by: Lui
Mabilis na kumalas si Bryan sa yakap
ni Shaun nang marinig niya ang boses ni James. Kita niya sa mukha nito ang
labis na pagtataka. Maging si Shaun ay napayuko nang mapagtantong nakita ni
James ang ginawa niyang pagyakap kay Bryan.
“Bry, ano ‘to?”
“James, let me explain.”
“No, James. Let me explain.” ang sabat
ni Shaun.
“Tumigil ka na, Shaun!” ang sigaw ni
Bryan dito punung-puno ng galit.
May namumuo ng ideya si James sa
kanyang isip dahil sa emosyong ipinakita ni Bry kay Shaun. Hindi siya makapaniwala
sa kanyang na-realize. Naging mabait siya kay Shaun at pinakitunguhan niya
itong kaibigan.
“Oh.” ang tanging nasabi ni James bago
patakbong tumawid ng street papunta sa kanilang bahay.
“James!” ang tangkang pagpigil ni
Bryan sa kanya.
“I’m sorry.” ang mahinang sabi ni
Shaun.
Galit na lumapit sa kanya si Bryan at
inambahan siya ng suntok. Kitang-kita ni Shaun sa mga mata ni Bryan ang labis
na pagkamuhi.
“Sige, ituloy mo. Kung ‘yan ang
makakatulong sa’yo.” ang naluluhang sabi ni Shaun.
Pero ang kabaligtaran ang ginawa ni
Bryan. Ibinaba niya ang kanyang kamay at binitawan ang pagkakahawak niya sa
kwelyo ng polo shirt na suot ni Shaun. Yumuko ito at nagsalita.
“Bakit mo kasi ako iniwan?” ang
umiiyak niyang sabi.
“Bry…” Magsisimula pa lang magpaliwanag
si Shaun nang naglakad palayo sa kanya si Bry. Pupuntahan niya si James para
ipaliwanag sa kanya ang lahat. Alam niyang matagal na niya itong dapat sinabi.
Alam din niyang dapat niya nang pakinggan si Shaun para matapos na ang lahat.
Pero pinangungunahan siya ng takot. Alangan siya sa kanyang magiging reaksyon.
---
Overflowing ang drinks sa party ni Gap
at patuloy ang pagsasaya ng lahat kahit na may hindi magandang nangyayari sa
labas. Hilo na si Symon at wala na siyang pakialam sa kanyang mga ginagawa.
“Tingnan mo si Symon, namumula na sa
kalasingan.” ang natatawang sabi ni Jeric kay Coleen.
“Hoy, Symon! Tama na pag-inom ah.
Namumula ka na!” ang saway ni Lexie sa kanya.
“Parang ikaw hindi. Ang red na kaya ng
cheeks mo.” ang pagpansin ni Coleen kay Jeric.
“Talaga? Cute kasi ako.”
“Siyempre, ako girlfriend mo.”
“Sweet naman. Nga pala, happy one year
and one month.”
“Awwww. Akala ko nalimutan mo na.” ang
sabi ni Coleen.
“Hindi mangyayari ‘yun. Ikaw pa,
malakas ka sa akin eh. I love you, I love you, I love you…” Hindi tumigil si
Jeric sa pag-ulit ng mga katagang iyon hanggang sa halikan siya ni Coleen sa
labi. Napangiti naman ang ibang mga kaibigan pati si Symon at Darrel dahil sa
nakita.
“Haaay! I can die right now.” ang sabi
ng masayang si Jeric.
Hinanap ni Symon si Gap at nakita
niyang abala ito sa pag-aasikaso sa ibang bisita. Sa totoo lang, nabo-bore na
siya at gusto na niyang humiga kaya naman si Darrel na lang ang kanyang
kinausap.
“Hi, Kuya!” ang perky niyang bati
rito.
“Pang-ilan mo na ‘yan?” ang pasimpleng
bulong ni Darrel sa kanya.
“Third bottle.” ang sagot ni Symon.
“Tama na ha? Lasing ka na.”
“Hindi kaya ako nalalasing.” ang sabi
ng nahihilong Symon.
“Paano mo naman nasabi?”
“Kasi hindi pa ako umiinom. Ngayon pa
lang.” ang natatawa niyang sabi.
“Last na ‘yan.” ang utos ni Darrel.
“Kuya Darrel, bakit kayo nag-break ni
Ate Dana?” ang biglaang tanong ni Symon.
“Sy…”
“Masakit ba?” ang patuloy na
pagtatanong ni Symon dala ng kalasingan.
“Syempre. Look, Sy…” ang tangka ni
Darrel sa pagpapaliwanag.
Lumapit si Symon sa kanya at bumulong.
Kahit na medyo hilo na rin at malakas ang musika sa paligid ay malinaw naman
kay Darrel ang sinabi ni Symon.
“Tingin mo kung sa akin ka napunta,
masasaktan ka?” Para namang na-stun si Darrel sa diretsong tanong na ito ni
Symon sa kanya. Hindi siya nakapag-react at totoong nailang siya rito. Iniba na
lang niya ang topic para makaiwas dito.
“Tama na ‘yan. Tara, pasok na muna
tayo sa loob.” ang sabi ni Darrel sa kanya.
Sakto namang pabalik na si Gap sa
kanilang table kaya mabilis na nagtanong si Darrel dito kung saan pwedeng
pagpahingahin si Symon dahil sobrang lasing na ito.
“Ay, ako na lang magdadala sa kanya.”
“Ako na. Marami ka pang bisita.”
“Nakakahiya naman.”
“Okay lang. Sige na.” Inalalayan ni
Darrel si Symon hanggang sa makaakyat na sila sa kwarto ni Gap. Marahan niyang
inihiga ito sa kama bago tanggalin ang mga sapatos nito. Umupo siya sa tabi
nito bago niya ito balutin sa comforter. Akma na siyang aalis nang biglang
hinawakan ni Symon ang kanyang kamay.
“Kuya…” ang halos hangin na lang
niyang sabi.
“Bunso, pahinga ka na.”
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
“Bakit kami nag-break?” ang
pagpapaalala ni Darrel sa tanong ni Symon.
“Hindi. Wala na akong pakialam kung
bakit kayo nag-break. Kung ako ang minahal mo, tingin mo masaaktan ka ng
ganyan? Kahit hindi mo ipakita, ramdam kita, Kuya Darrel. Halata sa mga mata mo
ang bigat ng dinadala mo.”
“Sy, alam mong…”
“Alam kong hindi ka tulad ko, tulad
namin. Pero kahit isang beses ba, hindi mo naisip na paano kung pinagbigyan mo
ako?”
“Sy, siguro hindi ako masasaktan ng
ganito. Pero ikaw ang masasaktan ng husto. Kasi hindi ko kayang ibigay ‘yung
hinihingi mo sa akin. Kahit anong pilit ko, hindi talaga. Nalampasan na natin
‘to diba?”
“Kahit konti, wala kang naramdaman sa
akin?”
“Sy, you’re happy with Gap. I’m happy
for the both of you.”
“Kahit konti, wala kang naramdaman sa
akin?” ang pag-ulit ni Symon sa kanyang tanong.
Mula sa pagkakahiga ay umupo siya
kahit na umiikot na ang kanyang paningin. Tanging ang mukha ni Darrel ang
kanyang nakikita. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha rito. Walang
senyales ng pagtanggi mula kay Darrel. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mga
mata nang maramdaman niya ang kamay ni Darrel na humawak sa kanyang dalawang
balikat.
“Sy, stop.” ang sabi ni Darrel.
“Sorry.” Parang biglang nawala ang
lahat ng alcohol sa katawan ni Symon. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng
malamig na tubig. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad ditto habang pilit niyang
tinatanggal ang comforter na nakabalot sa kanyang katawan. Patakbo siyang
lumabas ng kuwarto. Agad na sumunod si Darrel sa kanya.
Laking gulat ng dalawa nang pagbukas
ng pinto ay naroon si Gap at walang ekspresyong nakatingin sa kanilang dalawa.
Alam nilang narinig at nakita ni Gap ang lahat dahil sa itsura nito.
“Gap.” ang sabi ni Symon.
“Thank you for planning this. Umuwi ka
na.” ang cold na sabi ni Gap kay Symon.
“Gap. No, you don’t understand.”
“Oh, I understand it. Really! Crystal
clear!”
“JR…”
“You can leave too!” ang sigaw ni Gap
kay Darrel bago sila pagbagsakan nito ng pinto.
---
Madilim sa kwarto ni James. Nakahiga
siya sa kama at tahimik na umiiyak habang si Bryan naman ay nakasalampak sa
sahig at hawak ang kanyang kamay. Walang imikan at tanging ang kanilang mga
paghinga at ang mangilan-ngilang paghikbi ni James ang naririnig.
“Wala akong ginawang masama, James. I
don’t get why you’re crying.” ang mahinahong sabi ni Bryan sa kanya.
“Shut up.”
“James, sasabihin ko na sa’yo. Si
Shaun. Siya ‘yung nakwento ko sa’yo na naging rason kung bakit ako napariwara.
Galit ako sa kanya. Pero ayaw niya akong tigilan ngayon.”
“I said, shut up.” ang nanginginig na
sabi ni James.
“Bakit ka ba umiiyak? It’s not like I
cheated again.”
Umupo si James mula sa pagkakahiga at
tinanggal ang pagkakahawak ni Bryan sa kanyang kamay. Pinunasan niya ang
kanyang mga luha at nagsimulang magsalita.
“Tama nga ako. Kaya ka biglaang naging
malambing. Kaya pinakita mo sa akin kung gaano ako kasaya kasi threatened ka!
Kasi alam mong may mangyayaring ganito. I knew it. Kilala na kita, Bry. Pero
hindi ko lang sinabi sa’yo kasi naisip ko, mukha namang okay ang lahat. Pero at
the back of my mind, alam kong something’s off.”
“Natatakot akong sabihin sa’yo kasi
baka hindi mo maintindihan.”
“Pinagmukha niyo akong tanga, Bry!
Pinakisamahan ko siya ng maganda. Isa pa, nagsinungaling ka sa akin. Ano pa bang
hindi ko maiintindihan sa’yo? Lahat na ng paghihirap pinagdaanan ko para lang
maging maayos tayo, tapos ganito lang?”
“I’m sorry. Napangunahan lang ako ng
takot.”
“Takot saan?”
“Takot na…”
“Ano? When are you gonna be honest
with me?!”
“Natatakot akong malaman mo ang
problema ko kay Shaun! Gusto kong takasan ang lahat! Natatakot akong malaman
ang rason kung bakit niya ako iniwan dati. Kahit na gustung-gusto ko nang
itanong ulit ‘yun ngayong ready na siyang sumagot, ayoko.”
“Natatakot kang magbago ang
nararamdaman mo sa kanya at maiwan ako? Ganon ba? Natatakot kang ma-realize mo
na may nararamdaman ka pa sa kanya?”
Hindi sumagot si Bryan. Yumuko lang
siya at hinagilap ang kamay ni James para hawakan ito ng mahigpit pero
nagpumiglas si James. Sa tulong ng maliwanag na street light ay naaninag ni
Bryan ang labis na lungkot sa mga mata ni James.
“Answer me, Bryan! Yun ba ang
kinakatakot mo?”
“Oo.”
---
Mabilis ang pagkabog ng dibdib ni
Symon habang palabas siya ng bahay nina Gap. Agad siyang lumapit kina Coleen at
nagyayang umuwi. Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakasunod sa
kanya si Darrel pero hindi niya ito kayang harapin sa sobrang hiya.
“Sorry, Kuya. I’m so sorry.” ang
paalam niya rito habang nakayuko.
Sa sasakyan nina Coleen sila sumakay
lahat. Tahimik lang si Symon sa biyahe. Wala ni isa ang nag-lakas loob na
magtanong sa kung anong nangyari maliban kay Jeric.
“Sy, everything alright?” ang lasing
na tanong niya.
“No. Nag-away kami ni Gap.”
“Why, what happened?”
“It’s complicated. Ang hirap
i-explain.”
“Okay. Just know that I’m here. We’re
here kapag kailangan mo ng kausap.”
Matapos iyon ay nagtext si Jeric kay
Gap. Si Coleen naman ang nag-comfort kay Symon na nagsimula nang umiyak. Sina
Lexie at Shane ay inalo rin si Symon.
“I’m so stupid!! Stupid, stupid,
stupid!!!” ang sabi ni Symon habang paulit-ulit na pinapalo ang sariling ulo.
“Stop it, Sy.” ang pagyakap ni Coleen
sa kanya.
Natigilan ang lahat ng biglaang
kumanan ang sasakyan at na-out of balance silang lahat sa kinauupuan. Napatili
si Shane at Lexie habang si Jeric naman ay napamura dahil sa gulat.
“Manong, careful naman.” ang sabi ni
Coleen sa driver.
---
Unti-unti nang nagsiuwian ang mga tao
nang sabihin ni Gap sa kanyang ina na hindi na maganda ang kanyang pakiramdam
at gusto nang magpahinga. Wala pang kalahating oras ay payapa na ulit ang
kanilang bahay. Wala na siyang naririnig na kahit na anong ingay.
Nakatingin siya sa kanyang bintana
kung saan niya nakikita ang mga bituin. Hindi siya makaiyak dahil hindi niya
alam ang talagang nararamdaman dahil sa narinig at nakitang pag-uusap nina
Symon at Darrel.
“Ginawa lang ba niya akong
panakip-butas kay Darrel?”
Nasa ganoon siyang estado nang
mag-ring ang kanyang phone. Bumangon siya at kinuha ang phone na nakapatong sa
kanyang study table malapit sa bintana.
Jeric: Whatever happened between you
and Sy tonight, you can always talk to me, to us. Ok? Happy birthday ulit, Gap!
Hindi na siya nagreply at naisipan
nang matulog na lang. Isasara na niya ang bintana nang maaninag niya ang isang
lalaking nakaupo sa gutter sa tapat ng kanilang bahay. Pilit niyang minumukhaan
ito dahil alam niyang nasa party ito kanina lang.
“Shaun?” Patakbo siyang bumaba at
lumabas ng bahay para lapitan ito. Naabutan niya itong yakap ang kanyang sarili
habang tahimik na umiiyak. May ilang empty bottles ng beer ang nasa tabi ito.
“What’s wrong?”
“Nothing.”
“Bryan?”
“How did you…”
“I know. Sinabi ni Sy sa akin.”
“I totally regret what I did back
then. Siya pa rin ang gusto ko pero may iba na siya. How am I gonna win him
back?”
“I know what can help you.”
“Ano?”
“Tara!” Pumasok sila sa loob ng bahay
nina Gap at nagtungo sa kusina. Patay na ang lahat ng ilaw pero hindi na
nag-bother pa si Gap na buksan ang mga ito. Binuksan niya ang ref para
magsilbing ilaw nila. Kumuha siya ng dalawang kutsara at binuksan ang freezer
para kuhanin ang isang gallon ng ice cream.
“Ice cream?”
“Yeah.” Umupo si Gap sa tapat ng ref
na parang bata bago simulang lantakan ang double dutch na ice cream. Sumunod
naman si Shaun sa kanya. Sa una ay natatawa sila sa kanilang ginagawa pero nang
nangalahati na ang kanilang kinakain ay lumabas na ang ikinukubling emosyon ni
Gap.
“Ang tanga, tanga ko! All this time,
threatened ako sa presence mo. Kasi akala ko aagawin mo si Sy sa akin. Posible
naman kasi. Mas gwapo ka sa akin. Mas madalas pa kayong magkasama. Tapos ‘yun
pala, sa past pa rin kami magkakaproblema.”
“Bakit ngayong handa na ako, ayaw niya
akong pakinggan? Handa na akong sabihin sa kanya ang lahat. Siya pa rin ang
mahal ko. Si Bryan ang dahilan kung bakit ako bumalik sa pagkanta at
pagsusulat. Siya lang talaga ang mahal ko. Ang sakit na makitang may iba na
siya.”
Sabay na umiyak ang dalawa dahil sa
magkaibang dahilan. Nang naubos nila ang ice cream ay parehas gumaan ang
kanilang pakiramdam. Nagpasalamat si Shaun kay Gap dahil sa ginawa nito. Ganoon din naman si Gap sa
kanya.
Pauwi na sana si Shaun nang
makatanggap si Gap ng tawag na nagpatakbo sa kanila parehas palabas ng bahay.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment