Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (19): Book 2

by: Lui

Matapos ang guesting sa isang morning show ng Channel 3 ay pahinga na ni Shaun kaya naman naisipan niyang puntahan si Gap sa kanilang bahay. Tuwing Miyerkules kasi ay wala itong pasok, tanda niya na sinabi iyon sa kanya ni Gap. Pero pagdating niya sa village ay walang tumutugon sa bahay nina Gap kahit ilang ulit na siyang nag-doorbell.

“Hijo, walang tao d’yan ngayon.” ang sabi ng isang babae na nasa loob ng sasakyan na kalalabas pa lang sa driveway.


Mabilis na lumingon si Shaun sa pinanggalingan ng boses at ngumiti. Isang hindi naman katandaang babae ang nagsalita. Halatang may posisyon ito sa isa sa mga malalaking kumpanya sa siyudad dahil sa angking sophistication. Lumapit siya rito para magpasalamat.

“Ganon po ba? Thank you po!” ang magalang na sabi ni Shaun.

“Sandali, nakikilala kita ah. Ikaw ba ‘yung nasa Channel 3 kanina?” ang hindi makapaniwalang tanong nito.

“Ah. Opo. Kaibigan ko po si Gap, yung nakatira rito.” ang sabi niya sabay turo sa bahay ng kaibigan.

“Ganon ba? Naku, parang anak ko na ‘yan si JR. Kilala mo rin siguro ang anak ko? Si James. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawang ‘yan. Magkasama silang nagba-basketball ngayon diyan sa may court. Puntahan mo na lang.”

“Talaga po? Salamat po!”

“Gusto ko sana magpa-picture sa’yo! Sinubaybayan kita sa contest niyo ni Symon noon. Pero since you’re friends with JR, next time na lang. Male-late na rin ako.”

“Sige po. Salamat po ulit. Ingat po kayo!” ang nakangiting paalam ni Shaun.

Hindi naman nahirapan si Shaun hanapin ang court na tinukoy ng ina ni James. Marahan siyang lumapit dito at pasimple munang nagmasid mula sa isang puno sa di-kalayuan. Nang makitang palapit na ang dalawa sa bench ay nagdesisyon na siyang lumapit. Kita sa mga mata ni Gap ang labis na pagkagulat habang wala namang reaksyon si James na para bang wala itong nakita.

“O, Shaun! Akala ko may guesting ka ngayon?”

“Yup. Tapos na, kanina pa. I dropped by your house pero walang tao.”

“Oo. Nasa work na si Mama. E naisipan kong magpapawis lang kaya heto. Paano mo kami nahanap?”

“Ah. I saw James’s mom.”

“You talked to my mom?” ang nakapukaw sa atensyon ni James.

“Yeah. Kakalabas pa lang niya ng driveway niyo and she saw me. Ayun. Sabi niya nandito raw kayo.”

“Nice. Gusto mo ba maglaro? Kaso weird, tatlo tayo.”

“Hmm. Oo nga, sayang.”

“One-on-one?” ang walang emosyong imbita ni James kay Shaun.

“Huh?” ang gulat na wika ni Shaun.

“One-on-one tayo. Basketball.” ang pag-ulit ni James.

“James, walang personalan.” ang pagsingit ni Gap.

“Don’t worry.” ang sabi ni James kay Gap bago ang isang ngiti.

“Sure.” ang pagpayag ni Shaun.

Kinuha ni James ang bola mula kay Gap at tumakbo pabalik sa court. Nagsimula itong mag-dribble at mag-shoot mag-isa habang hinihintay si Shaun na lumapit. Si Gap naman ay mukhang alala habang nakaupo at nagpupunas ng pawis.

“Sigurado ka ba?” ang tanong ni Gap habang hinuhubad ni Shaun ang suot na polo at tanging sando na lang ang suot.

“Yup. Wala namang problema e.” ang sagot ni Shaun nang hindi man lang tumitingin kay Gap.


Nang umaga ring iyon ay nasa studio si Symon kasama ang isang banda para sa unang rehearsal nila. Halos isang linggo at kalahati na ang nakaraan simula nang i-anunsyo ang kanyang first major concert. Paspasan ang kanilang trabaho dahil sa kakarampot na panahong ibinigay sa kanila.

“Can we start over?” ang naiinis na tanong ni Symon sa banda.

Nakaupo sa isang high chair si Symon habang nakahawak ang isang kamay sa mikropono nang biglang dumating ang isang batikang showbiz reporter.

“Guys, let’s have a break muna.” ang sabi ng musical director niya.

May nakahanda nang pagkain para sa lahat sa hallway kaya naman masaya ang lahat dahil hindi na sila maghihintay pa. Mabilis na lumapit kay Symon si Tony at ang isang assistant habang abala naman sa pakikipagkwentuhan sa direktor ang reporter.

“Sy, you want anything? Coffee?”

“Sure. Macchiato over ice please? Thanks!” ang magiliw na sabi ni Symon.

“Over ice? Are you crazy?” ang tanong ni Tony.

“It’s not gonna hurt my voice. It’s just a cup.”

“Get him a bottle of water. Yung hindi masyadong malamig.” ang utos ni Tony sa PA.

“Sir, I want my macchiato.” ang parang batang sabi ni Symon.

“No. Symon, listen to me. The Raymund Marcelino is here. He’s gonna do an interview with you for 10 minutes. Okay?”

“I want my macchiato.”

“Since when did you become a brat?” ang naiinis na tanong ni Tony.

“About a few seconds ago, Sir.” ang sarkastiko niyang sagot.

“Kapag ikaw nawalan ng boses, huwag mo akong sisisihin.”

“Don’t worry, Sir. I won’t.” ang mahina niyang tugon dito bago lumabas ng studio at puntahan ang sikat na reporter.


Patakbong lumapit si Gap kina James at Shaun na nagkakainitan na sa paglalaro ng basketball. Ilang minuto pa lang silang nagsisimulang maglaro pero nagka-personalan na agad ang laro.

“No worries ah?” ang inis na sabi ni Gap kay Shaun.

“Hindi ako ang nagsimula.” ang depensa nito.

Isang malutong na mura ang sinabi ni James dito at sumugod palapit sa kanya. Agad namang isinangga ni Gap ang sarili para hindi maituloy ni James ang binabalak na pagsuntok kay Shaun.

“Hindi ikaw ang nagsimula e ikaw nga ‘tong bigla na lang sumulpot at gumulo sa buhay namin ni Bry.”

“Tapos na iyon, James. Nasayo na siya diba? Ano pa ba ang gusto mo?”

“Eto.” Hinawi ni James si Gap at tumama ang kamao niya sa mukha ni Shaun. Napaupo naman si Gap dahil sa lakas ng pagtabig sa kanya ng kaibigan at hindi na nagawa pang pigilan ito. Maging si Shaun ay nagulat at na-out of balance. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni James matapos iyon at naglakad palayo sa kanila na parang walang nangyari.

Inilapat ni Shaun ang mga daliri sa parte ng mukha kung saan tumama ang kamao ni James. Tiningnan niya ito at nakita ang dugo. Tumingin siya kay Gap na humahangos palapit sa kanya. Tinulungan siya nitong makatayo.

“I’m okay.” ang sabi niya habang hawak ang dumudugong labi.

“Sinabi naman kasing huwag nang maglaro eh. Tara sa bahay.”

“Pinagalitan pa ako.” ang natatawa niyang sabi rito.

“Pasaway ka kasi. Alam mo namang kumukulo ang dugo sa’yo ni James.”

“He needed it.” ang sabi niya habang naglalakad na sila palabas ng court.

“What do you mean?”

“He won’t be okay until he hurts me.”

“Ganon? Hmm. Ayan, napala mo.” ang sabi ni Gap bago niya pabiro itong itulak palayo.

Naging tahimik ang mga sumunod na minuto. Tila ba naghahagilap sila ng masasabi hanggang sa dumating na sila sa tapat ng bahay nina Gap. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay iniwan niya sandali si Shaun sa sala para kuhanin ang first aid kit. Nang makabalik siya sa sala ay ibinato niya rito ang isang ice pack para maibsan ang pamamaga ng labi nito.

“Aray!” ang sigaw ni Shaun nang hindi niya masalo ang ihinagis ni Gap at tumama ito malapit sa kanyang mata.

“Ay sorry!” ang natatawang sabi ni Gap dito bago pulutin ang ice pack na nahulog.

Umupo siya sa tabi nito na nakasandal na sa kanilang sofa at sapo ng kanang kamay ang kanyang mukha. Marahang inilapat ni Gap ang ice pack sa labi ni Shaun na ikinagulat ng huli. Hinawakan niya ang ice pack pero dahil sa pagkagulat ay kamay ni Gap ang kanyang nahawakan. Natigilan sila parehas.

“Sorry. Akin na yan. Nakakahiya naman sa’yo.”

“It’s okay. Ako na. Magpahinga ka na lang diyan.” Hindi na tumutol pa si Shaun at muling sumandal habang si Gap naman ay mas lumapit pa sa kanya. Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa maliban sa mangilan-ngilang pagdaing ni Shaun dahil sa hapdi ng sugat. Pasimpleng nagdilat ng mga mata si Shaun matapos ang ilang minutong pagkakapikit. Tinitigan niya ang mukha ni Gap at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

“You miss him?” ang tanong ni Shaun sa kanya.

“Huh?” ang lutang na tugon ni Gap.

“Symon, how’s he?” ang pag-iiba ni Shaun sa kanyang tanong.

“I don’t know?”

“Kamusta na kayo?”

“Why so many questions? Shhh. Dudugo lalo yang labi mo.”

“Bakit di mo sagutin? Do you miss him?”

“Stop it, Shaun. I don’t wanna talk about it.”


Biglang nagbago ang mood ni Symon nang humarap siya sa host. Sa ilang buwan niya sa industriya, alam na niya kung kailan kailangang mag-pretend na masaya at kung kailan dapat ipakita ang tunay na nararamdaman. Nakipagkamay siya rito bago ilahad ng host ang magaganap na interview.

“So, this is for the promotion of your concert which really is unnecessary since I heard almost sold out na raw ang tickets.” ang magiliw na sabi nito habang sine-set up ang main camera.

“Medyo nasa-starstruck po ako. Kahit na pang-ilan na ‘to.” ang pagsasabi ni Symon ng katotohanan.

“You ready?” ang tanong sa kanya ni Raymund.

“Sure po.”

Isinimple ng PA ang pag-abot kay Symon ng pinabiling inumin habang abala ang host sa kanyang opening spiel sa harapan ng camera. Hindi na inayusan si Symon at simpleng jacket ang pants lang ang suot.

“Narito po tayo ngayon sa studio kung saan nagri-rehearse ang ating Ultimate Crooner para sa kanyang nalalapit na concert.”

Naabutan si Symon ng camera na umiinom kaya naman natawa ito ng bahagya. Maging si Raymund ay natawa sa pagiging natural ni Symon. Kitang-kita ang rapport sa pagitan ng dalawa dahil para lang silang nagkwentuhan. Nariyan ang mga paghalakhak ni Symon dahil sa mga silly questions ni Raymund na siguradong ikakatuwa ng mga fans.

“I really don’t wanna tell you that, Tito Ray! Swear!” ang natatawang sabi niya nang tanungin siya patungkol sa kanyang humble beginnings.

“Marami ang nagtatanong. At may nakapagsabi sa akin na sa isang musical ka raw unang narinig kumanta. Tama ba iyon?”

“Opo. Last year, sa isang class ko po sa MSCA, we did a production. It’s called the Dress-Up musical. Hanggang doon na lang po muna.”

“What’s with the giggle?” ang natatawang tanong ng host.

“You have to see the concert.” ang pagpapatakam ni Symon habang nakatingin sa camera.

“I bet, mauubos na ang tickets ngayon dahil dyan, Sy. Maiba tayo.”

Umayos si Symon ng upo dahil nakita niya sa mukha ni Raymund ang biglang pagseryoso. Isang assuring nod ang ibinigay nito sa kanya bago siya ngumiti ng matipid. Kinuha niya ang cup sa kanyang tabi at hinawakan ito dahil sa biglang pagkabog ng kanyang dibdib nang magtanong muli si Raymund.

“Recently, a close friend of you passed away. We all witnessed how devastated you were. May ilang bumatikos dahil sa pinakita mong rudeness sa media. Pero mas nakararami ang nakiramay sa’yo. How did it affect you?”

Hindi agad nakapagsalita si Symon. Yumuko siya sandali nang muling nanumbalik sa kanya ang imahe ni Jeric, ng mga kaibigan. Ni Gap. Lahat iyon ay naapektuhan. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya kay Raymund bago sumagot.

“First, Tito Ray, I wanna apologize to the press for being ‘rude’. I was just so beside myself when my friend left us. We were in an accident and ako yung huli niyang nakita before he passed away. Sobrang nalungkot talaga ako. How did it affect me? Well, honestly speaking, yung barkada ko has never been the same. There’s this GAP missing that no one else can fill in…” Nagulat siya sa kanyang nasabi dahil sa mas malalim na meaning nito. Namuo ang luha sa kanyang mga mata pero agad naman niya itong nalabanan. Ilang mga tanong pa ang ibinato sa kanya hanggang sa nabago na ulit ang mood.

“So, before we close this interview, what can we expect from your show?”

“Well, there’s a lot of singing, of course. Dancing? Yeah, I’m taking lessons! There’s a whole bunch of stuff awaiting all those ticketholders! It’s gonna be quite a show.”

“And I heard you’re already working on the next album? You’re really unstoppable.”

“Not yet “officially” working on it but I’m doing some writings.”

“Writings?”

“Opo. I’ll be writing some of the songs for the second one.”

“Wow!!! Na-excite naman ako.”


Muling idinampi ni Gap ang ice pack sa labi ni Shaun pero umiwas ang huli at lumayo ng pag-upo sa kanya. Inilagay ni Gap ang hawak sa center table at nag-indian seat paharap kay Shaun.

“O bakit?” ang tanong ni Gap dito.

“Huwag ka ngang ganyan, Gap. Hindi maganda ‘yang ginagawa mo. Para kang bata!”

“Ano bang ginagawa ko?” ang pagmamaang-maangan niya.

“Sige, gumanyan ka. Babatukan kita!”

“Sige nga.” ang paghamon ni Gap dito.

Tumayo si Shaun mula sa pagkakasandal at binatukan ng malakas si Gap. Dumaing naman ang huli dahil sa mabigat na pagtama ng kamay nito sa kanyang ulo. Pabagsak na bumalik si Shaun sa pagkakaupo sa tabi ni Gap.

“I had your permission.” ang sabi ni Shaun.

“E bakit ang lakas?”

“Para matauhan ka! Ang duwag, duwag mo! Nag-away lang kayo ni Symon, nag-inarte ka nang ganyan. Ano ka ba, Gap! Maswerte ka’t may Symon ka. Huwag mong sayangin ‘yung oras niyo.”

“May Symon ako? May Darrel siya.”

“Sigurado kang may Darrel siya? Sinabi ba niya?”

“Actions speak louder than words.”

“But you never let him explain.”

“Why should I?”

“Tigilan mo nga!” Isang suntok sa braso ang ibinigay ni Shaun kay Gap dahil sa pinapakita nitong resistance sa pakikipag-ayos kay Symon. Binato naman siya ni Gap ng unan. Sandali silang nawala sa pagiging seryoso pero agad ring ibinalik ni Shaun ang topic.

“Open the communication line, Gap. You’re more than this. I know you love Symon so much you wish you died with Jeric.”

“How did you know that?” ang gulat na tanong ni Gap.

“Been there. Kaya take it from me, be the bigger man. Don’t be a wimp!”


Lumipas ang ilang araw, halos hindi na nakakapasok si Symon sa kanyang mga klase dahil sa paghahanda sa nalalapit na show. Si Gap naman ay naging tahimik lang. Bumalik na siya sa pagsama kina Coleen pero hindi siya masyadong nakikipag-usap sa mga ito. Nakahingi na rin siya ng tawad kay Lexie. Hinihintay niya ang pagpasok muli ni Symon sa MSCA pero dalawang magkakasunod na araw na itong wala.

“Papasok ba si Symon ngayon?” ang tanong niya kay Coleen.

“Hindi ko alam. He’s not answering my calls. Baka kapag ikaw ang tumawag, sumagot siya.” ang sabi ni Coleen.

“Mamaya na lang.”

“Hey, dinner later ha? Wag kang mawawala.” ang pagpapaalala ni Shane.

“Sure.” Pagkauwi niya ng bahay ay nagpahinga siya sa kwarto. Limang oras pa bago ang napag-usapang dinner since umaga lang ang klase nila. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isip ang mga sinabi ni Shaun. Halos patalon siyang bumangon at nagsuot muli ng sapatos.

“This is too much. I love him. I can’t let him go.” ang sabi niya sa sarili bago tumakbo palabas para puntahan si Symon.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment