Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (15): Book 2

by: Lui

Maagang dumating si Darrel sa MSCA para sa isang meeting. Malapit na ang Foundation Week ng school kaya naman puspusan na ang paghahanda. Hindi muna siya dumiretso sa conference room at nagpahinga muna sandali sa kanyang office habang naghihintay ng oras.
“Darrel, nandyan na halos lahat ng comm heads ang volunteers na kailangan.” ang abiso sa kanya ng kanyang VP for Internal Affairs.

“O sige. Let’s start in 15 mins? Review-hin ko lang ‘tong agenda natin. Sunod na ako dun.”


“Okay.” ang sagot nito bago isara ang pinto ng kanyang silid.

Muling binalikan ni Darrel ang PPT presentation sa kanyang laptop at inisa-isa ang mga bullets na kanyang pinunan ng mga importanteng detalye. Matapos ang ilang minuto ay isinilid niya ito sa kanyang bag. Tumayo na siya at akma nang lalabas kaso biglang bumukas ang pinto.

“Hey!” ang gulat na bati ni Darrel dito.

“Akala ko hindi na kita maaabutan.”

“Papunta na sana ako sa conference room. May meeting kami.”

“Yeah. I know.”

 “May problema ba?”

“Wala naman. Gusto lang kitang makita.”

“Oh. Ang sweet mo talaga.” Ginawaran ni Darrel ng isang masuyong halik sa labi ang kausap. Ramdam na ramdam ni Darrel ang pagmamahal sa kanya ng taong kasalo niya kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang mahalin din ito ng lubos.

“I love you.” ang bulong ni Darrel dito.

“Wait nga lang. Haharap ka sa kanila. Ang gulo-gulo ng neck tie mo. Baka sabihin nila, hindi kita inaalagaan.” sabi niya habang inaayos ang kurbata ni Darrel.

“Para naman akong baby nito.”

 “Pasaway ka kasi eh. Ayan, okay na. Sige na. Naghihintay na sila sa’yo.” Pero kesa umalis, hindi gumalaw si Darrel mula sa kinatatayuan at inginuso ang mga labi na para bang humihingi ulit ng isang halik.

“Ano yan?”

“Kiss mo ko.” ang pa-baby talk ni Darrel.

“Sige. Pikit ka muna.”

“Okay.” Nang nakapikit na si Darrel ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto habang nagpipigil ng tawa. Sinadya niyang lakasan ang pagsara ng pinto. Nagulat naman si Darrel at mabilis na nagmulat ng mga mata at nakitang wala na ito sa kanyang harapan.

“Symoooooooooon!!!”

“Gising ka na ha? Para hindi na mag-alala si Kuya mo.” ang bulong ni Darrel na nagpagulo sa isip ni Symon.

Nagmulat siya ng mga mata at ilang segundo ang kanyang kinailangan para mag-adjust sa nakakasilaw na liwanag. Sinubukan niya igalaw ang kanyang katawan pero hindi niya ito maramdaman. Agad niyang tiningnan si Darrel na nakatayo sa kanyang tabi.

“I was dreaming.” ang malungkot na bulong ni Symon.

“What?”

“Kuya Darrel. Si Gap?”

“Kakababa lang niya. Bibili lang ng kape. How are you? Everything’s gonna be okay, don’t worry.” ang malambing na sabi ni Darrel.

“Sina Lex? Kuya Darrel, nasaan sila?! Si Shane?! Si Coleen?! Oh, my God. Si Jeric?! Is Jeric alive?!”

“Sy. Calm down.”

“Nasaan sila, Kuya?! I need to see them.” Sinubukan ni Symon tumayo kahit na mabigat ang kanyang katawan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso at maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isip. Pero bago pa man siya makaupo mula sa pagkakahiga ay hinawakan na siya ni Darrel para ibalik siya sa pagkakahiga.

“You can’t go out. You need to rest.” ang sabi ni Darrel.

“But, si Jeric?! Kuya Darrel, nasaan si Jeric? Sabi niya… sabi niya… ayaw niyang mamatay. Nasaan si Jeric?”

“Sy, Jeric’s gone.” ang malungkot at naiiyak na sabi ni Darrel sa kanya.

“But he doesn’t wanna die. ‘Yun ang huli niyang sabi. What you’re saying is impossible! He’s not dead!” ang pagngawa ni Symon.

“Sy…”

“He doesn’t wanna die…” ang pag-iyak ni Symon habang nakayakap kay Darrel.


Nasa isang coffee shop si Gap kasama si James. Hinihintay nila ang kanilang in-order na kape para sa kanilang tatlo nina Darrel. Silang tatlo lang ang nagbabantay kay Symon dahil nasa trabaho na si Grace at nasa school naman ang mga kapatid nito.

“Nakatulog ka na ba?” ang tanong ni James.

“Hindi pa.”

“Pahinga ka naman.”

“Kapag gumising na si Symon, uuwi na ako. Gusto ko lang makitang okay siya.”

“Ano bang nangyari sa inyo?”

“Kuya Darrel.”

“What about him?”

“I saw them almost kissing.”

“Oh.”

“Alam mo ‘yung masakit. Si Kuya Darrel ‘yun eh. Anong laban ko dun?”

“Huwag ka ngang ganyan mag-isip. Wag kang mag-assume.”

“Hay. Ewan. O kayo ni Bry? What’s with the cold shoulder?”

“Shaun.”

“Oh.”

“Alam mo?”

“Hmm. Kinda? Nabanggit ni Symon sa akin.”

“Hindi mo naisip na sabihin sa akin?” Tumayo si Gap para kuhanin ang kanilang mga in-order. Pilit siyang ngumiti sa barista bago muling bumaling kay James na hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis.

“I’m not in the right position to say anything.”

“Labo mo.”

“Hey, wag ka sa akin magalit.”

“Hindi ako galit. Pero uuwi na lang muna ako. Thanks sa coffee.”

Mag-isa nang umakyat si Gap papunta sa room ni Symon. Nadaanan niya ang ilang TV networks na nag-camp na sa labas ng hospital para sa updates sa lagay ni Symon. Nagmadali siya sa paglalakad dahil baka may maka-recognize sa kanya.

“Excuse me! Diba ikaw ‘yung best friend ni Symon na na-feature sa isang episode ng Ultimate Sing-Off? Kamusta na si Symon?” ang paghabol sa kanya ng isang reporter at cameraman.

Bago pa siya makasagot ay nakita ni Gap ang pagtakbo ng iba pa palapit sa kanya. Kinabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin. Ang daming mga tanong ang ibinabato sa kanya pero hindi siya tumigil sa paglalakad.

“Doctors said he would be fine pero hindi pa rin siya gumigising. That’s all I can say. Let’s all pray for the best.” Lalo niyang binilisan ang paglalakad para malubayan na siya ng mga reporters dahil bawal pumasok ang mga ito sa loob ng hospital.


Isang babaeng nurse ang pumasok sa private room ni Symon para i-check siya. Bumubuti naman daw ang lagay niya pero kailangan niya nang kumain at uminom ng gamot. Nakasalubong ni Gap ang nurse palabas. Laking gulat ni Gap nang makitang may malay na si Symon.

“Hey. Good you’re awake.” ang mahinang sabi ni Gap kay Symon habang inaabot sa kanya ni Darrel ang isang baso ng tubig.

“Yeah. It’s nice to see you, Gap.”

“Dapat ako ang gumagawa niyan e.” ang naisip ni Gap nang makita niya ang ginagawang pag-aalaga ni Darrel kay Symon.

“Dinala ko lang ‘tong kape para kay Kuya Darrel. Pauwi na rin ako. Hinintay lang talaga kitang gumising.” ang sabi ni Gap.

“Gap… Can we just get past that?”

“Sure.”

“Labas muna ako.” ang paalam ni Darrel.

“No need, Kuya Darrel. Aalis na rin ako.”

“Gap…” ang naiiyak na sabi ni Symon.

“Pagaling ka.” ang sabi ni Gap sa kanya bago siya nito halikan sa noo.

Akmang susundan ni Darrel si Gap nang pigilan siya ni Symon. Muling isinara ni Darrel ang pinto at umupo sa tabi ni Symon. Pinunasan niya ang mga luha nito.

“Stop crying na. It’s not helping sa recovery mo.”

“Bakit kasi hindi na lang niya ako paniwalaan?”

“Give him time.”

Lumipas ang halos isang oras at tumahan na si Symon sa pag-iyak. Inayos ni Darrel ang kumot na bumabalot sa katawan ni Symon at tinapik ang braso nito.

“Pahinga ka na.” ang sabi ni Darrel sa kanya.

“Ikaw rin, Kuya.”

“Yup. Dito lang ako sa tabi mo, okay?”

“Matulog ka na rin ha? Laki na eyebags mo.”

“Oo. Pag nakatulog ka na. Sige na, pikit na.”

Pinanood ni Darrel si Symon habang lumalalim ang pagtulog nito. Maraming pumapasok sa kanyang isipan – ang usapan nila ni Symon bago ito maaksidente, ang reaksyon ni Gap sa nakita nito. Tiningnan niya ang malayang kamay nito at tahimik na lumapit dito.

“What if…” ang sabi ni Darrel.

Inangat niya ang sariling kamay para idampi ito sa kamay ni Symon. Halos maglalapat na ang mga ito nang magdalawang-isip siya. Ipinikit niya ang mga mata bago tuluyang hawakan ang kamay ni Symon. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.


Nakatingala si Gap sa loob ng elevator, una, dahil tinitingnan niya ang mga numero ng mga floors habang isa-isa itong umiilaw at pangalawa, dahil nagpipigil siya ng iyak. Nang magbukas na ang pinto sa ground floor, pinauna na niyang lumabas ang lahat.

“Gap!”

“Uy, Shaun.”

“Pauwi ka na?”

“Yeah. Pahinga lang ako. Gising na pala si Symon.”

“Great!” Nagpaalam na si Gap sa kanya at naglakad na palabas ng lobby. Pero iba ang pakiramdam ni Shaun. Kaya naman hinabol niya si Gap at ipinagpaliban na lang ang pagbisita sa kaibigan.

“You wanna talk about it?” ang tanong ni Shaun kay Gap na nagpatigil sa paglalakad ng huli.

“I don’t wanna drag you into this.” ang sagot ni Gap.

“Already am.”

Niyaya ni Gap si Shaun sa coffee shop kung saan sila bumili ni James kanina at doon in-open up niya ang lahat ng nararamdamang sakit kay Shaun. Pigil siya sa pag-iyak para hindi makakuha ng atensyon. Alam niyang kilalang personalidad na ang kanyang kasama at ayaw naman niyang pagmulan ito ng panibagong issue.

“You should hear him out, Gap. Hindi dahil nakita mong ginawa niya ‘yun, e isa lang ang explanation dun. Ang dami niyo nang pinagdaanan. Ngayon pa ba kayo susuko?”

“Pero, Shaun. Naiintindihan mo ba? Wala akong laban kay Kuya Darrel.”

“Alam mo kung ‘yan ang iisipin mo, matatalo ka talaga. Tsaka sino ba ang nagsabing may competition? Ikaw lang ang nag-iisip niyan.”

“So what do you think should I do?”

“What do you wanna do? Gusto mo bang nandito ka at kausap ako? O doon kay Symon at alagaan siya? Halos isang oras na ang nasayang mo dito o.” ang sagot ni Shaun habang nakatingin sa relo.

“Hay, Shaun.”

“Mahal mo si Symon?”

“Yes. So much that it hurts.”

“Communicate with him. Go.”

“Err.” ang pagdadalawang-isip ni Gap.

“Ano? Gusto mo kaladkarin kita papunta sa kwarto niya?”

“Eto na nga!” Tumayo na siya at tinungo na ang exit ng coffee shop pero tumigil siya rito at muling bumaling kay Shaun na mag-isa nang nakaupo sa dulong couch.

“Thanks, Shaun!” ang nakangiti niyang sabi rito.


Nangingilid na ang mga luha ni Symon dahil sa sakit ng pagkakahawak sa kanya ni Darrel. Hindi niya matandaan kung paano napunta kay Darrel ang papel.

‘Hindi ko sulat iyan!’, ang pagsisinungaling ni Symon.

‘Wag mo akong lokohin, Symon! Alam ko ang sulat mo. At galing ‘to sa notebook mo!’, ang sabi ni Darrel.

Pilit na tinanggal ni Symon ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Darrel dito.

‘Aminin mo nga, may gusto ka ba sa akin?’, ang tanong ni Darrel.

‘Kuya, bitawan mo ako. Ang dami nang tumitingin oh.’, ang sabi ni Symon.

‘Aminin mo!’, ang sigaw ni Darrel.

‘Oo!! May gusto ako sa’yo!! Nasasaktan ako na nakipaglandian ka kay Ate Dana!! Twice! Tapos nalaman ko pang magiging kayo na.’, ang iyak ni Symon.



“Sorry.”



“Okay lang, Kuya. Wala ka namang kasalanan eh. I did this to myself. Ako nga ang dapat mag-sorry.”



“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? E di sana hindi ka nasaktan ng ganyan.”



“What do you mean?”



“Sy…” ang bulong ni Darrel habang unti-unting lumapit ang kanyang mukha kay Symon.



Nagising si Darrel dahil sa panaginip na iyon. Pero totoo itong nangyari noon. Hawak niya pa rin ang kamay ni Symon. Tiningnan niya ang payapang mukha nito. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Symon sa kanyang kamay.

“Bakit ko ba iniisip ang possibility na maging kami ni Symon?” ang tanong ni Darrel sa sarili habang hawak pa rin ang kamay nito.

Nakaramdam siya ng uneasiness at awtomatiko siyang napatingin sa pintuan. Naroon si Gap nakatayo at walang patid ang pagtulo ng mga luha. Nang nagtama ang kanilang mga mata ay mabilis na tumakbo si Gap palabas at agad namang humabol si Darrel.

Lumiko siya sa pinakamalapit na fire exit kung saan siya naabutan ni Darrel. Hindi na napigilan pa ni Gap ang emosyong nararamdaman.

“JR! This has to stop! Pakinggan mo ako!” ang authoritative na sabi ni Darrel.

Humarap si Gap kay Darrel at itinapon niya dito ang hawak na kape. Mainit pa ito kaya naman napaso si Darrel nang mabasa ang kanyang mukha pati ang damit.

“Mahal ko si Symon, Kuya Darrel. Please naman. Ibigay mo na siya sa akin. Sasaktan mo lang siya eh. Don’t give him reasons to love you more! Kasi alam kong ikaw pa rin talaga ang mahal niya. Please naman.”

“I’m just being a friend! Come on!”

“Then stop acting like one! Leave us alone.”

“You’re being unfair to Symon!”

“Wow. Ako pa ang naging unfair ngayon.”

Bumalik si Gap sa hallway at nagtungo muli sa kwarto ni Symon. Gising na si Symon at kita sa mukha nito ang pagtataka kung bakit walang tao sa kanyang kwarto. Kaya natuwa siya nang nakita si Gap.

“I thought you left me.” ang sabi ni Symon nang makita si Gap.

Pero agad ring sumulpot si Darrel sa likod nito. Nagmantsa na sa kanyang damit ang kapeng itinapon ni Gap dito.

“What happened to you, Kuya Darrel?”

“Ask him.” ang galit na sabi ni Darrel.

“Gap. Please naman…” Hindi na natapos ni Symon ang sasabihin dahil muling nagbukas ang pinto at pumasok mula rito ang mga kaibigan na sina Shane at Lexie. Naka-wheelchair si Shane dahil sa tinamong pilay mula sa aksidente. May kasama silang mga nurse.

“Sy!” ang halos patakbong lapit ni Lexie sa kaibigan.

Umiiyak ang mga ito dahil kakarating lang sa kanila ng balita tungkol kay Jeric. Nagyakap ang mga ito at pansamantalang nakalimutan nina Symon at Gap ang personal issue.

“I still can’t believe it.” ang patuloy na pag-iyak ni Shane.

“Alam na ba ni Coleen?” ang tanong ni Lexie.

Tumingin ang lahat kay Gap bilang paghahanap ng sagot. Isang iling ang sagot ni Gap sa mga kaibigan. Lalong naiyak si Symon dahil dito.

“Where is she?”

“Nasa kabilang room lang.” ang sagot ni Gap sa tanong ni Symon.

“I wanna see Jeric.” ang sabi ng umiiyak na si Shane.

Kahit anong pilit ng mga ito sa mga doctor, hindi sila pinayagan na ma-discharge nang araw na iyon dahil kailangan pa nilang ma-obserbahan. Bagot na bagot na si Symon sa kanyang kwarto. Dumating ang kanyang ina after lunch. Naroon pa rin sina Gap at Darrel pero hindi sila nag-uusap.

Alas-tres na iyon nang may kumatok sa kanyang kwarto. Tumayo si Darrel para pagbuksan ito. Agad naman niyang nakilala kung sino ito kaya’t magiliw niya itong pinapasok.

“And it becomes more interesting.” ang sarkastikong bulong ni Gap sa sarili nang makita niya ang bisita ni Symon.

“Hey, Matt!” ang bati ng mas masiglang si Symon.

“Thank God you’re alive!”

“Yup.”

“Ang sabi kasi sa balita, patay ka na raw. Mabagal kasi magbigay ng bulletin ang hospital tungkol sa condition mo.”

“Ang mahalaga, hindi totoo ‘yun.”

“Yeah. So, kamusta ka?”

“Better. Hopefully makakalabas na ako tomorrow.”

“Ano bang nangyari?”

“May dalawa kasing truck na nagre-race sa road. Tapos napagitnaan ‘yung van kung saan kami nakasakay. When we tried to get to the side to avoid the two trucks, yung isa went on our way. Kaya nagbangga sila.”

“You pressed charges?”

“Yes.”

“I heard about Jeric. I’m so sorry.”

“Nasa news din?”

“Yeah. Everything’s there.”

“Ayoko kasing manood, actually. I don’t wanna see and hear what they think.”

“Good. I brought some fruits pala.”

“Thanks, Matt.”

Halos tatlumpung minuto lang na nag-stay si Matt doon. Nagpaalam na ito at nagsabi na lang si Symon na magtetext siya rito kapag na-discharge siya. Sumabay na rin si Darrel kay Matt. Naiwan na si Gap kasama ang ina ni Symon.

“Mommy, please. Talk to the doctor. I wanna see Jeric. Please?”

“Sige. Kakausapin ko siya.”

“How’s Coleen?” ang baling ni Symon kay Gap.

“Hindi pa ako pumupunta sa kanya.”

“Why?”


May benda si Coleen sa ulo dahil kailangang tahiin ang mga malalaking sugat niya rito. Nasa room niya na ngayon sina Shane at Lexie at kinakamusta siya.

“I’m better now, I think. Kahapon lang pala ‘yun no. I still can’t believe that that happened to us. How’s Symon? Si Jeric?”

“Nasa kabilang room lang si Symon. Nagpapagaling rin. Hindi pa siya pinapalabas ng doctor niya eh.” ang sagot ni Lexie na nagpipigil ng iyak.

“Buti naman we all survived. I can’t wait to see you all. We should take pictures! You know, with the bruises and all.”

“Yeah. Sure.”

“You know which room si Jeric? I’ve been asking everyone pero no one seems to know.”

Hindi na napigilan ni Shane ang sarili at humagulgol na ito sa tabi ni Lexie. Laking taka naman ni Coleen sa ginawa ng kaibigan kaya napaupo ito bigla sa kanyang kama.

“Girl, everything okay?”

“Nooo!” ang sagot ni Shane.

“What’s wrong? Should we call a nurse?”

“Coleen…” ang sabi ni Shane.

“Shane, no.” ang bulong ni Lexie rito.

“Lex, what’s the problem?”

“Nothing.” ang sagot ni Lexie.

“I’m freaking out here! Guys, tell me what’s wrong!”

“Wala na si Jeric.” ang sabi ni Lexie.

“Okay. Is he in another hospital? You guys are super emotional.”

“Coleen, wala NA si Jeric.” ang pag-uulit ni Shane.

“What?”

“You heard it right. He didn’t make it to the hospital.”

“No… I talked to Gap. I asked him to send Jeric my love. And sabi niya, he will. Baka nagkakamali kayo. Sabi ni Gap sa akin kahapon, he’s alive kasi makakarating kay Jeric ‘yung pinapasabi ko. Lex, Shane, hindi magandang joke ‘to ah.”

Naiyak na si Coleen lalo na nang makita niya sa mga mukha ng dalawang kaibigan na hindi sila nagloloko. Mabilis na yumakap si Lexie dito at agad namang kumapit si Coleen sa kanya.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment