Tuesday, December 25, 2012

Prelude to a Kiss (08)

by: Lui

11/04/2008

Hi, PJ! As promised, itutuloy ko na ang kwento ko sa nangyari sa Baguio habang fresh pa rin siya sa utak ko. O diba, ilang linggo na ang nakaraan pero fresh pa rin siya. Well. Ganon talaga. Hindi pa ganon ka-busy sa school since first week pa lang namin after ng sembreak. Kadarating ko nga lang, in fairness, ang aga pa. 4:12PM pa lang. Achievement, PJ! After school, diretso uwi agad ako. As in, walang stopover kahit saan. So, eto na.


Madaling araw pa lang, lumayo na ako ng paghiga kay Kuya Pau kasi baka makita kami ng mga bata. Mahirap na. Madudungisan ang reputasyon ko. Hindi na rin ako nakatulog nun kaya naman lumabas na ako ng kwarto. Pero siyempre, naghilamos muna ako at nag-toothbrush no! Haha! Sa may hagdan lang ako umupo habang hinihintay ko sumikat ang araw. Napamura ako nang biglang may humawak sa waist ko! As in isang malutong na &#^@$*!! talaga! Hindi naman talaga ako nagmumura on a daily basis. Kapag galit lang at nagugulat. Halos malaglag ako sa hagdan, PJ! Hindi ko kasi alam kung tatakbo ba ako pababa o sasapakin ko yung nanggulat sa akin. Buti na lang nakahawak pa rin siya sa waist ko at mabilis na lumipad yung isa niyang kamay sa braso ko.

Kahit hindi pa 100% ang visibility ko dahil medyo madilim pa, kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Crush! Tsaka yung mga ngipin niya kasi hanggang batok yata ang ngiti dahil sobrang nagulat niya ako. Pero, PJ, buti na lang hindi ako napatili. HAHAHAHA!! Tinulak ko siya dahil sa sobrang inis. Lalo naman siyang natawa. Naka-jacket siya at jogging pants. Amoy na amoy ko ang naghahalong bango ng sabon at perfume. Ang aga naman magpapansin ng gwapong ‘to, kainis! Hindi pa ako naliligo!!! Hahaha!

Umupo siya sa tabi ko at ang una niyang sinabi sa akin — ” Ikaw ah. Hindi mo na ako pinapansin.” Ay nahulog ang puso ko! Nami-miss niya ba ako? Pero siyempre, patay-malisya muna ako at isang stupid na “Huh?” lang ang sinagot ko. Naman, Crush! Ang aga-aga!!! Anyway, so ayun na. Sinabi niya nga ang napansin niyang pag-iwas ko sa kanya pero panay naman ang deny ko. At ang showbiz na “I’m busy” ang tanging alibi ko. Kinakabahan ako niyan, PJ! Pero I pushed my luck and asked, “Bakit, miss mo na ako no?” Ewan ko, siguro dahil gutom na ako kaya kung anu-ano na ang lumabas sa bibig ko. At, ay shit talaga, hindi ko na kaya!! Isang mahabang “Hmmmmmm” ang sagot niya sa akin bago mabilis na ihilig ang ulo sa balikat ko. Na-feel ko sa leeg ko yung basa niyang buhok. Pero super bilis lang nun tapos tumayo na agad siya pabalik sa bahay.

Hay, PJ! Hindi ko alam kung nadala lang si Crush ng weather, kasi super romantic ng early morning na yun. With the chirping birds and the cool breeze. Weird no? Lalo akong naguluhan. Parang na-glue yata ako sa kinauupuan ko at hindi ako makakilos. Talaga bang ginawa niya yun sa akin? Bakiiiiiiiit???! I wanted to ask him kaso ayokong bigyang-kulay yun. Nakakahiya. Halos mapatalon na naman ako nang marinig ko ang boses. Pero this time, mula na sa loob ng bahay. Medyo sigaw ang pagkasabi niya — “Maligo ka na, ang baho mo!” Tapos isang malakas na tawa. Syempre, hindi totoo yun. Ang bango ko kaya! Kahit nagwawala na sa pagtibok ang puso ko, pumasok na ako sa loob at hinabol siya hanggang sa pinto ng kwarto nila. Pinalo ko siya sa braso habang wala naman siyang tigil sa pang-aasar sa akin. Natigil lang kami nang lumabas si Trixie sa kabilang room at nagreklamo dahil ang ingay namin. Hitsura niya! Hahahaha!

Wala namang nagbago sa amin ni Kuya Pau kahit na medyo super close kami kagabi. With that, I mean Kuya ko pa rin siya at hindi iyon nahaluan ng kung ano lalo na’t nangyari ang nangyari kanina sa may hagdan with Crush! Naka-school uniform kami sa morning session. During breakfast, magkatabi sina Trixie at Crush. Napagitnaan ako ni Trixie at ni Kuya Pau. Kaharap namin ang mga first and second year students. Tapos kahilera namin ang mga seniors. Wala akong gana, hindi ko matingnan si Crush e. Landi! Hahahahaha. Naging mabilis lang ang morning session pero wala akong naintindihan kasi occupied ako kakaisip sa ipinakita ni Crush sa akin kaninang umaga. Huwag green-minded! Adik. Haha!

Bumalik kami sa house after lunch para makapagpalit ng casual clothes. Mabilis lang akong nagbihis at nag-stay ako sa common area habang kausap ang ilang seniors. Lumabas si Trixie sa kwarto nila. Balot na balot, hindi bagay! Hahaha! Tumabi siya sa akin. Ilang minutes lang, naglalakad na kaming lahat pabalik sa session hall. Nakapulupot ang kamay ni Trixie sa braso ko. Nagtaka ako kasi parang may bumabagabag sa malandi kong best friend. Kaya I asked. Nag-alangan pa siya at nag-dialogue, “Promise, hindi ka magagalit sa akin. Bestfriends pa rin tayo ha.” Kinabahan ako. At pinagpawisan. Nakakapagod kasi ang paglalakad. Hahaha!

Ang daming tumakbo sa isip ko. Magko-confess ba siya na may pagtingin siya sa akin? Hindi ko yata kakayanin yun. My curiosity got the best of me kaya naman kinulit ko na siya. Bumulong siya sa akin. At gusto kong magpagulong-gulong pabalik ng Manila when she dropped the bomb — “Kami na ni Crush.”

Parang gusto ko siyang sampalin nang mga panahon na iyon at sigawan siya nang “HOW DARE YOU??! Akala ko ba kaibigan kita!”. Wala na ako sa mood noong afternoon session. The Great Pretender” ang drama ko! Syempre, ayokong ipahalata sa lahat na broken-hearted ako. I cried myself to sleep that night. Katabi ko si Kuya Pau pa rin pero hindi na ako lumapit sa kanya. Nagtakip ako ng unan sa mukha para hindi niya marinig ang pag-iyak ko. Ang sakit kaya, PJ. Wala na si Crush. Kinuha na siya ng bruha.

Somehow I felt comfort when Kuya Pau slid his arms to my body. Nagulat pa ako when he said — “Tahan na.” Pero opposite ang nangyari. Lalo akong naiyak. Haaaaay.

Kahit tanong ng tanong si Kuya Pau sa akin kung anong problema, ayokong sabihin sa kanya. Hanggang ngayon, PJ, ako lang ang nakakaalam. Hindi naman nagbago ang pakikitungo ko sa dalawa. Honestly, I saw it coming. And I know naman na imposibleng maging kami ni Crush. Siguro yung pag-lean niya sa akin nung morning na iyon, lambing lang yun. Wala namang rule na bawal maglambing ang isang lalaki sa kapwa niya diba? Tao lang din naman sila. Ang masama lang siguro, e yung bigyan ko ng kahulugan yung ginawa niyang iyon. It’s a friendly gesture, napansin niyang hindi ko siya pinapansin kaya kailangan niyang magpapansin. Haha! I’m happy for the both of them. I just have to move on. Erase, delete, i-recycle bin na si Crush!!! (sabay iyak :’( ) Hahahahaha!!

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment