by: Lui
Lumipas ang mga araw na naging abala
si Symon sa kanyang mga na-delay na commitments. Enrolment day na at maaliwalas
na ang lahat pero himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.
“Sy, gising na. I’ll drive you to
MSCA.” ang paggising sa kanya ni Grace.
“Hmm.” ang tanging sabi niya.
“Dali na. At pupunta ka pa sa network
after nun. Alam mong ayaw ni Tony na naghihintay.”
“5 minutes.”
Halos ayaw pang bumangon ni Symon pero
alam niyang kailangan na niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay bihis na siya
at pababa na ng hagdan. Matamlay siya katulad nang mga nagdaang mga araw.
Napansin na ito ni Grace pero nagsinungaling na ito na dahil lang siguro iyon
sa stress.
“May sakit ka ba? Ilang araw ka ng
ganyan, anak. Sabi mo okay ka, pero it doesn’t look like it.”
“I’m fine. Inaantok lang ako.”
Hindi na inubos ni Symon ang kinakain
at hinintay na lang ang ina sa sasakyan. Agad siyang nag-seatbelt bago isalpak
ang headset sa kanyang magkabilang tainga. Ipinikit niya ang mga mata nang
magsimula ang kanta at tanging si Gap lang ang kanyang naisip.
Pagkarating niya sa MSCA ay maraming
estudyante na ang palabas. Malamang tapos na mag-enroll ang mga ito. Mabagal
niyang nilakad ang papunta sa admin office. Okupado ang kanyang isip ng
samu’t-saring mga bagay. Nakayuko siyang naglalakad at nang mag-angat siya ng
mukha ay nakita niya si Gap na kasama ang ilang mga kaklase na hindi naman nila
ka-close.
Napatigil siya sa paglalakad at
tiningnan niya ito. Malakas ang tawanan ng grupo kung saan kabilang si Gap.
Nakaramdam yata ito at tumingin sa gawi ni Symon. Nagtama ang kanilang mga mata
ng ilang segundo. Nawala ang ngiti ni Gap. Lalapit na sana si Symon habang
nakakandado pa rin ang kanilang mga tingin ng biglang kumalas si Gap at bumalik
sa pakikipagharutan sa mga kasama. Napaatras ng kaunti si Symon at hinintay
munang makaalis ang mga ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
—
Tahimik lang si James habang
nag-aabang sila ng masasakyan. Hindi nagdala ng sasakyan si James dahil coding
siya kaya naman kailangan niyang mag-commute. Mataas na ang sikat ng araw kaya
naman hinatak ni Bryan si James para sumilong sa malapit na waiting shed.
Galing sila ng SPU para mag-enrol din sa second semester.
“Hatid na kita.” ang bulong ni Bryan.
“Wag na. Umuwi ka na.” ang sagot naman
ni James.
Hindi maintindihan ni Bryan kung
sarkastiko ba ito o hindi. Kaya naman tumahimik muna siya saglit. May isang bus
na ang tumigil sa harap nila. Naglakad na si James palapit dito na animo’y
walang balak magpaalam kay Bryan. Kaya naman sumakay na rin si Bryan sa bus.
Pero wala siyang nakuhang reaksyon kay James hanggang sa makaupo sila.
“Sabi ko diba huwag mo na ako ihatid?”
Hindi na umimik si Bryan. Mabilis na lang niyang hinablot ang kamay ni James at
idinaop ito sa sariling kamay. Hindi naman pumalag si James sa ginawang ito ni
Bryan. Nakita nilang palapit na ang konduktor sa kanila kaya mabilis silang
nagbitaw para kumuha ng pamasahe.
“Ako na.” ang pag-volunteer ni James
sa pagbabayad.
Pag-alis ng konduktor ay agad muling
inangkin ni Bryan ang kamay ni James at naging tahimik lang sa buong kahabaan
ng biyahe. Pasimpleng tinitingnan ni James si Bryan at nagtataka sa ipinapakita
nitong ka-sweet-an. Matapos ang libing ni Jeric ay hindi muna sila masyadong
nagkita para na rin bigyan ng espasyo ang isa’t-isa dahil sa problemang
kinakaharap.
“Are you saying goodbye?” ang
diretsahang tanong ni James nang malapit na silang bumaba.
—
Matapos magpunta sa registrar at sa
cashier ay nakuha na ni Symon ang kanyang registration form para sa second
semester. Hindi niya alam kung makikipagkita pa ba siya sa mga kaibigan pero
bago pa man siya makaalis ay nakita niya ang mga ito malapit sa park. Napatakbo
siya papunta sa mga ito nang makitang umiiyak si Lexie.
“What’s wrong?” ang alalang-alala niyang
tanong.
Nakapaligid sa kaibigan sina Shane,
Coleen at Darrel. Nagtataka siya kung bakit naroon ang huli pero hindi na lang
muna niya pinansin ito. Ang buong atensyon niya ay ibinaling kay Lexie na
walang tigil sa pag-iyak.
“Ang sama-sama niya! I was just trying
to help! Bakit kailangan niya akong pagsalitaan ng ganon?!!” ang patuloy ni
Lexie.
“Guys, what’s happening?!” may tono na
ng panic sa boses ni Symon.
“It’s Gap.” ang galit na baling ni
Shane kay Symon.
Nabigla naman si Symon sa ipinakitang
ekspresyon sa kanya ng kaibigan. Ngayon alam na niya kung bakit iba ang kasama
nito. Pero hindi niya pa rin alam kung ano ang ginawa ni Lexie kaya nagtanong
siyang muli.
“I was asking him to patch things up
with you. Pero sinigawan niya ako at sinabi niyang wala akong mangialam. Lahat
na lang daw ng bagay gusto ko involved ako.”
“Shhh. Hayaan mo na siya.” ang sabi ni
Coleen na halatang malungkot pa rin dahil sa pagpanaw ni Jeric.
“Sy, fix this!” ang galit na sabi ni
Shane na ikinainis ni Symon.
“Anong gagawin ko? Kahit ako, ayaw
niyang kausapin.” ang sabi ni Symon.
“Let him be.” ang pagsingit ni Darrel.
Gustuhin man ni Symon na mag-stay
kasama ang mga kaibigan pero nakatanggap na siya ng tawag na malapit na ang
kanyang sundo papunta sa network. Niyakap na lang niya ng mahigpit ang mga
kaibigan maliban kay Darrel at paulit-ulit ang pagsasabi ng sorry. Naramdaman
ni Symon ang pilit na pagyakap sa kanya ni Shane.
“Huwag niyo na lang muna kaming
pansinin. We’ll fix this on our own.”
“Dapat lang, Sy.” ang sabi ni Shane.
“Shane, huwag ka namang ganyan,
please. This isn’t easy for all of us.” ang malumanay na sabi ni Symon.
“Naging problema na rin naman ‘tong
problema niyo eh!” ang pagpapakawala ni Shane sa emosyong kanina pa pinipigilan
dahil sa patuloy na pag-iyak ni Lexie.
“Sinabi ko bang problemahin niyo?”
“Shane, stop it.” ang sabi ni Coleen
nang nagbalak pa si Shane na sumagot kay Symon.
“Ah, so kampihan na?!” ang inis na
sabi ni Shane.
“Shane… SHANE!” ang sigaw ni Lexie
nang biglang umalis ito.
“I gotta go, guys. I’m so sorry.” ang
sabi ni Symon nang makatanggap siya muli ng tawag dahil nasa labas na ng campus
ang kanyang sundo.
—
“May I come in?” ang tanong ni Bryan.
“You still haven’t answered my
question.”
“Please?”
“Okay.”
Pumasok sila sa loob ng bahay. Walang
tao dahil nasa trabaho pa ang ina ni James kaya naman sa sala sila nag-stay.
Umupo si Bryan sa mahabang sofa at hinila niya si James na umupo sa tabi niya.
Niyakap niya ito ng mahigpit at nagsimulang umiyak.
“What’s wrong? It’s okay if you chose
him. I’d understand.”
“No. Ayokong iwan ka. Ayokong pilian
siya. He’s my past. You are my present and my future.”
“Pero, Bry…”
“James, please. Tell me na we can go
back to how we were before Shaun appeared. Please. I need you.”
“Bry, sigurado ka na ba? Kasi alam mo
kung gaano kita kamahal. Kaya kitang pakawalan kung kailangan pero alam mong
hindi kita kayang iwan mag-isa.”
“I love you, James. Please. Let’s be
okay, please?”
“Tahan na. I’m here, okay. I love you.
I’ll stay with you.”
Isang mabilis pero punung-puno ng
pagmamahal na halik ang kanilang pinagsaluhan. Matapos iyon ay humilig si James
kay Bryan at niyakap niya ito ng mahigpit. Sobrang na-miss niya ang ganitong
tagpo kaya naman laking tuwa niya na sa kanya pa rin si Bryan.
“Sana pwedeng ganito na lang forever.
Ayoko nang humiwalay sa’yo.” ang bulong ni James.
—
Nasa kalagitnaan ng recording si Symon
para sa soundtrack ng isang pelikula nang biglang pumasok si Tony sa studio at
ipinatigil sandali ang ginagawa. Kinuha niya ang bote ng tubig na nakapatong sa
nag-iisang table roon at uminom bago lumabas at puntahan si Tony.
“Hey, Sir Tony. What’s up?” ang
kanyang tanong habang pilit na itinatago rito ang kalungkutan.
“Guess what, Sy?” ang excited na sabi
nito sa kanya.
“What?” ang tanong niya kasabay ng
malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
“We’re about to prepare for your first
major concert!” Ang lahat ng nakarinig sa loob ng studio ay napasigaw at
napapalakpak dahil sa magandang balitang sinabi ni Tony. Panay ang pag-congratulate
ng mga tao sa kanya pero hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.
“I’m sorry, pwedeng pakiulit? First
what?”
“First major concert, Sy! Your time to
shine even brighter!!!”
“For real??!” ang masayang tanong ni
Symon dito nang sa wakas ay nag-sink in na sa kanya ang mensahe.
“Yes! On January next year, ikaw ang
pupuno sa pinakamalaking coliseum sa Metro Manila.”
“You’re kidding, right?” ang
natatawang sabi ni Symon.
“No, I’m not!” Lumapit kay Symon ang
PA at iniabot sa kanya ang cellphone dahil sa isang tawag. Unregistered number
ito at nasagot na ng PA kaya naman agad niyang inilapat sa kanang tainga ang
telepono at nagsalita.
“Hello?”
“Hi, Symon. This is Leo.”
“Sir Leo? As in the president of
Channel 3?”
“Yes, yes.” ang natatawang sabi nito.
“Hi, Sir! Kamusta po?”
“I’m good. Ikaw ang kamusta? I trust
Tony has already told you the great news.”
“About the concert?”
“Yes! People are already demanding for
it. So why not give them what they want, right?”
“Wow. Thank you so much, sir!”
“You better start working it out. You
gotta make me proud. Alright?”
“Sure! Thanks a lot!”
“Anytime. Have a great time!” Iyon na
ang pagsisimula ng pagsigaw ni Symon dahil sa sobrang tuwa. Pero matapos ang
ilang minuto ay na-realize niya kung gaano kabigat ang responsibilidad na
kaakibat nito. Agad niyang kinausap si Tony tungkol sa kung paano nila
sisimulan ang proyekto.
“We have a meeting tomorrow morning to
determine who will be part of your entourage. Start thinking about creative
things you want to do. I’m giving you a say on the creative side of things
since this is your show. Okay?”
“Alright. It’s gonna be great, and
ultimate, and jaw-dropping, and, nawalan na ako ng adjectives!” ang natatawa
niyang sabi.
“Go, finish your recording.”
“Wait, I gotta tell…” Natigilan siya
dahil muntik na niyang masabi ang pangalan ni Gap. Bumalik na naman ang
malungkot na pakiramdam nang maalala niyang wala na nga palang pakialam si Gap
sa kung ano ang sasabihin niya. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang kakalabas pa
lang na phone.
“It can wait. Later, Sir Tony.”
—
Maagang natapos ang araw para kay
Symon. Agad siyang dumiretso sa bahay matapos ang recording para i-announce sa
pamilya ang nalalapit na concert. Agad na um-order si Grace ng special dinner para
sa lahat bilang pagse-celebrate sa success ni Symon.
“I know you’ll do great.” ang sabi ni
Grace sa anak.
“Sinong guest mo, Kuya? VIP Pass ha?
Baka nandun si ano…” ang kinikilig na sabi ng kapatid na bunso.
“Si Vince David na naman?” ang
pang-aasar ni Hanna sa kapatid.
“E, cute kaya siya!”
“Sige, tatanungin ko bukas kung
magiging guest ko siya.” Matapos ang masayang dinner kasama ang ina at mga
kapatid ay umakyat na si Symon sa kwarto. Binuksan niya muna ang aircon bago
nagtungo sa CR para mag-shower. Matapos ang ilang minuto, umupo siya sa kama at
binuksan ang TV habang tinutuyo niya ng towel ang basang buhok. Naabutan niya
ang isang talk show sa isang news channel kung saan ay featured siya dahil sa
pagkamatay ni Jeric. Muling nanumbalik ang lungkot kaya’t kinuha niya ang
cellphone at nag-text sa mga kaibigan.
“Sorry, guys sa nangyari kanina. I
miss you all.:(” ang kanyang message pero wala ni isa ang nagreply.
Pinatay niya ang TV at ibinaling na
lang ang buong atensyon sa kanyang cellphone. Hinanap niya sa kanyang contacts
ang number ni Gap. Pinindot niya ang “call” sa kanyang phone at pinakinggan ang
mga rings hanggang sa tumigil ito. Muli niyang narinig ang boses ni Gap. Parang
biglang na-out of place ang kanyang puso at may kung anong kirot siyang
naramdaman.
“Hi, Gap here. Leave your message
after the beep. Thanks!” ang sabi ng recorded na boses ni Gap para sa kanyang
voicemail.
“Hey, Gap. I hope you listen to this.
I have great news! I’ll be having my first major concert in January. Ise-save
na kita agad ng isang seat ah. Hmm. I hope you’re okay. Sana kausapin mo na
ako. I miss you. I love you so much.”
Nahihinulugan na si Symon nang biglang
tumunog ang kanyang phone. Pangalan ni Gap ang nag-register kaya naman agad
niyang binuksan ang message. Napakasimple lang ng sinabi nito na nagpaluha kay
Symon.
“Stop calling me.”
—
Dumating na ang araw ng pagsisimula ng
klase. Agad na tumabi si Symon kay Coleen. Mukhang okay na naman si Shane kaya
nag-lakas loob na siyang lapitan ito. Niyakap siya nito ng mahigpit habang
paulit-ulit ang pagsasabi ng ‘sorry’. Mas okay na rin ang estado ni Coleen.
Kahit papaano ay nakakangiti na ito kahit na may lungkot pa rin sa kanyang mga
mata.
“Kamusta na kayo?” ang tanong ni
Coleen nang makitang sa ibang grupo sumama si Gap.
“He asked me to stop calling him so I
did.”
“So, anong status niyo?” ang follow-up
question naman ni Lexie.
“Hindi ko alam.”
“Hindi ka ba nahihirapan?” ang tanong
naman ni Shane.
“Siyempre, nahihirapan. Pero mukhang
kailangan niya ng space kaya binibigay ko sa kanya iyon.”
“I’ll talk to him.” ang sabi ni Coleen
at akma nang tatayo nang pigilan siya ni Symon.
“Wag na, Coleen. Let him be.”
“But…”
“No, if that’s what he wants, fine.
I’ll move forward.”
“Without closure?” medyo hysterical na
sabi ni Lexie.
“Hindi lahat ng closure sinasabi, Lex.
I can feel it. I can feel that we’re done.”
“Sy, those are just assumptions.” ang
sabi ni Coleen.
Napaisip si Symon sa sinabing iyon ni
Coleen. Sinulyapan niya si Gap at nakita niyang tumatawa ito kasama ang bagong
grupo pero pansin niya ang mga tingin nito sa ibang kasama na animo’y hindi
niya ito kilala. Gusto niyang hablutin si Gap mula roon at kausapin na ito pero
hindi niya magawa dahil sa takot na mapahiya.
“What should I do?”
“Talk to him.”
“I tried. God knows how hard I tried.”
“Try harder.”
Napatanong si Symon sa sarili, “Should
I?”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.wordpress.com
No comments:
Post a Comment