Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (06)

by: Lui

08/26/08

Hello, PJ!!! Tagal na since the last time na nagsulat ako. Madalas kasi pag-uwi ko, tulog na ako agad. Halos hindi na nga ako nakakapag-dinner eh. Katatapos lang ng first periodical exams. Grabe, naubos lahat ng brain cells ko! Dami kong kwentoooooo…

Dahil half day lagi kami last week, mahaba ang time para mag… LAKWATSA! Bakit??? Kelangan aral lang lahat? Pwede kayang magpahinga. So naging laman kami ng SM hanggang hapon. Kain kung saan-saan, pasok sa mga boutiques, punta sa Quantum at siyempre, VIDEOKE! Pero hanggang around 4pm lang kami nagliwaliw para hindi kami mahirapan umuwi tsaka para makapag-aral na rin. Plastik no? Hahahaha! Ang saya kaya! Tama nga siguro sila. Third year talaga ang pinakamasayang year sa high school.


E, PJ!!! Kinakabahan ako kay Crush! Feeling ko may idea na siya na crush ko siya. Masyado na yata akong obvious. Kahit hindi ko yata sabihin, makikita mo na sa mga mata ko ang pangalan niya. Makikita mo rin sa mga smiles ko. Maaamoy mo pa nga sa pawis ko ‘pag PE time e. Hahahaha! Excuse me, mabango ako! At hindi ako defensive. Promise, hindi talaga. Anyway, ayun nga. Kasi naman… May katangahan akong nagawa nung third day ng exams. Waaaah! Sana nilamon na ako ng wall nun! Sobrang nakakahiya talaga. At panay ang alibi ko. Ganito kasi yun…

Edi masaya kami nina Trixie and other friends na nagre-review. Weird lang no? Nagre-review pero masaya. Hayaan na ang kaplastikan. Hahaha! Sumali si Crush, edi siyempre distracted ako. Pa-impress! Tuwing may tanong si Trixie, sagot agad ako. Mga 4 out of 10 naman ang tama. Pagpasensyahan, mahina ako sa chemistry. Kainis kasi si Crush, ang bagal akong ligawan. Ano daw??? Tapos, mahirap ang mga tinatanong ko sa kanila para kunyari nag-aral talaga. Si Crush sagot ng sagot! Take note, perfect!!! Sarap batukan e. Joke! Masyado akong naka-focus kay Crush noon. Feeling ko kaming dalawa lang ang nag-aaral. Wala akong pakialam sa maingay kong kaibigan na si Trixie. Ngiting-ngiti ako nang biglang mahulog ang phone ko dahil natamaan ng isang classmate ko ang upuan ko. Nagmamadali kasing lumabas! Ayun na! Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Nagulat ako ng sobra na nasigaw ko ‘yung name ni Crush! Sabi ko, “Ay, Crush!!!”. Siyempre, hindi Crush ang name ni Crush. Ginamit ko lang ang Crush para protektahan ang imahe ni Crush. Intiendes? Muy bien.

Initial reaction ni Trixie, “Ano?”. Ang dami ko nang sinabi na kahit ako hindi ko na naintindihan. Pero ayaw akong tigilan ni Trixie sa pang-aasar. Buking na nga yata talaga ako. Anong gagawin ko???! Si Crush naman, patay malisya! Akala mo walang narinig. Kinabahan ako nun. Pero ang mas weird pa, kinabukasan sumama siya sa amin sa gala sa SM. Kumain kami sa McDo. Hindi naman kami magkatabi kasi super obvious namang kami na. HUH??? Erase, erase! Magkaharap kami. Kasama naming sina Trixie and our other friends. Ang babaw ko, shit! Siya ang nagbukas ng catsup ko at naglagay sa tissue. Kinilig ako. Tapos ‘yun pala siya rin ang uubos! Badtrip!!! Pero kinapalan ko na ang mukha ko at doon na rin ako nagsawsaw ng fries. Sumama rin siya sa amin mag-videoke. SANA HINDI NA LANG! Lalo akong na-inlove!!! Kasi… Kasi… Ang sintunado niya kumanta! Ewan ko ba, PJ! Parang mas nadagdagan ang appeal niya sa akin. Ang lakas kasi ng loob niya na kumanta kahit alam niyang hindi maganda ang boses niya. Tapos panay pa ang ngiti. Whew!

Tapos ayun, sabay ulit kaming umuwi. Wala pang pila kaya nakasakay kami agad. Naging busy na ako sa pag-aaral pagdating ko sa bahay tapos nakatulog ako agad. Pagdating ko kanina sa school, diretso ako sa Principal’s Office para kuhanin ang mga gagamitin para sa flag ceremony like mic, radio, flag, etc. Wala pa ‘yung higante naming kasama sa student council para magbuhat ng speaker. Ang tagal naman kasi matapos nung stage namin kaya temporary pa lang ang sound system na ginagamit. Naghintay muna ako sa may maliit na stage pero 10 minutes na lang at flag ceremony na pero wala pa rin ang higante!!! Nagpanic na ako. Tumakbo ako pabalik sa Principal’s Office. Kahit ayoko, ako na lang ‘yung nagbuhat ng speakers! E ang bigat?!! Grabe, wala pa man din ako sa kalagitnaan ng nilalakad ko, pawis na pawis na ako. Super dyahe talaga kasi nilapitan ako ni Crush! Gusto ko sana bitawan yung speakers na bitbit ko para magpunas ng pawis pero baka naman masira pag nabagsak ko. Feeling ko lalong uminit lalo na nakita ko si Crush na bagong ligo. Ang bango niya!!! Manyak lang no?

Ang ganda lang ng bungad ni Crush sa akin! Ang sarap batuhin ng speakers. Sabi niya, “ O, ang aga-aga, haggard ka na agad.” WHAAAAAT??! Ilang beses nga akong naghilamos para matanggal ang mga blackheads ko tapos sasabihan niya ako na haggard?! Kainis lang! Nakakainis talaga. Natarayan ko yata siya kasi ang sabi ko lang, “Salamat ah.” Pero he still insisted on carrying the speakers. Hihindi pa ba ako? E ang bigat kaya! Try mo. Panay ang sorry niya sa akin sa may stage. Hay! Sana kinuha niya ‘yung mic tapos publicly siyang nag-apologize with matching pagluhod pa! Haaaay.

Umabot hanggang tanghali ang inis ko sa higante kong co-officer at kay Crush. Kaya naman hindi na ako sumama sa gala. Diretso uwi na ako. Kay Trixie lang ako nagpaalam at hindi na kay Crush. Malas pa, sa gitna ako ng FX napasakay tapos ang lalaki pa ng mga katabi ko. Halos makipaghalikan na ako sa bintana. Buti na lang nakatutok sa akin ang aircon kasi kung hindi, bababa talaga ako. Malas times two kasi SUPER TRAFFIC! Napakabagal ng andar namin. Napatingin ako sa labas. Hilig ko kasi ‘yun tuwing bumibiyahe kahit na familiar na ako sa lugar. Awkward naman kasi kung tingnan ko isa-isa yung mga katabi ko diba?

May isang lalaki ang biglang ngumiti sa akin. Nagulat ako. Ay! Kilala ko to! Na-recognize ko ‘yung dimples niya sa upper cheek! Siya ba talaga ‘yun?! Napangiti rin ako pero pilit. Kaso biglang umandar naman ‘yung FX. Kairita. Sarap batukan ni Manong. Pero, huminto ulit at nagkatapat na naman kami! Kung ano-ano nang expressions ang pinagagagawa niya. Hindi ko na napigilang matawa! Tinext ko siya – “Hoy, Crush! Adik ka ba?! Ang daming nakakakita sa’yo.” Aba, ang bilis ng reply – “Paki nila? Uy, nagalit ka yata sa akin kanina. Binabawi ko na, hindi ka na haggard. Gwapo ka na. Mas gwapo ka nga sa akin e.”

Nakatingin siya sa akin kaya naman pilit kong tinago ang pagkakilig ko. Baka bigla kong masiko ‘yung katabi ko. “Mas gwapo ka kaya” ANO DAW YUNG NI-REPLY KO?????!!! Sheeeeet, patay! Huli na! Bigla akong napatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang binabasa niya ang message ko sa kanya. Gusto ko nang iuntog ang sarili ko sa bintana kaso baka mabasag. Ayokong magbayad para doon. PJ!!! Hindi ko na kinaya ang reply niya.

“Ikaw ah. Crush mo ko, no?”

Anong gagawin ko??!! Maygaaaaaaaad!!! Pasagasa na kaya ako?! Waaaaaaah!! Sana lamunin na ako ng lupa! I’m so careless!!! Nakakainis!

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment