by: Lui
6/26/08
Guess what, PJ?! May pangalan ka na!!!
PJ as in Personal Journal! O diba, your name sounds macho!! Again, guess what,
PJ??! I won!!! Yahoooooo. Ang saya-saya. Ako na ang bagong Internal Vice
President ng student council. Siyempre, full force ang buong barkada sa
pagkakampanya sa akin. I so love them. Landslide ba naman. Oha! Pero alam kong
mabigat na responsibilidad ang kaakibat ng pagkapanalo ko. Pero kakayanin ko
naman ang lahat kasi may first gentleman naman ako, si Crush.
Sorry, PJ kung puro si Crush ang laman
mo ngayon. Kaysa naman paulit-ulit na pag-eemo ang ilagay ko rito. Mas okay na
‘yung masaya ako diba? Kahit ako lang ang nagmamahal, kahit alam kong masakit
na mahalin siya. Ay! Hindi na ako emo!
Inspired na ako. Pero honestly, medyo bumaba ang level ng infatuation ko
kay Crush. Siguro kasi dahil nakikilala ko na siya? Nakikita kong hindi pala
siya perfect. Madalas nakikita ko siyang nakanganga habang nag-eexplain ang
Trigonometry teacher ko. Minsan pa nga, nahuli ko siyang tulog sa Chemistry
class. Pero umaariba si Crush pag English time. Pag siya na ang nag-recite at
nagsalita, wala nang gustong sumunod. Okay, nalalayo na tayo. So, ayun nga. Ano
na namang kalandian ang ikekwento ko sa’yo ngayon?
Before anything else, hindi ako
malandi. Nagiging friendly lang ako. Promise! Takot ko lang, baka bigla niya
akong sapakin. Anyways, so what happened kanina? Ayun, muntik na yata akong
atakihin ng asthma ko sa sobrang kilig na naman. I’m so happy after dinner
kanina nang magbasa ako ng mga unread messages sa phone ko. Nagtext si Crush!!!
He congratulated me for winning. Siyempre, hindi ako agad-agad na nagreply.
Baka naman kasi isipin niya hayok na hayok ako sa kanya. Konting pa-demure
muna, siyempre. Hindi naman kasalanan ‘yun. After ko mag-wash up, diretso sa
kama at buong ngiting sinagot ang message niya. Bumalikwas ako ng paulit-ulit
pero wala na siyang reply. Magsisimula na sana ako magsulat sa’yo, PJ nang
biglang nag-vibrate ang phone ko. Kasabay iyon ng pag-vibrate rin ng puso ko.
Parang ang bastos ng dating?
Napaka-caring yata ng tanong ko sa
kanya after niya mag-reply. Tinanong ko siya kung bakit gising pa siya. Hindi
ko kinaya ang sinagot niya. Muntik ko na yatang mabato ‘tong laptop sa saya.
Here’s what he said – KASI GISING KA PA. Hindi all caps ha? Baka isipin mo
matanda na si Crush. Nilakihan ko lang for emphasis. Siyempre, pakipot pa ako
at nag-joke na akala mo maton na maton ako. Agad din naman niyang binawi ang
kanyang sinabi. Pero ewan ko, ang bilis ng pagiging komportable ko sa kanya.
Ihahanda ko na ang sarili ko, pati ang maraming tissue paper, sa nalalapit
naming pagkakaibigan. For sure, masasaktan na naman ako dahil kaibigan lang ang
magiging turing niya sa akin. Uusbong pa ang nararamdaman kong pagkamangha sa kanya
dahil makikilala ko ang tunay na si Crush.
Ay, wait. Parang na-contradict ko ang
sinabi ko kanina. Anyway, mawawala talaga siguro ang pagka-crush ko sa kanya.
Kasi… Mapapalitan ito ng… Pagmamahal. Ayyyyyy!!! Bakit ngayon pa lang
nasasaktan na agad ako? Ewan, para lang akong baliw. Sabagay, baliw naman
talaga. Baliw sa kanya.
Hay, PJ! I should not be thinking
ahead diba? Takot ko lang pag sumagot ka. Pero seriously, siguro I just need to
go with the flow. Mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay. Kasi may kasamang
takot. Kaya ang nangyayari tuloy, kahit na gustung-gusto natin, hindi ginagawa
kasi natatakot. O diba, redundant?
Ayan, nagreply na ulit si Crush!
Wait…. Feeling ko kami na!!! Kung makapagpaalam sa text na matutulog na, ang
haba-haba. Akala mo hindi na magigising. GOOD NIGHT! SWEET DREAMS. SLEEP TIGHT.
SEE YOU TOMORROW! GOD BLESS! Wait, may kulang!! O diba, ang OA na nga ng
parting message niya, may kulang pa rin para sa akin. Pero, promise! Meron
talaga eh.
Magha-hatinggabi na pala at malo-lowbat
na rin ang laptop ko. Ako ay matutulog na dahil naghihintay na si Crush sa akin
doon. Ang lala ko na. Swear! Tomorrow is another day, magkikita na naman kami!
Excited na akoooo.
Anyway, PJ… Ayun, I love you! Crush,
bakit walang I love you???!!!
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment