Tuesday, December 25, 2012

Shufflin' (20): Book 2

by: Lui

Tig-iisang platform ang lahat ng mga nakalaban ni Symon sa finals ng Ultimate Sing-Off. Isa-isa silang kumanta bago i-play ang recording ng boses ni Vince David noong sila ay natanggal at patayin ang spotlight na nakatutok sa kanila. Masaya ang bonding ng lahat habang rehearsals para sa concert ni Symon. Iyon ang isa sa mga magiging highlight ng show kung saan isa-summarize sa isang number ang rise to fame ni Symon.

“Let’s skip on Sy/Shaun face-off! 10-minute break everyone!” ang sigaw ng direktor.


Nagpatuloy ang rehearsals matapos ang break. Tagaktak na ang pawis ni Symon sa pagsasayaw. Marunong naman siya pero hindi kasing-galing ni Gap. Naka-set up na ang stage sa coliseum pati na ang mga lights. Ang mga dancers ay nakakalat sa multi-layered na stage. Hawak ni Symon ang isang mic habang hindi bigay na bigay sa pagkanta ng isa sa mga mabibilis na kantang aawitin. Malikot ang mga ilaw na sabay sa beat ng tugtog.

Kinanta ni Symon ang huling chorus maliban sa huling line. Namatay ang lahat ng ilaw sa buong coliseum. Malakas na nagbilang ang direktor hanggang tatlo bago sumigaw si Symon ng “Turn All the Lights On!”. Napapalakpak ang direktor dahil swak na swak ang ginawa ni Symon.

“Then boom!!! Fireworks in the stage before turning all the lights! Perfect!!!” ang masayang sabi ng direktor.

“I’m thrilled!” ang sabi ni Symon.

“It’s all about timing, Sy. You’re doing great!” Bumaba si Symon sa stage patungo sa front seat para kuhanin ang tumbler sa kanyang PA. Pinunasan nito ang pawis niya habang hingal na hingal siyang umiinom ng tubig. Nakita niyang palapit sa kanya ang direktor na hindi maitago ang excitement.

“I can’t wait to see the whole show, Sy.”

“Ako rin. We’re almost there, Direk?”

“Yeah, konting polishing na lang. Then, dress rehearsals tayo in a few days. Let’s take one last take sa last set mo. Then, we’ll call it a day.”

“Sure. I’ve dinner plans. Pero, hindi ko pa tapos yung kanta ko. I mean, writing.”

“Kahit parts na lang muna. Pero when are you recording it?”

“Day before the show. We’ll release it a day after kasi.”

“Cool. You should be done with it.”

“Oo nga, Direk eh. Konti na lang po.”

Muli silang bumalik sa rehearsals para sa last set of songs ni Symon. Ilang araw na lang at concert na niya. Hindi naman sila gahol sa oras. Naroon sa rehearsals ang mga nakalaban niya sa Ultimate Sing-Off dahil may mga production number ang mga ito in-between his sets at meron ding kasama siya. Tatlumpung minuto pa ang lumipas at natapos na ang rehearsals para sa araw na iyon.

“Sy, may pictorial ka tomorrow for the second release ng pubmat ng concert. 10:00AM then my video shoot after for the concert’s AVP.” ang anunsyo ng PA habang naglalakad sila papunta sa backstage.

“Okay. Thanks!”

“And, Sy, hinihintay ka pala ni Gap sa dressing room mo.”

“Sino?”

“Si Gap. Kanina pa siya nandito.”

“Really? Pasabi sandali lang. Pakuha na lang ng gamit then paantay na lang sa sasakyan. Daan lang ako saglit sa kabila.” ang sabi ni Symon at tinuro ang dressing room ng mga kaibigan sa Ultimate Sing-Off.

“Okay.” Marahang kumatok si Symon sa katapat na dressing room. Gusto na niyang pumasok sa kanyang dressing room pero ang lakas pa ng kabog ng dibdib niya. Tsaka nandoon pa ang PA niya. Baka hindi niya mapigilang mayakap agad si Gap kapag nakita niya ito. Kinalma niya muna ang sarili at nakipagkulitan sa mga kaibigan.

“Si Ate Dana, nasaan?” ang tanong niya kay Jamille.

“Ah. Lumabas lang. May ibibigay kay Vince.” ang sagot nito.

“Sige, thanks. Bukas ulit, guys! Thanks, ingat!” ang paalam niya.

Panay ang buntong hininga ni Symon pagbalik niya sa hallway. Lumipat lang siya sa kabila para sa dressing room ni Vince. Hawak na niya ang door knob nang lumabas mula sa kanyang sariling silid ang PA at nagpaalam sa kanya. Tinanong niya pa ito kung naroon pa si Gap at tumango ito bilang pagsagot ng oo. Pagkalampas sa kanya ng PA ay binuksan niya na ang pinto ng room ni Vince at nagulat sa kanyang nakita.

“Ooops! Sorry.” Mabilis niyang isinara ang pinto bago patakbong pumunta sa kanyang dressing room at i-lock ito. Pagharap niya sa silid ay naroon ang nagtatakang si Gap na nakaupo malapit sa kanyang vanity mirror. Ilang segundong mabilis na kumurap si Symon para paniwalain ang sariling hindi panaginip ang kanyang nakikita. Tumayo si Gap palapit sa kanya at hinawakan siya sa pisngi.

“Are you… Are you really here?” ang tanong ni Symon.

“Yes. I’m here. And I’m sorry.”

“Don’t be. Kasalanan ko naman.”

“Are you okay?”

“Yeah. Now that you’re here. I’m perfectly fine.” Hindi na sumagot pa si Gap at siniil niya na ng halik si Symon. Natigilan lang sila nang may kumatok sa pinto. Mabilis na naghiwalay ng sandali ang dalawa. Narinig ni Symon ang boses ni Vince.

“Shh. He doesn’t know we’re here.” ang bulong ni Symon bago muling halikan si Gap.

“I missed you.” ang bulong ni Gap sa pagitan ng paglalapat ng kanilang mga labi.

Iniupo ni Gap si Symon sa maliit na table sa tapat ng salamin bago marahang ibinaba ang zipper ng suot nitong jacket. Mahigpit ang pagkakayakap ni Symon sa batok ni Gap kaya naman hindi mapaghiwalay ang kanilang mga labi. Pero pilit na kumawala si Gap para humagilap ng hangin bago muling halikan si Symon pababa sa kanyang leeg.

“Gap…” Hinawakan ni Symon ang ulo ni Gap para i-lebel ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Bakas na bakas ang apoy sa  pagitan ng mga ito.

“Yeah?”

“Are you sure you wanna do this? Right here, right now?”

“Kinky huh?” ang nanunuksong bulong ni Gap sa tainga ni Symon.

“Stop it.” ang natatawang sabi ni Symon.

“I won’t push. Sorry.”

“We’re good?” ang tanong ni Symon nang humupa na ang tensyon sa kanilang dalawa.

“Yup. I missed you.”

“I missed you, too. I love you, Gap.”

“I love you, Sy.” Mahigpit na hinawakan ni Symon ang dalawang kamay ni Gap at masuyong hinalikan ang mga ito. Tumayo si Symon at niyakap niya ng mahigpit si Gap para makabawi sa dami ng araw na hindi sila nag-usap. Nasa ganoong posisyon sila nang ilang minuto. Tahimik. Tila walang pakialam sa oras.

“Akala ko ba ayaw mo? Ano yang nararamdaman ko sa may…” ang panunukso ni Gap.

“Shut up, Gap! Tara na. Naghihintay na sila sa akin.”

“Coleen’s inviting for a dinner later. You coming?”

“Yep. Pero dadaan muna ako sa MSCA. Ikaw?”

“Same. Nandun pa sina Lex.”

“Tara, sabay ka na sa amin.”

“Mahahawakan ko ba ang kamay mo sa van?” ang tanong ni Gap.

“Bakit naman hindi?” ang nakangiting sagot ni Symon bago buksan ang pinto.


Nang makarating sila sa MSCA ay tumigil sina Symon at Gap sa paglalakad nang nasa harap na sila ng park. Pasimple niyang hinawakan ito sa kamay at tiningnan ito sa mga mata.

“Gap, I’m going to see Kuya Darrel. I hope it’s okay with you. May kailangan lang akong sabihin sa kanya.” ang paalam ni Symon.

“Sure. Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin.”

“Pero baka…”

“Nope. It’s okay. Hahanapin ko lang sina Lex.”

Naglakad na si Symon papunta sa SC office habang si Gap naman ay hinanap ang mga kaibigan sa park. Hindi naman siya nahirapan dahil naroon sa spot kung saan sila madalas tumambay sina Shane at Lexie. Hinalikan niya sa pisngi ang mga ito.

“You’re happy.” ang sabi ni Lexie.

“I am.”

“Okay na kayo?” ang tanong ni Shane.

“More than okay. Where’s Coleen?” Nagkatinginan ang dalawa at parang walang gustong sumagot. Unang nagbaba ng tingin si Lexie kaya naman si Shane na ang nagsalita.

“He went to Jeric.”

“Again?” ang tanong ni Gap.

“Yeah. Everyday siyang nandoon.”

“Pero may dinner tayo later? And she seems happy naman kanina.”

“She’s better now. Pero I’m quite concerned, honestly. Do you think going to Jeric’s grave everyday is helping her?” ang tanong ni Lexie.

“She’s coping up. Let her be.”

“I’m sad for her. I mean, nawala na ‘yung energy ni Coleen. Dati super bubbly siya.” ang sabi muli ni Lexie.

“Give her time. She’s still grieving. We all are.” ang sabi ni Gap.

“Sabagay. Anyway, details, Gap! What happened?” Kinwento ni Gap kung paano siya pumunta sa rehearsals ni Symon sa coliseum at kung gaano siya katagal naghintay para matapos ito. Hindi na niya ibinahagi pa ang nangyari behind locked doors pero satisfied naman ang mga kaibigan sa detalyeng ibinigay.

“So, nasaan siya?”

“Nasa SC office. May sasabihin lang daw kay Kuya Darrel.”

“And you’re okay with it? Diba siya ang reason kung…”

“It’s fine. I trust him. Ako lang naman ‘tong nag-overreact.” Kung saan-saan na umabot ang kanilang usapan hanggang sa magyaya na si Shane umuwi para maghanda sa dinner nila. Pinilit ni Gap na huwag na silang umuwi para makapagkwentuhan pa pero ayaw ni Shane dahil naka-uniform sila pero ang mga kaibigan ay hindi.

“O sige, mamaya na lang. Hanapin ko lang si Symon.”

“Sige. Ingat, see you later.”


Marahang kumatok si Symon sa pinto ng office ni Darrel. Nakabukas na ito kaya naman nang narinig ni Symon ang boses ni Darrel ay pumasok na siya. Pilit na itinatago ni Symon ang lungkot sa kanyang mukha. Hindi pa siya desidido kung dapat ba siyang magsalita o hindi.

“Sy! Kamusta?” ang masayang sabi ni Darrel.

“Okay naman. Ikaw, Kuya?”

“Hmm. Medyo okay rin naman. Dami lang ginagawa. Kamusta kayo?”

“Back in each other’s arms.” ang natatawang sabi ni Symon.

“Yehey! Buti naman at natauhan na ‘yang si Gap.”

“Oo nga eh.”

“Lapit na concert mo ah.”

“Yeah, that’s why I’m here.” Binuksan ni Symon ang maliit na body bag at iniabot kay Darrel ang dalawang ticket. Nanlaki naman ang mga singkit na mata ni Darrel nang makita ito at tuwang-tuwa niya itong tinanggap.

“Buti pala hindi pa ako bumili. Wow. VIP pa!” ang sabi ni Darrel.

“Yeah. Kasama mo sina Gap dyan.”

“Thanks, Sy!”

“Tsaka ito pa pala.” Muling ipinasok ni Symon ang kamay sa bag at inilabas ang isang nakatuping papel. Agad namang na-recognize ni Darrel iyon at biglang nagbago ang kanyang mood. Bahagya siyang yumuko at marahang ipinatong ang hawak na tickets sa table.

“Hindi niya tinanggap?” ang blangkong tanong ni Darrel.

“Hindi ko nabigay.” ang kinakabahang sagot ni Symon.

“Bakit?”

“Ahm. Hindi ko na siya naabutan.” ang fail na alibi ni Symon.

“Out with it, Sy. I know you’re lying.” ang sabi ni Darrel na may tono ng pagiging presidente ng SC.

“Promise me, you’re not going to do anything stupid.” ang natatakot na sabi ni Symon.

“Sy, bakit hindi mo nabigay kay Dana ‘to?” Hawak ni Darrel ang sulat na gusto niya sanang ipabasa kay Dana. Iyon ang isa sa mga sinulat nilang dalawa noong masaya pa silang nagsasama. Desperate act na ito para kay Darrel. Matapos maikwento kay Symon ang lahat ng nangyari sa kanila ay nagpresenta itong tumulong.

“Kuya Darrel, promise me.”

“Okay, promise! Now, spill.”

“I saw her, after the rehearsal, making out with Vince.” ang walang prenong sabi ni Symon.

Katahimikan ang nanaig. Hindi gumalaw si Darrel at pinigilan ni Symon ang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Darrel. Lalo siyang natakot. Nagulat siya nang bigla itong tumayo at akmang lalabas ng pinto. Pero mabilis siyang nakaharang dito at napigilan niya ang paglabas ni Darrel.

“Please, Sy. I need to talk to her.”

“No, Kuya Darrel. That’s enough.” Animo’y siya pa ang mas matanda kay Darrel nang sinabi niya ito. Napaatras ang huli at bahagyang umupo sa kanyang table habang walang tigil niyang hinahawakan ang ulo at mukha. Pansin ni Symon ang pagpipigil nito ng iyak.

“Kuya Darrel…”

“She left me. Sabi niya, it’s for her career. Hindi ko naisip na ipagpapalit niya ako kay Vince. Pero…” Hindi na napigilan ni Darrel ang pag-iyak. Mabilis namang lumapit si Symon sa kanya at hinaplos siya sa braso para magpakita ng simpatiya.

“Pero sino nga ba naman ako compared sa kanya, diba?”

“Shh. Wag kang magsalita ng ganyan, Kuya Darrel.” Humagulgol na si Darrel at wala nang iba pang nagawa si Symon kung hindi ang ikulong si Darrel sa kanyang mga braso. Mabilis namang kumapit si Darrel sa kanya at ibinuhos nito ang mabigat na emosyon sa kanyang balikat. Panay naman ang hagod ni Symon sa likod ng kaibigan at wala na siyang sinabing kahit na anong salita.

Nang mahimasmasan si Darrel ay pinunit niya ang nakatuping papel at tinapon ito sa basurahan. Lalong sumingkit ang mga mata nito at namumula ang mga ilong. Kinuhanan siya ni Symon ng tubig mula sa water dispenser at iniabot sa kanya ang isang plastic cup.

“Thanks, Sy. I needed that.” ang sabi ni Darrel patungkol sa kanyang pag-iyak.

“Anytime. That’s what friends are for.” ang nakangiting sabi ni Symon.

“Thanks talaga. That’s the last piece of hope na meron ako para i-save ang relationship namin ni Dana. Pero mukhang wala na talaga. Time to move on.” ang sabi ni Darrel.

“Glad to hear that.”

“Yeah. Thanks sa tulong mo.”

“Thanks din. Look, Kuya, I gotta go. Text mo lang ako if there’s anything you need. Okay?”

“Sige, ingat kayo. And regards kay Gap.”

Palabas na si Symon ng office ni Darrel nang pigilan siya nito at muling niyakap ng mahigpit. Masyadong emosyonal si Darrel kaya hinayaan na lang ni Symon ito at sinuklian niya ang yakap na ibinigay nito. Nagtaka siya sa naramdaman dahil wala na iyong kakaibang sensasyon tulad nang nararamdaman niya noon para dito. Marahil iyon na ang sign na wala na talaga ang feelings niya para kay Darrel. Dahil na rin siguro sa mga recent happenings ay nalaman niyang si Gap talaga ang laman ng puso niya. Latak na lang ang naramdaman niya kay Darrel the past few weeks. Malapad ang ngiti ni Symon dahil ngayon wala na siyang pag-aalinlangan pa. Sigurado na siya.

“Thank you talaga. I’m glad we stayed as friends despite the past.” ang sabi ni Darrel.

Masayang lumabas si Symon sa office ni Darrel at hinanap si Gap. Pero hindi na siya nahirapan pa kasi naroon na ito sa hallway at naglalakd palapit sa kanya.

“I so wanna hug you right now.” ang bulong ni Symon.

“Tara na.” ang yaya ni Gap.

“Sa inyo ba tayo pupunta?”

“Hmm. Okay lang ba kung sa dinner na lang tayo magkita? May kailangan pa akong asikasuhin eh.”

“Everything alright?” ang pagpansin ni Symon sa pagbabago ng mood ni Gap.

“Yeah. Okay, see you later, Sy.” Hindi na naghintay pa si Gap ng sagot ni Symon at patakbo na itong bumaba. Nagpasundo na si Symon at nagpahatid sa kanilang bahay.


“O bakit ang tahimik mo na naman?” ang tanong ni Bryan kay James.

For the past few weeks ay medyo naging stable naman ang relasyon nila. Hindi na pinaalam pa ni James ang naging engkwentro kay Shaun dahil wala namang idudulot na maganda iyon sa kanila.

“Wala. May iniisip lang.”

“Ano naman ‘yun? Uwi na tayo sa inyo para hindi ka na mahirapan mag-imagine diyan.” ang panunukso ni Bryan.

“Loko ka. Hindi ‘yun.”

“E ano nga ang iniisip mo?”

“Yung mga nangyari simula nang maging tayo. Parang napakarami na nating pinagdaanan pero nandito pa rin tayo, magkasama.”

“Kasi nga we love each other.”

“Isa pa nga.”

“Ayoko nga. Rephrase ko na lang.”

“Sige nga.”

“I love you.”

“Ang sarap pakinggan.”

“Tara, uwi na tayo sa inyo. Actions speak louder than words diba? Let me show you how much I love you.” ang bulong ni Bryan kay James na kinakilig naman ng huli.

“Sana laging ganito. Sana wag na tayong magkaproblema.”

“We’ll do the best we could. Tara na.”


Magtatakip-silim na at nag-aayos na ng gamit si Darrel pauwi nang maisipan niyang i-text si Coleen para kamustahin ito. Mabilis naman ang reply nito at sinabi niyang naroon siya sa puntod ni Jeric. Hindi na nag-reply pa si Darrel at mabilis na lumabas ng campus at pumara ng taxi para puntahan si Coleen.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nag-abot na siya ng bayad sa driver at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Coleen. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito dahil siya lang ang kaisa-isang taong nakahiga doon sa tabi ng isang puntod. Nang lapitan niya si Coleen ay nakita niyang nakahawak ang kamay nito sa pangalan ni Jeric at basa ang mga mata nito dahil sa luha. Umupo siya sa tabi nito.

“Hey.” ang bati niya rito.

Bahagyang nagulat si Coleen sa boses na narinig. Akma siyang uupo nang pigilan siya ni Darrel. Humiga ang huli sa tabi nito. May safe distance naman sa pagitan nila. Nag-aagaw ang mga kulay sa langit at sumisilip na ang mga bituin. Malamig sa pakiramdam ang damuhan sa kanilang likod.

“Does this make you feel better?” ang tanong ni Darrel.

“Honestly, it does. He’s here. I just want to be close to him.”

“Do you miss him?”

“I miss him terribly. From the moment I wake up to the last thought at night.”

Hindi na nagsalita si Darrel. Naubusan na siya ng sasabihin. Pumikit siya at pinakiramdaman niya ang kapaligiran. Tahimik. Mabigat sa pakiramdam. Nang nagmulat siya ng mga mata, tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang kalangitan.

“Do you think I’ll ever be happy again?” ang tanong ni Coleen.

“Of course. We all deserve to be. One way or the other, you’ll find your own happiness.”

“Even if he’s dead?”

“Death doesn’t stop the love.”

“Are you happy?” ang tanong ni Coleen.

“No.”

“Bakit?”

“I’d switch positions with you, if given a chance. Mas kakayanin ko yatang mamatayan ng minamahal kaysa maloko.”

“Masakit mamatayan ng loved one. You don’t get to see them again. Memories na lang ang meron ka.”

“At least their good memories. Kaysa nakikita mo ang taong mahal mo pero pinagpalit ka sa iba. Parang everyday naman akong pinapatay nun.”

“Just like what you said, we all deserve to be happy. One way or the other, you’ll find your own happiness.”

“Thanks.”

“Thank you din.” Tumayo na si Darrel mula sa pagkakahiga at inilahad niya ang kamay sa direksyon ni Coleen para tulungan itong tumayo. Tinulungan din niya itong tanggalin ang ilang mga dahong kumapit sa kanyang buhok. Bago umalis ay isang halik muna ang ibinigay ni Coleen sa puntod ni Jeric.

“Shoot, I have dinner pa pala with the guys. Gusto mong sumama?”

“Thanks. But maybe next time?”


Halos isandal na ni Gap ang kanyang ulo sa window ng taxi na sinasakyan papunta sa restaurant kung saan sila magdi-dinner ng mga kaibigan. Medyo ma-traffic dahil rush hour. Nag-vibrate ang kanyang phone. Si Shaun ang tumatawag.

“Hey.” ang sabi ni Gap.

“You were calling? Sorry, busy ako kanina. What’s up?”

“Nasaan ka? I need to see you.”

“Why? What happened? Nasa may Morato ako.”

“Good. Meet me somewhere in Timog.”

“What happened?” ang nag-aalala niyang tanong.

“You’ll know in 15 mins.”

“Okay, ingat.”

Maagang dumating si Shaun sa lugar na tinext ni Gap. Lumapit siya sa drive way nang makita niyang papalapit na ang taxi na sinasakyan nito. Hindi naman ganoon karami ang taong naglalakad pati na ang mga sasakyang dumaraan. Agad na napansin ni Shaun ang lungkot sa mga mata ni Gap.

“Tell me what happened.”

“I saw them.”

“Sino?”

“Sy and Kuya Darrel. They were hugging! I was peeking in his office’s window. Shaun, okay na kami kanina e! Masaya na ulit. Hindi man lang natapos yung araw na masaya kami.”

“Alam niya bang nakita mo?”

“Hindi. Iyon ba ang walang relasyon?! Tell me!”

“Baka naman Darrel’s going through something and Sy’s there to help.”

“No. I doubt that. Shaun, I don’t want this! Bakit ganito ang nangyayari sa amin ni Sy?”

“Gap, walang confirmation sa nakita mo. Parang noong unang beses lang yan, you should try and ask him.”

“Ako na naman ang gagawa ng paraan.”

“Hey, hindi dapat issue ‘yan. If you really love the guy, you’ll do everything para magkaayos kayo. Diba?”

“Yeah. Pero, ang sakit na eh. Hindi talaga maalis ang anino niya sa amin ni Sy.” ang pag-iyak ni Gap.

Wala na silang pakialam kung nasa public place sila. Tiningnan ni Shaun si Gap. Mas matangkad ito ng ilang inches sa kanya kaya naman umakyat siya ng isang baitang para magka-level na ang mukha nila.

“Hey, look at me.” ang utos ni Shaun.

Pero hindi sumunod si Gap. Nanatili siyang nakayuko. Inulit ni Shaun ang sinabi at hinawakan si Gap sa baba para marahang iangat ang mukha nito. Tumutulo ang mga luha niya kaya’t mabilis na pinunasan ito ni Shaun. Hindi naman na nagreklamo si Gap.

“Listen, you talk to him, okay? I’ll be in the nearest coffee shop if you need me. Okay ba yun?”

Parang bata namang tumango si Gap. Tiningnan ni Gap ang hawak na phone at sinabi niyang naroon na sa loob ng restaurant ang mga kaibigang babae at kailangan na niyang pumasok. Inulit pang muli ni Shaun na magse-stay siya sa vicinity for back-up.

“Hey, gamitin mo na ‘to.” ang sabi ni Shaun habang inaabot kay Gap ang isang panyo.

“Thanks. Itetext na lang kita.”

“Sige, enjoy. I’ll be here, okay?”


Mula sa sasakyan ay nakita ni Symon ang pag-uusap nina Gap at Shaun. Hindi niya maintindihan ang selos na naramdaman. May kirot sa kanyang puso dahil sa nakita niyang pag-aalaga ni Shaun kay Gap. Nagtatanong ang kanyang isip kung bakit ganon ang trato nila sa isa’t-isa.

“Kuya, paikot muna. Wala pa sila eh. Ayokong maghintay.” ang utos ni Symon sa driver.

Namumuo ang mga luha ni Symon. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan. Kilala niya si Shaun at mas kilala niya si Gap. Hindi niya lubos maisip na lolokohin siya ng mga ito. Napaisip si Symon kung gumaganti ba si Gap sa kanya dahil kay Darrel. Pero okay na sila.

“Totoo ba ang pakikipag-ayos sa akin ni Gap kanina? O ginawa lang niya iyon para ako naman ang saktan niya?” ang mga tanong sa kanyang isip.

Nang makabalik sila sa tapat ng restaurant ay wala na si Shaun at Gap. Bumaba na siya at mabilis na pumasok sa loob ng restaurant. Agad naman niyang nakita ang mga kaibigang naghihintay sa kanya. Napansin niya ang pamumula ng mga mata ni Gap.

“What happened to you?” ang pilit niyang pagkukubli sa totoong nararamdaman.

“Nakatulog ako sa cab.” ang alibi ni Gap.

“May problema ba?”

“Wala naman.”

Dumating na ang kanilang appetizer at sina Shane at Lexie ang nagdala ng usapan. Pansin din sa mga mata ni Coleen na katatapos lang nitong umiyak. Pero makikita ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis ang naging takbo ng oras. Na-enjoy nila ang main course lalo na ang dessert.

“Guys, can we have a toast?” ang imbita ni Coleen.

“Sure. What do you wanna say?” ang sabi ni Lexie.

Hinawakan nilang lahat ang kanilang mga baso habang ang mga mata ay nakapako kay Coleen. Napaka-elegante niya suot ang isang purple dress. Simple lang ang kanyang buhok na nakabagsak sa kaliwang balikat.

“I just wanna say that I’m happy that we’re here. It would’ve been happier if Jer’s here but this is good. We’ve been through a lot yet we’re still together. I know you guys are worried sick about me. It’s all gonna be okay. You guys are with me as I am with you. No matter what, we’re together. We’ll find our happiness. I love you, guys!” ang naluluhang sabi ni Coleen.

“Love you all!!” ang sabi ni Lexie.

Tanging mga matitipid na ngiti lang ang sinagot ni Gap at Symon sa toast na iyon. Nag-excuse sandali si Symon nang makatanggap siya ng tawag mula kay Darrel. Narinig ni Gap ang pagtawag nito sa pangalan ni Darrel bago makalayo sa kanilang table. Sinundan niya ng tingin si Symon at nakita niyang tumigil ito malapit sa comfort room.

“Kamusta, Kuya?”

“Okay naman. Kasama mo na sina Coleen?”

“Yup. In-invite ka raw niya pero you declined.”

“Yeah. Bonding niyo yan e. Ayoko namang mag-intrude.”

“Hindi naman. You’re welcome naman dito.”

“Thanks. Just checking up on you guys. Hindi sinasagot ni Coleen ‘yung phone niya eh.”

“We’re good. Ikaw? I hope you’ll be okay soon.”

“I will. Thanks, Sy.”

Hindi mapakali si Gap na nakikita si Symon na kausap si Darrel sa phone. Tiningnan niya ang sariling phone para i-check kung may mga messages ba siya. Matapos iyon ay muli siyang nag-angat ng mukha at nakitang naroon pa rin si Symon. Tumayo siya at nagtungo sa direksyon ni Symon. Pero hindi siya nito nakita dahil nakatalikod siya sa daan papunta sa men’s room. Ngunit mula sa pinto ay narinig ni Gap ang boses ni Symon.

“Thanks! Love you, too!”

Biglang nanghina ang mga tuhod ni Gap at buong lakas niyang binuksan ang pinto ng men’s room bago pa man siya makita ni Symon na nakatayo roon. Pakiramdam niya ay sumikip bigla ang kanyang dibdib at hindi siya makahinga ng maayos. Nakatingala siya para pigilan ang mga luha. Habang sa labas naman ay nakabalik na si Symon sa table kasama ang mga kaibigan.

“Ang tagal mo yata.” ang sabi ni Coleen.

“Kuya Darrel called. Tapos si Mommy tumawag after. Checking up on me.”

Sa men’s room, inayos muna ni Gap ang sarili bago muling lumabas at mabilisang magpaalam sa mga kaibigan. Hindi niya kayang makita si Symon na harap-harapan siyang niloloko.

“Guys, I gotta go. May kailangan lang akong gawin. Sorry.” ang paalam ni Gap na nakatingin lang kay Coleen.

“Anong nangyari?” ang tanong ni Lexie nang biglang kumaripas ng takbo si Gap palabas.

“Hindi ko alam. We’re fine naman kanina.” ang sagot ni Symon pero naramdaman niyang kay Shaun ito pupunta kaya minabuti niyang sundan ito.

Tumigil si Gap sa pagtakbo nang makarating siya sa labas ng restaurant. Hinanap niya ang number ni Shaun sa contacts at tinawagan ito. Mabilis naman itong sumagot.

“I wanna go home.” ang humihikbing sabi ni Gap.

“I’ll come and get you. Stay there.” ang sabi ni Shaun bago ibaba ang phone.

Ang hindi alam ni Gap ay nakatayo si Symon sa may entrance ng restaurant at pinagmamasdan siya nito. Nakita niya ang panginginig ni Gap mula sa malayo. Gusto niya itong lapitan pero may kung anong pumipigil sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya mula sa kanan ang isang tumatakbong Shaun. Tumigil ito sa harapan ni Gap at mabilis na lumipad ang mga braso ni Gap sa kanyang katawan para yakapin siya. Mabilis lang iyon dahil nagpara agad si Shaun ng taxi.

“You’ve got to be kidding me.” ang bulong ni Symon bago bumalik sa table.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.wordpress.com

No comments:

Post a Comment