Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (01)

by: Lui

06/13/08

Kinikilig ako. Promise! First encounter with him kanina! Nginitian niya ako. First time ‘yun. Napangiti rin ako kahit na hindi ko naman talaga gawaing pumansin ng mga hindi ko kakilala. Pero siyempre, exception si Crush doon. Haaay. Sana magkaklase na lang kami.


Last day ng first week ng junior year ko at mukhang magiging maganda naman ang takbo ng school year na ‘to. Balak kong tumakbo sa student council pero hindi ko pa alam kung anong position. Sana payagan ako ng adviser ko. Baka kasi matulad din sa nangyari last year na pinigilan ako para maging president ako ng klase. Gusto ko naman mag-level up. Anyways, mabalik tayo kay Crush. Bakit niya ako nginitian? Wait lang. Ipakilala ko muna siya sa’yo…

Newcomer siya. Sa mga narinig ko from my friends doon sa section nila, galing daw siya sa kalaban naming school. I think he’s 16 years old like me. Ang cute, cute niya talaga. Mas matangkad siya sa akin. 5’4 lang ako, siguro siya nasa 5’6-5’7 ang height. Moreno, kaya naman lalo siyang naging ma-appeal sa akin. And those eyes?! Oh, those eyes! Parang laging nangungusap. I’d like to be the subject of those. Pero siyempre, hanggang tingin lang ako sa malayo. For sure, hindi niya mapapansin ang isang katulad ko. Pero masaya ako sa unang linggo na nakikita siya sa flag ceremony, sa corridors, sa canteen. Parang ang stalker naman ng dating ko. Pero, promise, he’s the perfect image of the man of my dreams.

So ayun nga, kaninang recess time, nagkasalubong kami sa corridor. Nagmamadali ako noon pababa sa canteen para i-meet ang mga kaibigan ko. Galing kasi ako sa library na nasa fourth floor. Pagliko ko sa stairs sa third floor, nandoon siya paakyat naman. Natigilan ako nang makita ko siya. I moved to give him space para makaakyat siya pero he moved, too para ako ‘yung bigyan niya ng space. Then we both moved again back to our first position. Parang sayaw diba? Nagkatinginan kami. Una siyang napangiti. First time kong makita siya ng ganoon kalapit. Sobrang kinis ng mukha niya. At ang ngiti niya, nakakatunaw talaga. Parang automatic naman akong napangiti rin dahil sa situation. Siya ang nag-give way para makababa ako. Pa-tweetums pa akong nag-thank you sa kanya bago bumaba. Nakakailang hakbang pa lang ako nang sinulyapan ko siya. Napatingin din siya at tinanguan niya ako. Kilig!!! Super hindi matanggal ang ngiti sa labi ko hanggang ngayon dahil sa eksenang ‘yun.

Buti na lang din at magka-batch kami. Sana maging active siya sa extra-curricular activities at makasama ko siya sa ibang mga events. At sana next year, maging magkaklase kami. Grabe, I never had a crush on someone like this before. Makakatulog kaya ako? Mukhang hindi siya maaalis sa isip ko buong gabi. Weekend naman bukas kaya okay lang na magsulat-sulat muna ako. Inspired na yata talaga ako dahil sa kanya. Pero sana mamaya ‘pag tulog ko, mapanaginipan ko siya. Hay, Crush! Gising ka rin kaya ngayon at iniisip mo rin ako? (wishful thinking)

Good night na nga! I’m excited to see him in my dreams!

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment