Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (17): Book 2

by: Lui

Several months ago…

Sabay-sabay na naglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom matapos ang pag-ring ng bell biglang hudyat ng pagtatapos ng klase. Nakipagsiksikan ang anim na magkakaibigan sa dami ng tao sa corridor at halos hindi na makapag-usap ng maayos.

“Gap, punta ako library. Samahan mo ako?” ang mabilis na sabi ni Symon.


“Nagpapasama si Jeric eh. Okay lang ba na hintayin ka na lang namin sa lobby?” ang sagot naman ni Gap.

“Ako na lang sasama sa’yo, Sy!” ang pag-volunteer naman ni Coleen.

“Okay. Let’s!” ang yaya ni Symon sa kaibigan.

Nang malampasan na ang mga taong nagmamadaling lumabas ng gusali, agad na tinapik ni Gap si Jeric sa balikat at nakipagkwentuhan. Sina Shane at Lexie naman ay humiwalay muna para bumili ng makakain dahil ilang minuto lang ang break nila bago magsimula ulit ang panibagong klase sa ibang building.

“Jeric, I wanna do something for Sy.”

“What something?”

“Hmm. Something na lalo siyang mai-inlove sa akin.”

“Hmm. Of course, flowers and chocolates won’t work. Uhm. Harana?” ang pagsa-suggest ni Jeric.

“Harana? Seriously, dude? Narinig mo na ba akong kumanta?! Baka iwanan ako ni Symon niyan.” ang natatawang sabi ni Gap.

“Okay. What are you good at?”

“Dancing? Kakatanggap lang sa akin sa Dance Troupe kahapon.”

“Congrats! Then, dance!” ang natutuwang sabi ni Jeric.

“Lap dance?” ang pag-aalangan ni Gap.

“Loko! Too private, Gap. Too private.”

“Hmm.” Ilang minutong natahimik ang dalawa. Nag-iisip ng kung ano ang magandang gawin. Maya’t maya naman ang pagbibigay ni Jeric ng suggestion pero hindi ito trip ni Gap. Pabalik na sina Coleen at Symon galing library nang biglang sumigaw si Jeric.

“Ah! Alam ko na!”

“Go! Sabihin mo na. Malapit na sila.”

“Flash mob, Gap! That’d be cool! Promise!” ang sobrang sayang sabi ni Jeric.

“Great! Pero saan ako kukuha ng magsasayaw?”

“Hello? Dance Troupe?”

“Oo nga! Thanks, Je! Galing mo!” ang sabi ni Gap bago sila mag-apir.

“Bakit magaling si Je?” ang tanong ni Symon.

“Wala naman. Ah. Eh. Nasagutan lang niya ‘yung prob sa Algeb na hindi ko masagutan.”

“Oh. Okay. Weird mo, Gap.” ang natatawang sabi ni Symon.

“Tara na. Nagtext na sina Shane. Sa room na lang daw tayo magkita.” ang yaya ni Coleen sa kanila.

Habang nasa klase, bulungan ng bulungan sina Jeric at Gap. Magkatabi naman sina Coleen at Symon. Nasa harapan nila sina Shane at Lexie.

“Problema nung dalawa? May topak yata?” ang tanong ni Lexie.

“Ewan ko ba. Kanina pa ‘yang dalawang ‘yan. Nakakaselos na.” ang pabirong sabi ni Coleen.

“Oo nga eh. Sayang, Coleen, di pwedeng maging tayo. Di effective.” ang pagtawa ni Symon.

“Nakakahalata na yata sila, Gap.” ang sabi ni Jeric nang marinig ang usapan ng mga kaibigan.

“Hayaan mo sila. Ano bang magandang kanta?”

“Napanood mo na ba ‘yung Love on Top ni Beyonce? Ang cool nung sayaw dun.” ang sagot ni Jeric.

Nakatayo si Gap sa simbahan kung saan idinadaos ang huling misa para kay Jeric. Kasalukuyan siyang nagbibigay ng eulogy. Nakatukod na ang kanyang mga braso sa lectern ng simbahan dahil sa pag-iyak habang tinatapos niya ang kanyang sinasabi.

“Jeric, super thank you! You made it all possible for us. Ikaw ang nagbigay sa akin ng idea kung paano ko mapapasaya ang taong mahal ko. Thank you very much! You are such a good friend. It pains me to see you go. Wala na ‘yung kasama ko sa mga kalokohan kapag inaasar si Lexie. Wala na ‘yung malakas humilik tuwing magsi-sleep over. Hindi na kumpleto ang barkada.” ang mga huling sinabi niya bago bumaba at yumakap kay Coleen.


Nasa kasagsagan ng issue noon kina Symon at Shaun, halos hindi na pumapasok si Symon sa MSCA dahil sa sobrang daming commitments. Pero nang Lunes na iyon ay maaga siyang dumating sa school. Iilan pa lang ang tao sa classroom kaya naman sinuot niya ang kanyang shades at nagnakaw ng ilang minutong tulog.

“Wow. You’re here!” ang boses na gumising sa kanya.

“Hey, Je. What’s up? Nasaan si Coleen?”

“Ah. Papunta pa lang. Hindi na siya nagpasundo kasi baka ma-late daw siya.”

“Aga mo ah.”

“Yeah. I figured na nandito ka. And I need to talk to you.” ang palusot ni Jeric.

“What about?”

“Anong what about, Sy? Totoo ba ‘yung mga issue na lumalabas tungkol sa’yo and Shaun?”

“I thought you won’t ask. Of course… NOT!” ang sagot ni Symon.

“Good. Kung hindi, aawayin talaga kita.”

“Bakit naman?”

“Aba, Symon! Gap is there, patiently waiting for you everytime! Don’t tell me na you’re going around, enjoying Shaun’s company at his expense! Seryoso, Sy! Masasapak kita kapag ginawa mo ‘yun.” ang sabi ni Jeric.

“I will never do that.”

“Dapat lang. Gusto ko lang clear tayo, okay?”

“Thanks, Je. You’re one of the best talaga. Buti hindi ako sa’yo na-inlove.” ang biro ni Symon.

“Di tayo talo, te! Alam mo ‘yan. Mas malandi ako sa’yo.” ang sagot ni Jeric na parang isang matandang bakla na naging sanhi ng malakas na pagtawa ni Symon.

“Bagay, Je. Keep it up!”

“Tigilan mo, Sy! Pero, oo nga no. Buti hindi ako ang naging apple of the eye mo.”

“I’m more thankful naman na we’re friends. At least ito walang LQ, walang break-up.”

“Wow. Oo nga. Tsaka masaya na ako kay Coleen.”

“I know you are. And she’s happy with you, too.”

“Really?”

“You doubting? Lagi ‘yang nagtetext sa akin, ang sweet talaga ni Jeric!” ang panggagaya ni Symon sa kaibigan.

“Aww. Kinilig naman ako.”

“Hoy! Ikaw, huwag na huwag kang mambababae ah. Kung hindi, lagot ka rin sa akin.”

“Oo naman. Alam ko na naman ‘yun. You’re guarding our relationship as I guard yours.”

“That’s what friends are for.”

“Triple marriage in the future, yes?”

“Kung legal na, why not!” ang natatawang sagot ni Symon.

Kagat-labi si Symon sa harap ng lahat habang maingat na nagkekwento ng masasayang alaala niya kasama ang kaibigan. Isang puting panyo ang kanyang hawak para ipunas sa mga basang mata. Nanginginig siya habang hawak niya ang mic.

“His last moment is with me. I held his hand tightly. Paulit-ulit ko siyang ginigising coz I’m afraid na pag pumikit siya, baka hindi na siya dumilat. I kept on telling him to breathe. Pero I felt his hand slowly slipping away from my grip. He weakly smiled at me and a tear fell on his cheek. Sabi niya, he’s gonna watch over me. He’s gonna watch over Coleen. He’ll be always here with his family. Kaya I know that he’s here. Though he is now safe in His arms, he’s with us. He’ll always be with us.”

Maririnig ang paghagulgol ni Coleen mula sa gilid ng simbahan habang tinatapos ni Symon ang kanyang maikling speech. Tumingin si Symon sa lalaking nagmamando ng sound system at tumango dito bilang go-signal sa pag-play ng music.
Kahit na hirap kumanta dahil sa patuloy na pag-iyak ay nairaos pa rin ni Symon ang kanta. Nasa huling chorus na siya nang tumayo si Coleen para yakapin siya. Sumunod dito sina Shane at Lexie at huling tumayo si Gap. Magkakasama silang umiyak sa harapan bago ipasa ni Symon ang mic kay Coleen para siya naman ang magsalita.


Natahimik ang lahat nang humarap si Coleen sa pamilya at mga kaibigan ni Jeric. Simple lang siya nang araw na iyon. Nakaputi siyang dress na hanggang tuhod ang haba at maayos na nakatali ang mahabang buhok. Isang mapait na ngiti ang ibinigay ni Coleen sa kanilang lahat bago sulyapan ang mukha ni Jeric.

“I can’t forget kung gaano siya nahirapan mag-decipher nung sinagot ko siya last year. I brought two honey glazed doughnuts and agad niyang kinagatan ‘yung isa. Then I asked him to tell me kung anong nakikita niya. Doughnuts, he said. Sarap lang batukan no?” nagtawanan ang mga tao dahil sa pagiging light ni Coleen.

“Where you at? 15 minutes na akong naghihintay ha.” ang naiinis na sabi ni Coleen kay Jeric habang naghihintay siya sa isang coffee shop sa isang mall.

“5 minutes. Naglalakad na. Sorry.”

“Okay. I want to order na. Kaya dalian mo.”

“Yup. Eto na. Nakikita na kita.” Tumingin si Coleen sa labas at nakita niyang humahangos si Jeric na may dalang isang bouquet ng flowers. Hindi niya napigilan ang mangiti dahil dito. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang magiliw siyang binati ng guard bago lumapit sa kanya.

“Happy Valentine’s Day. Sorry I’m late. Here.”

“Happy Valentine’s Day. Thanks! Pawis na pawis ka na.” ang sabi ni Coleen bago punasan ang mukha ni Jeric.

“What do you want?” ang tanong ni Jeric patungkol sa order nila.

“Ako na o-order. What do you want?”

“Coffee Jelly Frappe. Thanks.”

Tumayo na si Coleen at lumapit sa bar. Buong ngiti siyang inasikaso ng babaeng barista. Mabilis naman ang transaction dahil kakaunti pa lang naman ang tao sa loob.

“Coleen, ang swerte niyo naman kay boyfie!” ang comment ng barista.

“Thanks! He’s so sweet nga eh.” ang sagot ni Coleen.

Bumalik na si Coleen sa table nila ni Jeric dala ang dalawang inumin. Nagkwentuhan ang dalawa habang naghihintay ng showing ng movie na kanilang papanoorin. Bumili na si Jeric ng tickets bago pa man puntahan si Coleen.

“Would you like to try our new drink?” ang paglapit ng isang barista sa kanilang table.

“Sure.” ang sabi ni Coleen bago tumalikod at kumuha ng isang maliit na cup sa tray na bitbit nito.

“How is it?” ang tanong ng barista.

“Great! I think I’m gonna buy this the next time I visit.” ang nakangiting sabi ni Coleen.

“Thanks! Happy Valentine’s Day.”

“Same to you.” Pagharap ni Coleen ay agad siyang hinalikan ni Jeric sa labi. Nagulat si Coleen pero hindi naman siya nanlaban dahil agad itong tinapos ni Jeric. Nagkatitigan sila at nakita niya ang kasiyahan ni Jeric.

“They’re taking pictures of us. Don’t move.”

“What?” ang tanong ni Coleen bago tumingin sa gawing kanan kung saan maraming tao na ang nakatigil sa harapan ng glass wall ng coffee shop para kuhanan sila ng pictures.

“You’re so full of surprises.” ang nakangiting sabi ni Coleen bago basahin ang nakasulat sa glass wall.

Matitingkad na kulay ang ginamit na pangsulat sa mga salitang — I LOVE THIS GIRL. HER NAME IS COLEEN. Para silang real life comic strip. Naka-cloud ang message na iyon sa taas ng ulo ni Jeric. May arrow na nakaturo kay Coleen. Napansin niya ang isang cloud message sa kanyang side na walang laman.

“Would you like me to write something?” ang tanong ng isang barista kay Coleen.

Kinuha niya ang tissue at doon isinulat ang gusto niyang maging tugon sa message ni Jeric sa kanya. Hindi ito nabasa ni Jeric kaya naman panay ang tanong nito.

“Mura ‘yun. Ginulat mo ako eh!” ang biro ni Coleen.

“Awwww!!!” ang naging reaksyon ni Jeric nang mabasa ang isinulat ng barista — I LOVE YOU, JERIC! TO THE MOON AND BACK.

“How did you come up with this very quickly?” ang tanong ni Coleen.

“Wag mo nang tanungin.”

Nakangiti si Coleen nang matapos niyang ikwento ang Valentine’s day celebration nilang dalawa. Isang picture ang ipinakita sa kanyang likod. Hindi na napigilan ni Coleen ang sariling maiyak nang makita ito.

“You’ll always be my Jeric. I’m not bidding goodbye. I won’t. Because I know nandito ka lang lagi for me.” Hindi maipaliwanag ni Coleen ang kakaibang sensasyong naramdaman na lalong nagpaiyak sa kanya. Parang may kung anong malamig na hangin ang yumakap sa kanya.

“I love you, Je. I will always do.”


Magkayakap sina Coleen at Symon na umiiyak habang marahang ibinababa ang casket ni Jeric sa hukay. Nakahawak si Shane sa braso ni Symon habang si Lexie naman ay nakayakap dito. Katabi ni Coleen si Gap na nakaakbay sa kanya. Katabi ni Gap si Shaun. Nasa likod nila sina Darrel, James at Bryan. Nasa kabilang side ang pamilya ni Jeric.

“Sy, tell me this isn’t true. This is just a bad dream, right?” ang sabi ni Coleen sa kanya.

“Coleen…” ang tanging nasabi ni Symon.

Natabunan na ng lupa ang hukay matapos ang ilang minuto. Unti-unti nang nag-aalisan ang mga tao. Lumapit ang mga magulang ni Jeric sa kanila at nagpaalam na. Sila na lang ang tao roon.

“I’ll wait in the car.” ang sabi ni Shaun kay Gap.

“Sabay na ako sa’yo.”

“No, wait!” ang pagpigil ni Symon kay Gap.

“I’ll go ahead.” ang pag-iwan sa kanila ni Shaun.

Tahimik lang sina Shane at Lexie na napatingin kay Symon at Gap. Si Coleen naman ay nakaupo lang sa harap ng puntod ni Jeric na para bang walang pakialam sa mga kasama.

“What?”

“Can we talk? Please?”

“What for?”

“Gap, let him…” ang attempt ni Lexie na tumulong.

“Shut up, Lex! You’re out of this!” ang pag-snap ni Gap.

“Hey, huwag ka namang ganyan kay Lex, Gap.” ang sabi ni Symon.

“Bakit, may namagitan din ba sa inyo?”

“Lex?’ ang tanong ni Shane.

“Are you crazy?! Gap, ganyan ba ang tingin mo sa akin?” ang galit na sabi ni Symon.

“We just lost Jeric. Pwede bang ayusin niyo na ‘to?” ang sabi ni Lexie.

“All I want is for us to talk.” ang sabi ni Symon kay Gap habang pilit na hinahawakan ang kamay nito.

“Walang dapat pag-usapan, Sy. What I saw is enough.” ang sabi ni Gap bago tumalikod.

Pero mabilis na humabol si Symon. Pinigilan niya si Gap sa paglalakad at iniharap ito sa kanya. Nagmakaawa siya rito na kausapin siya pero nagmatigas si Gap.

“Gap, please naman. Huwag namang ganito. Give me a chance to explain, please?”

“I d0n’t wanna talk to you! I don’t wanna hear your voice!!” ang sigaw ni Gap sa kanya.

“Guys…” ang pagsasalita ni Coleen na nagpatigil sa kanilang lahat.

“You wanna go na?” ang tanong ni Shane sa kanya.

“Wala na si Jeric.” ang muling pag-iyak ni Coleen.

Agad na lumapit si Symon kay Coleen. Marahang tumayo ang huli bago harapin ang mga kaibigan. Tumayo na rin sina Shane at Lexie. Hindi naman gumalaw si Gap mula sa kinatatayuan.

“We just lost Jeric. Lima na lang tayo, magkakagulo pa ba tayo?

“Everything’s gonna be fine.” ang sabi ni Symon.

“No! Everything’s fucked up!!!” ang sigaw ni Gap.

“Suck it up, Gap!!!” ang sigaw ni Coleen sa kanya.

Nagulat si Gap sa emosyong ipinakita ng kaibigan. Maging sina Shane at Lexie ay halos mapatili dahil sa biglang pagsigaw nito. Galit na lumapit si Coleen kay Gap at itinulak ito ng paulit-ulit.

“Don’t be stupid! Maswerte ka nandiyan pa si Symon who loves you so much!!! Huwag mong pairalin ang pride mo!” ang pagsigaw niya rito.

Hindi na sumagot si Gap at tumakbo na palayo sa mga kaibigan. Hahabol na naman sana ulit si Symon pero pinigilan na siya nina Shane at Lexie. Lumapit muli sa kanila si Coleen.

“You guys go ahead na. I wanna be alone.” ang payapang sabi ni Coleen.


“Drive.” ang sabi ni Gap kay Shaun.

“What happened?” ang nag-aalalang tanong ni Shaun dito.

“I said, drive!” ang sigaw ni Gap kay Shaun.

Mabilis namang sumunod si Shaun at hindi na lang pinansin ang pagsigaw nito. Napakatahimik ng naging biyahe nila patungo sa bahay nina Gap. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

“Pasok ka muna.” ang kalmadong yaya ni Gap kay Shaun.

“No. Thanks.” ang cold na sagot ni Shaun.

“I’m sorry, Shaun. Please, samahan mo muna ako?” Tiningnan ni Shaun si Gap at nakita niya ang matinding pangangailangan nito ng kasama. Sobrang beat up na ang itsura niya dahil sa patong-patong na problema.

Dumiretso sila sa kwarto ni Gap. Dumapa agad ito sa malambot na kama at sinimulang muli ang pag-iyak. Patakbo namang lumapit si Shaun sa kanya para aluhin ito.

“My friends hate me.” ang pag-iyak niya.

“Shhh.”


Nakadikit ang ulo ni Symon sa back seat ng sasakyan habang umaandar ito. Katabi niya si Darrel habang si James ang nagda-drive at nasa passenger seat si Bryan.

“Hey.” ang pagtawag ni Darrel sa pansin ni Symon.

“Yeah?”

“Nakapag-usap na kayo ni Gap?”

“Ayaw niya akong kausapin. This is too much, Kuya Darrel. Our friendships are falling apart. Pati sina Coleen affected.”

“Give him some time pa. He’ll come around.”

“Sana nga.”

Naputol ang kanilang usapan nang mag-ring ang phone ni Symon. Si Lexie ang tumatawag kaya naman agad niya itong sinagot. Hininaan ni James ang volume ng radio na pumapailanlang sa loob ng sasakyan.

“Hey, Lex.” ang malungkot niyang bati rito.

“Sy. I’m quite worried about Coleen. Nandun pa rin siya sa puntod ni Jeric. Ayaw niya umalis. We need to go na ni Shane.”

“O sige. Ako na lang ang maghihintay sa kanya. Thanks, Lex. See you soon.”

“Ingat, Sy.” Ibinaba na ni Symon ang phone at bumaling kay Darrel. Sinabi niya kung ano ang nangyari at gusto niyang bumalik sa sementeryo para puntahan si Coleen.

“James, okay lang ba?” ang tanong ni Symon.

“Sure.” ang sabi ni James.

“Wag na, James. Ako na lang ang babalik. Malapit na naman ‘to sa amin. Okay lang padaan na lang? Para kuhanin ko sasakyan ng kapatid ko.”

“Mas okay ‘yun, Darrel.” ang sabi ni James.

“Para makauwi ka na rin, Sy. Para makapagpahinga ka na.” ang sabi ni Darrel kay Symon.

“Pero…”

“Hep. Let Kuya do this, okay?” ang sabi ni Darrel.

“Okay.”


Wala pang isang oras ay nakabalik na si Darrel sa sementeryo kung saan inilibing si Jeric. Nag-park siya kung saan nakikita na niya si Coleen na nakahiga sa damuhan sa tabi ng puntod ng boyfriend. Marahan siyang lumapit dito at umupo sa tabi nito.

“Hey.” ang bati ni Darrel.

“What are you doing here?”

“Sy told me na nandito ka pa. He wanted to fetch you pero he’s so tired.”

“Gap issue.” ang komento ni Coleen.

“Yeah. So why are you still here?”

“I don’t wanna walk away from him.”

“Life goes on, Coleen. Walking away from here doesn’t mean you’re walking away from him.”

“I don’t want my life to go on. Not without him.”

“But you’re not without him. Diba sabi mo kanina, he’s just around guiding you?”

“That’s me consoling myself. And this is me checking in to reality. He’s gone. He’s really gone. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.”

Instead na pilitin si Coleen umalis, humiga si Darrel sa tabi nito at tiningnan ang mga ulap. Walang tigil ang pag-iyak ni Coleen sa kanyang tabi.

“Okay. We won’t go until you’re ready. Jeric’s gone but that doesn’t mean you’re alone. I’ll stay here with you.”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment