Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (07)

by: Lui

11/02/2008

O my God! Sorry na, PJ at ngayon lang ako nakapag-update rito. Alam mo na, ang daming happenings sa school. Since karamihan ng kasama ko sa council ay graduating, hindi sila ganon ka-focus sa mga extra-curricular activities. Ewan ko ba, bakit pa sila tumakbo kung ganon lang din pala? Diba? Nakakainis na nga kasi ako na lang lagi ‘yung may ginagawa. Around 8PM na ako nakakauwi almost every night dahil sa dami ng kailangan tapusin. Daig ko pa ang totoong nagtatrabaho diba? Pero kasi committed ako sa ginagawa ko kaya ganon. Pero ang daming nangyari for the past months! Pero yung recent na lang ang ikekwento ko sayo, since dun din naman ang bagsak nun.


So, you might ask kung kamusta na ako? Kahit hindi, sige sasagutin ko na rin para naman may masulat ako. Ilang buwan din akong hindi nakapagsulat dito. Okay naman ako. Masaya naman. Busy. Lalo na nung bago mag-sembreak kasi nagpunta ako sa Baguio for five days! Kasama ko yung buong council pati adviser namin. Plus may ilan pang mga volunteers. Nagkaroon kasi ng conference doon at, guess what, isa ako sa mga naging hosts! I represented the school! Siguro yun na ang reward sa akin kasi super effort ako talaga. Tapos yung mga iba naming kasama sumali naman sa different contests. Buti na lang talaga hindi ako nasali sa folk dance kahit anong pilit ni Kuya Pau! Ay, nabanggit ko na yung name niya. Hindi ‘yan si Crush ha. Si Kuya Pau ang, hmm, paano ko ba siya ipapakilala sa’yo? Basta, kaklase ko siya since first year. Close naman kami. Actually, ex siya ni Trixie. Malandi kasi ‘tong best friend samantalang si Kuya Pau, mukhang magiging valedictorian namin. Talino no? Siya mismo nakipaghiwalay kay Trixie kasi alam niyang makakasira yun sa pag-aaral niya. Pero pinapalabas ni Trixie na siya ang nakipag-break. Siyempre, sikat sa campus ‘tong malandi kaya ganon. Hinayaan ko na lang. Dun siya masaya.

You might ask, bakit Kuya Pau? Kung hindi mo rin tatanungin, sasagutin ko na rin para humaba pa ‘to. Hiya naman ako sa’yo, PJ! Halos lahat sa batch ay kuya ang tawag sa kanya. Hindi dahil mas matanda siya sa amin. Yung aura niya kasi parang kuya talaga. Pag nahihirapan ako sa Chem, sa kanya ako lumalapit. Tapos pag napapansin niyang lagi na akong wala sa classroom dahil sa council, pinapagalitan niya ako. Given na wala akong kuya, super appreciated ko siya and I consider him as my confidante. He knows my problems and all. Pero hindi niya alam yung about kay Crush. Parang nahihiya kasi ako sabihin sa kanya.

Bukod sa council, kasama si Kuya Pau sa trip to Baguio. Katabi ko siya sa bus. Nandun din si Trixie. At katabi niya si Crush! Okay, simula nung tinext ako ni Crush at pa-joke na nagtanong kung crush ko siya, medyo nailang ako. Swear! Pero hindi ko naman pinahalata, yun nga lang nabawasan yung time na kasama ko siya. Natatakot akong tanungin niya ako ulit ng seryoso. Baka bigla ko siyang mayakap. Hahaha!

Anyway, may kakaibang sweetness ‘tong si Kuya Pau. I mean, parang wala siyang paki kung lalaki ang kasama niya or what. Napansin ko rin yun sa iba naming kaklase. Minsan pag lunch break, may nakakandong sa kanyang kaklase ko. Straight ‘yun, I know it! Basta. Pero wala lang sa kanya. Tapos nung one time na natutulog ako sa desk ko, ihinilig niya ang ulo niya sa ibabaw ng ulo ko. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Tapos nag-uusap kami, sakto yung bibig niya sa tainga ko. Tinatanong niya kung may sakit daw ba ako pero sabi ko pagod lang. Sila pa ni Trixie nun pero hindi naman nagseselos yun. Duh?? Haha!

So, halos kalahati yata ng biyahe namin, tulog ako. Una, nakahilig yung ulo ko sa bintana. Talagang sinabi ko kay Kuya Pau na sa window seat ako uupo kasi nahihilo ako kapag hindi. Pero dahil paliko-liko ang daan, nauuntog ako. Kamusta naman?! Baka pagdating namin ng Baguio, may extra head na ako! Haha! Si Kuya Pau, bilang super sweet na nilalang, nilagay niya ang kamay niya sa pagitan ng ulo ko at ng bintana. O, akala mo sa balikat na niya ako matutulog no??! Hahahaha! Mamaya pa ‘yun. Joke! Haha! So, mas naging komportable na ang tulog ko. Nagising na lang ako nang kinukulit niya ako kasi malapit na raw kaming bumaba. Nag-thank you naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

Apat lang kada room ang pwede doon sa house namin sa Teacher’s Camp. Medyo creepy, ewan ko ba! Malas, hindi ko pa kasama si Crush sa room. Tsk! Sayang. Hahahaha! Oy, wala akong balak ha. Anyway, kasama ko naman si Kuya Pau. Diretso agad kami sa hall kung nasaan magmi-meet ang lahat ng delegates from different school ilang minutes lang bago namin maibaba ang mga gamit namin. Ipinakilala ako ng principal namin sa principal ng school kung saan nag-aaral ang makaka-partner ko sa hosting para sa third day ng conference na ‘to. Okay naman at medyo nagkakwentuhan. Nakita ko mula sa malayo sina Trixie na masayang nagpi-picture-an. Aba, kung makahawak kay Crush, parang linta! Malakas ang pakiramdam kong pinagseselos niya si Kuya Pau.

Hindi na worth writing ang mga sumunod na nangyari. Basta, nag-dinner kaming lahat sa food hall tapos bumalik na kami sa house para magpahinga. Maaga kasi ang opening ceremony kinabukasan kaya ayun. Si Kuya Pau lang ang kausap ko sa room dahil dalawang freshmen ang kasama namin na mukhang sumama lang para makaiwas sa klase. Pero members daw sila ng Dance Troupe. Nahihiya silang kausapin ako, or should I say natatakot kasi alam nila kung gaano ako ka-strikto. At dahil nga mga bata pa, masunurin. Nung sinabi kong matulog na sila, wala pang labinlimang minuto tulog na. Bale ang arrangement ng kwarto ganito. Isang double deck at tsaka dalawang single bed. Nasa double deck yung dalawang bata. Tapos tig-isa kami ni Kuya Pau ng kama. Kinatok muna kami ng adviser namin para i-check kung okay pa ba kami. Buti na lang talaga hindi sumama yung asungot na Math teacher namin na may crush kay Crush!

Nag-good night na ako kay Kuya Pau nang pinatay niya ang ilaw. Pero hindi ako makatulog. Iniisip ko si Crush. Kamusta kaya siya sa kabilang kwarto? Sana nandito siya para mayakap ko siya. Nilalamig kaya ako. Walang effect ‘yung kumot! Lumalandi na naman ako. Ang dami kong naiisip nun, PJ. Ano kaya kung sinagot kong ‘OO’ nung nagtanong si Crush kung crush ko ba siya? Magagalit kaya siya sa akin? O baka tawanan lang niya ako? Hay. Alam ko naramdaman niya ang pag-iwas ko sa kanya. Napansin ko kasi na tumityempo siya na kausapin ako ng seryoso pero mailap ako. Pa-girl? Nakakainis na ‘tong kalandian na ‘to. Pero kasi, PJ, nafi-feel kong magtatanong siya and natatakot ako! Kasi, kahit ganito ang sinusulat ko sa’yo (disclaimer: Seryoso ‘to. One sentence lang, pagbigyan.) Ayun nga, kahit ganito ang sinusulat ko sa’yo, sa totoo lang, hindi ko tanggap sa sarili ko kung ano ako.

Nasa ganyang state ako nang biglang nagsalita si Kuya Pau. He’s asking kung gising pa ako. Sabi ko, hindi na. Hahaha! Sabi ko sa kanya, nanaginip na ako na nasa beach ako at mainit dahil nakatutok sa akin ang sinag ng araw. Natawa siya ng slight kasi baka magising yung mga bata. Pero I doubt, grabe kasi yung isa humilik, daig pa ang tatay na manginginom sa kanto! Tapos… Tapos… Tinanong ako ni Kuya Pau kung nilalamig ba ako. Diba, napaka-caring niyang Kuya. Promise, kahit ganyan siya ka-sweet, hindi ako nagka-crush sa kanya. Sumagot ako ng oo. Nakatalikod ako sa kanya nun pero napaharap ako nang narinig ko yung ingay ng kama niya kasi inusod niya yun para magkadikit na yung kama namin. Tapos humiga ulit siya. Magkaiba naman kami ng kumot kaya PG-13 pa rin ‘tong post na ‘to. Nagkwentuhan kami sandali hanggang sa makaramdam na ako ng antok.

Nag-good night ako sa kanya for the second time around. Pero hindi na ako tumalikod ng paghiga sa kanya. Nakatagilid ako paharap sa kanya habang siya nakatihaya. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog nun, basta nagising na lang ako kasi sobrang nilalamig na talaga ako. Tinawag ko si Kuya Pau na mabilis namang nagising. Edi sinabi kong nilalamig ako. Ayun, parang automatic naman siyang bumangon saglit at in-extend yung arms niya para mailapit ko yung katawan ko sa kanya. (May damit kami, PG-13 pa rin :) ) Then, ito yung exact words niya using his husky voice — ” Hmm. Hug na kita para hindi ka lamigin.” Kamusta naman at malapit na sa kili-kili ni Kuya Pau yung mukha ko?! Pero okay lang, mabango naman siya. Tsaka si Kuya Pau naman siya! Humarap siya ng konti sa akin tapos hinanap niya yung kamay ko. Magkahawak kasi yung dalawang kamay ko dahil sobrang lamig talaga. Yung kumot namin, pinagpatong na namin. Sabi niya, “Akin na ‘yan.” So binitiwan ko yung hawak ko sa kamay ko (o diba, ang emo? Hawak ko sarili kong kamay.) Medyo rough yung kamay ni Kuya Pau, lalaking-lalaki lang? Hahaha!!

PJ, ang haba na pala! Hindi naman ako ganado no? Basta, first night pa lang yan ha! Marami pa! Pero nung gabing yan, si Crush ang napanaginipan ko. Parang naulit lang yung nangyari pero instead na si Kuya Pau, si Crush na yung katabi ko! Kilig to the… max! Akala mo kung ano, no?! Hahahahaha! Pero yung nangyari nung second night, medyo mabigat. Sa susunod ko na lang isusulat.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment