on. Talagang pag-aawayan na
naman natin ‘to?”
“Ewan ko sa’yo.” ang tanging sagot ni
Gap bago muling bumalik sa pagbabasa.
Magsasalita pa sana si Symon nang
biglang mag-ring ang kanyang phone na nakapatong sa mesa. Halos sabay sila ni
Gap na tumingin doon.
“O, yung girlfriend mo, tumatawag.”
ang sabi ni Gap bago mag-walk out.
---
Nang hapon ding iyon ay nasa opisina
ng Channel 3 si Shaun para sa isang meeting. Dito ipaparinig ang mga kantang
kanyang i-record para matulungan siya kung ano ang official na isasama sa
album. Kinakabahan siya pero mas nanaig naman ang excitement.
“I co-wrote some of the songs. It’s a
bit too personal. I hope you’d like it. Thanks.” ang panimula niya bago simulan
pakinggan isa-isa ang mga kanta.
May mga pagkakataong nakita niyang
sumasabay sa beat ang mga big bosses ng network, mayroon din namang hindi.
Matapos ang mahigit isang oras ng pakikinig ay nagbigay na sila ng mga komento.
“I like the sound of it. Very fresh.
And your words, maganda ang pagkakasulat. Bebenta ‘to.”
“I found it too “masa”.” ang sabat ni
Tony.
Nagtaka si Shaun kung bakit naroon
siya pero hindi na lang siya nagsalita. Ngumiti siya sa naging komento nito
pero hindi niya nagustuhan nang ikumpara siya nito sa ‘alaga’ niyang si Symon
na hindi raw ‘masa’ ang market.
“I understand your side, Sir. Pero
we’re different artists. Ayoko namang sundan ang nagawa na ni Symon. I wanna
make a name for myself.”
“Sure you did. With the issues and
all.” ang may bahid ng panghuhusga na sabi ni Tony.
“With all due respect, those are not
true. And can we focus on the subject matter here?” ang baling niya sa lahat.
In general naman ay maganda naman ang
feedback sa kanyang mga ni-record na kanta. Mabilis ring natapos ang meeting na
iyon pero bago iyon ay nagsalita muna ang manager ni Shaun.
“When can we release the album?”
“Release one single tomorrow and we’ll
take it from there.”
Agad na bumulong si Shaun sa kanyang
manager at tinanong nito kung bakit nasa meeting na iyon si Tony. Umirap muna
ito bago sumagot sa kanya.
“Masyadong protective sa alaga niya.
Kaya nagpumilit na sumama dito. Akala yata e tatapatan mo si Sy.”
“Wow. OA ha?”
“Hayaan mo na.”
---
Umakyat si Symon sa kwarto matapos
makipag-usap kay Jamille sa phone para hanapin si Gap. Nakita niya itong
nakahiga sa kama at tahimik na nagbabasa. Agad niya itong nilapitan.
“Uy. Huwag ka namang ganyan. Akala ko
ba naiintindihan mo ako?”
“Oo nga.”
“E bakit ganyan ka?”
“Wala. Masamang mag-inarte?”
“Nakakainis ka!” ang sigaw ni Symon
bago hampasin si Gap sa braso.
“Bakit?” ang natatawang sabi ni Gap.
“Akala ko galit ka talaga!”
“Hindi no. Alam ko naman eh. Ako lang
laman niyan.” ang sabi ni Gap bago ituro ang dibdib ni Symon.
“Oo naman. Ang sikip nga eh.”
“Gusto mo umalis na ako?”
“Hindi no? Tama lang yan masikip para
wala nang space para sa iba.”
“Ah. Akala ko pinapaalis mo na ako
eh.”
Isang halik ang isinagot ni Symon sa
kanya para matigil na ang pagda-drama nito. Natutuwa si Symon at matatag pa rin
ang relasyon nila kahit na mahirap ang sitwasyon sa dami ng mga matang
nakatingin kay Symon at naghihintay makagawa ng mali.
“Anong birthday gift mo sa akin?” ang
tanong ni Gap.
“Two days pa ah!” ang reklamo ni
Symon.
“Ano nga?”
“Ako.” sabay tawa ng malakas.
“Gusto ko yan!” ang paggatong naman ni
Gap.
“Tara na nga! Baka kung saan pa
makarating ‘tong usapan natin.” ang yaya ni Symon kay Gap pabalik sa kusina.
---
Araw na ng birthday ni Gap. Maagang
ginising ni Nancy ang anak at hinainan ito ng masarap na almusal. Nasa
kalagitnaan sila ng pagkain nang pumasok si James sa kanilang bahay at pasigaw
na binati ito. Tuwang-tuwa naman si Gap sa magandang bungad sa kanya.
Nararamdaman niyang magiging masaya ang araw na ito.
“Saan ang party natin?”
“Party talaga? Dinner lang mamaya dito
sa bahay. Pupunta sina Sy. Pumunta ka ah!” ang sabi ni Gap kay James.
“Oo naman. Oy, may game ako sa may QC
ngayon. Sama ka? Kulang kami isa.”
“Sinong ‘kayo’?”
“Ah. Sa SPU. Tara.”
“O sige, sige. Maliligo lang ako.”
“Dalian mo. Dalhin ko sasakyan.
Businahan na lang kita in… 30 minutes.”
“Okay, okay.”
Patakbong umakyat si Gap sa kanyang
kwarto upang maligo. Saktong tatlumpung minuto ang nakalipas nang bumusina si
James. Dali-dali siyang bumaba at humalik sa ina para magpaalam dito.
“Wala kang dala pamalit?”
“Ay, oo nga! Naiwan ko. Kainis, nakaka-pressure
naman kasi ‘yang busina mo. Sandali.”
Patakbong bumalik si Gap sa bahay
habang naghintay naman si James sa sasakyan. Malakas na nag-ring ang kanyang
phone. Si Symon ang tumatawag.
“Sy!”
“James, bad news.”
“No, don’t tell me. You’re not free
tonight?”
“Yeah. May biglaang show eh.”
“Come on.”
“Susubukan kong humabol talaga.”
“O sige. Gotta go. Nandito na si JR.
Still sticking with the plan.”
“Good. Bye.”
---
Sa isang fast food chain kumain ang
dalawa matapos ang basketball game dahil after lunch na natapos ang laro.
Na-late rin kasi ang pagsisimula dahil sa tagal ng pagdating ng kabilang team.
Parang isang linggong hindi nakakain ang dalawa dahil sa dami ng kanilang
in-order.
“Sagot ko na. Birthday mo naman.”
“Wow. Ang sweet ni James ngayon. Sana
lagi ko palang birthday para makalibre ako sa’yo.”
“Nanlilibre kaya ako!”
“Ano? Candy?? Kuripot!”
“Wag ka nang umangal.”
“Uy, isama mo si Bry mamaya.”
“Saan?”
“Sa bahay. Dinner. Hello??”
“Ah. Oo. Sige, ite-text ko na lang
siya.”
“Nasaan ba ‘yun?”
“Nasa kanila.”
“O bakit parang ang lungkot mo? Hindi
ba kayo okay?”
“Okay naman. Honestly, better. Pero
minsan ang weird niya. Bigla-biglang nagiging sweet. Hindi naman siya ganon
dati. Pakiramdam ko, may mali e.”
“Je, wag kang maghanap ng mali kung
wala naman. E ano kung mas maging sweet siya? Dapat nga matuwa ka diba?”
“Iba kasi eh. Hindi naman sa pilit
pero kilala ko na si Bry, he’s like that kapag may nagawa siyang mali.”
“You gotta stop thinking too much.
Baka bumabawi lang ‘yung tao.”
“Yun nga ang sabi niya.”
“Yun naman pala eh. Anong dina-drama
mo d’yan?”
“Hay. Basta.”
Matapos kumain ay nag-drive na si
James pabalik sa kanila. Nasa kalagitnaan ng biyahe nang tumawag si Symon kay
Gap. Masaya niyang sinagot ang tawag nito.
“Hey!!!”
“Happy birthday!”
“Thanks. Later ha?”
“About that…”
“Sy.”
“Sorry, Gap. I can’t be there. May
biglaang show eh. I already told James and the others. I’m really sorry.”
“Seryoso ka ba?”
“I won’t joke about this.”
“Hay. Okay. Try mo na lang sumunod.
Please?”
“I’ll try my very best. I love you.”
“I love you. Ingat.” Narinig pa ni Gap
na nagsalita si Symon pero binabaan na niya ito. Isang malalim na buntong
hininga ang pinakawalan niya bago paluin si James sa braso.
“Ow! Bakit?”
“Alam mo na palang wala si Sy mamaya,
wala ka man lang sinabi!”
“E siya dapat magsasabi sa’yo. Ang
sakit ah!”
“Nakakainis kayo! Akala ko pa naman
magiging masaya ‘tong araw na ‘to.”
“Relax! Marami pa namang pupunta eh.”
“Oo nga. Wala naman si Sy dun.”
Lalo pang pumangit ang mood ni Gap
nang pagkarating niya sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ina na
nagmamadaling umalis. Laking taka niya sa pagmamadali nito.
“Saan ka pupunta?”
“Sinugod sa hospital ‘yung isang
workmate ko. Pupuntahan ko lang.”
“What? Bakit daw?”
“I don’t know yet. I’ll be back soon.”
“You better be…” Hindi na natapos pa
ni Gap ang sasabihin niya dahil pinagsarhan na siya ng pinto ng kanyang ina.
Nagdabog si Gap paakyat sa kanyang kwarto at inihilata ang katawan sa kama.
Hindi niya napigilan ang sarili sa pag-iyak dahil sa mabilis na pagbabago ng
mga pangyayari.
---
Hindi namalayan ni Gap na nakatulugan
niya pala ang pag-iyak. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang madilim na
ang paligid. Naalimpungatan na lang siya nang makaramdam siya ng gutom. Mabilis
siyang bumaba na may pag-asang maraming pagkain na ang nakahanda.
“Kill me now.” Nadatnan niyang walang
laman ang kusina. Wala pa rin ang kanyang ina kaya naman lalo lang siyang
nalungkot. Umakyat muli siya sa kanyang kuwarto para tingnan ang kanyang
cellphone. Maraming text messages ang kanyang natanggap na puro greetings pero
wala kahit isa rito ang galing kay Symon. Ibinato niya sa kama ang cellphone sa
sobrang inis.
“Happy birthday to me.” ang pagkanta
niya sa sarili.
Naisipan niyang magpunta kina James
para makikain kaya dali-dali siya muling bumaba at lumabas ng bahay. Kinuha
niya ang susi ng bahay para i-lock ito paglabas niya.
“Saan ka pupunta?”
“Ay #$^&!!” ang gulat na gulat na
reaksyon ni Gap nang makita si James sa tabi ng gate.
“Sa inyo. Makikain. Walang tao dito e.
Wala pang pagkain.”
“Huh?”
“Umalis si Mama. Hindi pa umuuwi.”
Narinig ni Gap ang pag-unlock ng gate galing sa labas. Nagbukas ito at si Nancy
ang bumungad sa kanya na halatang nagmamadaling makauwi.
“JR, sorry! I’m very sorry, na-late
ako.” ang sabi ni Nancy sa anak.
“Ok lang po.”
“Bumili na lang ako ng pagkain sa
labas. Pasensya na talaga, anak.”
“Okay lang. Next year na lang ulit.
Tara, nagugutom na ako.”
“Anak… Happy birthday.”
“Thank you po.”
“Happy birthday.” Napatingin si Gap sa
gawing kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Nakita niya roon si Coleen.
Nagtaka siya kung paano napunta roon ang kaibigan.
“Happy birthday.” ang pagbati naman ni
Shane sa kabilang side.
Isa-isang naglabasan ang mga kaibigan
niya sa bawat sulok ng kanilang bahay. Mayroon pang galing sa labas. Natuwa
naman si Gap sa surprise na ito ng kanyang ina pati ng mga kaibigan. Nalaman niya
rin na hindi totoo ang pagpunta ni Nancy sa hospital. Nasa bahay lang pala ito
nina James para magluto.
“Salamat, James! Kaya pala pinagod mo
ako kanina sa game para makatulog ako.”
“Don’t thank me.”
“Thank you!!!” ang sabi niya sa lahat.
“Anak, magbihis ka muna kaya?”
“Oo nga, Ma. Mukha akong gusgusin sa
ayos niyong lahat. Saglit lang.”
Nakangiting umakyat si Gap sa kanyang
kuwarto. Agad niyang binuksan ang ilaw at naghanap ng pamalit na suot. Bigla
niyang naalala si Symon at nawala ang ngiti sa kanyang labi. Kinuha niya ang
phone na ibinato niya sa kanyang kama. Wala pa ring text si Symon. Tinawagan na
niya ito.
“Nasaan ka na? Everyone’s here. They
surprised me!”
“I know.” ang malungkot na sagot ni
Symon.
“You knew?”
“I planned it.”
“Aww. Sy! Tapos ikaw ang wala dito
ngayon. Hindi pa rin kumpleto ang birthday ko.” ang biglang paglungkot ng boses
ni Gap.
“Sorry talaga, Gap. I really wanna be
there to spend this special day with you.”
“Hay. Sy. Thank you sa surprise.”
“No biggie.”
“Sy…”
“Gap.”
“Sana nandito ka.”
Biglang naputol ang pag-uusap nila.
Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. Naisip na lang niya na babawi
naman ito dahil sa pagiging absent niya sa gabing iyon. Ipinagpatuloy na lang
niya ang paghahanap ng damit.
“Wish granted.” Hindi makapaniwala si
Gap na boses ni Symon ang narinig niya. Patakbo niyang nilapitan ito na
nakatayo sa may pinto para hawakan ang kanyang mukha.
“Ikaw ba talaga ‘yan?”
“Happy birthday!”
“So, act lang ‘yung busy ka?”
“Yup. I wouldn’t miss your birthday
for anything.”
“You know, you’re making me love you
more.”
“Dapat lang. Coz I don’t plan on
loving you less.”
“Thank you.”
“Happy birthday. I love you.”
“I love you.” Nagtama ang kanilang mga
labi bago mahigpit na nagyakap. Hindi pa rin nakakapagpalit si Gap ng damit at
tanging lumang jersey lang ang suot.
“Naligo ka na ba?”
“Bakit?”
“Ang asim ng kili-kili mo.” ang
pang-aasar ni Symon.
“Ang sama mo! Mabango ‘yan!! Kahit
diyan ka pa tumira.”
“Promise, iba talaga!” ang patuloy na
pang-aasar ni Symon.
“Hindi naman eh!” ang protesta ni Gap
bago amuyin ang sarili.
“Maligo ka na.”
“Magbibihis na lang ako. Ang bango ko
kaya! Naghihintay sila doon sa baba.”
“Sayang, paliliguan pa naman kita.”
ang panunukso ni Symon.
“Ikaw ah. Nakakahalata na ako sa’yo.”
“Bakit?”
“Parang may pinapahiwatig ka.”
“Wala ah! Ikaw talaga, ang dumi ng
utak mo. Nami-miss ko lang paliguan ‘yung mga puppies ko. Para kasing ikaw, ang
cute. Cute, cute, cute!!!” ang panggigil ni Symon.
“JR! Baba na! Naghihintay na ang mga
bisita mo!” ang sigaw ni Nancy mula sa labas ng kwarto.
“Panira naman ‘to si Mama.” ang sabi
ni Gap.
“Bad Gap!” ang komento ni Symon.
“Pababa na po!” ang sigaw ni Gap sa
ina.
---
Masaya ang lahat pagbaba nina Gap at
Symon. Kasama nila sa table ang mga kaibigan na sina Jeric, Coleen, Shane at
Lexie. Naroon din sina James at Bryan. Halos kakarating lang ni Darrel na
nakisama sa kanilang table.
“Paupo ha.” ang sabi ni Darrel kay
Symon.
“Sure, Kuya! Akala ko hindi ka na makakarating.
Hindi ka na nagpaparamdam eh.”
“Sorry, busy lang.”
“Mukha nga. Tuwing makikita kita, lagi
kang nagmamadali.”
Patuloy ang pagdating nga mga kaibigan
ni Gap mula sa high school at college. May ilang kamag-anak dina ng dumalo sa
salu-salo. Nasa kalagitnaan ng kwentuhan sina Symon nang tumawag sa kanya si
Shaun.
“Hey!” ang bati ni Symon.
“Tama ba ‘yung pinuntahan kong
village? Naliligaw yata kami.” Sinabi ni Shaun ang tamang village pero mali ang
street. Lumabas si Symon habang sinasabi niya sa driver ni Shaun ang direksyon
papunta sa bahay nina Gap.
“I saw you!” ang sabi ni Shaun nang
makaliko ang sasakyan sa street nina Gap.
“Good!” Sabay na pumasok sina Symon at
Shaun sa bahay nina Gap. Agad na lumapit si Shaun kay Gap para batiin ito at iabot
ang regalo. Nagpasalamat naman si Gap dito.
“Buti nakarating ka.”
“Oo nga eh. Medyo busy.”
“Congrats pala. I heard your song sa
radio.”
“You did? Nice!
“Yup. Kain ka na.” ang pag-imbita niya
rito.
---
Habang palalim ng palalim ang gabi ay
nagsimula nang maglabas ng alak sina Gap at James para sa kanilang mga bisita.
Patuloy ang pagpapatugtog ng mga kanta na lalong nagpapabuhay sa party.
Paikot-ikot si Gap para makipagkuwentuhan sa mga bisita habang si Symon naman
ay pumirmi lang kasama ang mga kaibigan.
“You’ve got to be kidding me.” ang
bulong ni Bryan sa sarili.
“What?” ang tanong ni James.
“Nothing.”
Napako ang tingin ni Bryan sa kausap
nina Symon at Gap sa may gate. Ramdam niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng
kanyang puso.
“Okay ka lang ba?”
“Yup. Gusto mo pa ba ng beer? Kukuha
pa ako.” ang pagpa-panic ni Bryan bago tumayo at pumasok sa loob ng bahay.
Sa pintuan sa kusina dumaan si Bryan
habang si Shaun naman ay sa may sala pumasok. Halos sabay silang pumasok at
mabilis na nagkakitaan. Nagsalubong agad ang mga kilay ni Bryan habang si Shaun
naman ay ngumiti.
“Sabi ko na nga ba’t makikita kita
rito.”
“Bakit ka nandito?”
“I was invited by Sy. And as I’ve
said, alam kong makikita kita rito.”
“Pagkatapos ng mga issues niyo? Nagawa
mo pang magpakita? Ibang klase ka rin e no?”
“I get that you’re angry. Pero sana
naman pakinggan mo ako.”
“No. Wala kang naiintindihan, Shaun.
Bakit ba bumabalik ka pa?”
“I wanna patch things up.”
“Stop it. Wala namang patutunguhan.”
“I still love you!” Hindi na kinaya ni
Bryan ang mga naririnig niya kaya iniwan niya si Shaun sa kusina. Dumiretso
siya sa labas ng garden nina Gap para magpahangin. Mabilis namang humabol si
Shaun sa kanya.
---
Habang abala si Gap sa pag-entertain
sa ibang bisita, pumirmi naman si Symon sa kanilang table kung saan masaya
niyang kakwentuhan ang mga kaibigan.
“Pang-ilan mo na ‘yan?” ang pasimpleng
bulong ni Darrel sa kanya.
“Third bottle.” ang sagot ni Symon.
“Tama na ha? Lasing ka na.”
“Hindi kaya ako nalalasing.” ang sabi
ng nahihilong Symon.
“Paano mo naman nasabi?”
“Kasi hindi pa ako umiinom. Ngayon pa
lang.” ang natatawa niyang sabi.
“Last na ‘yan.” ang utos ni Darrel.
“Kuya Darrel, bakit kayo nag-break ni
Ate Dana?” ang biglaang tanong ni Symon.
“Sy…”
“Masakit ba?” ang patuloy na
pagtatanong ni Symon dala ng kalasingan.
“Syempre. Look, Sy…” ang tangka ni
Darrel sa pagpapaliwanag.
Lumapit si Symon sa kanya at bumulong.
Kahit na medyo hilo na rin at malakas ang musika sa paligid ay malinaw naman
kay Darrel ang sinabi ni Symon.
“Tingin mo kung sa akin ka napunta,
masasaktan ka?”
---
Naabutan ni Shaun si Bry na nakaupo sa
gutter malapit sa street light. Nakayuko ito at paulit-ulit na umiiling.
Lumapit siya rito at hinawakan niya ito sa balikat.
“Wag mo akong hawakan.”
“Bry.”
“Shaun. Can you please just stop?
Nakikita mo namang may iba na ako diba?”
“Yeah. Pero hindi kita nakikitang
masaya.”
“Wow. Just leave me alone.”
“I can’t! Ayoko.”
“Please, Shaun. Let me be happy.”
“Hear me out.”
“No.”
“Please?” Yumakap si Shaun kay Bryan.
Ilang taon na ang nakalipas simula nang huling magtama ang kanilang mga
katawan. Hindi maikaila ni Bryan sa sarili na na-miss niya ang pakiramdam na nariyan
ang taong kanyang minahal noon.
“Bry?” ang nagtatakang pagtawag ni
James sa kanya.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment