Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (02)

by: Lui

6/16/08

Shit! Tunaw na tunaw na ako talaga! Bakit kailangan pang mangyari ‘to?! This is more than what I asked for. Pero thank you, Lord! Talagang pinaglalapit Mo kami. Alam mo ba, alam mo ba… Waaaaaah!!! Kinikilig na talaga ako. Sobra-sobra na ang infatuation ko sa kanya. Mas may gwapo naman sa kanya pero ang lakas talaga ng dating sa akin. Here’s the kwento…


Kanina, second Monday na ng junior year, siyempre pabibo na ako kasi malapit na ang filing of candidacy para sa student council elections. Ako ang nag-lead sa flag ceremony. Hindi naalis ang mga ngiti sa aking labi kahit na nangagawit na ang panga ko. Career kung career talaga! Sayang ang opportunity. First subject of the day — ang boring na Filipino kung saan magbabasa lang kami ng mga chapters ng Noli Me Tangere kasi ‘yung teacher namin laging tulog. Diyos ko! Sa Ibong Adarna pa lang, ganyan na ‘yan! So ayun nga. Nakabukas ang libro ko pero hindi naman ako nagbabasa kasi iniisip ko kung ano ang magiging platform ko sa miting de avance. Kailangan perfect! Tahimik akong nagdu-doodle sa aking notebook na nakapatong sa aking makapal na libro nang kumatok ang pinaka-terror na teacher/discipline coordinator na nakilala ko. Isang sulyap lang ang ibinigay ko rito at agad na akong bumalik sa napaka-productive kong ginagawa. Pero napalingon ulit ako nang maaninag ko kung sino ang nasa likod ng matandang parang chocolate chip cookie ang mukha sa dami ng nunal! Si Crush!!!

Pasaway ba siya? Pero bakit naman sa room namin siya dinala. Nakita ko ang hiya sa kanyang mga mata. Hindi kaya nagkamali lang si Ma’am sa pinasukang room dahil ulyanin na siya?! Anyway, sinundan ko ng tingin ang babaeng chocolate chip cookie. Pero siyempre, hindi siya ang tinitingnan ko. Hello??! Nagsimulang makipag-usap ang bruha sa aking tulong-laway na teacher. Fine, that’s an exaggeration. So, ayun na nga. Nakita kong sumabat si Crush sa pag-uusap habang kagat ang kanyang labi. Parang biglang naglaho ang lahat ng bagay sa paligid ko at tanging siya lang ang nakita ko. Naramdaman niya yata ang titig ko kaya’t napatingin siya sa kinauupuan ko. Agad akong yumuko at kunyaring naging abala sa pagbabasa. Swear, na-feel ko ang pamumula ng buong mukha ko. Nang muli kong sinubukan ang pagtingin sa kanya — HULI!!! Nakatingin pa rin siya sa akin. Parang hinihintay niya talagang tumingin ulit ako. Nauna na naman siyang ngumiti sa akin na may kasama pang tango. Siyempre, ano pa bang magagawa ko? E di ngumiti rin ako. Pero hindi na siya nakatingin. Bastos lang?

Ang sumunod na nangyari ay talagang nagpatalon sa puso ko ng paulit-ulit. Kaklase ko si Crush!! Napanganga yata ako nung narinig kong nagsalita ‘yung Filipino teacher ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa nag-announce siya na gamit ang Ingles o dahil sa kaklase ko si Crush. Never ko pa siyang narinig magsalita. Nang sinabihan siya ng aking ingliserang Filipino teacher na magpakilala sa klase, paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay huwag naman siyang boses palaka. Kasi turn-off talaga ‘yun. Nagtama na naman ang mga mata namin nang batiin niya ang buong klase. Nahihibang yata ako kanina kasi pakiramdam ko ako lang ang binati niya. Ayun, napaka-macho ng boses (thank God!). Wala na yatang kamalian ‘tong lalaking ‘to. Hay. Isa na lang talaga at papasa na siya ng 100% sa akin. Sana mabango siya.

Akala mo nagja-jumping rope ang puso ko sa pagtalon nang malaman kong kaklase ko siya. Pero wala pa iyan sa sumunod na nangyari. Pakiramdam ko rinig ng buong klase ang pagkalabog ng puso ko nang umupo siya sa tabi ko. Walang nagsabi sa kanyang doon umupo. Siyempre, kunyari wala lang sa akin. Hindi ako lumingon. Kunyari wala akong pakialam. Ayoko namang ipakita sa kanya na I’m all over him. Pa-tweetums muna. Remember, high school pa lang ako. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa kahit hindi ko naman naiintindihan ang mga letra. Lumabas na ang babaeng choco chip cookies at bumalik na sa pagtulog ang aking guro/teacher. Hinayaan ko na ulit ang sarili kong magpakalunod sa pag-iisip ng magandang platform.

Pero mukhang naging imposible naman iyon dahil distracted ako sa presence niya. Take note, presence pa lang niya ha. Hindi ko alam kung paano kapag kinausap niya ako. O diba, ibang level ang wishful thinking ko. Ano pa nga ba ang next na nangyari? E di alam niyo na! He approached me. I can actually die right now. Kill me. Kill me softly! OA na ako. Anyways, ayun, nilingon ko siya at bumati rin while flashing my best smile. Doon pa lang kami pormal na nagkakilala. Pero Crush pa rin ang itatawag ko sa kanya para na rin mapangalagaan ang kanyang pagkatao. Pasimpleng mga tanong, pasimpleng titig, pasimpleng amoy. Amoy? Shit, ang manyak ng dating ko! Pero ang bango niya. Grabe, buti na lang personal journal ito kasi nakakahiya na ang mga pinagsasabi ko dito.

Doon na kaya magsisimula ang espesyal naming pagtitinginan? I’m crossing all my fingers! Yes, all of ‘em!

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment