Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (04)

by: Lui

07/02/08

I had the greatest lunch break ever, PJ! Hindi ko alam kung may epidemya kanina sa mga kaibigan niya pero sabay-sabay silang nawala sa klase namin. Kaya naman, he was left with the only choice of spending lunch time with me. O diba? Kilig na kilig ako kasi he asked me kung pwede daw ba siyang sumabay sa akin mag-lunch. Hihindi sana ako para magpapilit pa pero who could say no to those eyes?!! Haaaaaaay. Hindi pa man ako kumakain kanina, busog na agad ako. Pakiramdam ko kanina, PJ, kaming dalawa lang sa canteen. Parang biglang naging distant ang lahat ng ingay at tanging siya lang ang nakikita ko. Kaso…


COMPLETE SILENCE. Hindi ako makapagsalita like usual. Kasi naman kaming dalawa lang ang magkasama. Isang tanong, isang sagot ang drama. Nagpaalam siya saglit na may bibilhin lang daw ulit. Buti na lang talaga lumayo muna siya kasi hindi na ako makahinga. Pinagpapawisan na rin ako kahit na malamig sa canteen. Pagbalik niya, may dala siyang iced tea para sa akin. How sweeeeet! Libre raw niya iyon dahil sa pagpayag ko na sumabay siya sa akin. Iniwan ko muna ang mga friends ko sa room kung saan kami talaga laging kumakain ng lunch.

He never ran out of questions. Tanong tungkol sa student council, sa studies, sa lahat na. At alam mo kung ano lang ang natanong ko sa kanya? Eto: Nasaan mga friends mo? Ang loser diba? Napakawalang kwentang tanong! Ayun, nag-cut ng class ang barkada niya. Ayaw daw niya sumama kasi ‘bad’ yun. Natawa ako sa pagkakasabi niya ng ‘bad’ kanina. Para siyang bata! Shit, super innocent ng dating. Haaaay! He’s a good boy na mukhang bad boy. Ewan. Basta nakakatuwa lang. Ayun, nag-ease up naman ako at naging maganda na ang flow ng conversation namin kahit na may mga moments na feeling ko natutulala ako kasi tinitigan ko ang mukha niya. Ang saya na eh! Biglang nag-bell. Nakakainis! Bitin ako! Pwedeng isang oras pa??

Naghiwalay kami ni Crush pagdating sa room dahil alphabetically arranged ang seat plan namin. Katabi ko ang isang barkada niya so empty seat iyon ngayon dahil nga nag-cut iyon. Ang boring! Super. Nakakaantok, busog pa naman ang kaluluwa ko, este katawan pala. Ang haba ng notes na isusulat, hindi na nag-discuss. Para akong naalimpungatan nang marinig ko ang boses ni Crush. Napakalambing nito sa aking mga tainga. Pakiramdam ko ako’y biglang inawitan. Whaaaaaaaaaaaaaaat? Anyway, hindi raw niya makita kaya nagpaalam ito na kung pwedeng lumipat sa harapan. May magagawa ba ang teacher namin na para kaming ginagawang elementary dahil kada tapos ng klase at nagpa-notes siya ay pinipirmahan niya isa-isa ang aming mga notebook.

Napansin ni Crush na antok na antok ako dahil sa tabi ko siya umupo. Nasa pangalawang row ako nakaupo habang siya ay nasa likod. Kakaiba rin ang trip ng teacher kong ‘to eh. From Z-A ang arrangement. Bakit kaya hindi niya subukan ‘yung alternate?? Like A Z B Y C X, etc. Diba, para may thrill naman. Pero grabe talaga ang kaantukan ko nang mga oras na iyon kahit katabi ko na si Crush. Nahulog ang notebook ko. Promise, hindi ko sadya! Cross my heart, mamatay man si… Basta, promise! Siyempre, kusa akong yumuko para abutin yun. At the same time, yumuko rin si Crush para siya ang kumuha. Such a gentleman, he is! E kaso, nagkauntugan naman kami. Ayun, nagising talaga ako. Owww!! Ang sakit naman kasi. Ang tigas ng ulo niya (no pun intended). Panay ang sabi niya ng sorry sa akin habang hawak niya ang ulo ko at marahang hinihimas iyon. Hanggang sa umambon dahil sa malakas na “Shhhhhhhh” ni Madam Notes! Kairita diba? Libre ligo?

Masakit talaga, PJ. Sana iba na lang ang nagkauntugan sa amin. Sana… Lips na lang. AY! Mahalay. Bata pa ako, bawal pa. Hindi pa diyan natatapos ang lahat, PJ. Hanggang pagbaba sa hagdan ay sumabay siya sa akin. Sabay na rin sana kami pauwi kaso may gagawin pa ako sa student council kaya hindi agad ako makakauwi. Sayang, pagkakataon na sana iyon na makasama pa siya ng mas matagal. Pero I can wait naman. Good things come to those who wait, diba?

At mukhang ako yata ang good thing. Bakit, you might ask? Kanino darating ang good thing? To those who wait, diba? Halos isang oras ako sa maliit naming office at busy sa paggawa ng mga posters para sa paghahanap ng committee members. Mag-aalas singko na pero nagkalat pa rin ang mga high school students sa grounds. May mga pawisang lower years na naglalaro ng basketball. May mga maaarteng babae na nakatambay sa swing. Rinig ko ang mga matitining nilang tawa. Iyong ilan kong classmates ay nakatambay rin sa mga kubo at malakas ang tawanan nila. Pauwi na sana ako nang maisipan kong dumaan sa kanila.

Kaya naman pala ang saya-saya ng mga kaklase ko ay dahil naroon ang isa sa mga teachers kong, well, kauri ko. Honestly, hindi ko siya feel. Hindi ko alam kung bakit. Math teacher ko siya. Lalo akong nainis sa kanya nang nakita kong nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ni Crush! Kilig na kilig ang mga kaklase ko habang umaakto ang teacher ko na girlfriend ni Crush. Siyempre, joke lang ang lahat. Pero nainis ako. Ako dapat ang humahawak sa kanya! Grabe, possessive ako.

Agad na nagpaalam si Crush sa kanila nang makita niya ako. Hindi ko alam pero parang nagkaintindihan kami sa tingin. Isang malaking halakhak pa ang iniwan niya sa mga ito nang mag-drama kuno ang teacher namin na ipinagpalit siya ni Crush sa akin. Sa isip-isip ko, akin talaga siya. He can never be yours. Tanda mo na kaya, hello???

Malayo-layo ang lakarin ko papunta sa sakayan. Ayoko na kasi magpasundo para naman matuto ako mag-commute. Napag-alaman ko na sa parehas na lugar din sumasakay si Crush kaya swerte, may kasabay ako. Kinailangan ko pang pumila dahil terminal iyon. Si Crush naman ay sa kabilang linya dahil magkaiba kami ng ruta. Feeling ko naiwan sa campus ang buhok dahil sa haba! Pumila siya sa linya naming hanggang sa makasakay ako. Hindi ko alam kung talagang ganoon lang siya kabait o may something din siya sa akin? Okay, feeler na ako. Grabe, sobrang saya talaga ng araw na ito! Ang dami naming napagkwentuhan. Nawala na totally ang pagkailang ko sa presence niya. Sobrang inspired ako na naririnig ko lagi ang boses at nakakasama ko siya.

Iniisip ko na lang na I should just go with the flow. Kasi ayoko namang masira ‘yung blooming friendship namin. Ayokong magpakita ng signs sa kanya na iba ang tingin ko sa kanya. Sa nakita ko kasing reaksyon sa kanya kanina habang “nilalandi” siya nung teacher naming parang linta, halatang ilang siya sa ganon eh. Bigla ba naman ang alis nang makita ako. Kaya baka pag nalaman niya, layuan niya ako. So, I’ll just bury this love, I mean, this infatuation I’m feeling for him. Ang lalim na ng sinasabi ko, antok na kasi ako.

Hay, PJ. Sana lagi na lang absent ‘yung friends niya para sa akin siya ulit sasabay. Good night!

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment