by: Lui
Kakaunti na lang ang mga dumaraang tao
sa parte na iyon ng park sa loob ng school dahil halos malapit nang mag-lights
out. Puro hikbi lang ang maririnig galing sa kanya habang pilit niyang
hinahawakan ang kamay ng kanyang kasama.
“Bitiwan mo na ang kamay ko.”
“Ayoko. Please, huwag namang ganito.
Akala ko ba hindi mo ako iiwan. Diba we’re stronger when we’re together? Paano
na ako?”
“Hindi ko na kaya. My priorities are
different now.”
“And wala na ako dun?”
“Hindi naman sa ganoon. Pero mas gusto
ko na munang mag-focus sa career ko. They promised me a good deal.”
“Ipagpapalit mo ako sa career mo?”
“You know how much I want this.
Masasaktan lang kita lalo kapag pinagpatuloy pa natin ‘to.”
“May iba na ba?”
“Wala. Please. Let me go.”
“No. I will stay with you. I will keep
up with everything na gagawin mo.”
“I don’t see you in my future,
Darrel.”
“What?” Iyon na yata ang pinakamasakit
na narinig niyang mga salita sa buong buhay niya. Matatanggap niya pang
ipagtabuyan siya, sanay na siya doon. Pero ang sabihan siya ng ganito ay hindi
niya kayang tanggapin. Masyadong matalim ang mga salitang binitiwan ni Dana.
Binitiwan niya ang kamay nito.
“I’m sorry. I don’t see this working
out.”
“Okay.” ang pagsuko niya.
“Okay?”
“You’re free to go.” Ilang segundo
pang tinitigan ni Dana si Darrel bago ito tumalikod at naglakad palayo sa
kanya. Pilit namang pinipigilan ni Darrel ang pagsabog ng damdamin. Hirap
siyang naglakad papunta sa SC office. Nang makaramdam siya ng comfort sa lugar
na kanyang kinaroroonan ay parang biglang humina ang kanyang mga tuhod.
Hinayaan na niya ang sariling umiyak.
Nang mahimasmasan siya saka niya
napansin na sobrang kalat na ng office niya dahil naibato niya ang kahit na
anong mahawakan. Habang pinupunasan ang mga luha, isa-isa niyang pinulot ang
mga papel at ibang gamit na nakakalat. Nang makapagligpit ay tiningnan niya ang
sariling repleksyon sa salamin at nakita niya ang sobrang pamumula ng kanyang
ilong at ang lalong pagsingkit ng kanyang mga mata.
Lumipas ang mga araw na nakikita niya
si Dana sa klase pero hindi sila nag-uusap. Sa una ay mahirap. Sobrang hirap.
Inabala na lang niya ang sarili sa sandamakmak na extra-curricular activities
para malibang. Hanggang sa nasanay na siya sa presensya nito at hindi na
nag-bother pa na makipag-usap.
Nasa kalagitnaan si Darrel ng
pagbabalik-tanaw nang magtaka siya sa pagtigil ng sinasakyang taxi. Tumingin
siya sa kanyang paligid at nakita niya ang maraming sasakyang nakatigil din.
“Manong, ano pong meron?”
“Sir, hindi ko rin po alam.”
“Weird. Past 12mn na, may traffic pa
rin.”
—
Tumigil na sa pag-iyak si James. Hindi
niya alam kung ano ang mararamdaman sa pag-amin ni Bryan kahit na parang
nakinita na niyang mangyayari ito. Panay
ang paghingi ng tawad nito sa kanya pero parang hindi niya ito naririnig.
“Nag-eenjoy ka bang nakikita akong
nasasaktan? Kasi sa totoo lang, hindi maganda sa pakiramdam eh.”
“James, hindi ko na naman kailangan
pang marinig ang reason ni Shaun diba? Masaya na tayo. We’ll just ignore him.”
“Then what? He’ll come back around
again sometime soon? No, Bry. Alam kong kating-kati ka nang marinig ang
sasabihin ni Shaun. Go. Pakinggan mo siya. Then decide. Are you going back to
him or are you staying with me?”
“Please don’t do this.”
“Wala akong ginawa, Bry. You did this
to yourself. Pero hindi mo kasalanang may maramdaman pa rin sa kanya. And I
truly respect that. Basta ipaalam mo lang sa akin kung ano ang decision mo.”
“James…”
“Yun lang ang nakikita kong solusyon
dito, Bry.”
“Ayoko. Masasaktan na naman kita.”
“Hindi pa ba? Kaya go na. Itodo mo
na.”
“Ayoko.”
“Okay. Ako na lang ang kakausap sa
kanya.”
“Wag!”
“Ano bang gusto mong gawin?!”
“Wala. Wag na tayong magpaapekto.”
“You’re impossible, Bry.”
“Please, James.”
“Man up, Bry!!!”
Ilang minutong nag-isip si Bryan sa
mga sinabi ni James. Hindi ito mapakali sa kwarto ng huli at kung anu-anong
tunog na ang ginagawa nito.
“Fine! I’ll do it. Tomorrow. Ok?”
“Okay.” Kasunod nito ay ang pagri-ring
ng phone ni James. Agad niyang inabot ito at sinagot ang tawag nang hindi
tinitingnan ang register.
“Hello?”
“James!!!”
“Gap! O, napatawag ka?” Ang bilis ng
pagsasalita ni Gap. Rinig na rinig ang pagkahingal nito. Narinig din ni James
ang boses ni Shaun na nagsalita sa likod ni Gap.
“No!” ang hysterical na sabi ni James
bago ibaba ang phone at tumakbo pababa ng bahay.
—
Ramdam niya ang haplos ng hangin sa
kanyang mukha pero hindi niya maintindihan kung bakit siya parang hinihingal.
Pumikit siya at napakalinaw ng nakaraang kanyang binalikan. Isa ito sa mga
pinakamasayang araw sa kanyang buhay na hinding-hindi niya malilimutan.
“Happy 6th month, Coleen.” ang sabi ni
Jeric bago siya yakapin nito.
“Happy 6th month. Here.” ang sagot ni
Coleen bago iabot dito ang kanyang regalo.
“Thanks. I’m so happy na tumatagal
tayo. Kahit na minsan parang gusto na nating sumuko.”
“Mahal kasi kita.”
“Mahal din kita.” Hinawakan ni Jeric
ang dalawang pisngi ni Coleen bago niya ito gawaran ng masuyong halik. Naglapat
ang kanilang malalambot na labi. Ipinulupot ni Coleen ang braso sa batok ni
Jeric habang ikinulong naman ng huli ang katawan ng una palapit sa kanya.
“I love you.”
“To the moon and back.”
Pag-akyat ni Coleen sa kanyang kwarto
ay agad siyang nagtanggal ng damit para magshower. Pero natigilan siya nang may
mahulog na maliit na box mula sa cardigan na suot. Agad niya itong pinulot at
binuksan.
“I promise that I will always love
you.
I promise that I will never leave you.
I promise that I will always protect
you.
I love you, Coleen.”
To the moon and back,
Jeric”
Sa ilalim ng note na iyon ay may isang
singsing. Sinuot niya ito at napangiti siya nang sakto ang fit nito sa kanyang
daliri. Mabilis niyang kinuha ang kanyang phone at tinawagan si Jeric.
“Hey, you are the sweetest! Alam mo ba
iyon?”
“Now I know.”
“I can kiss you a thousand times now.
I’m so happy right now!”
“Thousand lang?”
“I can kiss you forever. And ever,
ever!”
“I love you.”
“To the moon and back?”
“Right!”
Muling nagmulat ng mata si Coleen at
mabilis na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Wala siyang ibang
maramdaman at tanging si Jeric lang ang kanyang nasa isip.
“Jeric…” ang kanyang bulong.
—
Isang malakas na sigaw ang narinig ni
Symon na nagpabalik sa kanyang malay. Agad niyang inilapat ang kanyang kamay sa
kanyang labi nang may malasahan siyang parang kalawang.
“Dugo.” Doon lang niya naisip ang mga
nangyari. Nagpalinga-linga siya pero wala siyang makita dahil madilim ang
paligid. Dahan-dahan niyang naramdaman ang pagsakit ng kanyang ulo at legs.
Napasigaw siya sa sakit. Pero natahimik siya nang marinig niya ang pagtawag sa
kanyang pangalan.
“Sy…” Sinubukan niyang gumalaw pero
hindi niya ito magawa dahil naipit ang kanyang paa. Kada galaw na kanyang
gagawin ay nagdudulot ng kakaibang sakit. Isa-isa niyang tinawag ang pangalan
ng mga kaibigan.
“Jeric.” Katabi niya ito. Parehas
silang na-stuck at maraming sugat sa ulo. Rinig niya ang hirap na paghinga
nito. Pero nakapikit ito. Pilit niya itong ginigising. Hanggang sa magmulat ito
ng mata at dumaing ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman.
“Shane?!!” Na-recognize niya ang boses
ng dumadaing na gumising sa kanya kasabay ng pagsigaw ni Jeric. Masyadong
magulo ang utak ni Symon at hindi niya maisip kung ano ang nangyari sa kanila
at bakit nasa ganito silang sitwasyon ngayon.
“Parating na ang ambulansya, Shane.
Shhh. Shhhh. Malapit na. Konting tiis na lang.” ang umiiyak na sabi ni Lexie.
Nakaramdam siya ng kaunting comfort
nang marinig ang mga boses nina Shane at Lexie. Parang nawala naman ang sakit
na nararamdaman ni Symon nang pumasok sa isip niya ang dalawa pang kaibigan.
“Coleen?!” ang panic na pagsigaw ni
Symon.
“I’m stuck here, Symon. My head
hurts!” ang sagot ni Coleen.
“Coleen…” ang bulong ni Jeric kay
Symon.
“Sy, si Jeric?”
“He’s awake.” ang sagot ni Symon.
“Lex!!! Hindi ko na kaya!!” ang sigaw
ni Shane.
“Shane, hang in there! Naririnig mo
ba, parating na ang ambulansya.” ang sabi ni Lexie kahit wala pa naman siyang
naririnig na sirena.
“Sy, listen to me.” ang hirap na
pagsasalita ni Jeric.
“Jeric. Don’t say anything stupid. I
don’t like your tone.” ang naluluhang sabi ni Symon.
Pumikit si Jeric na para bang
hinang-hina na siya. Sinampal siya ni Symon para gisingin ito dahil sa takot na
magtuluy-tuloy ang pagtulog nito.
“Sy, anong nangyayari d’yan?” ang
nag-aalalang sabi ni Coleen.
“I’m just keeping Jeric awake.” ang
sagot ni Symon.
“Lex… May ambulansya ba talagang
parating?” ang tanong ni Coleen.
“Yes. Nakatawag ako kanina.”
“Where the hell is that ambulance?!!!”
ang sigaw ni Shane.
“Hey. Jeric. Jeric! Wake up!!!” ang
pabulong na sabi ni Symon kay Jeric.
“I’m still here.”
“Good. Stay with me.” ang sabi ni
Symon.
“Can’t, Sy. I won’t stay long. Sabihin
mo kay Coleen…”
“Shhhh! Stop it, Jeric. You’re not
dying. Parating na ‘yung ambulance. Nakatawag si Lexie. Huwag kang susuko,
okay?”
“Sy.” Lumabo na ang paningin ni Symon
dahil sa dami ng luhang namumuo rito. Nakadapa siya at si Jeric naman ay
nakatihaya sa kanyang tabi. Walang tigil ang pagtagas ng dugo mula sa kanilang
mga ulo. Nakakaramdam si Symon ng pagkahilo pero nilalabanan niya ito.
“Nasaan si Coleen?”
“Coleen! Jeric is asking for you.” ang
sigaw ni Symon.
—
Ibinaba ng taxi driver ang kanyang
bintana nang may dumaan sa gilid nito at
nagtanong siya kung bakit ma-traffic. Nakinig naman si Darrel sa sagot nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang kabang nararamdaman.
“E may tumaob na sasakyan. Kakarating
lang ng ambulansya.”
“Nako! Mukhang matatagalan pa ‘yan.”
reklamo ng driver.
“Sinabi mo pa! Puro kabataan pa yata
ang laman ng sasakyan.”
“Si Symon Gonzales, nasa sasakyan!”
ang nakapukaw sa atensyon ni Darrel galing sa isang babaeng hysterical na
tumatakbo.
“Sino daw ho?”
“Symon Gonzales? Yung bagong singer.”
ang sagot ng driver.
Lalong kinabahan si Darrel. Mabilis
siyang nag-abot ng bayad sa driver at tumakbo palapit sa tumaob na sasakyan.
Na-recognize niya ang sasakyan nina Coleen dahil nakita niya itong nakaparada
sa labas ng bahay nina Gap.
“Symon.” Tumakbo siya palapit sa may
ambulansya pero agad siyang pinigilan ng mga tao. Naaninag niya si Symon na
nasa loob na nito. Tinawag niya ito. Ilang segundo lang ang lumipas ay hinayaan
na siya ng mga nurse na makapasok sa ambulansya bago ito umalis patungo sa
hospital.
“Kuya Darrel.”
“Sy, what happened?”
“Si Jeric…” ang pag-iyak ni Symon.
“Shhh. Sy.”
“Jeric…” ang patuloy na pag-iyak ni
Symon bago siya nawalan ng malay at mangisay habang inaasikaso ng mga nurse at
doctor.
“What’s happening?!!!” ang panic na
sigaw ni Darrel habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Symon.
—
Bago pa man dumating ang ambulansya
para i-rescue sila ay nawawalan na ng pag-asa si Symon. Hirap na hirap na siya
at halos parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang pagkirot nito. Pero
kailangan niyang maging malakas para sa mga kaibigan lalo na kay Jeric na
namumutla na sa kanyang tabi.
“Coleen…” ang nanghihinang pagtawag ni
Jeric sa kanyang girlfriend.
“Hang in there, alright Jeric?” ang
sabi ni Coleen na halatang nanghihina na rin.
“Di ko na kaya.” ang sagot ni Jeric.
“No! You gotta do it. Para sa atin,
Jeric.”
“I know. Pero… Coleen…” ang hirap na
sabi ni Jeric bago pumikit.
“Jeric, stay awake.” Agad namang
nagdilat ng mata si Jeric at tiningnan si Symon. Ngumiti ito sa kanya at
bumulong ng “Thank you.”
“Coleen, I love you. Pag nakahanap ka…
ng iba in the future… make sure na he’s… he’s better than… me. Make sure… na…
mas gwapo… ha.”
“Jeric! Wag ka ngang ganyan.”
“Coleen, I love you. To the moon and
back.” ang sabi ni Jeric.
Nagsimula nang umiyak si Coleen dahil
hindi niya nakikita sina Jeric at Symon. Paulit-ulit ang pagtawag niya sa
pangalan ni Jeric pero hindi na ito nag-respond.
“Sy…”
“Jeric, wag mo naman kaming iwan.”
Inangat ni Jeric ang kanyang kamay. Agad na hinawakan iyon ni Symon nang
mahigpit habang umiiyak. Pilit niyang tinatanggal sa isip niyang mawawala na
ang kanyang kaibigan.
“I’m so happy na naging kaibigan kita.
I’ll be watching over you. Pasabi na lang kay Gap. Pati kina Lex at Shane.”
“Jeric. Wag namang ganito.”
“Nilalamig na ako, Sy. I don’t wanna die.”
“You’re not!” Narinig ni Symon ang
sirena ng ambulansya at nanumbalik ang pag-asa sa kanya. Pero unti-unti nang
nag-let go si Jeric sa pagkakahawak sa kanyang kamay.
“Je!! Jeric! No!!! Nandiyan na ‘yung
ambulance! Please, wake up!!! Jeric!!!” ang sigaw ni Symon.
—
Mula sa emergency room ay kailangan
nang humiwalay ni Darrel kay Symon para magamot na ito ng mga doctor.
Sunud-sunod ang pagdating ng mga ambulansya kung saan isa-isang nilalabas ang
mga kaibigan ni Symon.
Tahimik na umiiyak sa isang sulok si
Darrel nang humahangos na dumating sina Gap at Shaun. Agad na lumapit si Darrel
sa kanya.
“Si Symon?”
“He’s unconscious.” ang sagot ni
Darrel.
“No!!!” ang pagwawala ni Gap sa
hospital.
Kinailangan pang awatin at yakapin
nina Shaun at Darrel si Gap dahil sa pag-apaw ng emosyon nito. Ilang minuto pa
ang nakalipas nang dumating ang ina at mga kapatid ni Symon. Mabilis ding
nakatunog ang media sa nangyari kay Symon kaya’t ang daming reporters at camera
ang nasa labas ng hospital.
“I’ll stay here with you, JR.”
“No, you need to go.” ang sagot ni Gap
kay Darrel.
“Please… wag mong lagyan ng kulay
‘yung nakita mo kanina.” ang sabi ni Darrel.
“Shut up, Kuya Darrel! Alam mo namang
kapag ikaw na ang bumangga sa akin, sa amin ni Symon, basag agad ako eh. Bakit
pa kailangan mangyari ang lahat nang ito ngayon?” ang pag-iyak ni Gap.
“Oh, my God.” ang bulong ni Shaun na
nakaupo sa tabi ni Gap.
Iniluwa ng pinto sina James at Bryan
na tumatakbong lumapit sa kanila. Animo’y multo si Shaun na hindi pinansin ng
dalawa at tanging si Gap lang ang binigyan ng atensyon. Kakausapin na sana ni
Shaun si Bry nang pigilan siya nito.
“Now’s not the time.” ang walang
emosyon nitong sabi.
Lumipas ang ilang oras na tahimik lang
ang apat sa waiting area. Dumating din ang mga pamilya ng kanilang mga kaibigan
kaya’t naging abala rin sila sa pag-asikaso sa mga ito. Panay ang sulyap ni
Shaun kay Bry. Ganon din si Darrel kay Gap.
“Doc, ano pong balita?” ang kalmadong
tanong ni Grace sa doctor na lumapit sa kanila para magbigay ng update.
“There are complications, Mrs.
Gonzales…” ang pagsisimula ng doctor.
“How come hindi pa rin kayo tapos??
Hindi pa ba gumigising si Symon? Come on! You’re doctors!!! Fix him up!” ang
sigaw ni Gap.
“Gap, calm down.” ang pagpigil sa
kanya ni Grace.
—
Nailipat na si Coleen sa isang private
room. Nang mahimasmasan si Gap ay binisita niya ito at nakita niyang natutulog
ito. Nakikipag-usap siya sa mga magulang nito nang marinig niya ang pagtawag ni
Coleen sa kanyang pangalan.
“Gap? How’s everyone? Si Jeric? Si Sy?
Sina Shane and Lexie?”
“Shhh, Coleen. You need to rest,
okay?”
“Bakit walang nagsasabi sa akin kung
ano nang nangyayari?!” ang pagsisimula niya sa pag-iyak.
“Everyone’s okay. Alright? Take some
rest. Come on.”
“Where are they? I wanna see them.”
“You will. Pero for now, go back to
sleep para magkaroon ka ng energy. Ok?” ang pagpapakalma ni Gap sa kaibigan.
“Okay. Thank you, Gap.”
“Sure.”
“Tell Jeric how much I love him.” ang
pahabol ni Coleen bago pumikit.
“I will.” ang bulong ni Gap bago
halikan si Coleen sa noo.
Lumabas siya ng room ni Coleen. Nakita
niya si Shaun sa waiting area at umupo siya sa tabi nito. Wala roon sina James
at Bryan pero sigurado siyang nasa hospital pa rin ang mga ito.
“Wala pa ring update ang doctors.” ang
sabi ni Shaun kay Gap regarding Symon’s condition.
“Paano ko sasabihin kay Coleen… na
wala na si Jeric?” ang naiiyak na sabi ni Gap.
“She needs to know.”
“I know. Pero paano? Paano rin kung
hindi na kayanin ni Sy? Paano kung… Paano kung… iwan na ako ni Symon?”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.wordpress.com
No comments:
Post a Comment