by: Lui
07/09/08
Naiinis pa rin ako hanggang ngayon!
Bakit kailangang maglandian sa harapan ko? Hindi ba nila nararamdamang
nasasaktan ako?! Joke lang! Pero, PJ, naiinis ako sa kalandian ng bestfriend
kong yun! Hay. Kung makahaplos sa braso ni Crush! E papaluin lang naman niya
dahil sa lame, yes LAME talaga, na joke ni Crush! Kairita! Kalbuhin ko ‘yang si
Trixie eh!
Maiba tayo, nagkakamabutihan na kami,
I mean, nagiging close friends na kami ni Crush. Pero siyempre, hindi lang
naman yung kaming dalawa (how I wish!). He started hanging out with my group
tuwing recess. Tapos kapag lunch, doon siya sa original niyang friends. Tapos
kapag dismissal, solo ko na siya. JOKE! Ang bilis ng takbo ng araw, isang buwan
na lang, periodical exams na! Sorry, PJ, kung medyo madalang ako magsulat. Kasi
naman, daig ko pa ang booking ng artista sa sobrang busy. Pero masaya naman
ako. Enjoy naman lalo na nandyan siya. KILIG!!!
Dahil nga madalas na kaming
magkakwentuhan ni Crush, nakikilala ko na talaga siya. Parang happy-go-lucky
ang dating niya pero malalim din pala siya. Mas gusto niya ang mga seryosong
usapan kaysa sa mga biruan. Pero siyempre, nagtanong ako sa kanya kung bakit
doon sa barkada nila, parang puro gimik ang inaatupag nila. Nakikisama lang
naman daw siya. Katulad ko, may pagka-home buddy din pala itong si Crush.
Mahilig lang siyang maglaro ng basketball sa backyard nila.
And speaking of that freaking sport,
kaninang recess nabilaukan ako kasi nalunok ko agad ‘yung kinakain kong
brownies! Napakagaling din kasi nitong si Crush! Yayain ba naman akong maglaro
ng basketball!!! Ano namang alam ko sa pagdi-dribble at pagshu-shoot ng bola?!
Hindi ko nga maintindihan ‘yung larong iyon tapos yayayain niya ako! Ayoko kaya
ng pinapawisan. Tapos magkakadikit pa kayo, edi parang ang awkward diba?!
Naging honest naman ako sa kanya at sinabi kong hindi ako naglalaro nun.
Tinanong niya ako kung ano daw ang sport ko. Sabi ko, piko. No joke! Tawa siya
ng tawa. Pero syempre, binawi ko rin agad. Tiningnan ko lang kung paano siya magre-react.
Isa iyon sa mga nakakatawang pag-uusap namin lalo na nung nag-piko siya sa
corridor! Inasar ko siya ng inasar kasi alam niya. Sumakay naman siya at sinabi
niyang naglaro rin daw siya ng 10-20 at patintero nung bata pa siya. Hay, PJ!
Lalo yata akong nai-inlove. Wala siyang kaere-ere sa katawan. At mukhang wala
siyang judgment sa mga tulad ko.
Balik tayo sa maarte kong bestfriend
na si Trixie. Kahit na nakakainis ang ginagawa niyang panglalandi kay Crush,
thankful ako sa kanya ngayong araw na ‘to dahil na-extend ang pagsama ni Crush
sa amin. After dismissal, akala mo parang linta ‘tong babaeng ‘to kay Crush.
Niyaya niya itong sumabay sa amin pauwi. Laking taka ko naman dito kay Trixie.
Hindi kami parehas ng way pauwi. Mas mapapalayo kasi siya kung sasabay siya sa
akin. Pero mukhang kina-career niya si Crush! Lalake lang si Crush at magandang
babae si Trixie kaya naman ano pa nga ba ang sumunod na nangyari?
Napaka-perky ng kaibigan ko. Nasa
gitna namin si Crush habang naglalakad papasok sa mall kung saan kami dadaan
para makarating sa sakayan. Tahimik na lang ako at hinayaan ko na lang si
Trixie na mag-enjoy sa attention ni Crush. Mabait akong kaibigan at alam kong
wala akong laban sa kanya. Magkasundo agad ang dalawa. Habang ako medyo
nababagot na. Pakiramdam ko ang layo ng nilalakad namin. Nang makalabas na kami
sa kabilang dulo ng mall, nagpaalam na si Trixie at bumeso sa akin bago kay
Crush. Abot yata hanggang batok ang ngiti niya nang maglapat ang cheeks nila ni
Crush. Away na talaga ‘to!!! Hindi ko kayang gawin ‘yun kay Crush! Takot ko
lang. Baka bigla akong sapakin. Tiningnan pa namin ni Crush si Trixie na
tumawid papunta sa LRT station bago kami maglakad parehas papunta sa sakayan.
This is my time to shine!!!
Pero ewan ko, natahimik ako. Ang tindi
kasi ng selos na naramdaman ko. Hindi man lang makiramdam si Crush at lambingin
ako. Hayyyy! Ang hirap magmahal nang ikaw lang. Ok, anyway!!! Siya ang
nagsimula ng conversation namin. Isang tanong, isang sagot ang drama ngayon.
Kilig to the balls, I mean, bones ako nang tinanong niya ako with those puppy
eyes – “Okay ka lang ba?”. Siyempre, nagsinungaling ako at sinabi ko agad na
“Oo.” Pero mabilis din iyong napalitan ng “Hindi” nang makita ko ang
napakahabang pila sa terminal. Sinabi niya na sasamahan daw muna niya ako para
makapagkwentuhan daw muna kami habang naghihintay. Nakakahiya! Pero alangan
namang humindi ako diba??? Pero sa una, syempre, pa-demure. Tumanggi ako kasi
nakakahiya naman talaga. Pero he insisted. Edi okay! Bawing-bawi naman. Ano ka
ngayon, Trixie?! Ako pa rin ang nanalo. Bwahahahaha.
Pakiramdam ko lalagnatin ako sa
sobrang kasiyahan. Bumili pa siya ng softdrinks para sa aming dalawa na
nakalagay sa plastic at may straw. Hay! Hindi naman kahabaan ang pila sa
terminal nila kaya okay lang daw na samahan niya muna ako. Bago pa ako sumakay
ng FX, siya pa ang nag-thank you sa akin. Nang umandar na ang sasakyan, tinext
ko agad siya at nagpasalamat din ako. Palubog na ang araw noon kaya naman
sinabihan ko siyang mag-ingat at magtext pagkauwi. Ayun, PJ. Hanggang ngayon,
magkatext pa rin kami.
Napapaisip ako, PJ. Hindi pa ako
nagkakaroon ng intimate relationship ever. Pero ano kayang pakiramdam kung
kami? Paano kaya kung parehas kami ng nararamdaman? Hay! Sana dumating ang araw
na iyon. Pero natatakot akong magsabi sa kanya. Baka hindi niya ako matanggap.
Pinagkakatiwalaan na niya ako.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment